Isinantabi ng Senado ang resolusyon na nagpapawalang-sala kay Senator Manny Villar sa ma-anomalyang kaso ng kalsada sa C-5 dahil sa hindi sumunod sa tamang proseso.
Ito talaga si Villar, mukhang mahilig sa shortcut at pailalim na operasyun.
Ngunit hindi opisyal ang resolusyun, nabuking ang mga senador na kumampi sa pagpawalang sala kay Villar. At ang isa dito ay si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.
Ang ibang pumirma ay sina Aquilino Pimentel, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Lito Lapid, Gregoriio Honasan, Joker Arroyo, Miriam Santiago, Ramon Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Loren Legarda at Villar. Talagang walang delikadesa itong si Villar. Pumirma para ipawalang-sala ang sarili. Hindi man lamang nag-abstain.
Sinabi ni Pangilinan na sinabi raw niya kay Noynoy Aquino, presidential candidate ng Liberal Party, ang kanyang pagboto sa resolusyon na kumakampi kay Villar at okay lang daw kay Noynoy.
Ano ba ito, lokohan? Anong reform politics ang pinagsasabi ni Aquino at okay lang pala na ang mga kasamahan niya sa partido ay kumunsinti ng anomalya.
Sina Aquino at Roxas ay hindi kasama sa mga pumirma. Ganun din sina Ping Lacson, Jamby Madrigal, Chiz Escudero, Rodolfo Biazon, Richard Gordon at Juan Ponce Enrile. Hindi pinapayagan bumuto si Sen. Antonio Trillanes IV.
Hindi rin nakapirma sina Edgardo Angara at Juan Miguel Zubiri. Hindi ko alam kung ayaw pumirma o hindi lang nakapirma pa.
Wala akong isyu sa mga pumirma kung talagang gusto nilang salbahin si Villar. Ngunit turned off ako kay Pangilinan na miyembro ng Liberal Party, na sumusulong sa pagbabago kuno sa pulitika sa pamumuno ni Noynoy.
Alam naman natin ang ginawa nitong si Mr. Noted noong 2004 na eleksyun nang hinarang niya ang pagbukas ng mga ballot boxes na niretoke nina Arroyo at Virgilio Garcillano ang resulta. Kasabwat siya sa pandaraya ni Arroyo noong 2004 na eleksyun.
Malapit si Pangilinan kay Villar dahil magkasama sila sa kanilang Wednesday group (ang ibang kasama ay si Joker Arroyo, Ralph Recto, at Noli de Castro). May hindi sila pagka-unawaan ni Sen. Mar Roxas kaya bumabanat yan noon sa partido nang si Roxas pa ang kandidato para presidente ng LP.
Nang si Noynoy na kandidato presidente, balik siya sa partido. Medyo may mga bilib din sa kanya Nagbuo siya ng grupo kasama ang singer na si Jim Paredes para volunteer group daw kay Noynoy. Di ba inanunsyo noon ni Kris Aquino na magiging spokesman siya ni Noynoy na kingulat naman ng miyembro ng LP.
Kaya maraming sumusuporta kay Noynoy dahil pagbabago raw sa pulitika ang sinusulong. Good versus evil pa ang mantra. Kung okay lang naman pala kay Noynoy ang pulitika ni Pangilinan, ano ang diperensya nila kina Villar at Arroyo?
Klaruhin at manindigan dapat dito si Noynoy.
Heheeheheheh!
Masahol pa sa hunyango.
‘Yan ba ang ipinagmamalaking asawa ni Magastar Sharon Cuneta?
As it is right now, nothing will be ever definite. This is intra-party politics at its worst. That’s the problem when there is no clear selection process. It’s the old POINT SYSTEM again. Kung sino ang ituturo nang malalakas sumipsip, iyan ang masasama sa line up. I can only imagine the turmoil within Aquino now. With so many heavyweights calling the shots, I wonder if he even gets consulted as to who gets to be in the list. Clearly the bandwagon effect for me. How else do u explain Recto, Belmonte, Atienza, et al?
Putragis talaga si Noted Noted Pangilinan, namamangka sa dalawang ilog ang traydor sa bayan na asawa ni magastar.
Para saan ba ang LP at walang pinipili na kasali sa partido, kahit baboy kinukuha!
Saan ang tayo ni Nonoy? Dapat ay meron siyang balls to say NO to Drilon, Abad at kung sino-sino pang mga hunyango na nagdidikta sa kanya.
