Noong unang sinabi ni dating Public Works Secretary Hermogenes Ebdane na tatakbo siya bilang presidente hindi ko sineryoso. Sabi ko “maglalaba” lang yan.
Alam naman natin na ang problema ngayon ni Gloria Arroyo, ng mga miyembro ng kanyang pamilya, at ang mga alagad na kasabwat sa kanilang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay kung paano i-secure ang mga bilyunes na kanilang nanakaw sa kaban ng bayan.
Isip kasi natin sa galit ng taumbayan, sigurado na ang susunod na pangulo ay galing sa oposisyun at i-imbestigahan ang mga anomalya na nangyari sa administrasyong Arroyo. Marami sa anomalya na yan ay sa DPWH, na nasa pamumuno ni Ebdane.
Malamang marami na ang magbubunyag ng kanilang mga tinatagong ari-arian dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Paano nila maiksplika ang kanilang yaman kung ikumpara sa kanilang legal na income.
Ang isang palusot ay sasabihin nila na galing sa kontribusyon sa kampanya ng kanilang mga kaibigan. Katulad ng palusot ni Mikey Arroyo, ang congressman ng Pampanga na anak ni Gloria at Mike, nang mabulgar ang kanyang bahay sa San Francisco at ang biglang paglobo ng kanyang kayamanan. Di ba sabi ni Mikey, galing daw sa campaign contributions. (Hindi totoo ito dahil wala siyang ni-report sa Commission on Elections na campaign contribution.)
Wala kasi tayong batas na nagbabawal sa paggamit para sa personal na kapakanan ng mga perang binigay para sa kampanya.
Kaya lang habang tumatagal, may suspetsa akong meron pang ibang dahilan kung bakit tatakbo para presidente si Ebdane. Hindi ko alam kung ano yun.
May nagsabi sa akin na suportado ni Mike Arroyo ang kandidatura ni Ebdane. Si GMA, si Gilbert Teodoro ang kandidato. Daw. Anong drama ito?
Sabi sa akin ng isang malapit sa administrasyun, huwag mong ismulin ang kandidatura ni Ebdane dahil ang kanyang mga lider ay mga contractors. Aba, may pera at kuneksyun sa mga lokal na opisyal yun.
Ngunit pambihira talagang kandidatura itong kay Ebdane dahil ayaw niyang humarap sa media. Namimili siya kung sino lang ang kausapin.
Sa tingin ko, imposible pa rin na manalo si Ebdane ngunit mukhang may niluluto ang Malacañang na hindi natin alam. At may papel dito si Ebdane.
Kailangan tayong mamatyag.
Ellen, I said the same thing in a prior blog. Maraming pera ang hindi maitago ni Ebdame so running for an office will make it appear na donations ang mga ito.
Another thing is, he was one of the generals who rigged the 2004 elections. Nandiyan pa ang mga operators nila. Ebdame would have a reason to move around in the guise of campaigning pero sa totoo, he may be re-inforcing the “Hello Garci” gang for another operation in 2010. Sino nga naman ang pwedeng magbawal sa kanya na umikot eh kandidato nga!
The moment Ebdame announced his candidacty, nangangamoy bulok kaagad! Thieves will always be thieves and they get greedier as the loot becomes bigger!
Ebdame is not running to win but to legitimize his loot and to position himself for another cheating operation in 2010. Sino kaya ang tutulungan niya ngayon?
Hello, kitang-kita naman ang ebidensya, doble na ang baba at pati na malaking tyan. Ganoon din kataba na 10x+++++ ang nakurakot nila sa DWHP. Ngunit, tiyak na mga sinungaling ang mga iyan, dahil isa iyan sa mga profession nila, ang maging summa cum laude sa kasinungalingan, kaya nga naging heneral ( galing sa ibang paraan, Hello Garci, yata, etc ). Kaya kahit na maganda ang motibo at gawain nila, ang taong bayan ay di nawawalan ng sanlibong hinala. Dapat lamang sa kanila ay gumarahi na ( dahil 5-henerasyon nila di na magugutom ).Ang pagiging GANID sa Corruption ay nakaka-addict or nakaka-sugapa din, katulad ng OPIUM at Marijuana. Hanap ng hanap sila ng mga addicted ay, sila nga
itong mga addict sa KWARTA ni Juan de la Cruz. Paano ba natin ito huhusgahan. Kailangan talaga sa Pinas, ay GRAND JURY TRIAL, katulad sa USA.
