Skip to content

Tuloy pa rin laban

Nakakabingi ang katahimikan sa hanay ng 28 na opisyal ng military na humaharap sa kasong mutiny ng binasa ang desisyon na “Denied” ang kanilang motion na sila ay ipawalang sala.

Walang emosyon ang kanilang mga mukha ngunit ramdam ang bigat ng kanilang damdamin. Parang nabalutan ng itim na ulap ang courtroom.

Nagdesisyun ang military court noong Martes na i-deny ang motion ng natirang 17 na opisyal na ibasura ang kasong mutiny sa kanila dahil hindi naman napatunayan na nag-plano at kumilos silang patalsikin si Gloria Arroyo sa kanyang ninakaw na pwesto.

Kaya kulong pa rin sila habang patuloy ang kaso. Sila na ngayon ang magpi-presenta ng witnesses.

Ang 17 ay sina dating Marines commandant Maj. Gen. Renato Miranda, dating commander ng Scout Rangers Brig. Gen. Danilo Lim, at Medal of Valor awardees na sina Col. Ariel Querubin at Lt. Col. Custodio Parcon.

Col. Orlando de Leon, Col. Armando Bañez, Lt. Col. Achilles Segumalian, Maj. Jason Laureano Aquino, Maj. Jose Leomar Doctolero, Capt. James Sababan, Capt. Montano Almodovar, Capt. Joey Fontiveros, Capt. Isagani Criste, Capt. William Upano, Capt. Dante Langkit, 1Lt. Belinda Ferrer at 1Lt. Homer Estolas.

Kung sa bagay, noon parang tanggap na rin nila na habang si Arroyo ang nasa kapangyarihan, wala silang maasahan na hustisya. Kaya lang nabuhayan sila ng loob ng pinawalang sala ng korte noong Oct. 15 ang 11 nilang kasama.

Sabi nga ng isang sumusubaybay sa tatlong taong kasong na paano naman maging guilty si Lt. Estolas ng mutiny samantalang ang kanyang brigade commander at napawalang sala.

Kaya nang pumunta sila sa korte noong Martes, mataas ang kanilang pag-aasa na makakamit na rin ang hustisya at makakalaya rin sila. Hindi nangyari yun.

Kaya naisip ko tuloy, meron kayang pressure sa miyembro ng korte dahil sa ginawa nilang pagwalang sala sa 11? Kasi naman kapag pinawalang sala mo ang 28, di malaking sampal yun kay Arroyo at sa kanyang dating chief of staff na si Gen. Hermogenes Esperon dahil ang balita ay nagkaroon ng sama ng loob ang mga matinong miyembro ng military dahil sa nadiskubreng pandaraya na ginawa ni Arroyo noong 2004 elections kasabwat si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano at ilang opisyal ng military.

Ngunit kahanga-hanga talaga itong mga opisyal. Hindi sila nawawalangng pagasa. Sabi ni Lt. Col. Parcon, “Darating din yun.” Sabi naman ni Maj. Leomar Doctolero, “Di magkasama pa rin tayong magki-Christmas.”

Hindi basta-basta masisira ng mga masama itong mga opisyal.

Published inMilitary

11 Comments

  1. chi chi

    Re: “Sabi nga ng isang sumusubaybay sa tatlong taong kasong na paano naman maging guilty si Lt. Estolas ng mutiny samantalang ang kanyang brigade commander at napawalang sala.”

    Elementary Watson nga e!

    Talaga lang pinahahaba ng magsing-irog na Gloria at Asspweron ang non-sense na kaso nila.

    Kapag bago na ang presidente (liban kay Gibo), pakakawalan sila kaagad.

  2. If we are in this mess, it is because it was caused by a deeper mess. Let us look beyond symptoms. Let us treat beyond cycle of paliatives.

  3. parasabayan parasabayan

    The asspweron is “leveraging” on his stolen power. While he still can suck money and power from the boobuwit, he will. Once the boobuwit is gone, he can retire to Australia in his cattle farm and enjoy his bounty, far from the angry Tanay Boys. Mahal ang pamasahe papunta sa Australia. mahirap habulin.

    To the Tanay Boys, Hang in there!You will be out in due time. Konting panahon na lang.

  4. MPRivera MPRivera

    “…….Ngunit kahanga-hanga talaga itong mga opisyal. Hindi sila nawawalangng pagasa. Sabi ni Lt. Col. Parcon, “Darating din yun.” Sabi naman ni Maj. Leomar Doctolero, “Di magkasama pa rin tayong magki-Christmas…”

    Kahangahanga nga. Hindi matatibag na determinasyon at matatag ng pag-asang pinanday ng hindi matatawarang karanasan at busilak na pakikipaglaban para sa katotohanan.

    Kung si esperon ‘yan: “Ma’am, please naman. Have mercy. I am sorry. I will not do it again. I love you very much. Pardon me.”

    SUPOT KASI! SUPOT! SUPOT! SUPOT!

  5. MPRivera MPRivera

    Saka eto pa.

    esperon, pisot. Pisot. Pisot. Pisot. Pisot.

  6. Nathan Nathan

    Dont worry mga Sir!!! May paglalagyan din yang Gloria na yan… na Peking Pangulo na may Peking SUSO.

    Malayo na ang isang taon may Amnesty na kayo or sure na MALAYA na.

    Yang si Gibo kahit mandaya pa yan sa Election hindi yan mananalo…. ngayon nga lang… ang laki ng Partido nila ,,, ang laki ng Budget pero… hirap makakuha ng Vice President…. nagkukumahug pa!!! Pwe!!!!

  7. Kahit kailan sa totoo lang ayaw ng mga elitista sa bansa natin,sana umalis na sila kung ayaw nila sa bayan natin we don’t need corrupt people like them.

  8. MPRivera MPRivera

    Nathan,

    Unang basa ko “paglalamayan din ‘yang Gloria na’yan.

    Muntik na akong magtatalon sa tuwa sa ibabaw ng lamesa ko.

    Sayang!

Comments are closed.