Skip to content

Perlas: ‘People call me a practical visionary’ (Q&A)

By PROBE PROFILES

Nick Perlas
Nick Perlas
Without funds and a much-needed machinery, activist-environmentalist Nicanor “Nicky” Perlas thinks he has a good chance of capturing the presidency the nontraditional way and actually turn things around for the country.

By Perlas’s own account, a government official, who learned about his intention to run for president, told him, “You are qualified but you’re out of your mind to think that you can even win.”

Perlas is banking on his track record of engaging governments and influencing policies from outside the corridors of power to help create his vision of a “new Philippines”—prosperous, peaceful and democratic.

Is the “practical visionary” practical—realistic—in his quest for Malacanang?

Probe Profiles’ host Cheche Lazaro talks to Perlas to examine the alternative candidate’s plans and vision for the country. Below is a transcript of their face-to-face discussion.

Click here (VERA Files) for the full interview.

Published in2010 electionsVera Files

18 Comments

  1. Mike Mike

    “Q: Kakasuhan mo ba si GMA?
    A: If there’s prima facie evidence, yes. ”

    Yan ang tamang sagot. Yes agad. Hindi yung tatanungin muna ang tao kung anong gusto nila, o patawarin nalang, etc….

  2. Golberg Golberg

    Ok yung “Vision” niya para sa Pinas. Yun nga lang hanggang dun lang iyon. Maraming “powers to be” dito kaya kahit na sinong matino, matalinong presidente ang ilagay sa Palasyo, puppet lang ang labas niya.

    Nasa Commelec din yung katagang “Vox Populei, Vox Dei”.
    Nakakagimbal, kasi yung Vox Populei na nasa kanan, mas Mataas sa Vox Dei na nasa kaliwa naman.
    Sana namalik mata lang ako.

  3. Rudolfo Rudolfo

    The invention of Commelec is like a Toyota Car. If you don’t or can’t ride inside the Car, specially at high speed ( during elections, $$$$ Ph..Ph…GGG..gggg…$$$ Ph..PP. ,etc )your out, ” Vox Populei, Vox Dei “…people
    normally calls Commelec, COMM-SELECT !…a tripod of King Makers.

  4. parasabayan parasabayan

    Goodluck! Kung si Chiz nga eh na sikat na sikat, nagdadalawang isip kung tatakbo o hindi dahil mahirap tumakbo na walang party at walang masyadong pondo. Si Perlas pa kaya? Nobody knows him yet. It takes a long time to get ones name out there. Maybe he has the capability but in tha Philippines, we are not quite there yet politically. One has to spend lots and lots of money to have their names out there. Mas sikat, mas ok kahit na kulang sa qualifications. Kaya nga hanggang ngayon, palala ng palala ang kondisyon sa Pilipinas. Mas maganda pa yata ngayon ang bansang Bangladesh kesa sa atin sa totoo lang.

    At this point in time, panggulo lang si Perlas sa tingin ko. Kung si Gibo eh may 1% share sa mga voters, si Perlas siguro ay a .001%. We still have to mature politically bago mabigyan ng chance ang mga katulad ni Perlas.

  5. Malabo siyang manalo sa tingin ko.

    OFFTOPIC:
    Ms.Ellen I saw you yata kanina sa Greenbelt typing on an internet shop d’ ako sure kung ikaw talaga yun.

  6. Isa si Nick Perlas sa mga maingay laban sa Bataan Nuclear Power Plant, hanggang sa America, nagpapakamatay, wag lang gumana yung BNPP. Ang dahilan niya ay environmentalist daw siya.

    Lumalabas na lahat ng multong ginamit nilang panakot laban sa BNPP ay walang katuturan, napatunayan sa kasalukuyang panahon na ang nuclear energy ang isa sa pinakasafe at malinis para sa environment kung ikukumpara sa diesel, bunker, coal at anupamang fossil-based fuel.

    Sa daan-daang nuclear plants na akala mo ay lulusawin ang buong mundo kung paniniwalaan mo ang mga doomsayers gaya ni Perlas, ang Chernobyl lang at Three-Mile Island ang pinakagrabe; thirty-one ang namatay sa Chernobyl, hindi dahil sa nuclear exposure kundi sa pagsabog nung nasunog ito. Sa Three-Mile Island wala ni isang namatay o nagka-cancer.

    Ikumpara natin sa mga namamatay sa coal mines taun-taon. Sa China ay halos libo-libong minero taun-taon ang namamatay dahil sa methane explosion, cave-ins, at flooding. Pati na yung namamatay sa landslides dahil sa pagkawasak ng pundasyon ng mga bundok, lalo pa yung mga open pit coal mines kung saan dinudurog ang isang buong bundok para makuha ang lahat ng coal nito. Kasama na diyan yung mga puno at halaman at mga hayop na nawalan ng habitat, dagdag pa yung sulphur emission sa hangin, mas malaking environmental disaster ang dala ng coal.

