Tumatawa lang siguro si Gloria Arroyo sa nangyayari ngayon na ang kanyang mga tauhan ay pinag-aagawan ng Liberal Party ni Noynoy Aquino at Nacionalista Party ni Manny Villar.
Noong isang linggo, nakita natin sa TV si Caloocan Mayor Enrico Echiverri na nagtatalon sa tuwa sa kanyang panunumpa sa LP kasama ni dating Senador Ralph Recto, na sumanib na rin sa LP kasama ang kanyang asawang si Batangas Governor Vilma Santos.
Sa Quezon City, si Mayor Sonny Belmonte na loyalista ni Arroyo ay nanumpa na rin sa LP kasama ang kanyang vice mayor na si Herbert Bautista na siya ngayon ay magiging kandidato para mayor at ang anak ni Belmonte na si Joy na tatakbo para vice mayor.
Si Belmonte ay kaibigan ng pamilyang Aquino. Malaki ang kanyang pakinabang noong pangulo si Cory dahil ginawa siyang chairman ng Government Service Insurance System.
Ngunit nang si Arroyo na ang nasa Malacañang, loyalistang tunay siya kay Arroyo. nang nagma-martsa si Cory laban sa pandaraya ni Arroyo noong 2004 na eleksyun, walang paki-alam si Belmonte.
May nakuha akong report na ang pamilyang Tinga sa Taguig ay lilipat na rin sa LP. Malapit ang mga Tinga kay Arroyo. Ang mayor ngayon ng Taguig ay si Freddie Tinga. Ang matandang Tinga, si dating congressman,Dante Tinga, na miyembro ng Lakas, ay hinirang ni Arroyo na Supreme Court Justice. At sa mga isyu na tungkol kay Arroyo sa Suipreme Court, siyempre kampi si Tinga.
Noong isang araw, lumipat na rin sa LP Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario, isa sa mga orihinal na kasapi sa Lakas-Kampi,. Si . Del Rosario ay bayaw ni Antonio Floreindo, crony ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, taga-usig ng tatay ni Noynoy na si Benigno Aquino, Jr.
Malapit ang mga Floreindo at si Del Rosario kay Arroyo.
Malakas ang ugong na si Pangasinan Governor Amado Espino, ang chairman ng Lakas-Kampi sa Pangasinan ay lilipat na rin sa Liberal party. Mahalaga ito sa LP kasi isa ang Pangasinan may malalaking botante ( 1.5 milyon).
Marami rin na rin mga taga-lakas ang lumilipat sa Nacionalista Party . Sa Eastern Visayas, lumipat sa NP si Biliaran Gov.Rogelio Espina, ang Lakas-Kampi na pinuno doon. Kasama niya, ayun sa press release ng NP, ang mga 400 na miyembro ng Lakas-Kampi.
Kawawa dito si Gilbert Teodoro, ang kandidato para president ng Lakas-Kampi. Pangalan na lang ng partido ang natira sa kanya. Ang mga miyembro ay naglilipatan na sa kalabang partido.
Kung tingnan mo nga ngayon ang tiket at ang mga tao na nakapaligid sa mga kandidato nitong magkakalabang partido, wala ng pagkakaiba.
Magaling itong sina Arroyo dahil sa halip na lalabanan ang agos, sinakyan nila. Lipatan ng lipatan ang mga tauhan nila sa LP at NP.Ngayon, kapag may isyu tungkol sa mga dapat panagutan ni Arroyo sa maraming kasalanan niya sa taumbayan, hindi malayong protektahan pa rin nila siya.
Ang galing nina Ronnie Puno at ang swerte ni Arroyo. Kahit mawawala na siya sa Malacañang, nakapwesto naman ang mga tauhan. Protektado pa rin siya.
Tumatawa rin siya dahil naka-focus ang tao at media sa mga candidates at napupunta na lang sa tabi ang mga kalokohan niya — hindi na naka-focus ang isip ng tao sa ganid niya at tauhan niya.
This seems to be another reminder that party platforms are all for show. Parepareho lang ang gagawin maski iba-iba ang sinasabi — kind of explain why party-leaderships accept “hoppers” with so much ease.
