Kamakailan, kausap ko si Albay Gov. Joey Salceda, ang economic adviser ni Arroyo, at inamin niyang talagang hindi nakuha ni Arroyo ang tiwala at pagmamahal ng taumbayan.
Paano ba naman nila itatanggi yan. Sa Disyembre 2009 na survey ng Social Weather Station, minus 38 ang satisfaction rating ni Arroyo. Sobra 60 porsiyento ang ayaw sa kanya at 23 na porsiyento lang ang kuntento sa kanya. Siya ang pinakaii-nisan na presidente sa Pilipinas mula ng mabalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1986.
Sabi ni Salceda ngayon daw nakita nila na “Good economic performance cannot compensate lack of mandate”. (Hindi talaga mapagtakpan ng magandang ekonomiya ang kawalang mandato o kung hindi ka binoto ng taumbayan.)
Hindi nga ako sang-ayon sa sinasabi ni Salceda na magandang ekonomiya. Paano nman naging maganda ang ekonomiya kung milyun-milyun na Filipino ang kailangan mangibang bansa, malayo sa pamilya, para lang magkaroon ng trabaho.
Ngunit nagulat ako na inamin ni Salceda na walang mandato ang kanyang amo. Na totoo naman. Ni minsan, hindi binoto ng taumbayan si Arroyo sa pagka-presidente. Di ba sabi ni Susan Roces, “You stole the presidency, not once but twice!”
Noong 2001, inagaw niya kay Pangulong Estrada ang pwesto sa tulong ng civil society at ng Supreme Court ni Hilario Davide na ngayon ay nagpapasarap sa New York bilang ambassador . Noong 2004, sa tulong ng military at ng Comelec, ninakaw niya ang pagka-pangulo kay Fernando Poe Jr.
Dahil sa ang pundasyun ng kanyang pamahalaan ay kasinungalingan, kailangan niya busugin ang lahat niyang kasabwat sa panloloko ng taumbayan sa pamamagitan sa pagbigay sa kanilang ng pwesto sa pamahalaan at proyeko na mapagkaperahan. Kaya nagkaroon ng NBN-ZTE. Kailangan magbayad sa utang kay Comelec Chairman Benjamin Abalos. Kaya nangyari ang masaker sa Maguindanao. Kailangan niya pagbigyan ang mga Ampatuan sa kanilang private army dahil sa ginawa nilang pag-manufacture ng mga boto para sa kanya noong 2004 na eleksyon.
Maraming institusyon ng pamahalaan ang sinira ni Arroyo para lang maprotektahan niya ang sarili katulad ng Commission on Election, military, ang Kongreso, ang korte, ang Ombudsman.
Uma-asa tayo na sa Hunyo, sa pag-upo ng bagong presidente, masimulan ang pag-ayos ng mga nasira ni Arroyo.
Sa akin, kahit sino ang mananalo, re-respituhin ko. Basta lang malinis at kapani-paniwala ang eleksyun. Kaya mahalaga na matuloy ang eleksyun. Mahalaga na maayos ang eleksyun, na sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging computerized.
Hindi tayo dapat maniguro kay Arroyo dahil alam nating tuso yan. Bantay sarado pa rin tayo sa kung anong gagawin niya para maisahan ang taumbayan. At bantayan din natin ang itong automated na eleksyun.
Vigilance! Vigilance! Vigilance!
GLORIA ARROYO:Fool us once,shame on you.Fool us twice (and more) shame on us!
For sure there will be no more cheating on the automated election. Pero, mababa lang naman ang kaligayahan natin. Pang-tong-its lang, kuha na ang madla.Yan ang sigurado.
The
voterscitizenry and Pilipinas Supreme Court has the responsibility to ensure the integrity of its elections.Even during the times when Cory was the outgoing president, the citizenry always has the responsibility to ensure election integrity.
I mean, Erap should not have been elected president, a few Pinoys in Pinas still say, how easy to forget.
“Walang mandato”, hindi kaylanman nagkarun ng electoral mandate si Gloria kaya peanuts lang sa kanya na isunod ang “failure of elections”. Pinalusot siya at tinulungan pa ng kapinuyan sa first two incidents na pagnanakaw ng poder, sana ay natututo na si pinoy at na-realize na ang kabayaran sa kanyang pagkakamali ay kanyang mga anak at buhay mismo.
Joey Salceda finally admitted that her “lucky bitch” is not really lucky but a big-time thief!
Gusto pa ni Salceda na magpalusot tungkol sa estado ng ekonomiya porke sya ang major economic adviser ng kanyang bitch.
Bagong taon na Joey Salceda…tanggalin mo na ang iyong blinders! This Salceda is Gloria’s fool, he knows very well that his bitch’s economic stats are fabricated but keeps on trumpeting about it.
Econ 101 para kay Juan: Kapag nagmumurkulyo ang tiyan dahil walang pagkain sa hapag inspite of doing everything to find work to buy food, it meant the economy is worse.
Anim na buwan pa na magpa-“pagpag” sakaling mabago nga ang pekeng panguluhan. It seems like eternity to me, being hostage to Gloria’s bitchiness because the people let her.
Sana hindi na sa eleksyong ito….
Dahil sa pandaraya at kasinungalingan nagkaroon sila ng ari-arian sa Amerika at lumobo ang pera nila. Hindi na nila kailangan ang magpabugbug gaya ni Pakyaw para makamit ito. Sila na ang nambugbug sa sambayanang Pilipino na hanggang ngayon mga tulog pa.
Happy New Year muna to ET and every all…
Manay Chi,
Dagdagan ko pa, in a way Joey Salceda confirmed what he said before na totoong “lucky bitch”dahil noon pa man, alam nyang hindi ibinoto kailanman at swerte lang napalayas sa pwesto. Marunong lang sumayaw at magpa oragon itong si Joey baby dahil marami syang idea tungkol sa ekonomiya na sinunod ni glorya na lalong nagpalubog sa lahar ng kapariwaraan. Kaya nya sinasabing magandang ekonomiya, kanyang idea.
Swerte lang na hindi napalayas sa pwesto.
Minsan na namang napatunayan na isang damukal na mga GAGO ang nakapaligid sa ina nilang GAGA, Para may masabi lang, sabi ni Salceda ngayon daw nakita nila na “Good economic performance cannot compensate lack of mandate”. (Hindi talaga mapagtakpan ng magandang ekonomiya ang kawalang mandato o kung hindi ka binoto ng taumbayan). Kung hindi ba naman siya isang torpe, pagakatapos niyang purihin ang sarili niya for his “ALLEGED” economic ideas (daw), binanatan niya ang amo niyang puta na walang mandato !! Ha-ha-ha-ha-ha-ha !!!! Comedy of the new year !!!
Joey Salceda, bilang na ang mga araw mo, pare ko. Susunod ka na kay LoreLIE Fajardo.
Matatalino daw…………………..PWE !!!
Korek ka Joeseg, ang mga suggestions ni Joey baby sa kanyang bitch on economy ay bullshit lahat kaya pinagpipilitan niya na success si Gloria sa ekonomiya. Imagine, lahat ng para sa pag-unlad ng Pinas economy ay naibulsa ni Gloria at Mike at mga Pidalista.
Hangga’t nandyan si Gloria, ang aking Bagong Taon ay mapupuno ng pagmumura. Siguro ay mami-miss ko ang bruha na yan kung wala na. Maging bahagi ba naman sya ng aking negative consciousness sa close to 10 years. Bah, mas tumagal pa ang aming relasyon kesa sa maraming marriages, hehehe!
