Skip to content

Tunay na “hero” talaga si Efren

Sinabi ni Efren Peñaflorida, and CNN hero of the year, na hinding-hindi niya papasukin ang pulitika.

Talagang hero talaga.

Yan na yan ang payo ng marami maraming Pilipinong natutuwa sa karangalan na nakuha ni Efren: ang huwag pumasok sa pulitka o magpagamit sa mga pulitiko.

Ang layo niya kay Manny Paquiao na thrilled na thrilled kasama ang mga trapo.

Ito ngang pagtakbo ni Pacquiao para congressman, advise daw nina Chavit Singson para daw sa halip na pera niya ang kanyang gamitin para pamimigay sa mga humihingi sa kanya, kapag congressman na siya, pera ng bayan ang ipamumudmod niya.

Kasi kung gusto talaga niya tumulong, sa yaman niya ngayon pwede siya magkaroon ng mga projects katulad ng kay Efren. Kaya lang,hayaan na natin si Paquiao sa kanyang Krista

Talagang kahanga-hanga itong si Efren.Ibibigay daw niya ang 90 porsiyento ng kanyang $100,000 na premyo sa Dynamic Teen, ang grupo niya na gumagawa ng “Klasrum Kariton” at ang 10 porsiyento ay ibibigay niya sa simbahan.

Nakakataba ng puso at naka-inspire ang karangalan na nakuha ni Efren Peñaflorida, Jr. bilang CNN Hero of the Year.

Ang ganda ng kanyang acceptance speech. Maigsi lang ngunit makabuluhan. Ulitin ko dito kahit na kalat na kalat na ito sa internet at sa mga pahayagan:

“Our planet is filled with heroes, young and old, rich and poor, man, woman of different colors, shapes and sizes. We are one great tapestry. Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart, and be the hero to the next one in need.”

“So to each and every person inside in this theater and for those who are watching at home, the hero in you is waiting to be unleashed. Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell to my co-volunteers at Dynamic Teen Company 8586 Inc., you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be.Mabuhay!”

Serbisyo sa kapwa tao ang mensahe ni Efren. At sabi, bawat isa-sa atin ay kaya maging “hero”.

Gagamitin daw ni Efren, na isang public school teacher, ang $100,000 na premyo niya para maparami pa ang maserbisyuhan ng kanyang programa na “Klasrum Kariton”.

Galing sa mahirap na pamilya sa Cavite si Efren. Ngunit hindi siya pumayag na maharang ng kahirapan ang kanyang ambisyon na makapag-aral at makapagsilbi sa mga nanganga-ilangan. Labing-anim na taon pa lang si Efren ng sinimulan niya at ng kanyang mga kaibigan ang kanilang proyekto na mag-ikot sa mga mahihirap na lugar dala-dala ang mga libro at mga gamit sa pag-aaral at nagtuturo sa mga batang gala.

Ngayon umaabot na sa ibang parte ng Luzon ang “Klasrum Kariton” ni Efren.

Salamat Efren sa inspirasyon!

Published inAbante

16 Comments

  1. balweg balweg

    Nakakataba ng puso at naka-inspire ang karangalan na nakuha ni Efren Peñaflorida, Jr. bilang CNN Hero of the Year.

    Mabuhay ka Efren…larawan ka ng pag-asa ng Sambayanang Kapinuyan na dinusta at ninakawan ng karapatan upang mabuhay ng parehas sa ating bayang sinisinta.

    Nawa…marami ang maging tulad mo upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating bayan. Paglilingkod na nagmumula sa kaibuturan ng puso at di tulad ng maraming lingkod-bulsa, kung kaya heto at lugmok sa dusa ang bayan.

    Pagpalain ka ng ating Dakilang Panginoon! ^..^

  2. Siguro nasa kinabukasan ni Efren na maging prinsipal ng isang high school, o kaya Dean ng isang kolehiyo sa Pilipinas. Maski paano pa man ay inspirasyon si Efren sa maraming Pilipino.

