Napagpasyahan ko, na hindi tumakbo bilang pangulo sa darating na halalan.
I’ve always said that for me, it’s the presidency but not at all cost. Not at the cost of losing my soul, not at the cost of losing myself, not at the cost by being eaten up by the system and the process and certainly not at the cost of not being able to do the things that I was and set out to do.
This morning Sen. Francis “Chiz” Escudero announced his decision not to run for any elective position in the 2010 elections. Following is his speech delivered in a press conference at
Club Filipino.
Simula noong umalis ako sa NPC noong ika-28 ng Oktubre, ginawa ko yun upang malaya kong makita at matanaw ang dapat kong gawin kaugnay ng 2010 elections.
Ginawa ko ‘yun upang hindi nakapiring at hindi nakatali ang aking mga mata’t mga kamay para malaman kung ano ang dapat kong magawa sa ating sambayanan sa darating na panahon. Mula sa aking Malaya na pagkakatayo, tunay namang mas nakita ko ang dapat nating gawin bilang isang bansa at bilang isang lahi. Kabilang na ang pag-amin at pag-ako ng aniuman kakayanan o kawalan nito kaugnay sa mga mithiin, pangarap at layunin natin para sa ating bansa.
Nitong mga nagdaang araw, nagnilay-nilay ako, kumausap sa maraming malalapit na kaibigan at gayundin pamilya, kinausap ang ilan sa ating mga kababayan at pinagpasyahan ang aking papel na gagampanan sa darating na halalan.
Akala ko magiging madaling desisyon pero hindi pala. Akala ko napakadali ang magiging pasya pero hindi pala. I’ve always said that for me, it’s the presidency but not at all cost. Not at the cost of losing my soul, not at the cost of losing myself, not at the cost by being eaten up by the system and the process and certainly not at the cost of not being able to do the things that I was and set out to do.
Para sa akin panguluhan lamang ang aking nasa isip subalit hindi ko ito hahanapin at kukunin kung sa proseso ng pagkuha nito mawawala po ang aking sarili’t kaluluwa
Hindi ko rin kayang gawin ang dapat at gusto kong gawin at kung makakain lamang ako ng sistema. Para sa akin, hamon itong dapat tingnan ng lahat na ng unang nagdeklara, sila ba’y nakain na ng sistema o hindi pa, sa daan tungo sa panguluhan. Sila ba ay kaya pa ring gawin ang lahat ng pinangako sa atin na magaganda at matatamis habang nangangampanya.
Hindi ko makokonsensyang sabihin ‘yan kung hindi ko rin lang kayang gawin kung ako ay pagtitiwalaan niyo. Dahil po sa lahat ng nabanggit ko, akala ko’y madali pero hindi.
Napagpasyahan ko, na hindi tumakbo bilang pangulo sa darating na halalan. Napagpasyahan ko na hindi man bilang kandidato, ako’y may papel na pwedeng gampanan bilang Pilipino at ordinaryong botante sa panahong ito.
Napagpasyahan ko na hindi lang ngayon ang panahon para matupad ang pinanghahawakan kong pangarap at layunin kong panguluhan nang hindi nakatali. Patuloy kang panghahawakan ang pangarap at pangakong iyan. Hindi man ngayon kundi sa darating na panahon.
Nais kong gamitin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat nang mga naniwala at nagtiwala; sa lahat ng gumalaw at kumilos maski na walang salapi o pera; sa lahat ng nagsalita at naniwala, sumigaw at nakiisa sa aking pangarap ng walang katumbas at kapalit.
Kaninang umaga, bago ako umalis binisita ko yung dalawang anak ko na kambal at yun lang ang nagbigay sa akin ng lakas humarap sa inyo ngayon dahil maraming nagsasabing kung hindi ka rin lang naman tatakbo Chiz bakit kapa magpepress-con? Mag press release ka na lamang. Buong tapang at buo ang loob kong nais sabihin ito sa harap ninyo. Dahil hindi ko kinakahiya anumang salitang binigkas ko ngayon.
Kasabay ng inyong kalungkutan, marahil ganun din ang aking kalungkutan. Pero kasabay ng kalungkutang yan, ang pagnanais at pangarap at pangakong nais kong hawakan pa rin natin matapos nating lumisan ng silid na ito.
Ang pangako ng isang bagong Pilipinas; ang pangako ng isang bagong pagbabago; ang pangako ng isang Pilipinas na hindi tulad ngayon, na kung hindi man natin makakamtan ngayon at sa pamamagitan ko san a magampanan ito nang mga nagpapakilala sa ating reresolba sa lahat ng ating problema.
Kaisa ninyo ako at kaisa ako nang sinumang pagtitiwalaan ng sambayanan sa mga darating na araw. At bilang botante, bilang Pilipino, bilang senador patuloy akong mananalig sa kakayanan ng Pilipino at ng ating bansa na malampasan ang mga hamon at pagsubok na ito.
