Kinukuha pala ng Lakas-Kampi si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na bise president para sa kanilang presidential candidate na si Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Ini-report ng Philippine Star na sabi daw ni Revilla, handa raw siya na maging bise kay Teodoro kung makukuha niya ang ng basbas ng kanyang ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr.
Sabi sa Star, “Unang binalak ni Bong na tumakbong bise presidente ngunit nang ma-stroke ang nakatatandang Revilla ay hiniling nito sa anak na muling na lamang kumandidatong senador para sa kanyang ikalawang termino.
Sabi pa ng Star, “Ngunit muling nabuhay ang posibleng pagtakbo muli ni (Bong) Revilla bilang bise presidente nang mawalan ng running mate si Teodoro, napipisil na presidential candidate ng administrasyon.”
Nawalan kasi ng VP si Teodoro nang biglang umatras sa planong pagtakbong pangalawang pangulo si Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno. Naisip yata nina Arroyo na mas makatulong si Puno sa kanyang kandidato kung sa DILG si Puno kasi kontrolado pa rin niya ang local governments.
Mabuting kumbinasyun itong Teodoro-Revilla. Kasi di ba ang campaign slogan ni Teodoro ay “Galing at Talino”. Balanse na ang tiket nila.
Ito ang trapong-trapo (traditional politics) na political strategy. Kukuha ka ng kandidato na popular kahit na hindi naman kahanga-hanga record sa public service. Ano ba ang accomplishment ni Revilla sa Senado maliban sa imbestigasyon ng Katrina Halili-Hayden Kho na video?
Naala-ala nyo ang tanong niya kay Katrina Halili noon sa Senado: “Ano ang naramdaman mo?” Lalim ano.
Good luck kay Gibo kasi noong 2007 na eleksyun hindi pumatok si Cesar Montano para senador kahit na sikat siyang artista.
Ngunit marami pa ring artista ang gustong pumasok sa pulitika. Si Montano nga tatakbong gubernador sa Bohol. Si Richard Gomez naman tatakbong congressman ng Ormoc City. Si Ara Mina, tatakbo rin bilang konsehal ng Quezon City.
Humingi si Ara ng klaripikasyun sa Comelec kung pwede pa siya maka-labas sa kanyang mga shows sa TV pagkatapos siya mag-file ng certificate of candidacy bago mag-Dec. 1 samantalang ang campaign period ay Feb. 9 pa naman ang simula. May limitasyun kasi ang TV appearances ng mga kandidato.
May nagsasabi naman na pati na rin daw ang mga nagkakampanya para sa mga kandidato katulad ni Kris Aquino ay dapat mag-resign sa kanilang mga shows. Ang sagot ni Kris, na kasama sa top 1,000 na malaki ang binabayad na buwis: “If I go on leave from TV, kawawa ang BIR.”
Anong say mo dyan?
Mabuting kumbinasyun itong Teodoro-Revilla. Kasi di ba ang campaign slogan ni Teodoro ay “Galing at Talino”. Balanse na ang tiket nila. – Ellen
Bwahahahaha!!! Ang galing mong magpatawa, Ellen.
Ang alam ko si Teodoro may talino. Si Bong ang may galing???
Kung tatakbong vice president si Bong Revilla, malamang mananalo yan at malamang talo pa rin si Teodoro. Ayaw yata talaga ni Vilma Santos kaya si Bong Revilla na lang. Bakit hindi na lang si Mikey Arroyo for vice president, artista din naman sya!!
Tama ka Oblak. Bakit nga ba hindi si Mikey Arroyo?
Kahit si First Pig pa at nang magkabistuhan na talaga! Artista din naman sya, remember yung kanyang diarrhea episode?
Naalala ko si Dolphy nung minsan ay tinanong siya sa isang panayam kung bakit di niya subukang tumakbong bilang pangulo. Ang sagot ni Pidol noon: “Madali ang tumakbo, pero pa’no kung manalo ako?”