Noynoy should know that people will vote for him because of him and not because of the dictates of people around him. Siya mismo ang sikat, hindi ang mga hinayupaks sa likod nya. Without his “advisers’ ay mas mananalo pa sya.
Pordiosporsanto! Lalong nakakaunsyami ang mga development sa LP.
Point of order, as pointed out by a friend.
Villar is the accused. Can he be the judge of his own case? Can he vote? We are not just talking delicadeza here, but an accused cannot sit in judgment of himself.
So do they really have twelve? Or is it eleven?
So, ano ang pagkakaiba ni Villar at Gloria? Wala! Dagdag ng dagdag walang bawas kahit delicadeza ang nakataya.
Dalawang bagay lang kung bakit pumirma si Pangilinan:
1. Malalim na pagkakaibigan kay Villar; and/or
2. Malaki ang binigay ni Villar.
Sa epekto naman sa LP ni Noynoy, wala. Hindi naman mga santo ang nanduon at nagsasamahan na ang mga taga ibang partido. Datihan na sila Drillon at sumama na si Recto, Belmonte at iba pa.
In an electoral democracy, the political parties can never be purist. They may claim so but in reality the members and candidates are propelled by political ambition. This is the reason for not believing in what the candidates say. In this 2010 election, it will boil down to choosing the lesser evil.
Mahirap o nakakainis tanggapin pero iyan ang realidad ng politika.
Hindi na good versus evil. Lesser evil na lang, ha.
Ito naman si Jinggoy, nagpadrama pa. Babawiin daw niya ang pirma sa resolusyon para hindi masabi na yan ang kapalit ng kanyang pag-guest candidate sa NP.
Then he said that he really believes that Villar did nothing wrong.
I understand, Butch Abad is the one trying to hold the line for the advocates of reform politics.
My source said it’s Drilon who welcomes all those tradpols. It’s “politics is addition” for him.
Napanood ko nga yan Ms. Ellen. Kahit bawiin nya ang pirma, pwede pang ibalik naman ang pirma nya pag nailabas na ang committee report at syempre, hindi rin naman nya kasi ibabalik yung binayad sa kanya ni Villar.
Si Kiko naman, umamin na si Villar mismo ang lumapit sa kanya para pumirma. Lumapit din si villar kay Trillanes pero hindi napapirma ang huli.
Ang pinakamalaking palaisipan ay si Joker Arroyo. Ano na ba talaga ang nangyari sa kanya. Pininipilit na bilisan ang pag labas ng committee report. ATat na atat, para mailabas na ang pinirmahan nyang resolution in favor of villar.
Yes tounge twisted, it had always been choosing the lesser evil. Syempre hindi nila sasabihin yan, mas may kagat kasi ang good vs. evil.
Kung tutuusin, dapat ay may utang na loob si Jamby kay Villar dahil ang pork barrel ng mag-asawang Villar ang ginamit upang gawin ang Daang-Hari – mula sa Alabang na halos ang mga lupa ay pag-aari ng mga Madrigal – hanggang Imus Cavite. Siyempre dumaan din sa mga lupain ni Villar. Palusot pa niya sa interview ni Ted Failon, lahat naman ng developers may lupa sa Daang-Hari. Oo naman, binentahan na niya kasi.
Malaking bagay na naging mas accessible ang Alabang. Kaya siguro nagparaya at nanahimik muna si Jamby. Pero nang naulit pa sa C-5, hindi na nagtimpi si Jajajamby at tinuluyan na si Villar sa Ethics.
Ganyang mga senador ang dapat na naluluklok. Walang sinasanto, pag may kasalanan ka, babanatan ka.
Ang LP ang bagong “Rainbow Coalition” na sinimulan ni Joe de Venecia.
Ah, si Drilon ?????
Si Noted P, nilapitan lang pumirma na! What a character, patuloy pa rin sa pagbebenta ng pinoy!
Si Jinggoy, kailan pa naging sensible yan?
Si diaperman Joker…he becomes a disgusting figure in Pinas politics every second that he grows old.
Trillanes pa rin!
Sorry Ellen, hindi ako naniniwalang si Abad ay advocate ng reform politics. Nung si Roxas pa ang manok nila, pinabayaan lang nila si Chito Gascon na mag-isang bumubuhat kay Roxas. Si Chito ay “puro” at idealist. Reformist talaga. Nung masilip nila ang “winnability” ni Ninoy matapos ang libing ni Cory, nagbago na ang hangin. Ang tumataya sa pagiging winnable ng isang kandidato bago ang ibang katangian ay hindi maka-reporma. Trapo pa rin.