Tama ka Ellen. I’m 100% behind you sa mga sinabi mo dito. Kahit sino ang manalo sa darating na election basta malinis lang, re-respetuhin natin. At least, para kay Joey Salceda, iyan ang mandate na sinasabi niya. It will be a mammoth and gangantuan task for whoever is elected president to correct the evils made by this Arroyo administration. Masyado na kasi naging institutionalized ang corruption, kasinungalingan, pandaraya at panloloko sa taumbayan na kung minsan lagi namin tinatanong sarili namin dito sa America, is our country worth defending for?
should be gargantuan task . . . sorry, my mistake.
Dahil walang mandato ang kanyang pagiging Pangulo … dapat lang mag-cha-cha tayo. Ibalik yong dating batas bago siya umupo. Yung death sentence na kanyang inalis ay ating ibabalik at siya ang unang isalang sa lethal injection. Sa dinami dami ang kasalanang kanyang nagawa maliit na kaparusahan lang yan kung tutu-usin. Yong mga istraktura na pinagawa at pinangalanang Diosdado Macapagal ay palitan ng Fernando Poe Jr.
Higit sa lahat ibalik yong dati niyang yaman na kung ilang milyones lang. Kamkamin ang lahat na mga ari-arian nila na nai-pundar habang siya ang naka-upo sa Malakanyang.
Sunugin ang mga perang may pirma at tanggalin ang picture niya sa hilera ng mga naging Pangulo ng ating Bansa.
Wala siyang karapatan.
di kaya naglipatan ang mga ibang politiiko ng partido ay upang sa darating na elektion ay sila pa rin ang nasa congresso at tuloy pa rin ang ligaya nila ni pandak sa congresso,,,at guguluhn ang bagong presidente…hindi ako naniniwala na basta ganun nalang magbibitaw si pandak sa kapangyarihan.
ang stradehiya nila ay mag kanya kanya muna.alam nila kung mag sama parin sila sa poder ni pandak ay tyak na talo sila,,, mautak sila,, sana mautak din tayo sa elaktion,,, basta galing lakas o lakas-kampi, huwag iboto..sana makrating itong mensahe kay noynoy…magingat sa mga papasok sa liberal..beware of the TROJAN HORSE…
Si Gov. Salceda ang tinawag si GMA na “Bitch”. Sinong cabinet member o tauhan ni Gloria ang may lakas na loob na sabihin iyan?
This Year is the Year of the Tiger. Not everyone knows that Gloria was born in the Year of the Pig. Tamang-tama. Ugaling baboy siya. Ang asawa naman niya ay Mike Piggy Arroyo.
Sa darating na election, kahit na laging nauuna si Noynoy sa survey ay di pa tiyak ng mga political analysts o psychics kung sino ang mananalo. The chance of Failure of Election is getting to be a great possibility. Hanggang nakaupo sa Malacanang etong si Gloria, huwag tayo pasisiguro. Anything can happen and she can do anything. Kung may kasabihan na delikado ang asong sira ulo ay ganoon din ang sira ulong baboy.
On a related subject:
After issuing daily medical bulletins to the media by a lady military doctor that Ampatuan Sr. is medically fit to be jailed, a gag order was given to the doctor. Bakit papayagan ang isang utak ng massacre na manatili sa military hospital kung saan magara ang room, comfortable at parang nagpapahinga lang? It shows once again the double standard of justice. Di niyo ba napapansin medyo pahina na ang mga balita tungkol sa mga Ampatuan? Maniwala kayo…unti-unting mawawala na iyan lalo na kung umpisa na ang election campaign.
The case would remain as is until GMA is out of Malacanang if indeed she’s stepping down. She will make sure that the Ampatuans will not be convicted during her term.
Uto-Uto si Gloria at hindi siya tuso. Iyung mga kawatan na nakapaligid sa kanya ang mga Tuso. Si Arroyo ang ginamit nila para makapamili sila ng kanya-kanyang pwesto sa gobyerno kung saan sila magkamal ng walang hangang biyaya. Kung si Erap nga naman ang Presidente ay hindi nila magagawa ang gusto nila at lalong dehins pwedi kay FPJ kaya ginawa nila ang lahat para mailuklok nila si Gloria. Ngayon na naman dahil uto-uto talaga si Gloria at wala siyang sariling paninindigan at prinsipio ay nauto naman na kakandidato sa Tongress.Ganyan ang senyales ng mga uto-uto.
Isa pang Uto-uto ay si Pacman. Nauto na naman na kakandidato sa Tongress. Aanhin niya ang Tongress kumpara sa perang kikitain niya sa boksing.
Siyanga pala,mukhang hindi na matutuloy ang laban niya kay Mayweather,pero may bagong kalaban si Pacman na inihahanda ng promoter sa April first.http://eclarino.ning.com/forum/topics/manny-pacquaio-will-fight
what’s the problem with my post? It is showing . . . “awaiting moderation”
Tama. Utot-utot si Gloria. You mentioned Erap who is now less talked about; yet he ranks third in the survey. Once his disqualification case is resolved in his favor, expect his rating to go up and he might even win the presidency for the second time. Pero tapos na siya. If not for the people around Noynoy, I’m for Noynoy.
hindi totoo ang survey ng sws na higit lang sa 60% ang inis kay aling gloria. mahigit sa 96% ang totoo, mga kampon lang naman ni gma ang natutuwa sa kanya dahil busog kananakaw.
Damage is done. GMA administration is a failure! and we the people will pay for it all as we try to recover looking forward year 2010 and onward.
Kung gaano kalaki ikinayaman nila at ikinasira ng ating mga institusyon, ganun din kalaki ang babayaran at mga aayusin kung sakali man na maayos ang papalit na gobyerno natin plus interes! Ang masakit dito baka sakali pa.
That’s the truth!
Ang masakit pa, hindi tunay na pangulo si Gloria. Ninakaw niya ang kapangyarihan. People would have tolerated and even forgiven her had she performed well. Kahit ninakaw niya ang presidency kung maganda naman ang patakbo niya baka matuwa pa ang mga tao. Pero hindi. Kung ako ang embalsamador kung mamatay siya, ang unang tatanggalin ko iyong buwisit niyang nunal.
basta malinnis lang election sa 2010 at hindi maulit ang dayaan..whoever wins deserves the full support of the people..it will be very difficult for him to rebuild the heavily damaged country dahil kay gloria..small but terrible..kung magpatotoo siya sa kanyang sagot sa sinabi ni zaldy ampatuaan na nasa palasyo siya noong time ng massacre at kasama siya ng pangulo..at ang tatay niya ay sa comelec kuno, etc. malaking himala at milagro ito at may bagong pagasa sa atin..magandang bukas para sa lahat..ano kaya ang sabihin ni puot..I just hope she will not ignore the statement…
A criminal or mastermind doesn’t have to be physically present at the crime scene to be convicted. Tanga lang si Ampatuan Jr at siya mismo nandoon sa pinangyarihan. Siya mismo at bumaril. Akala siguro makakaalusot siya. Ganyan kalakas ang loob niya at kayabang. Given the age of Ampatuan Sr and as the mastermind, it would be so stupid of him to be there at the time of the crime. Sa modern technology ngayon gamit ang cell phone, anyone can order killings even thousands of miles away. Ask any criminal lawyer, the best defense is still to argue that the mastermind is not physically there….that he’s in Malacanang or abroad. With money and connections, one can even get a certification or passport be altered to prove his innocence. Pero hindi na naniniwala ang mga tao sa ganyang palusot. Remember Bong Pineda who refused to attend the Senate jueteng hearing giving the reason that he was in the US for medical check up. Iyon pala nagpa-hair transplant doon. Si Hubert Webb din na anak ni Freddie Webb na principal convict sa Vizconde Massacre. His alibi was he was in the US at the time of the crime. He presented his passport and even a certificate from the US from someone that he was indeed there during the crime. Pero nakalusot ba? Ayon, nakakulong pa rin. Every Sunday, his whole family visits him at Muntinlupa Prison.
