Bukas (Oct. 28) na raw ang deklarasyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero para sa kanyang kandidatura para presidente.
Dapat matuloy na itong kanyang deklarasyon dahil sa kanyang kaka-postpone, akala tuloy ng marami hindi na siya matutuloy. Lalo pa ang kanyang original political team na kinabibilangan ni dating senador Serge Osmeña, advertising executive na si Yolly Ong, at political adviser na si Malou Tiquia ay umalis na sa kanya.
Ang asawa kasi ni Osmeña ay si Bettina Lopez. Siyempre kapag Lopez, Noynoy Aquino yun. Malaki ang utang na loob ng mga Lopez kay dating Pangulong Cory Aquino, na ibinalik sa kanila ang Meralco at ABS-CBN na kinumpiska ni Ferdinand Marcos nang siya ay nagdeklara ng martial law.
Ang sabi ng isa sa grupo ni Chiz, sabi raw ni Yolly, kaibigan raw yata niya sina Aquino o ang kanyang mga adviser. Nang mawala na ang mga kasamahan ni Malou, sumunod na rin siya.
Tinanong ko si Malou kung lilipat din siya sa kampo ni Noynoy katulad nina Serge Osmeña at Yolly Ong. Sabi niya, “I will be above the fray.” Ang pagka-intindi ko hindi siya sasali sa ibang kandidato.
Si Lito Banayo ang bagong campaign manager ngayon ni Chiz.
Ang pagka-alam ko ang isang dahilan kung bakit na-antala ang pagdeklara ni Chiz, maliban sa kalamidad, ay ang kanyang bise –presidente. Gusto kasi ng Nationalist People’s Coalition ay si Sen. Loren Legarda na miyembro din ng NPC. Siyempre kailangan kumbinsihin si Loren na bumaba sa pagkabise na ginawa naman niya noong Biyernes.
Kaya lang naman sobra naman ang arte.Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung kanino siyang magiging bise. Nandiyan yung nililigawan daw siya ng kampo ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi. Kinukuha daw siya ni Sen. Manny Villar ng Nacionalista Party.
Ang dating ay mukha yatang nagpapa-presyo si Loren. Pangit ang dating. Kahit ba marami ang nag-aalok sa iyo. Pipili ka dapat base sa prinsipyo, kung sino ang kandidato sa pagka-presidente na angkop sa iyong prinsipyo dahil bise-presidente and iyong tinatakbuhan. Dapat ang tumatakbo para presidente ang may programa at susuportahan yan ng bise- presidente.
Kaya humanga ako sa Samahang Magdalo sa kanilang desisyun na si Escudero ang susuportahan kahit na sa ngayon ay dehado si Chiz. Alam naman ng lahat na sinusuyo sila din sila ng Liberal Party.
Sabi ni dating Air Force 1Lt Ashley Acedillo, ang kanilang batayan sa pagpili ay character, vision, at leadership at lamang si Chiz kina Noynoy, Villar at Erap.
Paliwanag sa akin ng isang Magdalo na opisyal: “Bago namatay si Pangunong Cory, at si Mar Roxas pa ang kandidato ng LP, sinimulan na nila ang pagtimbang ng mga mga presidentiable. Nang namatay si Cory, hindi naman naalis o nag-iba ang mga katanginan nay un ng mga presidentiable. Nawala lang si Mar Roxas sa kumpetisyun. Pinalitan ni Noynoy. Kung leadership ang pagbabatayan, mas lamang nga si Mar kay Noynoy.”
(Miyerkules
The Magdalos have made a stand and that’s a credit to them.
Doesn’t mean I’m sold to the person they are supporting.
Chiz will have to earn my vote.
I want to know what Escudero’s thoughts are on the corruption charges against Gloria and her ilk. What he intends to do if he is elected.
“I am like the bamboo, resilient,” LOREN says proudly. She believes she has bounced back from her troubles, political and otherwise, and that the public knows she isn’t easily put down. A bamboo or a balimbing?
Ang arte nga di Loren… nagpapapresyo… i’m sure ang mga Inang inapi ni Loren sa pag amyenda niya ng Family Code hanggan ngayon ang mga inang lumuluha dahil nawalan sila ng karapatan, ay sigurado akong mangangampanya yon para huwag siyang ibot. Mas pinaboran pa ni Loren ang mga lalaking nagsasamantala sa mga babae, mabuntis nila at iniwang luhaan.
Sukat ba namang bigyan ng karapatan ang mga lalaking ama na sa kanila ang apelyedo sa bata, parang konsentidor itong si Loren Legarda…
Dati kay Tita Cory pag hindi pinakasalan ng lalaki si babae ang apelyedo ng bata ay sa mother, dahil sa batas ni Loren ngising buwaya ang mga lalaking gusto lang magkalat ng lahi nila.
RULES AND REGULATIONS GOVERNING THE IMPLEMENTATION OF REPUBLIC ACT NO. 9255
——————————————————————————–
Republic of the Philippines
OFFICE OF THE CIVIL REGISTRAR GENERAL
National Statistics Office
Manila
ADMINISTRATIVE ORDER NO. 1
Series of 2004
Subject: RULES AND REGULATIONS GOVERNING THE IMPLEMENTATION OF REPUBLIC ACT
NO. 9255 (An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father,
Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known
as the “Family Code of the Philippines”)
As mandated by Commonwealth Act No. 591, the Office of the Civil Registrar General hereby promulgates the following Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 9255 signed by President Arroyo on February 24, 2004 and took effect on March 19, 2004, 15 days after publication in a newspaper of general circulation.
Rule 1. Coverage
1.1 These Rules shall apply to all illegitimate children born before or after the effectivity of R.A. 9255. This includes:
1.1.1 Unregistered births;
1.1.2 Registered births where the illegitimate children use the surname of the mother.
Rule 7. Requirements for the Child to Use the Surname of the Father
7.1 For Births Not Yet Registered
7.1.1 The illegitimate child shall use the surname of the father if a public document is executed
by the father, either at the back of the Certificate of Live Birth or in a separate document.
7.1.2 If admission of paternity is made through a private handwritten instrument, the child shall
use the surname of the father, provided the registration is supported by the following
documents:
a. AUSF
b. Consent of the child, if 18 years old and over at the time of the filing of the document
c. Any two of the following documents showing clearly the paternity between the father
and the child:
1) Employment records
2) SSS/GSIS records
3) Insurance
4) Certification of membership in any organization
5) Statement of Assets and Liabilities
6) Income Tax Return (ITR)
maga kabayan… nasaan dyan ang para sa INA…. BINUNTIS NA PERO HINDI MAN LANG INISIP NI LOREN BAGO NIYA AMYENDAHAN ANG BATAS….
Kaya to my frend Sweet lahat ng inang inapi ni Loren…. ito na ang hinhintay nyo para makaganti kayo.
Dati kay Tita Cory pag hindi pinakasalan ng lalaki si babae ang apelyedo ng bata ay sa mother,
Tama lang naman yan ah… Bakit daw iniba ni Loren?
Maybe to protect kids out of wedlock so wouldn’t be left in the cold?
AdeBrux,
Nainis nga ako sa Loren na yan kc… nang mag abroad ako year 2002 ang kay tita cory pa ang batas na family code,,, wala akong malay na 2004 amended na pala ni Loren.
Just this month my frend crying dahil amended na daw ang family code at yong bumuntis sa kanya nagfile sa NSO para mapalitan ang apelyedo ng anak niya.
Kung ganyan ang batas ni Loren ang daming lalalking mambubuntis, kawawa naman ang mga babae dyan na maloloko.
can he be trusted? hindi kaya niyang iregalo ang supporta sa ninang niya? kung sakali manalo siya. unless magsaulian sila ng kandila…
Hanga ngayon ay nalilito pa ako kung saan ba talaga patungo si Loren sinta. Para sa bayan ba o para sa kanyang sarili?
As always, she’s a POLITICAL BUTTERFLY! she’s just there during good times, but in times when the political party she’s in is sinking, automatically, she jumps into another party.
http://eclarino.ning.com/forum/topics/bidding-start-now-for-loren
Dehado talaga kaya pakisabi huwag na lang tumakbo …. maglakad na lang at sa 2016 na lang siya tatakbo. Bata pa naman siya ….. marami pa siyang dapat niyang ayusin at matutunan. Si ya in 2016!!!!!
Escudero and Trillanes in 2016 … yeheyyyyyy!!!!!!
