Skip to content

Mga paru-paru sa senatoriables

Ito muna ang mga kandidato para senador ng Liberal Party:Dating Senate President Franklin Drilon, dating senador Serge Osmeña III, Brig. Gen. Danny Lim na hanggang ngayon ay nakakulong, Rep. Ruffy Biazon, Rep. Teofisto Guingona, Jr.,. Akbayan Rep. Rissa Hontiveros-Baraquel, dating Rep. Neric Acosta, dating senador Ralph Recto, na dating ring NEDA director general as administrasyun ni Gloria Arroyo at Sonia Roco.

Siyam lang yan. Pupunuin rin nila yan bago Disyembre 1, ang deadline ng filing ng certificate of candidacy para sa mga kakandidato sa mga posisyun pang-nasyunal.

Hindi pa pinapalabas ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni dating Senate President Many Villar ngunit may nagsabi sa akin na kasama raw doon sina Sen. Miriam Santiago, Sen. Pia Cayetano, Col. Ariel Querubin na nakakulong hanggang ngayon, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Gabriela Rep. Liza Maza at Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Noong Sabado, kasama pa sa listahan ng NP si Recto. Ngayon kasama na siya ng LP.

Nakakatawa itong mga pulitiko. Para ngang mga paru-paru. Di ba si Edu Manzano noong Huwebes, sa LP daw siya. Kinabukasan bise president na siya ng Lakas-Kampi.

Hindi lang pala si Recto ay nag-abandona kay Gloria Arroyo. Pati na rin si Bong Revilla.
Kung sa bagay, marami pa rin naman ang loyal kay GMA katulad nina Butch Pichay at ang miyembro ng kanyang gabi8nete na sina Jesli Lapus at Francisco Duque (ngunit may balita na nagpasabi rin daw ito sa LP at hindi lang tinanggap.)

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong huling linggo ng Oktubre, lumalabas na lamang ang mga re-electionists o dating senador na gustong bumalik sa Senado kahit hindi naman masyadong kahanga-hanga ang kanilang performance. Nagunguna si Sen. Jinggoy Estrada na nasa partido ng tatay niya (Partido ng Masang Pilipino).

Ang balita ko mukhang nag-uusap rin sa kampo nina Aquino na masali siya kapag hindi matuloy si dating Pangulong Estrada sa kanyangang hangaring bumalik sa Malacañang.

Dito makikita ang hatak ni dating pangulong Erap sa masa. Kahit na hindi na siya masyadong mabenta sa pagka-pangulo, kung senador para sa anak niya, susuportahan pa rin siya ng marami.

Ang mga kakandidato para sa senador na nasa top ten ng survey ay sina Santiago, Cayetano, Drilon, Revilla, Osmeña, Recto, Sotto at Sen. Juan Ponce Enrile.

Dahil lamang sila at mukhang mataas ang posibilidad na makapasok sila sa Magic 12, apat na lang ang puwesto na paglalabanan ng baguhan. Dito maglalaban-laba sina Danny Lim, Ariel Querubin, Hontiveros-Baraquel, TG Guingona, Ruffy Biazon, Toots Ople, Satur Ocampo, Liza Maza, Adel Tamano , Joey de Venecia at iba pa.

Masaya itong eleksyun.

Published in2010 electionsAbante

67 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    Mga paroparong buking!

  2. chi chi

    Wala na kay Gloria si Ate Vi at Agimat. Dali nilang mag-abandona ng kanilang barko. Sa tingin nila ay hihilahin sila ng pababa ng Gibo-Edu tandem at matatalo sa election. Quatro Cantos for survival.

  3. chi chi

    Jinggoy tops senatorial survey. Mahal talaga nila si Erap, suportado hangga’t kaya.

    Bilib din ako sa malaking porsiento ng masa ni Erap dahil naintindihan nila na kailangan nang umusog ang Pinas at hindi mangunyapit sa nakaraan at Constitutional ??? on Erap’s take two which is risky. That to me explains why Erap is # 4 in presidential surveys while the son is #1 as senatoriable.

