Skip to content

Pagpapatawad kay Gloria Arroyo

Kapag panahon ng Pasko, madalas sabihin magpapatawad at magbati tayo sa ating mga naka-away.

Medyo mahirap gawin yan kay Gloria Arroyo at sa kanyang mga kampon kasama na doon ang pamilyang Ampatuan. Paano ka naman magpapatawad kung wala ka namang nakitang pagsisisi?

Tinitingnan ko sa TV si Mayor Andal Ampatuan Jr. noong dinala siya sa Department of Justice para sa preliminary hearing at parang maluwag ang turnilyo nito. Duwag pala itong halimaw na ito. Nang hiniwalay siya sa kanyang abogado, nagmamaka-awa siyang, “Atty, huwag mo akong iwan.”

Ito ang taong walang- awang nagpatay ng 57 na taong walang kasalanan sa kanya. Hindi siya sinagi, hindi siya sinaktan. Ngunit basta lang niya pinagbabaril na parang mga manok.

Habang pinapanood ko ang interview ni Anthony Taberna kay “Abdul” ( hindi niya totoong pangalan) ang lalaking nagsabi na sampung taon pa lang siya ng kinuha siya at tinuruan ng mga Ampatuan pumatay, na-alaala ko ang “Blood Diamonds”. Di ba doon sa pelikula, hinanap nina Leonardo di Caprio at ang tatay ng bata ang kampo kung saan sinasanay ang mga bata magiging killer. Meron palang ganoong kampo sina Ampatauan sa bundok ng barangay Upi sa Maguindanao.


Sinabi ni Abdul na mga 30 silang mga bata na sinasanay maging killer. Labin-dalawang taon lang siya ng pumtay siya ng isang councilor na kalaban ng mga Ampatuan. Kahit hindi niya deretso kausap ang mag-amang Ampatuan, sabi ni Abdul sa kanila nanggagaling ang order. Sabi niya, hindi sila nagtatanong kasi, “Kapag may magtanong, patay agad.”

Ang isang assignment rin na ginawa ni Abdul ay noong Nobiembre 2, 2002 sa opisina ng Commission on Election sa Intramuros. Sina Atty. Felix Lidasan, ang kanyang pinsan na magkakapatid na sina Armando at Jamal Macapeges. “Tatlo ‘yon. Hinabol ko nga, hinabol ko pa. ‘Yong dalawa, on the spot, patay. ‘Yong isa, nasa ospital nang mamatay. ”

Nandun sina Lidasan at Macapages sa Comelec para i-follow up ang kanilang protesta laban kay Matanog mayor Nasser Imam, bayaw ni Anwar Ampatuan, mayor ng bayan ng Shariff Aguak.

Ngunit sabi ni Abdul ang nakunsensya siya na assignment ay pagpatay ng mga pamilyang kababayan niya na ayaw iwanan ang lupang nakursunadahan ng mga Ampatuan. “”Sinusunog ‘yong bahay. Nasasagasaan pati ang bata, matanda. Inuubos namin ‘yon. Walang makababa eh. Pero gabi, gabi namin ginagawa. ”

Nakakulong ngayon si Abdul sa Sultan Kudarat provincial jail ngunit paminsan-minsan raw nilalabas siya kapag may gustong ipapatay ang mga Ampatuan.

Ngayon, paano ka magpapatawad sa mga ganitong tao?

Ngunit kay Arroyo ko pa rin binibigay ang responsibilidad dahil hindi maaring hindi niya alam itong mga bagay na ito. Ano ang ginagawa ng military? Ano ang ginagawa ng mga pulis?

Hindi natin dapat kalimutan na kaya nagpatuloy si Arroyo sa Malacañang kahit hindi siya binoto ng taumbayan noong 2004 na eleksyun dahil inayos ng mga Ampatuan (kasama na rin ang mga Mangudadatu) ang mga boto sa Autonomous Region for Muslim Mindanao lalo na sa Maguindanao.

Huwag natin kalimutan na habang ginagawa ni Mayor Andal Jr ang karumal-dumal na krimen noong Nov. 23 sa Maguindanao, ang kanyang kapatid na si Zaldy, ARMM governor, ay nasa Malacañang kasama si Arroyo. Ganyan ka-close ang mga Ampatuan kay Arroyo.

