Skip to content

Dismaya sa alyansa ng militante sa NP

Marami ang nadismaya sa pagsama ng mga militanteng pulitiko na Satur Ocampo ng Bayan Muna at Liza Maza ng Gabriela sa kanilang pagsama sa tiket ng Nacionalista Party.

Dati kasi pa-ayaw ayaw pa sila dahil kasama raw si Bongbong Marcos. Ngunit noong isang araw, natuloy na rin. Ang usapan yata hindi sila magsama sa entablado. Anong diperensya nun?

Si Bibeth Orteza naman, iba naman ang dahilan ng kanyang pagkadismaya. Pinadala sa akin ng isang kaibigan ang text sa kanya ni Bibeth.

Ang text ay pagre-resign ni Bibeth sa Gabriela, ang militanteng grupo. Sabi ni Bibeth: “Please accept my resignation from Gabriela. I am not worthy enough to support Loren Legarda’s run for the second highest office of the land.”

Wa akong say.

Sa Facebook, marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyun kay tatanong Satur. Sabi ng isa: “ Parang malabo na yata to! It seems the ‘alternative left’ which I have been helping in researching for its senatorial feasibility is now swallowing its own vomit by joining people that they themselves tagged as ‘trapos’. Bakit may kompromiso?”

Sabi rin ng isa: “I’d like to think you are becoming backward, seeing as you tend to innately assume that finance as the motivation is gospel truth. Kung progresibo ka, hindi ka ganyan mag-iisip. Kung progresibo ka, ang iisipin mo ay kung paano mo makakamit ang pinaka-sustenidong mileage out of one and defnitely of all aspects of the general campaign to bring about change.”

Sabi ng isang supporter ni Satur na si Terry Ridon: “Kung talagang kilala ninyo si Satur at ang kilusan, hindi kayo magsusumbat nang ganyan.

“Dalawa lang kababagsakan ninyong kategorya:

1. aktibistang naipit sa romantic bubble of struggling from the fringes, na para bang ang ‘alternative struggle’ ay talagang ay mula lamang sa margins. pag-abanteng buo ito ng kilusan ngayong tatakbo si satur at si liza sa senado. eh di sana hindi na tayo sumali sa partylist experiment kung ganun ang magiging posisyon natin.

2. Kunwa-kunwarian lang na kaibigan at alyado ni Satur at ng kilusan, pero sa aktwal, ginagamit ang progressive, seemingly uncompromising positions para banatan nang higit pa ang kilusan. matutukoy ito kapag kahit anong paliwanang na may batayan ni satur at ng kilusan, walang tatanggaping paliwanag, bagkus, magtutuloy lang sa posisyong nagkokompromiso ang kilusan ngayon.

“Ang ganitong positioning ay nabasa na noong 2001 pa lang, sapagkat ganitong mga tipo ng mga ‘kasama’ ang matinding ‘pumupuna’ sa kilusan sa pagsali sa partylist elections, kesyo sumasali na tayo sa reaksyunaryong pulitika.

“Sa loob ng siyam na taon, napatunayan na walang kompromisong naganap at tingin ko, sa pagsabak sa senado, wala ring ganoong magaganap.

“Kung tunay na kasama at alyado ng kilusan, magtiwala kay satur, magtiwala sa paninindigan ng kilusang palawakin pa ang larangan ng pakikibaka sa parliamento.”

Published in2010 electionsAbante

21 Comments

  1. Not surprised at all. The moment they joined Villar, I knew they have compromised their beliefs.

  2. Terry Ridon: “Kung talagang kilala ninyo si Satur at ang kilusan, hindi kayo magsusumbat nang ganyan.”

    Kilala natin si Satur sa kanyang paninindigan kaso hindi tayo kasama sa kilusan sapagkat ordinaryong botante lang tayo na namimili ng kandidatong inaakala nating tutugon sa mga inaasahang pagbabago. Kung nanatiling independent candidates sina Satur at Liza na katulad nang una nilang ipinahayag, walang question na matibay ang kanilang paninindigan. Sapagkat nahinuhod silang sumama sa isang partido na iba ang party stand, ang unang konsiderasyon nila ay kung paanong manalo at ang kailangan, nakasabit sa isang malaking partido. Ang nakikita natin dito, halimbawang sila’y palaring manalo, kakalas na rin agad sa NP at dahil may sarili silang partido, hindi malayong magkabanggaan pa sila pagdating ng araw.

    Pero tingnan din natin ang magiging pagpulso sa kanila ng mga botante sa darating na halalan. May kahiwagaan din ang panlasa ng ating mga kababayan sa kanilang pagboto. Ang halimbawa ay ang hindi inaasahang tagumpay ni Sen. Trillanes noong 2007.