    Kaya naman pag-upo ni Cory agad na ipinatigil ang BNPP at nagkapuwesto yang si Perlas bilang adviser. Tinawanan pa nila si GerVel (Geronimo Velasco, Energy Minister ni Makoy) nung magtayo siya ng napakalaking power plant para sa kanyang factory na Republic-Asahi Glass.

    Limang taon matapos maupo si Cory, talamak na brownout ang parusang ibinagsak sa kawawang bansa. Huling halakhak si GerVel dahil napilitang bumili sa Republic-Asahi Glass ang Napocor ng sobrang power ng generators niya.

  7. Kung ang isang umaangkin ng titulong “visionary” ay katulad ni Perlas, palagay ko ay dapat siyang kumonsulta sa eye specialist, dahil ang vision niya bilang environmentalist ay kabulaanan lang. Shortsighted.

  8. MPRivera MPRivera

    Tongue, whatever you say, being a businessman yourself full with resources to strip and undress these kind of visionaires, wa na ako masabi. Bow ako sa imo!

    Pa-kiss, ha?

  9. Oblak Oblak

    Dapat sa mga katulad ni Perlas na may magandang hangarin para maging Presidente ay mag artista muna. Pag artista na, isingit na yung tinatawag ngayong adbokasiya. Matapos ang 5 years, kilala na sya ng tao, pwede ng tumakbo.

    Kung hindi pwede mag artista, magtayo sya ng sariling religious group.

    Hindi pwedeng susulpot na lang na walang voting base.

  10. balweg balweg

    Yan ang tamang sagot. Yes agad. Hindi yung tatanungin muna ang tao kung anong gusto nila, o patawarin nalang, etc….?

    I agree with you Mike, dapat aksyon agad at di YES SIR, YES MAÁM? Sawa na ang Pinoy sa pangako at wala namang magandang nangyayari sa ating bansa…lalong nababaon sa dusa’t hirap.

    Kung ang mga taong Simbahan e walang magawa at watak-watak e di ako mapalagay…kahit na si poncio pilato kundi magbabago ng pag-iisip ang lahat e walang mangyayari sa ating mga iniisip na pagbabago?

  11. balweg balweg

    Ok yung “Vision” niya para sa Pinas?

    Korek Golberg, hanggang vision lang pero sa realidad suntok sa buwan coz’ang daming KSP at SSP sa ating bansa?

    Ang mga nagmamalinis na Yellow Fever at ibang civil socialites…natuto ba silang gumalang sa karapatang pang-tao?

    Ano ang ginawa nila sa 11 milyong registered voters na Masang Pinoyski…di ba winalanghiya at dinusta ang kanilang karapatang maghalal ng inaakala nilang makakagawa ng kanilang pinangarap na pagbabago sa bansa at kanilang buhay.

    Ngayon…kesyo ito ang pakwela na tama daw ang kanilang vision sa Pinas? ARAY KO PO…pasintabi naman, baka nahihibang kayo sapagka’t minsan na nangarap ang Masang Pinoyski e ano ang ginawa ng mga nagmamadunong sa ating lipunan sige nga.

    At ngayon…ang dami pang kesyo na ganito o kaya ganiyan, walang mangyayari hangga’t ang civil socialites e makikipagkutsabaan sa mga OBESSEPO o kaya misguided AFP/PNP generals na walang inisip kundi ang personal na kapakinabangan.

    Kailangan kung sino ang protektor ng bansa at mamamayan e magpakatotoo sa kanilang sarili at di yong protektahan ang mga lingkod-bulsa sa ating lipunan.

    Yon lang!

  12. Amihan, yes, I was at the internet shop in Greenbelt writing my column. The only time I had between brunch and 4:30 mass on the first death anniversary of the late Marlyn Divinagracia, wife of Lt. Ervin Divinagracia, one the recently released detainees.

    Lt. Divinagracia is one of the 28 officers charged of mutiny in connection with something that did not happen in February 2006.

    I would have been glad to know you in person had you approached me.

  13. balweg balweg

    RE: Kung ang isang umaangkin ng titulong “visionary” ay katulad ni Perlas, palagay ko ay dapat siyang kumonsulta sa eye specialist, dahil ang vision niya bilang environmentalist ay kabulaanan lang. Shortsighted.

    Natumbok mo Kgg. TonGuE-tWisTeD, yan ang pasakalye ng EDSA DOS visionaries na kailangan daw ng pagbabago kaya sinipa nila sa Pres. Erap at may konting awa pa ang mga ganid…buti nga di pinaglangoy sa ilog-Pasig palabas ng Malacanang?

    Kaya mahirap ipagkatiwala ang kapalaran ng ating bansa kung kani-kanino lamang na gagamitin pa ang Lord sa kanilang kahibangan.

    Ano nangyari sa ating bansa ngayon…di ba ang prinsipe ng Simbahang Katoliko na si Kardinal Makasalanan, sa pakikipagkutsaba ng anointed nila na Ina ng Demokrasya, civil socialites, at kung sinu-sino pa e heto’t magkanda kuba tayo sa hirap ng kalooban kung papaano papasanin ang kaliwa’t kanang kahirapan ng buhay dulot ng kanilang pekeng sapantaha.