“can he be trusted? hindi kaya niyang iregalo ang supporta sa ninang niya?”
Diyos ko naman Rose. Ninang lang yan. Kung magulang nga hindi kailangan sundin ng anak kung alam niyang mali, ninag pa. Bakit ikaw Rose, sa lahat ba na bagay, you are dictated by your Ninang?
Nanghahanap lang kayo ng dahilan na wala naman dahil may gusto kayong iba. Gusto mo si Noynoy o si Villar,o si Gibo. Kahit si Erap. Go ahead. Huwag na kayo gumawa ng kung ano-ano pang issue na wala naman.
Ginagawa mo ang isang bagay dahil paniwala mo yan ang tama. Hindi dahil sigurado ka manalo.
Pinakabata si Chiz ngunit siya ang may napakitang leadership noong nilalabanan nila si Gloria sa House of Representatives.
Our Constitution says a president should be 40 years old. at yun ang eadad ni Chiz. He is young but he is not immature.
Ilan sa mga matatanda nating pulitiko ang kurakot at walang alam. Hindi nakukuha sa edad yan.
Al, ang isyu dito ay Sorsogon. Ilan taong naging representative ng Sorsogon ang tatay niya? Tapos sya. Bakit isa sa pinakamahirap na distrito pa rin ang Sorsogon hanggang ngayon. Ano ibig sabihin nito? The Escudero’s are in politics just for the power that goes with it.
Al,
Adre napaguusapan lang natin itong si Escudero dahil siya itong topic. Di ba obvious na iba ang aming manok? Pag itong aming manok naman ang topic e di siya rin ang ating paguusapan.
Kung hindi man siya kurakot etong si Escudero sa ngayon … malay mo balang araw magiging katulad din ng Ninang niya o baka mas grabe pa.
Kaya nga dapat huwag natin palampasin ang pagkakataon … kailangan mahusgahan si Glorya at kung nagkasala … ikulong … para di dapat pamarisan. Siya ang ating problema sa ngayon.
Baguneta, pwedeng pakibigay ng mga congressional districts na umasenso dahil sa congressman nito?
Ang slums ng Metro Manila ay mas mahirap pa sa distrito ng Sorsogon ay meron ding congressman, napa-angat ba ng congressman nila ang kabuhayan nila?
O kita mo Igang Al …. sa kanilang lugar ay di pala sila sikat. Puro ngakngak lang pala. Galing itong batang ito sa isang kilalang angkan ng mga politiko kaya huwag kang masyadong magtiwala. Halos pare-parehas ang bituka nila.
decisiveness in making decision is one mark of leader and that’s one thing that i was looking sa mga wannabes. unfortunately, at the rate loren is acting tipong black white, left right, ano ba?! as in am sure mapapagod ang tatlong ginoong yan na sina chiz, manny and gibo. it must feel good siguro nga na nililigawan ka.
thing is loren did not learn anything from noli. sa kaka-intay nang barkong masasakyan, ayun naiwanan sa pantalan.
ROSE:::
Siguro naman naliwanagan ka sa sinabi ni Al. Mababaw kasi ang rason mo na dahil ninang siya ni chiz.
baguneta – October 27, 2009 1:10 am
Pumunta ka sa Tarlac city walang asenso. Ang daming tambay at lasenggo. Napakarami rin squatters. Pumasyal ka sa mga market at schools… amoy dumi ang amoy… kaninong bayan ito!? di ba kay abNOYnoy! at ganun din kay gibo.
bago ka magsalita dapat e research mo muna kung progreso rin ba ang mga kalaban niya.
Tedanz – October 27, 2009 1:24 am
Miembro ka rin pala ng salitang “Malay” mo. Kaya naman lahat ng naging presidente pasaway. Im sure meron kang manok doon sa mga pasaway na presidente.
Tedanz – October 27, 2009 1:30 am
Pareparehas pala ang mga bituka ng mga presidentiables kaya ikaw nalang ang lumaban na presidente dahil siguro naiiba ang bituka mo sa kanila hikhikhik
Baguneta, pwedeng pakibigay ng mga congressional districts na umasenso dahil sa congressman nito?
… WAIT NAMIN ANG LISTAHAN MO.
… Isa ka rin yatang inventor at fabricator
Ano ka ba naman Ate Loren, presidente ba ang hanap mo o asawa? Dami kamong lumiligaw sayo eh.
Si Loren naghahanap ng matandang papa… parehas sila ni zsa zsa padilla na ang type nila ay amoy lupa na.
Daming ka-ekekan itong si Aling Loren, ang dating tuloy ay mayabang. Nagpapa-hard-to-get pa. Kung ako kay Chiz, iba nalang pipiliin kong bise kung si Loren lang naman. Parang recorded message ng mga phone companies pag di makontak ang tinatawagan:
“The number you are calling cannot be reached.”
“The Loren you are calling cannot be reached.”
Si Aling Dionisya nalang kaya? 🙂
AGAIN..
Ikaw ATE Ellen sino ba ang iboboto?????
So Hati – Hati ang nandito sa Blog ni Ellen.
Si Chiz – ay doble kara at gumagapang pa ilalim sa kabila. Ninang don’t worry just give my pork barrel.
Noynoy – Walang nagawang maganda sa senado at dahil lang sa namayapang ina ay nag lakas na ng loob tumakbo para sa pag ka presidente. Kung buhay ang nanay niya ay saan lugar siya ngayon.
Mar – dahil lang kay Korina at puro dada lang din
Villar – pinaka mayamang senador at maraming under the table na negosyo.
Erap – nag hahangad na naman at matanda na. ang gusto ko lang kay erap ay kinuha niya si BINAY. na isang talagang oposisyon na hindi natatakot sa arroyo’s.
GIBO – ay kahit watak – warat ang oposisyon ay di mananalo ito. Puwera lang kung palabasin ulit si Garci at si Abalos at ang mga GERMS-NERAL.
So Sino sa kanila…
Ang mga obispo ay sana huwag ng sumali sa mga ganito at isa sila nag pahirap sa bansa natin dahil kulang rin sa pansin.
Katoliko ako at ang simbahan ay huwag ng maki halo dito.
“Ikaw ATE Ellen sino ba ang iboboto?????” — vonjovi2
Si Chizzzzzz sino pi!!!!!!!!
Ako kay Glorya na lang!!!!!!! lol
Sobrang arte talaga ni Loren sinta, nakakainis. Nagpapaligaw ng husto e!
Tinanong ko si Malou kung lilipat din siya sa kampo ni Noynoy katulad nina Serge Osmeña at Yolly Ong. Sabi niya, “I will be above the fray.”
Sus, si Malou naman. Dalawa lang ang pwedeng above the fray mo e. Ang iyong iniwan na si Chiz at si Nwoy. Isa pa ito na maarte.
Kung ako kay Chiz ay mas ayaw ko sa kanya, kay Loren sinta. Imagine, nagdeklara na gustong mag-vp pero mag-isa sa entablado at pa-kwidaw and dating. Malaki pa sa Araneta Coliseum ang ego ng bff ni Angara na ito.
Sakaling ma-elect si Chiz at Loren ay malamang na ma-Erap din siya. Kaya ngayon pa lang ay huwag siyang tutulog-tulog, hehehe!
AdeBrux – October 26, 2009 9:52 pm
I want to know what Escudero’s thoughts are on the corruption charges against Gloria and her ilk. What he intends to do if he is elected.
—
Same here.
“I am like the bamboo, resilient,” -Loren
Wherever the direction of the wind takes her. Huh, daming mukha nito!
Nathan, naamiendahan na pala ni Loren ang Family Code ni Tita Cory? Ay, ayaw ko nyan! Kung hindi pakasalan, dapat ay sa nanay ang apilyedo ng bata, fair lang.
From Jegz:
Ang mga tunay na gising na mamamayan lamang po ang pipili kay Sen. Chiz ….
Dito natin malalaman kung anong mentalidad meron ang karamihan sa ating mga kababayan…lagi tayong nagrereklamo sa kabulukan ng gobyerno..samantalang sa panahon ng halalan di man lang makapag isip ng matino…oo nandun na tayo…kesyo feel nila si ganito… pero iniisip ba nila o inaalam kaya ang kakayahan ng pinipili nila…
Tama po kayo…mas may leadership character pa po si Mar kaysa kay noynoy… Isipin po natin kung ano ang dahilan ng pagtwist ni noynoy from mar for president… Klarong klaro…..dahil sa papularidad…sa tingin mo ba tatakbo si noynoy kung alam niyang dehado siya? Hindi cguro…. Sabayan pa ng kapatid nyang si Kris na wala naman akong kabilib bilib kung sa kagandahang asal lang naman ang pag uusapan…pweh….