Dapat Talino at Anti-anting. Kumakain ng bala ang kanyang ama sa pelikula at pati siya yata.
Wala akong problema sa isang artistang tatakbo sa ano mang posisyon. Karapatan ng bawat Pilipino na tumakbo sa isang halalan sa ano mang posisyon, kung siya ay 40 anyos pataas at pinanganak sa Pilipinas bilang isang natural born citizen. Taglay ang kakayahang manilbihan, tapat sa tungkulin at ang interes ng bayan ang kanyang paiiralin.
Ooops… ang 40 anyos pala ay kung tatakbong presidente.
Ewan ko lang kung si Sen. Bong ay maykakayahan, naging gobernador ng Cavite at ngayon ay senador. Dapat sigurong usisain mabuti ang kanyang nagawa bilang gobernador noon at senador sa kasalukuyan. Pero sa palagay ko ang interes ng mga Pidal ang kanyang paiiralin dahil mula noong pumutok ang balita at sunod-sunod na mga iskandalo na nakadikit ang pangalan ng mga Pidal, ni minsan ay di ko nakaringgan na siya ay bumatikos sa mga katiwalian ng kanyang amo, bagkus ay ito’y kanyang pinagtanggol pa.
Ang masaklap nito’y, baka siya ay manalo. Ok lang yun kung di na tigok ang presidente, eh paano kung natigok nga.
Ms. Ellen, kaya ba na ibulong sa convention ng Lakas-Kampi na si Mikey Arroyo for vice president? Para naman makabili ulit ng magandang bahay sa Tate using excess campaign donations.
Pareng Mike, aasa ka pa na babatikos yang si Bong laban kay GMA noon. It was not a question of balls but a question of brain (or the lack of it)
comment 2 & 3:
baka pagka tinanong sya kung bakit sya ang nanalo….HINDI KO ALAM KUNG BAKIT GANUN NA LANG DUMAMI ANG BOTANTE KO.lol
Hindi ako sigurado kung ang mababaw e yung tanong ni Bong o yung “naramdaman” ni Katrina. Maigsi kasi yung kay Hayden Kho.
Maigsi ang memorya! Kung anu-ano iniisip ninyo.
Walang kapana-panalo si Revilla diyan. Sana wag nang palitan pa.
Wala na sa kanya ang anting-anting, ipinasa na niya kay Jolo, ang bagong Tiagong Akyat.
Tiagong Pababa na si Bong.
Maiba ako, balik-pugutan na naman pala sa Patikul. Kawawang principal.
Naaalala ko nung matalo si Bong sa pagka-gov ng Cavite. Kesyo pinasabugan pa raw ng granada yung ilalim ng kotse niya, matapos siyang “dayain”. Sabay nanawagan ng people power.
Kundi ba naman bobo, wala na ngang bumoto, takutin pa niya ng mga pasabog, e di walang pumunta. Hahahaha! Bagay nga siya kay Gibo!
Ang presidente niya, kapwa niya bopols. Oportunista. Nung laban ni Pacquiao, singit yung infomercial ni Gibo sa Disaster Preparedness kuno. Tapos, dumating si Ondoy. Walang nagawa dahil matrapik daw! Bwahahaha! National Defense Sec pa naman.
Ano kaya palusot niya kung malusob tayo ng Malaysia? Brownout?
Hanggat marami pa ang mangmang, marami pa ring artistang walang K sa politika ang pilit na tatakbo kahit pa sa pinakamataas na posisyon.
Baka magalit yung Erap boys, nililinaw ko, hindi lahat walang K.
Hindi lang artista ang nananamantala ng kasikatan. Dati ay ABC ang tawag sa kanila – Artista, Basketbolista, Celebrity
“Galing at Talino” + Bopol = Balanse ang ticket ng PALAKA
Galing at talino ni Gibo nasubukan ni Ondy, nagiba!
Kabopolan ni Bong, likas na subok na noon pa!
