Skip to content

Ang mga pinerwisyo ni Jason Ivler

Habang sinasakay sa police car si Jason Ivler, ang matagal nang hinahanap na suspek sa pagpatay sa dalawang tao, sabi ng isang pulis na halatang galit, “Maraming pinerwisyo ang taong ito.”

Talaga naman. Malaking dalamhati ang idinulot ni Ivler sa pamilya ni Renato Victor Ebarle, Jr., anak ni Undersecretary Ebarle sa Office of the President na kanyang walang pakundangang binaril noong Nobyembre. Noong 2004, napatay niya si Undersecretary Nestor Ponce, presidential assistant, sa isang banggaan ng sasakyan. Hindi niya napanagutan ang kanyang kasalanan kay Pnce dahil nagtago siya.

Malaki rin ang perwisyo ang idinulot niya kay Jason Aguilar, na magtatrabaho sana sa Qatar ngunit napagkamalan ng mga awtoridad ng Qatar na si Ivler. Bahagi kasi pagtutulungan ng international police ang pagtutugis ng pugante.
Kawawa naman si Jason Aguilar na nagkautang-utang para lamang maka-punta sa Qatar para mag-trabaho. Pagdating nya doon noong isang buwan, kunulong siya dahil napagkamalan na siya si Ivler. Isang linggo siya sa kulungan.
Biruin mo makulong ka sa isang lugar na ngayon mo lang narating.Walang lang kamag-anak at hindi mo pa alam ang salita. Napaka-traumatic yun.


Sabi ng Philippine Overseas Employment Administration, tutulungan daw nila makahanap ng ibang trabaho sa abroad si Jason Aguilar. Nagprotesta din daw ang pamahalaan sa Qatar.

Mabuti rin naman siguro yun kaysa walang ginawa. Ngunit mas maganda siguro kung tutulungan ng pamahalaan na makahanap ng trabaho si Jason Aguilar dito sa Pilipinas. Kaya lang naman nangingibang bansa ang karamihan ng Pilipino dahil sa walang makuhang magandang trabaho dito sa Pilipinas. Kung meron naman dito. Siguradong mas gusutuhin ng karamihan dito na magtabaho at nakakasama ang pamilya.

Dinala sa ospital si Ivler dahil nasugatan nang magtangka siyang lumaban sa mga pulis. Dalawa daw ang kanyang baril, at ang isa ay armalite.

Hinuli rin ang kanyang ina na si Marlene Aguilar Pollard, kapatid ng singer na si Freddie Aguilar. Sasampahan daw ng “obstruction of justice” at “harboring a fugitive.” Sabi ng isang kasama sa raid, itinanggi pa raw ni Marlene na nandoon si Jason samantalang doon natagpuan sa kuarto sa basement.

Ilang linggo matapos ang pagpatay ni Ivler kay Ebarle, lumabas si Marlene, na isang visual artist, sa TV at nanawagan pa kay Jason na mag-surender. Pagkatapos ng ilang linggo, sinabi niya na nag-email raw sa kanya si Jason at sinabing nasa Hawaii siya.

Mahirap nga siguro para sa isang ina ang magkaroon ng anak na sangkot sa krimen. Ang tulong na mabigay ni Marlene sa kanyang anak ay bibigyan ng abogado at hindi siya itatakwil sa ganitong sitwasyon.
Ngunit kailangan panagutan ni Ivler ang krimen na kanyang ginawa.

Published inAbanteMilitaryPhilippine National Police

64 Comments

  1. Mike Mike

    Sa tingin ko may sayad itong Jason Ivler na ‘to. Spoiled bratt pa. Dapat na magdusa siya at mabulok sa kulungan. At para naman sa kanyang Uncle Freddie, na kamakailan lang ay pinintasan si Charice at si Arnel Pineda, sino ngayon ang unggoy??? Malamang sa hindi, ay ang kanyang kapatid na si marlene at ang kanyang topakin na pamangkin na si jason Ivler. Beh buti nga!!! Unggoy!!!

