Sen. Francis “Chiz” Escudero announced Wednesday morning he has resigned from the Nationalist People’s Coalition founded by business tycoon Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. but stopped short of saying if he was running for president in 2010.
Ako bilang Ako
Madalas ko pong sinasabi na ang desisyon kaugnay ng pagtakbo o di pagtakbo at kung anong puwesto ay personal at di dapat iasa o ipasa maski na kanino man.
This should be the first test of leadership of any putative candidate – for him to decide on his own and take full responsibility for the decision whether or not to run and what position to run for.
Papatunayan ito ngayon…
Nais ko pong ipabatid na ako po ay nagpaalam at nag-resign na bilang miyambro ng Nationalist People’s Coalition o NPC, ang partidong kinabilangan ko mula pa noong 1998.
Ito po ay aking ginagawa sa tatlong kadahilanan:
Una. Sa aking paniniwala, sinuman pong nagpaplano tumakbo bilang pangulo ng bansa, wala dapat partidong kinabibilangan. Ang partido lamang dapat niya ay PILIPINAS at ang kanyang mga kapartido ay lahat ng PILIPINO – lahat ng Pilipino, bata man o matanda, mayaman o mahirap, babae man o lalaki, dilaw man o pula, binoto ka man o hindi, Pilipino pa din dapat ang turing… pantay at walang pagkakaiba. Wala naman po kasing iisang partido o grupo na kayang resolbahan ang mga malalim at mabigat na problema ng bansa. Kailangan ang tulong ng bawat isa. Walang di kasali. Lahat dapat kasama.
Pangalawa. Sinumang tatakbo o magiging Pangulo ng bansa, hindi pwedeng magawa ang mga dapat niyang gawin ng naka-kadena ang aking mga kamay at paa, naka-piring ang aking mga mata at may busal ang aking bibig. At lalong di dapat mag desisyon base sa dinidikta ng interes ng iisang grupo, partido o tao lamang. Kung gusto nating umunlad at guminhawa hindi na pwede ang DATING GAWI. Kung hindi… Papaano niya halimbawa, isusulong ang – PAGPAPANAGOT SA TIWALI; Pork barrel; Ambassador; Contractualization; Bodyguard; Oil deregulation law; Petron.
Pangatlo at higit sa lahat, Naniniwala po ako na mas matatanaw ko po, mula sa malaya kong pagkakatayo ang dapat kong gawin at papel na dapat kong gampanan kaugnay ng darating na halalan sa 2010.
Sa lahat po ng Bicolano, sa lahat ng sumusuporta po sa akin at sa lahat ng kabataan at Pilipinong nagnanais ng Malaya at bagong pagbabago, konting panahon pa po ang aking hinihiling para ako ay magpasya… para makapagpasya ako… ako bilang ako.
In leaving the NPC of which he had a member since 1998 when he first ran as representative of Sorogon, the 39-year-old senator told a media briefing at Club Filipino that a candidate for public office, much more the presidency, should not be “chained” to any political party and subjected to its dictates.
Declaring that the country is now his party and Filipinos his partymates, Escudero, earlier touted to be the NPC’s standard-bearer, said he will still decide in the coming weeks whether or not to run for president.
“Nais ko ako bilang ako ang magpapasya (I’d like to decide on my own—me as me),” he said.
Click here (VERA Files) for the complete report.
Eto ang taya ako sa lotto:
Gibo-Loren/ Villar-Cayetano/Noy-Mar
Wishful thinking? But, I don’t exactly know where I am getting this gut feel from.
Chiz, just like the other Francis in the Senate, will throw his support behind the Noy-Mar tandem, without necessarily joining the Liberal Party. He may even end up to be the Noy-Mar spokesperson.
In the event that the Noy-Mar tandem wins, Chiz may be given a cabinet portfolio making him more visible and more formidable come 2016. Of course, that will largely depend on the Noy-Mar performance in Malacanang.
If and when that happens, Erap will announce his withdrawal from the race for the sake of ‘opposition unity’. Binay will slide down to the senatorial derby as LP guest candidate.
Isang araw kakainin din niya iyang salita niya. Tatagal ba siya sa politics ng wala siyang party? Kung si Kiko Noted nga independent daw, pero nauntog at hayun nag LP na, kahit na may isa pa siyang Sharon.
Nagpapa impress lang si Chiz, para bang gusto niya something to sensationalise himself. Parang ibang gimmick naman ang gusto niya. Ganyan naman siya pag malapit na ang election, he does something to get people’s attention. Tapos pag nanalo na, habol na lang kayo sa tambol mayor. Ang point ko hindi siya consistent. Ngawa ng ngawa, wala namang gawa, iyan si Chiz!
Political Parties are just tool of convenience for Politicians in the country, since most parties do not even have their own ideologies, programs of government or principles and just about every mainstream party can not be distinquished from one another in which ground each stand on…say here..how could you differentiate between the Liberal Party, the Lakas-Kampi, the Nationalista and about a dozen or more other parties from another?
Bilib ako sa ginawa ni Chiz. Saludo ako. Baka ampunin siya ni Erap at puwede na siyang hindi tumakbo. Susupurtahan na lang niya ang tandem na Escudero – Binay. Parehas na matalik na kaibigan sila Escudero at Erap ni da-King at Susan Roces. O di ba!!!!!
“.Bilib ako sa ginawa ni Chiz. Saludo ako. Baka ampunin siya ni Erap at puwede na siyang hindi tumakbo. Susupurtahan na lang niya ang tandem na Escudero – Binay.”
Tedanz,
Tama ba basa ko? hehe
Mukhang tama ang guess ko dun sa previous loops that Chiz was not sure. Kaya hindi ako nabahala kahit konti sa Magdalo endorsement of him. But even if he announced his bid, he’s still the most logical choise for the Magdalo.
If Chiz considers a VP slot, I guess he’d give Mar a problem that is if he chooses a good presidentiable to annex himself.
Next announcement from him, he’d be aligning himself to someone. Totoo yata na si Danding at Peping ay nag-uusap a.
henry90,
Haka-haka …. kuro-kuro ko lang. Kung tama ako susupurtahan pa rin kaya ng Magdalo at ni Ate Ellen natin si chiz? lol
Si Banayo na dating dikit ni Erap ay isa siya sa hinirang ni chiz na alalay niya ngayong eleksiyon.