Alin nga kaya sa dalawa:
1. Ang hindi pinigilan ng Lakas Kampi ang mga lumulipad o
2. Ang hindi mapigilan ang lumulipad sa Lakas Kampi.
Sa tingin ko naman may regular loyalty check yang mga myembro ng Lakas Kampi sabay ng pag hatag ng pera sa kanila. Nang unang lumabas yung SWS survey, nag iisip na yung LK members. Nang ihayag na si Teodoro ang standard bearer ng LK, nagsi ambaan nang kumalas. Nang irelease ang susunod pang survey na kulelat pa rin si Teodoro, nagsi kalasan na nga para lumipad either sa LP at NP. IIlan lang o wala pa yatang lumipad sa Erap camp at hindi maganda ang showing sa survey. Kaya palagay ko hindi mapigilan ng LK ang pag lipad ng dating myembro.
Si Anthony Golez din ay sasapi na sa NPC at lalabang tongresman sa kanyang probinsya, lalabanan ang PALAKA bet.
Dalawa ang tingin ko dito. Ang iba ay tumalon sa LP at NP dahil hindi na uso si Gloria, ang iba naman ay may go-signal ang bruha para kaalyado nya sa tongres para sa kanyang goal na speaker of the house…on to her chachacha…
Tuloy ang ligaya nitong mga balimbing. Baka naman pag dating ng panahon na casohan na si gloria, kukulangin ang boto ng LP dahil puro galing sa palaka karamihan ng candidato nila.
Why be bothered of goyang’s alipores’ patalon talon and palipad lipad?
Just ignore them come election time.
Alam na natin ang kanilang pakay kaya bakit pa natin sila bibigyan ng isa pang pagkakataon upang muling manatili sa kapangyarihan?
Gaya ng sinabi ko sa kabilang thread, nasa ating mga kamay bilang mamamayan ang susi ng tunay na pagbabagong hangad natin at inaasam.
Ang partido sa Pilipinas ay kailangan lang naman talaga sa pagpatakbo ng kampanya at sa pagbabantay ng boto sa araw ng eleksyon. Ang mga lumilipat na politiko, isa lang dahilan at wala nang iba kung hindi PERA.
Yung sa local officials, binoboto sila ng mga kababayan kahit anong partido pa sila. Kaya kahit magpatalon talon ang mga kandidato, iboboto ng kababayan yung nakikita nila at yung kamag anak o kaibigan. Nakakalungkot din, mayrung iboboto yung malaking magbigay. Halos ganun din sa botohan ng congressman.
Sa senador, ang binoboto ay yung tao/kandidato, hind yung partido. Unless mag block voting, hindi nanalo ang lahat ng kandidato sa isang partido. Kaya namamayagpag sina JPE at Miriam kahit saan silang partido pumunta.
Ang sa Presidente at Vice, tinitignan ng bumoboto yung tao/kandidato kahit na anong partido pa siya.
Kaya nag aalisan sa Laban Kampi at mukhang tagilid ang laban nila. Iba nga naman kung manalo yung sinamahan, mas malaki ang hatian kapag nakapwesto na. Yung hindi nakasama, kikita pa rin pero hindi ganun kalaki kaya pag nahalal na, lipad naman sa partidong ng Presidente para mas malaki ang kita.
Unless talagang napakaraming pera ni GMA na kaya nyang palamunin ng pera yung mga nagsilipad na nanalo uli, ilalaglag din sya ng mga ito kung walang mahihita sa kanya.
Pero syempre Ms. Ellen, mayrun ding exceptions na maayos na politiko na lumilipat ng partido sa panahong ito.
Kung tingnan mo nga ngayon ang tiket at ang mga tao na nakapaligid sa mga kandidato nitong magkakalabang partido, wala ng pagkakaiba.
