Pumunta kami ng aking pamangkin kahapon sa Divisoria para bumili ng mga barong at kimona na bilin ng aking sister-in-law sa Amerika.
Tuwing Pasko daw kasi sa U.S, sa party ng Filipino community, Filipiniana ang kanilang theme. Tiningnan ko sa mga department store and presyo ng mga barong at kimona at nadismaya naman ako sa mahal. Ang pinakamura na barong ay P1,700. Ang mga magaganda halos P3,000. Ang kimona naman, ang pinakamura P800.
First time ko pumunta sa Divisoria para mag-shopping dahil hindi naman ako masyado nagsa-shopping. Tuwang-tuwa ako dahil ang laki talaga ng diperensya ng presyo, Ang nakuha kung mga magagandang barong ay P700 at P800 lang. Ang kimona naman P350. Medyo mahal (P900) ang isa kung napili dahil handmade daw ang burda.
Namili na rin kami ng mga ibang regalo. Kaya, ang dami naming bitbit ng pamangkin ko. Medyo ma-trapik lang.
Dahil nga sa sinabi kasi ng marami na masikip sa Divisoria, maaga kaming dumating. Nag bus kami mula Las Piñas at nag LRT papuntang Avenida. Mula Avenida, nag-jeep kami at bumaba sa Tutuban shopping center na dati yan estayon ng tren.
Sinabi sa akin ng mga kaibigan kong sanay sa Divisoria na ang mga barong ay sa bandang Ilaya at Tabora streets. Hindi naman namin alam kung saan yun.
Kaya lang, nakakatuwa talaga ang Pilipino dahil likas na matulungin. May napagtanungan kaming sanay sa Divisoria at sinamahan niya kami hanggang Ilaya.
Pinuntahan din namin ang kilalang 168 shopping center. Di ba may mga usap-usapan na ang isa sa ma investors sa 168 ay malapit sa Malacañang. Noong isang taon ay ni-raid ng anti-smuggling task force. Utos ng ng reyna sa Malacañang dahil inis siya sa isang reyna rin.
Magulo lang ang ayos ng 168. Walang section-section. Ikot ka lang ng ikot. Kaya kapag may nakita ka na mura at maganda, dapat kunin mo na kasi mahirap bumalik. Magkaligaw-ligaw ka.
Nang tanghali na, masikip na nga. Tagilid na ang lakad sa pasilyo para magkasya. Nakakatakot kapag may sunog o anong disgrasya ang mangyari kasi napakasikip.
Lalo pa siguro kung Sabado o Linggo, nai-imagine ko lang ang dami ng tao doon. Kailangan lang din kumportable ang sapatos kasi lakad ng lakad. At siyempre dapat secure lang ng husto ang bag.
Nang pauwi kami, sumakay kami ng jeepney. Natatawa ako kasi lahat kami ang daming bitbit, kaya ang sikip. May nakasabay kaming mag-asawang may kasamang baby at dalawa pang anak. Dahil nagtitipid siguro, hindi na binayaran ang dalawang anak at pina-upo doon sa mga bag. Sa sobrang pagod siguro ng mga bata, natulog sila. Kaya tuwing may bababa, ginigising ang bata, na ayaw naman magising. Kawawa naman.
Ngunit mabait naman ang jeepney driver dahil hinayaan lang niya. Ganun din ang ibang pasahero.Ganyan ang buhay sa Pilipinas.
Nakakatuwa na sa mahal ng mga bilihin ngayon, meron pa rin naman mga lugar dito sa bansa na maaring puntahan na maipagkasya mo ang iyong maliit na budget at makapagpasaya ka pa rin sa iyong mga mahal sa buhay.
One day when I visit Pinas, I will go to Divisoria… I’ve never been there but have heard so much about it. One other place that I’d like to visit is Quiapo… Seen so many pics of Quiapo and really looks so colourful.