Tongue,
Ang ibig bang sabihin ay kung hindi yumao si Cory ay inabandona ni Drilon ang LP at sumuporta kay Villar? Kung kay Erap ay malayo niyang suportahan dahil hindi ‘magkasundo’ ang kanilang mata. Si Drilon ay sigurista, I was never impressed with him kahit nun pa….
Madam Chi, naiintriga lang ako. Bakit sagad yata sa buto ang pag ayaw mo kay Drilon?
Kuya Oblak, kilala ko sya ng personal.
Madam CHI
“So, ano ang pagkakaiba ni Villar at Gloria?”
Eh walang nunal si Villar sa mukha.
Maliban sa nunal, wala nga.
Besides, ayaw ko na may duda syang suportahan si Kuya Mar as LP’s bet for the presidency…
mb, ha? hahaha!
Rule of thumb:
In voting, do a chopseuy. . . Vote for the Prez, Vice Prez and the Senators you like. It has never happened anyway that people voted straight for a particular party. Turncoatism definitely bastardized the whole concept of the party system.
Pero in the absence of my manok Chiz ay wala akong choice…Noynoy na rin ako kasi nandyan si Kuya Mar to make ayuda to him, in case. Magsusugal na ako sa kanya kesa kay Villar, Gibo, o Ebdane. Hindi kasama si Erapski dahil meron Consitutional ???.
Ellen,
Baka naman ang sinagot ni Noynoy kay Kiko ay “Bahala ka sa buhay mo!”
At para kay Kiko ang ibig sabihin ni Noynoy ay “Ok go ahead.”
Kung tutuusin hindi naman kandidato si Kiko so hindi kailangan ni Noynoy buhatin ang kamay niya. Si Kiko naman ang lumapit hindi si Noynoy. Alanganin naman sabihin ni Noynoy kay Kiko “Hindi mo na ako pwedeng suportahan kasi bumoto ka sa resolution na yan.”
At si Ralph malay natin kung talagang nagbago at nangakong ciento porsyento ang pag adopt niya ng mga prinsipyo at plataporma ng LP?
Kung ganun ang nangyari eh di ang burden kung magkalokohan ay kay Recto at hindi sa LP who gave him the benefit of doubt.
My point is a candidate cannot prevent anyone from supporting him. Hindi mo mapipigilan ang taong gusto sumoporta o bumoto sa iyo. Kung gusto siyang tulungan ni Chavit for example anong magagawa niya?
The important thing is that a candidate does not horse trade his principles for financing or votes. It remains to be seen whether Noynoy is guilty of that.
Kung hindi ako nagkamali itong mga datihan ng miyembro ng LP ay sinupurtahan itong si Glorya noon pa. Si Pangilinan at Gonzalez ay kilala nating “Mr. Noted’s” at eto naman si Drilon ay ililipat daw niya ang Malakanyang sa kanyang Probinsiya at yong iba naman ay naging cabinet secretary ni Glorya. Kasama na din diyan si Mar na naging Secretary nga ni Glorya.
Tapos eto ngayon si Noynoy na ginagawang parang robot ng mga taong ito. Uma-asa na makukuha nila ulit ang Malakanyang. Kaya maraming sumasanib sa kanila dahil alam nila na pareparehas ang mga bituka nila. Etong si Aquino sampu na ang kanyang mga kapatid ay nagpa-uto naman sa mga taong ito.
Desperado na talagang manalo itong si Villar. Talagang gustong durugin, sirain ang balakid sa kanyang pangarap at eto nga si Noynoy. Sa aking palagay itong si Pangilinan ay isang bayaring espiya ni Villar. Ganyan talaga ang mga dukleng … mga tuso.
huwag ding kalimutan na si pangilinan ang isa sa mga nagsusog na mabigyan ng kapatawaran si joseph estrada, patunay lang na baluktot ang mga paniniwala ni pangilinan.
Sa dami ng opposition candidates kuno, tapos siraan pa ng siaraan. Natutuwa lang ng husto si boobuwit dahil siya na naman ang mananalo niyan!
Too many cooks spoil the broth ika nga. Ganyan ngayon ang pwesto ni Noynoy. His intentions may be good but his left hand does not know what the right hand is doing. Yan ang sample ng Noynoy administration. May kanya kanyang agenda ang mga nakapaligid sa kanya. If he does not have a strong character to control his alipores, he is kaput!
