Skip to content

Pacquaio: idolo sa boksing; hindi superhero

Ayun sa reports, kulelat ang pelikula ni Manny Pacquiao na “Wapakman” sa Metro Manila Film Festival.

Sana magmumulat yan sa mga mata ni Manny na siya ay ini-idolo sa boksing. Sa boksing lang. Kung gusto ng mga tao manood ng pelikula, gusto nila ang magaling na artista. At hindi si Pacquaio yun.

Ayon sa official box office records ng MMFF, ang topnother ay “Ang Panday” ni Sentor Ramon “Bong” Revilla na kumita ng P16.9 million sa unang araw, na sinundan ng “Ang Darling kong Aswang” ni Vic Sotto (P16.8 million) at “Shake, Rattle & Roll XI” (P16.2 million). Fantasy films itong mga topnotcher.

Ang “Wapakman” na kumita lamang ng P750,000 ay fantasy film rin ngunit hindi pa rin kinagat ng manood. Kahit na pinag-usapan ito dahil sa tsismis ng kanilang ugnayan ng kanyang leading lady na si Krista Ranillo.

Itong “Wapakman” ay pangalawang pelikula ni Pacquiao. Ang una niyang pelikula nong 2007 MMFF, “Anak ng Kumander” kung saan natsismis din siya sa kanyang leading lady na si Ara Mina ay hindi rin kumita. P2 milyon lang daw ang kinita ng pelikula na yun.

Sabi ni Joey Reyes, direktor ng pelikula, “Isasantabi ng Pilipino ang lahat na gawain para panoorin si Manny sa boxing ngunit kapag gusto nila manood ng sine, hindi si Pacquaio ang kanilang pupuntahan.”

Para sa akin, maganda naman na pumasok sa pelikula si Manny Pacquaio at kahit paano ay nakakabigay ng trabaho sa mga artista at crew ng pelikula. Ngunit sana hindi siya ang star. Sana producer lang siya. Kumuha na ng totoong artista. Sa dami niyang pera, pwede siya mag-produce ng magagandang pelikula. Huwag lang siya ang artista.

Ganoon rin sa kanyang pagpasok sa pulitika. Kandidato sa pagka-congressman si Pacquaio sa Saranggani ng Nacionalista Party ni Manny Villar. Ini-endorso rin ni Pacquaio si Villar para presidente.

Noong 2007 na eleksyun, natalo si Pacquaio ni Darlene Custodio sa pagka-congressman ng General Santos city. Lumipat si Pacquiao sa Saranggani para iba ang kanyang magiging kalaban. Ewan lang kung mas tatanggapin siya ng mga taga-Saranggani.

Sabi ni Pacquaio, kaya daw siya papasok sa pulitika para makatulong sa taumbayan. Sa dami ng kanyang pera, magagawa niya yun kahit hindi siya papasok sa pulitika. Pwede siya magpatayo ng foundation na magbigay ng scholarships sa mga mahihirap na kabataan. Pwede siya magpatayo ng eskwelahan at mga ospital na magsisilbi para sa mahihirap.

Ang nakakabahala nga e, kaya siya papasok sa pulitika para ang gagamitin niya sa pagtulong sa taumbayan ay hindi niya personal na pera kungdi pera ng pamahalaan. Pork barrel. Pera nag taumbayan yun.

Mali yata yan na rason para pumasok sa pulitika.

Published inAbanteSports

67 Comments

  1. Topnotcher pala si Bong Revilla sa MMFF. Gaya ni Pacquiao, doon na lamang sana siya sa propesyong mas kailangan sila. Si Pacquiao sa boksing, si Revilla sa pelikula.

    Walang kuwestiyon sa akin kung magpolitiko man kung kahit na sino, equal opportunity advocate kasi ako. Pero, kailangan ay yung may kakayahang gawin ang trabaho ng opisinang gusto niyan takbuhan. DAPAT KWALIPIKADO.

    Maawa naman kayo sa taumbayan, kailangan namin ng politikong gagawa ng batas para maayos ang ating lipunan at matugunan ang paghihirap ng mas nakakarami.

    Hindi isang mapantasyang mundo o suntukan lamang ang kongreso, gawaan ito ng batas at ang pagsigurong ang batas na ginawa ay sinusunod ng lahat.

    Alam nilang hindi sila pareho kwaklipikado pero sinasamantala nila ang kahinaan (at katangahan) ng mga botante.