Magaling itong sina Arroyo dahil sa halip na lalabanan ang agos, sinakyan nila. Lipatan ng lipatan ang mga tauhan nila sa LP at NP.Ngayon, kapag may isyu tungkol sa mga dapat panagutan ni Arroyo sa maraming kasalanan niya sa taumbayan, hindi malayong protektahan pa rin nila siya.
xxxxxxx
Mabuti naman at kapansin pansin ang pagtalon ng mga PaLaKa at sinalo naman ng NP at LP. Ano nga ba ang pag kakaiba ng LP, NP, at PaLaKa?
Pare pareho silang mga magnanakaw ng public funds. Paano uunlad ang Pilipinas kung ninanakaw ang public funds na para sa kaunlaran ng Pinas? Kapag ninakaw sino ang magbabayad non?
Si Ralph E-Vat Rectum ay simbolo ng LP, NP, at PaLaKa. Bakit? Pare pareho silang mukhang rectum. Ang mga botante ay gusto ba nilang magmukhang rectum din?
it is tragically funny indeed at para kay putot masarap ang kain niya ng balimbing–at anong tamis.
“I have no grandiose dream to become great President. I want to be a good President. Help me be a good President.” GMA
“I have no grandiose dream to become great President. I want to be a good President. Help me be a good President.” GMA
Ito ba ang linya nya nung tumawag kay Garci?
Pero syempre Ms. Ellen, mayrun ding exceptions na maayos na politiko na lumilipat ng partido sa panahong ito?
Ikaw talaga Igang Oblak…before 1998 ang issue noon sa mga pesteng pulitiko e TRAPO, ng binasag ng Ama ng Masang Pilipino ang tag-uring ito ng ilimpaso si DeVenecia na manok ni Tabako…landslide at pinakain ng alikabok ng Masang Pilipino.
Imagine, kanila ang Malacanang at buong makinarya ng gobyerno ni Tabako pero alikabok ang kinain nila. Ngayon, nakuha nila ang Malacanang for 10-years at sabi ng mga nasipang civil socialites e TRADPOL naman ngayon?
Kung iisa-isahin natin e sila yong remnant ng EDSA DOS + Hello Garci? About doon sa mga nag I am SORRY sa Ama ng Masang Pilipino e alam natin kung sinu-sino sila di ba.
Isa na diyan ang Yellow Fever, C-5 sipag at tiyaga and several paru-parong ligaw na ang iingay na kesyo sila daw ang pag-asa ng pagbabago…yaks tamaan sila ng kidlat, kundi pa sa kagaguhan ng mga iyan e di tayo aabot ng 10-years sa pekeng panggulo.
Tumatawa at kilig na kilig, biruin niyo, katabi niya ang dalawang matipuno’t makikisig na sina Gibo at Edu. Complete opposite ni matabang FG. 😛
Ang mga Political scenario sa bansa ( liparan-lipatan-balimbingan ng mga kandidatos ) ay patunay na dugong-kultura ng Pilipinong nananalaytay sa ugat, mahirap mabago.
Ng panahon ng ww-2, marami din ang nagsilabasan, tawag doon ay MAKAPILI, kapakanang pangsarili, bansag ay greed ,nasasakripisyo ang kabuoang kinabukasan ng Bansa, at sa kanyang pag-unlad. Kailangan yata ay magkaroon ng ” Pacman syndrome o mentality ” na sa kapangyarihan ng pagdarasal at 100% +++ na tiwala sa Diyos ( huwag sa mga politikong mandarambong ), makukuha ang tunay na PAGBABAGO ng bansa ( ihalimbawa natin ang pangyayaring si Pacman ay nasa ring, nakikipag-boxing, lahat ng Pilipino sa buong mundo, FUCOS sa pag-darasal para manalo sya, dapat ganito din ang attitude-mentality ng mga botante sa pag-pili ng mga bobotuhang kandidato. Huwag mag-FUCOS sa mga bilihan-dayaan,partidista, para lamang manalo, dapat isipan ng bawat isa, ay kinabukasan ng bansa, susunod na henerasyon, at KAUNLARAN ng Pilipinas ).Ang mensahing binitiwan ni Pacman sa simbahan ng Quiapo, ay magandang halimbawang pangising sa kaisipan ng bawat Pilipino. Iwanan o itakwil na ang ugaling masama, lalo na, tukso ng salapi, dahil minsan lang tayong mabuhay sa mundong ito.
