Skip to content

Sampal sa mukha ni Gloria Arroyo

Sampal sa mukha ni Gloria Arroyo ang ginawa ni Prime Minister Shaikh Khalifa bin Salman Al Khalila ng Bahrain na sa ABS-CBN Foundation binigay ang kanilang P25 milyon na donasyon para sa biktima ng bagyong Ondoy.

Nagmukhang tanga ang pamahalaan ni Arroyo sa turnover ng donasyon noong Biyernes. Biruin nyo sinamahan ni Amable Aguiluz V, Aguiluz, ang special envoy ni Arroyo sa Gulf Cooperation Council, ang sugo ng Bahrain Prime Minister na si Ambassador Yousif Adel Sater sa pagturn-over ng donasyun kay Gina Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation.

Kung matino ang pamahalaan ni Arroyo, dapat sa Malacañang ang turn-over ng donasyun.

Mabuti nga nagkaroon ng United Nations Flash Appeal para sa Pilipinas. Doon na pinapadala ng mga ibang bansa ang kanilang donasyun para sa biktima ng “Ondoy” at “Pepeng”. Bago yun, sa Philippine National Red Cross binibigay ng ibang bansa katulad ng Estados Unidos, ang kanilang donasyun.

Umabot na ang cash na donasyun na natatanggap ng ABS-CBN Sagip Kapamilya sa P171.6 milyon. Donasyun naman ng mga damit, pagkain at iba pang mga gamit, umabot na sa P133.2 milyon.

Sa kailang report, umabot na sa 473,386 na pamilya ang kanilang nasilbihan.

Ito ay nagpapakita na matulungin ang Pilipino ang marami rin tayong kaibigan na malaki ang puso basta lang alam nila na pupunta sa talagang nangangailangan ang pera at hindi sa bulsa ng mga ganid.

May basehan naman ang pagdududa ng mga tao lalo na nahaharap tayo sa eleksyun. Hindi natin nakakalimutan ang sobra dalawang bilyun na perang para pambili ng abono ng mga magsasaka na ginamit ni Arroyo sa pandaraya at pamimili ng boto noong eleksyun ng 2004. Pati pa ang bilyun-bilyun na pera na Road Users tax na sana ay pamapaayos ng kalsada. At pera rin ng Philhealth.

Mahaba ang listahan ng pera ng taumbayan na kinurakot ni Arroyo at ng kanyang mga alagad.

Kaya maarami ang nababahala sa P12 bilyon na calamity fund na inaprubahan ng kongreso para ayusin ang mga nasira ng bagyong “Ondoy” at “Pepeng” hindi lamang ang mga kalsada at mga building kungdi ang kabuhayan ng mga biktima.

Sabi ni Press Secretary Cerge Remonde may binuo raw na cognressional oversight committee na magbabantay ng paggamit ng pera. Naloko na. Mga senador at mga congressman ang magbabantay ng pera para sa nasalanta ng bayo? Yari tayo dyan.

Published inAbanteGovernance

33 Comments

  1. chi chi

    Ouch!!! Sabi pa naman ni Gloria ay bffs niya ang King and Prime Minister of Bahrain. Ang lakas ng dapo ng sampal sa mukha ng pinakakorap na pekeng presidente.

  2. Buti nga sa kanya!

  3. chi chi

    Patay na! Ang mga hinayupaks na bantay-salakay na SenaTONGS at TONGressmen ang magbabantay sa P12 bilyon calamity fund.

    Bakit ba naman hindi pa tuwirang sabihin ni Gloria na ‘bribe ko yan sa inyo, of course meron din ako, para gamitin sa election’. Tangna!

  4. MPRivera MPRivera

    Sampal? Mararamdaman ni panduck?

    Kahit nga tadyakan ‘yan hindi mararamdaman sa kapal ng manhid niyang balat!

    Bale wala sa kanya ‘yan. Magkano lang ‘yun? P25M?

    Payat para kay goyang ‘yang. Tinga lang ‘yun kumpara sa bilyones na tinatago niya!

  5. MPRivera MPRivera

    P usakal sa kasinungalingan, sangasanga ang ‘yong dila
    U mid sa pagsasabi ng katotohanan ang ‘yong diwa
    T akot sa pagkagutom walang maaring sumawata
    A angkinin mo ang lahat, bundat ka na’y di magsawa
    N amimintog na ‘yong tiyan, hayok pa rin buong siba
    G utom na isang lintang may simura ng dambuhala.

    I iwan mong buto’t balat ang anumang makapitan
    N angingitim na animo’y nilapa ng libong kawan
    A song ulol ang katulad mong isipa’y walang katinuan.

