Skip to content

Maligayang Pasko!

Maligayang Pasko!

Sa kabila ng lahat na kalamidad, natural at kagagawan ng tao, marami pa rin tayo dapat ipasasalamat sa Panginoon.

Unang-una buhay tayo. Isipin nyo na lang ang mga sawimpalad noong bagyong Ondoy o kung nakasama tayo sa 57 na kasama sa Maguindanao masaker.

Ngunit ang pamilya ng 57 ay mabuti pa rin ang lagay dahil nakita nila ang bangkay ng kanilang mga kamag-anak. Nailibing ng maayos. Mas mahirap ang lagay ng tatlo na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang katawas. Dalawa doon ay reporter din at ang isa yata ay ang operator ng backhoe na ginamit para sana itago ang krimen.


Isipin mo nalang pagdadalamhati ng mga kamag-anak ng tatlo na hindi malaman kung tanggapin na lang na wala na ang mga mahal sa buhay o aasa pa.

Ang regalo ng buhay o “gift of life” ay naging mas may kahulugan sa akin ng ako ay gumaling sa kanser. Bawat araw, bawat minuto para sa akin ay isang malaking biyaya ng Panginoon na dapat gamitin ng maayos.

Ang mabuting kalusugan ay isang regalo ng Panginoon na dapat pasalamatan. Hindi natin masyado naiisip yan hanggang mawala sa atin.

Nang ako ay nagki-chemotherapy at maraming bagay ang hindi ko magagawa dahil sa sobrang panghihina, nakikita ko ang mga bata sa labas ng bahay na namumulot ng basura at inggit na inggit ako dahil kahit paano malakas sila.

Kaya kapag maraming problema ang dumarating, tungkol sa trabaho o sa pera, palagi ko lang sinasabi, “Sige lang”. Ang mahalaga, walang sakit. habang m,ay buhay, hindi dapat mawalang ng pag-asa.

Kung may sakit man, “Sige pa rin.” Ang mahalaga, nakakapag-paggamot.

Minsan kasi kapag may problema tayo, akala nating katapusan na ng mundo. Hindi natin naiisip na marami dyan na mas malaki pa ang problema ngunit lumalaban at nakakaraos.

Hindi ako nagsasawa sa pagkuwento sa aking naging ekperyensa sa Philippine General Hospital nang ako ay inuperahan. nang ako ay nasa recovery room, may naririnig akong umuungol sa sakit. Medyo groggy ako sa anesthesia. Akala ko manganganak ngunit bakti naman siya sa recovery room? Tinanong ko ang nurse at sinabi niya na kulang yata ang anesthesia na nabili ng pasyente (sa PGH kasi masig-bili ng gamot at binibigay yun sa mga doktor at nurse bago operasyun.) kaya nara-ramdaman nya ang sakit.

Nakakabagbag damdamin. ang hirap lang ay, paano ka naman makatulong sa ganyang kaso? Kaya kung may sobra tayo, maaring magbigay ng donasyun sa PGH Medical Foundation, na siyang tumutulong sa mga mahihirap na pasyente PGH.

Pasasalamat din tayo sa mga pagsubok na dumarating sa ating buhay dahil pinapa-alalahanan lang ng ating mga pagkukulang. Katulad ng bagyong Ondoy, pinakita sa atin ang kasiraan ng ating pag-abuso ng ating kapaligiran.

Ginising tayo ng Panginoon. Binigyan tayo ng babala kung magpapatuloy tayo sa ating pagka-ganid at pag-abuso ng kapaligiran.

Kung nakagawa tayo ng kasalanan, hindi pa huli para magbago. Habang may buhay, may pag-asa.

Maligayang Pasko sa lahat!

Published inAbanteArts and Culture

26 Comments

  1. jawo jawo

    In behalf of my family, here’s wishing everyone here in Ellenville a most blessed Christmas and may the year 2010 bring forth new faith and hope for a better Philippines !!

  2. Maligyang Pasko sa lahat diyan sa Pinas! Maski pa Marcosian ang atmosphere diyan, at least hindi tayo pilay upang gumawa para mabago ang depressing state ng ating lupang hinirang. At ano ba ang nayayri sa Supreme Court diyan? Parang may virus, eh.

    Maligayang Pasko uli, mula Brooklyn, NYC!

  3. rose rose

    A blessed Chistmas and a Holy Prosperous New Year to all!