Salamat po sa inyong pagtitiwala nitong mga nagdaang araw. At salamat din po sa inyong pagtitiwala sa akin sa aming grupo at sa aming lahat, sa adhikaing aming pinanghawakan. Makakaasa kayo na patuloy namin itong gagawin at gagampanan sa mga susunod pong araw. Sa muli po, taos pusong pagbati, salamat sa pagbisita at isa pong maganda at pinagpalang umaga.
Sayang…
Personally, i think that his candidacy would have been a measure where everyone in politics would be gauged.
Sayang..
As much as I wanted him to take his chances, still is a good decision for his part not to proceed. Just stay the right course Chiz!
Now the moment of truth, who to choose from the lesser evil… Erap, Money, or Noynoy… indeed is a hard choice!
I think he made the right decision. Not now. He has so much time ahead of him to prepare the structure, the system and the process on which he plans to launch his dreams and visions, if that is at all possible.
His decision not to run, I think, has now made the choices for president much easier, at least for me.
I always stated that I may vote for NOYNOY if Chiz opted not to run. But I ended up reconsidering ERAP because of his stand on JUETENG.
I always thought that JUETENG had been CORRUPTING our government for a long time, especially at the local level, to a point inspiring criminal elements to run for public office at the expense of public service.
Legalizing it is a good first step to solve this issue. Better if revenue from jueteng will be used to recall VAT, and I think we should do it.
Anything from NOYNOY end???
Tapos sa VP si Mar or Jojo Binay…still a hard choice..can’t make up my mind yet!
as i said in my October 29, 2009 post, chiz is a trapo masquerading as a reformer/political crusader. good riddance, chiz!
Chiz made a sound and good decision.
Sori na lang kaming umasa sa kanyang pangakong pagbabago.
There is always next time and new promising knight to shine.
CHIZ
Be a real opposition leader NOW!
Be the voice of the poor.Articulate their delicate feelings such as loss, pain, desire, longing and alienation from the mainstream society.
Chiz, ASA! Dream On!
Dapat sa showbiz napunta si Chiz… Masyadong madrama, maarte @ maraming dakdak. Wala rin sa ayos sa mga decision niya. Walang bayag. Hanggang senador nalang siya hanggang magsawa ang mga tao sa puro dakdak niya.
Ngayon palang sira na siya sa mga desisyon niya how much more sa darating pang panahon.
Chiz sayang… tumakbo ka nalang para campaign manager.
Another rainfall of meaningless rhetorics. He needs to cut down on these and become a tough senator not easily corrupted. In six years with a resume as transparent as a mirror can be, hope to see him the head honcho at Malacanang. So easy to do, trabaho lang and keep your clean hands in your pockets.
If you really know about Jueteng, the innermost workings of it; you’d be crazy to have it legalized. Jueteng Lords would rather keep the millions of loots monthly for themselves than share some with the government. Easy money, parang pinupolut lang ng mga kubrador for the big boss. It’s been like that since the early 60’s my friend, and you think they’ll legalize it now? It’s a pipe dream.
It was a practical political decision.
hindi ko maintindihan to si Chiz… si Lacson umatras dahil sa harassment ng malacanan… si chiz, kahit isang harassment wala… pambihira… hay naku! puro drama lang pala…
mukhang maniniawala na ko na nagkabayaran umatras lang sya…
Revenue nga for the governmet kung ang jueteng ay i legalize. At paano naman ang bettor ,kahit brief ibenenta na.
Jueteng Lords would rather keep the millions of loots monthly for themselves than share some with the government – tru blue
Its not a loot but rather a tax free gambling enterprise with some proceeds shared with most local and national government representatives and the like thru “LAGAY” to look the other way, jueteng being illegal.
Revenue nga for the governmet kung ang jueteng ay i legalize. At paano naman ang bettor ,kahit brief ibenenta na. – totingmulto
It’s the bettor choice to gamble, similarly when you buy lotto, or play bingo..else, don’t gamble at all!
Anyway nasa kabataan pa si Chiz, antayin na lang nyang mahinog
silang tatlo ( at mga susunod pang bayani + magdalo group, etc ), Manny-Efren-Chiz,….mahirap ang hinog sa pilit, mapakla, itinatapon sa basurahan…pagbigyan na ang aping-api, na pinipintasan ng kung-ano-ano. “Itinataas ng Diyos ang mga ina-api, at ibina-baba ( ipina-pahiya ) ang mga arogante “…humilira ka na lang Chiz,.. kina Efren-Manny, para madagdagan ang iyong “amoy-AURA” sa pinili mong propesyon na abogado-politiko. Gumawa ka muna ng kabayanihan sa senado, tularan ang simpling Efren, na dahil sa kariton, at internet na botohan, naging CNN-hero ng 2009.