  2. vic vic

    Whether Pacquaio becomes an excellent political figure as in Boxing remain to be seen, but qualification wise, he can if elected assemble the best minds to translate what he intend to do for the good of his constituents…spending the Taxpayers’ money by way of Pork is not devil at all it they go to projects mostly needed and without the usual “Cut”, like creating jobs and livelihood projects in his District or proposing law to the effect.

    We have seen the Best Educated men and women (GMA pride herself to be a product of the country’s premier institution and also been bragging about her stint at Harvard)been elected to the most responsible elected positions… the Senate has majority of so-called “I am a lawyer, don’t tell me about the Law” individuals and the House has even more of the same geniuses and smarties.

    I never like Boxing as a sport..it is violent and it will take its toll on its partakers in their later years if not in the Prime…but for some who has the talent and skills of Manny P. and a good Trainer of Mr. Roach, the money is beyond any one’s dream..the only drawback is the Champion is hailed a hero during his Boxing days and when the days were gone and the money too, he will suffer on his own…too many did

  3. jawo jawo

    Para sa akin, maganda naman na pumasok sa pelikula si Manny Pacquaio at kahit paano ay nakakabigay ng trabaho sa mga artista at crew ng pelikula. Ngunit sana hindi siya ang star. Sana producer lang siya. Kumuha na ng totoong artista. Sa dami niyang pera, pwede siya mag-produce ng magagandang pelikula. Huwag lang siya ang artista.—ELLEN
    ___________________________________
    Agree ako 100%. Since ang expertise ni Manny eh boksing (na hinubog niya sa sarili niya nang mahabang panahon), why doesn’t he consider building a stable of boxers and be a boxing promoter like Flash Elorde and his father-in-law, (Lope Sarreal) did ?

    Noong laban nila ni Oscar de la Hoya, bagaman na natalo, di hamak na mas malaki ang kinita ni Pareng Oka kesa kay Manny sa dahilang ang GOLDEN BOY PROMOTIONS (na pag-aari ni de la Hoya) ay isa sa nag-promote ng laban na iyon. And for the same token, maaring malaki rin ang kinita ni COTTO sa laban nila ni Manny kasi ang COTTO PROMOTIONS ay isa rin sa nag-promote ng laban nila ni Manny.

    Tama ka Ellen. Hindi kailangan ni Manny na maging “star”. He can be in the background while earning more money than the stars themselves.

  4. jawo jawo

    >>>kailangan namin ng politikong gagawa ng batas para maayos ang ating lipunan at matugunan ang paghihirap ng mas nakakarami. ——TonGue
    _________
    Ang problema sa mga politiko natin eh imbes na gumawa sila ng BATAS, gumagawa sila ng “BUTAS” para ma-circumvent ang mga batas na sila mismo ang gumawa para sa kapakanan rin nila. Just look at how they bastardize the provisions of the constitutions and the other laws of the land. They deliberately violate any and all provisions with impunity just to suit their evil intents.

  5. Matapang si Manny,wala siyang inatrasan sa laban kahit alam niyang matatalo siya lalo na sa pulitika pero sige pa rin.

    Iisang bagay lang ang kinatatakutan ni Pacman.Ang kanyang sariling dugo. Takot siyang magpa blood test 48 hours bago ang laban nila ni Mayweather. Inaakusan ng mag-amang Mayweather na hindi raw galing sa Diyos ang kanyang lakas,bagkus sa sinabi ni Manny na nakakausap daw niya ang diyos.Makinig ka Santino, Sa steroid daw humuhugot ng lakas si Manny ayun sa paratang ng mag-amang Mayweather.Sinang-ayunan naman ni Golden Boy na takot daw si Manny sa needles.

  6. Let me share with you what Mike Defensor told me about Manny Pacquiao. This was during the 2007 election campaign. I asked Defensor why do they encourage Pacquiao to run for Congress (against Darlene Custodio) they know very well he won’t make a good legislator. I said to Mike, Pacquiao’s expertise is in boxing and he should stick to that.

    Defensor said, “He is tired of boxing. He is tired of trainings before the fight.”

    I replied, “If he is tired. Then he should retire from boxing.What does he think of Congress, a retirement home?

    Defensor said, “He wants to be still in the power circle when he retires. And he sees that being a public official is being in power.”