May pagsisisi ba si Arroyo ss kanyang responsibilidad sa pag-alaga ng mga halimaw na Ampatuan? Wala tayong narinig. Lalo pa niya tayong niloko sa pagdeklara ng martial law.

Dapat ba natin patawarin si Arroyo?

Published inAbanteGloria Arroyo and family

52 Comments

  1. rose rose

    ang sabi nga God loves the sinner but not the sins…kaya mapapatawad si putot pero hindi yong mga ginawa niya…hintay nga– nagsorry ba siya? humingi ba ng tawad? wala akong narinig..hindi naman siya humingi ng tawad ang ibig sabihin hindi niya inaamin na may kinalaman siya..ano ang ipapatawad ko sa kanya? and besides nakumpisal na siya na sa balae niyang isang Hesuita and sa tiyo ni Medy na Cardinal..and was she not likened by a priest na gaya siya ni Jesus Christ..kaya dapat siyang gawin na sacrificial pig..lechon na leche!

  2. Kung ang magiging sentensiya sa mga kasalanan niya ay limampung habang buhay na kulong, payag akong patawarin siya. Tawad ng isang habambuhay, 49 na lang.

  3. Atheists really don’t have to bother with the question of “..What will Jesus do?” But atheists also think about justice (as they think of law), and would you believe that “capital punishment — death by electric chair or poison in the blood veins” is more popular among Christians? Is it possible that Christians are more Old Testament than they realize?

  4. MPRivera MPRivera

    “Dapat ba natin patawarin si Arroyo?”

    Tanong din ang sagot ko diyan.

    Karapat dapat ba siyang patawarin?

  5. Do not allow evil to triumph. Stand up and be counted, speak up against evil and speak out against evil men (and women) and their sinful deeds.

  6. Mike Mike

    Dapat ba natin patawarin si Arroyo?

    Nevah!!!

  7. jawo jawo

    Patawarin ?? Si Gloria ?? PATUWARIN, puwede pa !! Tapos, ihulog siya sa isang kawa ng kumukulong langis.

  8. mario mario

    Tulad ni Gloria, walang pagsisisi din si Ampatuan. As he entered the DOJ office he was smiling as if nang-aasar. Kaya siya dinumog ng mga journalists. Kailan ba tayo nakakita ng mga kampon ni Satanas na nagsisisi?

  9. Oblak Oblak

    Dapat bang patawarin si GMA? Bakit may admission of fault at repentance na ba coming from GMA?

  10. mario mario

    While we’re all focused on the Maguindanao Massacre case, we forget to ask what happened to other cases like the Alabang Boys, those corrupt DOJ officials suspended, the guy who Chavit Singson’s bodyguards beat up for having a romantic relationship with Singson’s mistress (later withdrew the case after all the hula-baloo), Dennis Roldan’s kidnap for ransom case and so many others. Baka naman lalamig din ang kaso ng Ampatuan tulad ng mga iba.

  11. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Umamin muna si Gloria Arroyo ang kanyang kasalanan sa taumbayan. Litisin, sentensyaan at magdusa sa kulungan. Pagkalipas ng taon baka patawarin siya ng taumbayan.

  12. olan olan

    She set us back decades not years…worst than others we consider bad…and we will pay for this for a long long long time!

    Patawarin? Pano mo papatawarin ang di naman nagsisisi…ala namang ginagawa para makabawi sa mga pagkukulang sa bayan!

  13. martina martina

    Definitely a big NO, walang patawad. Pero kung manalo si Gibo, o si Villar, o si Dick, baka patawarin nila siya. Ganoon din si Erap, mapagpatawad.

    Mario, tama ka. Pansin ko din parang walang naging tuldok sa balita ng alabang boys. Ano na nga ba nangyari duon sa accused na prosecutors at duon sa hero na taga PDEA? Wala yatang nangyari dahil marahil, baka, siguro nagkaroon na ng pagkakas(cash)unduan ang lahat.

  14. OT:

    Here’s the latest on the Disclosure Project. Obama Staff had been briefed by Dr. Steven Greer about covert UFO-related black budget projects worldwide.