Hindi matigas ang ulo ni Ebdane sa pagtakbo kung walang basbas ang babaeng unano.
With NSA adviser Norberto Gonzales as acting Defense secretary and Ebdane as Gloria’s presidential bet kuno, kumpleto na ang Hello Garci ni Gloria Arroyo para sa eleksyon 2010. Susunod na lang ang Komolek komisyon-ers.
So Ebdane and others may just be some kind of Brand Spanking New Laundry Machines to Launder Clean all the monies that were sooo dirty, they can not come out of anywhere as they will stinks to high heaven…
I suggest, Commissioner Melo should now prove his worth by enforcing the Law in regards to campaign Contributions and Expenses and expose the Launderers…Mickey is not a Problem, He exposed himself silly due to his immaturity and lack of sense. And it would also be useful if the authorities, the Police, and the Treasury People (Secret Service) will also do their jobs and start exposing the Criminals that have been stealing the already Scarce Resources of the Nation…because it is just a matter of time and the country will declare Bankruptcy due to “Kleptocracy”
mahigit sa malamang, ala Hello-Garci operation nga ang pinaghahandaan ni Ebdane at ng kanyang best friend Mike Arroyo.
yung money laundering operation, pang araw-araw na gawain yan ng bansa. wala pang nahuhuli na big-time money launderer
kasi nga. ang bantay ay siya din ang salakay. famoso at kilala ang Pilipinas sa buong daigdig pag money laundering ang pinaguusapan. hindi kelangan ang eleksyon para malusutan ito.
dapat sana makita na natin mula sa Komolek kung ano ang balangkas ng paggamit ng Smartmatic vote counting machines lalo na sa Mindanao, at Eastern Visayas; kung saan lugar ito gagamitin at kung saan naman hindi, kung saan manatili ang mamo-mano na bilangan.
matatandaang solong fall guy si Komisyon-ner Garcillano, bagamat ang operasyong pagmanipula ng boto ay may mahigpit na koordinasyon sa hanay ng eskelon pulis at militar, at gobernatura, at lokal na opisyal.
ano ang aksyon halimbawa ng vote-watch groups, ng Komolek tungkol sa 98% voters-turnout ng Cebu? gagawin na bang 100% voters-turnout ito ng Smartmatic, o gawing desimolado para hindi magaspang at garapal ang pandaraya?
hahayy…
off-topic:
tounge t.,
bumalik ako kasi nabalitaan kong hinahanap mo yung ruler kay Cocoy. baka nahilo na yun sa kahahanap, hindi niya alam kinuha ko na walang paalam nung nagpapahinga siya. ayaw ko namang istorbohin.
eto na at isosoli ko. pasintabi kay Cocoy.
sukat na sukat yung kalkulasyon mo sa balitak-takan nyo ng Isafp officer. keep it up!
Kailangan natin ng isang katulad ni Elliot Ness na maglilinis sa mga katulad nina Dodie Puno at Hermogenes Ebdane..mga salot ng bayan!
Hinda na dapat kulayan pa ng pulitiko ito..malinaw na ang kawalang patawad ng mga ito…sample lang ang resulta na ipinakita ng bagyong ondoy..kapag di natin ipinaglaban ang ating kinabukasan huwag na tayong umasang aasenso pa ang ating bayan.