  7. mario mario

    Manny Pacquiao should know where he belongs…boxing and only boxing alone. Pati ba naman artista pinasok niya. I still have to see one boxer succeeding in movie industry. There was one time Onyong tried the movies pero walang nangyari. Pacquiao thinks his popularity as a boxer would draw the same crowd to his movie. According to one comment I read, dapat daw ang title na “Wapakman” ginawang “Palpakman”. This would also happen to him again when he runs for Congress the same time. No amount of money and fame could make him win if people want him to just box.

  8. mario mario

    Correction please…second (not same) time. He’s now allied with Villar’s NP. Bakit hindi sa Lakas-Kampi ni Gloria? Simple lang ang sagot. Parang hindi din siya lumipat because NP where Villar is the presidential candidate is actually an extension of Lakas-Kampi ng Malacanang.

  9. jawo jawo

    >>>“He wants to be still in the power circle when he retires. And he sees that being a public official is being in power.”——–Defensor
    *********************************

    Kung susundan ko ang line of thinking ni Defensor (who himself is corrupt), then it is not at all helping the people that is foremost in Manny’s mind. He was, in fact, thniking of himself and what’s in it for him no matter who the powers would be ! Wow !! Doesn’t this sound familiar or what ??

    Watch out, voters, seems like we have another predator in our midst masquerading as a knight in shining armor. Iyan ang natutuhan niya sa kadi-dikit kina Lito Atienza at si Chavit Singson na isang buwaya at isang ahas. Ano ang kinalabasan mo ngayon ? Unggoy, ano pa ! Monkey see,….monkey do !

    But in fairness to you, Manny, I hope these not-so-pleasant thoughts about you are not true. Better still, Manny, just concentrate on boxing and forget about politics and show business. You have more than enough money to invest and to make politicos and artistas drool and still help a lot of people any which way you like. Iyan ang gusto mo, ‘di ba ? Or is it ?

  10. vonjovi2 vonjovi2

    “SANA” ang mga tiga SARANGANI ay tumulad sa mga taga General Santos na ang pag laot ni Manny Pac. sa politika ay di nararapat kaya di siya nanalo doon. Alam nila na baka lang doon mag loko si Manny na matulad sa mga kurakot na opisyal.
    Kung sakaling manalo si Manny Pac. ay parang nakikita ko na lagi niya katabi si Buboy na nag translate ng English sa Tagalog habang nakatayo sa Podium (Minsan ay iba ang sinasabi kay Manny sa tagalog na sinasabi ni Freddy R.sa English). Baka matulad lang siya kay Lito Lapid na di uma attend kapag debate sa ENGLISH ang salita.

  11. mario mario

    Manny invested P1B on his recent movie that flopped. Parang natalo lang iyan sa casino. But the impact hurts more on people’s not wanting him to enter show business. Tulad ng kanyang mommy Dionisia…buti pa hanggang dancing na lang at huwag nang kumanta. She had a duet with Imelda Papin at lumabas na boses palaka este bata si mommy. Other than that, she has to straighten her Tagalog.

  12. mario mario

    In fairness to Manny, mas magaling siya mag-English kay Lapid.
    Kung meroon man isang magandang katangian si Manny ay ang kanyang lakas loob. Tulad ng kinanta niya sa isang show sa Amerika…”don’t brik my heart”. Ha, ha.

  13. The problem with the “stars” are the people surrounding them.

    Naudyok. Nauto.

    Ganyan din si Dangas.

  14. mario mario

    Ganyan din si Noynoy…the people surrounding him. Sayang, kay Noynoy sana ako. Sa ngayon, wala akong kandidato.

  15. rose rose

    yon pala ang foresight ni PackedMoney…

  16. mario mario

    Rose, how are you related to Rita and Josefina?

  17. Tedanz Tedanz

    mario,
    Mali mali man ang Inglis mo sa Amerika .. hindi ka nila pagtatawanan. Alam nila na second language mo lang ang Inglis. Hindi gaya sa ating mga Pinoy … nagkamali lang sa pagbigkas ng Inglis o kahit sa ating wika .. pagtatawanan na natin.
    Pero talagang palaban talaga etong si Pakyaw … hindi naman talaga siya kumakanta pero nagko-concert pa … ang mga gago kamo ay iyong mga taong nanood at nakinig. Hindi naman siya politiko pero tatakbo siya … sinong gago … di yong mga taong boboto sa kanya.
    May Ara Mina ba kayo? May Krista Ranillo ba kayo? May bilyones ba kayo? Sabi nga ni Pakyaw wala siyang problema baka daw tayo ang meron. Kanya na yong bilyones niya .. kanya na ang mga kabit niya …. la akong paki-alam sa kanya.