    Part2 is here.

    And for those who haven’t got any slightest idea of what i’m talking about, here’s a healthy background.

    It is very important that we are aware of what’s going on out there, and not be lost with local issues.

    Have a more meaningful holidays everyone!

  15. balweg balweg

    “Dapat ba natin patawarin si Arroyo?”

    Tanong din ang sagot ko diyan.

    Karapat dapat ba siyang patawarin?

    Di ako mapalagay Kgg. MPRivera…dapat mabulok yan sa IWAHIG?

    Oooppps ilang araw na nga lang pala e PASKO na…bilang regalo kay gloria and kampon ng mga LIARS e gulpi-de-gulat ng matauhan.

    Ang kanilang kasalanan sa bayan e kailangan nilang pagbayaran at yon naman sa ating Panginoon e deleted sila sa Aklat ng Buhay.

  16. mario mario

    Balita ng Malacanang nagmo-monitor si Gloria sa Hongkong ng Mayon Volcano. Tama. Kapag malapit nang pumutok ay biglang uwi niya sabay sugod sa Bulkang Mayon at tumalon siya sa bunganga ng bulkan.

  17. mario mario

    Dapat bang patawarin si Arroyo? Hindi. Dapat siyang PATAYIN !

  18. Ang ang isa pang hindi dapat, hindi dapat maging congressman si GMA. Talaga bang lusot sa Constitution na maging congressman ang dating presidente? Ang hihina naman ng mga sumulat noon 1987 Constitution.

  19. clearpasig clearpasig

    Patawarin natin para sa makadyos na panananaw, but sa batas ng tao dapat siyang magbayad sa lahat ng kanyang ginawa. Sangayon ako sa independence ng DOJ, Ombudsman, at SC.

  20. Valdemar Valdemar

    We have more than enough killers in our midst. Its an SOP daw to send out inmates, soldiers and police officers to liquidate political thorns through silent orders.

  21. vonjovi2 vonjovi2

    Tutal pasko naman at kung sa akin ay “PATATAWARIN” ko siya sa mga nagawa niyang kasalanan sa Bansa natin.

    Pero kailangan ay mag “PAKAMATAY” muna siya saka ko siya patatawarin diba.

  22. mario mario

    Kung ang Diyos ay nagpapatawad, tayo pa kayang tao? Pero iba ang Diyos ni GMA.

  23. Ok, Ellen, I agree, we must all pardon Gloria for her sins against the nation — it’s the Christian thing to do, particularly at Christmas time.

    However, for a pardon to be effective, she must do some penitence, and I suggest, for her penitence, she should serve a life sentence in prison.

    (That is nothing compared to what I would have suggested for her penitence had it not be Christmas season…)

  24. rose rose

    Narinig ko ang sabi ni Fortun on his reasons to defend the Ampatuans..hindi daw siya mukhang pera ..but the ampatuans also have rights..and mahina daw ang evidencia against them…mahina? ano yong mga nahukay na armas, pera, etc..mahina nga seguro ang evidencia kung ang charge ay rebellion…kasi hindi naman nila kaaway ang gobierno ni putot..hindi rebellion ang mag massacre…dapat ma lechon ang leche putot na iyan…

  25. saxnviolins saxnviolins

    Huwag na kayong mag-aatubili.

    Si Esperon daw ang magpapatuwad kay Goyang.

  26. Teka muna. Humihingi ba ng patawad si GMA? Ang hingi ni GMA ay magi siyang representative 2nd-distrct Pampanga, hindi ba? Maybe instead this patawad question, the effort should be for Pinoys-in-Pinas to demonstrate in front of Supreme Court so Supreme Court does not allow GMA to run for Congress.

  27. mario mario

    I don’t understand why some people use Christmas time as a reason for forgiving. Hindi ba puwedeng magpatawad ng hindi Pasko? Criminals might emulate Ampatuan to commit serious crimes during Christmas expecting victims to forgive them.

  28. asiandelight asiandelight

    The Ampatuans must face the consequence of the law. When pain is acutely severe, we must not allow it to become chronic and haunting deep.