  3. chi chi

    Kasi kung gusto talaga niya tumulong, sa yaman niya ngayon pwede siya magkaroon ng mga projects katulad ng kay Efren. Kaya lang,hayaan na natin si Paquiao sa kanyang Krista.- Ellen

    Kung maligaya si Pakyaw kay Krista, wala akong pakialam sa kanya. Hahaha!!!

    Bilib ako sa kanyang kamao pero hanggang doon lang.

    Walang komparison, may advocacy si Efren para sa kagalingan ng mahihirap na bata sa Pinas at mundo samantalang si Pakyaw ay nadang-nada. Ang kamao ni Pakyaw tuwing mananalo ay “para sa atin ito, ninang Gloria”!

  4. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ilan kayang kariton at libro ang mabili sa *$20,000 lavish dinner* ni Gloria sa New York? Payo lang kay Efren huwag pagamit sa mga tradpols ang iyong kasikatan. Masisira ka lang hijo.

  5. Ang layo niya kay Manny Paquiao na thrilled na thrilled kasama ang mga trapo.

    hehehe hindi kaya dahil mas magandang lalaki si Efren?
    ok… ok… me pagka-prejudiced ako hehe

  6. tingog boss tingog boss

    Marami din namang mga Pilipino na gustong makatulong sa bansa, pero nasasabit dahil kinakapos ng lakas ng loob o kinakapos ng abilidad. Si Efren, itong dalawang bagay na ito ay mayroon.

  7. rose rose

    binigyan ba ni putot si Efren ng hero’s welcome? si money packed man ang kanyang sinasamba!

  8. Oblak Oblak

    Ang mga interviews kay Efren ay nagpapakita na maayos na tao ang isang ito. Siya pa ang napapahiya na nasa limelight sya. May interview sa kanya si Ted Failon at hahangaan talaga ng nakakarinig sa kanya.

    Isama na rin si Manny ngayon sa political butterflies. From Lakas to NP na si Manny. Ano nangyari at humiwalay sya kina FG, Nograles, Chavit and the rest of Lakas Kampi. HIndi naman siguro pera at milyonaryo na sya.

  9. vic vic

    We must all remember, that many Efrens in their youth are the same Efrens that are in Government now. They were Idealistics youths of yesteryears and once they were in position of power look at what became of them. it took time to declare one a “hero” (except the men and women in uniform who offered the unltimate sacrifice for their countries)and some didn’t even live to see the honour themselves. Efren may soon be one of the Greatests, but for now, let us leave him as the choosen Hero of the Year by the CNN.

  10. MPRivera MPRivera

    Sa inyong palagay, meron kayang pulitiko na nag-aksaya ng kanilang mga gintong sandali (laan sa pag-iisip kung paano papatungan ng sapin saping komisyon ang kanilang ghost projects) upang bumoto para kay Efren? Ay, nakalimutan ko, alerdyik nga pala sila sa ganitong humanitarian cause. Mas gusto pa nila ‘yung kakain sa mga pinakamahal na ordinaryong steak houses o mga patakbuhing restoran at mas ukol ang oras nila at pagpusta ng malaki kapag may laban si Pakyo.

    Hindi maaaring pagkumparahin ang dalawa – Efren at Pakyo. Their accomplishments are galaxies apart. Efren expects nothing but good transformation of every child he teaches while the Pakyo eyes for wild recognition and big purse of prizes reaching billion pesos.

    Efren, in his coming home promised and will continue teaching the street children of poor parents earning nothing but sweat in his eyebrows while the Pakyo rests for a while and continuation of his product endorsation and acting ceremony that will add more money to his already more than ten lifetime to spend earnings.

    Efren shares his talent and skill and spends his precious spare hours for the welfare of the streetchildren while the Pakyo donates only a meager part of his prize to well known projects like the Eagle Foundation of his adopted father Lito Atienza, another greedy honor riding trapo.

