Paano ko kaya ipadala itong nabili kong body wash kay Gloria Arroyo?
Maganda itong body wash dahil nakalagay, “Village Naturals Green will leave you with a clean body and conscience.”
Tuwang-tuwa ako sa produkto na ito. Biro mo, hindi lang katawan ang nililinis nitong body wash (tubig na sabon). Pati konsyensa. Gusto ko pa sana kumuha ng marami at ibibigay ko sa mga congressman at mga opisyal na walang habag kung mangurakot ng pera ng taumbayan. Para naman malinis ang kanilang konsyensa.
Mura pa naman itong Village Naturals body wash. $0.49 cents ko lang nakuha sa clearance sale ng “Ross for Less” sa Riverside, California. Parang P23 lang. Kaya lang nag-iisa lang e . Kasi clearance sale nga.
Kaya lang, may konsyensa ba si Arroyo? Noong Disyembre, nagtanong ako sa Facebook kung ano ang maganda regalo kay Gloria Arroyo at marami ang nagsabi na “konsyensya” dahil wala daw siya nun.
Kasi kung may konsyensya siya paano siya makatulog sa maraming taong naperwisyo niya para lamang manatili sa kapangyarihan.
At kung meron man, alam naman natin na milagro ng Panginoon ang kailangan para malinis ang kunsyensya ng isang tao. Kaya nga natatawa ako sa pambobola ng Village Naturals body wash. Alam ko naman na hindi totoo. Kaya bagay na bagay kay Gloria Arroyo.
***
Maling-mali talaga ang Cebu Pacific sa ginawa sa mag-inang Alcantara noong bago mag Pasko.
Ayon sa report, noong Disyembre 23, nakasakay na sa Cebu Pacific na papuntang Hongkong si Maritess Alcantara at ang kanyang 14-taong gulang na anak na si John Arvin ng pinipilit silang pinapababa ng crew dahil policy daw ng airline na hindi sila maaring magpasakay ng dalawang tao na may sakit sa pag-iisip. meron na raw kasi isang pasahero na may Down syndrome.
Sabi ni Maritess ang anak niya ay “special child” ngunit walang sakit. Mga isang oras din ang kanilang diskusyon at pumayag na rin ang Cebu Pacific. Ngunit siyempre na stress out na ang mag-ina at ipinahiya pa sila sa ibang pasahero.
Humingi na ng paumanhin ang Cebu Pacific. Hindi daw masyadong nain-tindihan ng nasabing crew ang policy ng airline. Ngunit itutuloy pa rin daw ng mga Alcantara ang kanilang kaso laban sa Cebu Pacific.
Galit si Commission on Human Rights Leila de Lima at sinabi niya labag sa batas ang ginawa ng Cebu Pacific. Sinabi niyang nakasaad sa batas na bawal i-discriminate ang may mga kapansanan.
Mahina talaga ang serbisyo ng Cebu Pacific. Hindi nga totoo ang sinasabi nilang murang-murang pamasahe (P1 ba yun?) dahil babayaran mo rin naman ang taxes at kung ano-ano pa. At talaga naman, lahat binebenta sa loob ng eroplano. Hindi ka pwedeng humingo ng libreng tubig. Bibili ka.
Minsan, nagkamali ankung nakasama sa check-in ang aking shawl. Gininaw ako sa eroplano ang humingi ako ng kumot. Wala raw, sabi ng flight attendant.
Kaya nakakatakot kung magkaroon ng emergency. Baka pati first aid wala. Kung meron man siguro, may bayad.
Ito naman si Ocayvalle, sabi niya bakit daw hindi pwedeng sumakay si John Arvin Alcantara samatalang ang “ang pamilya ni Gloria Arroyo, sumasakay ng eroplano, sabay sabay pa sila. Di ba mga mentally ill ang mga eto?”
***
“…..Tuwang-tuwa ako sa produkto na ito. Biro mo, hindi lang katawan ang nililinis nitong body wash (tubig na sabon). Pati konsyensa. Gusto ko pa sana kumuha ng marami at ibibigay ko sa mga congressman at mga opisyal na walang habag kung mangurakot ng pera ng taumbayan. Para naman malinis ang kanilang konsyensa……”
Nya ha ha ha ha haaaaahhhhh!
Uhu uhu uhu uhuuuuuuu uboooooo!!!! Ngihiiiiiiinnnnggggghhhh! Haaaaaayyyy. Hinihika tuloy ako.
Ellen, problema lang, kahit anino ng kunsensiya ay wala sila.
Si gloria, hindi ubra ‘yang Village Naturals Green body wash. Mas epektib sa kanya kung ilublob sa kumukulong lava ng bulkan o kaya ay sa gawaan ng bakal.