  2. Mike Mike

    Tamang tama ang kantang ginawa ni Ka Freddie sa kanyang kapatid.. Nuong isinilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng mga magulang mo…. tsk, tsk… 😛

  3. 2 tao ang pinatay — just like that? Member siguro iyan ng Ampatuan clan.

    Re Ngunit mas maganda siguro kung tutulungan ng pamahalaan na makahanap ng trabaho si Jason Aguilar dito sa Pilipinas. Kaya lang naman nangingibang bansa ang karamihan ng Pilipino dahil sa walang makuhang magandang trabaho dito sa Pilipinas.

    Ellen, Hindi gagawin iyan ng gobyerno. Imagine, national income from human export earning the Philippines a kingly (not just ‘princely’) sum of $17.1 billion in 2009 or up 4% from $16.4 billion in 2008 remittances.

    Gloria’s govt needs to maintain its monthly export quota of around 100,000 bodies. Why, export to Saudia Arabia totaled 900,300 in 2009 alone! Every single working body must be exported at all cost — that’s this govt’s motto.

    So, don’t expect govt to find work for Aguilar. Govt needs to achieve its quota of export particularly at a time when HSBC is predicting that RP will post slowest growth in the region because of poor export! Hah!

  4. olan olan

    Kung nagkasala dapat lang panagutan. Pero kailangan ba malakas ka sa gobyerno o mapera ka bago ka maka-asa ng hustisya dito sa ating bansa?

  5. Mike Mike

    Poor Jason, he only knew of his crime when he arrived in NAIA when members of media told him about it. He was locked up for several days in a jail in Qatar and he was totally clueless why he was arrested and jailed. What’s worse is the Philippine embassy there didn’t even give him any support. Hayyyyy………!!!

  6. What’s worse is the Philippine embassy there didn’t even give him any support. — Mike

    Really? And they exist thanks to the remittances of these OFWs? Despicable behaviour!

  7. Mike Mike

    Yes Anna, heard it on the news. The DFA admitted that they didn’t know that this poor fellow was arrested for mistaken identity. I think they only knew about it in the news. 😛

  8. Mike Mike

    Jason Ivler is a former US Special Forces agent in Iraq??? Baka naloko nung na-destino sa Iraq. Naging praning. 🙁

  9. chi chi

    Ngayon na nahuli na ang nagpatay sa mga espesyal na tao, hulihin naman ninyo ang pumapatay sa mga ordinaryong tao!

  10. rose rose

    puede bang mag sue against the gov’t si Aguilar for the mistaken identity? dapat tulungan siya ng gov’t…ano ba Ms. Putot?

  11. Valdemar Valdemar

    Pagmalapit sa mga makapangyarihan ang naapi, the full force of the law is used on it. Kung iba, maliliit pa, this full force will be even used against them.

    Kung mga surrenderers from the other side of the law ay bininigyan ng rewards, why not start an SSS pension for Jayson Aguilar basing on his current salary.

  12. Freddie Aguilar’s classic hit” Anak” becomes more meaningful with his sister, Marlene, embroiled in her son’s attempt to evade the law.

    Nang isilang ka sa mundong ito
    Laking tuwa ng magulang mo
    At ang kamay nila ang iyong ilaw
    At ang nanay at tatay mo’y
    Di malaman ang gagawin
    Minamasdan pati pagtulog mo
    At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
    Sa pagtimpla ng gatas mo
    At sa umaga nama’y kalong ka
    Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

    Ngayon nga ay malaki ka na
    Nais mo’y maging malaya
    Di man sila payag
    Walang magagawa
    Ikaw nga ay biglang nagbago
    Naging matigas ang iyong ulo

    At ang payo nila’y sinuway mo
    Di mo man lang inisip na
    Ang kanilang ginagawa’y para sa iyo
    Pagkat ang nais mo’y
    Masunod ang layaw mo
    Di mo sila pinapansin