    For the deep and chronic pain that the people of this country had suffered, we must then encourage, demand, assist and help educate majority. The worst case of all is when a wrong is done and never acknowledged by either party.

    Forgiveness to PUBLIC DUTY? A duty is a promise. A promise is a legal contract between two parties. Now which party do we belong and what is our role to that promise. It is not a one way street. When majority is weak, forgiveness will neither be sought nor offered.

    The country needs education and awareness. More blogs and more blogs. Debate and more debate. Help educate the people with the right information not wowowee…

    Merry X Mas Ellen and to all.

  29. MPRivera MPRivera

    DOE expands semirara operating area

    In a disclosure, Semirara said the DOE has included in COC 5 about 3,000 hectares in Caluya and 4,200 hectares in Sibay in Antique.

    http://www.malaya.com.ph/12222009/busi12.html

    Warat na ang Pilipinas sa walang patumanggang pagwasak sa kabundukan at kaparangan. Sa halip na pakinabangan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at halamang pagkukunan ng makakain upang mabawasan ang pagdepende sa pag-aangkat ay iilang tao ang nagkakamal ng salapi kasabay ng pang-aalipin sa mga trabahador sa minahan.

    Sasabihing malaking karagdagan sa pagbibigay ng hanapbuhay?

    Paano ‘yung nawawalan ng tirahan? ‘Yung nagugutom?

    Hindi birong lawak ng lupain ang sakop ng kontratang ‘yan. Pagkatapos pagkamalan ng yaman, iiwang nakatiwangwang? Paano pang pakikinabangan ng mamamayan ang lupang nawalan ng silbi at kinalatan ng nakalalasong kemikal?

    Kapag bumaha, nagkaroon ng pagguho ng bundok at lupa, sino ang sisisihin? Ang taong bayang walang kinalaman?

  30. MPRivera MPRivera

    Give Gloria a break,
    Palace appeals to critics

    “Christmas … is the time to be neighborly. And I hope that the critics of the President will give her a rest.”

    http://www.malaya.com.ph/12222009/news6.html

    O, krismas nga naman kaya pahingahin natin ang mahal na pangulo.

    Give her a break!

    Umpisahan na. Break her ugly face!

  31. Well, Gloria should step down from presidency if that is what she wants.

  32. bumaba na siya if that’s what she wants.

  33. rose rose

    Tama..give her a break…break her face and all of her…
    and May she rest in peace at ang Dios na ang magpatawad sa kanya..RIP…Rest in Peace..at ilagay sa kanyang epitaph Here Lies Gloria Who Lies Still…Nagumpisal na siya kay Fr. Bernas at wala na siyang kasalanan (bakit kaya nag aalburoto ang Mayon, Pader?) Na bigyan na siya ng absolution ni Cardinal Rosales…Go my dear and do more…sabihin mo kay Medy magdala ng mga bayong na puno ng pera na donation ng Ampatuan…

  34. ken ken

    Forgiveness without penance is just like a thief not going to prison. She must pay the price. that is how the justice system works. A strong republic will not stand if we dont have a strong justice system. A nation will be credible if a law breaker is jailed. Look at other rich nations. no one on their country are above the law, it is only here in Phils., “Only in da Phils ika nga”.

    GMA and his evil cohorts must pay the price!

  35. Sapagkat tayo’y tao lamang, may iba-iba tayong opinyon kung patatawarin o hindi si glorya sa kanyang mga kasalanan. Hindi natin alam kong patatawarin din siya ng Diyos. Para sa akin naman, patatawarin ko siya basta aminin lang niyang nandaya siya noong 2004, kaibigang matalik niya ang mga Ampatuan, sangkot siya sa lahat na anomalyang ibinibintang sa kanya. Tama na sa akin yun. Hindi rin naman siya makakaligtas sa ngitngit, pagsumbat at pag-alipusta ng madlang people.

