Skip to content

Mga tanong sa likud ng bombahan sa Marawi

CAGAYAN DE ORO–Noong Martes ng hapon isang granada ang sumabog malapit sa City Hall ng Marawi City na ikinamatay ng isang tao at nasugatan naman ang mga 20.

Ayon Mindanews, sinabi raw ng mga nag imbestiga na mga opisyal na itinapon ng mga di-kilalang mga lalaki ang granada mga 50 metro nag layo sa opisina ng Commission on Election kung saan may ginagawang registration ng mga botante.

Sabi ni Carol Arguillas, publisher ng Mindanews, tinitiyak pa nila ang impormasyon na ang mga nagre-register ay galing sa Linamon, Lanao del Norte.

Nakakapagtaka ito kasi bakit ang mga taga Lanao del Norte ay nasa Marawi nagpa-paregister? Flying voters?

Ang isa daw doon sa mga nakapila ay 15 taong gulang. Naku, parang bumabalik ang mga nangyari noong 2007 na eleksyun sa Autonomous Region of Muslim Mindanao kung may mga nabisto na mga 12 o 15 taong gulang na bumubuto.

Kasama ko si Carol dito sa Cagayan de Oro Seminar sa seminar-workshop on “Building Better Communities through Civic Journalism. Naka-focus ang seminar-workshop sa preparasyon ng mga journalists para sa 2010 elections. Sponsored itong seminar ng Coca Cola Foundation.

Sa presentasyun ni Carol kahapon, sinabi niya nakakalungkot na ang imahen ng Mindanao sa mgas hindi-taga Mindanao na Filipino na napapalaganap na rin sa ibang bansa, ay kidnapping, bombahan, at terorismo.

Nakakalungkot talaga kasi napakayaman ng Mindanao. Di ba ang tawag sa Mindano ay “land of promise”? Kaya ang sabi ng mga taga-Mindanao, tama yan. Puro na lang promise ang aming nakukuha.

Halos 22 milyon ang populasyon ng Mindanao. Napakayaman ng Mindanao sa natural resources kaya maraming mina doon. Sabi ni Carol, itong kayamanan ng Mindanao ay siya na ring sumpa. Ang ugat ng gulo sa Mindanao ay dahil sa pagka-ganid ng mga tao o grupo.

Ikinuwento ni Carol ang mga pangyayari doon tuwing eleksyun at talagang nakakabahala. Noong 2008 na eleksyun sa ARMM, sabi niya sa buong region (Basilan, Marawi, Lanao del Norte, Jolo, Maguindanao) mga billboard lang ni Datu Andal Ampatuan ng Lakas-Kampi ang makikita.

Uso doon ang hakutan ng mga botante. Meron pa raw nagluluto sa labas ng mga presinto, sponsored ng barangay captain. Siyempre pakainin ni barangay captain ang kanyang hinakot. Bawal itong mga gawain sa eleksyun.

Siyempre alam naman natin na ang “Hello Garci” ang operasyon ni Gloria Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, para mabaligtad ang resulta ng eleksyun pabor kay Arroyo.

Pina-alalahanan ni Carol ang participants na hindi monopoly ng Mindanao ang dayaan, ang gulo, at ang political dynasties. Mas matindi lang siguro doon.

AGAYAN

Published in2010 electionsAbanteMindanao

14 Comments

  1. Hindi pa rin nawawala sa Mindanao ang warlordism na hanggang ngayon ay ginagamit na panakot ng mga botante. Sa ARMM ay halos hindi na nagbobotohan ng mayor pababa, dahil kung hindi iisang angkan ang humahawak ng kapangyarihan, walang matapang ang gustong lumaban sa armadong pamilya. Kung nagkataong kapwa warlord ang magtatapat, magulo sdigurado.