Taya ko: Erap will quit eventually and endorse Noynoy…same with Chiz.
Si Loren sinta ang napakasalawahan talaga kaya nagbigay ng problema. Matagal na siyang nakikipagligawan kay Villar kahit may NPC pa, halata naman e. Ka-team niya si Villar, lalampasuhin siya ni Kuya Mar.
i’ve made my choice between chiz and noynoy. kay chiz ako. simple, walang kakamping traditional politician. wala nang npc si chiz, si noynoy meron pang lp (lumang pulitika) at si villar naman np (nagpayamang politiko). hope we can help him dahil bagong politika ito parang si Sen. Trillanes
Tedanz, I base my choice of person on integrity and competence, among other things. Winnability is not a priority for me. I choose a candidate to be a leader of this country not because he is going to win because I believe he will make a good leader for the country.
If he loses in a fair election, it’s okay with me. I’ve made my stand. If he wins, it’s a bonus.
Chi,
Re Taya ko: Erap will quit eventually and endorse Noynoy…same with Chiz.
Very plausible…
Ellen,
Ditto!
Sakto, Ellen.
Raissa Robles says in her blog:
Psssssst, Senator Chiz Escudero, is it true you’ve turned down ONE BILLION PESOS offered to you just to withdraw from the race? http://raissarobles.blogspot.com/2009/10/psssssst-senator-chiz-escudero-is-it.html
tama si ellen, kung boboto natin ay yung mananalo pumunta na lang tayo sa race track at tumaya.
Only very few can let go of One Billion Pesos.
P490M lang ang pork barrel (na legal says Congress) ni Chiz na kinikwestyon sa kabilang loop kung saan daw dinala.
Good for him, nakawala siya sa “kadena at busal” (if true).
Say Cheeeeez!
Kumalas na nga si chiz sa NPC at posibleng hindi na tumakbo pero may mga tao pa ring iba at sarado ang kaisipan.
Mabuti pa si Tedanz. Sasaludo rin ako sayo.
napakingan ko angmga sinabi niya and he seems to be sincere. he left his party because he wants to be his own man.
..with regard to loren loren sinta..hini ba ang ending ng kanta ay “pagdating sa dulo nabali ang sanga tapos kapalaran” sana hindi mangyari..pero ang sabi niya she is resilient..parang kawayan (Bamboo Dancers) kung saan dinadala ng hangin doon siya.
walang pork barrel si chiz. mula pa ito nung days niya sa congress bilang minority floor leader. sure ako ruon. part nga ng dahilan bakit bumibitaw siya sa npc ay gusto niya pa abolish ang pork barrel – paano naman ang mga npc congressmen. mas mabuti pa ang bata, patunay na may pagasa pa ang bayan natin
hmm…. isa na namang naiwan sa pantalan.
Bilib ako sa ginawa ni Chiz. Saludo ako. Baka ampunin siya ni Erap at puwede na siyang hindi tumakbo?
Ang galing ng analysis mo Igan Tedanz, marunong kang bumasa ng bawat galaw ng ating mga pulitiko?
Alam mo ang daming political genius sa ating bansa pero ginagawa nilang sensationalize ang isang pangpolikal. Kita mo since DAY ONE ng ERAP-BINAY tandem, tama ang aking pag-analisa sapagka’t sinusubaybayan ko ang kanilang mga kilos, galaw at pananalita.
Ang daming espikulasyon pero saan ba nauwi ang proclamation sa Tondo di ba around 20T Masang Pinoy ang dumalo sa proklamaysong ERAP-BINAY for 2010.
Ang daming nagtaas ng kilay lalo na ang grupo ng YELLOWmania kasi nga akala nila e yuyukod ang Masang Pilipino sa kanilang kagustuhan.
Sila (YELLOmania)ang ugat nang ating pag-hihirap at nagdudunong-dunongan kesyo kailangan ng pagbabago e sila ang numero UNONG kapural sa katusuhan.
Sila ang promotor ng EDSA DOS at HELLO GARCI at gusto pang magsihirit e bokya na…6+6+10 years ay enough na sa ating mga paghihirap at winasak nila ang halos lahat ng institusyon sa ating bansa…eka nga binaboy na nilang lahat at gusto pa e tayong Masang Pilipino e idamay sa kanilang kaek-ekan.
NO WAY!
Hindi kaya naghihintay si Chiz na i-endorso siya ni Erap at magback-out si Erap? Pero para sa akin, dapat ay ipagbawal ang pagkandidato ng isang incumbent senator sa pagka-presidente dahil nagkakaroon ng vacancy sa number of required senators. Six years ang kanilang termino na dapat kumpletuhin. Malakas ang loob na tumakbo ng maraming incumbent dahil pwede silang bumalik sa Senate. Mandato ng taong-bayan ang six year-term na ipagsilbi sa kanila.
First, Chiz is not 39. He turned 40 last Oct 10.
Secondly, the decision to resign from NPC is brilliant. Danding was playing hard-to-get or at least his cordon sanitaire makes it difficult for Chiz to reach the chairman emeritus. From a businessman’s point of view, a financier/investor who gives you the runaround isn’t going to part with his money too easily he needs to be given a very tempting offer first and coupled by assurances of fallback in case the deal gets impossible to push. That is the first problem, Danding controls all the purse strings he is going to demand a lot of favors from Escudero. Because of this, all the other businessmen, meanwhile, will avoid contributing to Chiz’ war chest. His campaign’s fate machinery-wise and finance-wise are solely in the hands of Danding.
Secondly, Escudero’s spotless reputation (spotless in regard to any report of corruption) is being tainted by his association with Gloria-flirting NPC allies. The first time was when they voted against the impeachment their own partymate Escudero was leading. Earlier, it was Wimpy Fuentebella and Gibo, yes Gibo, who got a sampling of the disunited stand of NPC on political issues when they locked in the freezer the duo’s Davide impeachment complaint. Viewed by many (OK call them the EDSA Dos crowd) as a vicious scheme concocted by Danding himself to get back at Davide for deciding against his SMC shares at the same time forcing Gloria to negotiate with him for future cases. Well, it was Andaya and Escudero who worked out the win-win solution, stopping the impeachment dead in the tracks. The other Bicolano legislators also played the main roles in the affair, with Roco, Villafuerte, and Joker, all of CamSur siding with the Supreme Court CJ. On the other hand, even Sonny Trillanes of Albay, though still not a Senator then, expressed support for the impeachment, echoing the same sentiments of Sen Gringo Honasan of Sorsogon. This was probably the first time Chiz made a public display of his “independence” from the Danding-led NPC.