    M aging langit ay natatakot kapag ikaw ay lumalapit
    O yayi ng paghehele mo’y tila punebre sa pandinig.

    U bos na ang pagtitimpi, mapapatid na ang tanikala
    L uha sa aming mata’y natigang na’t nagsawa
    I mpit na panangis ang sa ‘yo ay pagsumpa.

    G anid na sinungaling ang katulad mo’y limatik
    L intang hindi nabubusog saan man mapakapit
    O kailan kaya paglaya’y aming makakamit
    R ehas na sumusupil tanikalang gumigipit
    I mbi ka, walang budhing bangungot sa aming isip
    A raw din ay darating pagwawakas mo ay sasapit!

  6. Manhid si Glueria so I don’t think mararamdaman niya iyan.

  7. henry90 henry90

    MPR,

    Ang galing ah! Isa kang henyo! lol

  8. parasabayan parasabayan

    Kahit na sa mga kakilala ko, nagbibigay sila either through the Red Cross or the ABS-CBN. Kaya lang yung mga binigay ng Australia at ng ibang bansa ay deretso pa rin kay boobuwit.

    Sana lumaki pa ng husto ang mga donasyon ng sa gayon eh makatulong pati sa relocation ng mga ito. Ang mga squatters ang mukha ng kapabayaan ng gobiyerno sa edukasyon ng mga Pilipino. Karamihan sa mga ito eh walang pinagaralan man lang. Kahit na sana yung short courses sa katulad ng welder atbp. Relocation is one thing, reeducating and training them for livelihood is another. Kung sinoman ang susunod na presidente, ito sana ang gawing project. This can be a joint project with the private sector.

  9. parasabayan parasabayan

    Kahit na sampalin at sipain si boobuwit, wa epek dahil sa kapal ng balat niya!

  10. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kapal muks si Gloria Arroyo. Walang epekto ang sampal. Isa lang ang ibig sabihin: wala silang tiwala sa rehimeng Arroyo. Mandarambong na sinungaling pa. Sana magandang photo-ops kung sa Malacanang ibingay ang donasyon galing sa Bahrain. Sayang ang kanyang ngiting aso.

  11. Allan Allan

    Bakit naman sa ABS-CBN pa binigay ni Prime Minister Shaikh Khalifa bin Salman Al Khalila ng Bahrain. Gagamitin ng ABS-CBN para sa manok nilang si abNOY. Dapat yung mas pinagkakatiwalaan na ahensya at hindi sa ABS-CBN na isa rin corrupt na network. Ang mga Lopezes matakaw din sa pera ang mga yan tignan ninyo yung NLEX sila ang nagpapataas ng mga toll fee dahil sila ang may-ari…. wala rin sa ayos ang PM ng bahrain.

  12. Allan, hindi na pag-aari ng mga Lopez ang NLEX. Metro Pacific (ni Manny Pangilinan) na. Negosyo iyan, kung hindi kikita ang private investor, hindi nila yan bibilhin. Ang gago sa pagtaas ng toll fee, yung Tollways Regulatory Board.

    Wala namang tatak Noynoy yung pinamimigay ng ABS-CBN na relief goods. Kanino naman ibibigay yung donation, kay Villar?

  13. Naloko na. Mga senador at mga congressman ang magbabantay ng pera para sa nasalanta ng bagyo? Yari tayo dyan.

    – Ellen

    Hahahaha!

  14. Well,that is the karma for the EvilBitch…

  15. bakit kaya hindi sa GMA?

  16. Golberg Golberg

    Tama! Sa kapal ng balat niya kahit tadyak wa epek sa kanya iyan. Kahit siguro may magtangka sa buhay niyan. Di tatagos ang bala sa kakapalan ng balat.

  17. Allan Allan

    Tounge-twisted:
    Hindi rin kay Manny Villar dahil isa rin siyang manggagantso… sa tamang ahensya nalang. Hindi naman natin na momonitor kung saan gagamitin ng ABS-CBN ang P25M na yan hu knows baka ibili ng mga van or equipments nila.

  18. parasabayan parasabayan

    Private firms like ABS-CBN are more structured and every penny is accounted for. Sa gobierno, walang tamang accounting. Kanya kanyang nakawan at takipan. Lalo na kung kay boobuwit ibinigay yung pera. Wala ng accounting yan at sa bulsa niya dederetso ang mga donation.

  19. xman xman

    Tama ang mungkahi ni Sen. Santiago na ilagay sa internet ang mga ginagastos ng gobyerno upang magkaroon ng transparency.

    “Santiago said the government can create a Web site, which will post breakdowns of funds spent by regions and districts, and for what purposes.”