Si Villar naman, it is the strength of a CEO of a company to rise above all adversaries. Lalong pinupukol yan, lalong magsusumikap. Negative or positive pulicity, publicity pa rin yan!
Kaya tama si Henry, bumoto ng ala chop suey.
Elections 2010 will be a battle royal among the bastards, balimbings and recycled trapos from different political parties. There’s no political stability in the multi-party system. The ruling ‘rainbow’ coalition has mixed political agenda. The voting public is confused. Kaya pa-pogihan na lang.
Tedanz, anong dukleng, sinong dukleng??? ( o) (o ) 😛
Mga engot talaga itong kampo ni Villar. Mga buwisit kayo …. nahulog na yong amo nila sa kumunoy tapos pilit hinihila din sa paa si Noynoy. Bakit si Noynoy lang? Dapat hilain din niya sa kamay si Gibo … Cojuangco din yan.
Mga desperado na talaga itong mga grupo nitong si Villar. Dapat sa kanila magpatiwakal na lang.
Igang Mike ang dukleng ay si Mr. Kubeta. Dalawa ang nakikita niya si Noynoy at si Villar. Yong kay Noynoy medyo naa-aninag lang pero dito kay Villar halos luwa ang mata … hehehehehehe
Putragis talaga si Noted Noted Pangilinan, namamangka sa dalawang ilog ang traydor sa bayan na asawa ni magastar?
Igan Chi…since 2001 pa tinuldukan ng Masang Pilipino si Mr. NOTED?
Ang mga diehard supot..ers ni Mr. Noted e karamihan yaong mga bystanders na walang paki sa lipunan, laman ng lansangan na puro reklamador sa buhay.
Pahirap sa bayan!
Mga engot talaga itong kampo ni Villar. Mga buwisit kayo …. nahulog na yong amo nila sa kumunoy tapos pilit hinihila din sa paa si Noynoy. Bakit si Noynoy lang? Dapat hilain din niya sa kamay si Gibo … Cojuangco din yan.
Igan Tedanz…karamihan sa mga kababayan nating Pinoy e mga BOBO? Sure marami ang hihirit…well, yan ang Katotohanan sapagka’t di tayo aabot sa 10-years na pagpipingkian ng katwiran kung nagpakatuto ang mga nag mamarunong ng tradpols na yan sa ating lipunan.
Mga hudas sila…bakit ka mo, sila ang nagtraydor sa ating Saligang Batas? Kesyo mayroon pa silang patutsada e kung sisingilin natin silang lahat e GUILTY lahat sila?
Gusto mo bang isa-isahin natin ang mga peste at hudas na yan na sila ang ugat ng ating kaguluhan at paghihirap…ngayon ang iingay na kesyo sila ang pag-asa ng ANO?
Ang tangi lamang nating pagkakatiwalaan ngayon e yaong 11 milyong Pinoy na dinusta ng mga ipokritong mga pulitiko, taong Simbahan, AFP/PNP disgruntled generals, civil socialites and bystanders.
Yan ang Katotohanan…!
Tedanz, anong dukleng, sinong dukleng???
Yaks…pinatawa mo naman ako Kgg. Mike, mukhang may gustong tumbukin si Igan Tedanz…sige na kasi di ko din yan alam eh! ^..^
Kung hindi ako nagkamali itong mga datihan ng miyembro ng LP ay sinupurtahan itong si Glorya noon pa?
Korek ka Igan Tedanz…dapat taas-noo tayong maninindigan sa Katotohan, i mean doon sa mga traydor at dumusta sa ating karapatang pang-tao?
Ang kaguluhang ito e bunga ng EDSA DOS…dito nagsimula ang pingkitan nang kukote sapagka’t mga hudas at traydor sila ating Saligang Batas?
Ang Villar, Yellow, and Hello Garci wannabees e remnant yang ng EDSA DOS + Hello Garci traitors? Kaya anong pagbabago ang ating aasahan sa mga iyan…WALA as nothing coz’sila ang kapural sa paglapastangan sa ating Saligang Batas last 2001.
Tugma yong isang tread na natin na mga Paru-parong ligaw ang karamihan sa kanila…nagbabangong-puri at anyo pero maiitim ang budhi?
Ang sakit sa tengang pakinggan pero ito ang Katotohan…di ba nasusulat “You will know the truth and truth will set you free.”