Inaalala ko lang ay baka para lang siyang nag-swimming sa pool sa kapal ng kanyang balat!
Palace hails filing of charges vs Lacson: Face the music
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100109-246301/Palace-hails-filing-of-charges-vs-Lacson-Face-the-music
Kapag sila ang kailangang humarap sa ano mang paglilitis kahit bilang resource person lang ay wala silang ipinansasalag kundi sekyutib pribileyds?
Palibhasa mga bulol at hindi makakasagot nang diretso kaya nagtatago sa ilalim ng palda ng kanilang lola buruka.
Tangnanila!
“…..Hindi ka pwedeng humingi ng libreng tubig. Bibili ka….”
Tubig sa erpleyn, bibilhin pa? Grabe naman. Kapag pala inatake ka nang hika habang nakasakay sa Cebu Pacific ay matutuluyang matigok dahil hindi ka bibigyan unless merong bayad.
Ay, litsing yawang ukinanna!
‘No need to build monument for GMA’
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=539266&publicationSubCategoryId=63
Pa-low profile pa ang mga tangina.
Dapat igawa si goyang ng rebultong nililok mula sa etsas ng aso.
Ellen,
Puwede sanang hugasan kung meron pero di puwede…
Hindi puweden hugasan ang konsensiya ni Gloria dahil wala naman siyang konsensiya…
Punggok na pangit at walang konsensiya… imagine that? Yuck!
MPR,
Puwedeng gawan ng monument — na may sungay at buntot!
Palace hails the filing of criminal cases against Lacson…Here Palace is saying at the same time that it is nothing political, but Lacson is a political opponent and Criminal Wrongdoings is a Judicial Matter and the Last time we know, the Palace is not the Prosecutor the Judge and the Jury when it comes to Criminal Case.
well, unless the Court in a case against the Cebu Pacific as defendant for violation of the Rights of the Disable got the balls to award a substantial amount to the Plaintiff (complainant) Discrimination, bigotry will never go away..
Our Transit System is spending Billions to renovate its station, replacings its buses and subways trains (not all at once)to be able to serve the Physically and mentally disabled, including audio announcement and signage of stops (for the hearing and the seeing impaired) and wheelchair can now be driven up and down the buses..Why? Because the Courts said So.
Vic: ang ganda talaga ng buhay sa Canada, ano? Sinasabihan ko na nga ang mga pinsan at pamangkin ko, mag-aral sila mabuti at bilis-bilisan ang pag-apply para maka immigrate sila sa Canada. Ang Pilipinas talaga, medyo paltos. Siguro nga, si NoyNoy o si Villar ang mananalo, pero ano ba naman ang kaibahang kapalaran ang haharapin ng mga kabataan. Pareho lang iyong dalawa na iyan — uunahan ang sarili ang at kamag-anak o mga cronies — parehong paltos ang kalalabasan.
hahaha! tulungan kita, maghanap ako sa Philly hahaha!
vic,
Huwag kang mag-alala. In the near future, handicapped-friendly na rin ang transportation sa Pilipinas. Matagal nang nag-draft ang Malacañang ng ganyang proposal. Priority seats para sa disabled. Kailangan lang magpakita ng authentic DOH ID na may sticker ng Malacañang.
Meron lang konting requirements para ma-avail:
1. Doctor’s certificate coming from nominated government hospitals that the bearer is indeed physically/mentally-incapacitated in part or whole.
-2 weeks to apply,
-one month to receive via prepaid DHL package;
-normal cost: P250, (cost of DHL, x-ray, laboratory, other tests not included)
-expedited (five days only) cost: P500, (cost of DHL, x-ray, laboratory, other tests not included)
-fixer cost (no-show, one-day processing) including DHL: P3,000
2. Dept. of Health laser-engraved ID Card
-1 week to apply via 17-stage clerical processing,
-very long lines,
-one month to receive personally at DOH;
-normal cost: P500,
-expedited (3-days only) cost: P1,500,
-fixer cost (no-show, one-day processing): P4,000
3. Malacañang sticker seal validating DOH ID. (no shortcuts, no fixers)
-only 3 days to apply (since lines are very, very long, applicant must be in queue at exactly 4:00am)
-personal appearance/interview with DSWD social worker (cut-off time 10:00am)
-personal appearance/interview with OIC-Deputy Assistant Presidential Adviser for Social Affairs – Social Benefits Division – Section Chief of Office for Preferential Treatment of Persons with Disabilities
-final Approval of Sec. Eduardo Ermita (including issuance of sticker)
-Fee: P500 only
This is the typical route of application for government benefits. Note that this is for preferential treatment only. No discounts or free services.
Tongue,
Good heavens! Fees are a bit stiff for the disabled not to speak of red tape… Dang! But why so many hassles?