    Nagdaan pa ang mga araw
    At ang landas mo’y naligaw
    Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
    At ang una mong nilapitan
    Ang iyong inang lumuluha
    At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
    At ang iyong mata’y biglang lumuha ng di mo pinapansin
    Nagsisisi at sa isip mo’y
    Nalaman mong ika’y nagkamali
    Nagsisisi at sa isip mo’y
    Nalaman mong ika’y nagkamali
    Nagsisisi at sa isip mo’y
    Nalaman mong ika’y nagkamali
    Nagsisisi at sa isip mo’y
    Nalaman mong ika’y nagkamali

  13. Wish I knew the tune of this song…

  14. pranning pranning

    19 January 2010

    Regarding the case to be filed by the government against stephen pollar, as they say he has immunity. Can the DFA check what type of passport he is using?if that is an ordinary passport, whether he is a top consultant of the ADB, he is not covered by the immunity this idiots kept on screaming about.

    FYI, most of the ADB consultants are not using diplomatic passports – that’s why they are consultants – if that is the case then the government and Ebarle, Sr. can include pollar for obstruction of justice.

    To MArlene Aguilar, the lady who cried wolf!!!!! stupid is as stupid does.

    prans

  15. Golberg Golberg

    Sayang ang katapangan, ginamit sa maling paraan.
    Yung mga ganito, dapat tipunin at ipadala sa Mindanao.
    Iharap sa mga private armed group. Swabeng swabe ang tapang nila. Dahil doon talaga masusubok iyon.

  16. Grabe, napanuod ko sa news yung barilan… nakakagulat ang reaction nung nanay nya na nakaupo lang sa isang tabi habang nakikipagbarilan ang anak nya… Pareho atang may sayad sila.

  17. christian christian

    tama lang na mahuli ss Ivler para magbayad sa kasalanan niya, pero bakit ang mga witnesses sa joc Joc bolante fertilizer scam na sina Marlene Esperat at Teofilo Mojica na pinatay sa harap ng kanilang pamilya at loob ng bahay nila noong 2005 at 2008 ay hindi pa nahuhuli ang mga salarin hanggang ngayon, ganun din ang mga pumatay kay Alexis Tioseco at girlfirend niya ay hindi pa rin nahuhuli?
    bakit hindi mahuli mga pumatay sa witnesses at marami pang iba? dahil ba sa ang mga salarin ay goons ni gma mismo?

  18. jonas m jonas m

    Sabit rin ang nanay ni Ivler. She fooled the authorities by not cooperating.

  19. Golberg Golberg

    Bakit nga ba ito nahuli?
    E yung mga mas malaki at mas malala ang kasalanan sa bayan?
    Aba e ang sarap ng mga buhay sa labas ng mga bahay.

  20. Mike Mike

    “Wish I knew the tune of this song…” – AdeBrux

    You can listen to it at youtube.com. Just type Anak Freddie Aguilar

    It was a very nice song actually and has won several awards internationally.

  21. MPRivera MPRivera

    Itong si Marlene, nanay ni Ivler ay dapat patawan ng parusang katulad ng ipapataw sa anak dahil sa pagtatago sa kanya kahit alam niyang murder ang kaso, hindi obstruction of justice lang. Para matauhan ang ganitong uri ng mga magulang na kunsintidor sa mga pasaway na anak. Kasuhan din ng illegal possession of firearms dahil mismong sa bahay niya nangyari ang engkuwentro na piangtaguan sa anak niyang sira ulo.

    Ano ngayon, Kaka Freddie? Sino ang unggoy?

  22. Bonizal Bonizal

    ilang taon ka na adebrux? hindi mo alam ang “anak” ni freddie aguilar? grabe.

  23. Bonizal, Anna is a Filipina based in Europe. She has been there for many years.

  24. Bonizal Bonizal

    if she was born and raised there eh ok lang i understand (pero sumikat din sa europe ang anak lalo na sa germany). thanx for the info mam ellen.