Oo na…malinis ang rekord ni Noynoy pagdating sa kurapsyon…pero may paninindigan ba ang taong yan?? Ang mga taong nakapaligid sa kanya..mapagkakatiwalaan ba??? oMG
Sa pagsuporta nya sa bill na inaayawan ng mga obispo ngayon… may malinaw pa siyang stand:? WALA.. bakit??? Dahil kaya sa mahina sa category si Noy?
Mas OK pa nga si Mar sa kanya…subalit dahil sa kasikatan dala ng namayapang inang si Gng.Cory..sumasalangit nawa..ayon…mabilis pa sa alas kwatro…I will run for president…
Sa bisayan may reaksyon kami jan…”Wa ka malipong?”
Wag mong idaan sa kasikatan wui…ilatag ang plataforma. Ipakitang matibay ang dibdib at hindi playing safe.
Kaya para sa mga gising na mamamayan.si Chiz ang tamang choice….
Kelan pa ba tayo tuluyang magising lahat?? HOY GISING!!!! yun lng po..
Gising na kami..mi..mi…mi mi!!!!!!
Baka ikaw Jegz binabangungot ka lang.
Chiz loves to talk but no accomplishments on seven years of pork barrels which came out empty for the people of Sorsogon, a tragic story. He should have his own talk show, so that he can talk to his fans to death and earn his money instead of stealing the money of the people of Sorsogon.
Sorsogon is a very small province and Chiz did not do anything there, zero accomplishments, but steal the seven years pork barrels of Sorsogon. What will happen to our beloved Philippines which is much larger than Sorsogon if Chiz becomes president?
Say Chiz!
Siguradong ngising aso na si Gloria!
Para sa mga nagsasabing lalamya lamya si Noynoy. Hamunin nyo kaya ng barilan para malaman nyo kung sino ang lalamya lamya sa inyo. Di kesyo tahimik yung tao ay di na buo ang dibdib at walang paninindigan. Tanungin nyo si Gringo O’ Nasaan. Inambush ng mga RAM boys nya sina Noynoy at Korina malapit sa Malacanang noong Aug 87 coup. Lumaban ng barilan yan kahit sugatan. I don’t know kung kaya yan nang ibang kandidato sa pagka Pangulo. Baka pag naupo ng Pangulo at makarinig lang na kukudetahin ay sabay layas na agad. At ngayon ay gusto pang humirit for the final performance kuno?. . .hehe. . .sanamagan. . . How do i know? Dati po akong tanod sa malacanang. . .hay naku. . .
off topic: 246 days to go! wala na si gloria!!!!
Loren’s track record is muddy. A political butterfly and now a political flirt.
At first, she was deadset on the Presidency. When no political party was willing to get her as Presidential candidate, she got depressed.
Then she decides to be Number Two na lang. She seems comfortable in that position anyway. Then the suitors come flocking.
Hey, this feels great. Then she dashes up her soapbox and does her jig and contorts herself trying to impress the crowd. Look, people…so many suitors. And proceeds to squeeze every last drop of publicity out of it.
The latest survey says she’s still way down there compared to Mar Roxas.
I think she needs a bigger taller soapbox.
I still prefer Noynoy than Chiz. Wala kong tiwala dito kay Chiz. to think na kunin nyang ninang si Gloria after mamatay si FPJ, anong klaseng delikadesa yan! Anong ibig sabihan nyan?
Nung kainitan ng Senate hearing against Gloria… ano ba ginawa ni Chiz? wala… tameme! buti pa si Noynoy kahit papano, may nasabi.
Ang importanteng kandidato e kung sino magpapakulong kay Gloria dahil kung hindi.. tuluyan pa din maghahari ang mga demonyo sa Pilipinas!
And start acting like a lady.
As for Chiz, the biggest question in my mind is “If his boss Danding and SMC start getting into shady sweetheart deals with government, what is he going to do about it?” Will he be like Gibo? And just say, “leave it to the Ombudsman?”
And “What is Chiz’ stand on the coco levy funds and the recent conversion of the coco farmers’ shares in SMC into preferred shares?”
Our political system is so flawed that no matter how good the winning candidate is, corruption prevails.
Si Ate Ellen ay di sinagot kung sino ang gusto niya at kung bakit. Tutal baka mabigyan mo kaming mga bloggers mo dito ng aral kung bakit iyun ang pinili mo para ma muno sa atin.
Kailangan nga lang ay ipaliwanag ng husto kung ano ang nagawa at gagawin sa dadating na panahon.
Hati hati ang mga tao dahil ang mga oposisyon ay kanya kanyang hangad na maka kuha ng kapangyarihan sa bansa natin at baka hangad rin mag nakaw. Ikaw nga ay tapos na kayo at kami na naman. Iyan ang nangyayari sa atin simula ng mawala si Marcos. Kung tutuusin ay mas maunlad pa tayo noon kay Marcos kesa sa ngayon.
Sino ang karapat dapat mamuno sa atin.
Kahit anong sabihin nila, kahit humaba pa ang baba nila kagaya ni Ai-Ai, kahit umabot pa sa langit ang kanilang simangot, kay Erap pa rin ako.
Nakangiti ang araw, at maliwanag pa sa mukha ni Aling Dionisia ang katotohanang, si Erap na naman ang magiging idolo ng bayan.
Panalo si Erap para sa akin.
Tedanz – October 27, 2009 8:32 am
Gising na kami..mi..mi…mi mi!!!!!!
Baka ikaw Jegz binabangungot ka lang.
OO nga gising ka tedanz pero inaantok ka pa rin dala ng mahinang pag iisip hikhikhik…
Siya ang karapat-dapat na mamuno sa atin, siya si bionic yata ang kanyang mga paa at may paninindigan.
henry90 – October 27, 2009 10:44 am
BALITANG KOTCHERO KA.
kaw kaya ang maghamon kay abNoy para makita natin kung sino sa inyong dalawa. kaw na rin ang magtanong kay gringo honasan kung natatandaan pa niya.
Tanod ka pala sa malacanang! kaw siguro yung nakikita kong laging bitbit ay tabo.
Tanong sino ang mag papakulong kay Gloria at sa mga alagad niya kapag may pumalit na sa nakaw na puwesto.
Si Chiz ba, Si Noy2, Si Villar, or Si Erap.
Sa palagay ko ay wala dahil lahat ng mga ito ay may under the table na usapan kay Gloria.
Baka puwede pa si Binay kaso mahihirapan. sabagay walang matatag na bise presidente na kalaban si Binay. Si Loren na walang paninindigan rin at kayang bilhin sa tamang presyo.
perl – October 27, 2009 11:35 am
Kaw na rin kayang kunin kong “Ninang” para sa ganun buddy buddy tayo sa lahat ng pagsubok. IBIG SABIHIN MAS MATIMBANG BA ANG NINANG kesa sa sariling mong dugo!?
Mababaw ang rason mo perl.
vonjovi2 – October 27, 2009 12:53 pm
Si Ate Ellen ay di sinagot kung sino ang gusto niya at kung bakit….
vonjovi2>>> si manang ellen iisa lang siya kaya wag muna siyang tanungin kung sino ang iboboto niya. Remember MILLIONS ang botante hindi isa ok!
Kay chiz ay napapabilib ako dati pero ng isiniwalat ni Mikey Mouse ang pag u under niya para maka kuha ng pork barrel sa ninang at di naman nagagamit sa lugar niya ay nawawalan na ako ng tiwala sa kanya. Ni hindi niya pinag laban na HINDI AKO HUMIHINGI AT HINDI YATA NIYA HINARAP SI MICKEY noon para sabihin na hindi totoo ang pinag sasabi. Kaso tahimik lang siya at di siya maka palag.
Si Noy2 ay sumikat lang dahil sa pag kawala ni Cory. Nakikisakay lang dahil sa popularidad ng namatay na Nanay. Isa p ang Black movement pa ang nag iindorso sa kanya at iyang grupo na iyan ang isapang suwapang sa kapangyarihan kaso na isahan sila ni Gloria na mas suwitik.