  18. Kaya atras ako kay NoyNoy, kitang kita mo madaling utuin, at maraming mang-uuto sa Pilipinas. At iyong mga magaling mang-uto, para sa sariling pakinabang lang, o sa kanilang kamag-anak.

  19. clearpasig clearpasig

    Self preservation, that’s what it is! Hey Pacman aren’t you listening to Sir Efren, you don’t need much if you want to help. All you need is courage and perseverance, it’s like the old days, when you started hitting the bigtime. Now you’re in, you need to stop and think where you want to go…and dont act like a politician giving dole out. For crying out loud, God gave you a privelege to make a copper into gold…do it with your heart.

  20. mario mario

    Bakit laging naka-nganga si Noynoy? Can someone explain it?

  21. Tedanz Tedanz

    Si Noynoy daw ay isang autistic(abnoy) per Maceda. Pero sabi naman ni Kris artistic lang daw. lol

  22. vonjovi2 vonjovi2

    Kahit na autistic si Noynoy pero tignan ninyo ang kinalalagyan niya ngayon. Lumalaban para sa Presidente sa bansa natin. Pero di pa rin namin(pamilya namin)iboboto siya dahil sa mga taong ganid na nakapaligid sa kanya.

  23. mario mario

    Tedanz, sabi naman ng kapitbahay ko…walastic daw si Noynoy.

  24. rose rose

    mario, are they from Sibalom, Antique?

  25. Mario, Rose, let’s confine ourselves to the topic. Now, if you want to communicate with each other, tell me. I’d give you each other’s addresses.

  26. Valdemar Valdemar

    Like the priest hilots, they can do miracles of others but not necessarily with themselves. So in politics and filmdom, Manny cant work wonders for himself but a touch of Midas to his mother, and perhaps to Villar and partymates, Chavit’s gambles and the ex-DENR mayoralty candidate of Manila. Manny could have fared better if he showed more of his mother’s true ividensia rather than adapting the Las Vegas twang.

  27. mario mario

    Yes Ellen, please you may give my address to Rose.

  28. perl perl

    Ayun sa reports, kulelat ang pelikula ni Manny Pacquiao na “Wapakman” sa Metro Manila Film Festival.
    Maaring senyales din ito na hindi din patok si Pacman sa botohang pam-Pulitika. Dito kasi sa MMFF, madaming pagpipilian ang mga tao… madaming pwdeng sabihing magagandang pelikula ang kalahok… kung ikukumpara ito sa susunod na eleksyon pagka-kongresista sa bayan ni pacman… marami ba o may mas magaling bang pagpipilian ang mga botante? Kung walang magaling na kalaban si Pacman… aba eh.. no choice ang mga tao kung hindi iboto si pacman!

  29. perl perl

    Alisin nyo si Noynoy sa listahan ng mga presidentiable… sino pipiliin nyo? Nagkaron tayo ng presidenteng “makamasa at makamahirap” daw, nakita nyo naman at nagkasubukan kung ano nangyari… Ngayon naman, nagkaron tayo ng isang ekonomista.. pinaka masahol pa ang nangyari…

  30. bayong bayong

    magaling na boksingero si pakyaw pero hindi maaayos na tao puro papogi lang naman ang gusto non kahit pangit sya. di ba may sinampal yan na kababayan nya ng maharangan ang dadaanan nya, si pakyaw pa ang nagdemanda at minsan ay may nakursanadahan na babae ng umayaw ang bebot dahil may asawa na nagwala ang pakyaw nagpaputok pa ng baril.

  31. perl perl

    Ayon sa official box office records ng MMFF, ang topnother ay “Ang Panday” ni Sentor Ramon “Bong” Revilla na kumita ng P16.9 million sa unang araw, na sinundan ng “Ang Darling kong Aswang” ni Vic Sotto (P16.8 million) at “Shake, Rattle & Roll XI” (P16.2 million). Fantasy films itong mga topnotcher.
    Kung hindi lang hinawakan ng GMA7 ang production… at syempre pinaganda ng husto dahil sa susunod na election. Kay bossing vic pa din ako… 0.1M lang pala difference!

  32. perl perl

    Noong 2007 na eleksyun, natalo si Pacquaio ni Darlene Custodio sa pagka-congressman ng General Santos city. Lumipat si Pacquiao sa Saranggani para iba ang kanyang magiging kalaban.
    Magaling naman talaga si Darlene kaya hindi nanalo si pakyaw. Ngayon ba, sino-sino kalaban ni pakyaw pagka-tongressman sa Saranggani? May taga-LP ba? May appeal ba ito laban kay Pakyaw?