  36. rose rose

    hindi ba may kasabihan tayo na Crune does not pay? Iyon ang ibig sabihin ni putot at ni Zaldy…

  37. zen2 zen2

    hindi mahirap patawarin ang isang tulad ni Gloria, matapos niyang silbihan ang kaukulang parusa sa mga kasalanang: massive plunder of public funds, and gross usurpation of peoples’ will by prostituting Constitutional bodies, direct and indirect complicity to political murders, among others.

    ibibigay ko din ang paghanga at suporta kung manawagan siyang boluntaryong ma-imbestigahan ng isang independent fact-finding body na may kapangyarihang maglitis o mag-prosecute sa kanya.

    panahon ng pasko, ay panahon ng kapatawaran at mangarap.

  38. mario mario

    Gaya ng sinabi ko, hindi lang Pasko ang panahon ng kapatawaran. It’s like saying we love one another on Christmas. Dapat magmahalan araw-araw. Pagdating ng New Year, the same things we say: Love, forgive. Comes Valentine’s Day and Easter Sunday…same things.

    Si Gloria, sinungaling siya kahapon, ngayon at bukas.

  39. When a thieving, cheating, greedy, demonic person steals your business, your life, destroys the well-being and future of your children… are you obligated to smile, turn the other cheek and forgive him? Even when he never asked forgiveness? There are those who say, “You must forgive him/her or live in sin.” Somebody who knows more than I… help me out here!

  40. MPRivera MPRivera

    So what if Arroyo is in HK while Mayon burns

    “…..Olivar said criticisms of the President’s three-day Hong Kong getaway intended as a treat to her four grandchildren were “unfair” considering her “legendary passion for her work and the kind of hours she puts in.”

    http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20091223-243545/So-what-if-Arroyo-is-in-HK-while-Mayon-burns

    Kapag ganito lagi ang katwiran ng mga aso ni ngoyang ay hindi masisisi ang sinuman na ipagdasal ang pagbagsak ng kanyang eroplanong sasakyan pagbalik sa Pilipinas o kaya ay mabulunan silang mag-anak habang lumalamon at sabay sabay na tumirik ang mga mata’t tuluyang mangamatay.

    Masama ang mag-isip ng ikapapahamak ng kapwa subalit hindi naman siguro tama na magpapalakpakan pa tayo habang ang mga kababayan natin ay parang mga dagang walang masulingan at hindi madamayan ng mga namumuno sa gitna ng kalamidad.

    Patawarin si arroyo?

    Putanginasiya!

  41. Tedanz Tedanz

    Papano mo patatawarin ang isang tao kung paulit-ulit naman niyang ginagawa ang alam niyang hindi tama. Eksampol …. pagsisinungaling, pagtotongpatz, pandaraya, panlalagay sa kanyang mga rah-rah boys, hinahayaan lang magwala ang kanyang mga aso at ang kalunos lunos ay yong hayaan lang niyang pagpapatayin ang mga ka-awa-awang mga aktibista, mga media pipol at ang mga taong ayaw sa kanya at yong mga taong nagbibisto ang kagagahan niya. I-multiply mo kung ilang ulit ginawa ang mga ito … dapat sunugin ang tangnang yan.
    Tungkol naman sa sinabi ni Olivar sa kanyang amo na ““legendary passion for her work and the kind of hours she puts in.” tanong ko lang po …. may output ba??????

  42. MPRivera MPRivera

    Tedanz,

    Lasing lang ‘yun.

    Passion daw?

    Kasibaan kamo sa salapi at kapangyarihan, puwede pa. Pero ‘yung magtrabaho? Malabo.

    Naayon na nga lamang siya kunyari mabait sa media. Noong una ay halos magkapatong ang kilay niya kapag tinatanong at ang nguso ay puwdeng pagbuhulin.

    Dapat kay Olivar ay ibiting nakasima ang dila dahil akala niya ay nakakatuwa ang kanyang mga salita.

    Tangnang ‘yan. Kung siya kaya ang ilublob sa kumukulong lava ng Mayon Volcano?

    Wala talagang aasahang pagmamalasakit mula sa mga kupal na ‘yan palibhasa’y ubod kakakapal ng mukha tulad ng kanilang among hidhid!