  14. I would have been glad to know you in person had you approached me.

    Nahihiya po kasi ako I just hope we have another chance, this is the first time I saw a person I was chatting or discussing with on the internet.

    Isa si Nick Perlas sa mga maingay laban sa Bataan Nuclear Power Plant, hanggang sa America, nagpapakamatay, wag lang gumana yung BNPP. Ang dahilan niya ay environmentalist daw siya.

    I really think we should stop using fossil fuels,but I think nuclear power is also destructive as fossil fuels..diba may lumalabas na radiation diyan?

    I really think slim pag-asang manalo nyang perlas na iyan maliit lang ang chance nyan pero pwedeng manalo tignan ninyo si Panlillo nanalong Governor ng Pampanga.

  15. this is the first time I saw a person I was chatting or discussing with on the internet.

    correction,the first time I saw a person I was chatting or discussing with on the internet na hindi planned.

  16. Rudolfo Rudolfo

    Kitang-kita naman sa mata ni ginoong Perlas, ang dilim ng kanyang pana-naw. Kabiguan or frustrations, sa mga plano at
    ahhikain sa sarili nya, lalo na sa bansa. Perlas sana nga, ngunit nawawalang pag-asa. Bakit pa sya makikihalo-bilo sa
    arena ng politika na wala naman syang machinery, at di pa masyadong kilala ( ala, Racuyal yata sya, noong panahong, ’60’s ). Mag-punas muna sya ng pawis or myembro ng TEAM-Pacquiao, o humawak ng bandila ng Pinas sa LV, para makilala.Sayang ng oras, pera, at iba pa.Mabuti pa si Efren Penaflorida, CNN-hero na, kariton lang ang dala, maturuan lang ang mga addicts at gang sa kanyang lugar. Sumama na lang muna sya ki Chiz Escudero, at pag-usapan nila ng mabuti, ang simple na paraan ng pagbabago, pag-amin sa sariling kakayahan ( nila at bayan )
    bago sumabak sa intabladong panguluhan. Miracles happen in simple ways to make you known all over the world ( like Efren, Manny, Tiger Wood, Charice,Oprah, etc ), not by ways of earthly innovations.

  17. chi chi

    Ahhh, sya pala si Nick Perlas. Thanks, tongue. Kay Chiz pa rin ako hangga’t hindi sya bumibitaw, hehehe.

    My being an environmentalist is not like Perlas’s. Hanggang recycle at planting trees lang ako kasi practical din ang approach ko sa environment dahil gusto kong maging komportable sa enerhiya ang lahat.

    Nakakaasar kung palaging putol ang koryente. Isa pa, hirap kapag kulang ang energy, madaling makapandaya si Ebdane, este Garci sa isang malawakang brownout lang!

  18. Magno, pwede kiss, alam kong matagal ka nang walang romansa diyan maliban kay Mary Palmer o pag may naligaw na camel.

    Kaya ko naman inilabas yang konting nalalaman ko kay Perlas dahil alam kong OA lang yung pangongontra nila noon sa BNPP. Biased ako siguro kung tutuusin dahil ang kumpanya ko (Westinghouse/Asia Industries) ang nagbenta niyang BNPP sa gobyerno, alam ko rin pati kung sino ang naka-bagong Rolls-Royce tuwing maggo-golf sina Makoy, Herminio Disini, JJ Vergara, at GerVel. Ang lahat ng papeles ng BNPP ay sa departamento ko nakatago.

    Bukod diyan, yung mga Physicists ng Phil. Atomic Energy Comm. (PAEC) ay mga naging propesor ko sa UP. Pikon na pikon na nga sila dahil sisirain ba nga naman nila ang pangalan at reputasyon nila na kinilala sa buong mundo, bukod sa naroroon sila sa oras na unang paaandarin yung planta bago pa man i-inaugurate iyon para walang sabit, tapos itong mga grupong gaya ni Perlas pinanakot na sasabog daw iyon kapag na-energize.

    Ano kaya palagay nila sa mga scientists ng PAEC/propesores ng UP, nagsu-suicide? Yung mga contractor na Hapon, magpapakamatay din? Yung mga local hire nila na engineers, technicians, karamihan taga-Bataan at Olongapo, mass-suicide kasama ang pamilya? Siyempre lahat sila nagbabantay na nasa plano ang lahat ng ginagawa nung konstruksiyon niyan. Bawat stage may inspeksiyon iyan, pasado naman lahat.

    Yun ang hirap kay Cory, sa dami ng sumusulsol, natakot na rin. 600 Megawatts yung na-mothball niya, wala namang ipinalit kahit diesel plant, ayun, 12-hour rotating brownouts araw-araw sa loob ng isa’t kalahating taon ang dusa.

    Na sinamantala naman ni Tabako para magka-emergency power, kaliwa’t kanan ang kotong, ang pinakahuli ay yung San Roque Multi-purpose Dam na pumatay sa daan-daan nung magpakawala ng tubig-baha kelan lang.

Leave a Reply