  33. henry90 henry90

    Perl:

    Di pa tapos ang palabas. Mananalo pa si Vic nyan. . .pusta? hehehe

  34. mario mario

    Naging usapang showbiz na itong thread…he, he.

  35. florry florry

    In life, you win some, and lose some. That’s the natural cycle. It’s not fair that one will always succeed in all their undertakings. Hindi siya pang-bida sa pelikula, kaya hindi siya click sa tao.

    Pacquiao should bear in mind that hindi lang naman siya ang anak ng diyos. If he is geniunely interested in helping others, he can always do it in some other ways. With all his wealth, he has a lot of options. Entering the political arena is not also advisable. Politics and power can make some even a candidate for sainthood or some priests and bishops forget their God and their teachings and he is no exception. He might end up as politically and power corrupt as the others.

  36. Isagani Isagani

    Yung comment ni Mike Defensor kay Manny Pacquiao(comment #6), iyun ba e from Manny Pacquiao’s mouth o opinion lang ni Mike Defensor?

    Malamang, opinion lang ni Mike Defensor yun. Marahil, sa akala ni Defensor, karamihan sa taong sikat ay tulad niya na may lihim na pakay sa ano mang gawain – tulad ng amo niyang si Gloria.

    Ang kaibahan, si Manny ay tunay na bayani ng Pilipinas, gusto man niya o hindi. Kesyo gusto natin o hinde, iyan ang kinalabasan ng kanyang tagumpay sa boxing.

    Si Mike naman ay isang oportunistang tao. Wala namang masama sa oportunista basta ba kasuwapangang layunin. E sa mga pangyayari na nakaraan, ano ba ang reputation ni Mike Defensor, ano ba ang opinion ng sambayanan sa kanya?

    Sa palagay ko, may karapatang tumakbo si Manny Pacquiao sa ano mang elective position sa gobierno. Kumpara mo siya sa dami ng garapal na gustong tumakbo diyan, kahit bistado ang kawalanghiyaan, e di kay Manny Pacquiao na ako.

  37. Isagani Isagani

    Siya nga pala, ano naman bang galing ng pag-aartista ni Ramon
    Revilla, e hanggan suntukan lang naman ang arte niya. Acutally, napanood ko ang ilan sa mga pelikula niya, e maganda lang naman ang itsura, iyon lang.

    He, he, dito nga pala sa atin, maganda lang itsura mo e artista ka na.

  38. mario mario

    May pelikula din daw gaya ng “Panday” ang ipapalabas: “Ang Pandak”.

  39. MPRivera MPRivera

    Tama ‘yung taytol sa itaas.

    Ang nakapangingilabot ay ‘yung pagtawag kay Pakyaw ng national hero.

    Para saan? Para ano?

  40. MPRivera MPRivera

    Defensor said, “He wants to be still in the power circle when he retires. And he sees that being a public official is being in power.”

    Aaaaaahhhhh! Uhaw sa kapangyarihan.

    Kung totoo nga ang sinabing ‘yan ni Miyak.

    Hindi nga sila nagkakalayo at nagkakaiba. Basta manatili lang sa kapangyarihan kahit ano, kahit saan, sige lang.

    Tsk. tsk. tsk. tsk.