  4. Oblak Oblak

    Totoo ba na si Bong Revilla sa NP? Madam Chi, pakibigay naman ang source. Nakakapagtaka lang at niligawan pa syang maging vice president ni Teodoro tapos biglang lalayasan ang partido. On second thought, bakit nga ba ako magtataka bukod sa walang utak, opportunista naman talaga si Revilla.

    Hindi ba pwedeng mamahinga na si JPE? Si Querubin ang mas may tsansang mag Trillanes kaysa kay Lim. Malamang din na pumasok si Ocampo.

    Sana December 1 para magkaalaman na kung sino sino ang maglalaban laban at kung saan partido sila.

  5. Someone from NP told me about Bong Revilla being in the NP ticket. They will have their proclamation on Nov. 23 in Tondo,in the vicinity of the house where Villar was born.

  6. But these days, things change in a matter of minutes. Look at Vilma’s loves: Edu and Ralph.

  7. Oblak Oblak

    Totoo nga Ms. Ellen, marami na ang nagaganap sa politika sa isang iglap. kailan kaya mawawala si GMA ng isang iglap?

  8. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Mr. E-Vat Ralph Recto ay tunay na balimbing. Pahirap sa taumbayan ang kanyang E-Vat law. Noon nasa NEDA siya panay papuri kay Gloria. Ramdam na ramdam daw ang kaunlaran.

  9. chi chi

    But these days, things change in a matter of minutes. Look at Vilma’s loves: Edu and Ralph. -Ellen

    Pilya!

  10. Mike Mike

    Dedicated to the political butterflies in R.P.

    Sing to the tune og “Paruparong Bukid”:

    Pareparehong buwisit na lilipat-lipat
    Sa gitna ng halalan sila’y mga ungas
    Sila’y huwad ang mukha
    Isang dangkal ang kapal
    Ang sayang karambola
    Isang piyestang may sayad

    Mga punyeta sila — uy!
    Mga gago pa mandin — uy!
    Nagwas de-hudas ang kalalabasan
    Haharap sa altar at magsinungaling
    At saka lalakad ng pakendeng-kendeng.

  11. Mike Mike

    …to the tune of…

  12. “I am like the bamboo, resilient,” Loren says proudly.This was in response to a question regarding her frequent changes in political affiliations.

  13. vic vic

    I likened Ms Legarda to Ms Belinda Stronach..her Father, was Conservative, but she has a Liberal leanings, but joined the Conservatives in Hope of winning the Leadership..Harper beat Her in the contest..Jump to Liberal when offered a Cabinet post and left a Lover among the Prominent members of the Party…nothing worked out for her..She would have been a good PM, but jumping from one house to another in haste of opportunity, she lost them instead…now she is still an MP but will be back to the helm of her Auto Parts Co., the biggest in the hemisphere, the Magna Auto Parts. comparison…politician, ceo, mother, lover, philantrophist and Bilionaire..to Legarda, politician, lover, mother, millionaire..(philantrophist?)

  14. Santiago, Cayetano, Drilon, Revilla, Osmeña, Recto, Sotto at Sen. Juan Ponce Enrile.

    Gosh, these are the same names that I intend to drop from my ballot. And they are in the top 10 senatoriables?

    When will Filipinos ever learn? They should bury all these has beens and go for the young uns. Time to put these bandidos in the closet!

  15. olan olan

    Kinda agree with you..except for one Miriam Santiago. In spite of everything said about her…i find her a hell of a fighter…basta tama o prinsipyo, marunong manindigan…pero pag mali siya..guess i have to live with it! hehehe

    For the rest of the tradpols sa pangunguna ni Sotto…it will be too taxing and too much to bear kung manalo ulit…wag na sana!

  16. balweg balweg

    Mga paroparong buking?

    Walang tulak-kabigin Kgg. MPRivera, pinatawa mo naman ako ah…tamang NOTA “Mga Paru-parong Buking?”

    Kita mo na, kung saan yong inaakala nila na mananalo sila e doon maglipat-bakod…walang delicadeza at ang lalakas ng loob na pumuna ng iba e pero sila wala ring bait sa sarili.

    Tell me Igan…karamihan sa mga senatoriables na yan e accountable sa EDSA DOS at ngayon magbabangong-puri pa e puro pasaway at balingbing ang mga iyan.