Several impeachment cases later against Gloria which Escudero fought hard for, and the NPC as a party worked equally hard against, I don’t know if people are still not convinced Chiz isn’t really NPC. The resignation announcement made today only formalized what was already obvious.
Today, Escudero is faced with many problems, most importantly, of funding. Will the businessmen, who were earlier reluctant to finance his campaign because of Danding, now go all-out and raise the minimum P2Billion needed to run a serious campaign? We all know that it was the Makati Business Club that gathered all the top honchos in Ayala Ave. in 1992 to thwart any possibility of Danding winning that year’s elections (still remember ABC – “Anybody but Cojuangco”?) and right now, many businessmen are not too comfortable with Noynoy. Nor with the shrewd Villar, though he is one of them, they feel threatened that whatever level playing field is left will be tilted in favor of his own business interests, what with the billions Villar now spends from his own pocket for his political capital.
Chiz’ next worry is machinery. The country’s 7,110 islands is a logistics nightmare for any national candidate that party machinery (and the usual expense that goes with it) comes in handy for that purpose. We saw the FPJ for President Movement people wearing their Tshirts at today’s presscon. But Chiz is not FPJ, Susan Roces wasn’t even in the presscon. I’m not even sure an FPJPM machinery still exists.
His camp has long been toying with the idea of capturing the youth vote via volunteerism, but with the scarce demographics no one is sure if the more economical methods of digital-based campaigning will be sufficient to nail the top plum. Here, a slight miscalculation spells danger.
The recent announcement of the Samahang Magdalo gave Chiz’ a much needed boost, it’s young officers are very much in the same age group as Chiz’ and looks like they share the same ideals. Magdalo’s “Para sa Pagbabago” tagline and Escudero’s “Bagong Pagbabago” both suggest a departure from traditional systems not just mere change of faces for the sake of change.
While Chiz spoke today, we saw in the wall behind him the huge Magdalo logo. I hope the youth will be inspired by the coalition. I hope Chiz and Magdalo can transform them from mere apathetic spectators they are now into proactive stakeholders because for change to happen, it must start with the young. We can’t teach old dogs new tricks.
This is getting exciting.
Don’t forget na pamilya ng politiko yang si Chiz! I still have to study his motives.
Kumalas na nga si chiz sa NPC at posibleng hindi na tumakbo pero may mga tao pa ring iba at sarado ang kaisipan.
Mabuti pa si Tedanz. Sasaludo rin ako sayo?
Duane,
Makikipagpustahan ako sa lahat, for SURE si Chiz e sasama yan sa ERAP-BINAY tandem?
Simple arithmitic Folks…si ERAP + FPJ magic e still alive and kicking…kesyo ang media e ibinubuyo na si Chiz ang manok ng FPJ camp?
Well, kahit anong pagmanipula ng mga anti-ERAP…ang FPJ camp still partner yan ng ERAP majic.
Let’s see and wait kung saan si Chiz makikialyado? Basta TAMA ang paganalisa ko sa tambalang ERAP-BINAY, kaya malakas ang radar ko na si Chiz e makikipag-alyansa yan sa kampo ng UNO-PDP laban!
Sundan ang susunod na kabanata!
Isa sa tanong ko ay, manalo kaya ang Magdalo without the support of Erap? Kung nasa ibang ticket sila. Ganun din sa palagay ko sa kaso ni Chiz kung sakali. Malaki ang naitulong nga pagsama ni Trillanes sa ticket ni Erap sa kanyang pagkapanalo bilang senador. That is the truth. Kaya mabuting magsanib ang pwersa nila at ng Erap ng Masa.
While Chiz spoke today, we saw in the wall behind him the huge Magdalo logo. -tongue
Ganun ba? You know naman, I don’t have pinoy channel, hehehe.
Just saw the ABS/CBN video and so far, I like what I heard from him, nasagot lahat ang tanong ko at lahat ng gusto kong marinig (kahit mahirap implement sakaling nasa pwesto sya).
balweg,
Pwede ring si Binay ang mag-back-out at mag-bise si Chiz ni Erap. Binay can always take a cabinet post or the Cabinet Secretary which is like a little President. At kung manalo si Erap at madisqualified, eh di si Chiz ang uupo. Okay di ba! Hapi ang oposisyon!
O ano ngayun yung mga nagsasabing kontrolado ni Danding Cojuangco si Chiz
Luz,
That scenario came to me but I just don’t know if Chiz would go for it because of his base (the youth) and his principles/thoughts which he just unraveled. Kung todo-todong politiko lang sya and ambition is so strong, kakagatin ang senaryong yan. Sabi ko nga, if he chose a good (I mean right presidentiable as a tool) he’d give Mar a problem).
Actually, I already suggested that before in one of the loops here to team up with Erap if he wanted to become the next president mainly because of the legal issues surrounding Erap’s take two.
i’ve made my choice between chiz and noynoy. kay chiz ako. simple, walang kakamping traditional politician.
Well, Xonix…natumbok mo kasi nga mahirap ang magkaroon ng pobia sa YELLOW wannabes, imagine 6+6+10 years e di gawang biro na lalong nalubog ang Pinas sa kawalan.
NO to YELLOW fever sapagka’t ang nasalikod eh ang remnant ng EDSA UNO, DOS, and HELLO Garci…at maliwag pa sa sikat ng araw ang kabulukan ng kanilang paghahangad sa poder ng kapangyarihan.
Mga uhaw sila sa kapangyarihan upang masunod nila ng kapritsuhan ng buhay…ano ba ang nangyari sa Cory, Tabako & Gloria regimes, di ba lalo tayong ibinaon sa hirap at dusa.
Halos winasak ang lahat ng institusyon sa ating bansa, ibinaon sa utang ang Pinas, at puro kahihiyan ang tinamo ng bansa sa bawat Datos na inilabas ng int’l groups.
Ngayon…itong mga mapagkunwaring civil socialites e gusto magbagong-anyo upang muling linlangin ang taong bayan.