Si Erap ano ba ang makukuha ulit natin sa kanya. Gusto ng masa kaso tiyak ko na di niya kayang ipa kulong si Gloria dahil may usapan na sila. Kung di pa naman siya pinalabas sa kulungan ay ano pa.
Si Manny Villar isang pinaka mayamang senador na ang daming under the table na negosyo. Maraming pinasok na negosyo sa gobyerno na ang karamihan ay dummy niya.
Ni isa dito ay di man lang nag sasabi na ipapakulong nila si Gloria kasama na ang pamilya kapag nahalan sila.
Oposisyon at watat warat hanggang ngayon dahil sa kapangyarihan na makakamit nila.
vonjovi2 – October 27, 2009 12:53 pm
Si Ate Ellen ay di sinagot kung sino ang gusto niya at kung bakit….
vonjovi2>>> si manang ellen iisa lang siya kaya wag muna siyang tanungin kung sino ang iboboto niya. Remember MILLIONS ang botante hindi isa ok!
IISA nga lang siya pero mas nakaka alam sa atin dito dahil isa siyang reporter at tayo ay manbabasa lang kaya nga sabi ko ay kailangan rin niya ipaliwanag sa atin dahil para na rin gabay sa atin dito. Mas malamin ang ka alamanan niya kesa sa atin lalo na ang mga taong nasa ibang bansa.
Kaya sa kanya ako nag tatanong dahil mas alam niya kesa sa iyo or sa atin dito na puro lang tayo dada.
naku po..!! no matter whom you put there as your leader or president, it will be the same banana.even a holy man can turn iton judas escariot, for a few pieces of silver.and it will be the same despicable.. the pinoy motto, ” kami naman or weather weather lang yan..”
magpaka totoo tayo, this is not a wake up call, it`s the final alarm, huwag na nating bulahin ang sarile natin.. the philippines is not a sinking ship, eto po ay lubog na, wala ng pag asang ma e ahon pa..we have to overhaul the whole system, and the filipinos moral values, educate the masses especially the electorate..parang sa akin, ibang lahi talaga ang pilipino, ang ugali natin ay hindi ko maintindihan, bakit pag nasa ibang bansa tayo, sumusonod naman tayo sa batas nila, bakit sa sariling bayan natin ay hindi natin magawa,lahat ng ating kinikilalang bayani, ang naging kaaway o pumatay ay pilipino.. siyam na taon tayo na winalanghiya ni GMA, kasama ang mga demonyong alipores niya, ating natanggap at pinagpasensiyahan..ano kaya ang karma ng ating bayan..noong si erap ang nanalo sa halalan, di pa nakakaupo, ang gusto kaagad ay patalsikin siya, courtesy of the late cardinal sin, with his famous word and i quote..” anyboby but not erap..”
Allan – October 27, 2009 1:13 pm
vonjovi2 – October 27, 2009 12:53 pm
Si Ate Ellen ay di sinagot kung sino ang gusto niya at kung bakit….
vonjovi2>>> si manang ellen iisa lang siya kaya wag muna siyang tanungin kung sino ang iboboto niya. Remember MILLIONS ang botante hindi isa ok!
Mas maganda ipaliwanag diba ni Ate Ellen kung sino ang napipisil niya at kung ano ang nagawa sa bansa natin. Alam ko Allan na gusto mo si chiz kaso kailangan pa rin malaman kung ano ang ginawa niya sa ibang perang nakuha at kung napabago ba niya ang probinsiya na hinahawakan niya. Kay sabi ko noon ay bilib ako sa kanya pero ngayon ay nag dadalawang isip ako dahil di niya na ipag tanggol ang sarili niya ng ibisto siya ni Mickey.
Kung ma ipapaliwanag ni Ate Ellen at maliliwanagan ang utak natin at mas maganda kesa sa iyo na puro lang dada rin dito.
Sa mga kume-question na bata pa si Chiz… ang sagot jan, ipa amend ninyo yung constitution na hindi 40 years old ang minimum age ang pwedeng tumakbo sa pagkapangulo.
vonjovi2 – October 27, 2009 1:31 pm
Hindi sila magka lebel ni Chiz at Mikey Arroyo kaya ayaw niyang patulan ni Chiz. Isang halimbawa nalang si Chiz ay matalino (((((Obvious))))) naman diba! at galing sa mahirap na pamilya na hindi magnanakaw… Samantalang si Mikey Arroyo average ang IQ parang si abNOY din. Ang pagkakaiba like mother like son si Mickey Arroyo. Sa liit ng sahod ng mga yan makakapag-bahay ba ng magara at makakabili ng mga mamahaling sasakyan.
Si Mickey Arroyo baluktot din ang dila niyan at pag-iisip tignan mo nagkabuhol-buhol yung statements niya tungkol sa issue ng bahay niya sa california.
SO VONJOVI2>>> paniniwalaan mo pa ba si Mickey Arroyo sa mga paninira niya kay chiz kung ang mga statements niya noon sa house niya ay fabricated…
Allan, Kahit di sila mag ka level ay kailangan mo pa rin ipag tanggol ang sarili mo dahil nasisiraan ka ng pag katao at may hangarin ka sa buhay. lalo na sa politika.(ikaw ba Allan kung sirain ang pag katao mo at di mo ka level ay babalewaahin mo lang ba at ayahan mag dalwang isip ang mag kakilala mo) Madali lang naman iyun kung talagang hindi totoo ang sinasabi ni Mickey ay hamunin niya mag pa lie detector silang dalawa at para malaman kung sino ang nag sasabi ng totoo. Isa lang iyan na dapat niyang ginawa kesa tumahimik or di niya ka level. Noong una ay bilib ako sa kanya pero ni hindi ko siya nakitang nakipag talo kay mickey at ipag laban ang sarili niya. Ngayon ay nag dadalawang isip ako para sa kanya. Hindi rin basta basta mag sisiwalat si Mickey na walang hawak na alas. Lalo na ang pag bibitangan ay kilala sa atin.
Kung tatakbo siyang presidente ay gusto kong marinig sa bibig niya at ipapakulong niya ang pamilyang arroyo pag nanalo siya. Iyun lang at baka bumalik pa ang pag titiwala ko sa kanya.
Ang sarap pag SEM Break.. tapos na ang oras ko sa coffee shop.
Sino sa kanila ang karapat dapat…
Allan – October 27, 2009 1:10 pm
perl – October 27, 2009 11:35 am
Kaw na rin kayang kunin kong “Ninang” para sa ganun buddy buddy tayo sa lahat ng pagsubok. IBIG SABIHIN MAS MATIMBANG BA ANG NINANG kesa sa sariling mong dugo!?
Mababaw ang rason mo perl.
====================================================
Allan, sensya… hindi ko makuha point mo sa NINANG at SARILING DUGO. Kung sayo mababaw lang ang issue na yan…pero sakin BIG DEAL yan. Chiz was representing the opposition sa panahon ni Erap at FPJ dahil sya ang spokesperson. Alam nman ng lahat kung ano naging papel ni Gloria sa EDSA 2 at dayaan sa 2004 eleksyon.. tapos kukunin nyang ninang ang demonyo. Kasabwat ni Gloria si Chiz, yan ang tingin ko…
vonjovi2 – October 27, 2009 1:05 pm
Kung wala kang tiwala kina Chiz ba, Si Noy2, Si Villar, or Si Erap…. IKAW NALANG ANG TUMAKBO PARA SA PRESIDENTE. Malamang buong pilipinas maisasanla mo hehehe. Idolo mo siguro si Mickey Arroyo kaya baluktot din ang pag iisip mo .
perl – October 27, 2009 2:38 pm
kung big deal sayo “fine” at nirerespeto natin.
sabi mo sa tingin mo magkasabwat sila gloria at chiz… payo lang perl wag mong tignan, tanungin mo silang dalawa. kasi walang mangyayari kung tingin lang.