    Anong advocacy ang alam ng mga iyan…nagmamarunong e puro row 4 naman ang takbo ng mga kukote? Kita mo na, ano ang nangyari sa ginawa nila sa Ama ng Masang Pilipino? Ng dahil sa listahan ni Chavit e sampung-taon tayong nagkaletse-letse.

    NO TO YELLOW FEVER…karamihan diyan e mga traydor at sinungaling! ^..^

  17. Destroyer Destroyer

    Tama ka balweg isama na rin natin yung isang ahas at buwaya ng cavite na si bong revilla at tito sotto.

    Hindi puro row 4 ang takbo ng mga kukote! kundi puro row POOR ang takbo ng mga kukote nila.

  18. olan olan

    Balweg..ako’y nagtatanong lamang…

    Di ba tayo ay sampung taon na nagkaletse-letse dahil sa maling pamamalakad ni GMA na sinuportahan naman ni Ramos at de Venecia?

    Di ba Ang Ama ng Masang Pilipino ay napahamak dahilan na rin sa alitan nila ni Ramos at mga isyu nuon katulad ng insider trading at jueteng atbp..na sinamantala naman ng grupo ni GMA?

  19. MPRivera MPRivera

    Matapos i-absuwelto si Villar ay biglang lumabas na tandem sila ni Loren, ang babaeng kawayan.

    Nakakatuwa naman itong ating mga kagalanggalang na senadores na noong una ay buong giting na dinidikdik si Manny Villar tungkol sa double insertion na nagbunga ng C5 at Taga kabilang na itong si Loren, my love.

    Ang isa pang nakakatuwa ay si Jinggoy na kahit sa CA ay parang hipong tulog na napatatangay sa agos.

    Itong onse na bumoto upang linisin ang pangalan ni Mr. Rich C5 at Taga, bokya kayo sa boto ko!

    The Dirty Dozen: Aquilino Pimentel, and Sens. Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Lito Lapid, Gregoriio Honasan, Joker Arroyo, Miriam Santiago, Ramon revilla Jr., Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Francis Pangilinan and Villar himself.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/17/09/jamby-slams-loren-over-villar-acquittal

  20. parasabayan parasabayan

    Magno, it is not easy to charm 11 senators. Afterall some of these were initiators of the C5 case. I listened to some of the hearings when they were televised. Halos lahat ng mga witnesses ay hindi deretsong nagsabi na may anomalya ang C5. I have to listen to all the hearings to make a conclusion myself.

  21. MPRivera MPRivera

    But why just clear Villar just like that when not even in one hearing he did not attend and always evaded the press?

    Bakit?

  22. Oblak Oblak

    It was all about money!!! Bukod dyan sa C5, si Loren din ang isa sa nagpatalsik kay VIllar as Senate President. Wala na kasing VP si Villar kaya pinagtyagaan na si Loren.

  23. Labing-isa ang bumoto sa resolusyon. Pang-labindalawa si Villar. 23 lahat ang senador.

    Ibig sabihin niyan, puwede na nilang itaob ang bangka ni Enrile at ibalik kay Villar ang timon ng Senado.

    Ang tanong ko, bakit walang naglakas-loob na gawin ‘yon? Bakit kasama sa pumirma si Gringo, tinuklaw na ba niya ang kamay na nagpalamon sa kanya?

    May naaamoy akong malasado.

  24. Pambihira ka parasabayan, biruin mo napakinggan mo ang mga hearing. Si Villar ba napakinggan mo sa hearing?

  25. I just watched a documentary about how rich our country was before the foreigners came, I really feel regretful and sad why our country so rich in culture and other treasures is being plagued by these kind of things….

  26. Tedanz Tedanz

    Ibig sabihin nito mga Igan ay pare-parehas lang na halang ang bituka ng ating mga mambabatas. Karamihan lang hindi naman lahat. Puro walang bayag. Eto na nga lang si Jinggoy, bakit pumayag siya na bigyan ng distrito ang bunso ni Glorya? Medyo naiiba itong mga tatlo nating mambabatas na sina Noynoy, Mar at Chiz. Hindi padalos dalos ang pagdedesisyon. Napansin niyo na ang madaling maguyo na mambabatas ay yong mga BOBO!!!!!!