Supporters of “Edsa Tres” journalism allege that EDSA’s I and II’s participants were made up of the middle and upper classes and thus, not democratically-representative unlike those who participated in EDSA Tres.
What do you say?
To Ellen and to fellow commenters — wishing you all a very Happy, peaceful, prosperous and healthy New Year!
Ellen… just to let you know that I greatly appreciate this article — what a remarkable political piece to start the year with!
The following synopsis should be a living reminder to all Filipino mankind of the crookedness of the living pariah still squatting at Malacanang and which is due largely to many Filipinos’ continuing lack of moral courage and wrong sense of moral duty…
Noong 2001, inagaw niya kay Pangulong Estrada ang pwesto sa tulong ng civil society at ng Supreme Court ni Hilario Davide na ngayon ay nagpapasarap sa New York bilang ambassador . Noong 2004, sa tulong ng military at ng Comelec, ninakaw niya ang pagka-pangulo kay Fernando Poe Jr.
Dahil sa ang pundasyun ng kanyang pamahalaan ay kasinungalingan, kailangan niya busugin ang lahat niyang kasabwat sa panloloko ng taumbayan sa pamamagitan sa pagbigay sa kanilang ng pwesto sa pamahalaan at proyeko na mapagkaperahan. Kaya nagkaroon ng NBN-ZTE. Kailangan magbayad sa utang kay Comelec Chairman Benjamin Abalos. Kaya nangyari ang masaker sa Maguindanao. Kailangan niya pagbigyan ang mga Ampatuan sa kanilang private army dahil sa ginawa nilang pag-manufacture ng mga boto para sa kanya noong 2004 na eleksyon.
The countdown begins and so her nightmares, but don’t count her out yet. Who knows, she may still have some tricks under her undies and some 5 months window of opportunity to put it into operation. She’s so power-addicted and she can’t accept that she will be out of it soon kaya kahit sa congress tatakbo siya dahil kapag naging speaker, powerful pa rin siya.
But I think running for a congressional seat is only a fall back (if) and much more of a decoy to divert attention from the media and the people. Alam natin na napaka-tuso niya at hindi lang siya a big time cheater kundi schemer and once a schemer is always a schemer and if the people lose sight and lower their guard, she may yet give us the biggest surprise of our lives.
sa tingin ko at this stage of her political career (6 months before election) do or die na si putot. sa tingin ko walang automated election..and it will be back to mano mano ang in the languaqe of moneypacked..pound by pound..pero hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa for a bagong gobierno..a bagong gloria -magkakaroon ng himala..marami tayo naghinala na puputok ang Mayon (I even thought sasabay sa papasok ng 2010) but look what happened..God is listening to our prayers..kaya let’s continue praying for a miracle..
Actually, this automated election is another ploy to eventually declare failure of election. If it doesn’t work, then they would go back to manual voting. Tapos magkakagulo. The violence in the south would sparks chaos around the country. And the Great Putot would declare Martial Law again. The recent declaration was just a test. It worked.
what is happening here? My posts are not being posted. There’s something wrong here….
Sana nga ay dumating na ang election day at matapos na ito ng mapayapa at naayon sa batas at ndi sa nais ng iba’t ibang grupo na nagnanais magkapwesto….sawang-sawa na kami sa araw2 na pagbabasa ng mga paulit-ulit na write ups nyo…nsabi na sa kabilang write up,iibahin lang ng mga salita at dating para masabi na may naisulat at kumubra ng bayad…..ultimo ata pagkagat ng lamok sa inyo ay isisi nyo sa gobyerno….wala na ba kaung alam kungdi mag ingay at magdadakdak….eh kau pala ang mas nakakaalam bkit nd kau ang magpatakbo ng Pilipinas….sa tingin ko at sa nakita ko, kahit sino ang maupo bilang presidente hanggat merong iba’t ibang partido na iba’t ibang agenda ang gusto, hindi magkakarun ng tunay na demokrasya at pag unlad ng bayan natin….ika nga, walang unity….itaga mo sa bato na ang mga nasa paligid ni Noy2 ngaun, once na may hiniling at nd naibigay ni Noy2, oposisyon na naman yan….isang mabuting ehemplo, anu ba ugn dating senador (initals ay F. D.) na isang araw ay kasama ni GMA sa Iloilo at sinabing kahit magtayo ng Malacanang sa Iloilo si GMA kung ayaw na sa kanya ng manileno ay payag sha…pero kinabukasan o ilang araw lang, oposisyon na at galit na kay GMA….ganyan ba ang dapt nting pagtiwalaan….nakakatuwa….hanggat may ganyang klaseng politiko, walang mangyayari sa bansa natin….sa totoo lang, nd ako maka GMA at sa ngaun nd ko pa alam kung saan ang boto ko dahil kinikilala ko muna kung sino ang talgang dapat mamuno…kung Archbishop na lang kaya…..ay wag na lang kaya….
To make us sure that GMA power must crash, then we should never vote for her anointed and Trojan candidates, like Gibo, Gordon & Villar. We should all beware my friends that supporting these 3 candidates will have a very big impact to us in the next 9 years again. Beware! Never support Gibo, Gordon & Villar.
Never! Otherwise…. pupulutin ulit tayo lahat sa kangkungan! ang bansa natin lalong lulugmuk sa mga kawalanghiyaan!
Mrami dapat ang mag flying voter para matalo si GMA sa Pampanga.Pag hindi congressman si GMA, hindi siya puwedeng maging prime minister.
Dahil sa pandaraya at kasinungalingan nagkaroon sila ng ari-arian sa Amerika at lumobo ang pera nila. Hindi na nila kailangan ang magpabugbug gaya ni Pakyaw para makamit ito. Sila na ang nambugbug sa sambayanang Pilipino na hanggang ngayon mga tulog pa.
Well, Igan Tedanz…nagkamal man sila ng salapi e kahit isang singkong duling e wala silang dadalhin sa oras na magpantay ang paa nila?
Kaya never tayong mawawalan ng pag-asa sapagka’t sabi nga ng Ama ng Masang Pilipino e weather weather lang!
What do you say?
Di ako mapalagay Ka Mario…alam mo, kung naging parehas at walang kinikilingan e di tayo aabot sa 10 years na kalbaryo at pahirap ng ginawa ni Gloria and her lapdogs?
Ang media (di lahat?) ang siyang naging tsismosa/tsismoso na nagpagamit o nakipagkutsaba sa mga ganid sa kapangyarihan kaya winasak nila ang demokrasyang pinangangalandakan ng EDSA I, but the talunan e tayong Pinoy sa katontohan ng mga elitista at taong simbahan na akala mo sila lang ang may puso’t damdamin?
Kita mo ang pighati’t dusa ang kalbaryong pinapasan ng taong bayan at puro kahihiyan ang dulot ng walang galang sa karapatan ng mga Masang Pinoy.
Ang EDSA II con Hello Garci ang bangungot sa ating lahat pero heto at muling nagbabangong puri sa katauhan ng Yellow Fever?
NO to YELLOW FEVER?
tingog boss,
Papano mo dadayain ang Reyna ng mga Mandaraya????????
ken, who do you think is the true opposition presidential candidate? I can’t even say it’s Bro. Eddie Villanueva ’cause he too worked for the ouster of Erap and supported GMA in the beginning. I narrow down the true opposition to Noynoy and Erap. But Noynoy and his family also ousted Erap and supported GMA at first. Most of all, Noynoy is surrounded by people allied and close to Malacanang like Recto. So, if we go by process of elimination, then Erap is the true opposition.