Lets just vote for whoever it is we want to lead us, period. As for some of us who don’t see any option and will not force ourselves to just choose the lesser evil, we won’t. That way we can say “I told you so!” after you guys have put in place the next set of public officials, one thing though, accept the responsibility for your actions and accept the blame because as early as now we can see what the future will bring…
In any transaction, it should be “win/win” or “no deal!” If we still cannot operate under those conditions we’re doomed to fail all the time…
henry09..
alam ko na dati kang tanod sa malacañang…sa tono palang ng pananalita mo..sa pagkampi mo kay noy…
dahil ikaw yong tanod na humugot kay ninang cory sa ilalim ng kama dvah????
o…baka naman…magkasama kayo nun sa ilalim ng kama???
sabagay…wala na naman si ninoy…yatap na…
wawa ka naman…wla na rin si corix…
perl…
alam ko kung sino ang napipisil mong kandidato….si bro mike velarde….hhehehe..kasi elshaddai ka…
kaya malabong si chiz ang mapili mo…raise da roof ka ksi..
amen???
vonjovi2 – October 27, 2009 1:05 pm
tama ka igang allan…idol nya si mikey baluktot…heheheh..
sablay ka na…pasaway ka pa..pweh….
vonjovi2 kanta ka na lang kaya ng it’s my life pare para may pakinabang ka nman..
Jegz, ang sa akin lang, dapat i pweh …dito ay si Gloria lamang. Pangit naman ang dating kung i-address mo yan sa co-blogger natin dito. Napaka low naman nyan.
Itong link sa baba ay isa lang sa mga comments na di pabor kay Chiz:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/letterstotheeditor/view/20090907-223964/Escudero-still-young-but-already-certified-trapo
martina – October 27, 2009 6:08 pm
Milyones and botante at hindi iisang tao.
Ang inquirer ba pag-aari ng ABS-CBN? kung sila man… sila-sila rin ang gumagawa ng mga opinion kunwari.
Milyones ang botante….
martina,
I knew there was something behind that blabbermouth, eyes looking straight at nothing, mouthing off seemingly insincere monologues…the eyes tell you what the mouth tries to hide…is it true then that nobody is more qualified than Gloria? All we can come up with are clones?
For me, Chiz and Gloria have one thing in common – I can’t stand watching them. There is just no sincerity when they talk. I bet there is more sincerity at the tip of Willie Revillame’s crooked finger than from the whole body of them both.
Tingnan mo tong mga saling-pusa dito. . .di kayo makakakumbinsi ng mga kakampi dito para sa mga manok nyo if u resort to name-calling. Most of the suking bloggers dito address no one in particular pag may mga comments sila about a certain issue. That betrays the shallowness of your take on things guys. We respect ur opinions so dapat ganun din kayo. Most of us dont know each other so wag pikon. issue lang po. Let’s keep the discussion cerebral. . . the owner of this blog would want it that way. . dating tanod sa malacanang. . .hehe. . .
Palagay ko, kailangang irepost yung sinabi ko sa naunang thread last week:
I want to look at 2010 as the Pinoy’s attempt at reclaiming what rightfully belongs to him- a government that embodies his ideals, promotes his welfare, and develops his patrimony for his own interest. 2010 is a battle the Pinoy must win. Mapamahirap, mapamayaman, mapamasa, mapaelitista.
Sa bandang huli, iisa lang naman siguro ang gusto nating lahat, e. Nagkakaiba lang tayo sa napupusuang pamamaraan. Saan man humantong ang pakikibakang ito, tinitiyak kong magkikita rin tayo sa dulo, at doon, magkakapatid pa ring magyayakap-yakap: maaaring sa pagdidriwang ng tagumpay, maaari rin namang sa pagluluksa ng muling pagkatalo.
Issues lang and the presidential/vp wannabees and elected/appointed public officials, pwede?
nathan,
ano naman iyong batas na ginawa ni ramon revilla sr. para payagan ang mga ilegitimong mga anak na gamitin ang apelyido ng kanilang ama? ginawa niya ito siguro sa maraming niyang anak sa labas.
nathan,
ano naman iyong batas na ginawa ni ramon revilla sr. para payagan ang mga ilegitimong mga anak na gamitin ang apelyido ng kanilang ama? ginawa niya ito siguro dahil maraming siyang anak sa labas.
Erap = weder weder lang yan
Villar = pera pera lang yan
Noynoy = uto uto lang yan
Chiz = talk talk lang yan
Sa “weder weder lang yan” na ako kasi ako ay isang dukha lamang. Sabi nga si “Erap ay para sa mahihirap” …. yeheyyyy … mas marami yata kami(compliments of Glorya) … huwag lang gagarsihin.
Sa tingin ko naman hindi lahat ng cases ng ganyan ang lalake ang nagkulang sa relasyon.
The previous law was cruel to the children who were left to the father na kailangan pang ampunin ang sarili nilang anak,hindi lahat sa mother naiiwan meron din doon sa tatay.
And also dapat bigyan ng rights of legitimization kung nagpakasal sila lalo na sa mga anak ng nag-live in tapos nagpakasal.
And also i-allow na sana ang divorce para mas less na yung mga illegitimate children dahil maraming ayaw magpakasal dahil walang divorce.
Comelec thumbs down mutineers’ bid to form political party
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/27/09/comelec-thumbs-down-mutineers-bid-form-political-party
Bago pa ba ang ganito sa gobyerno ni panduck?
Tama ka Ellen, sobra talaga ang arte ni Loren. Bumaba talaga ang tingin ko sa babaeng ito. Masyadong peke!
MPR, takot si Gloria, takot ang KOMOLEK sa Magdalo. Ang lintek na KOMOLEK, kung communist nga ay binigyan ng respresentasyon sa Tongress, ang Magdalo ay ayaw, of course sa order ni panduck.
Bugok talaga ang Pinas KOMOLEK, ano ang aasahan natin dyan sa mga hinayupaks. Bah, malakas pa ang hataw ni pandakekak.
Sabi ng Komolek, the Magdalo “still harbor the propensity to engage in another illegal adventure similar to the failed mutiny six years ago should they again fail to achieve their goal”.
How woulds they know of the real intent of the young Magdalo? Besides, kaya nga nag-apply ng representasyon sa Congress ay para dun nila ihinga ang kanilang goals at hindi sa kalsada o hotel.
Lintek na ruling yan, hula-hula lang. Bakit hindi na lang gawing Komolek commissioner si Madam Auring, baka mas tama ang hula.
Astig pa namang pakinggan … Magdalo Party … bagay lang sa magigiting na kasundaluhan .. pero hindi yata bagay kay Chiz. Siguro naman may reason sila kung bakit di pumasa sa Kumolek. Mahirap naman kasing aprob ka na lang ng aprob … kung nagkataon … sandamakmak na ang samahang pam-politikal kagaya ng mga Party List.
Ang bagay nga pala kay Chiz ay yong maging tagapagsalita ng PAGASA.
Chi, habang nadiyan si panduck, malabong bigyan ng accreditation ng Comolect ang Samahang Magdalo.
Di ba sabi ko nga, basta appointed ni goyang walaaaaanng kredibilidad?
Meron ba si Melo?
Di ba’t kumikilos siya ayon sa kumpas ng mga kamay ni goyang?
Allan – October 27, 2009 2:43 pm
vonjovi2 – October 27, 2009 1:05 pm
Kung wala kang tiwala kina Chiz ba, Si Noy2, Si Villar, or Si Erap…. IKAW NALANG ANG TUMAKBO PARA SA PRESIDENTE. Malamang buong pilipinas maisasanla mo hehehe. Idolo mo siguro si Mickey Arroyo kaya baluktot din ang pag iisip mo .
Jegz – October 27, 2009 3:38 pm
vonjovi2 – October 27, 2009 1:05 pm
tama ka igang allan…idol nya si mikey baluktot…heheheh..
sablay ka na…pasaway ka pa..pweh….
vonjovi2 kanta ka na lang kaya ng it’s my life pare para may pakinabang ka nman..
Eto ang mga taong mas baluktot ang pag iisip. Di na uunawaan ang sinasabi ng mga bloggers dito at eto ang puro dada na akala nila ay marunong pa sa langgam ang pag uutak nila.
Akala nila ay may pakinabang sila kung maka pag sulat ay parang si Gloria ang asta. Ni hindi naman nakakatulong sa bayan. DADA lang ng DADA dito at nagagalit kapag napapansin ang IDOLO nila or nasisita dahil may tinatagong kababuyan.
KAY BINAY NA LANG AKO…
Tedanz,
Ang sa akin ay dapat nilang aprubahan ang Magdalo as a regional political party list if Comelec is a fair and just commission. Ang mga Arroyo’s ay may party list with Malou, Pidal’s sis as rep, ang anak ni Hamburjer Abalos na traysikel association ay meron din, the Leftists have their own, etc. pa. Why not the Magdalo to represents their goals and objectives for the country? Ang layo naman ng adhikain ng mga mentioned party list dun sa Magdalo.