  27. Destroyer Destroyer

    Sila Manny Villar at Ninoy-Cory-Noynoy parehas ang issue kung pano nila nakawin ang pera ng gobyerno dahil sa over pricing.

    Ang pagkaka-iba lang nila ang Ninoy-Cory-Noynoy meron silang Hacienda Luisita massacre at Mendiola Massacre. Sa tingin ba ninyo karapat dapat umupo ang ganitong pamilya!? .eL. NO!

  28. luzviminda luzviminda

    Yang mga balimbing na politiko na yan ang hindi ko iboboto. Lalo na si Mr E-VAT Recto. Dahil sa bill niyang yan ang isang dahilan kaya nagdurusa ang bulsa ng mga Pilipino. Big NO din kay Drilon na isang Trapo. Isa pa si revilla na puro papogi. Mga nagliparan sa ibang partido na sa tingin nila ay magpapabango at hahatak sa kanilang panalo. Maiingay ang may kakamping media. Pero tahimik lang ang masang Pilipino. Malay natin at iba ang takbo ng kanilang damdamin sa araw ng botohan.

  29. chi chi

    Never umatend ng hearing si Villar and he was allowed to vote for himself. Yahahaha!!!

    Agree, tongue…meron silang niluluto kasama ang mag-ninong na Enrile at Hudasan, etc….at si Pimentel na naman!

  30. olan olan

    Close to make a mistake! I was actually considering Miriam Santiago because of her position on “Road User Tax” but with this new revelation..Talagang nakakatakot! Malinaw na personal interes ang kanilang binibigyan pansin at hindi serbisyo…Imagine sila na yung nasa Senado and they don’t even respect the Senate which they themselves represents!

    Honestly, I really have to be careful..to give value to my own vote..

    I will adopt MPRivera’s list ng mga paru-paru buking, ayon kay ka balweg, na senatoriables na di na dapat iboto:

    Aquilino Pimentel, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Lito Lapid, Gregorio Honasan, Joker Arroyo, Miriam Santiago, Ramon Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Francis Pangilinan and Manny Villar (running for president).

  31. MPRivera MPRivera

    parasabayan,

    I did not state that Villar is guilty or hiding something re C5 double insertion, pero bakit ni minsan ay hinsi niya dininig ang mga reklamo sa kanya? Hindi niya inako lalong hindi itinanggi at iwas pekwa ang ginawa niya?

    Hindi kaya tama ang sapantaha ni Tongue na meron silang bagong putaheng niluluto?

    Imadyin kasama pa si Pimentel?

    Dumalo lamang si Mr. Sipag Tumaga noong botohan na upang malinis ang kanyang pangalan?

    Sa palagay mo, hindi kaya nagkabayaran?

  32. MPRivera MPRivera

    Topping my list:

    BGen Danny LIM and Col Ariel QUERUBIN……………..

    Will wait for some to file their respective candidacies. And, if Jamby will still consider joining, she’ll get my vote.

  33. rose rose

    noon ang kanta for Loren was loren, loren sinta.. ngayon ay
    paro parung bukid..ano naman kaya bukas? ay ay kalisud? sa ay ay lalisud..”o cielo azul sa diin ikaw bala, buligi, tabangi, ang na bilango sa politica..oops gugma pala (love of politics?) maan kaninyo…

  34. chi chi

    Can’t wait si paru-parong sinta na maging vp then president. No patience kaya pupulutin sya sa kangkungan. Voters were kind to her last election because of what she went through with Da King. I doubt it this time as she portrays herself as more of a political butterfly than a worthy vp candidate.

  35. eddfajardo eddfajardo

    Ellen, mukha yatang hindi mo binibigyan ng chance itong si Bongbong Marcos sa kanyang kandidatura sa pagka senador. Makikipagpustahan ako na mas mataas ang makukuha na boto ni Bongbong kaysa mga nabanggit mong mga senatoriables like TG Guingona, Adel Tamano, Satur Ocampo, Ruffy Biazon, Rissa Barraquel-Hontiveros, Liza Maza, Joey de Venecia, Toots Ople, Ariel Querubin and even Ralph Recto or Frank Drilon. Though I also want them to win for they are all in the opposition, Bongbong has some advantages, a captured market in the so-called solid north and the forever Marcos loyalists.