  4. Maligayang Pasko sa lahat, mula sa Bundok Banahaw

  5. baguneta baguneta

    Kada mababasa ko yung kwento mo Ellen tungkol sa mga batang namumulot ng basura, pero mas maswerte pa sila sayo dahil wala silang sakit… naluluha ako. This is not the first time na nakwento mo ito. Kaya sabi ko na rin sa sarili ko, pag ang problema mo eh hindi terminal na pangkalusugan, ayos ka pa rin.

    Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.

  6. Golberg Golberg

    Maligayang Pasko po sa inyong lahat!
    At huwag sana nating kalimutan kung bakit nagkaroon ng unang pasko. Sa kabila ng ating mga pagdiriwang, magarbo man o payak lang, huwag nating kalimutan yung unang pasko at ang dahilan nito.

  7. perl perl

    Maligayang Pasko po sa Inyong Lahat!

  8. olan olan

    Merry Christmas to all…enjoy this day with family and friends together with mga inaanak at mga namamasko!

  9. henry90 henry90

    Merry Christmas to all the suki of Ellenville. . .

  10. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Maligayang Pasko sa inyong lahat!

  11. Merry Christmas to All

  12. Rudolfo Rudolfo

    Maligayang pasko sa lahat-lahat, lalo na ki ellen at kanyang mga ka-bloggers, mga nag-mamahal sa bayan, at kapwa tao, lalo
    Na din sa ating panginoong hesus, sa araw ng kanyang pagsilang!!!…sana patnubyan ng ating poong-diyos ang taong 2010, maging mapayapa, may hustisya, nagmamahalan ang bawat isa…at ang eleksyon sa mayo-2010,ay matagumpay !di na din maulit ang katulad ng Maguindanao political killings…Sana gumanda na din ang pamunu-an ng Bansang Pilipinas, at mata-uhan ang mga ganid at koraptong mga politiko, alang-alang sa susunod na henerasyon !!!…

  13. Have a most pleasant, blessed and meaningful Christmas everyone!

    There is no doubt that sharing the atmosphere of love with everyone has a rejuvenating effect, an effect that strengthens us all for the on-going saga in “making life worth living” in our beloved Pilipinas 🙂

  14. MPRivera MPRivera

    Mapayapang Pasko at May Pag-asang Bagong Taon sa inyong lahat!

    Sa loob ng isang linggong pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay kalimutan muna ang mga pigsa at buni ng ating pamahalaan.

    Enjoy yours while I go on with my daily routine here in the vast desert!

  15. Maligayang pasko sa inyong lahat here at Ellenville!

  16. chi chi

    Mapayapa at Mapagpalang Pasko sa lahat ng netizens ng Ellenville!

  17. Mike Mike

    Maligayang Christmas at Manigong New Year!!! 🙂

  18. vic vic

    Merry Christmas and a very Happy New Year to All…

  19. balweg balweg

    Merry Christmas and Advance Happy New 2010 to All…

    Ipinaabot ko ang taus-pusong pagbati sa inyong lahat Maám Ellen at your loveones…at sa lahat ng bumubuo ng Ellenville.

    Maligayang Bati ng paggalang at pagmamahal ngayong Kapaskuhan at habang tayoý nangabubuhay.

    GOD BLESS YOU ALL!

  20. andres andres

    Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

    Good news! Anim na buwan na lang, mawawala na sa poder si Gloria the Bitch at mga alipores nito! Sana ay hindi sila palusutin sa mga kalokohan nila.

    Happy New Year! Goodbye GMA, malapit na!

  21. Tedanz Tedanz

    Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!!!!!!!

  22. bayong bayong

    Sana sa susunod na pasko hindi na katulad ni arroyo ang mamumuno sa ating bansa. maligayang pasko sa lahat kahit nanjan pa si gloria at mga alipores nito.

  23. patria adorada patria adorada

    Masama ang loob ko dahil hindi natuloy ang uwi namin.Miss na miss ko na kasi ang pasko at bagong taon sa atin.Ibang-iba kasi sa atin ang kahulugan ng pasko at bagong taon.Talagang damang-dama.Anyway,Feliz Navidad a todos.

  24. rose rose

    joseg: tama ka..one can find peace, quiet and serenity on top of the mountains…and Mt. Banahaw has that to offer…

  25. Huli man daw at magaling, Late pa rin.

    Merry Christmas sa lahat ng may pusong nagaalab para sa bayan. Yan ang dahilan kaya tayo nagtatagpo dito sa ellentordesillas.com: ang makitang maayos at masagana ang kinabukasan para sa ating mga anak, at mga magiging anak nag ating mga anak.

    Isang mapagpalayang 2010!

Comments are closed.