Nakaka turn off naman ang mga ibang sumasali sa LP. No 1 talaga dyan ay si Noted Pangi, 2nd na si Ralph Recto, at baka madagdagan pa.
Ang saving grace sa partido LP, para sa akin, ay si Mar Roxas. Intelligent, disente at hindi mahilig sa scheming, sa aking palagay. Importante ang VP, dahil dyan tayo nadenggoy – nuong nag VP si Glueria, then nagVP si Kabayad. Kung mahalal sila sana si NOynoy ay mas pakinggan niya si Mar kaysa sa mga paruparong buking.
Dapat pagsabihan ni Erap ang Dayunyor niya …. nakaka dalawa na siya. Bumoto siya doon sa pagbibigay ng distrito ng anak ni Glorya … tapos eto na naman kumampi na naman kay Villar.
Ano ba talaga kaibigang Balweg? Paki-esplika nga kung bakit ganito ang ginagawa ni Dayunyor?
Ako’y naleleto … wahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!
Guys kayo naman, politicians always cross party lines. Ganyan karamihan kahit na sa malalaking bansa. Dahil kung hindi ka marunong makihalubilo sa ibang mga partido, wala kang aasahang suporta kung kailangan mo ang tulong nila. Kaya nga siguro si Noynoy was only able to pass 5 bills into a law kasi siguro itong taong ito eh nadun lang sa mundo niya. Imagine kung paano niya patatakbuhin ang Pilipinas kung sariling mundo lang ang alam niya. This does not mean one has to compromise his principles. Nasa tao pa rin yan sa totoo lang. Kahit na buwaya lahat ang nasa paligid mo kung sanay ka na manindigan, walang mangyayari sa iyong masama.
Politics is really a game of chance for most of these candidates. Siyempre, ride on silang lahat kay Noynoy dahil mabango siya ngayon (I do not know later). Ngayon pa lang kasi, nakikita na na lahat ng handlers niya ay may “say” at lahat sila eh nagmamando sa kanya kung ano ang gagawin niya. Hilong talelong na yung tao. Dinudumog siya ng mga trapos dahil ang mga ito eh sigurista. There will come a time when his boat is too heavy with all these garbage coming from Lakas-Kampi and all the other parties. Kung hindi si Noynoy magiingat, he may become unpopular soon.
May buddy buddy system din dyan sa senado. Kung minsan nga lang eh nasosobrahan. May suyuan yang mga yan dahil kung may gustong project na pasusuportahan, kailangan maraming susuporta sa initiative ng senador o congressman. Kaya nga itong mga insertions na ito eh hindi ako naniniwala na hindi alam ng lahat ng miembro sa senado. Alam na alam nila yan! Nagbubulagblagan nga lang yung mga iba. Kaya nga dapat kung ayaw mong may maikakaso sa iyo balang araw, magpakatino ka!
Sinabi ni Pangilinan na sinabi raw niya kay Noynoy Aquino, presidential candidate ng Liberal Party, ang kanyang pagboto sa resolusyon na kumakampi kay Villar at okay lang daw kay Noynoy.
Ano ba ito, lokohan? Anong reform politics ang pinagsasabi ni Aquino at okay lang pala na ang mga kasamahan niya sa partido ay kumunsinti ng anomalya.
i don’t see any problem with this. Hindi pagkunsinti tingin ko dito… what I see here is Noynoy just respected the decision of Pangilinan.
wala din akong nakikitang masama kung bumoto sila sa in favor of Villar.. tingin nila yun eh… ang problema lang dito… naglabas sila ng resolution at bumoto ng wala pa ung committee report… pambabastos talga to… kaya hindi maiaalis isipin na nagkaroon talga ng “under-the-table”
The Villar way is short-cut and to hell with the rules. Becoming a billionaire, maybe by short-cut. Impeachment of Erap, he did a short cut. C-5 case resolution and signatures by short-cut. And the presidency, if he has his way by short-cut din, kaya lang hindi maari, he has to follow the rules.
Sanay si Villar sa short-cut. Di ba na short-cut/fast-track niya si Erap sa impeachment? He can not be trusted, habit na nya ang fast-tracking, it’s his way of life.
Totoo kaya ang kasabihang “ang isang basket ng kamatis pag hinaluan mo ng kahit isang bulok na kamatis ay mabubulok na lahat”. Hindi nga naman mapipili ni Noynoy kung sino ang gustong sumuporta sa kanya, pero sa pagkuha ng senatoriables nya hindi ba dapat lang na may say siya and alligned sa ipinagsisigawan nilang reform and new politics. Ano nga ba yung sinasabi nilang reform politics? Mukhang unti unti ng naglalabas ang tunay na kulay ng mga nakapaligid sa kanya.