  36. olan olan

    Never umatend ng hearing si Villar and he was allowed to vote for himself. Yahahaha!!! – Chi

    Di tuloy ako makatulog sa kakatawa!!!

  37. MPRivera MPRivera

    I used to consider Adel Tamano to be in my list should he run for any national position, pero noong bigla siyang tumalon papunta kay Villar, SORRY na lang siya. Hindi ko siya iboboto.

    Biglang nawala ang paghanga ko sa kanya.

  38. chi chi

    Kandidato pa ba si Adel? O tingnan mo, nalimutan ko tuloy that a name Adel Tamano exists. Kasi ay hindi ko sinisilip ang lineup ni Money Villar. Sorry na lang, Adel. You were, to me, was a promising young politician…but that was then.

  39. Oblak Oblak

    Sa pag-lipat lipat ng mga paru-paro, ano na mangyayari sa NPC?
    Parang si Loren lang ang kinupkop ng NP. O may tactical alliance between NP and NPC? Malamang sa congressional at local levels na lamang may candidate ang NPC.

  40. Tedanz Tedanz

    Si Loren-Loren sinta ay kung nasaan ang pera —- doon siya. Dehins ko alam kung madatung pa .. mukhang naghahanap na lang kung saan makakahakut ng biglaang salapi. Walang pinag-iba yan kay Glorya …. maporma. Kung nasaan ang isyu … doon siya.

  41. Orange and Green – yan daw ang pamatay na kombinasyon sabi ni Loren.

    Bagay nga yung kulay Orange kay Villar, kahit kinopya niya lang kay Erap.

    Lalo na kung may malaking letter “P” sa likod.

  42. Ka-klaruhin ko lang, yung malaking letter “P”, sa likod ni Villar, hindi ni Erap, ha!

  43. Isagani Isagani

    Bistado talaga kung ano o saan ang paninindigan ng mga paru-paru at bubuyog na mga ito. Natural, bistado sila sa mga nakakakita. Ang mahirap sa atin ngayon ay marami pa rin ang bulag o nagbubulag-bulagan.

    Na ala-ala ko tuloy ang isang quiz question nung grade 3 ako:

    Sino ang mahirap gisingin?

    1) Ang patay.
    2) Ang mahimbing matulog.
    3) Ang nagtutulog-tulugan.

    Ano ang sagot mo?

  44. chi chi

    Oppssie…mukhang nagkakatakot ang mga senadores na pumirma clearing Money of C5-Taga.

  45. vonjovi2 vonjovi2

    Isa lang sana ang mangyari na mag bigay si Erap at di na tumakbo pa at ipalit niya si Chiz at Binay na ang bandera ng MASA. Naku tiyak na ang mga paru paro ay mag liliparan na naman sa kabilang sapa or bukid.
    Tiyak na taob na agad ang mga kalaban lalo na si Noynoy na walang naman kayang hawakan ang pilipinas.

  46. Ka Enchong, I think Bong bong Marcos is a far better cry than the despot couple’s dumb sons. The boy looks like he has a good head on his shoulders, unlike the stupid Mike Pig Jr who’s only clear response against those who ask him to explain his illegal wealth is “Go ask my lawyer!”

    Put…na nya! Nice to sampal him with twin lawyers!

    I would like to hear Marcos Jr present his platform — an interview of him by Ellen could tell us what stuff he’s made of.

    Ellen, please interview the “presidentiables” naman —; don’t trust the likes of giggling Lazaro to ask the right questions. No need to interview “vice presidentiables” as far as I’m concerned. (My mind is made up — will vote for Mar Roxas.)

  47. Mike Mike

    Anna, this is what I got upon searching for info re: Bongbong:

    “Marcos attended Georgetown Preparatory School in Rockville, Maryland for high school, and earned a Bachelor of Arts degree from Oxford University. He also obtained a Master of Business Administration from Wharton School of the University of Pennsylvania.”

    To be fair, I also tried to search for Mikey’s educational background, but nada, zilch, zero!!! No info about him… tsk, tsk!!!

  48. Hi Mike,

    Thanks! Didn’t he also go to a school (senior section) in England? Or was he kicked out?

    And he’s got a degree from Oxford U? Wow! Ain’t bad.