  41. Rudolfo Rudolfo

    Ang dag-dag na comment ko sa heading na ito, tungkol ki Manny
    “Pacman” Pacquaio,ay, di dapat pag-haluin ang ” pag-darasal o
    kabanalan ( prayerful before and after the fight, Mass after the fights, and coming home through Quiapo Church ), sa Politika ( sala-ula, marumi, puno ng kasinungalingan, pagdadaya, human right violation, pride, grandstanding,manny mistresses, being always in power, the guns-gold-goons, vices,
    etc..) ang politika daw ay pu-putikan ka at maputik o marumi, kapatid na ni “Taning”… at pag-aartista, na laging nasa pinto ng “tukso ” sa mga leading-stars-lady, lalo na naka-tutukso at may matang ” come here “, pangayuma, dahil sa aura o bighani ng salapi ( ph bilyon ).Tiyak magugulo ang pamilya dito ( tingnan na lang ang nangyari kina Jinky-Krista-Money )…kung ako ki Manny, makaDiyos, makaMahirap,MakaBayan, at matulungin naman sya,
    Magtayo na lang sya ng mga Iskwelahang ( katulad ni CNN-Hero Efren, orphanage schools ), di kayang gampanan ng gobyerno…halimbawa, sabi kulang ng mga Pare, ey di mag-sponsor at mag-paaral sya. Baka maka produce pa sya ng future Cardinals o unang Santo Papang Pilipino..suportahan nya ang mga ” rags-to-riches ” na taga payatas, o mga basuriro…mag-develop ng Tourism-resort-beaches,…Mas malawak ang power na makukuha nya dito, kaysa sa power na elitism-pangmayaman…malaki nga ang inpluwensya ng mga malalaking politiko na naka-paligid sa kanya, lalo na yuong nag-pupunas ng kanyang laway-pawis tuwing may laban, at mga
    mahihilig mag-pusta ng pera ( gamblers )…being 7-world title holder of different weight categories is already a history and legend, and Power, ano pa ang hahanapin…dapat
    mag-ingat sya, baka, bawiin ni GOD ( Bro ), ang mga pinag-kaloob sa kanya, in a matter of seconds-minutes ( through stroke, etc..) ang pag-sisi ay laging huli…being famous is only temporary, when GOD gets you, it ends everything..But, when you produce good and better generation through other means, not politics ( greed-corruption-related-pork-barrel system ), you live forevermore, till the end of time…Sana mabasa ni Pacman ito, a good advice for him…

  42. vic vic

    I was never a Fan of Boxing and never follow the Life of Manny P., but other than the alleged “love” affair with a very attractive movie actor, there is not much issue in regards to his character and having an affair is not an issue at all, as the slogan of one .com (dating) would say, “Life too short, have an affair” and he maybe a so-so actor(many box office stars had a Flop or two), but he remains to be seen as a Politician. He, for all we know can knock out all the other so-called Trapos and may change the landscape of Politics in the country…He also been hearing some messages from the Almighty, His could be a Real one…(I assume all other politicians, especially GMA just a gimmick..But..but then again, well..will wait and see.

  43. cmgbx777 cmgbx777

    Manny P. do not know his limits. O baka naman masyado ng nakalog ang utak.

  44. Tedanz Tedanz

    “He, he, dito nga pala sa atin, maganda lang itsura mo e artista ka na.” — Isagani
    Tama ka diyan Igan kahit hindi ka magaling umarte basta’t may hitsura ka puwede na …. kaysa naman pangit na tapos hindi pa marunong umarte gaya ni Pakyaw … huwag na lang.
    Pangit na nga tapos hindi pa marunong umarte tapos hindi pa marunong kumanta …. doon na lang dapat siya sa bugbugan. Doon na lang siya dapat mag-konsintreyt. Ya naw!!!!

  45. Tedanz Tedanz

    “Manny P. do not know his limits. O baka naman masyado ng nakalog ang utak.” —- cmgbx
    Medya-medya pa lang hindi pa masyadong nabagok. Yan din naman kasi ang napapala ng mga boksingero … tignan niyo na lang si Ali … kawawa naman talaga sila. Kahit may bilyones pa sila … buhay naman ang itinataya nila …. di gaya ng mga buwaya sa Gobyerno … laway lang ang puhunan. Kanya’t bilib pa rin ako kay Manny …. sa boksing lang ha.

  46. MPRivera MPRivera

    Kahit may bilyones pa sila … buhay naman ang itinataya nila – Tedanz.

    Kaya nga hindi dapat ituring na national hero si Pakyaw dahil nakikipagbasagan lamang siya ng mukha at nakikipagbaldahan ng katawan dahil sa malaking salaping tintanggap bawat laban. At lalong hindi ‘yun nakapagpapaangat ng ating karangalan bilang Pinoy.

    Kalokohan ‘yung ginagawa ng iba ng tumitigil sa pagtatrabaho upang mapanood lamang ang kanyang mga laban dahil nababawasan ang kanilang sinusuweldo at hindi ‘yun napapabalik sa kanila manalo o matalo si Pakyaw.

  47. jansen jansen

    Manny’s expertise is in boxing world, and not in the film industry. A person canno have it all, at kahit fan ako ni Manny sa boxing, di kopapanoorin ang pelikula niya dahil wala siyang “K”, at star qualities. Isama na din ang ina niyang si Mommy Dionisia, na nagiging katawa tawa lang pag pinapanood sila. Oks lang kung sa commercial endorsement sila. Pero pelikula.. no way…

    And with regards to Noynoy, inggit lang kayong mga ayaw sa kaniya dahil laging siya ang nauuna sa survey. He can become a good president because he won’t tarnished the legacy and good name of his family. Sinong alam ninyong iba.. wala na.. the rest me questionable reputation.. di vah?