NO WAY!
balweg,Pwede ring si Binay ang mag-back-out at mag-bise si Chiz ni Erap. Binay can always take a cabinet post or the Cabinet Secretary which is like a little President. At kung manalo si Erap at madisqualified, eh di si Chiz ang uupo. Okay di ba! Hapi ang oposisyon!
Korek Luzviminda, ang galing mong bumasa ng body language ng ERAP magic!
Yan ang 2nd option, kasi nga kung madisqualify si Pres. Erap e automatically pangulo si Mayor Binay? Ngayon, kung si Chiz e pumasok sa eksena e may tsansang mangyari ang sinabi mo… at agree ako diyan.
But, ang hollahop ko dito sa scenario na ito e mag give way si Chiz…kasi nabulungan ni Manay Susan kaya biglang kambyo na relax ka lang siya dahil bata pa.
Posible sa 2016, maaaring mangyari ang kanyang pangarap na maging Pangule except kung magbago ang ihip ng hangin di ba.
Sa ngayon, morethan 100 lakbay pasasalamat ang team-up na nagawa nina Erap-Binay kaya may solid na silang pundasyon na pinagsamahan.
Ang hirap sa media na anti-Erap di nila binibigyan ng pansin ang Lakbay-Pasasalamat ng Pangulong Erap kasi nga inggit sila na welcome sila sa bawat probinsya o bayan na puntahan.
Yan ang realidad.
Chiz may not align with Erap, because in the press-con yesterday. According to him, the reason why he left NPC is because he doesn’t want to be tied up with any political party. If he aligns with Erap’s PMP, a POLITICAL party, then it would run counter to what he said in the press-con. Besides, his political adviser, Lito Banayo, a known close associate of Sen. Ping Lacson wouldn’t agree to aligning to Erap. Erap, will go all out to seek the presidency, not withstanding the legal issues surrounding his re-election bid. By the way, the SC will definitely thumb down his chance for a second run. No less than Joaquin Bernas and Christian Monsod, both delegates of Con-con of the 1973 constitution said so. They deliberated on that particular issue and said majority of those voted agreed that “No President shall and can seek reelection”. Meaning, incumbent and former, cannot seek a second term as president.
luzviminda – October 29, 2009 12:11 am
Isa sa tanong ko ay, manalo kaya ang Magdalo without the support of Erap?
Well, Luzviminda…ang kulturang Pinoy e unique, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan e di makakaroon sa kanyang paroroonan!”
Ang bilis kasing makalimot ng iba nating mga kababayang Pinoy, after all na manalo bilang ANO? E magsisihirit pa na wala silang utang na loob sa partido o ang nagendorso sa kanila nang magsipanalo sa sa posisyon na kanilang tinakbuhan.
For example, si Yellow Fever…nanalo yan bilang Senador as guest candidate ng UNO-PMP-PDP Laban, sa pakiusap ng momi nýa after na mag I am Sorry kay Pangulong Erap.
Kaya pinalad na maging Senador at heto sa dikta ng mga civil socialites e ang taas ng pangarap…ang maging Pangulo?
Enough is enough na sa Yellow Fevermania!
I think Erap knows his chances of getting the nod form the SC is nil. He probably has a fall back option. Me thinks that his purpose is to try to vindicate himself by getting a majority vote from the Filipino people and is hoping that if ever he gets disqualified, it would happen after the counting of votes.
Balweg, madala naman kaya ni Erap si Binay sa victory kung sakali man?
Chiz may not align with Erap, because in the press-con yesterday?
Well, Mike… si Lito Banayo pala ang handlers ni Chiz ah…posibleng mangyari as you said, but remember…press-con yesterday will be different tomorrow or coming days?
Alam mo naman, Pinoy politics e walang itiketa…i mean, ngayon kakampi mo at bukas katungali o kaaway naman. Kaya tama yong bukang-bibig ng maraming Pinoy about “BALIMBING”.
Yan ang tunay na kalakaran sa pangpulitikang kamalayan ng maraming Pulitiko!
Si Chiz, sasama kay Erap? Malabo. Paano magiging “Bagong Pagbabago” kung sasama siya sa luma?
Hindi rin sa mga pamangkin ni Danding na sina Gibo at Noynoy.
Kaya nga siya bumitiw sa NPC dahil sa trapo image na pilit idinidikit sa kanya sa pagsama niya kay Danding, mas lalo na kay Villar.
Mukhang mapipilitan siyang mag-independent at aasang may sasalo ng gastusin niya mula sa private sector.
Masama ang kutob kong kilala ko ang tanging taong pwedeng pumalit kay Danding sa pagiging financier ni Chiz. Yung negosyanteng nakikipag-agawan kay Danding sa mga negosyong ibinebenta.
Nabunghalit ako ng tawa sa balitang ito. Desperado ang admin ni Gloria. Kay Loren sinta o Ate Vi na lang kayo, hoy!
__
Teodoro-Escudero tandem http://www.abante.com.ph/issue/oct2909/default.htm
Samantala, niluluto ng administrasyon ang tambalang Gilbert Teodoro-Francis ‘Chiz’ Escudero matapos na umalis kahapon ang huli sa partido nito.
Ayon kay Executive Sec. at Lakas-Kampi Interim President Eduardo Ermita, handa sila na tanggapin si Escudero sa kanilang partido at naniniwala na malakas na vice-presidential candidate umano ito para kay Teodoro.
Tulog na sana ako dahil sa pagod, kaso kailangan ko munang i-congatulate si Chiz sa kanyang naging desisyon.
At least ngayon maliwanag na ang lahat. Ang mga trapo at mga elitista ay nagsama-sama na.
At sana ang mga tunay na Reformists
ay magsama-sama na rin;
Escudero-Lim sa 2010,
puwede na rin sa akin.
Sige, tongue, makitunog ka pa….ngayon pa lang ako nagsisimulang ma-excite, hehehe!
Balweg, madala naman kaya ni Erap si Binay sa victory kung sakali man?
Hi Igan Chi, nice question? Ang reallignment ng mga partido at pulitikong kinauukulan ang siyang naglalarawan ng mga mangyayari sa darating na 2010 eleksyon!
May kanya-kanyang balwarte ang kinauukulan at malinaw kung saan naka-simpatya ang mga botante?
At kung magkakasama-sama ang Erap+FPJ+Marcos+Binay magic sure talo sila?