In toto, kokak na lang ang natira!
Magandang combo si Gibong Nagiba at Tiagong Pababa.
Bwahahahaha!!! Ang galing mong magpatawa, Ellen?
Igan Chi tinanggal mo ang aking antok ah! Yaks, frustrated na talaga ang Lakas-Kampi…kung ang manok ni Tabako e nailampaso ng Ama ng Masang Pilipino last 1998 eleksyon ngayon pa?
Masyado nang malalim ang galit ng Masang Pinoy sa Lakas-Kampi hocus-focus regime? Tanging ang kanila na lamang na kanlungan e ang AFP at ang mga Obispo e kontra-pabor na ngayon coz’ Cardinal Makasalanan e wala na.
Magsama-sama na sila at makikita natin sa 2010 ang gagawing pagpapasya ng Masang Pilipino except ng mga bystanders na Pinoy na walang inisip kundi ang sariling kapakanan lamang.
“Maiba ako, balik-pugutan na naman pala sa Patikul. Kawawang principal.” – TT
Hmmm…Hilary is coming to town, muslim militants beheads a principal (of all people), quite suspicious and doesn’t add up. Hingi na naman ng Pera si Gluerilla kay Hilary to “fight” who??? Anything to extract $$ from Uncle Sam even at the expense of innocent people.
Kababasa ko pa lang nung threads ng August 2007 nitong blog ni Ellen tungkol sa pugutan ng Marines at yung paglaya ni Bossi bago mag-SONA. Na-serialize ni gokusen yung mga pangyayari noon, nasabayan pa ng mga military/palace sources ni Ellen, kaya patok yung mga threads noon. Pawang na-scoop ni Ellen.
Kung ayaw ni Bong Revilla, nag-aabang naman si Lito Lapid.
Baka bandang huli niyan kung walang makukuhang bise si Gibo,mapilipiltang maging bise si Gloria,pag nagkataon bababa na rin si Erap at sa bise na lang siya tatakbo.
Ganito ang usapan namin sa– http://eclarino.ning.com/forum/topics/mais-con-yello
I thought our politicians were all artistas — what’s the difference?
Kung nagkataong pumayag si Se. Bong eh ganda nga ng kobinasyon ng palayaw nila:
Gi-BO-BO-ng
Parang “sad movie” song ang tandem ng mga presidentiables, daming naiiyak sa galit.
Ebdane/Palparan na lang.
Akala ko si Lito Lapid ang VP bet ni Gluering.
Bong Revilla > Vilma Santos > Lito Lapid
Walang karapatan ang mga artistang ito na tumakbong bise presidente. Mga iskul bukol yan at mga walang alam.
“If I go on leave from TV, kawawa ang BIR.” – Kris
Unfair sa ibang kandidato kung patuloy ang paglabas ni kris sa mga shows niya dahil gagamitin niya ito para sa pangungumpanya kay noynoy. Hindi katwiran na kawawa ang BIR kapag nawala siya. Dahil ba hindi siya makakapagbayad ng buwis!? or nabubuhay lang ang BIR dahil sa mga binabayad ni kris!? . Ang mga aquino family hawak nila ang abs-cbn kaya kapal muks nalang.
May katwiran si Kris, in fairness (ehem). Kung hindi siya magtatrabaho sa TV, commercials, mawawalan ng #1 individual income tax payer ang BIR. Isa itong sundot sa mga kurakot sa gobyerno na parang nagsasabing yung mga bilyonaryo diyan magkano ang kinokolekta nila pero bakit ako (Kris) ang pinakamalaking binabayad sa BIR?
Naniniwala ka bang mas malaki ang kinikita ni Kris halimbawa kay Manny Pacquiao?
Sa patuloy na panliligaw ng PALAKA sa mga artista, malinaw na sa mga naksalang na Vice Presidentiables, walang gustong pumatol kay Gibo. Para sa akin malinaw na, na si Loren ang tandem ni Villar.