  49. I also tried to search for Mikey’s educational background, but nada, zilch, zero!!! No info about him… tsk, tsk!!!

    Maybe he didn’t go to school! He was perhaps enrolled but spent his time in racetracks instead? 🙂 🙂

  50. Destroyer Destroyer

    eddfajardo – November 17, 2009 10:53 pm #35

    tama ka papasok si bongbong marcos sa top 5… malakas siya sa region 1, 2 & 3. sa aming probinsya sa tarlac marcos loyalist ang mga tao diyan.

    hayaan na natin ang mga LP senatorial list na maging bugaw sa election…

  51. Ooops, si eddfajardo pala ang author ng post about Marcos — not Ka Enchong… 🙂 sorry

  52. tru blue tru blue

    Believe da little swine went to University of Berkeley California and have no idea how he even got to the door. Some people I’ve talked to proclaimed he never was an undergrad as most of his business mgmt studies were spent at nearby Golden Gate Fields racetrack and Bay Meadows, several miles to his $1.3 million Filipino People’s home he professed to have earned thru sweat and tears as a Tongressman.

  53. rose rose

    ano ang karera ni mikey mouse? di kabayo..

  54. parasabayan parasabayan

    Tongue, ikaw ba naman kung alam mo na ibibitay ka ng mga naglalaway na mga presidentiables eh magpapahuli ka ba ng buhay? I am not siding with Villar but I would have done the same thing if I were in his shoes. Lalo pang lalawak ang usapan. Tutal naman lahat naman ng witnesses eh napakinggan nila di ba? Mabuti nga yung wala si Villar dahil baka may eye to eye contact pa siya sa mga witnesses. Lalo pang lala at sasabihing nandun kasi si Villar kaya hindi makapagsalita ang mg witnesses. Damn if you do, damn if you don’t. It is like beating a dead horse. Kung yung ZTE-NBN nga na maliwanag pa sikat ng araw eh walang nagawa ang senado, yung Fertilizer scam, swine scam at mga marami pang scams na bilyones ang perang ninanakaw, meron bang rekomendasyon na nasunod? Ngayon, pati si Noynoy ay may Hacienda Luisita kuno. Until I see a big fish in jail, sequester all the looted assets from him and ban him from ever holding a public office, ang tingin ko sa lahat ng mga nakaupo ngayon eh pare pareho lang sila.

    Politika lang yang kaso ni Villar. JPE is para kay Erap. Erap wants to win too so palagay mo kaya eh ganun ganun na lang. Siyempre, ibibitin bitin ni JPE si Villar dahil ang gusto niyang manalo eh si Erap. Politics is so dirty. We are just looking at the appetizers. There will be more to come!

    I want to bet with you! Lahat ng mga tongressman at senatongs eh may kanya kanyang “insertions” yang mga yan. Nagkataon lang na si Villar eh mukhang palaban na presidentiable kaya yan pinupukol siya.

  55. tagaisip tagaisip

    pag wala dito sa listahan,wag nyong iboto:
    -marcos
    -satur ocampo

  56. I think Bong bong Marcos is a far better cry than the despot couple’s dumb sons. The boy looks like he has a good head on his shoulders, unlike the stupid Mike Pig Jr who’s only clear response against those who ask him to explain his illegal wealth is “Go ask my lawyer!”

    As to Bongbong being far better than Mikey and Dato, I’d say, they’re actually galaxies apart. Marami naman sigurong nakatapos ng ‘portdyir hayskul’, kayang makipagsabayan d’yan sa Arroyo brothers,e.

    As to Bongbong’s run for the senate, I think, he deserves to be considered, too. He may have been Macoy’s son but it would be unfair to dismiss him purely on that basis. He is not his father much like Noynoy is not his parents. If Noynoy deserves serious consideration, Bongbong deserves the same.

  57. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Si Jinggoy daw tinanggap maging guest candidate sa slate ni villar. Hindi na ba tutuloy ang tatay niya?

    Kasi paano yun kung nasa entablado siya kasama ni Villar? Pwede bang hikayatin pa ang tao na iboto ang tatay niya?

  58. MPRivera MPRivera

    If the Mikey d’Horseshit shall join the senatorial race, saan sa akala n’yo siya pupulutin?