Talagang masayang masaya si boobuwit dahil yung mga pinapakain niyang mga alipores niya ay may magpapakaing iba muna. Kapag nanalo na naman sila tsaka ulit niya sila palalamunin ulit sa tongress at sa senado. GREAT PLAN indeed of the boobuwit! I bet you she blessed each and everyone of those who jumped ship, may kasama pang “galingan mo hah para manalo ka sa ganun eh maisusulong natin yung CHA-CHA natin”. Kasabay “kita kits tayo ulit hah”? The boobuwit will file her congressional candidacy at 4:59 pm on the last day of the filing of candidacy. May panahon pa bang mag-file ng candidacy niya si David o yung gustong kumalaban sa kanya? By then, lone candidate si bansot. Katulad ng mga unoppposed na Ampatuans. Then when in congress, she will again continue her reign. Lulutuin na naman niya yung kanyang “specialty”, the CHA-CHA. Sasayaw na naman ang mga alipores niya na mga “jumping jack” at hihitik na naman sila sa sobra sobrang perang ipamumudmod ni pandak!
So PEOPLE, mapagmanman at huwag iboto itong mga “jumping jacks” na ito! Pick the new candidates who are not tainted yet kahit na kaninong partido sila nakasama. This time use your “common sense”, kung meron pang natitira.
Hindi lang tumatawa kundi ngising demonyo pa dahil sa takbo ng nangyayaring mga bata niya nasa NP at karamihan sa may mga malalaking pangalan ay nasa LP, kaya, nasa kaniya pa rin ang huling halakhak. And the last laugh is the sweeetest and most enjoyable baka nga mapa ihe pa siya sa sarap.
Any government formed by either NP or LP after the election definitely will be influenced by Gloria. Marunong din naman tumanaw ng utang yong mga alipores niya na yumaman ng husto sa kaniya, kaya mukhang magamda at masaya pa rin ang kaniyang hinaharap.
Here is the “Good versus Evil” slogan. Mukhang hindi ko na nga masyadong naririnig.
Mabuti naman. Dapat klaro sa taumbayan ang tayo ng kanilang mga binoboto para blalang araw hindi masyadong madismaya.
Correction: Where is the “Good versus Evil”?
Gabriela,
matagal ng tumalon mula 10th floor ang konseptong good bersus evil, simula ng karamihan ng mga kapatid (!!!) at kapamilya mismo ni Ninoy, ama ng LP candidate Noynoy ang lantarang hindi lamang nakisayaw, bagkus kasama pa sa pagpatagal at pagpatibay ng poder ni GMA.
si Lupita — miyembro ng inner circle of image engineers ni Gloria.
si Tessie — di na kelangan ng paliwanag.
si Paul — ayun nabigyan lang chairmanship ng PNOC (Petron’s flagship) nawala na yung paninindigang bersus evil na yan.
si Butz? Butz Aquino mismo, hmmm,!
the listahan lalo lamang hahaba, pag isalang sa salamin ang maternal side.
ang punto ko: kapangyarihan, kayamanan at karangyaan ang lamang noon pa man.
ang masakit nga lamang, nadiskubre ng mga ito, gaya ng pagka=diskubre ng mga banyaga na malambot pala ang ilong ng karamihan.
at napakahusay gumawa ng baluktot na rationalization.
good versus evil? hahahayy.
mahirap HINDI sisihin ang sistema na pinaiiral ng mga politico na may basbas ng elita at negosyante.
ilang komentarista na ang nagsasabi na semi-PYUDAL ang paraan at pag-iisip ng marami sa atin—-gatungan pa ng media pipol ng katagang ” ,,,the Rectos’promised delivery of Batangas votes…”
totoo ngang pyudal, di ba? sila na gumagawa ng boto para sa taongbayan. ang huli, sunod-sunoran na lang ba talaga?