Good Lord, pati ba naman sa mga disabled, kailangan pa rin ng fixers?
Btw, are the bona fide (officially IDd) disabled get discounts? Discounted public transport fares for instance?
Ooops, “are the bona fide (officially IDd) disabled entitled to discounts?”
Meron lang konting requirements para ma-avail: – Tongue.
‘Langyang konting requirements ‘yan.
Sa haba naman ng panahong ipaghihintay at gastos na sobra sobra, kung ipapa-therapy ang pasyente baka magaling na hindi pa tapos ang processing ng application.
Ayaw pang diretsahing pera lang naman ang kailangan, eh.
Kung magbibigay sila ng serbisyo tulad nito, dapat libre!
tongue: that money is equivalent to the fines for passengers not giving up the seats reserved for the Physically disabled and they better be smiling because their pix are in the file as soon as they step in the Transit Property.
For getting the permit, a Doctor Certificate is all one’s need, and either a few clicks at the P.C. or visit the Private Provider (most issuers of Transports Services now, including drivers test are contracted to Private providers)and it is FREE to the applicant…taxpayers funded of course.
the one I like most is the new buses with low half front bottom that is air spring equipped with auto ramp operated by the driver right in his seat..for baby carriage and wheelchair access…the half front is also half harness for wheelchair and bicycles spaces, otherwise the most able bodied will be complaining of discrimination.
Do all dogs go to heaven?
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100110-246471/Do-all-dogs-go-to-heaven
The author should have dedicated this article to ngoyang and her flock.
But even dogs may find it unfair to them being compared to the thieve askals hiding inside malakanyang.
….askal thieves hiding inside malakanyang.
From Mike Moreno:
Ellen, sumakit ang tyan namin sa katatawa dito sa Richmond, B.C. ng mabasa namin and comment ng one of your readers na si Ocayvalle.
Ocayalle said: Bakit hindi pwedeng sumakay si John Arvin Alcantara sa eroplano samantalang ang pamilya ni Gloria Arroyo ay pwede, sabay sabay pa sila… Di ba mga mentally ill ang mga ito?
For sure they are Ocayvalle, bibit pa nga ni Gloria ang miembro ng kaniyang gabinete na similarly believed to be mentally challenged kasama na din ang kaniyang kapartidong members of the House of Repressetatives na kapareho nila.
Millions of Filipinos here in the western world including those living in the Philippines thinks Mrs. Gloria Arroyo doesn’t have what it takes to be a President. She has got everything we do not want.!!!
Agree ako without thinking sa sinabi ni Ocayvalle. Totoo nga ito!
Hi Ellen,
Na-mi-miss ko ‘yung mga hard-hitters dito sa blog mo like Grizzy,Patria Adorada, Balweg, etc., etc. Nasaan na sila?
Walang konsiensyang lilinisin si Gloria, empty yun kanya.
edfaji,
You miss Yuko? Befriend mo sa Facebook, nandun sya and then sundan ang kanyang mga yapak…
Si Balweg, nadun din…adik na sa kalalaro, hehehe! Joke lang ka balweg.
Ang niece mo na si Lie-lie, hindi mo yata nami-miss. Good for her nakawala sya sa labangan kahit pwersahan.
Hi Chi, ang totoo lang, talagang masama ang loob nitong niece ko na si Lorelei dahil kung kailan nga raw siya nagsalita ng totoo (remember that “Gloria will not just leave the Ampatuans at these times of their crisis …”) saka naman siya pinagtampuhan ni unano. But happy na raw siya ngayon dahil she is out of the snakepit.
edfaji,
Kung talagang natutuwa ang pamangkin mo ngayong nakawala na siya sa pugad ng mga ahas, marahil naman ay ito ang tamang oras upang buksan niya ang baul ng mga kawalanghiyaan ng pamilyang kanyang nakasama gabi’t araw.
Kung patuloy niyang ipagpipilitan, kahit sa kanyang sarili lamang, na mahusay at mapagkalingang presidente si gloria ay bale wala din ang kasiyahan niyang sinasabing ‘yun.
Hindi man tuwiran ay patuloy pa rin niyang niloloko ang taong bayan.
Magsalita na siya.
Pero, magkano kaya ang ibinusal sa kanya?
Good for her, edfaji. Hanap ka ng hanap ng iba e ito at ikaw ay nawawala rin 🙂 .
Hindi ako nawawala, Chi, nag hibernate lang! Pag nakikita ko kasi si Gloria sa tv halos na- a-alta presyon ako, eh. He-he-he…
paulit ulit nang pinatunayan ni gma na wala siyang konsensya, ang kinatatakutan ni gma ay People Power at mga aksyon laban sa kanya