  25. MPRivera MPRivera

    Bonizal, does it matter kung hind alam ni Anna ang kantang ‘yun?

    She’s just being honest and true to herself and all of us here. too.

  26. Bonizal Bonizal

    nagulat lang ako sadik mprivera, ang alam ko kasi eh halos lahat ng pinoy eh alam ang kantang “anak”. pasencya na po.

  27. tru blue tru blue

    Not too many Noypis watch wawaweee either. I’ve been asked that many times over; I watched three Saturday wawawees some three years ago and it’s NOT FOR ME.

    Even other educated people asks? where’s the Philippines? I don’t blame them.

    Even Sarah Palin who ran for US Vice president; when asked early on, what does a VP do; she had no CLUE.

  28. Thanks, Ellen and Magno.

  29. Bonizal, hindi lahat ng pilipino alam ang kanta iyan. Kung classic iyan in 1971 or 1972 siguro puwede nadinig ko na pero hindi ko ma-recognise lang.

  30. jansen jansen

    Kunsintidora ang bruhang ina.. mahal daw niya ang anak niya, kaya tino tolerate niya lahat ng kasamaan.. kaya hayun..nakapatay.. siya din ang nagtulak na maging kriminal ang anak niya. At ang bruha.. galing umakting.. pa cry cry pa… dapat managot din siya… kung ano ang values at character ng anak niya, siya ang gumawa non.. walang disiplina
    nandamay pa ng mga inosenteng tao…. dapat mabulok silang mag-ina sa kulungan. Di ba nila alam na umiiyak din sa dalamhati ang mga ina ng napatay ni Ivler (as spell backward.. EVIL).

  31. Ellen, Did he compose that song because of his nephew?

  32. Thanks, Mike for the link. Must admit that my knowledge of Philippine musical (other areas too) culture is dicey. 🙂

  33. Mike Mike

    It’s never too late to learn Anna. Everything we need or wanted to learn is free, thanks to the internet. 🙂

  34. MPRivera MPRivera

    Maaari ding ang kantang Anak ay nilikha ni Freddie Aguilar batay na rin sa kanyang buhay.

  35. It’s never too late to learn Anna. Everything we need or wanted to learn is free, thanks to the internet.– Mike

    Right on! I do believe that we can only learn so much. Given the little time we all can devote to discovering things, I feel there are things that one need not be obliged to learn.

    Philippine entertainment scene in general is frankly not my favourite part of the Philippine culture.

    Would rather devote what precious spare time I have to other cultural stuff, e.g., Philippine antique primitive art of which I like to collect (from North to South), local historical artifacts which I like to know more of, local customs and traditions which I love to discover, all in person (in situ if and when possible) and not just through the net…etc.

    But to be perfectly honest, local entertainment scene and artists leave me cold. (Same is true where I sit.)

  36. Manila or metro-Manila is my least favourite town in the Philippines and whenever I visit as a tourist (which is frankly not often at all), I prefer to spend time in the most remote places in the country with the locals (anywhere from North to South except Manila).

  37. And frankly, I prefer to visit places that don’t play saccharine music all the time and where there aren’t hordes of tourists… 🙂

  38. Magno,

    Right you are. The wiki entry says just that. He wrote it because he was a prodigal son.

  39. Malapit lang dito sa amin nakatira noon si Ka Freddie. Malapit sa basketball court sa Sanchez St. Maaawa ka sa bahay niyang parang di mo kayang tirhan. Una kong napanood sa Molave Country Folkhouse sa kanto ng Buendia at Roxas Blvd. kung saan din nanggaling si Richie D’ Horsey at Norman Mitchell.

    Yung kantang “Anak” para yata kay Kris Aquino yun e.