    Kung naaalala ninyo, matapos ng tatlong termino ni Digs Dilangalen bilang Congressman ng Maguindanao, ang asawang isang maharlika ang pumalit, at upang hindi na pakialaman ni Digs ang Maguindanao at ang pagkagobernador ni Ampatuan, inilikha siya ng sariling distrito ng mga alagad ni Putot – yung Sharif Kabunsuan na nanalo siyang congressman nung 2007 na walang kalaban, pero, sa bandang huli ay ininbalido ng Supreme Court ang pagkakatatag ng Sharif Kabunsuan. Sa isang interview tungkol sa eleksiyon nung 2004, nadulas at inamin niyang nanalo ang asawa niya at naproklama ng walang nangyaring botohan. Nakinabang sila kay Garci at Bedol.

    Ganyan kadumi ang eleksiyon sa Mindanao, kahit anong tanggi nila ay talagang garapal doon.

    Tapos maka 3 terms, ginagawan ng bagong bayan para magkaroon ng puwesto. May nananalo ng walang botohan. Basta umiwas ka lang sa mataas na puwesto, hindi ka lalabanan kung tatakbo ka sa mas mababa. Kung tagilid ang laban, agawan ng balota at barilan. Hakutan ng flying voters. Kinikidnap ang teachers, ipinapaalam pa kay ma’m na iso-“soft touch”. Pati sundalo ginagamit para mandaya. Haaay.

  2. MPRivera MPRivera

    Noong lokal na halalan pagkatapos ng Edsa 1 ay walang ganito saan mang lugar sa Mindanao, saksi ako sapagkat na-assigned din ako sa Marawi City mula sa Sulu at matino pa noon ang mga namumuno sa lugar na ‘yun.

    Ngayon na lamang panahong ito lumalabas na sobrang garapal sapagkat merong halimbawang sinusundan na hindi na gustong lumayas sa inagaw na kapangyarihan noong una at ipinandaya pang bulgaran nitong pangalawa.

    Ang dagdag! Ang dagdag!

    Biglang lumamang sa kalaban ng isang milyong nunal!

  3. chi chi

    Paanong hindi mangyayari yan e ganyan na nga ang sitwasyon ng eleksyon nung araw pa pero mas inispoyl pa ni Gloria ang mga warlords at local officials para sa pansariling political interests.

    Kawawa ang mga botantes dyan, walang kalaban-laban sa mga ungas na local leaders.

    Hangga’t walang konsiensya ang nasyunal na pamunuan, patuloy ang Hello Garci.

  4. totingmulto totingmulto

    At kahit hindi muslim area, yon pa rin ang nangyayari. Yang PPCRV, inutil yan sa mindanao.

  5. parasabayan parasabayan

    Sana naman ay hindi na gagamitin ang mga sundalo sa pandaraya ngayon. Ebdame is running for the presidency daw. Baka alam pa niya na ang Garci connection eh very much alive.

  6. florry florry

    Mas magiging mapayapa ang Mindanao kung ilipat doon ang central government-ilipat doon ang Malacanang pati na ang main headquarters ng AFP at PNP.

  7. parasabayan parasabayan

    Hari nila si Ampatuan. Sana yung mga MILF, MNLF at Abbus eh ito ang ipaglaban, ang mawala ang paghariharian ng iisang politiko. Kaso sa Mindanao, pagdating sa politiko, walang magkakapatid at magkakamaganak. Sila sila ang nagpapatayan.

  8. MPRivera MPRivera

    Magtataka pa ba naman tayo sa ganyang kalakaran ng bulgarang registration ng flying voters? Sino ba ang amo ng mga taga-Comolect? Sino ba ang may kinatatakutan pagkatapos ng kanyang nakaw na’y ipinandaya pang termino? Sino ang markado ng sapin sapin, patong patong na mga katiwalian at dapat lang na mapairal ang martial law at gumawa ng mga senaryong pagbabatayan upang maging makatwiran ito?

    Sa palagay ninyo, sino ang nag-uutos at mga nasa likod ng ganitong pagpapasabog?