  48. MPRivera MPRivera

    Eto pa isang nakakakilabot:

    GMA: Worst of 2009 brought out best in Filipinos

    http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=536708&publicationSubCategoryId=200

    ngoyang cannot accept the truth that she has been the worst disaster that ever hit our lives from day one of her grabbed power and extended when she cheated her stay in malakanyang courtesy of Virgilio Garcillano and of course, her monster friends, the Ampatuans and the ever shameless and insensitive Commolect officials. And not to forget the corrupt ranking officers of the Armed Forces and the police; the paid congressmen and senators and the walang pakialam sa mundong voters who sold their voting rights to devil personified politicians.

  49. Tedanz Tedanz

    MPRivera,
    Nagtataka din ako bakit kinokonsidera nila etong si Pakyaw na Hero?
    Hoy mga Pinoy gising na ….. bilyones ang kapalit ng pakikipagbasagan niya ng mukha. May balato ba kayo? Respeto lang ang dapat natin igawad sa taong ito pero yong ituring na hero ay medyo hindi yata tama.

  50. mario mario

    Manny is basically a nice and kind person. Na-spoiled ng husto ng ninang niya sa Malacanang at dahil sa barkada niyang mga maton na VIP.

  51. mario mario

    Worse for Manny:

    Movie ni Pacman walang gustong mag-pirate!

  52. MPRivera MPRivera

    Tedanz, eto ‘yung sinasabi kong post. ‘Yung kay TB mula sa Pagpapatuwad, este Pagpapatawad kay gloria arroyo:

    tingog boss – December 25, 2009 11:25 pm

    Pacman is a national hero and deserves protection dahil marami talaga siyang admirers who insist on getting too close. Some admirers ask for gifts, so pacman needs to be careful.

    Pambihira, di ba?

  53. MPRivera MPRivera

    Tedanz,

    Respeto ba ‘ika mo?

    Paghanga lang siguro. Sa tigas ng mukha niya.

  54. Tedanz Tedanz

    MPRivera,
    Talagang makapal ang mukha niya …. biruin mo nagko-concert siya na hindi naman talaga singer. Wala sa tono ang mga kanta pero ang mga taong nanood pumapalakpak pa. Di ba gago yong mga nanood?????
    At eto pa nagbibida siya sa pelikula na hindi naman dapat dahil hindi naman talaga artista .. dapat sa kanya kontrabida lang na binubugbug ng bida .. di ba? Gago rin yong mga taong nanood sa kanyang pelikula.
    Hay naku Pakyaw kung ako sa iyo magboksing na lang ako. Para lalong dadami ang iyong yaman at mga tsika-baby gaya ni Krista na tulo laway sa yaman mo.
    Kita mo naman nabawasan na ang paghanga(per MPR) ng maraming kababayan natin dahil diyan sa mga pinag-gagawa mo na hindi naman dapat. Kaya sa boksing ka na lang – payo ng iyong isang taga-hanga.

  55. MPRivera MPRivera

    Tedanz,

    Ikaw talaga.

    Hindi ko sinabing makapal ang mukha ni Pakyaw kundi matigas as in pinatigas sa pakikipagbangasan.

    May boses naman si Pakyaw na puwedeng pagtiyagaan kapag wala ng ibang singer na maaring pakinggan at mahusay siyang artista huwag lamang magdadayalog lalo’t ang papel niya ay sanggano.

    Saka hindi natin kaya ‘yung birtud niya sa mga babae ngayon. Dahil wala tayong bilyon.

  56. MPRivera MPRivera

    Foreign debts rise to $53.1B until Sept.

    http://tribune.net.ph/business/20091230bus1.html

    Di ba sabi ni lola ngoyang ay lumakas ang ekononiya mula noong siya ang maging presidente (nino?) daw?

    Bakit patuloy ang paglobo ng utang sa labas ng bansa? saan napupunta ang mga inutang?

    ‘Utangnangyan! Ipaliwanag dapat. Huwag magsinungaling!