Ka Balweg, alam mo ba na ang ABS-CBN ayaw ipalabas ang Ad ni Erap dahil may eksenang nag-apologize si Cory. At kaya hindi na tumakbo si Noli kasi diretsohang sinabi ng mga Lopez sa kanya na si Noynoy ang manok nila. Nang umupo si Cory, ang isa sa mga unang ginawa niya ay ibalik ang ABS-CBN at Meralco sa mga Lopezes. Di man lang dumaan sa ano man process. Parang ibinalik ang isang kotse pagkatapos ng matagal na na-reposses ng bangko dahil hindi makabayad sa hulugan. Parang bahay na na-foreclosed sa utang tapos ibinalik na lang. Noong panahon ng matandang Lopez, sumulat siya kay Marcos at dumaing na may malaking problema sila sa negosyo lalo na ang Meralco. Remember Nanding Lopez was Marcos’ running mate during the early years of election. Ang ginawa ni Marcos binili na lang ng gobyerno ang Meralco dahil sa financial problem nito. Hindi ito inagaw kundi sinalba ng gobyerno. Tapos basta lang ibinalik ni Cory sa mga Lopezes. Marami pang mga bagay na tinakpan at hindi alam ng mga tao kasi na-brainwashed sila na isang bayani si Ninoy at idolo din nila si Cory. Sa katunayan, pinalitan ang pangalan ng Manila International Airport sa pangalan ni Ninoy. Dapat ibalik na sa pangalang MIA dahil mas angkop ito bilang international airport. Isipin mong gawin Obama International Airpot ang sa Amerika.
This will upset you all the more this New Year:
The suspects in the massacre of 57 people in Maguindanao apparently have mobile phones, catered meals, even someone who comes daily to clean their cell in the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) compound at the Philippine National Police headquarters at Camp Fermin G. Lira Jr.
This is quoted from news clip. How can Noynoy claim to be a true opposition when he has this Arroyo guy on his side?
FORMER Defense Chief Avelino Cruz Jr. has a new job—defending Noynoy’s votes.
Cruz, who was once chief presidential legal counsel and defense secretary of President Macapagal-Arroyo, will head the legal team that will protect the votes of Liberal Party standard-bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III as well as train his election watchers.
“Cruz is heading our vote protection team, our army of lawyers who will also train our volunteers,” Butch Abad, Aquino’s campaign manager, said yesterday.
Bumanat na naman ang mga mais con yellow. . .sabagay, sino ba naman ang hihilahin pababa kundi yung laging nasa itaas. . .hehehe
Hindi hinihila…those are facts. Ang hirap sa ilan natin kababayan hindi pa rin alam ang pagkaiba ng katotohanan at paninira. I repeat…Noynoy is a good man and would become good President. Pero masisira siya sa mga taong nasa paligid niya. Walang iba iyan sa mga nakapaligid kay Villar. Isa sa mga dapat katakutan ng mga tao ang uncle niyang si Peping. Tahimik pero malalim iyan. Siya ang sumira sa magandang pangalan at imahe ni Cory. Ganyan din ang kanyang asawang si Tingting na minsan nang tinawag na White Lady. If only bringing back the Aquinos to power without these relative crooks, then fine. But that’s impossible. Imagine, with so many decent lawyers, si Cruz pa ang kinuhang adviser na dating bata ni GMA.
The problem with us is we’re too judgemental. Di pa nga nakaupo ang tao, marami na tayong pinupuna. All of us have relatives that we want to disown, kung pwede lang. Alam ni Noynoy kung ano man tingin ng mga tao sa iba nyang kamag-anak. At least, si Cruz noong 2005 pa kumalas kay Pandak at naging kritiko na pagkatapos nun. Sa mga mahilig pumuna na lalamya-lamya si Noynoy, eto panoorin nyo kung ano gagawin ni Noynoy sa inyo pag hinamon nyo ng away:
http://www.youtube.com/watch?v=pnDl4RWiGys
Okay lang naman kung may dugong dilaw ka. Kahit na ang ugat mo ay dilaw, balat dilaw, matang dilaw…huwag lang may sakit sa atay. It’s one thing to be judgmental and another thing to be real. Pansinin mo ang mga nasa LP (Lapiang Pidal). Di ba karamihan sa grupong ipokritong Civil Society? As I said, okay si Noynoy lalo na kung walang masyadong pagpipilian. But the problem is he cannot even control his big mouth sister Kris.
Butete pala yang Noynoy na yan. Bakit yung tiyan ang pinakita? Hindi ko tuloy matiyak kung may tinamaan o hindi.
Magaling din bumaril si Macoy, at marksman pa sa UP. Kaya nga dedbol si Nalundasan habang nagsisipilyo.
Sa pakiwari ko, ang tinutukoy na kalamyaan ni Noynoy ay ang pag-iisip. Kaya nga chinismis pang autistic daw. So ang aking hinihintay na pasiklab ay ang tungkol sa utak. Gusto kong makitahan siya ng kislap ng yumaong ama.
Kung barilan lang, kay Biazon na ako.
Humawak na lang si Noynoy ng shotgun, hindi pistol, dahil sa pakiwari ko ay shotgun approach ang pagbenta sa kanya ng mga handlers. Kailangang hasain ang mensahe, dahil tila mapurol, at kung baga sa boksing ay bara-bara.
And please, tama na yung “Anak ako ni Cory at ni Ninoy”. Kung si Kris at hindi si Noynoy ang tumakbo, dapat ko bang ihalal si Kris? Tumayo ka sa iyong paa, dahil nasa hukay na ang mga paa ng iyong mga magulang.
Pati nga campaign ad ni Noynoy ginawa ang poster ni Cory. When can he learn to separate himself from his popular parents and be his own? Magkaroon naman siya ng sariling identity. Kung sa bagay, strategy iyan ng kanyang political handlers. That only shows Noynoy has nothing much to bring to the table other than to ride on his parents’ popularity. Kapag manalo iyan, baka palitan ang Malacanang Palace at ipangalan na Aquino Palace. Pero gaya ng sinabi ko, kung walang pagpipilian eh sige na…si Noynoy na lang.
Sorry…ginaya (not ginawa). I’m worried about the people around him….Abad, Kiko, Recto, Drilon na puro dating tuta ni Gloria.
AdB, welcome back to the madding crowd. Looking forward to your fresh insights to Pinoy politics. Hoping that soon an acerbic TongueT pops out and join the raucous rough and tumble.
To start with, your take on the ex-DoD boss Avelino Cruz joining the Noy camp. Another is the growing specter of an Arroyo speakership that would be a powerful platform for railroading a Cha-Cha for a Parliamentary form of government
hiya neonate…
glad to be back… 🙂
Recto? Ibig sabihin, tuloy ang taas ng EVAT kapag nanalo si NoyNoy?
At ang tingin ko at mukhang atras na talaga si NoyNoy duon sa RH bill dahil tumupi siya ng umangal ang dalawang obispo katoliko.
Diyan natin malalaman ang paninindigan ni Noynoy. Remember his mom and the Aquino family are saradong Katoliko. Kapag bumaligtad si Noynoy sa kanyang RH Bill, huwag siyang iboto.
I don’t understand what the fuss about the RH Bill. Talaga naman kailangan gawin paraan ang lumalagong population natin. The church is twisting or deceiving the people by opposing the Bill even citing the Book of Genesis as the reason that states “Increase and multiply…” But the church stops continue using the verse with statement “but subdue it”. Subdue means to control or overcome. That means God wants men to control the population. Other church groups, the Protestants, are in favor of the RH Bill.
Ang nagdadakdak lang as usual mga Paring bawal mag-asawa at magkaanak.
Ang basa ko kay Noynoy, tatahimik muna iyan at di muna aatras sa HR Bill. Perhaps he would just tell the Catholic Church or through his emissary that he would not push the Bill after he gets elected. Secret agreement muna para hindi masira ang kanyang credibility sa mga voters. If we don’t hear much from the Priests between now and election day, then my suspicion of such secret arrangement might be true.