Ang Yellow Fever naman mostly taga-suporta e remnant ng EDSA 1&2 na mga civil socialites + mga Obispo?
Si Gibo naman e sure dadalhin yan ng Hello Garci boyz. About Villar medyo mapapasabak ang kanyang bilyones?
Ito ang maganda nito…kung sino ang dadalhin ng Inglesia, El Shaddai, & Lakas-CMD Tabako-De Venicia wings?
How about Joey De Venecia, Gen. Lim, Bong2 Marcos and others? Di ba sa UNO-PDP Laban sila guest candidates…so alam na natin kung saan susuporta ang Tabako-De Venenica wings?
Isa sa tanong ko ay, manalo kaya ang Magdalo without the support of Erap?
Oo naman. Hindi naman si Erap ang magpapanalo sa kanila. Ang kailangan ng Magdalo ay boto ng tao, isang boto lang si Erap.
Escudero-Lim sa 2010
Even better, SumpPit.
chi, nangangarap ng gising ang administrasyon, hahaha! Kaisa-isang may interes na mag-VP ni Gibo umatras pa, hihihi. Ngayon gustong panakip butas si Chiz. Ano, bale?
Kung mabi-VP lang pala siya ni Gibo, e di sana di na umalis ng NPC, nagsanibna lang sila, mas malakas pa.
Desperado na ang mga Palaka.
Chi:
Di ba si Lito Banayo ang spokesperson ni Lacson? Ngayon nasa kay Chiz na, dahil umatras na si Ping. Eh, bakit kay Chiz at hindi kay Erap?
Kung susugal ka man lang, dito na sa buhay pa ang idealism at malinaw ang plataporma.
Di katulad sa kabila na nadala lang sa lagnat na dilaw, at doon naman sa nag-aakala na may Take Two pa.
Bagong mukha naman.
At sana ang mga tunay na Reformists ay magsama-sama na rin;..?
Gusto kong sanang bigyan linaw ang winika mo Igan SumpPit, marami ang nagsasabi ng pagbabago o kailangan ng pagbabago?
Alam mo, ang bottomline ng isyu ngayong pigdidibatihan ng Sambayang Pinoy e napaka-simple lamang? Forget yong kapalpakan ni gloria and her cohorts…?
Nais kong ibalik ang pasintabi mo na kailangan ang tunay na reformists? Anong reformists ang kailangan natin…ang punto ng problema natin e ang ginawang pagsalbahe ng EDSA DOS wannabes sa 11 milyong botanteng Pinoy na dinusta ng mga nahaharing-uri sa ating lipunan sa pakikikutsaba ng mga Obispo, Militar, Civil socialites, Cory, Tabako and other Tambay na Pinoy?
Not once, but twice…ngayon sasabihin nila ng pagbabago e sila ang pasimuno kung bakit tayo nagkakaletse-letse at ngayon magsisihirit ko mo etcha pwera sila kay gloria after na makuha ang poder ng kapangyarihan.
Alam mo ang maykarapatan lang na magsabi ng pagbabago e ang mga Pinoy na dinusta at inagawan ng dignidad at yong mga bystanders na Pinoy na nagluklok at sumuporta kay gloria e dapat magsitahimik sapagka’t kundi sila naging mga bobo e dapat di tayo aabot sa sitwasyong ito.
Ang liwanag di ba!
Naglalaro rin sa isip ko kanina yang Escudero-Lim, chi, SumpPit, nung nakikinig ako kay Chiz. Kasi nga wala sa apat ang pasok sa image na gustong ipinta ni Chiz ayon sa mga deklarasyon niya. Gaya ng “walang tanikala o busal”, “Bagong Pagbabago”, “malaya sa dikta ng partido” etc.
Diba pahiwatig ng independent yan?
SumpPit,
Tsaka bakit todo ang suporta ng Magdalo kay Chiz? No way na basta iiwan o magpapaiwan sa kangkungan ang mga yan. Meron itong niluluto e!
Tongue,
Kaya nga ba hindi ako nagmamadaling pumili e. Baka meron sorpresa na magugustuhan natin. In fact, nang i-endorso ng Magdalo si Chiz I told my sis that something is shaping up, hintay lang sila.
Nag-alsa balutan na ba ng tuluyan si Chiz sa NPC?
Cocoy, kagigising mo noh? Si Loren sinta na lang ang natira dun at nangangarap na siya ng gawing presidentiable ng NPC. Right after Chiz’s announcement of alsa-balutan e call daw kaagad si sinta sa anak ni Danding to say she stays, hahaha!
Balweg,
Ang lahat ng rebolusyon na nangyayari EDSA 1, 2, & 3, ay genuine on the part of the people. Kaso nahijack lang ito ng mga magagaling sa ganito modus. Kung nabasa mo lang sana ang libro na palagi kong pinoposte dito – Vatican Assassins, doon mo malalaman kung paano pumupusta at minamanipula ng Tunay na Diablo ang dalawang magkatunggaling grupo.
Lahat tayo ay biktima nila.
Dapat ihiwalay natin ang Civil Society group na katulad ng Black & White sa mga members ng Makati Business Club, kung saan si Del Rosario ay umamin na siya ay lider ng Council of Trent, na mga tuta din ng Vatican.
Si Noynoy ay malinaw na suportado ng grupong ito.
____
Si FPJ ay pinatakbo ni Erap upang makalabas siya sa problema nya.
Malinaw na sa panahaon ni Erap, may pagkakamali siyang ginawa, at sana ituloy pa ni Lacson ang Part 3 ng Expose niya.
____
OT: Di ko nga pala naitatanong, Ellen, bakit naging business newspaper na lang ang Malaya? Nasaan na napunta yung mga columnists, dahil ba yan sa eleksiyon?
Naglalaro rin sa isip ko kanina yang Escudero-Lim…
TT:
At least ngayon may rason na ako na magpaparehestro.
Baka sila na nga.
Kung matuloy sila,ng dalawa pagawa ako ng tarpaulin para sa kanilang kandidatura.
Upang magising ang mga manhid kong kapitbahay.
When chiz announced his intention to run as president grabe ang banat laban sa kanya. Ngayong nag quit na siya sa npc at mukhang alanganin sa presidency, ang daming saludo sa kanya at pinapantasya pa ang erap-chiz. he he he
Hindi bibigay si Binay kay Chiz. Pagpinilit siya ni Erap, mag-aalsa balutan si Rambo at lilipat kay Noynoy yan.