    Nakakaawa ang mga biktimang walang kamalay malay na sila ay ginagawang pain upang maisakatuparan ang isang maitim na hangarin. Buhay na hahakutin mula sa kanilang tahanan kapalit ng pangakong isang araw na pantawid gutom at mapalad kung hindi iuuwing pantay na ang mga paa o kaya’y lantang gulay ang katawan. Dahil sa sagad butong paghihikahos ay pikit matang tinatanggap ang pagpapakasangkapan sa halang ang kaluluwang mga tulisan at mandarambong na nagkukunwaring mga lingkod bayan.

    Kailan kaya tunay na mamumulat at matututo ang inuutong karaniwang mamamayang Pilipino?

    Hangga’t merong nagpapaloko ay hindi mawawala sa gobyerno ang mga buwaya at kawan ng masisibang lobo!

  9. MPRivera MPRivera

    florry,

    Kahit itambak pa sa Mindanao ang buong puwersa ng AFP at PNP kung pangingibabawin pa rin ang kasibaan ng ilang tutang mga heneral gayundin ang mga pulitikong kurakot ilipat man doon ang Malakanyang ay hindi pa rin mapapayapa ang buhay ng mga mamamayan doon.

    Alam nating mayaman ang Mindanao na tinaguriang Lupang Pangako subalit ang mailap ang kaunlaran sapagkat hindi tapat sa loob ng pambansang pamunuan ang pagpapangibabaw ng katahimikan at katiwasayan dahil malaki ang paniniwala nilang kapag winakasan ang kaguluhan ay mawawalan sila ng palabigasan.

  10. Off topic:

    Leo Villegas is asking. You might know someone who can help him:

    Mam magtanung lang po ako kung meron po kayong pwedeng refer na nag repair ng rubber boat. maraming salamat po…kahit address lang po ng service center nila.

    Leovillegas17@yahoo.com

  11. He can try Ces-Craft (boat-maker) in Bgy. Manuyo in Las Piñas. Yan e kung buhay pa si Cesar at yung negosyo niya. He might also want to ask around at the Manila Yacht Club.

  12. MPRivera MPRivera

    Dahil sa clan war, ang mga warlords sa Mindanao ay kumakapit din sa kung sino ang nasa Malakanyang kapalit ang pangakong suporta sa anumang porma o paraan sa magkabilang panig kaya hindi katakataka na laganap sa ngayon ang hakot ng mga flying voters upang mapanatili ang nakapuwesto o kaya ay suportahan ang tuta ng papanaog na namumuno upang huwag managot sa haharaping mga kaso tungkol sa katiwalian at krimeng kung hindi man tuwirang kinasangkutan ay pinagtakpan ang mgay pananagutan.

    Takot din ang mga tao sa kanilang mga lugar sapagkat kapag kinaiinitan at hindi sumunod sa kagustuhan ng sino mang warlord ay hindi magtatagal ang buhay.

    Ang kailangan natin ay pambansang lider na may tibay ang dibdib upang linisin ang Mindanao sa mga armadong nanliligalig nang sa gayon ay makamit ang matagal ng minimithing kapayapaan at kaunlaran ng mga karaniwang mamamayan sa Lupang Pangako.

    Walang Muslim. Walang Kristiyano. Walang malakas. Walang mahina. Walang mayaman. Walang mahirap. Lahat ay pantay pantay, nagkakaisa bilang mga magkakadugo at magkakapatid na Pilipino!

  13. Ang hindi ko maintindihan, panahon pa ni Gen. “Black Jack” Pershing ay lumalaban na ang mga Kano sa mga Muslim insurgents sa Mindanao, hanggang ngayon may insurgency pa rin at hanggang ngayon naroroon pa rin ang mga Kano. Giyera-giyerahan ba talaga yan?

  14. parasabayan parasabayan

    US bases are alreay out of the Philipnes but the Americans still like to camp out in our country. The Mindanao conflict is the only reason they can see to keep staying in the Philippines.Ititigil ba nila yang giyerang yan? I doubt.

Comments are closed.