By the way, here’s an update on Ampatuan case. The backhoe operator’s body cannot be found by the authorities. He was reportedly eliminated to prevent him from testifying. That’s the work of Mafia like crime syndicate. Sino pa ba ang ituturo? Di ang mga Ampatuan!
Happy New year muna. Si Biazon marunong ding bumaril yan pero di yan combat shooter tulad ni Noynoy. Kahit si Gibo na reserve Colonel sa Air Force di uubra kay Noynoy yan. Magmula ng inambush yan ng mga rebeldeng sundalo noong 1987, iyan na ang nakahiligan at magaling talaga. Di lang ipinagyayabang. Yung maraming haka-haka na kesyo ganito at ganyan si Noynoy, well, haka-haka na lang talaga yun. Ilang beses na ba kayong nagkamali sa banat kay nOynoy. Yung huli sa Martial law joint convening ng congress na kesyo gagamitin para mag cha-cha daw. Stick to facts. Bayaan nyo na lang ang panghuhula kay Madam Auring. . .lol
comment # 42, is one most politically and historically thoughtful.
pero kung ang chief image engineer ni Gloria na si Lupita K.(kapatid ni Ninoy) ang siyang magiging media handler DIN ni NoyNoy, baka malusutan ang butete angle habang namamaril.
it would also help his cause, if someone erase and splice-off that gleeful look after the target shooting clip on youtube.
some mad genius may find that segment helpful and attach it to the infamous clip on Mendiola massacre.
There is a scene in the Game of Death, where some fighter breaks a wooden board in front of Bruce Lee. Bruce Lee replies, “boards don’t fight back”. Yan din ang retort ko diyan sa ipinagmamalaking kagalingan ni Noynoy, combat shooter kuno. Anong combat eh wala namang kalaban.
It is true, that Noynoy engaged the coup plotters of Gringo way back when. But that was to save his ass. Si Biazon, he was not in danger, he could have left the fighting to the foot soldiers. But he embraced danger, to save the Republic. Naka-tsinelas nga lang noong lumaban.
What are the facts henry? Wala pang achievement si Noynoy. Yung pagiging anak ni Cory at Ninoy, achievement yon ng mag-asawa, nang sila’y magniig; after daughters, nagbunga ng lalaki.
Malinis, pero bokya. Marangal, pero bokya.
Sax:
Ok ka na sana sa law e kaso lang nang bumanat ka nang manghula, puro palpak. .Naalala mo pa yung sinabi mo sa akin sa pagkuwestiyon ni Noynoy sa ML sa joint convening sa Congress? Bobo pala ha. . .kung minsan kayong mga abogado ang mga pampagulo. . after conjuring so many frightening scenarios in your mind and passing them off as bright legal opinions, at the end of the day, they remain just that. An opinion that never came true. . .why don’t u just admit that you’re rooting for Gibo, a bar topnotcher, UP law graduate like you, harvard educated. Mas matalino kay Aquino. Matalino pero kulelat. Magaling pero kulelat. . .
Anong hula? Hindi hula ang pagkulang ni Noynoy ng achievement. It is actually a paucity of facts.
Si Gibo, wala ring achievement.
Why don’t you rattle off some of the achievements of Noynoy?
Huwag mong personalin. Kailangang suriin ang qualifications, dahil sila ay luluklok sa pinakamataas na position sa gobyerno.
When you are interviewing applicants for a job, you look at their track record. So you check their resume, and you look at the their work experience, and their achievements, and secondarily, their education. Yung kulang sa achievements, pero may master’s, yun ang nasa una ng resume. Yung may kakayahan, inuuna ang work experience.
Ngayon, ang mga candidato are applying for the job, and the entire nation is interviewing them. Ang sa ganang akin lang, mas mahalaga ang work experience kaysa sa education. At sa work experience, kailangang tignan ang achievements. Napalaki ba niya ang sales, kung sales manager? Nabawasan ba ang cost, kung accountant?
Kung legislator, naging fiscalizer ba, tulad ni Ninoy at ni Maceda? O nakapasa ng mahalagang batas tulad ni Old Man Lorenzo Tanada?
Sax, di ka pa naman siguro matanda. Eto o:
“We must also demand that both houses of Congress meet, as required by the Constitution, within 24 hours of a martial law declaration, without need of the President making a call for Congress to convene. -Noynoy-
Tanga. You will play into their hands. They have the majority; they can extend martial law beyond sixty days. When convened jointly, the bootlickers will move for amendment of the Constitution.
Henry90, yugyugin mo nga ang frontrunner mo para magising.
Anak ka nga ni Cory.
corazon, si (pointing to the heart) aqui, no (pointing to the head).
Combat shooting, walang combat? Hahaha. . .di ka naman siguro kalbo para maging komedyante. . . It is a sport if u don’t know it yet. . . No argument. . .matapang yang si Biazon, Marines eh! Takot nga lang kay Chedeng na asawa nya. . .hehe. . .As Commander of the NCR Defense Command that time, he has to personally lead the troops in engaging rebel soldiers that attacked Camp Aguinaldo bcoz marines were fighting fellow marines. Pero bilib ako dyan. matapang talaga. . .dont worry Atty. I dont think things personally in this blog even if others do so. . maybe di lang talaga nila matanggap na ang mga kandidato nilang sa pananaw nila e magagaling at matatalino e ayaw kagatin ng mga botante. .Look at how our people regard Marcos and Gloria and even Erap. The first two regard themselves as experts on law and economics respectively. Erap is a veteran of politics, streetsmart kahit di ganun katalino. But why did they end up being hated by majority of the filipinos? Contrast that to the mere housewife at tanga na Cory who is revered by many. People will look kindly at you kahit di ka henyo pero may puso ka at malasakit sa kapwa mo. Credentials are good when applying for a job. Tama ka. . pero there is a caveat. may attachment yun. May background check sa mga applicants. Di puede ang ex-con at magnanakaw kaya di pasado mga kandidato nyo. . .lol
Monserrat, not Chedeng, ang wife ni Pong Zonbia. . .
Mukhang dinibdib mo yung tanga. Talagang ading (Ilokano for younger ward – sa mga non-Ilokano) mo nga si Noynoy (aling sa Kapampangan). I guess the years of service in the Cory PSG made you see the pureness of his heart. But I want to see shades of his father’s genes.
Given na yang pureness of heart. Para mong sinabing maganda si Monica Belucci. But how is her acting? After all, that is her craft.
I know what I said. Note I said they can extend martial law. The operative word is can, not they will. I did say they will move for an amendment. Hindi nga nagkatotoo, but that does not diminish the danger of a jointly convened Congress in the hands of Glue loyalists. Kaya ang preference ko noon ay sa Korte lamang dumulog.
Ngayon yang combat shooting. Sport nga. That is the point. There is no actual combat. Kaya ang nagpangalan ng sport na yan ay self-congratulatory. Bilib lang ako doon sa tested by true combat, tulad ni Biazon, at ni Querubin.
Malaki ang pagkutya ko sa lahat ng mga gun-freak, na akala mo magaling dahil nakakatama ng lata, or other target. Virtual fights are worthless.
So back to your candidate. Ano ang achievements, given the purity of his heart? Ngayon kung wala, just say so. Then the choice will be Noynoy’s purity, versus Gibo’s educational credentials, versus the tenacity of the poor man’s love for Erap, versus the profligacy of Villar’s spending.
I am also looking at Nicanor Perlas’ credentials. I do not vote to win, but to state my preference.