I don’t think Chiz is relevant to the application of the Magdalo as a party list. Chiz may not even pursue his candidacy at the end if he’d find it difficult for him to win, and the group might endorse another candidate. Kung hindi rin gusto ng iba ang pipiliin nila (kung pipili man) e di ganun din ang batikos sa kanila.
Para sa akin ay iba ang Magdalo at ang kandidato nila. I’m not bound to vote whom they endorsed very much like BGen. Lim and Col. Querubin are not committed to join or affiliate themselves with the party of Chiz. But I believe in what the Magdalo stands and are fighting for.
Vonjovi, walang problema sana sa akin kung si Lacson o Mar o Binay ang presidentiables.
Sa mga availables ngayon e kailangan ko silang titigan ng maige bago ako pumunta ng presinto. Tapos hindi pa nakakatulong ang mga bashers ng mga bloggers dito sa Ellenville. Kanya-kanya siempre yan, yun iba have already chosen, some have not.
Sana, if they can make a case out of their manoks, that would be a great help for us who will be voting outside of the country. Yun lang…
Sabi ni Loren, hindi daw siya kinakausap ni Chiz at hindi daw totoo na may mga kinakausap siyang mga ibang presidentiables. Ano ba yan? I do not know kung itong Chiz at Loren eh gumigimmick lamang. Kunyari maghihiwalay sila so the people will be curious. In the end magkasama pala sila.
Chiz said a few weeks ago na marami daw siyang “open” na options but affiliating with Villar is not one of them. In politics, just like anything, one has to learn to refrain from issuing statements that may be detrimental to ones’ candidacy, both himself and that of the other. It is always best to make issues on ones capability and not destroy the others’. Ang mga nagsisiraan ay katulad ng mga “crabs”. Lahat sila ay mananatili sa ilalim at kahit kelan ay hindi makakaangat.
Chiz should have declared his intentions by now. Everybody is way ahead of him already. Someone mentioned about Chiz’s pork barrel during his stint as congressman and now as senator. I wonder if he ever got hold of his pork since he belongs to the opposition. Isn’t it that it’s Gloria’s “rule” that whoever goes against her will not get their share of the pork?
A plus for Chiz.
___
SUSAN KAY CHIZ!
http://www.abante.com.ph/issue/oct2809/default.htm
Wala mang linaw kung sino ang kanyang magiging running mate, tiniyak kahapon ng kampo ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na buung-buong haharap sa publiko ngayon ang batang senador upang ihayag ang kanyang plano sa 2010 presidential elections at ang pinakamalaking sorpresa nito ay ang pagsuporta sa kanya ng biyuda ng yumaong Philippine movie king na si Susan Roces.
Kinumpirma ng isa sa top official ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang pagharap ni Roces sa declaration ni Escudero ngayong alas-10:00 ng umaga sa Club Filipino, Greenhills, San Juan kung saan magiging ‘all-out’ ang suporta ng beteranang aktres sa batang senador, kasama ang buong FPJ-PM movement na solidong nasa likod ng kandidatura noon ng namayapang si Fernando Poe Jr. (FPJ), mas kilalang ‘Da King’ ng local cinema.
Bagama’t magkaibigang matalik sina Da King at dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, mas matimbang diumano sa biyuda si Escudero, hindi lamang bilang inaanak sa kasal kundi itinuturing na ring ‘anak-anakan’.
Mike,
Chiz should have declared his intentions by now.
Is it necessary, i.e., he could do it by December…
Kahit kasama pa si Glorya sa miting-de-abanse ni Escudero. Hindi lang Ninang one but Ninang two.
Bakit si Glorya lang ang sinasabing ninang o wedding sponsor ni Escudero?
Maliban kay GMA,kasama sa mga sponsor sina Erap, Villar, Lucio Tan, Eduardo Cojuangco, FPJ at iba pa.
Anna, Chiz has to file his Certificate of Candidacy by Novemebr 30.
Mga bigatin pala ang mga ninang at ninong ni Chiz!
Susan’s backing is a big plus for Chiz. Para na rin siyang may sariling machinery. I now can see why Chiz can stand on his own. FPJ’s machinery is behind him and also the Magdalo. Medyo mabigat bigat din yan!
duane,
Si Glorya kasi ang bida …. siya ang problema baka nakakalimutan niyo na.
May katuwiran si duane. Kung walag maibatong issue laban kay Chiz maliban sa pagiging inaanak ni Gloria ay mababaw ang batayan ng points against him. Lalong lang titibay si Chiz sa kakulangan ng issue o kababawan nito. Maghalukay pa ng mas malalim.
Doon sa pagiging miyembro ni Escudero ng angkan ng politiko na hindi napaunlad ang Sorsogon, tinanong ko ang Mommy ko na isang Bicolana. Sabi niya, hindi puwedeng isisi kay Escudero lang iyan. Ang Bicolandia ang may pinakamaraming senador ngayon – sina Joker, Jamby, Gringo (taga-Sorsogon din) at si Chiz, pero gaya ng iba pang probinsiya, ay hindi daw uunlad hangga’t hindi kumikilos ang pribadong sektor.
May katuwiran ang ermat ko. Maliban kasi sa Metro Manila, Cebu, at Davao, ang ibang probinsiyang umunlad ay dahil sa paglawig ng negosyo ng pribadong sektor – gaya ng Laguna, at Cavite. Ang Laguna ay puro pribado ang kumilos, sa Cavite, malaki ang naging impluwensiya ni Johnny Remulla nung gobernador siya lalo’t ipinagbawal niya ang strike sa Industrial Zones. Ngunit ang Cavite ay exception rather than the rule. Kagaya din ang Las Piñas at Marikina na tanging mga siyudad na bagamat bitin sa pondo di gaya ng Makati ay naayos ang serbisyo sa mga mamamayan nito.
Isa lang ang maipipintas ko sa mga Bicolano, simula’t sapul, kontra sila lagi sa gobyerno, kaya nga diyan lumago ng husto ang NPA. Pero simula ng umupo si Erap, hanggang ngayon, ay saka sila kumampi sa gobyerno at isang malaking insulto sa mga Bicolano na isang anak ng Kapampangan at Ilonggo na taga-Quezon City na kaya lang tumira ng matagal sa CamSur dahil sinipa sa Ateneo-Loyola dahil addict sa damo, ay siya ngayong congressman nila.
Ngayon, kung muling mananalo pa iyan ay lalong walang ibang sisisihin diyan kundi sarili nila, ang mga Bicolano.
Nung una, si Lacson lang ang tinitignan kong karapat-dapat. Nang mawala siya ay kay Roxas ako napadpad. Nang bumitaw si Roxas ay pikit-mata kong sinusuri si Noynoy. Kung maghahayag si Chiz na sa Presidente siya tatakbo ay dalawa na silang pagpipilian ko.
Si chiz daldal lang yan. Yung sorsogon mula pa sa tatay nya na bata ni marcos…lupa pa rin yung mga kalsada, isa sa pinakamahirap na distrito yung distrito nila. Yung partido nya na NPC ni danding sa lower house eh mga tuta ni glorya, balikharap na partido. Pag may isyung nakasalang palaging play safe.
Bago ko malimutan, hinding-hindi ako papanig sa kandidatong hindi ipapahayag na pananagutin niya si Gloria at ang mga alipores sa mga kasalanan nito. Kahit pa si Erap, kung siya lang ang magsasabi niyan ay malamang siya ang piliin ko.
Sa akin, iyan ang pinakamahalagang batayan.
Alam nating mahirap gawin iyan dahil kahit sinong kandidato ay ayaw i-alienate ang sino mang botante, maging ito man ay mga maka-Gloria sa kasalukuyan. Politics is addition. Pero kung lahat sila ay gagawin iyan, si Chiz at Noynoy lang ang pagpipilian ko.
baguneta, lahat naman yata ng probinsiyang napuntahan ko, lupa pa rin ang karamihan ng kalsada, maliban sa Laguna at Cavite.
Tounge, si Joker, Jamby at Gringo ngayon na lang yan eh. Escudero naka pwesto na mula pa nuong si marcos. Kaya pweding isisi. Huwag sabihin na walang magagawa yung tatay niya nung panahon ni marcos…ang haba nun.
In fairness to chiz, kung kakampihan sya ni Susan Roces tyak na papanagutin nyan si gloria. Dahil alam ng lahat na sukdulan ang pagkamuhi ni susan kay gloria.