Ashley Acedillo, Magdalo spokesperson, said that they may not endorse Chiz if he decides to join other parties. “It runs contrary to what he said,” Ashley said. http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/28/09/closer-look-escuderos-gamble
Kaya nga kumalas si chiz sa npc dahil sa prinsipyo. I don’t think he will align himself with people of dubious character.
Sa tingin ko malabo na ang kanyang presidential bid at susuporta siya kay noy-mar.
Chiz at this stage in time might as well give up his ambition to run for the top post. Maybe in the next presidential elections after 2010. His chances of winning now is nil. Without money and machinery, no matter how noble his intentions are, he just cannot make it at this time.
Most likely to win next year? A toss-up between Villar and Aquino. Erap might win too, but he will definitely get disqualified if the decision were made after the election.
Mike,
At hindi mag-aaply si Chiz na VP ni Erap e di sana ay noon pa, may offer naman yata sa kanya bago kinuha si Binay dahil walang gustong maki-partner sa kanya maliban kay Rambotito. Pero second choice ko si Rambotito sa VP, next to Mar ( sa mga available ngayon ha).
Puro kurokukok lahat … ang manananalo kung tatakbo ay walang iba kundi si Erap. Bakit ka niyo … mas maraming mahihirap kaysa mayayaman. Maliban na lang kung ang mga mayayaman ay bulagin ng pera ang mga mahihirap. Tapos!!!!!
Si Erap ay para sa mahihirap!!!!!!!!
Kung aampunin ni Erap si Chiz na hindi naman malayo at siya ay aatras .. magiging Escudero-Binay na … panalo pa din dahil si Erap ay para sa mahihirap.
I will never write Binay’s name in any ballot. Masama experience ko sa Makati. Try putting up a business at baka ma-shock kayo sa mga hinihingi ng mga taga munisipyo. Iisipin mo nalang na huwag nalang ituloy ang negosyo, that’s what I did. Sa kalye naman, maraming mga hulidaps na nangyayari. Pagnakakita kayo ng mga yellow boys (MAPSA), naku po, mas matindi pa yan sa MMDA traffic enforcers kung mangotong.
Kayong mga elitista, yellow’ista o Glorya’ista ay tumigil na sa kasisira kay Erap dahil nasiraan niyo na siya. Sirang sira na siya sa inyo. Sigurado ko na ang mananalo pa din ay ang kampo ni Erap. Ma Erap-Binay, Erap-Chiz, Chiz-Binay … alin mang kumbinasyon .. panalo pa din. Dahil po wa-es na ang mga mahihirap.
Sa Makati maraming benepisyo ang mga mahihirap.
Wala akong problema sa mga benepisyo na nakakamit ng mga taga Makati sa programa ni Binay. Ok yan. Ang aking nabanggit sa #67 ay base lang sa aking naging PERSONAL na experiensa sa kamay nga mga balasubas at mga buwitre ng mga taga munisipyo ng Makati. Minsan na rin ako nahuli ng mga yellow boys , inamin ko naman na nagkamali ako at willing na magpa-ticket nalang. Panay ang parinig sa akin nuon na mag areglo nalang. Nang hindi ako pumayag, tinikitan nga ako pero Diyos kong mahabagin, pinahirapan ako ng mga walanghiya at halos isang buwan ako di makapag maneho ng aking kakarag-karag na sasakyan dahil pinaikot ako ng husto at ayaw isauli ang aking lisansya.
Marami na rin akong naririnig mula sa kakilala at mga kaibigan tungkol sa kanilang experyensa sa Makati.
“No President shall and can seek reelection”
Mike,
Ganyan ba exactly ang nakasulat sa batas? Baka naman hindi kaya nagkakaroon pa ng debate. Isang magandang usapin yang issue na iyan. Bakit ba takot ang mga kalaban kay Erap! Pabayaan na lang natin na taong bayan ang humusga.
“But Cojuangco could commit only P200 million to Escudero, said the NPC insider who refused to be identified.
This was refuted by Escudero’s father, Sorsogon Representative Salvador Escudero III.
“Pure speculation,” he said in a phone interview when asked about the funding problem. He said there was even a report his son was offered P1 billion to withdraw, but this was not true as well.”
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20091028-232730/Why-Escudero-quit-NPC
When Noynoy was comtemplating of running for president, he consulted an Ayala in Davao, and the Nuns in Zamboanga.
While Chiz is doing it by bolting from a formidable political machinery.
For a Sensible and Wise Voter, the choice should be clear.
Sen Ping Lacson –> Lito Banayo –> Sen Chiz Escudero
hmmm.. with the link above.. i like what’s happening…
basta kung sino suportahan ni Sen. Lacson, yung ang iboboto ko at ng family ko…
chiz escudero – spoken like a genuine trapo, i am glad it looks like he is out of the race for the top position.
Napahanga ako dito sa ginawa ni Chiz, tabla-tabla, talo-talo na! Like Sen. Ping’s attitude. kahit sino masagasaan basta sa kapakanan ng bayan…
sana nga chiz, totoo yan…
sumpPit,
Binabasa ko ang Vatican Assassins. Medyo naging klaro na din sakin kung bakit nangyayari ang ganitong kaguluhan at kahirapan sa ating bansa. Tama ka, lahat tayo biktima. Dinidikta ng mga dyablo kung ano ang dapat mangyari sa ating bansa. Masakit man isipin at tanggapin, mukhang wala na tayong magagawa dyan. Tulad na lang nung panahon ng ‘Hello Garci’, mapapatalsik na talga sana si Gloria sa malacanan dahil halos lahat ng sektor ng ating lipunan ay nagkakaisang gustong patalsikin sya. Subalit ng magpalabas ng suporta ang CBCP kay Gloria, nagmistula itong nahugasan ng kasalanan at nakabangon muli. May iilan ngang obispo na bumabatikos kay Gloria pero ang CBCP sa kabuuan ay patuloy pa ding sumusuporta kay evil-Gloria…
Kailangan natin ng leader na matapang pra malabanan ang naghaharing diyablo pero sa kasalukuyang “presidentiables” natin, wala kong nakikitang may kakayahan…
Ang Dacer-Corbito case, isa ito sa kanilang malaking drama sa pananaw ko…
Chiz will run as president.