    Efren is recognized only now but the seeds of goodwill he planted rapidly grows and fruits will be reaped in a short span of time while the Pakyo has been in the limelight for years but his popularity and prowess are enjoyed and used only by the gambling politicians.

    Sino ang tunay na hero and people’s champ?

  11. zen2 zen2

    amidst the sea of madness, a rare,and shining news.

    definitely, a welcome respite.

    mabuhay po kayo!

  12. Oblak Oblak

    Hulaan lang kung sino ang nagsabi nito:

    “Pardon my partiality for the teaching profession. I was a teacher..

    Kaya namuhunan tayo ng malaki sa edukasyon at skills training..

    Ang magandang edukasyon ay susi sa mas mabuting buhay, the great equalizer that allows every young Filipino a chance to realize their dreams.

    Nagtayo tayo ng 95,000 na silid-aralan, nagdagdag ng 60,000 na guro, naglaan ng P1.5 billion para sa teacher training, especially for 100,000 English teachers. Isa sa pinakamahirap na Millennium Development Goals ay iyong Edukasyon para sa Lahat pagdating ng 2015, na nangunguhulugang lahat ng nasa edad ay nasa grade school. Halos walang bansang nakakatupad nito. Ngunit nagsisikap tayo. Binaba natin ang gastos ng pagpasok. Nagtayo tayo ng mga eskwela sa higit isang libong barangay na dati walang eskwelahan, upang makatipid ng gastos ng pasahe ang mga bata. Tinanggal natin ang miscellaneous fees para sa primary school.

    Hindi na kailangan ang uniporme sa mga estudyante sa public schools.

    We assist financially half of all students in private high schools..

    We have provided 600,000 college and post-graduate scholarships. One of them Mylene Amerol-Macumbal, finished Accounting at MSU-IIT, went to law school, and placed second in the last bar exams–the first Muslim woman bar topnotcher. Congratulations.

    In technical education and skills training, we have invested three times that of three previous administrations combined. Narito si Jennifer Silbor, isa sa sampung milyong trainee. Natuto siya ng medical transcription. Now, as an independent contractor and lecturer for transcriptions in Davao, kumikita siya ng P18,000 bawat buwan. Good job.

    The Presidential Task Force on Education headed by Jesuit educator Father Bienvenido Nebres has come out with the Main Education Highway towards a Knowledge-Based Economy. It envisions seamless education from basic to vocational school or college..

    It seeks to mainstream early childhood development in basic education. Our children are our most cherished possession. In their early years we must make sure they get a healthy start in life. They must receive the right food for a healthy body, the right education for a bright and inquiring mind—and the equal opportunity for a meaningful job..”

  13. MPRivera MPRivera

    While the stars of Efren keep shining, pinipilit itong palambungin ng masaker sa Maguindanao kung saan nagdeklara ng state of emergency ang babaeng may nunal.

    Natatabunan kasi ang kanilang kasikatan nitong tunay na bayani kaya gumawa na naman sila ng eksena. Ngayon ay upang bigyang katwiran ang unang hakbang para sa habangbuhay na pananatili ng baliw na babae sa kapangyarihan.

  14. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: nagdeklara ng state of emergency ang babaeng may nunal.

    Kaya ba niyang ipakulong ang mga politikal warlods?

  15. baguneta baguneta

    He he he. Paano tatanggapin ni gloria si kuya Efren? Buhay na patunay kung ano ang tunay lagay ng edukasyon sa bansa. Sabi ni Ted Failon sa kanyang panayam kay Efren “bibigyan ka raw ng parangal ng malakanyang”. Siguro kung maisasagot lang nya ang kanyang dapat isagot.

    Mabuhay ka Efren, magaambag kami sayo para sa kariton mo.

  16. angbuhayAydiboksing angbuhayAydiboksing

    Si Efren Penaflorida ang ang tunay na bayani ng buhay. Si Manny Pacquiao ay bayani sa boksing kung saan sa ring nya naipamamalas ang kanyang kakayanan. Iba ang bayani sa palakasan at iba ang maging bayani sa buhay.

Comments are closed.