Skip to content

Biyahe sa panahon ng terorismo

Maayos ang Philippine Airlines Flight 103 na galing Los Angeles, California kahit na dalawang toilet lang ang nagagamit dahil sira ang dalawa.

Mabusisi lang ngayon ang security check sa mga airports sa U.S dahil sa nangyaring pagtangka na naman ng Al Qaeda na magpasabog ng isang American na airline sa araw ng Christmas noong isang buwan.

Nahuli si Umar Farouk Abdulmutrallab, 23 taong gulang na Nigerian, sa Northwest Airline flight na nanggaling sa Amsterdam patungong Detroit ng may umusok sa kanyang katawan. Mabuti naagapan. Nakakulong na siya ngayon ay nakaharap sa maraming kaso.


Dahil dito, sobra istrikto ulit sa mga flights patungong U.S. Parang katulad ng pagkatapos ng pagpasabog ng World Trade Center noong Septyembre 11, 2001.

Akala ko yung papuntang U.S. lang ini-istrikuhan pero apektado na rin pala lahat na flights kahit ang paalis sa U.S. Inabot yata ako ng mga 40 minutos ng pila sa security check, yung papunta na sa Gate mo para mag-board. Tinitingan talaga lahat na travel document. Nagdagdag ng tao para mag-inspekyun ng mga dokumento nang sobra na ang tagal namin sa pila. Ang ibang pasahero medyo tense na. Yung sumusunod sa akin, 8:50 p.m. ang flight niya (9:15 ang aking PAL flight) . Sa oras na yun, sa pila pa rin siya.

Nakaka-tense pa kasi merong sandali na tumunog ang alarm bell at sinabi sa lahat na walang kikilos at huwag lumapit sa X-ray machine at conveyor. Parang estatwa kami lahat. Pagkatapos ng ilang minuto nag-signal ulit okay na. Kilos na lahat. Para ngang statue dance.

Nang dumaan naman ang aking handcarry bag, tinanong kung kanino yun at sinabi kung akin. Binuksan nila. Dapat pala kasi inilabas ang laptop at lahat na electronic gadgets at ilagay sa tray. Nang papunta kasi sa LA, nasa loob din yun ng aking handcarry bag at hindi naman ako tinanong.

Pagkatapos nila tiningnan, okay naman. Nakita nila siguro sa loob ng aking bag ang tatlong pirasong siopao na ginawa aking kapatid at ipinabaon sa akin ng ang sister-in-law.Akala kasi namin maghihintay ako ng matagal dahil maaga kami umalis sa Riverside. Ang haba ng pila sa check-in. Pagkatapos ma –timbang ng Philipine Airlines ang bagahe, ang pasahero ang magdadala sa security check . Panibagong pila na naman yun.

Tinanong ko ang isang ground assistance sa security check kung okay lang na ni-lock ko ang aking mga maleta. Tanong niya, may candy ba sa loob. Sabi ko “Oo.” Medyo worried ako dahil marami nga akong dalang tsokolate pampasalubong. Di ba lahat naman tayo ganun.

Sabi niya, “Oh we have to open that because I’m hungry.” Siyempre nagbibiro lang siya. Sabi niya okay lang na ni-lock. Tawagin lang daw ako kapag may nakita silang problema sa aking luggage.

Hindi naman ako tinawag kaya okay naman.(Pagdating sa Manila, naalis ang lock ng isang maleta ko ngunit wala naman nawala.) Ngunit may isang pasahero na may problema ang kanyang bagahe. Papasok na kami ng eroplano. Kailangan siyang magpa-iwan dahil hindi na siya hihintayin ng eroplano.

Sa panahon ngayon ng terorismo, kinakailangan ang ganitong pagbusisi para maging ligtas ang biyahe. Kaya kailangan maaga mag-check in.

Published inAbanteTravel

24 Comments

  1. Same here… we cannot lock our luggage anymore.

    And I really don’t mind…

    But fortunately there’s no let up in travel here — mustn’t and cannot surrender to terrorists.

  2. Mike Mike

    Just came back from HK recently and didn’t experience what Ellen did. I guess this only concerns US flights. I agree with Anna here, “mustn’t and cannot surrender to terrorists.”

  3. chi chi

    Matagal na silang nagbubukas ng bagahe. Bukas ang maleta ko pagkuha ko sa baggage claim area nung umuwi ako ng 2004, walang nawala kundi ang sinturon ng maleta na maganda bili ko pa sa Copenhagen. Tinamad na sigurong isinturon uli sa maleta.

    Wala akong kieme pagdating sa airport security. Once nakapila na ako ay tanggal na ang sapatos at walang abubot na kwintas, earrings, relo at coins (sa bulsa). Saka hindi ako nagba-backpack gaya nung dati, mainit yata sila sa ganyan.

  4. Tedanz Tedanz

    Wala iyang mga experience niyo kung higpit din lang ang paguusapan. Itanong niyo sa mga nagtatrabaho sa Saudi? Kung ang mga airport pulis nila ay may duda sa dala-dala mong maleta … siguradong lalaslasin nila. Minsan pati walet mo pinagdidiskitahan. Pati mag-ingay bawal.

  5. baguneta baguneta

    Ellen, nagustuhan ba ng hipag mo yung kimona? Inamin mo ba na nakipagtawaran ka sa Divisoria para duon? He he he biro lang.