kailan lang, pag kelangan ng hakot at bayarang pro-GMA marchers/supporters di ba ang tinatawagan nina Mike Defensor as GMA’s chief political hatchetman ay si Rico Echiverri (mayor ng Caloocan) na may standby pwersa para sa mga okasyon.
si Sonny Belmonte, hindi din ba nagpapadala? tapos, pag kelangan ng chief apologist, di ba andyan naman si Alex Magno, ang kilalang neo-con?
ngayon sila lahat may grand reunion bilang kasapi’t kandidato ng LP? ano ito, Lapian ng mga Pidal? may pinagkaiba ba ito sa partido ng Lakas-Kampi, bukod sa pangalan?
naku may magandang balita para sa LP, napakaganda.
bukas ngayon ang lamesa para sa negosasyon para sa namumuno ng Maguindanao province.
teka’t limot na ba ninyo na may kapangyarihan ang mga namumuno dito na gumawa ng isang Senador, sa katauhan ni Zubiri?
na may angking talino ito para gawing 300% ang lamang sa actual votescasted o bumobuto kumpara sa registered voters?
o mag-bid na kayo, LP ano bulong mo?, o NP huwag na mahiya !
huli yata ako, teka ulit, plantsado na ba ito, ha, Mike?
pasintabi sa isang residente ng Ellenville, na kapangalan ni Mike D.
Mabuti naman at kapansin pansin ang pagtalon ng mga PaLaKa at sinalo naman ng NP at LP. Ano nga ba ang pag kakaiba ng LP, NP, at PaLaKa?
Sino ngayon ang tunay na oposisyon? Tunay ba na oposisyon ang LP at NP?
Iisa lang ang tunay na oposisyon, President Joseph Estrada.
LP = Luisita ni Pidal
NP = Nationalist ni Pidal
Nakakatakot itong possible scenario na ito kung magiging totoo. Baka kaya tumatawa lang si Gloria Engkantada.
Electronic Cheating na ang pinag-iisipan:
http://www.tribune.net.ph/commentary/20091122com3.html
From Camilo Mercado:
Paki tanong lang kay Alfie L kong talagang mura ang balimbing fruits sa Batangas at Lipa city kasi bibili ako ng sampong sako.
I see a shrewed Political Strategy, whoever devised this scheme has a vision as far as the night eagle can see.
The opposition will be so contaminated and diluted with opposition pretenders that it is the same old politics again.
We have an expression back home that best describes whats happening now – MUJAPON…meaning its the same thing.
After all thats said and done, we’re in for more of the same thing with the next administration, all our fiery words and opposition adventures were just to show we have a semblance of democracy here…or is this the real democracy in action?
So we have more material for political blogging in the years to come?
Camilo Mercado,
Mura lamang ang balimbing sa amin sa Batangas na hindi nga lamang katamisan dahil parang ibinabad sa apdo ng linta. Pero kuwidaw, meron ‘yung regalong “double bladed” na 29.
Si ate Goyan po ay hindi tumatawa. Nagngingitngit po siya nang galit dahil nagsisialisan na ang kanyang mga alipores, nagsisilipatan sa ibang partido.
Kung sino man ang mananalo kina Noynoy Aquino at Manny Villar o kahit sino pa diyan ay tiyak na uusigin siya sa mga anomalyang kanyang kinasasangkutan. Ang nakakatakot dito, mismong mga alaga niya ang siyang magpapakanulo sa kanya.
Ang tawa o ngiting nakikita sa kanya ay ngiting nagngingitngit nang isang taong aksidenteng nadampi ang puwet sa isang nagbabagang uling.
Camilo huwag nang balimbing ang bilhin mo, durian na lang ganon kakapal ang pagmumukha nitong tinatawag ninyong balimbing, at sa amoy naman ng durian ganitong kabantot naman ang kanilang pagkatao.
Maaga pa para malaman kung sinu sino na ang lumipad at officially nakalipat na. Sa December 2 pwede nang icheck kung sino ang napuruhan ng husto ng kamandag ng Lkas Kampi. Maraming pang magaganap sa susunod na 10 araw.