Tedanz – November 19, 2009 8:38 am
Hehehe oo nga naman, oposisyon nga bang talaga si Junior
Noynoy can not say no to Mr. Noted when the later informed himof his decision to vote in favor of Villar in the C-5 case. It’s not by way of respecting the decision of Mr. Noted, but it’s about the kind of weak leadership of Noynoy. It’s not surprising really, in the first place he always has to say YES, that’s how people with no balls reacts and then he has his own SCTEX controversy about the free construction of private interchange for their private use leading to the Hacienda and the overpriced right of way (row) that cost the government millions of pesos, courtesy of their then and now ally Gloria, the corrupt. Spending taxpayers money for private use anyway you look at it is corruption.
Mr. Noted, the guy who can not win an election even for a barangay captain without the wife is at it again. Last election he declared himself as an independent but allowed himself to be a part of the GO. An incomparable opportunist he is speaking thru both sides of his mouth again. He is smart and wise enough to put his balls in to two baskets at a time, making sure that either way he will be in the good graces of both parties after the election.
A certified user, opportunist, double-dipper and schemer.
That’s Mr. Kiko Cuneta.
yan si unggoy dayunyor, pati na ang walang kuwentang politician na nagbubutas ng bangko sa senado/tongreso… e hindi oposisyon o administrasyon. nagdedesisyon sila kung ano ang makakabuti sa kanilang personal na interest… playing safe kung baga… walang kinokontra para walang kalaban para walang problema…
kung hindi ba nman walang paninindigan… kaibigan ang tawag nya kay Villar… nakalimutan na ginawa sa tatay nyang si Erap!
Akala ko ang dayunyor ay si Benigno Aquino Jr.
…A certified user, opportunist, double-dipper and schemer.
That’s Mr. Kiko Cuneta. – florry
considering your point of view about Kiko Cuneta…I must admit I agree with you! Doble kara!!!
Kiko Cuneta…dikit kay Noynoy, boto kay Villar!!
That’s sum it all about this guy…Thumbs down!!
Mr. Noted, dikit ka ng dikit. I dub thee “Mr. Post-It.”.
Anong tawag dun sa Scotch tape na dalawang sides ang puedeng dumikit?
florry,
dito kasi nagstart ung “Dayunyor”:
Tedanz – November 19, 2009 8:38 am
Dapat pagsabihan ni Erap ang Dayunyor niya ….
Anong tawag dun sa Scotch tape na dalawang sides ang puedeng dumikit? Double-sided tape
Noynoy can not say no to Mr. Noted when the later informed himof his decision to vote in favor of Villar in the C-5 case. It’s not by way of respecting the decision of Mr. Noted, but it’s about the kind of weak leadership of Noynoy.
hindi bat mas mabuting and mga senador ay hindi dapat nadidiktahan o dinidiktahan ninuman? ang lahat ng senador ay magkaron dapat ng matibay na paninindigan. Ang hindi pagtutol o pagimpluwensya ni Noynoy sa desisyon ni Pangilinan ay nararapat lamang… pero hindi ko sinasabi ditong tama o mali ang paninindigan ni Pangilinan….
Anong tawag dun sa Scotch tape na dalawang sides ang puedeng dumikit? Double-sided tape. – perl.
Perl, mali.
Ang tamang tawag doon kung hindi preface ay about face.
He he he.
Florry,
“then he has his own SCTEX controversy about the free construction of private interchange for their private use leading to the Hacienda and the overpriced right of way (row) that cost the government millions of pesos, courtesy of their then and now ally Gloria, the corrupt. Spending taxpayers money for private use anyway you look at it is corruption.”
Naniwala ka naman sa sinabi ni Boying Remulla. Yan talaga si Villar maninira lang eh ang gagamitin pa yung Remulla na utal. Maikli na ang dila mas maikli pa ang utak.
Nga pala Benigno Aquino III si Noynoy, Yun kanyang ama ay ang junior.
Hindi ako sumusuporta kay Pangilinan, pero itama lang natin yung sinabi ni Florry na hindi mananalo kahit barangay captain si Pangilinan kung wala si Sharon Cuneta.
Naging konsehal si Pangilinan sa Quezon City ng mga 80’s. Napangasawa nya si Cuneta ng late 90’s.
Just setting the records straight.