    Ganoon din sana sa mga donasyon ay dapat ilagay sa website kung magkano ang nalikom na pera, mga naibahagi, at iba pa.

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20091018hed6.html

  20. Rudolfo Rudolfo

    Talaga naman, uma-apaw na ang hangganan sa Malakanyang..
    Kaya suiguro panay ang kalamidad,”ndoy, Pepeng, Ramil, etc”. Dahil itong mga tao sa tabi ng ilog Pasig, ay mga “anak ng Kalamidad “…the admin of calamities…mula ng mag-siupo sila, sobra-sobra ang inabot ng ” calamity”
    sa bansa.Mula sa human rights,tongressmen senatong,DENR, education,Security, Justice, Comelec, mga DAMn Dams, etc,tsk..tsk.. lahat-lahat na yata.Ang okay lang yata ay si Ace Durano ng tourism,tahimik ngunit, gumagawa..Kaya naibigay ang donasyon sa ABS-CBN foundation, sa halip doon sa itaas…Sana lumiwanag na ang isip nila,at
    makilala ang tunay na Diyos( hindi Diyos na,salapi )

  21. MPRivera MPRivera

    8 senador, nag-abroad

    http://www.abante.com.ph/issue/oct2009/news11.htm

    Nakakaawa naman itong ating masisipag na pinagpipitaganang mga senador. Dahil daw sa subsob nguso nilang pagtatarbaho kaya kailangan daw nilang magpahinga naman para meron uling lakas sa pagbubukas ng sesyon ng mataas na kapulungan.

    Tama nga naman. Paminsan minsan ay magliwaliw naman sila sapagkat umaapaw na ang kanilang bulsa at kailangang mabawasan naman ang perang kinikita nila mula sa pinagpawisan ng mga mamamayang sa kanila ay bumoto.

    Nakakatuwa naman sapagkat sa kabila ng kanilang pagpupursigeng makapagbalangkas ng mga batas ay naiisip din nilang magpahinga kahit man lamang sa labas ng bansa sapagkat nakakasulasok tingnan ang kapaligiran nating nagkalat pa rin ang mga tinangay ng baha. Hindi nga naman sila makakapag-isip ng mga makabuluhang panukala kung sa Pilipinas sila maglalagi habang nasa bakasyon.

    Tumataas na naman ang high blood ko.

    Ayokong magngitngit!

    Ayaw kong magmura!

    @#$%&^*&^%$#@!!!

  22. Mike Mike

    @MPRivera : “Gloria, bibiyahe kahit may bagyo”

    Sana salubungin siya ni bagyong Ramil sa himpapawid 😛

  23. jawo jawo

    Laking galit siguro noong “nuno -sa-punso” na-by-pass siya at ni walang pasintabi man lang sa pagkaka-upo niya sa punso. The dwarf pariah is a virtual nobody in the eyes of the world.

    Kung baga, ang ginawa ni Prime Minister Shaikh Khalifa bin Salman Al Khalila ng Bahrain na sa ABS-CBN Foundation binigay ang kanilang P25 milyon na donasyon ay para ipakita sa nuno, este kay gloria na, “here is the money you will never get your dirty, thieving hands on”.

  24. florry florry

    That is not only a slap but an insult. 25 million maybe just peanuts to Gloria, but the donor just wanted to make sure that the donation will reach and benefits the intended recipients. The fact that it was endorsed to a private foundation only shows that Gloria has a zero trust rating and therefore cannot be trusted to keep her hands off from the cookie jar.

    The prime minister need not say a word to explain his action, because by that act alone, his message is very loud and clear.

    Action speaks louder than a thousand words.

  25. tru blue tru blue

    Somebody needs to keep an eye on this P25million, abs/cbn might use the money for their pera o bayong show, wink2x…

  26. MPRivera MPRivera

    Mike, masama ang mag-isip o maghangad ng ikapapahamak ng kapwa. Kahit ganyan si goyang, tao din ‘yan.. Wala na nga lamang pag-asang magbago.

    Saka baka bumagsak ‘yung eroplanong sasakyan niya. Madami na naman ‘ata siyang hakot na mga alalay. Mapapahamak sila.

    Sayang.

    ‘Yung eroplano. Madadamay pati ‘yung inosenteng piloto at mga crew.

  27. I just hope Gloria get’s in the bars,Gloria,the vulture should be captured.

  28. …Ang mga squatters ang mukha ng kapabayaan ng gobiyerno sa edukasyon ng mga Pilipino. Karamihan sa mga ito eh walang pinagaralan man lang. Kahit na sana yung short courses sa katulad ng welder atbp. Relocation is one thing, reeducating and training them for livelihood is another.