Anna, with your adventurous spirit, you will enjoy it.You just have to know what you are going to buy. It’s not a place for leisurely shopping. But you can get real good “buys”.
Parang naloko lang yata ako. When we got home, some of the toys that I bought were not in the bag.
Mga alimasag ang namimili sa 168. Patagilid talaga ang lakad. Masakit ang katawan mo pagkatapos.
When we got home, some of the toys that I bought were not in the bag.
Parang sa open market sa Bangkok… 🙂
Tongue, okay yun a: Mga alimasag ang namimili sa 168. Patagilid talaga ang lakad.
Ellen,
Once when I was in Manila, I asked a friend to take me to Quiapo…instead of Quiapo, I was brought to Binondo and didn’t regret it. Then I asked if we could go to Divisoria, no dice — I was taken to a lil market (can’t remember the name) near Camp Crame. So, I’m determined to go to Divisoria — just to see what it is like — next time I visit. And maybe buy a traditional Pinoy dress.
In Binondo, we visited the church — a modern one, colourful and pretty ok. (And guess who took me to Binondo? The cousin of Piggy Arroyo, Sr. :-))
Anna, I think the place you ent to in San Juan was Greenhills.
Next time you come to Manila,let’s explore those quaint little places again.
Ellen,
With immense pleasure! I’d love that very much!!!!
“Parang naloko lang yata ako. Some of the toys we bought were not in the bag.”
Buti ganun lang ate Ellen. At hindi mo nakadaupangpalad yung ipit sukli gang at mga magaling sa sungkitan. Ganyan kasi ang gusto nila. Maraming tao at masikip na lugar. Madaling kumita.
Ellen,
Every year ay suki kami sa Divisoria. Maluwag pa nga ngayong panahon na ito, pero next week hanggang mag-Pasko ay di na mahulugan ng karayom ang mga tao sa kalye pa lang. Lalo na sa loob ng Divisoria Mall, Tutuban Center, at 168 Mall. Whole year round ang night market sa Tutuban Center pero pag ganitong magpapasko ay talaga namang sobrang daming tao. Parang laging may rally! Pero ingat lang palagi, di lang sa Divisoria, Quiapo, Greenhills o saan man. Ultimong mga bata na nagtitinda ng mga plastic bag ay minsan ay mga mandurukot. Yung mga nambabangga ay minsan mga mandurukot din. Baka naman nadukutan na kayo ng mga paninda. At huwag din magsuot ng mga alahas. Sa totoo lang hindi na gaanong safe ang Pilipinas lalo na sa mga crowded cities. Yan ang isang nakakasira sa ating Turismo. Pero dahil sa mahal na bilihin ay pinagtitiyagaan naming makipagsiksikan. Pero enjoy naman talaga mamili sa Divisoria at iba pang Tiyanggian.
Ms. Ellen, ang mga barong ay nasa kaloob looban na mgatindahan. Pasukin mo ang kahit anong pasilyo from Tabora, kapag nag uumpisa nang sumakit o humapdi ang mga mata mo, malapit ka na sa tindahan ng mga barong/native clothes.
Ang mga babae, tuwang tuwa dyan sa Divisoria na yan. Ako sinusumpa ko yan. Isasama ako para tagahawak at taga bitbit ng mga pinamili, para alalayan sa daan at ang higit sa lahat, ako pa rin ang taga bayad!!
Itanong ko na rin sa mga dilag dito. Bakit nga ba masayang masaya kayo kapag nakaka tawad sa binibili? Kahit na P10 lang ang naitawad, masaya na.
Ha!Ha!ha! Nakatakatuwa ka naman, Oblak:Ako sinusumpa ko yan. Isasama ako para tagahawak at taga bitbit ng mga pinamili, para alalayan sa daan at ang higit sa lahat, ako pa rin ang taga bayad!!