    “…At ang una mong nilapitan
    Ang iyong inang lumuluha
    Na ang tanong ‘Anak,
    Ba’t ka nagpa-ganyan?’…”

  40. Bonizal Bonizal

    konting trivia lang po sa “anak”:

    * naging official entry cya sa 1st metropop (metro manila music festival) noong 1978 na cyempre ang umawit at gumawa ng kanta na si freddie aguilar (na naka sequin jumpsuit at sumbrero with elevator shoes).

    * naging instant favorite ito sa metropop pero hindi nanalo. ang nanalo ay ang “kay ganda ng ating musika” ni ryan cayabyab na inawit naman ni hajji alejandro. pati nga si first lady imelda marcos na organizer ng metropop ay nagustuhan din ang awit ni freddie.

    * pagkatapos ng metropop ay naging hit na sa radio at unang naging international hit nito ay sa japan na kapalit daw ng voltes v theme na naging hit dito sa atin.

    * and the rest is history.

    base lang po yan sa naalala ko noong high school ako.

  41. Mike Mike

    Thanks for the trivia Bonizal, “Kay Ganda Ng Ating Musika” is also one of my favorite back then. I think it also became the “national anthem” of Metropop. It’s always being played during every Metropop awards night. I think.

    http://www.youtube.com/watch?v=t6MixeXSX5g

  42. MPRivera MPRivera

    Freddie Aguilar was once a member of a band composed of military personnel in Fort Magsaysay. Dati siyang trainee sa Army bago pa man siya pumalaot sa larangan ng musika.

  43. MPRivera MPRivera

    Aguilar’s compositions like Anak and Alaala ni Ama (not so sure of the title) may have inspired his nephew, Jason kaya lumaking hindi lang sutil kundi isang pasaway na kriminal.

    Mula pagkabata ay nagbago ang kanyang kapilyuhan sa pagiging pusakal na kriminal.

  44. Mas mukhang magaling yung Ivler kesa doon sa mga NBI operatives. Kitang-kita sa video yung isang NBI na alahoy yung pagbaril. Walang nakikitang target, ipinutok malapit sa ulo nung nasa harap niya, tapos napindot pa yung magazine release button kaya nalaglag yung magazine. Hanapin ninyo yung video, kanina ko lang napansin.

    Personal experience ko ‘yang may nagpaputok ng baril sa tabi ng tenga ko habang tinatakot yung mga youth gangs na nagra-rambol. Ilang taon kong ininda yung whistle sa kanang tenga ko at nang gumaling, mas mahina na ang pandinig kesa sa kaliwa.

  45. Walang nakikitang target, ipinutok malapit sa ulo nung nasa harap niya, tapos napindot pa yung magazine release button kaya nalaglag yung magazine.

    🙂 🙂 🙂 🙂 🙂 🙂 🙂 🙂 🙂

    Hindi ba pareho ng film ni FPJ (“NBI” na ni-rent ko in 2004 para makilala si FPJ)? : -) :- )

    Buti pa pala ang Navy Intel headed by Eddong Santos (one of the best shots the military ever had) under FOIC Billy Marcelo (alam ni Henry yan) when they cornered Popoy Lagman — magazine remained intact!

  46. chi chi

    Hindi mo ba napansin, tongue, kung nakapikit pa ng tumarget? Ano ba yan, hahaha!

  47. MPRivera MPRivera

    Tongue, akala kasi ng eydyent na ‘yun, auto lever ‘yung napindot niya. I-ootomatik ‘ata ‘yung baril niya, magasin rilis naman ang napindot. Sa nerbyos.

  48. What has happened to Marlene Aguilar-Pollard? She is defending Mayor Andal Ampatuan, Jr. She said during her overnight stay at the NBI, she met and be-friended Ampatuan, Jr.

    She said Ampatuan was a “kind” man and asked the public to withhold judgment of the man who is accused of killing 57 people.

    Jesus!