So, yung mga nangangarap ng Erap- Chiz, Gibo-Chiz. Kalimutan nyo yan. Hindi na mangyayari. He was offered P1 billion to be Erap’s vp noon pa. He rejected it.
Many who are used to traditional politics maybe hard put to understand Chiz’s moves even ascribing manipulation and all other sinister things.
That’s being cynical. It’s not Chiz who is a problem. Kayo ang may problema with that kind of attitude.
Maybe you should temper your cynicism and take a look at the new politics that is shaping. It’s the young politicians who are doing that because they want to play a major role in shaping their future. Hindi lang yung tanggap sila ng ipamana natin sa kanila.
Isagani, you will not be glad because Chiz is not out of the race.
Trapo ba yang he will get out of traditional politics?
Is he running or not?
IF Chiz will go on with his bid, lalo siyang naging dehado. It’s no joke running for public office much more for president without a political machinery. I never heard of anyone who made it without the machine, but there’s always a first time, and who knows, he might be the first one to accomplish such feat.
Chiz daring move raised the bar of Philippine politics a notch higher. By opting out of a party machinery and be independent only means that he doesn’t want to be chained, compromised and to carry any baggage going into the presidential office in case he wins. This only shows a solid character, integrity, honesty and sincerity of the man. And as he said, because he owes nothing from anybody but the people, he can do anything without any interference from anybody for the good of the people and the country as a whole.
The move is a new kind of politics and kind of unspoken challenge to the people and the question is if they are ready to go with it, to accept it and embrace it.
@florry : “….he doesn’t want to be chained (by a political party?), compromised and to carry any baggage going into the presidential office in case he wins.
Sorry but I don’t buy that, there must be a “deeper” reason why he bolted NPC. He has been with the party since But definitely not because he doesn’t want to be chained by any political party. His reasoning in the press-con is already an after thought.
Tongue: Di ko nga pala naitatanong, Ellen, bakit naging business newspaper na lang ang Malaya? Nasaan na napunta yung mga columnists, dahil ba yan sa eleksiyon.
The general news and opinion are still there, in section B. A business paper is Jake Macasaet’s long time dream. I don’t agree with it but it’s his money. My columns is not affected at all.
Perl:
Salamat.
Totoo na isang dambuhalang kalaban ang ating hinaharap, ngunit may namumo ng kilusan sa buong mundo upang itong kahayupan ay wakasan na. At malinaw ang ating alternatibo dito – ang mga idea ni Jacque Fresco sa Venus Project.
Sa mga ordinaryong mamayan tulad natin, ang magagawa lang sa kasalukuyan ay ang pag-share sa mga information na gaya nito to as many as possible. Malaking bagay po na malaman ang katotohanan, ang root cause ng karihapan, at ang solusyon nito.
Napaka-imposible naman yata na lalahok siya na wala siyang Party … sino ang tutulong sa kanya sa mga Probinsiya? At lalong napaka-imposible kung wala kang financier. Kung hindi siya sasanib sa ibang grupo malamang hindi na siya tatakbo. Kung tatakbo man na independent … may financier siya. Lokohin niya ang lelong niya.
Malakas ang kutob ko na magkakabilang-bangir lang siya.
“It’s not Chiz who is a problem. Kayo ang may problema with that kind of attitude.” —- al
Wala naman akong problema kay Chiz. Napag-uusapan lang dahil siya ang topic. Hindi tayo pare-parehas ang paniniwala, kung ikaw ay kay Escudero .. bahala ka siya ang gusto mo. Napag-uusapan lang … walang ati-attitude dito.
@ luzviminda : “”Pabayaan na lang natin na taong bayan ang humusga.”
Ako man ay pabor sa sinabi mong ang taong bayan nalang ang humusga, ngunit mayroon tayong mga batas na kailangang sundan. Kung hahayaan nalang natin ang mob rule na umiral sa ating bayan, di dapat wala na lang constitution. Ganun ang ginawa ng mga kalaban ni Erap noong EDSA 2, wala sa constitution na pwedeng mag coup de tat, pero sinuway ng mga elitista, militar at ng simbahan ni Sin, ayun nailuklok ang mga ganid at tayo’y nadamay sa mga kawalanghiyaan na ginawa nila.
Mayroon tayong batas na na dapat pairalin, di man tayo sangayon sa ibang mga batas na nakasaad sa constitution, wala tayong magagawa kundi sundin pa rin.
Mike,
Everybody is entitled to their own opinion and speculation and we can talk and yak and talk the whole day and whole night about it, but at the end of the day, it still remains as is, Okay?
panaginip ko ay isang bansang mawawala ang mga negosyanteng nakikisawsaw at nagdidikta sa pulitika. masyado nila tayong ginamit kahit nuon.
kaya nga kay chiz na ako. sana magtuloy tuloy siya dahil kung pumalit si villar – magnanakaw, si gibo – gloria din iyan, si erap – balik ang mga barkada at midnight cabinet niya, si noynoy – di ang mga oligarchs gaya ng lopez na hawak ang meralco at ngayon may danding cojuangco na tiyo niya at ramon ang pa.
sana maging panaginip at hindi bangungot at 2010.
Maybe OT but related:
US diplomat resigns over Afghan war: report
http://www.abs-cbnnews.com/world/10/27/09/us-diplomat-resigns-over-afghan-war-report
Can there be anyone in this administration who can do a Hoh?
florry,
Okay! 🙂
Noynoy: LP open to coalition with NPC
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/29/09/noynoy-lp-open-coalition-npc
Ahem! Ahem!
Goodbye, Noynoy!
My admiration on Tita Cory was the reason I threw my support on his candidacy, but with this ayaw ko na sa iyo dahil mas lalabo ang pag-asang magkaroon ng katarungan ang pagdurusa namin sa ilalim ng gobyerno ni panduck.
Sa dami ng mga taga NPC na tagapagtanggol ni goyang lalong wala kaming aasahan sa iyo kapag ikaw ang nahalal na pangulo.
Promise, ayaw ko na talaga sa iyo.
“…..my support on your candidacy…..”