  3. petite petite

    Si Ka Satur ay bahagi lamang ng kilusan, ang kandidatura ba niya sa pagsabak sa senado ay pinagtibay ng kilusan o ito’y batay lamang sa kanyang sariling-kapasyahan? Ang isang kasapi ng rebolusyonaryong kilusan ay walang layang pumili para sa kanyang-sarili, ang lundo ng pagpapasya ay rebolusyon parin, maging ito man ay sa tema ng pakikibakang parliamentaryo o sa larangan ng armadong pakikibaka. Datapuwa’t, ang naturang dalawang uri ng pakikibaka ay hindi maaring paralismong ipatupad, ang paglahok ng BM, Anakpawis… na ang bulto ng masang-kasapi nito’y nasa ilalim ng “BAYAN”, ay indikasyon na di-tugma sa prenteng-kilusan na may pananampalataya sa armadong pakikibaka, manapa’y ang CPP/ NPA ay nararapat lamang na talikuran/i-waksi ang armadong-pakikibaka nito, kung tuluyan nang makikilahok sa reaksyonaryong-pulitika ang buong masang-kasapi ng prenteng-kilusan nito. Sa kadahilanang; tanggapin man o hindi, ang paglahok ng “BAYAN” sa reaksyonaryong pulitika’t bitbit ang kanilang partylist; ito ang tunay na realidad ng “bawat BUHAY” ng isang kasapi ng armadong rebolusyonaryong kilusan ay larawan ng “kompromisong kaganapan”, habang ito’y nakikipagpatayan laban sa kapwa-Pilipinong mula sa hanay ng GRP. At ang “kompromisong kaganapan” ay lalong pinatingkad sa pakikipag-alyansa ng BAYAN sa Nationalista Party, sa liderato ni Villar.

    “Wakasan na ang PAGPAPATAYAN ng kapwa-Pilipino, Pilipino laban sa kapwa-Pilipino.”

  4. Ay, Pilipinas. Weather-weather lang iyan. Naghihintay lang ng tamang pagkakataon sina Maza at Satur, ngayon, natagpuan na nila.

    Two of the characteristics predominant among Pinoys is anger and self-conceit. And the desire for better opportunities and a good retirement.

    Iyong mga nagalit kina Satur can show your displeasure. Vote BongBong.

  5. zen2 zen2

    baligtarin man ang mundo, meron talagang market audience ang mga katulad ni Liza at Satur—dahil isa sila sa mga madalang at natitirang simbolismo laban sa mainstream na establisadong korap na sistema at pamunuan.

    sa punto de vistang ganito, kahit saang partido mapabilang ang dalawa, o kahit independiente man, may bahagi talaga ng manonood naman ang aayaw.

    handa akong bigyan ng benefit of doubt at suporta sina Liza at Satur, gawa ng pagbibigay ko kay Trillanes nuong nangampanya ito taong 2007. sa darating na halalan, siyang de vista ang pananaigin ko para suportahan ang dalawa, kasama si Ariel Q., at Danny Lim at Danton Remoto.

    tinitimbang din kung tama si Bongbong M.—lalo’t suportado siya ng ilang kaibigan at kasama may malinis at matibay na paninindigan. bigyang linaw lamang niya ang kanyang saloobin at posisyon tungkol sa Marcoses’ assets na nakabinbin sa mga korte.

    kasama ang turing ko kay Bibeth, at sana hindi permanent delete button ang ibig sabihin ng kanyang pagkadisgusto.

    para naman kay G. Terry Ridon, may isa pa at pangatlong kategorya ang inyong nakaligtaan: mga may agam-agam sa kabutihang idudulot ng eleksyon, tamang paraan at sagot ba ito, bilang tulay sa ruta ng isang tunay na pagbabago .

  6. zen2 zen2

    maaring hindi banayad at perpekto ang alyansa nina Liza at Satur sa NP, aminado ako.

    wala din sa tono kung PMP ni Erap ang salihan nito at mas nakaka-pandilat ng mga mata.

    pero kung LP ang napisil at nasalihan nito, mas mahirap ipaliwanag sa kanilang market audience ang katuturan ng pakipag-alyansa sa matingkad na simbolismo ng may-akda ng Mendiola at Hacienda Luisita Massacre.

  7. henry90 henry90

    So what’s new? Para tayong bago sa mga yan. For convenience lang din yan. Kahit itaga mo pa sa bato. . .sakali mang manalo si Villar, don’t expect the left to support him. Armed struggle on one hand, mainstream politics on the other, yan ang winning formula kuno ng kaliwa. . .they will not stop until they take over the reins of government. . .yun nga lang, sa panaginip nila. . .