Eh ano pa nga ba ang dahilan ng pagtakbo ni Ebdane kundi ang siguraduhin na umobra ulit ang sistema ng pandaraya nila nuong 2004, aka Hello Garci. Para may dahilan siya na masubaybayan ang opearsyon in the guise na inoobserbahan niya kuno ang kanyang boto. Pihadong yung electronic counting machines eh hindi uubra sa Mindanao dahil hindi naman lahat ay abot ng ganitong modern communication, kaya’t manu-mano dyan malamang, so dagdag-bawas at pekeng balota na naman. So dapat ay magmatyag at isiwalat ang pandarayang gagawin ni Engkantada…
At napapansin ko na karamihan sa mga cabinet members at bataan ni Gloria ay gustong kumandidato lalo na sa Kongreso. At yung mga kaalyado niya sa partido ay kunyaring gustong kumalas at lumipat ng ibang partido para nga naman bumango sa mga botante at makatsambang manalo. Dahil delikado ang laban nila pag dikit sila kay Gloria. Taktika nila ito para makuha pa rin ang majority numbers sa Lower House at makontrol anumang issue ang dapat pagbotohan tulad ng Impeachment at Charter Change, at ang paghabol sa mga Corrupt.
off topic lang po:
narinig ko lang sa radyo kanina na ang hinayupak na mike arroyo ay nandun sa laban ni pacquiao sa las vegas! sa mga hearing sa senado hinang hina cya at may sakit daw tapos ngayon nasa las vegas?! bwiset talaga!!!!
Eto ang isa pang manhid:
Gibo nagpa-champagne party sa ere?
http://www.abante.com.ph/issue/nov1509/default.htm
Laking gastos sa ilang oras na katarantaduhan ng mga manhid na lingkod bayan daw.
Tangna! Hindi pa man, kitang kita na ang pagiging balat rhinoceros nitong si Bigo!
Ang kunwaring pagtakbo ni Ebdane ay isang “ploy”. Ano man ang binabalak ni Gloria, kailangan niya ng pera at ang kandidatura ni Ebdane ang gagawin niyang palabigasan.
Ang mga tutulong kay Ebdane ay hati sa mga sumusunod: 1.)Mga contractors na buong akala ay talagang seryoso siya sa pagtakbo at tutulong ang mga ito hindi dahil mananalo kungdi dahil sa utang na loob sa proyektong ibinigay sa kanila. 2.) Mga “partners in crime” ni Gloria na handang tumulong at “any cost” dahil ayaw na mawala si Gloria sa poder dahil pati sila makukulong(kasama na dito ang jueteng money at iba pang dirty money).
Kung ang plano ay gamitin ang military, kailangan ni Gloria ng pambayad sa mga generals, coronels at mga local officials lalo na sa labas ng Metro Manila. Kung ang plano naman ay gamitin ang Kongreso, kailangan din ng pera para manahimik at suportahan ang plano ni Gloria.Hindi ako naniniwala na tunay ang pagsuporta ni GMA kay Gibo Teodoro.
Kaya dapat maging mapagmatyag tayo dahil may pinaplano si Gloria at ito’y unconventional. Kung ano man ang binabalak ng mga amerikano sa Mindanao, madali nila itong magagawa sa rehimen ni Gloria dahil nasa survival mode na si GMA.
“On a trip to Manila, Clinton urged both sides to broker an agreement before the end of Philippine President Gloria Arroyo’s term in June next year, warning that the negotiating environment could change under a new administration.” -Agence France Presse
Ngunit pambihira talagang kandidatura itong kay Ebdane dahil ayaw niyang humarap sa media.
Bulol kasi ang punyetang magnanakaw na iyan.
Kawawa talaga si Bigo. Biruin mo 2% na nga lang ang naniniwala sa Lakas-Kampi, paghahatian pa nila Bigo, Ebdane, at ngayon pati si Bayani. Kakasabi pa lang sa news, magreresign na si Bayani, para tumakbong presidente.
2% ÷ 3 = 0.667%
Nakarating na nga sa 2% si Bigo balik na naman sa 0.667% nyahahaha!
‘Langyang kantiyaw ‘yan, Tongue, oo. Para na ring insulto.
Kung ako si Bigo, magbabaril na lamang ako sa ulo. Aba’y mantakin n’ya ‘yang hinihila siya sa hukay ng mismong alipores ng kanyang panggulong pinakamamahal?
2% na nga lang ang nakukuha sa sarbey, kukupitan pa ng dalawang tolongges?
Kunsabagay, kapal ba naman ng apog ng dalawang ‘yun, kasama na din mismo si Bigo.
Nakarating na nga sa 2% si Bigo balik na naman sa 0.667% nyahahaha!
🙂 🙂 🙂 🙂
Bwahahaha!!!