Sa ngayon, mas nakakarami ang napapabalitang lumipat sa NP.
Romyman’s take: “…the opposition will be so contaminated and diluted with opposition pretenders that it is the same old politics again.”
is, one, living proof that Ellen’s blog could be an endless source of insightful and well-thought comments.
same old politics?, indeed, why expect otherwise? all existing electoral laws are meant to preserved the rule of tulisans.
ever heard of any candidate, winning or losing, indicted for non-filing of statement of electoral expenses?
or ever heard of a candidate who voluntarily shows the source of his campaign coffers?
it should not be a surprise if jueteng money, or laundered hot money, or even drug cartels’ money will send and make the next Malacanang occupant.
no thanks, to the laws of the jungle and of the thieves.
jug,
if only you could be a little bit more forceful to yourself, it should not be difficult to realize that it is all for a show; to pacify, and tempt the imagination that democracy is alive, and well, all is well.
is it democracy at work when plain justice grinds to a halt, refuses to budge and mete punishments equally, the moment it faces certain truths and obligations.
or, are there 2 sets of democratic standards: one for the governed, and the other set, for the one who dispenses the rules?
unless we allow it so, i maintain, that democratic standards have gone so low in the country, its getting hard to distinguish whether its the dogs who have the upperhand, or the thieves.
Galing kay Jovy Becina:
I hope Filipino voters will not vote because the candidate belongs to a any political party. Political party at present situation is a mixture of good and evil specially the NP and LP.
Voters should know and identify those people para di na mahalal muli dahil kung makalusot na naman sila magpapatuloy pa rin ang evil deeds ng mga ito.
Baka po maisip pa ng mga kabataan Ok pala yong politician na palipat lipat ng partido kahit wala ng malalim na prinsipyo dapat ipaglaban basta manalo lang sa halalan.
Kung kayat dapat sa mga botante lalo mga kabataan mabuti pang ihalal ay mga bagong mukha sa larangan ng politika, yaong hindi kapamilya o kaanak ng mga trapo, bagkus yaong may moral ascendancy na kandidato.
Mukhang wala na po ang purong malinis at may malalim na prinsipyong ang mga partido political sa nangyayari labo labu na rin po kung kayat pagkatapos ng halalan mukhan blangko pa ang mamamayan sa tatakbuhing kabuhayan at katatagan ng Pilipinas dahil sa mga makasariling lider.
mas naniniwala akong kinakabahan si Gloria Arroyo kaysa tumatawa. Ang kapalaran ni Gloria ay nakasalalay sa susunod na Presidente, wala sa Partido. Ang sukatan ng performance ng susunod na presidente at ang magiging kapalaran ng bise nito ay kung pano nya hahawakan ang kaso ni Gloria. Kung mananalo ang tambalang Noynoy-Mar, kailngan makasuhan at maipakulong ni Noynoy si Gloria para masiguro ni Mar ang pagkapanalo niya sa 2016 presidential election…
At mas naniniwala akong magiging protektado si Gloria kapag si Villar ang nanalo… hindi nyo ba napansin, maliban sa mga kapartido ni Villar, mga tuta ni Gloria sa Senado ang umabswelto kay Villar at mas maraming loyalista ni Gloria ang lumilipat sa kampo ni Villar…
In the Philippine political setting, there aren’t really genuine “good” guys, just ordinary imperfect humans being asked fo perform extraordinary feats. Inorder for them to defeat evil they have to become evil, consort with evil, use evil’s power against it, etc. Some (most?) were even evil to start with and because of unexplained epiphany suddenly decided to break free from the demon’s chains and are now fighting the good fight. If this were the case all along, well nobody should have the gall to use INTEGRITY, HONESTRY, and all sorts of principles that only the genuine “good” guys possess…we shouldn’t be led through our emotional noses by words…speeches…
Inorder to avoid extreme disappointment, its better to look at all these through the eyes of Machiavelli…and hope that end is really worth the means…
kanino kaya ang huling halaklak?
Tumatawa lang si Arroyo kasi meron balak na gamitin ang Maguindanao muli.