As far as I am concerned this male Cuneta should be dead in the waters — he was brazenly complicit in Gloria’s election cheating.
For that, he should have no place in any decent line up. He should be hanged drawn and quartered and not re-elected.
Kung gusto ng mga Pinoy na tumino ang mga opisyales na iboboto nila or to lessen corruption at all, they must do one thing: bring down, take down the corrupt, the moral cowards, the brazen hussies but reward the just and the honest ones. No ifs, no buts.
Pangilinan, namamangka sa dalawang itlog.
Ikaw talaga, tongue. hahaha!!! Kuha ko yan ha!
Ano ba yan? Tig iisang itlog lang si Manny at Noynoy!!! Parang his hitler!
Pangilinan, namamangka sa dalawang itlog. 🙂 :-):-):-):-):-):-):-):-)
Anna, in that case. there will just be a few we can vote for. Most of the traditional politicians (they occupy 90% of those running for office)are the ones with deep pockets. There are those who want to serve and who have the heart for public service but short on cash. They may or may not win. In the end, the no good ones win and corruption never ends.
PSB,
Right on! Very unfortunate that the crooks have “mafiaed” Philippine politics.
#55 MB
Sinong gusto mong paniwalaan ko?
Sabihin mo kay Noynoy sagutin niya yong kaso hindi siya gumagaya kay Villar na nagtatago. Kaya naman pala tahimik siya sa kaso ni Villar, pareho lang pala silang may “singit”.
Perl,
Weak leadership means you don’t know when to impose and assert discipline. Politics is war and Villar belongs to the other camp which is one of the strongest rivals, so, why will you allow your man to help him get out of a situation which will help you gain advantage politically?
Just being fair? There’s no such thing in politics.
If that is not being an idiot and stupid, what it is?
It’s because the candidates choose this kind of money-politics that favors the incompetents, the corrupt and the opportunists while the voters – including those who consider themselves “educated” – in complicity allow it, they even vote for these scums.
That is why any genuinely well-meaning candidate should stick to his guns, no compromising, especially if he/she advocates change. Otherwise he/she loses credibility. And yes, the corruption never ends.
That was in response to PSB (#63).
florry,
The SCTEX/RoW overprice/free private interchange/Luisita massacre all point to the greed an political influence of the Aquino-Cojuangco clan. At least, that’s what Ding Gagelonia says in his research, complete with the timeline.
Read it here: http://atmidfield.com/2009/11/19/the-moral-imperative-facing-noynoy-aquino/
And now the people will vote for an Aquino-Cojuangco candidate. Tapos na naman ang istorya for another 6 years!
Tongue,
Thanks, the link is very informative. Chronology of events only confirms that the farm workers have every right to demand what legally belong to them, but to expect a favorable result in a fight against the rich and powerful is just a dream. Sa pelikula lang nangyayari yan.
It’s clear that the Cojuangco-Aquino doesn’t want to let go of the Hacienda. Not until they can buy political protection and connection. Not until the last drop of their blood. Until then these farm workers will have to sit out and have more patience to wait for the emergence of a new leader who has the guts and determination to enforce what has been agreed upon and contracted 52 years ago.
The question however is do we have that kind of leader among the 90 million people in this country?
Certainly that’s not Noynoy.
Ang gahaman e yung Donya Metring (Sumulong) Cojuangco. Sabihin ba naman sa Agrarian Reform ni Condring Estrella na nung binili nila yung Tabacalera, wala naman daw magsasaka sa Hacienda kaya wala silang puwedeng bigyan ng lupa. Aswang siguro ang nagtatanim doon.
Samantalang yung mga magsasaka noon simula pa ng tabako ang tanim hanggang maging attractive ang asukal dahil sa quota ng Pinas sa US, hindi naman umaalis, bagkus nadadagdagan pa dahil lumalaki yung mga pamilyang sakada.
Pagka ganyan ang attitude ng haciendera, walang aasahang land distribution. Lalo pa kung maging presidente ang tagapagmana niya, at pati ang apo ay malapit na ring maging presidente.
That is why any genuinely well-meaning candidate should stick to his guns, no compromising, especially if he/she advocates change. Tongue
Absolutely, completely agree! stick to his guns, no compromising….
Read it here: http://atmidfield.com/2009/11/19/the-moral-imperative-facing-noynoy-aquino/
Below is just an opinion of mine looking into what was stated in the link above. Feel free to comment if you think i got it wrong myself….