  43. Tedanz Tedanz

    MPRivera,
    Pagdating ng 2010 at bababa na sa trono ang kanilang Reyna … tignan mo lahat ang mga nagkukumahog na mga sexytaries niya ay magtatago na sa Amerika. May mga puhunan na sila na bigay ni tangnang Glorya. Baka nasa Amerika na lahat nag-aaral ang mga anak nila.
    Lalo na yang pasmado ang dila na si Remonde … sobra na siguro ang yaman ng taong yan. Baka sa Amerika na magtatago yan.

  44. mario mario

    Nauna na sina Golez at Fajardo. Ang natitira na lang Deputy Spokesman si Olivar na magaling din mambola. Maraming cabinet members ang tulad ni Duque na gustong lumipat sa opposition para tumakbo sa 2010 pero hindi sila tinanggap.

    Dahil siguro sa puna ay napilitan tumuloy si Daga este Gloria sa Daraga, Albay para dalawin ang mga Mayon Volcano evacuees. Her schedule was to proceed to her district in Pampanga to visit her cabalens for the nth time.

  45. rose rose

    Re..#7 above..what I wanted to say ws “crime does not pay” kaya hindi bumabayad sila Ampatuan…

  46. perl perl

    “Pagpapatawad kay Gloria Arroyo” – sa pasko na nga lang sana makakabawi tong si gloria… pano sya papatawarin… ngayon eh lalo syang minumura.. pano, 13th pay na lang… hindi pa nila maibigay sa goverment employees… ampatuan talga!esta ampocha talga…

  47. perl perl

    13th month pay na lang…

    sabi ni ermitae, hinahanapan daw ng pondo. bakit kailngan hanapan? di ba may nakalaan ng budget para diyan… kung san san kasi nada-divert yung pondo eh… kaya pati pasahod sa kawani ng gobyeno nagagalaw nyo! o pano, pano patatawarin yang mga yan?!

  48. MPRivera MPRivera

    perl,

    Ano ba pakialam ng tinamaan ng pesteng mga yan sa pagdarahop ng ating mga kababayan?

    Basta’t busog sila, nag-e-enjoy. Kesehodang maisipan ng punyemas na ngoyang ang ibahagi ang konting parte ng kanyang mga kinurakot.

    Mabubulunan din ‘yang mga ‘yan at sabay sabay na nagdudumilat ang mga mata habang nangingisay!

  49. mario mario

    This was taken from Lolit Solis’ column:

    Naimbyerna sa security men ni Manny Pacquiao ang mga reporter na nag-cover sa premiere night ng kanyang pelikula noong Miyerkules.

    Ang sey ng mga reporter, over-acting ang security personnel ni Manny dahil pati sila eh itinutulak habang nag-iinterbyu.

    Hindi mga ordinaryong reporter ang tinutukoy ko dahil mga TV reporter sila.

    Sa irita ng isang TV reporter, tinarayan nito ang bodyguard ni Manny na nanggitgit sa kanya.

    Bakit nga naman sila itutulak eh nag-iinterbyu sila at hindi naman nanggugulo?

    Ganyan ang karaniwang problema sa mga bodyguard. Nabigyan lang ng konting power, feeling mighty na. Kadalasan, daig pa nilang umasta ang mga tao na kanilang pinoprotektahan.

    …Simula nang sumikat si Manny Pacquiao, sabay ang pagdami ng kanyang bodyguard. And now that he’s running for public office, his security personnel have increased and become more aggressive. Whatever happens to the government’s warning that politicians or political candidates are only allowed two bodyguards each? This policy was reimposed after the Ampatuan Massacre. Pacman has learned a lot from his mentor Chavit Singson…not only to gamble but to behave like warlord.

  50. Pacman is a national hero and deserves protection dahil marami talaga siyang admirers who insist on getting too close. Some admirers ask for gifts, so pacman needs to be careful.

  51. mario mario

    Kulelat sa MMFF box-office race ang Wapakman. Hindi talaga tanggap ng mga tao ang pagiging artista ni Manny Pacquiao.

    …Pacman’s world is in boxing. He has no place in movies and even politics.

    Ang mga campaign billboard ni Senator Noynoy Aquino. Ginaya niya ang pose ng kanyang mga magulang.

    …As usual, Noynoy doesn’t seem to have his own identity. That only shows his only weapon in this campaign is his late popular parents.

Comments are closed.