  57. “Magaling naman talaga si Darlene kaya hindi nanalo si pakyaw. Ngayon ba, sino-sino kalaban ni pakyaw pagka-tongressman sa Saranggani?” – perl

    Si Erwin Chiongbian – anak ni dating Congressman James Chiongbian at yung asawa niyang dating gobernadora naman.

    Gaya ni Pacquiao, milyon kung magparada (bet) kada manok yang mga Chiongbian. Natuto pihado si Manny kay Chavit na ganun din kalakas pumusta sa sabong. Puta talagang mga bad influence yang mga iyan. Malamang nga, meron pang side bet yang laban nila sa politika.

  58. balweg balweg

    Happy 2010 Folks!

    Sang-ayon ako sa inyong komento…dapat kay Pacman e maging simbolo sa larangan ng Boksing at huwag nang pasukin pa ang paglilingkod-bulsa?

    Marami namang paraan to serve the Filipino people…but karamihan sa mga tradpols at trapo sa panahong ito e walang delicadeza sa buhay.

    Kita nýo ang daming nahuhumaling pumalaot sa mundo ng paglilingkod-bulsa…kasi nga, ang bilis ditong maging milyonaryo?

  59. Sa Mah-jong, 1-2-3 ang laban nila Chavit. Isang milyon kung ordinaryong timbog lang. Dalawang milyon kung bunot. Tatlong milyon kung bunot na may major ambisyon.

    Malaking pera ang itinapon ni Pacquiao sa pagpasok sa mga ganitong sugal gaya ng sabong, mah-jong at poker dahil kailangan munang matuto at maging bihasa kaya siguradong malaki ang “matrikula” niya bago natuto. Kalat sa Las Vegas na nagpatalo siya Pacquiao ng $200,000 sa casino matapos ang laban nila ni Dela Hoya.

    Kung magreretiro siya at sugal lang ang aatupagin niya, walang kahihinatnan lahat ng pinaghirapan niya. Puro hustler na ang kategorya ng mga kalaban niya, siya naman bago pa lang nagsisimula.

  60. mario mario

    Bad influence. Iyan ang masasabi natin sa barkada ni Pacquiao. Hanggang kasama niya si Chavit, mananatiling masama ang reputation ni Pacman. Isa pa iyan si Lito Atienza.
    There’s now a controversy discovered in Boracay. A flyover connected between two stones at the beach was approved by DENR under Atienza. Labag sa municipal code doon iyan. Magkano ang natanggap ni Lito…siya lang ang nakakaalam. Kasosyo pala doon si Pacman. Pati Boracay pinakialaman din ni Pacman.

  61. mario mario

    Pacquiao finally agreed and had urine test for dope. Pero sumama si Mommy Dionisia sa bathroom kaya may duda ngayon ang mga tao na baka ang ihi ay kay Mommy niya.

  62. MPRivera MPRivera

    What a bitchy art of joke, dong!

    I fart laughing.

  63. rose rose

    Kay Chavit Sing-son sabit talaga siya at nalasing si money packed!

  64. zen2 zen2

    teka nga po, kung ang isang convicted rapist, isang convicted murderer, isang certified gambler-womanizer, pwedeng tumakbo at tinatangkilik ng kanyang kababayan;

    kung ang isang kandidato wala namang naipakitang talino o kagalingan, maliban sa kanyang husay sa pagkalbo at pagputol ng mga puno sa mga kabundukan, ay pwedeng maging kandidato at palagiang pa ngang panalo;

    kung ang isang kandidato o ang kanyang direktang miyembro ng kanyang pamilya ay kilalang mang-aagaw ng lupain, at sangkot sa mga krimen laban sa sangkatauhan, at makuha pa ngang manguna nito sa mga sarbey ng mga survey agencies;

    bakit hindi pwede igalang ang pasiya ng isang kinikilalang bayani ng boksing, na pumasok sa larangan ng pulitika?

    ang pulitika ba ng Pinas ay pang big-time kriminal lamang, at walang puwang sa mga ultimo na nagdudulot ng kasiyahan sa madla?

    palagay ko may kabutihan din naman maidudulot kung palarin si Manny Pacquiao sa Kongreso at makakasama niya sa upuan ang maraming bilang ng mandarambong at kriminal para lumikha ng batas:

    mapapabilis ang realisasyon ng sambayanan…na inutil ang House of Thieves.

  65. art liwanag art liwanag

    kung ako si manny will think twice before running for office….it seems people like him and ador him only for his boxing…….he has lost in the last elections and now kulelat sa movies…I would even think twice before getting him to endorse non sports products

Comments are closed.