Ganun ang papel ng mga gentleman.
parang divisoria na lang po talaga ang mapupuntahan para sa murang bilihin. dati, highly touted din ang greenhills pero commercialized na din masyado kaya mahal na din sa tiangge nila.
pero gaano kaya katotoo na maraming mga nagbebenta sa dv at 168 ay mga illegal immigrants na di nagbabayad ng tax? ang alam ko inimbestigahan na to dati.
Sa Divisoria, maraming murang mabibili.
Sa Malakanyang, nandoon ang babeng minumura ng marami.
Ellen,
Hindi gentlemen ang papel ni Oblak.
Isa siyang very sweet Sugar Pappy.
Mga anak kasi niya ang kanyang kasama.
Kuya Oblak, magpapasama ako sa ‘yo sa Divisoria ha? 🙂
Can’t say no to the wifey and kids, ‘yan ang role ng mabuting kabiyak at tatay…kaya magtiis ka. hehehe!
Merong isang building malapit sa 168 na ang pintuan mismo ay mataas na escalator paakyat sa second floor. Puro laruan hanggang itaas ng building. Mura ang mga laruan doon. Yung mga airsoft rifles na automatic firing P1,200 hanggang P1,700. Mas mura kaysa sa mga malls ng halos isang libong piso. Kahit saan ka tumingin laruan talaga ang laman. Maraming namimili dito ng wholesale, lalong bagsak presyo pa.
Sa itaas ng 168 sa may food center na parang impiyerno ang init. Hindi ko pa nailalapag sa mesa yung halo-halo, tunaw na! Marami ding fake na Nokia cellphones na kung tatanga-tanga ka, akala mo nakamura ka yun pala, peke. Merong mga iPod na fake, MP3/MP4 players na bargain pero maayos naman.
Grabe ang siksikan doon, Kaya since two years ago hindi na kami bumalik doon para sa xmas shopping. Malaki sana ang tipid lalo kung giveaways lang naman. Pero ang mommy ko, kahit gapang na sa bagal maglakad, mas gusto niya doon kesa Greenhills. Nostalgia yata.
Kaya lang hindi ko malimutan yung two years ago, meron akong nailaglag na pakwan at dahil sa dami ng tao, hindi ko na nakita pa, hehehe.
Nagji-jeepney lang kami dahil laging puno ang parking. Iniiwan na lang namin ang mga kotse sa Intramuros, saka kami sumasakay ng jeep papuntang Divisoria sa gilid ng Post Office.
Tongue, okay itong mga tip mo a. The one we asked about toys did not tell us about this second floor toy paradise that you are telling us.
Dapat siguro bumalik doon after Christmas.
Pag nakakabasa ako ng mga ganitong kwento, lalo na’t ganitong magpapasko, iisa lang ang gusto kong isigaw:
IBALIK N’YO KO SA PILIPINAS!
(Ms Tordesillas, sana po, palampasin na lang ninyo yung all caps ko- feel na feel ko talaga, e)
Thank you, Ms. Ellen for the complement.
MPR, yung sweet sugar pappy ba ay = sugar daddy? Bwahahaha. Wala sigurong papatol sa akin kung hanggang divisoria ko lang ma ipang shopping!
Madam Chi, any time. Kadami ko rin sinamahang balikbayan sa Divisoria pero sumusuko kapag sa Tabora at Ylaya ang labanan. Basta ba less than 50 kilos ka, kaya pa kitang buhatin kapag hinimatay ka sa Divisoria. Siguraduhin mo rin na kaya mo ang amoy sa Divisoria.
Bakit tuwing kapaskuhan kahit na anong hirap, pagod at gastos sa pag-shopping ay masaya ka pa rin? Siguro yan ang tinatawag na christmas spirit.
Happy shopping at saan man mag-shop magingat lang kayo lagi.
Oblak..macho ka talaga..machonurin sa asawa…maiba ako bukas pa ba ang 666? ang mura mura ng bilihin doon..nandoon pa ba ang central market? next time mapuntahan nga!