Si Manny naman ay gumawa ng istorya sa boksing, na humawak ng koronang pandaig-dig na 7 ( pito )..Itaguyod mo ang Grand Jury sa Saligang Batas, para si Juan ay maka-balanse ng laban sa mga kurakot sa gobyerno..Dapat, ito ang layunin mo Chiz Escudero ( walisin ang masasama sa tropa mo ).
Gloria has been placed in a no-win situation with this award by CNN.
She has been exposed for her inadequacies in the national education program. Yet she has no choice but to honor Efren. More so in fact than Pacquiao.
And when people round the world start looking more closely at why our education is getting so inadequate, they will see poverty underneath. And when they start looking at our poverty situation, they will see corruption underneath. And looking deeper at the cause of corruption, they will see that our law enforcement and justice system is all shot..and under the thumb of the President.
Phil,
If they start looking at our breaking justice and failing political system, they will see gloria underneath Garci’s magical hands.
MPR, so right. Ha hah!
Ngayong wala na si Chiz, sino ang ii-endorso ng Magdalo?
Chiz thought he will be hailed a hero, pero madalang pa sa buhok ni Homer Simpson ang bumile.
So what happens to Mr Lito Banayo? I hope he comes back commenting at Malaya, specially about Money Villar.
Pareng Tedanz:
Di nga tayo nagkamali ano? Puede na pala nating kumpetensyahin si Madam Auring! hehehehe
Hay Diyos ko po … ang daming nadismayang die hard fans ng taong ito. Siniraan na ang mga kalaban yon pala hindi tatakbo ang manok nila.
Pareng Henry, sa atin ang .uling .alak.ak … hehehe
Bata pa naman si Chiz na sa 2016, 46 pa lang sya. Gandahan nya ang performance nya sa 6 na taon na yan. Gawan nya ng paraan na maiskatuparan yung sinabing nyang Presidenteng walang partido at hindi nakatali ang kamay. Kung buhay pa ako ng 2016, iboboto ko sya.
Pero sang-ayon naman ako sa desisyon niya. Bilib pa rin ako kay Chiz … siguro sa 2016 boto na ako sa kanya. Huwag lang sana siyang magbago. Ngayon pa lang bumuo na ng sariling partido at ligawan niya itong si Trillanes … Alin man sa kanila oks lang sa akin.
Wise decision, Chiz. You did not lose your soul, your principles are intact and you did not become a political tutubi.
Your decision speaks highly of you. Nakatuntong ka sa lupa by realizing that it takes a miracle to win against the Noynoy tsunami.
Bagets pa naman tayo, hehehe. Kita-kitz na lang tayo sa susunod. Godspeed.
salamat din, Chiz. pag-aralan ninyo ang hugis at saklaw ng mga pangunahing grupong may kahandaang suportahan kayo.
maaring makatulong ng malaki ang mga ito sa inyong adhikain at programa sa Senado.
GAgawin ko nang unsolicited advice corner ang blog ni Ms. Ellen.
Payong nakakatandang kapatid kay Chiz, pag may gusto kang iparating, go direct to the point. Nasabi mo ang mensahe mo, then tsaka na magpalabok. Isa kasi ako na mainipin na walang paligoy ligoy.
Sa masyadong malalim na pananagalog, maaring ma alienate ang ibang kakabayan na simpleng tagalog lang ang alam. Ang mga bisaya maaring maintindihan ang simpleng tagalog.
I hope constructive ang dating ng sinabi ko.
tama ang desisyon ni chiz na hindi tumuloy. hindi pa handa ang bayan sa pulitikang malinis at hindi hawak ng mga naghaharing uri gaya ng mga cojuangco at lopez. sa huli dadaanin lamang nila sa salapi sa pamamagitan ng ads at bugbog pa ng kahihiyaan si chiz.
suggestion ko sa kanya, magbuo ng partido ng sambayanan at pagkatapos ay sumabak sa 2016 na preparadong preparado.
maganda nga magsama sila ni sonny trillanes at ni ping lacson.
Sige, Tedanz and Henry, humalakhak kayo.
Winning the electons is not the be-all and end all of life.
Itanong nyo sa loob ng LP,ano ang papel ni Noynoy sa mga desisyon ng partido? Ano ngayon ang pinag-kaiba ng LP, NP, at Lakas-Kampi-CMD.
Gabriela, kaya nga heto tanong ni Chiz eh.
“Para sa akin, hamon itong dapat tingnan ng lahat na ng unang nagdeklara, sila ba’y nakain na ng sistema o hindi pa, sa daan tungo sa panguluhan”. – Chiz
Nilamon ng sistema…Hindi pa nga ba?