Tounge, pero hindi naghahangad maging presidente yung mga congressman dun sa probinsyang napuntahan mo.
TonGuE-tWisTeD – October 28, 2009 7:30 am
Bago ko malimutan, hinding-hindi ako papanig sa kandidatong hindi ipapahayag na pananagutin niya si Gloria at ang mga alipores sa mga kasalanan nito. Kahit pa si Erap, kung siya lang ang magsasabi niyan ay malamang siya ang piliin ko.
Sa akin, iyan ang pinakamahalagang batayan.
___
Yan din ang posisyon ko na matagal ko nang naipahayag dito sa Ellenville.
baguneta,
Kung hayagang sasabihin ni Chiz na pananagutin niya si Gloria, ora mismo ay sa kanya ng aking boto. In fact, naghihintay lang ako kung sinuman sa kanila ang maghahayag niyan. Ayaw kung humula dahil lang sa siya ay iiendorso ni Mrs. Poe kasi hindi naman ang huli ang kandidato.
baguneta, wala namang boboto sa tatay ni Chiz bilang presidente.
Si Chiz ang kandidato, baka magkalimutan tayo. Hindi si Buddy.
Gaya nung isa, hindi si Cory o si Ninoy ang kandidato, si Noynoy!
Saka si Joker, panahon pa ni Marcos Senador na din iyan, si Gringo na taga-Sorsogon din ano nagawa? Nakadalawang balik na siya, parehong administrasyon siya nakasabit – Erap tapos Gloria – kung iyan ang pamantayan, walang papasa.
Sinong Congressman o Senador na nga ang nakapagpaunlad ng isang distrito? Si…
Ang pork barrel ng tongressmen ng 2004 ay P70 million each.
http://www.worldmission.ph/10November04/Philippines.htm
Ayon kay Chiz ‘talk’ Escudero, hindi na nakatanggap ng pork barrel mula ng 2005. So, tumanggap si Chiz talk ng CDF mula ng nahalal sya bilang representative noong 1998 hanggang 2005. Seven years yan.
P70 million X 7 years = 490 MILLION PORK BARRELS RECEIVED BY CHIZ TALK ESCUDERO.
Ano ba ang purpose ng CDF? Di ba ang isa sa purpose ay to create an environment that will be conducive to businesses so that businesses will go to your district? Isa na rin ang political environment para maging conducive sa businesses at iba pang mga environment, etc,etc….
Ano ang ginawa ni Chiz talk Escudero sa 490 MILLION PESOS?
Isama na rin natin ang tatay ni Chiz mula ng panahon ni Marcos na nabanggit ni baguneta. Aba eh, siguro mabuti na ring iboto natin si Mickey Arroyo kung tatakbo sya bilang presidente dahil si Mickey Arroyo ang kandidato sa pagka presidente at hindi si gloria.
Off Topic pero may pagka-related:
May nakuhang butanding (whale shark) na 20ft ang haba sa Manila Bay. Nakitang tihaya pero humihinga pa kaya hinatak sa shore ng fishermen. Namatay din.
Alam ba ninyong malaki ang contribution ng mga butanding sa eco-tourism income ng Sorsogon? Ang namamahala sa pag-aalaga ng mga butanding doon ay ex-classmate kong si Karina Escudero na isa na rin yatang oceanographer.
O di ba related?
…P70 million X 7 years = 490 MILLION PORK BARRELS RECEIVED BY CHIZ TALK ESCUDERO….
Aba eh, siguro mabuti na ring iboto natin si Mickey Arroyo kung tatakbo sya bilang presidente dahil si Mickey Arroyo ang kandidato sa pagka presidente at hindi si gloria.
Yan na ba? Naloko na. Aba e mahina ang research. Sampolan mo nga si Enrile. Mula Panahon ni Cory hanggang ngayon.
Si Joker, mula pa yata kay Methusalem, este Makoy. Si Pimentel, 18 taon na yatang Senator kaya ipinapasa na kay Koko. Sa P200M per year mo kuwentahin.
Sa mga kandidato para presidente naman.
Si Noynoy, napalago ba niya yung Hacienda Luisita, I mean, Tarlac?
Si Gibo, ganun din? 3-term congressman ng Tarlac. Hmmm. Fully-mechanized na ang farming sa Tarlac, sa amin binili lahat ng traktora diyan…ng mga Cojuangco. Hehehe.
Siguro si Villar, magkano nga ang pork barrel ng House Speaker at Senate President, hindi pa kasama budget-singit ha?
A, si Erap, kasi napalago niya ang San Juan? Wow, ang laki yata ng San Juan, no!
Mahirap yata yang pamantayang iyan. Baka si Jojo Binay lang ang magku-qualify. Yung mga dating mahirap, nagkabahay.
Sa Rockwell!
Wala talagang malinis sa mga presidentiables. Blame the system too. Kahit na malinis na papasok sa pwesto, matututong maging transactional president dahil ang lahat ng mga nakapaligid sa presidente eh nasanay na ng “corrupt” way of life. Hindi isang maamong presidente ang kailangan natin kundi isang may katapangan na lider para hindi kakaya-kayahin ng mga demonyong nakapaligid. Kung yung tatawa taw at lamya lamya, wa epek yan!
Saan napunta ang mga pork barrel na tinanggap ni Erap? Kahit papaano ay may kinatunguhan ang pera para sa COMMUNITY DEVELOPMENT.
“His administration of San Juan was marked by unequaled accomplishments in infrastructure development. These included the establishment of the first san Juan Municipal High School, the Agora complex, a modern slaughterhouse, a sprawling Government Center with a post Office, a mini-park and the concreting of 98 percent of San Juan’s roads and alleys.
His administration of San Juan was marked by unequaled accomplishments in infrastructure development. These included the establishment of the first san Juan Municipal High School, the Agora complex, a modern slaughterhouse, a sprawling Government Center with a post Office, a mini-park and the concreting of 98 percent of San Juan’s roads and alleys.
As mayor, he paid particular attention to the elementary education of school-age children by improving and renovating school buildings and constructing additional school structures, health centers, barangay halls and playgrounds in all the barangays and providing artesian wells to areas with low water supply. He relocated some 1,800 squatter families out of San Juan to Taytay, Rizal, at no cost to the affected families. He was also the first mayor to computerize assessment of the Real Estate Tax in the Municipal Assessor’s Office.”
http://www.erap.ph/
Saan napunta ang 490 MILLION PESOS NA IBINIGAY KAY CHIZ TALK? Wala akong makita kay Chiz o sa website nya na ipagmalaki nya ang accomplishments nya sa Sorsogon sa halagang 490 MILLION PESOS na nakuha nya.
Xman, pang-campaign funds. He now can bank roll his own campaign without a lot of help…heh,heh,heh.
Lest we forget. Even if u have the most organized machinery there is in the political landscape(think Mitra in 92 and JDV in 98), this will not guarantee ur victory in any election. Pray tell me, will those members of the FPJ movement go for Chiz upon the say-so of Susan Roces? Chiz is not FPJ. This is not to denigrate Ms Roces who’s a far more dignified and respectable lady than Putot but I respectfully disagree with this observation. The only beneficiary of this fissure in the opposition ranks is Bigo. The opposition should watch intently the development in Mindanao. The administration will surely take advantage in the split by maneuvering to consolidate its hold in vote rich Minda. Remember, di pa nakukulong sina Garci at Bedol.
Xman, mukhang naka-glue yata ang mga mata mo kay Chiz sa pork barrel calculation. Itsa-pwera lahat yong iba samantalang mahigit 200 o 300 ang mga nasa house at 24 sa senate. Hindi naman siya nagiisa na tumatanggap, diba? Tumingin ka naman sa iba. Marami pang mas matagal na tumatanggap at mas malalaki bukod sa pdf. At saka lahat yan ay accounted funds, kasama sa budget, hindi nila ninanakaw. Ang kwenta mo nga sa 7 years 490million. Si Mikey nga dalawang term pa lang, bilyon na ang pera niyon hindi pa kasama yong kay kid brother at kay mama and papa. At lahat yan unaccounted, puro nakaw. Kung ayaw mo kay Chiz, at least be fair naman. Magbigay ka ng pamantayan.
Chiz will finally declare his candidacy tomorrow and at the same time outline his platform of government. From there anyone can make an analysis if he has the right stuff to lead this country rise from Gloria’s hell.