Noynoy: LP open to coalition with NPC
bakit coalition sa NPC sinasabi ni Noynoy? bakit hindi unity kay Chiz? Mukhang totoo hinila ng iba dito na ang dahilan ng pagresign ni Chiz sa NPC ay dahil and susuportahan ni Danding ay si Noynoy, hindi si Chiz… at kung gayon, malabong umanib si Chiz sa LP
i told you so. i want a politics away from the oligarchs and the cronies who are actually nothing but opportunist who continues to bleed this country. like what erap always say: “weather weather lang.” kaso puro weather ng mga naghaharing uri.
ako, hope chiz will go for it. imagine a president na walang utang na loob kahit kanino maliban sa taong bayan.
Ang ibig sabihin .. naguumpisa na naman ang “Kamag-anak Inc.”. Tama lang pala na umalis si Escudero sa NPC. Siguro may na-amoy na masama ang batang Senador sa mga Cojuangco. Sabagay wala naman talaga akong bilib dito sa may ADD’ng Senador. Senador na mukhang blanko ang utak.
Si Aquino po ang sinasabi kung mukhang blanko ang utak. Kahit noon pa man wala na akong tiwala sa taong ito … dahil nga mukhang Abno.
Tongue,
Di ba ang NPC ay itinatag para makinarya ni Danding nung tumakbo syang presidente? So, wala nang gamit yan ngayon kaya pinabayaan na lang ni Danding na wala silang pambatong presidentiable.
LP will coalesce with NPC. Politics is addition not subtraction…tradpol na tradpol. Kahit sino na lang.
OT but Very Important:
Don’t ever give your children any vaccines whatsoever. Here’s why.
Chi, Kaya naman buhay pa yang NPC dahil nasa politika na rin ang angkan ni Danding. Si Charlie, si Mark, parehong nakaupo. Si Duavit na isa sa mga alas ay ganun din. Si Gibo umalis daw pero duda ako. Pinalitan ng asawa pero NPC pa rin yata si Nikki Prieto-Teodoro hanggang ngayon.
Si Chiz hindi itinatagong isa sa mga malaking sponsor niya si Lucio Tan dahil consultant ang ama niya ni Kapitan para sa kanyang farms noon pa man. Pero dahil sa malaking kinakaharap na kaso ni Lucio laban sa kapatid at sa gobyerno, maraming mata ang nakatutok sa kanya kaya malabong sagutin ni Kapitan ang kampanya ni Chiz. Ibang negosyante ang alam kong nanliligaw kay Chiz. Pero ito yung negosyanteng hindi nakikialam sa politika o ginagamit ang impluwensiya sa negosyo kaya kampante akong kahit tanggapin ni Chiz ang alok ay hindi siya babagbagin ng konsensiya.
Hindi lang si Danding o si Villar ang may pera. May mga grupo ng mga negosyanteng inaantok kay Noynoy na kasalukuyang sinisipat din ang mga programa ni Chiz kaya tinututukan ng husto ang mga pahayag ni Chiz. Tayo rin, tutukan iyan. Dahil oras na ayon sa panlasa nila si Chiz, tapos na ang problema niya sa pondo.
Ang inaabangan ko ay iyong isang boldyak na dadagundong sa politika at magmamatyag kung mag-iisnowball. Pag nangyari yan, tapos na ang boksing. Kilala kong mag-operate si Lito Banayo. Hindi nauubusan ng pakulo.
Yung unang salvo pa lang, gulantang na ang lahat.
Thanks, tongue.
Ganyan ang gusto ko na takbo ng politika, ang kandidato ay unpredictable for the better. Akala ko nga e hindi na ako mai-excite gaya nung na feel ko kay Sonny.
Tumuloy o hindi si Chiz, he already planted the seed that there’s still hope for a better politics in Pinas. Malapit nang mabago ang takbo ng pulitika, I’m supporting Chiz’s path.
Time is of the essence. Kung si Chiz ay tatakbo on his own, he can change his gimmicks again and again but if he wants to run with a complete entourage, malabo na yan. Mahirap pumunta sa 7100 islands to get ones platform through in less than 8 months.
sa lahat ng hakbanging iniisip at pinaplano mo Sen.Chiz…andito po kaming tunay na mulat sa pagnanais ng tunay ng pagbabago upang damayan ka…aasahan po namin ang positibong desisyon….maaring matatawag na hilaw pa tayo…pero dili baga’t walang ipinamumungang hinog na? lahat ay dadaan sa ganiton kalagayan..ang sa amin lamang po…ay ang pag asang gusto naming masilayan sa darating na araw…at sana po ay ikaw ang magiging mitsa namin upang magliwanag sa madilim naming daan……Longlive bro….Long live…Chiz…
mabuhay ka…
Ganyan ang pangangampanya. O di ba mas maganda pag ang pinangangalandakan natin ay ang positive traits ng mga manok natin? Mas makukumbinsi natin ang ibang tao pag nagpakita tayo ng kagandahang asal ika nga. Mabait nga ang kandidato kung butangero naman ang nangangampanya. Lalong nalugmok ang manok.
Ano po ba ang lagi nating reklamo sa gobyerno lalo na sa kongreso at senado hindi po ba ang ang kanilang pork barrel na madalas pagmulan ng korapsyon at kawalan ng transparency sa gobyerno; Ang hindi mapigil at hindi makatarungang pagtaas ng langis gawa ng Oil deregulation Law; ang hindi matapos tapos na laban ng mga magsasaka sa mga heredero at nag mamay ari ng mga niyugan at ng mga malalawak na lupain; ang pagkunsinti sa maling sistema ng gobyerno at lalo na sa paggamit sa mga maralitang pilipino para isulong ang pansariling interes; Ang tanong ko po, sino po ba ang may adhikain na baguhin ang mga lumang sistema na nabanggit na madalas nating ireklamo, huwag po sana nating maging pamantayan ang pagiging sikat ng isang kandidato o ng walang partidong masasandalan o dahil mataas sa survey pero wala naman pong matibay na plataporma o sariling paninindigan para lutasin ang hinaing ng bawat isa sa atin, nagpahayag na po si Sen. Chiz na kanyang lalabanan ang mga baluktot na sistema sa ating lipunan na kailanman po ay hindi natin nadinig sa ibang kasalukuyang kandidato. Tayo po ang gumagawa ng ating kapalaran, kaya wala pong ibang dapat ibang sisihin kung tayo po ay magdudusa na naman ng anim na taon dahil sa maling pagpili ng tamang lider.
Mabuhay si Chiz!!!
No to Noynoy Abnoy! No to the yellow army! No to the Evil Society!