Ok, if u don’t call what happened between Aquino and the rebel soldiers in 87 a gun fight, then, I don’t know what it was. . .look at what he did with the previous budgets. .it’s there in his Senate website. . .don’t look for the oratorical bombast of a Tanada or a Recto. . .wala siya nun. . .his forte is in the figures. . .not fit for media coverage though. . .masyadong boring. . .look, the guy is a silent worker. No frills, no shrills, but effective. He may be an ordinary joe to you but ask others who knew him up close or just had a chance to be near him. The guy radiates warmth and sincerity which can’t be said of the other presidentiables and i tell u, in all modesty, I’ve been around with the major players. Call it crazy, but maybe that’s what the many others feel about him also. I have no vested interest in this Atty. Just like you, I’m no longer a resident of the Pinas. . why, i cant even vote in the coming elections anymore. . .
Huwag na kayong mag-away. Ayaw ni Ampatuan ng ganyan. Nagba-bible study ngayon si Ampatuan Jr para maging Born Again Christian at maging Pastor. Just like other criminals like Bingbong Crisologo who claimed to have returned to the Lord to gain voters’ attention and got elected, ganyan din si Ampatuan. Jackie Enrile who killed a number of people during Martial Law did the same trick…turned to Bible and became a Christian kuno. Nag-distribute pa ng mga Bible. Same is true with Mark Jimenez na kay Lord na daw siya ngayon. Are we to believe all these suckers?
Gone are the days of Diokno, Tolentino, Puyat, Tanada, Rodriguez who were the best in their time as legislators. Today, we have the likes of Lapid and Revilla. This coming election, madadagdagan na naman ang mga bobo sa Congress at Senate. God bless the Philippines!
“……Sabi ni Salceda ngayon daw nakita nila na “Good economic performance cannot compensate lack of mandate”. (Hindi talaga mapagtakpan ng magandang ekonomiya ang kawalang mandato o kung hindi ka binoto ng taumbayan.)…”
Mali ito!
Bulol ‘yang Salsalceda na ‘yan. Sipsip sa kanyang ninang at naghihintay na naman ng krismas o new year’s bonus.
Ito ang tama: “Good economic LIES cannot compensate lack of mandate”. (Hindi talaga mapagtakpan ng KASINUNGALINGAN tungkol sa magandang ekonomiya ang kawalang mandato o kung hindi ka binoto ng taumbayan.)
Katulad din ‘yan ng isang umaastang sangganong matagal na nawala at bumalik sa ibang katauhan na nagkukunyaring matino subalit ang anino ng kanyang mga ginagawa ay nasasalamin pa rin sa mababaw na talinghaga.
Kung lilisain, mababasang ang kanyang mga statements are marred by some bitchy art of jokes. Di ba, dong?
Matagal nang ginagago ni ngoyang ang sambayanang Pilipino mula pa noong pinatalsik nila si Erap hanggang pagnakawan naman ng boto si Da King, itinuloy noong 2007 sa pagkapanalo ni Michelle Showgirlie at ngayong darating na eleksiyon ay ang pagpapakalat ng kanilang mga alagad sa iba’t ibang partido (kunyari ay nagsibaliktaran, pero ang totoo ay interes pa rin nila ang nangingibabaw). Idagdag pa ‘yung dalawang presidentiables na lantad ang mga tagong kamay na kadaup-palad ng bruha.
Kapag nanalo ang mga “amag” na ito, ano ang aasahan nating pagbabago?
palagay ko hindi pa naman nag-aaway. palitan lang ng kuro-kuro at karanasan ng bawat isa.
at kung maari, idagdag ko lang ang katanungang: paano ba sinusukat ang purity of (one’s) heart ni nOyNoy? ano ba ang parameter nito at basehan?
ano ang kanyang reaksyon at naging aksyon tungo sa daan-daan na-trahedya at biktima ng masaker sa H. Luisita na kung saan nanungkulan siya bilang manedyer ng 5 taon bago nahalal sa Kongreso?
dumalaw ba ito sa mga nasugatan?, did he,in person,ever condole with the families of the dead tillers and workers?
purity of (one’s) heart…? or undiluted black…?
Gibo, mag-aala-Quezon — solon
Ang isang gobyernong pamumunuan ni Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. ay magpapabalik sa ‘glory days’ ng Pilipinas.
Ito ang paniwala ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, isang senior member ng Lakas-Kampi-CMD, na nagsabing kung ang pagbabasehan lamang ng mga botante sa pagpili ng iuupong pangulo sa nalalapit na eleksyon ay “leadership ability and intellect” ay walang dudang si Teodoro ang maluluklok.
http://www.abante.com.ph/issue/jan0410/news08.htm
Grabe talaga ang lunacy’ng (legacy daw) iiwan ni ngoyang. Lahat ng kanyang kaalyado ay naniniwalang sila sa kanilang hanay ang kailangang piliing mamuno sa bansa.
Pero, teka. Bakit at ano’ng ibabalik na glory days? Di ba’t siyam na taon na tayong nasa glorya ng pagdarahop, takot, kawalan ng pagkakapantay, pagkakawatakwatak at nakabitin sa balag ng walang katapusang kasinungalingan?
Bakit hindi na lamang diretsahin na “ang pamahalaang Gibo ang walang salang magpapatuloy ng Gloria days?”
Huwag na tayong lokohin pa. Sawa na tayo, eh.
Si sax, sucks talaga. Kung kanino kanino na inihambing si Noynoy, eh simple lang naman, walang mapagpipilian, kung hindi si Noynoy. Naku, napakalutong talagang magsalita ng tanga ang taong yan. Sige Henry, bahala ka na kay atetiway.
Nagba-bible study ngayon si Ampatuan Jr para maging Born Again Christian at maging Pastor.
🙂 🙂 🙂
Zen2:
Pakihanap na lang sa mga old posts dito sa blog yung tungkol sa Hacienda Luisita. Matindi aksyon doon. . .kakapagod nga lang ulitin. . .nakapagtataka nga lang kasi noong inimbestigahan yun di man lang nasabit pangalan ni Noynoy doon kaya nga nanalong congressman.Si Cory tinitira nila doon noon at di si Noynoy. Ngayong kandidato sya sa pagka Pangulo, pilit na ikinakabit sa kanya. Bakit di kay Gibo rin kaya? Di ba may ari din sila sa Cojuangco side? hehe
Santo Noynoy at Santa Cory: The Evil Pureness of Their Heart
One wonders: Did St. Noynoy not partake of the pork barrel while he and his family were cozying up with Gloria Arroyo? Was he also a beneficiary of the P728-million fertilizer fund scam?
They knew damn well that Gloria had cheated in 2004 and made sure that despite the clear electoral
fraud committed, they rammed through the national canvassing and proclamation. They knew it then — not only after the “Hello Garci” exposé — yet they did not denounce this massive cheating. Didn’t that holier than thou Mr. Noted, Kiko Pangilinan, make sure that the fraud would not be exposed during the canvassing to protect Gloria? And they claim they are the good and all others are evil? Did he hear a pip from St. Noynoy?
Heck, think much earlier, during Cory Aquino’s time: Remember the discovery of a big check that was supposed to go to the treasury but was deposited instead in Cory Aquino’s personal account — and this was just a few weeks of an Aquino in Malacañang. Think of the Imelda jewelry that “got lost”; the exclusion of the hacienda from the agrarian reform law, and how the Aquino-Cojuangco, in power and position, used the government agencies and the court to get the case where the Luisita farmers already won against the landed clan, dismissed.
http://www.tribune.net.ph/20091130/commentary/20091130com2.html
By the way, Happy New Year to you all.
Atty Sax and Henry,
Pakituloy nga ang sensible debate/argument, ang ganda-ganda e pinasukan na naman ng lisya…dong!
I really like the kuro-kuro/balikan of atty sax and henry, they help me choose my next president.
Chi:
Happy New Year!
