Sa pagtatapos ng taong 2009, gusto ko dito ibahagi itong tula na sinulat ni Pete Lacaba na binigkas ni Armida Siguion-Reyna.
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.
Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.
Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.
Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.
Ingat lang.
Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.
Higit sa lahat, inuulit ko:
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.
Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.
Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.
Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.
Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.
Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.
Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una’t huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!
Ako naman.
Mabuhay ka, gloria
Mabuhay ka! Ikaw na pangulong nakaupo sa palasyo
Ikaw na nagpumilit nang-agaw ng boto
Huwag lang mapaalis sa ninakaw na trono
Ginawa ang lahat kinutsaba si Garcillano.
Mabuhay ka, babaeng pinagpala
Tulad nang sinasabi mong sugo ka ni Bathala
Tila baga’y anghel kang ipinadala sa lupa
Naghasik ng lagim sa halip na pagpapala!
Mabuhay tayong lahat, lagi mong sinasabi
Dahil sa patnubay mo, gumanda ang economy
Subalit bakit hanggang ngayon ay pobre pa kami
Samantalang ikaw ay laging ’round the world ang biyahe?
Mabuhay ka pangulo naming walang makakapantay
Sa pagiging masipag at walang bahid na dangal
Dahil sa walang sawa mong patnubay at paggabay
Inaani namin ngayo’y pawang kahirapan.
Matatapos na itong taon, araw mo rin ay bilang na
Sa inagaw mong poder na tila ayaw mong mapasaiba
Wala ka nang pagkasawang sa pagkalasing ay magbawa
Kapangyarihan at salaping lumasing sa iyong walang duda.
Isa lamang ang panalangin naming sa iyo ay napupuri
Sana naman ang yaman mo kahit konti ay ibahagi
Latak man ang ilimos mo’y sobrang kuntento na kami
Matitikman din sa wakas ang pinawis ng dugo ng marami.
Sana sa pagyukod nitong 2009 sa 2010
Kasabay nito’y matanto mong gobyerno mo’y tapos na rin
Maisip mong may hangganang bawat simula’y nararating
At hindi mangyayaring maging presidente ka namin forever.
Baka ako’y mapahaba na’t mga bumabasa ay magsawa
Tagubilin ko, Aling Gloria ay sundin mong may pang-unawa
Tanggapin mo ang katotohanang sukdulan ay nagbabadya
Katapusan ay dumarating kaya sumuko kang buong kusa.
Upang kami ay makatiyak sana’y dingging nitong langit
Matagal na naming hinihingi, noon pa’y aming ‘hinihibik
Magtika ka sa mga salang buong palalo mong inihasik
Mabuksan ang iyong puso at luminaw ang iyong isip.
Tatapusin ko na ito ng may pagsamo’t panalangin
Sana ngayong Bagong Taon sa dusa kami ay palayain
Kasabay ng salimbayan ng mga paputok sa papawirin
Pagsambulat mo’t paglalaho’y buong saya naming sasalubungin!
kinikilabutan ako sa predictions ng mga psychic ngayong 2010. karamihan sa kanila ay di makapag predict kung sino ang mananalong presidente kasi sinasabi nila na may failure of elections daw at baka ma extend pa yung naka upo ngayon. ngiiii!! nakakatakot!
this year 2010, there will be a mourning in malacanang, everything goodor bad, will come to an end..a cabinet member will be assasinated,.and if the people will not be vigilant there will be a failure of election..people will rally behind erap and binay..!!
Ang lulupit nyo. . .Happy New Year Ellenville. . .hehe
Kalahati ng 2010 ay kay Gloria demonya , baka ma-entend pa
Hope springs eternal sabi ng iba
Ano baga’t hindi yata umuubra
Sa tulad kong kulang ang pasiensya.
A Peaceful Year of the Tiger to all!
Mabuhay ka, MPRivera! Swak na swak!
Happy New Year to every all …
Happy New Year sa taga Ellenville at sa mga nagmamatyag lamang.
While Pinas is ushering in the New Year, from where I sit I still having my noontime lunch at 12:00 MN, while Ellen in California is having her late morning breakfast at 9:00AM.
By the time we welcome the New Year, Ellen is maybe having a late dinner or drinking her coffee in front of the TV watching news while Pinas is fast asleep except for the night owls or party animals.
Ellen in California will welcome the New Year, while we over here are fast asleep while Pinas is reeling from hangover of the previous night.
Anyways, whatever time differences we have, we have to celebrate the coming of the New Year with prayers, big wishes and hope for a better Philippines under a new administration of whoever wins the election.
Wishing one and all a Happy, Prosperous and a Safe New Year.
Sorry, Ako pala ang may hang-over from our pre-New Year’s party last night tuloy hindi tama yong pasok ko. It should be:
While we over here welcome the New Year, Ellen in CA is maybe having a late dinner or drinking coffee watching prime time broadcasts on TV, while Pinas is reeling from hangover from last nights celebration.
As Ellens turn to welcome the New Year, we are already fast asleep while Pinas is having there usual afternoon merienda.
Philippines is deadliest place for journalists in 2009 – IFJ
(source:abs/cbn)
Sa wakas, naging number din si Gloria Arroyo sa isyung ito, a fitting year-end (dis)honor to her bitchiness. 2009 was indeed Gloria’s most productive year, topnotcher palagi sa kababuyan.