  6. Bobitz Bobitz

    TIPS FOR YOUR LUGGAGE:
    You can Padlock your baggage, just use TSA padlock..nabibili yan sa airport or kung nasa USA meron sa Rite Aid pharmacy. May tatak siya from the bottom of the lock “TSA” …lahat ng airport TSA manager ay may Master key .,at sila lang ang puedeng magbukas ng maleta mo with 3 personnel (Supervisor level ) presence,…Kung may problem sa baggage mo authorize silang buksan hindi na kailangang tawagin ang may-ari ng bag…Just in case na-open nila ang maleta mo they will lock it again and put a small note na nabuksan ang baggage mo…
    Minsan tinatanong ng security kung TSA ang padlock mo, kung hindi TSA ,they will tell you to remove the lock ,or unlock it ,,,Believe me , they will not lock it after inspecting your luggage…kaya mag fiesta ang mga bwitre sa NAIA pag dating ng bagahe mo….!

  7. Thanks Bobitz. I’ll look for it here in the Philippines.

  8. chi chi

    Thanks, Bobitz. That’s a great tip.

  9. Baguneta re #6. Yes, tuwang-tuwa naman sila. Hindi lang nagkasya ang isang barong.

    I attended one simbang gabi( 3 pm at St. John’s Catholic church in Riverside) and a midnight mass (9 pm) in Beaumont sponsored by the Fil-Americans and many were wearing Philippine dress.

    Wow, bilib naman ako. They can wear that in that cold!

  10. Re #3. Same thing here, Chi. I don’t wear jewelry when traveling. Istorbo lang. I had a friend na mahilig sa mga bling-bling. Everytime she goes through security check,tumutunog ang alarm.

  11. chi chi

    Ellen, a Cebuana cousin-in-law of mine is so into jewelry. Minsan, kagulo na ang mga guards sa security check dahil sa alarm na sunod-sunod ay wala siyang paki at pakendeng-kendeng pa. Inabot ng isang sekyu at sinasabihan pero no kwidaw siya…kasi bingi, hehehe. She can read lips pero baka masyadong mabilis ang salita sa kanya.

    Buti na lang nakita ko dahil dadalhin na sana sa interrogation room. I informed the security that she’s deaf, lost her hearing totally when she’s in high school. Meron pa kunwari na hearing aid, wala din naririnig, isa pa yata na nag-cause ng alarm yun. Ang nangyari, yun pang security ang nag-apologize, hahaha!

    When I asked why she forgot all about the airport security regulations while she’s an employee of the United Airlines, ang sagot e: “I just got a call from my boss promoting me”. Oo nga naman, sino ba ang hindi makakalimot sa sarili, hehehe.

  12. rose rose

    na detain ako minsan sa Seattle, noong pinasabay sa akin ng isang kakilala ang dalawang anak ages 7 and 9 pabalik sa US..hindi ko alam na naging “illegal pala ang mga bata”..noong tinanong ako kung may mga papeles ako tungkol sa pagsama ng mga menor na edad..wala..kasi pinasabay lang sa akin..dinala kami sa security..naiwan ako ng eroplano..it taught me a lesson..”huweg maging mabait…
    ..minsan naman inusisa ang maleta ko at isa isang binuklat sng mga dala ko..ang hirap magbalik sa maleta…sabi ko nga sa isang tia..what was once upon a time apleasure trip” is now a “Pressure trip..”

  13. rose rose

    maitanong ko lang..pag si putot ba o ang kanyang alipores magbiyahe..are they checked..alam ko mayroon silang “diplomatic immunity” pero para sa akin mas delikado sila at dapat bantayan kung ano ang mga dala…malay natin may baril or mga armas sa maleta..

  14. chi chi

    rose, what happened to the kids?

  15. rose rose

    Chi: they wanted to deport the kids but after talking to the mother (who was in JC) at nangako ako na I will handover the kids to her at arrival sa Newark..Na VIP treatment tuloy ako pagdating ko sa Newark..I wss met by the Immigration officers as I got out of the gate…and escorted hanggang sa naapot ko sila sa Nanay nila..
    ..grabe talaga ang security sa NWK kasi yong mga nagbomba ng WTC ay dito sa NWK sumakay…

  16. rose rose

    corr: naabot ko sila..dito mahigpit pa kasi sa latest attempt ng isang terrorista na galing sa Africa..

  17. florry florry

    Ellen, you’re still I would say lucky. You only wasted 40 minutes. In other airports passengers have to wait for hours and planes leave the airport half-empty because passengers are still in line waiting to be checked-in and inspected.

    I heard there’s also a plan to use a machine to scan all over a passenger’s body but not yet in use because of what they say violation of privacy. Imagine passing thru that machine and you will be seen on your birthday suit and all your private “equipments” can be clearly seen on a computer screen by the scanner.

    Isn’t that embarassing?

  18. Re: I heard there’s also a plan to use a machine to scan all over a passenger’s body

    It’s already in use in some airports in Europe, in the Netherlands and also in the UK.

    From what I have seen, the private parts are not “illustrated” per se as in a photo (just the shape)… body scanners scan metallic parts that may be hidden — I suppose the machine goes bonkers if there is a metal plate inside your body.

  19. So if a guy’s private reproductive part is not made of metal, it doesn’t quite show the said body part distinctly.

  20. I personally don’t find it embarassing — people don’t really think much of it; in a busy airport, nobody pays attention to a private part’s shape nor the size of a particular body part… I don’t think the officer who is focused at the scanner has barely the time to even make an opinion on whether the shape of a person being scanned is pretty, ugly, fat thin or whatever.

  21. Ooops, “I think the officer who is focused at the scanner has barely the time…”

  22. florry florry

    Oh yes, it’s already in use even in Canada, but not over here – as yet.

  23. So if a guy’s private reproductive part is not made of metal, it doesn’t quite show the said body part distinctly. – Anna

    But silicon implants will show. I imagine the naughty operators’ giggle and chuckle at the sight of x-ray images of penile extensions, bust/butt enlargements, etc.

Comments are closed.