    – parasabayan

    Napag-usapan namin iyan ni Ricky Rivera sa Facebook. Gusto niya kasing manghikayat ng volunteers para magturo sa mga batang naiipit pa rin sa evacuation centers. Sayang kasi nga naman ang panahon na hindi sila nakakapag-aral.

    Kaya naman nagmungkahi ako na sabayan ng vocational training para sa mga magulang na alam naman nating walang trabaho ang karamihan. Sa welding, electrical technology, carpentry atbp. ay maaaring magsarili (entrepreneurship) ang mga lalaki o mamasukan sa pabrika o construction hindi sila mauubusan ng pagkakataong kumita ng marangal, hindi yung naghahalukay ng basura.

    Sa mga babae naman ay home based business ang maganda, gaya ng soap & candle making, embroidery, atbp na hindi na kailangang umalis ng bahay upang kumita, nagagabayan pa nila ang mga anak nila. Kung walang puhunan para sa materyales ay maaring labor contracting na lang na maaari pang isali ang ibang anak upang makatulong sa dagdag kita.

    Nanghihinayang ako dahil hindi ko nafollow-up kay Ricky itong magandang proyekto dahil naging busy ako sa pagtulong sa Laguna. Pero kaninang umaga ay napanood ko sa TV na meron nang gumagawa nito para sa mga kababaihan, yung lumilikha sila ng mga produkto gawa sa water lily. At itinuturo nila yan sa mga babae sa evacuation centers.

  29. Mike Mike

    @MPRivera : “Mike, masama ang mag-isip o maghangad ng ikapapahamak ng kapwa.”

    Ay oo nga, sayang yung ereplano saka wawa naman yung mga ibang madadamay. Sorry di ko ka kapwa si Gloria, pero gayun pa man, iibahin ko ng konti yung script:

    Sana habang naglalakad si Gloria at FG (na walang kasama), ay salubungin sila ni bagyong Ramil. Tpos sana tangayin sila ng malakas na hangin at ilaglag sila sa loob ng piitan ng munti. Para they will live miserably ever after. 😛

  30. parasabayan parasabayan

    Tongue, Gawad Kalinga is dong this training for livelihood. Talagang wala na tayong magawa sa “formal” education ng mga napabayaan na grupong ito. Let us also face it that a lot of these helpless people can not even feed themselves. But they have two hands, two feet and can do a lot with them. I remember when I first went to Taiwan in the late 1970’s, pati mga bata ay gumagawa ng mga costume jewelries at nag papaste ng mga sapatos. Dad was the salesman, mom was the homemaker and supervisor of those family members who were at home producing. It was a very common thing then to find kids manning the store coz mom and dad were busy. Taiwan had trade surpluses then just from this set up. The export business for Philippine made products will eventually pick up again. Training and re-training lang ang kailangan natin. One village at a time lang. Train a few and the rest will follow. Siguro naman Toungue we do not have a shortage of volunteers. Maraming OFWs ang skilled and some of them would rather want to stay put in the country and be with their families. Maybe we can tap these skilled OFWs to teach the other people. The cottage industries that dried up because of the declining export business, maybe these entrepreneurs can take advantage of this “low” season to teach others. Sana may information bank where these displaced people can get help to learn something. Now that they are in the centers awaiting relocation, it is a perfect time to have the kids in one corner learning something and the parents learning how to make a living in the other corner. Rather than just whiling away the time in the centers for nothing! Siguro busing busy and Gawad Kalinga trying to do their best to assist but they need all the help they can get. If only the private sectors, San Miguel, the Ayalas and all these big businesses can assist the Kawad Kalinga and stablish these villages close to their packaging plants or even in the farms, these businesses can benefit from these displaced people. We can not always have donated money to forever feed these people. We have to enable them to earn and live a decent life.

  31. parasabayan parasabayan

    Tongue, maybe you can post some of the organizations, individuals and businessess doing this rehab for these displaced families. This is the best time to “enable” these families. Pretty soon they will find their way back to the riverbanks again, balik sa dating gawi. Let us capture this moment to really help them. Not just giving them the daily food. W?aht if the donations would dry up again?

  32. Phil Cruz Phil Cruz

    Gloria had always been slapping us around – with impunity.

    This time around she got a dose of her own medicine. What a slap. What an insult. And it’s not only Bahrain doing it to her. It’s all the thousands of other donors who prefer to give it to ABS-CBN, GMA and other networks.

    In fact, some government units who were able to raise funds and relief goods actually turned these over to ABS-CBN.

    Trust. It all boils down to trust. And Gloria just isn’t getting it !

Comments are closed.