Excuse me Gabriela ….. kay Erap ako. At wag mo ng siraan pa … dahil sira na kami sa kababanat niyo.
Bakit hindi nasasama dito yung statement ni Chiz na ang tenor ay “magkaibigan kami ni Noynoy at bilang kaibigan, kailangang magparaya sya.” Totoo ba o sound bite lang!
Oblak,saan nanggaling ang quote na yan? Kung narining mo mismo sa TV, maa-aring sa question and answer portion yan.
Pagkatapos kasi sabihin ang statement na siyang nai-tape namin, nagkaroon ng question and answer. Baka doon. Kailangan lang siguraduhin na eksakto sa sinabi niya.
Gabriela:
Umandar na naman ang pagkapikon mo. . .kaya di ka nakakakuha ng simpatiya. . .u always take things personally. Ang sinasabi namin ni Tedanz ay eto: Prudence is the better part of valor. We don’t take it against anybody here kung tinitira man nila si Aquino o kung sino man ang napupusuan nyo. I was even surprised at the deep-seated anger by other bloggers here directed at some of us na nakikisimpatiya kay Noynoy. Pero we took everything in stride. That’s freedom of expression kuno e. Ok. Pero wag mo ring masamain na nahulaan namin ng tama ni Tedanz na walang kwenta pala ang kangangakngak mo at ng iba pa diyan sa masasakit na mga salitang binitawan nyo dahil di naman pala kandidato yung tinuturing nyong manok. . .so kung galit ka pa rin sa mundo dahil di tumakbo si Chiz, pasensya na di kami papatol sa yo. . .it only showed that we were able to see things clearly in their proper perspective. . . mabuti pa yung idol nyo. At least, inamin nya na di ganun kadali. . It’s time you and your friends do the same thing. . Accept it. . .It was never meant for him in the first place. . .
Mam Ellen:
Doon nya sinabi sa ambush interview na. Napanood ko sa 24 oras ng GMA 7.
Ang galing mo Igan Henry …. naipaliwanag mo ng mabuti.
A little expectation so a little bit of disappointment. I only hope he will remain neutral and don’t go endorsing anybody, because he might spoil his growing reputation of being independent and his new politics if he happens to endorse the wrong person. He got my support but this is not transferable. I like him but it doesn’t mean that I will go for his choice unless it also happens to be my choice.
The choice now without Chiz in the picture is a little bit hard. Surely, I won’t go for Noynoy. He never impressed me. He has no proven track record and by his actions, he is showing himself not as a leader but a spineless backbencher. Pinilit lang siyang mahinog. Drilon said: “Noynoy is not yet ready to be president”. That was a political statement of the year. He knows where he comes from being a colleague in the senate and well aware of his mediocre and soso performance.
Gibo is definitely off my radar, because of Gloria; otherwise it would be wise to give him some consideration. He is a good man but his association with Gloria scares everybody.
I would even take Villar rather than Noynoy. Both of them have “singit” ventures but at least the former knew how life down there below and maybe he can help them.
That leaves Erap. He got his chance but somebody blew it when he was couped. Everything has been thrown at him, and yet he is still standing. There are no more surprises from his closet. A kind of survivor who I think deserves to complete his interrupted 6year term. Of the four of them, he is the most experienced. He had been there and the country can’t ill-afford to elect a president who still have to learn his way in and out, and a learning-on-the-job sort of a leader.
Maybe, I’ll go for Erap. If he gets disqualified, it will be none of the above, but I still someone to support – Bongbong Marcos for senator. I just want to know what stuff he was made off, if he has the brilliance of his father, before he declared martial law.
Although Chiz has already given clear hints that he goes for Noynoy, Chiz should not join any party in the meantime. Just be independent during this election season.
It will boost his image in the Senate further when he is able to criticize and do battle with anybody who violates the law and monkeys around with taxpayer’s money.
I read this blog everyday because I find comments and opinions of bloggers here very educational, eye openers and entertaining :-). I probably posted a couple of times. When I read florry’s comment at #40 I need to say I agree on her take on the 4 presidentiables.
Except Erap, all other candidates have tainted themselves or associated somehow with Gloria. Si Erap na lang ang tunay na oposisyon at para talaga sa masa. In fairness, kung titingnan naman ang record ni Erap kahit 2 taon lang, kumpara sa ibang naging presidente ay di hamak na mas maganda ang performance ng kanyang gobyerno. At delikadong tumaya sa panguluhan ni Noynoy dahil ang balita ngayon ay nakikipag-usap kay Fidel Ramos na isa ring malaki ang kasalanan at nanakaw sa kaban ng bayan. Takot siyang maupo ulit si Erap dahil itutuloy ni Erap ang paghalukay sa kanyang mga kinurap sa bayan.
as of now i am for erap kahit medyo over age na, para sa mahirap pa rin.