  8. gusa77 gusa77

    Real people are only the dead ones,not the current ones,due after they gained what they after for, a big BYE-BYE babes na lang mga kababayan,nagoyo kayo ano.Ang lahat ay parang mga Hungyango at pagnakuha ang boto,gagawa naman paraan upang maging parang Tuko at di maalis sa kapangyarihan.Onli the pinoy politicians.

  9. Say goodbye to the facade of “Bayan Muna,” and see the real people behind this bogus “rebolusyon.” Why don’t they change the name to “Bayad Muna,” its more appropriate? 🙂

  10. mario mario

    Sa mga ipinaglalaban ng mga militante o Komunistang pulitiko, wala silang ikalalagyan sa ano man partido. Magsarili na lang sila…

  11. mario mario

    Ang Gabriela naman tatawagin na ngayong “Grabena”.

  12. Bobitz Bobitz

    I agree Jug ! Puro hipokrito ang mga yan ! Ako isa lang ang masasabi ko . Kung galit ka kay GMA and family at sa mga ginawa nilang pagnanakaw.
    Iboto mo si ERAP, wala ng iba..period!

  13. Bobitz Bobitz

    OSa senador no.1 sa listahan ko Na di iboboto ay yang si Recto..oportunista!

  14. Nathan Nathan

    Si Recto yan ang UTAK ng EVAT… ewan ko kung nag iisip si Noynoy…. dapat di niya yan tinanggap si Recto. ma water bills, gasoline, telephone ay nakuuuu nandoon si Recto as evat.

  15. Nathan Nathan

    Kaya ako nagbago isip ko ng tanggapin ni Noynoy si Recto… isa yan na humina ang rating ni Noynoy sa survey ngayon. Kaya back to Erap ako for president!!!

  16. Nathan Nathan

    Alam naman natin na Tuta yan ni Gloria si Recto at pasakit sa bayan ang ginawa ni Recto,,, tapos basta ganon nalang tatanggapin ni Noynoy? Eh paano kung ang mga Ampatuan magsabi na susuportahan si Noynoy?

  17. mario mario

    Kung magsalita si Erap mas parang autistic pa siya kay Noynoy.
    Ang hindi ko lang maintindihan kay Noynoy ay kung bakit laging naka-nganga siya.

    Both LP and NP erred in taking unpopular candidates especially those from the administration. Kahit na ang PMP ni Erap nagkamali din…kay Mirian Santiago.

  18. henry90 henry90

    My ten cents worth about Recto. . .magaling tong taong ito kung di lang nasama kay Putot. . one of the sane economists sana. . .there is nothing wrong with the evat per se. . .kahit saang bansa meron nyan. . . it was envisioned to generate much needed revenue for the government. . .but remember that Recto is only a lawmaker. . .he had nothing to do with implementation of policies. . . wala sanang debate o away kung yung supposed income ba na kinakaltas ng gobyerno na buwis bilang evat e napupuinta o ginagastos sa tamang paraan. . .naging collateral damage tuloy siya sa kasakiman ng Pandak na ito. . inuulit ko. .maganda ang layunin ng evat. . .buwisit lang ang nagpatupad at nakinabang dito. . .hopefully, mapapatupad at magamit ng maayos ang perang malilikom dito para sa kinakailangang social services. . .sa ibang bansa mas malaki buwis pero nakkita ng mga tao ang bakik na serbisyo sa kanila. . .dito sa Pinas puro kabuwisitan at kamalasan. . .

  19. mario mario

    Recto is all bla-bla. Kahit mismong staff niya ang sabi walang alam ang amo nila. Even when it comes to fidelity and morality, may question din. Remember that gay talent manager sidelining as pimp who was exposed some years ago? He kept a blue book with well known politician names on it who hired call girls and among them was Recto.

  20. MPRivera MPRivera

    “Please accept my resignation from Gabriela. I am not worthy enough to support Loren Legarda’s run for the second highest office of the land.”

    ‘Yan si Bibeth. Kapag ayaw hindi mapipilit. Hindi niya maaaring ikompromiso ang kanyang paninindigan.

    Paano nga ba niya malilimutan ang pagiging parang mariposang bayaran nitong si Loren?

  21. mario mario

    Bakit si Loren lang ang dahilan ni Bibeth sa paglayas niya sa Gabriela? Boto ba siya kay Manny Villar? Eh sino na ang susuportahan niyang Vice President?

Comments are closed.