Yes, I like and respect Atty Sax’s opinions very much. Others’ opinions are also respected but they tend to parrot the propagandists of Noynoy’s adversaries especially Ninez’s Daily Tribute to Erap which continuously vilify Noynoy’s person and goodness gracious, has no qualms in demonizing Cory. Now if u compare Ninez to Cory, sino kaya pinapaniwalaan ng mga Pinoy? If she eventually rests in peace, do u expect to see the multitude in Cory’s wake to visit Ninez’s wake and line the streets to watch her cortege pass by? Why, she wont even make mayor in her hometown if she runs. They think that in vilifying the Aquinos, this would prop up their patron and owner of Tribute, Erap. Notice that only Aquino is almost always being singled out for their brand of special negative campaign. Cory vs Erap? That’s a no brainer. My defense of the Aquinos is borne out of my personal knowledge of them, up close and not bcoz of the say-so of any columnist or paid hack. I dont get any cent from it. As I’ve said, the Aquinos are not perfect and so are the other candidates.Noynoy is forewarned to rein in his kamag-anaks if he wants to succeed. That is IF he wins the derby in a fair and honest elections.
Ahhhh basta kay Erap pa din ako …. bahala kayong ipagtanggol ang mga minamanok niyo at bahala kayong mag-aaway-away. (lol) Simple lang naman ang sa amin …. si Erap ay para sa mahihirap … yon lang. Ganun lang kasimple. Tignan niyo kung sinong pumuputak laban kay Erap … yung mga may kaya .. at yong iba ay ayaw nilang maging Pangulo ang mukhang bobo. Kung gusto niyo ang magaling .. bakit di niyo iboto si Gibo? Yong iba ba may sayyyyyyyyy???????? Hay naku 2010 na eto pa rin tayo.
Nah…I already stopped reading Ninez, walang bago.
Happy New Year, too, henry!
“Noynoy is forewarned to rein in his kamag-anaks if he wants to succeed,” in case he wins.
May the force be with him. 🙂
what is wrong with my posts? am i being persecuted?
It’s not a debate anymore whether Gibo will make it or not because the numbers already says he won’t.
Why? Assuming 100 diehard PaLaKa congressmen are pushing for him, at 250,000 per congressional district, and one half of the population is of the voting age, easily 12.5M voters are supposed to support him. (100 x 250,000 x 0.5 = 12.5M)
This coincides with Malacañang’s projection of a steady 25% Gloria following (which can also be seen in the satisfaction surveys). 12.5M is 25% of 50M voters. The pollsters say differently – he’s steady at 2%. Which only means that even his partymates are not rooting for him. Or EVEN GLORIA!
I don’t know what alchemy or black magic Puno can pull out of his bag of tricks to make Gibo’s numbers overtake Noynoy’s, but it’s safe to assume Noynoy’s victory is a done deal.
Villar has just unleashed his well-funded push into the alternative media, Google and Google-owned sites like YouTube are bombarding Filipino-addressed IPs with Villar prop. Infomercials have become more frequent in TV and radio yet his numbers are sliding. We can’t, however, predict whether hard cash, doled out a few days before the polls, can still work to buy votes.
Erap is fast catching up on Villar and soon, he will overtake Villar unless the Supreme Court delivers the fatal blow. It will be an Erap-Noynoy slugfest come May with Noynoy being favored by the odds.
This is the view of big business. Or businessmen in general. That is why the donors are now making sure they are “felt” by Noynoy and his camp.
As of this date my vote is – NONE OF THE ABOVE.
Ang sa akin lang kung pag-uusapan natin si Noynoy …. ang maitatanong ko lang ay mayroon ba siyang nagawa o naisa-batas na panukala na orihinal niya. Mula nung naging Senador nakita niyo bang nakibalitaktakan sa mga panyeros niya? Kung may rally nakita niyo ba siyang sumasali …. yessssssssss ….. sa likod ng yumao niyang mader. Kung titignan mo talaga para talaga siyang nandodoon lang sa Senado dahil lang sa kanyang ina. Yon lang … pero kung siya nga talaga ang manalo … oks lang sa akin .. dahil na din sa mga peyrents niya …… at para mapalitan na ang walang kuwentang Pekeng Pangulo na yan.
Tedanz:
Happy New Year parekoy! Yan ang spirit! Fighting!hehehe. . .ok lang yan parekoy. . .ang importante e bukal sa loob natin ang pinipili nating kandidato at di dahil sa dinidiktahan tayo ng kung sino-sino o nakadepende ang desisyon natin sa mga basahin sa diyaryo. . .at least, may sarili kang opinyon. . .Erap pa rin! hehe
Ay! nakupo, Dong, ano ba naman ‘yan
‘Sangkaterbang gulo hindi na ‘ata maiwasan
Tapos na’t napahinga na itong 2009
Tila itong panggugulo’t sanrekwang kabalbalan
Wala ba itong dulo’t katapusan?
Sus-mario-sep, sabay ng antanda
Kahit anong pag-aarok ay hindi ko magawa
Hindi rin maabot lalim ng pang-unawa
Kung ano ang pinupunto ng malikot mong diwa
Binabalot ba ‘yan ng layuning lisya?
Arte mong noon sa amin ay lumugod
May haplos ng tuwang sa puso ay kumupkop
Ang berdeng tinutugpa ng hayag mong ulos
Biglang naging pakla ang tamis ng ubod
Nawala din sa tyempo ang sintunado mong tugtog.
Oh, what a bitchy way of fooling the people
Lahat ng panloloko’y ginawa mo na noon
Pati ba naman ngayong nabago na ang taon
Pawang panggugulo pa rin ang iyong himatong
Lahat ay gagawin upang kami ay maburyong?
henry,
Happy New Year din Igan!
Siyempre may kanya kanya tayong pamantayan. Kahit hindi man ako maka-Noynoy pero mas gusto ko naman siya ang mananalo kung hindi rin lang si Erap. Ang tanong ko sa iba …. sinoooooooooooooooo!!!!!!!!!
Erap is fast catching up on Villar and soon, he will overtake Villar unless the Supreme Court delivers the fatal blow. It will be an Erap-Noynoy slugfest come May with Noynoy being favored by the odds.- tongue
Magandang balita kay Tedanz! At least, si Tedanz ay hindi nagkukunwari na ‘medyo-medyo’ kay Noynoy kuno (kundi raw sa kamag-anaks) pero bashing galore naman ang ginagawa. Si Tedanz ay walang kondisyon…basta Erap pa rin sya!
‘newey, Tedanz…marami kang kasama sa aking town (ang mga boto dun ni Chiz ay napunta kay Erapski, dehins kay Money).
Happy ‘Noy Year to all!
Sometime in 2004, before the Hello Garci scandal… I met an old lady with a long, straight and white hair… she was 79 yr old that time… malakas pa syang tignan sa edad nya… psychic daw sya ni Ferdinand Marcos… and we talked about politics… and she said “Gloria is evil… and she will stay in power until 2011” unulit nya, evil si Gloria…
That time, naniniwala pa ko kay Gloria at hindi pa ko kombinsido na totoo ang dayaan… hindi na ko nkipag argue sa kanya… Sa isip ko lang, maka-FPJ/Erap ata tong matanda at mukhang nagkamali pa ng computation… 2010 lang dapat…
Hindi na ako makasingit,pinakyaw na ninyo ang talakayan,okey lang nalilibang naman akong magbasa at tiga “palakpak” muna ako.
Iyan ang prediction ko noon pa na Erap/Noynoy ang maglalaban ng photo finish kung hindi idisqualify ng SC si Erap. Kung madisqualify man si Erap ay advantage kay Noynoy dahil magsanib pwersa na sila.
OT:
Senate pressed to act on pro-Trillanes resolution
“Lawmakers from various countries are calling on the Senate to act on the pending resolution that will allow detained Sen. Antonio Trillanes IV to participate in the sessions and other legislative functions through remote or electronic means….”