I just watched Chiz pronouncements on whether or not he would run for the presidency. He said he needs more time to strategize and make up his mind if he will run. he said that if re runs, he does not like to be tied up to a party who will dictate on what he will do and not do.
No matter how super smart Chiz is, running by himself with the help of even a lot of organizations and groups will be futile. In our political system, inaasahan na ang partido ang kikilos at gagawa ng paraan para kumuha ng pondo at tulong sa ibat ibang sektor. One needs and organization. maraming magsasabi na susuporta but where will the people get their gas money ( for the poorer sector) and printing, advertizing money. If our country has a large middle class who would not mind chipping in, baka pa. if I were him, I will start strategizing now for 2016. Together with Trillianes and the Magdalos and other youth movement, they can launch their candidacies for a higher office.
Almost every poorer barangay and town are always asking help from the candidates. Pati nga lang yung mga kakandidato sa pagka congressman at senator eh hinihingian pa ng mga donations para sa basketball team, fiesta celebration at atbp. YUn pa kayang presidentiable? Chiz has to have financial backing somehow. If he will not have that, medyo mahina ang dating.
Link of parasabayan’s post above:
(UPDATE) Escudero leaves NPC
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/28/09/escudero-leaves-npc
Medyo pinahanga ako ni Escudero sa ginawa niyang pagkalas kay Danding. Maaaring naramdaman niyang kumikiling ang huli sa kadidatura ng pamangking si Noynoy.
Tama si Tongue. Blood is thicker than brewed beer.
In richer countries, halos lahat ng kumakandidato sa mataas na pwesto eh may partido. Ang mga nag-iindependent candidate halos hindi nananalo. Sa atin pa kaya?
parasabayan, kung sakali, baka ngayon pa lang dahil sa pagkauhaw ng taong bayan sa TUNAY na pagbabago.
Huwag tayong mawalang ng pag-asa.
Bukas maaaring sumikat din ang araw sa kanluran.
Palagay ko may understanding na si Cojuangco at Chiz na ganito ang kahihinatnan ng pagtakbo ni Chiz. Para naman hindi masyadong mapahiya si Chiz, he has to leave on his own terms.
I kind of like Chiz kaya nga lang I know that it is too pre-mature for him to aim for the highest position when our country in in the state we are in. Mas kailangan natin ang may kakayahan na magpalago ng ating ekonomiya. I thought the boobuwit was going to do this. But nagpalago nga siya ng ekonomiya para sa sarili niya at ng mga alagad niya.
Escudero leaves NPC
Wow! An unexpected development. Is this a part of opposition’s unity process?
Mahirapan si Chiz Escudero kung tatakbo siyang bilang independente sa pagka-pangulo. Kahit may bilyones siyang gastusin sa kampanya maliban kung marami siyang bolunteers sa mga barangay. Hangang panaginip lang ang unity process.
Chiz has been an opposition since he was still a congressman up until he was senator. NPC was never an opposition. Loren always keeps harping that she will remain with the opposition thus she rejected offer of Lakas-Kampi to be their vice presidential candidate. But since Chiz bolted from NPC already, and based on the press con of NPC awhile back, it seems that Loren is still and will be NPC’s vice presidential bet. They said that they will be consulting with their leaders on their next move. My question is, what if the NPC decided to allign with Lakas-Kampi and adopt Gibo as presidential bet of NPC (I think Danding is more inclined to support his nephew/ protege Gibo than any other aspirants, which might be the reason why Chiz bolted the party). What would that make of Loren claiming she is an oppositionist?
Chiz could also be a dark horse, he could be Erap’s secret weapon if in case the SC decided that he is ineligible to run again as president. Hmmm…… ?????
Will Chiz’ resignation from the NPC be another game-changing event? Definitely. Everybody, quick. Erase everything. New plans and strategies needed.
Politics is fluid at this stage of the game. But its viscosity is already thickening.
Escudero leaves NPC
Wow! An unexpected development. Is this a part of opposition’s unity process?
What if Chiz joins the Noy-Mar campaign as spokesman? Will that be symblolic enough of unity being in the works? Will Erap withdraw?
Wishful thinking….
As mayor, he paid particular attention to the elementary education of school-age children by improving and renovating school buildings and constructing additional school structures, health centers, barangay halls and playgrounds in all the barangays and providing artesian wells to areas with low water supply. He relocated some 1,800 squatter families out of San Juan to Taytay, Rizal, at no cost to the affected families. He was also the first mayor to computerize assessment of the Real Estate Tax in the Municipal Assessor’s Office.”
http://www.erap.ph/
Xman,
Magbigay ka naman ng ibang source, pare. Mamaya may magsabi ritong si Aling Gloria daw ang pinakamagaling na presidente- tapos, ang proof galing pala sa website ng Office of the President. Baka hindi pa ako maniwala, hehehe.
He no longer wants a “Kadena at Busal.” Those were the two most significant words in Chiz’ announcement this morning.
I await with bated breath further explanations on those two words.
Ka Enchong,
Bakit kaya hindi takot si Erap na ilagay nya ang mga accomplishments nya sa website nya? Hindi sya takot dahil kahit suyurin pa yan ng mga reporters o media ay mapapatunayan nila na tama ang nasa website. Kahit pa si Ellen ang mag imbestiga.
Bakit takot si Chiz talk na ilagay nya ang mga accomplishments nya sa website nya? Dahil takot sya na kapag inimbestigahan ang ilagay nyang accomplishments sa Sorsogon ay siguradong buking sya ng media. Sa internet pa lang ay buking na sya.
Si gloria, eh 100% kasinungalingan yon mula pa ng ipinanganak yon.
Test of true leadership daw ang kanyang ginawa. Sariling puri, dapat iba ang magsabi niyan para sa kanya. Hindi ba ang tawag diyan ay “pagbuhat ng sariling bangko”.
Ang balita 200 million pesos lamang ang commitment ni Danding, eh di maliit ang makukupit dahil talaga namang hindi siya mananalo. Sayang, kung hindi na sya tatakbo, hindi niya malalaman kung paano pulutin sa kangkungan. Oh ano na ngayon si ninang Susan, kangino na kaya siya?
Xman,
Si Aling Gloria, hindi rin takot ilagay ang kanyang ‘accomplishments’ sa website ng Office of the President. Totoo rin kaya ang nakasulat doon?
Hindi ko pa nakikita ang website ni Chiz. Kung wala mang ‘accomplishments’ na nakasulat doon, ibig kayang sabihin nito na ‘takot’ siyang mabulatlat ng media?
‘Sensya na, pare. Tingin ko, malayo yung premise sa conclusion e.
Pansin ba ninyo yung timing? Pagkatapos i-endorso ng Magdalo, sabay bitaw sa Trapo.
Para ko nang nakikita, yung kampanya nung iba, mga artistang sing and dance ng “Nobody” habang yung kay Chiz, concert nina Bamboo, Rico Blanco, Ely Buendia.
Tongue,
Naisip ko yan dahil alangan naman na hindi alam ng Magdalo ang plano ng kanilang iiindorso. Magpapaiwan ba sa ere ang mga “rebeldeng’ yan? No way!
Parang si Susan, bakit pa sya pupunta dun kung alam niya na hindi naman maghahayag ng pagtakbo ang inaanak, di ba? Siempre ay nasabihan na sila ni Chiz dahil mga VIP’s sila sa buhay niya pero mas may dating kasi sa tao kung manggagaling mismo kay Chiz ang pagkalas sa NPC na de sorpresa.
So far, I like what’s happening…
Sige, konting hilot pa. Baka mapahinuhod na rin akong ibaling ang atensiyon ko kay Chiz.
Ito kasing dalawang ito, eh.
Problema kung si Escudero ang ikakampanya ko, mamumulubi ako. Ang mahal ng Chiz Whiz no!
May duda ka pa ba, Mags? Tiwala ka naman sa amin di ba? Bahala ka, hehehe!
Tongue, Chi,
Hindi ako Bahala. Sige Sige na ako ngayon. Dati na. Para sa pagbabago tungo sa maayos na pamayanan.
Sige, sama ako sa inyo (nagpakipot lang ng konti).
Smile. And say “Cheeze”.
Hindi pa ko final kay Chiz, maaga pa.
Gagayahin ko rin ang estilo nila. Magpapahayag ako ng presidential candidate ko sa Dec 1.