    Bakit hindi niya subukang mag-senador kung talagang magaling siya at marami sa mga Pinoy ang pabor sa kanya?

    Baka nga ‘yung boto sa kanya sa pagkakonggresista sa Pampanga, ‘yung higit kalahati noon ay binayaran pa, eh.

    Lalo na ‘yung kapatid na ngayon ay ipinag-iimbento ng distrito sa Bicol.

    Tsk. tsk. tsk. tsk.

    Bulok na talaga ang sistema ng pulitika sa Pilipinas. Pamanang iiwan ni panduck!

    Nakakasuka!

  59. MPRivera MPRivera

    Isa ba si Jinggoy sa mga pumirma upang magkaroon ng bagong distrito sa Bicol upang ma-accommodate si Dato?

    Matalinong hakbang ba ‘yan?

    Hindi ba’t isang katangahan ‘yung pagpayag na ang kalaban ay makapuwesto upang maging matatag sakaling magkaroon ng bakbakan?

    Sa pagpirma niya (Jinggoy), nangangahulugan lamang na wala ring balak si Erap na kasuhan si goyang kapag siya ay nahalal (muli) sa pagka-presidente.

    Paano tayong makakaahon kung ganyan?

    Wala na silang pagkakaiba.

  60. Manuel,

    Hindi na ba tutuloy ang tatay niya?

    Siguradong hindi na… pagod na. Old “warriors” should fade away.

  61. MPRivera MPRivera

    Anna,

    Ganito ang nakikita kong magiging senaryo niyan kapag malapit na ang deadline ng filing of CoC: “For health reasons, I hereby call off my candidacy for president of the Republic of the Philippines and I pass the torch to Chiz Escudero, ang bagong pag-asa ng ating bansa na siyang magpapatuloy ng aking mga binabalak na pagbabago tungo sa katahimikan at ikauunlad ng ating bansa at ng buogn sambayanang Pilipino. Kaya, sa inyong aking mga tagasuporta at naniniwala sa aking adhikain, iboto po ninyo ang tambalang Chiz at Jojo.”

  62. psb,

    Kung ikukumpara si Erap kay Villar, di hamak na may bayag si Erap.

    Si Erap ay humarap sa impeachment. Pinae-exile na kapalit ng kaso pero nanindigan. Ang kaso ni Erap ay politika rin ang motibo, gaya ng sabi mo sa kaso ni Villar. Pero lalaki siyang humarap sa korteng wala siyang kapanapanalo.

    Bakit di siya humarap sa committee of the whole? Hindi na si Enrile yon, Senado na yon. Ano naman kung maka-Erap si Enrile? Ang lagay pala e haharap lang siya sa committee na kakampi niya, yan e kung hindi siya napalitan at si Pimentel pa rin sa Ethics committee, matutuloy kaya yung kaso niya e si Pimentel mismo ang abugado niya?

    Isang patunay lang na si Villar kelanman hindi magiging transparent o magiging accountable sa mga kasalanan niya. Ang idadahilan niya, politika lang yan.

    Masahol pa siya kay Gloria.

  63. parasabayan parasabayan

    Tongue, yun ang pagkakamali ni Erap. It is not really showing that he has more balls. If he stood his grounds, he would not have been ousted if he was really not guilty. Villar knows he will commit the same blunder as that of Erap kaya he is much wiser not to subject himself to baseless prosecution, this is if he is really inocent. Ibang istorya na kung guilty talaga siya.

  64. olan olan

    As I stated before..Chiz is my first choice but not knowing what he intends to do and if he opted-out running for president, I’ll probably go for Noynoy but will be very selective when it comes to the “senatoriables”..I will not even consider personalities on the list of 12 especially those who double dip between parties!!

    A Chiz and Jojo tandem makes good sense unless erap gives way!!!!

  65. olan olan

    If erap ever agrees to this ..he will never be forgotten and more likely considered tunay na Makabayan! (opinyon lang po)

  66. Ewan ko olan, pero dito sa Pasay ganyan din ang kwento. Aatras si Erap para ibigay kay Escudero ang baton. Chiz-Jojo ang kumbinasyon, parehong patok sa masa ni Erap. Malaking bangungot kay Gloria.

Comments are closed.