Psychics cannot predict who will win the presidency this election? Takot kasi sila sa apo ni GMA. The kid is more powerful than those psychics. Remember she wished her grandma would stay as President forever.
Ellen, Welcome sa California !!!..Wish you the best, and a more peaceful-stable-healthy-abundant New Year, 2010..Your blog is making the world smaller, and also serves as a microscopic critique in the Philippine governance(GMA admin and company)while, still many Filipinos are not aware or the concern in participating in the ” transformational process “, especially the media-journalism freedom, and the human right violations issues..Your ways is a small step to a giant leap
of awareness to Filipinos to share through cyberspace forum
the correct and rightful ideas, comments for government leaders to stop or lessen the greed and corruption practices.
Napulot ko sa Abante….
Tip para sa mahabang buhay:
“Huwag kang magpakita kay Andal Ampatuan Jr. Baka barilin ka niya!”
Ang galing ng tulang ito.
Mabuhay ka, Pete Lacaba!
Mabuhay ka, Armida!
Masaganang bagong taon sa ating lahat!
My New Year’s Wish, and birthday, too – mawala na sa buhay natin ang buong angkan ng Macapagal at Arroyo kasama ang kanilang mga kampon na nagpahirap sa atin sa walang pangalawa nilang pagkagahaman sa kapangyarihan at salapi.
Silang mga sinungaling at mapagsamantala ay hindi na dapat bigyan pang muli ng pagkakataon upang ulitin ang pagmamalabis na ginawa sa atin. Sa darating na eleksiyon ay ipangampanya nating huwag iboto ang sino mang nagkaroon ng kaugnayan at/o may kinalaman sa administrasyong Arroyo. Mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na posisyon sa gobyerno, huwag ihalal ang tagapagtaguyod ng mga dorobo!
Oy, hindi ka nagpaalam bago mo ito ipinost.
The slightly revised version of this poem, with the correct stanza breaks, may be found in my blog, kapetesapatalim.blogspot.com. Here’s the URL:
http://kapetesapatalim.blogspot.com/2008/02/tagubilin-at-habilin.html
Sorry, Pete ha. I got it from Bibeth.
Pete,this posting is linked to the URL that you gave. Please take note that your name in the intro is highlighted which indicates the link.
Pete, I posted the revised version.
Bilib ako sa loyalty at paninindigan ni Ate Armida. Kahit na pumanig kay Chiz ang manugang niyang si Bibeth, stick to Erap pa rin ang Reyna ng “Aawitan Kita”. Speaking of Chiz supporters many of whom were FPJ and Erap fans, saan at kanino na sila ngayon? Kanino na si Bibeth ngayon?
Nung nasa radyo pa ang tambalan nina Ted Failon at Korina Sanchez-Roxas, tinatapos nila yung programa nila sa pagparinig ng recording ni Armida ng tulang ito. Alam kong merong recorded audio version nito, mas maganda kung mai-link.
mario,
Sabi ni Sen. Trillanes, kahit na nagpahayag na siya ng personal na pagsuporta kay Noynoy matapos umatras si Escudero, maaari daw itong magbago matapos ang convention ng Magdalo. Sinabi ko sa kanya na kung walang pumasa pa panuntunan ng grupo ay huwag na lang mag-endorso ng pangulo. Yan naman ang sinang-ayunan niya. Kaya maaring si Noynoy ang piliin nila. O wala.
Natural lang sa tao ang masasaktan kapag gawing second choice.
Iyon mga sumuporta kay Chiz buti pa tumahimik na lang at huwag nang mag-endorso kahit kanino…not even Erap. Ano na lang sasabihin ng kampo ni Erap? Lilipat at kakampi sa kanya dahil umatras ang kanilang manok na si Chiz? Chiz and Erap are very close friends. Had Chiz agreed to run with Erap, baka lumakas ang PMP. Kahit na ba Vice lang si Chiz. Kung ma-disqualify si Erap, di si Chiz ang Presidente? Between Chiz and Binay, kay Chiz ako. Binay has the same anomalies in his Makati. Isa din siya sa nakinabang sa pag-upo ni Cory.
Naging OIC at di na umalis sa kanyang puwesto sa Makati.
Tongue, sa opposition ticket nanalo si Trillanes…UNO ni Erap noon. Malaking tulong na financial din ang ginawa ni Sen. Jamby sa kanya na isa din die-hard opposition. Kung ako siya tutal ayaw naman niya sa PMP/UNO nina Erap kahit man lang tanaw ng utang na loob, huwag na lang siya kumampi kahit kanino. Iyon ay sa akin lang naman.
Ka Pete,
Nakakabighani at humahagod ang linyang ito:
“Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.”
Pero, ang host ng Ellenville maaring mas mapangiti kung palitan ang huling linyang nagbabadya ng alinlangan:
“Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.”
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo:
Ituring na bonus, kung ikaw ay mananalo.
~~~~~~~~~~~~
Sa kabuuan, maraming salamat sa inyong walang sawang pag-ukit ng mga makabuluhang awit, ng panaghoy, at tula.
Mabuhay ka!
mario,
hindi lang naman si AT4 ang Magdalo. Bagamat siya ay naluklok sa pinakamataas na puwesto sa kanilang grupo, ang majority wisdom daw ang masusunod.