“…In its letter to Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, the Inter-Parliamentary Union (IPU), of which the Philippine Senate is part, called on the authorities to “ensure that the resolution is implemented without further delay.””
“Zubiri in questioning the letter of the IPU said, “ Is there a parliament anywhere around the world that allows legally detained members to participate in their sessions?””
““So far, all resource persons that I have spoken to and who attended the hearing could not point to any. They pointed out parliaments in the world that allow electronic voting and electronic participation, but those are for members of parliaments that are on official mission, not legally detained or are prisoners of their judicial system. That is a big question that still has to be answered.””
Tangnaka, Zubiri, bading!
http://www.tribune.net.ph/headlines/20100105hed5.html
“Zubiri in questioning the letter of the IPU said, “ Is there a parliament anywhere around the world that allows legally detained members to participate in their sessions?”” Baligtarin natin tanong… illegal bang ba mag-participate sa session ang isang detained senator? Kung illegal, bakit hindi pa nila tanggalin as senator si AT4?
Bakit, meron bang K and illegal na senador na Miguel Zubiri na produkto ni Hello Garci at Ampatuan na magkomento tungkol sa isyu na sangkot ang isang legal at duly elected Senator Trillanes?
Anak ni Ampatuan ang hibang na ilusyunistang senador daw sya. Ayyy…Senator from Maguindanao nga pala si Zubiri!
“legally detained” daw si Trillanes.
Teka muna, ang nagpa-detain kay Trillanes ay ang illegal/pekeng presidente ni Zubiri. Therefore, illegal and detention ni Trillanes!
Ang lakas ng loob ni Zubiri na idala sa diskusyon ang salitang “legal”, Gloriang-gloria ang pesteng ‘toh!
Palamig muna. Mamaya ako sasawsaw diyan sa kahayupan about denying the people their right to be represented by Trillanes.
Maaaring alam niyo na ito, pero sa mga nahuling tulad ko, here is a speech by Erap in the Ateneo Homecoming. This is really cool, so isantabi muna ang mga political swords.
Kudos to the writer; whether it was actually Erap, or some ghostwriter.
http://bethong.tripod.com/erap28.htm
Yan ang gusto ko kay Erap eh.. madali nya tayong napapasaya…
hindi kagaya ni Gloria nangangarap sa “tiwala” at “pagmamahal”… plastik!
perl,
Mahilig kasing magpalobo itong si ngoyang, kung mapapansin mo.
Lahat ng kanyang mga ulat sa tao ay padded lies. Pinapatungan nila ang mga datos upang magmukhang kapanipaniwala subalit bumabalandra ding semplang sa kanila.
Kumbakit kasi itong mga alalay niya ay hindi pa magising sa katotohanan na bilang na ang kanilang maliligayang araw. Patuloy pa rin sila sa paglulubid ng buhangin.
Nakakaawa na nga kung minsan, eh.
Nakakasawa na talaga.
Gloria ‘di na makakabawi
“………..Nauna rito, nagsagawa ng People’s Day si Arroyo sa loob ng Malacañang at namigay ng bigas at de-lata sa ilang daang pamilya na nakatira malapit sa Malacañang.
“This is a simple gesture of generosity and kindness that we hope will be spared with the usual politicking and nitpicking by the usual suspects,” ani Presidential Spokesman on Economic Affairs Gary Olivar.”
http://www.abante-tonite.com/issue/jan0510/news_story8.htm
Diyan magaling ang kampo ni gloria – sa panunuhol na itinatago sa pakitang taong limos na pagmamagandang loob.
‘Lang’ya talaga. Kapag lumamon silang minsanan ay milyon ang halaga, kapag sa taong bayan ay tipid tipid subalit gusto pang tanawing napakalaking utang-na-loob.
Hindi tayo nakakasiguro, kahit ano’ng pagbabantay natin sa mga aso ni gloria arroyo, but what’s definite is – ayaw na nating maulit na merong mamuno ulit sa Pilipinas na katulad ni gloria arroyo.
Niloko na tayo noong una. Dinaya’t pinagnakawan ng pag-asa nitong pangalawa. Inulit pa’ng katulad noong mga nauna kaya’t kalokohan na’t katangahan ang payagan pang muli ang kanilang paghahari sa sunod na pagkakataon.
Kilalanin natin (kung ano ang) tunay na kulay ng mga kandidatong nangangako ng pagbabago at huwag basta magpadala sa mahika ng mabubulaklak na salita. Lingunin ang kanilang mga nakaraan subalit pagtuunan ng pansin kung ang kanilang layon ay walang bahid na pagkukunwari at pagpapaimbabaw.
I just hope that Gloria stays out of politics after her term.
[Sigaw sa PA System]”Rivera, three points!”
He he he he.
Na-foul pa ‘yun. Flagrant. Kaya may technical free throw. Kapag naipasok lahat ‘yun, tapos ang laban.
Huwag lamang susuhulan ang reperi.
Kasama pala sa ipinasang 2010 budget law ng Kongreso na automatic ang appropriation ng pork barrel.
Malinaw ang ibig sabihin nito – tinatanggalan nila ng kapangyarihan si Gloria at yung mananalong pangulo ng discretion kung kailan, kanino, at magkano ang irerelease na pork.
Ano naman ang ibig sabihin niyan?
Una, ang pork barrel na lamang ang natitirang alas ni Gloria para pam-blackmail o pang-ipit sa mga kongresistang gusto nang kumalas sa kanyang poder at sakaling maging automatic nga iyon ay tuluyan na siyang ibabasura maging ng mga kongresista ng partido niya. Lame duck na talaga.
Pangalawa, alam nilang kung sakaling marelease iyon sa terms na dinikta ni Gloria, hindi nila maaalis ang bahong nakakapit sa kanila, lalo’t muli silang nanliligaw sa mga botante. Disgrasya kung kada poster nila ay kailangan ding ipaskel ang mukhang may bangaw sa pisngi.
Pangatlo, kung ang parte ng pork na irerelease (kung may ititira pa yung ganid na Pandak) ay aabot pa sa susunod na pangulo, sinisiguro nilang hindi sila madidiktahan nito, gaya ng pagpili ng House speaker at Senate president.
Hayup talaga sa kaswapangan at kagaspangan itong mga politiko natin.
Panahon na para itapon silang lahat sa basura.
Saka tabunan ng backhoe!
Pinoys told to stop acting, thinking poor to solve poverty
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=538158&publicationSubCategoryId=65
Ano ba talaga ang sanhi ng ating kahirapan?
Tama bang lagi na lamang isisi sa tao ang pagiging mahirap kahit sa kanyang pagsisikap ay walang pagbabagong mangyari dahil walang malasakit ang mga namumunong ang inuuna ay ang pagpapataba ng kanilang mga lukbutan at kung tumulong man ay sa anyong limos na hindi maaaring sandalan subalit gusto nilang tanawing napakalaking utang-na-loob habang buhay?
Kapag ganito ang katwiran ng mga lider, ano ang mahihita natin?
Tongue,
Bagong taon. ‘Ansama ng pasok sa iyo. ‘Andami mong makakalkal, yan pang kasuwapangan ng mga kotonggresmen ang iyong nasumpungan.
Tongue, kaya marahil ayaw pirmahan ng unana. Nag-iisahan ang mga baboy!
Arroyo to hand out balance of cash bonuses
http://sports.inquirer.net/sportsevents/sportsevents/view/20100106-245740/Arroyo-to-hand-out-balance-of-cash-bonuses
Bakit pa?
Gastusin na lamang nila sa kanilang paglilimayon at magarbong paglamon.
Papapel na naman ang putangingang bruha!
walang pakealam yan kung popular sya o hindi kung mahal sya o hindi….importante lang ay magpayaman at magpasasa sa pera natin.