  49. Mike Mike

    Ellen, may sayad yata ang mag inang yan. Dapat yata sa mental dapat ipasok ang mga yan. I heard in the news awhile back that the NBI is looking into the possibility of also charging Freddie Aguilar too, the NBI said that Freddie could’ve known and was also hiding his nephew when Ivler is still a fugitive.

    Ivler is also a rapper and produces his own “hate” music. heres a link on youtube:

    http://www.youtube.com/watch?v=BwMxpNxvJk8

  50. Mike Mike

    “”I have written two novels writing about espionage and the ugliness of America’s killing machine. Three days before my book launching, my son is supposed to be involved in a shooting incident and then two days later, there’s massacre in Mindanao. I think it’s connected,” she claimed.”
    – Marlene Aguilar-Pollard

    Anak ng tipaklong, may sayad nga!!! 😛

  51. Mike Mike

    Parang sabog kung kumanta, dapat pa drug test sya. 🙂

  52. Golberg Golberg

    Nung una kong makita sa TV itong si Marlene matapos ang pamamaril ng anak, alam ko ng may karga ito.
    Ayung nagladlad na rin ng sayad!

  53. Mike Mike

    Sabi ni mommy Marlene, ang talagang pumatay kay Ebarle Jr. yung body guard nilang Briton. Si-net up lang day sila ng body guard si Jason. Anak ng.. ☹

  54. chi chi

    Sabog a! Walang binatbat si Marlene kay Donya Dionisia, gusto pa yatang humabol sa kasikatan ng mader ni Mani. Si Dionnie maayos ang pagkapalaki sa mga anak (ayon sa naglalabasang ulat), si Marlene ay mismong sya ang sabog. May pagmamanahan nga si Ivler.

  55. MPRivera MPRivera

    Baka nag-ecstacy kaya sobrang ilusyon ang iniaarte’t siniasabi.

    Pero para sa akin, wala naman siyang sayad. Katulad lang ni brenda, may tililing sa utak!

  56. From Teddy:

    Ang nangyari po kay jason ivler ay dapat din po nating kapulutan ng aral. Kung ating papansinin, ang mga naging biktima nya ay hindi mga ordinaryong mga mamamayan lamang.

    Sa biglang tingin masasabi natin na napakaangas naman yata talaga nitong jason na ito dahil, agad ay ginamitan nya daw ng dahas ang kanyang mga nakakabanggga sa lansangan.

    Hindi rin po natin alam kung bago niya ginawa ang mga bagay na iyon ay kung may mga pangyayari ba na nag udyok sa kanya upang gawin ang pagbaril sa mga biktima. Siya at ang mga biktima lamang ang nakakaalam non.

    Batid naman natin na hindi lamang si Ivler ang siga ng lansangan. Ang iba nga, kamag anak lamang ng kapitan sa barangay ay akala mo hari na rin kung umasta. Ano kaya kung anak ka pa ng nanunungkulan sa mataas na posisyon ng gobyerno.

    Dapat nating malaman na si Jason ay laking Amerika na kung saan ay disiplinado ang halos lahat ng mga nagmamaneho dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.

    Sa ating bansa lalo na sa Maynila ay sadyang laganap ang kawalang disiplina ng mga nagmamaneho lalo na ang mga jeepny at bus drivers. Ilang buhay ba ang nakasalalay sa kanilang mga kamay?

    Marahil nagkaroon ng karanasan itong si ivler sa ganitong mga abusadong drivers na natanim sa kanyang isipan na nag udyok sa kanya upang mapoot sa mga abusadong nagmamaneho.
    Sana ang mga abusadong driver na ito ay hindi na makatagpo ng isa pang Ivler.

    Tungkol naman sa inang si Marlene, ang labis na pagmamahal sa anak ay lalong nakasasama. Kung agad sana niyang isinuplong ang anak disin sanay di humantong sa lalong komplikadong sitwasyon ang kanilang kalagayan. salamat po.

  57. He has suffered a psychological disorder because he was in military and killed people in Iraq.

Comments are closed.