Not looking into the accuracy of Fernando Gagelonia’s research, the alternative approach, in the form of SDO in the case of Hacienda Luisita, as discussed before (i.e. Etta’s Letter to Noynoy), as oppose to land redistribution could have made a good impact in the upliftment of the lives of many and still is in my view. Problem is the hacienda is not productive enough to make the agreement a reality complicated by disagreement on the agreement and debt, made worst by the bad influence from the left and the right.
When Cory Aquino won the admiration of many after the people power revolution, and still is, many from the left decided to start fresh and returned to the folds of law. The actual number of NPA and its supporter went down, a situation the left can’t ignore and Hacienda Luisita is the perfect tool using the farmers-tillers to promote their cause.
When Cory Aquino steadfast defended what she believes is right for the country, the hacienda was again used as a pawn to get back at them by whoever was criticized from the ruling right, providing and feeding false hope to farmer-tillers without regards to the right of the owner.
In the case of Noynoy, he does not own the whole of the Hacienda Luisita. He can only decide on what he actually owns. There are agreements in place, approved by over 90% of the farmers, that supersedes conditions before and currently in the hands of the Supreme Court for a decision. If not from too many political interferences, the hacienda could have been productive with both parties benefiting while they talk, lessening the burden from both sides.
If we are to consider history of Hacienda Luisita, question comes to my mind, why will the late Don Jose Cojuangco go through all these troubles by spending all he had at that time and by borrowing millions (in dollars) to a point requiring a “sovereign guarantee” from our government to purchase a land with all its improvements for him to give it away in ten years, considering that he is a banker at that time. It just doesn’t make good economic sense. Now consider, out of his good heart, he gives it up. Do you think it’s justified for the Government to return to him his investments? Considering time period Dec 1985, do you think it’s justified to compensate him with 3.988 million pesos when his initial investment is a lot more in 1957. Remember time value of currency decrease because of economic factors as oppose true worth of a land. How about the political and economic angle at that time? These are but a few questions in mind and there are a lot more as I write this.
I think there more to the story that what the author portrays in his writings or research, which I find inconclusive meant to discredit Noynoy run for the presidency.
Applying land reform, it has to be across the board and not selective and there should be just compensation to the owners of the land and owners had to agree with it. In addition, there are others ways to help our poor, in case of our government, by creating industries that creates jobs, instead of what they are doing now. You can’t take from one and hand it another and call it Social Justice without just compensation.
The Hacienda Luisita is one that is use and abuse. Its may be true that most of the ultra-rich and politically powerful use the “people’s money” to enrich themselves and thwart government conditionality intended to uplift the landless poor but not the family of Ninoy and Cory Aquino, simply because they are not that rich and they don’t own it 100% themselves.
My hope is that we should learn from the story of Hacienda Luisita and the story will still unfold. We should all help our poor by helping them help themselves, and not feed them with false hope. We should stop dividing ourselves because we can only achieve progress when were united. In the end of the day, we are all Filipinos after all.
Ninoy and Corazon Aquino had done a lot more for the country than anyone can give and they deserve our deepest respect!!
Points taken but I am not sure about this: Ninoy and Corazon Aquino had done a lot more for the country than anyone can give
Points taken but I am not sure about this: Ninoy and Corazon Aquino had done a lot more for the country than anyone can give – AdeBrux
You seems to know a lot…please elaborate.
..than anyone..got it AdeBrux.
Not unless you disagree with me
oops..I was about to say..
Not unless you disagree with me that they deserve our respect..
olan,
I believe every honest individual deserves respect and that goes for the Aquino family.
the exception I made is your phrasing “had done a lot more for the country than anyone can give”
I find such expression a bit over the top. That they had done a lot for the country is alright but to say more than anyone is debateable.
If we look back in history there are those who did and gave as much and if not more for their country — to name just one, a very very young man, Gen Gregoria del Pilar, the hero of Tirad Pass.
One of the things that I have issue with is Sen Benigno Aquino Jr, the father of the current presidential candidate.
I am not a fan of his, never was and perhaps never will be. That said, I believe he was an extremely brave person and one whose heart was in the right place and when he was killed, I was as shocked as the rest because I didn’t believe he deserved such treatment.
“Talagang walang delikadesa itong si Villar. Pumirma para ipawalang-sala ang sarili. Hindi man lamang nag-abstain.”
Kung mag-aabstain siya, eh di nagutom?
Pero bilib ako sa kanya…..ang tapang talaga ng HIYA!