Nag-apela si Capt Ruben Guinolbay kay AFP Chief Victor Ibrado na kung maari ibalik rin sa serbisyo ang 40 na enlisted men na tinanggal sa serbisyo sa paratang na kasama raw sila planong magwithdraw ng suporta kay Gloria Arroyo noong Pebrero 2006.
Si Guinolbay ay isa sa 11 opisyal na napawalang-sala noong Huwebes ng court martial na naglilitis sa 28 opisyal na inakusahan ng mutiny o umalsa laban sa pamahalaan ni Gloria Arroyo noong Pebrero 2006.
Pagkatapos ng tatlo at kalahating taon na paglilitis na ang mga akusado ay nakakulong, sinabi ng korte na walang ebidensya laban sa kanila. Ni minsan hindi man lamang sila nabanggit sa kung anong dokumento o testimonya ng mga testigo na naipresenta sa court martial.
Babalik na ang 11 sa serbisyo.
Pag-aralan pa ng korte ang mga ebidensya laban sa natirang 17. Malalaman sa susunod na hearing sa Oktubre 27.
Sa interview kay Gino (palayaw ni Guinolbay) ng ABS-CBN pagkatapos lumabas ang desisyon,. nagpasalamat siya sa Maykapal. Nagpasalamat din siya sa pamunuuan ng military, sa pamumuno ni Ibrado, na hinayaan gumulong ang hustisya at lumabas ang katotohanan. Kung si Gen. Hermogenes Esperon pa rin ang nandiyan, malabo kung magkaroon sila ng hustisya.
Sa apela ni Gino para sa 40 na enlisted men, sabi niya kawawa ang mga enlisted men dahil hindi man lamang sila nilitis. Kinulong sila ng halos dalawang taon. Nang natauhan ang liderato ng military na hindi nila magagamit ang mga enlisted men laban kay Brig. Gen. Danny Lim (dahil talagang namang wala silang alam) basta na lang tinanggal noong Oktube 2007 sa order ni AFP Chief Alexander Yano.
Ang lima tinaggal ng Pasko, Dec. 25, 2007. Hindi binigay ang kanilang retirement benefits.
Ang sama pa ng loobng mga sundalo dahil “dishonorable” ang nakalagay sa termination papers nila. Kaya hirap sila maghanap ng trabaho.
Ang laking injustice ang ginawa sa mga enlisted na ito na nakipaglaban para sa bansa. Ang isa pa sa 40 si Cpl. Reynaldo Pacete, ay Gold Cross awardee.
Heto ang pangalan ng 40. Ang pagka-alam ko may ilang yata na nakabalik sa serbisyo:
SSgt. Reynaldo A. Bala, SSgt. Marciano R. Seraspi III, SSgt. Alexander G. Verzon, SSgt. Ronnie S. Dizon, SSgt. Rodelio M. Tuazon, Sgt. Orlando A. Valencia, SSgt. Nelson V. Alquiza, Sgt. Arthur I. Arienda, Sgt. Pastor de Guzman, Sgt. Benito S. Baggay, Sgt. Jose T. Famularcano Jr., Sgt. Juanito B. Tercero Jr., Sgt. Richard B. Javier;
Cpl. Reynaldo C. Pacete, Cpl. Medel A. Calda, Cpl. Dennis F. Marzan, Cpl. Walter A Francisco, Cpl. Ramon P Perania Jr., Cpl. Jorlie V. Espejo, Cpl. Zaldy A. Cabico, Cpl. Nicomendes P. Fernandez, Cpl. Giovanni B. Bonagua;
Pfc. Celso P. Castromayor, Pfc. Arvin R. Daligdig, Pfc. Pinley L. Amarante, Pfc. Jerry V. Avila, Pfc. Winston M Tingabagab, Pfc. Arleen S Garcia, Pfc. Rommel S. Puma, Pfc. Isidro R. Areja, Pfc. Emmanuel M. Derilo;
Pfc. Dylan F. Monton, Pfc. Robert B. Palaruan, Pfc. Kernell F. Pahimnayan, Pfc. Aristotle D. Lucena, Pfc. Larry A. Quinto, and Pfc. Leon O. Ones Jr.
Spot on Mam Ellen. . .This is an injustice that cries out to the heavens. These soldiers have families to feed. A dishonorable discharge is like an ex-con tag that will greatly diminish job opportunities for these guys. For God’s sake, these soldiers didn’t do anything wrong except perhaps to believe in their hearts of hearts that something rotten smells in this government that drove them to symphatize with Gen Lim, et al.
The whole country will feel a lot safer with these well-trained soldiers back in harness to fight the enemies of the state. Conversely, we should be very anxious if these elite soldiers get recruited by organized crime groups to rob banks and engage in other crimes requiring their specialized skills. The AFP should think about this very hard.
Thank you AFP Chief Victor Ibrado for giving justice to the 11 members of the AFP. How about the 40 and the 17?
Gino, you are a good officer coz you immediately thought of working on the enlisted men’s reinstatement. You care enough to make sure that your men can also avail of equal justice. Ganyan dapat ang opisyal. Hindi katulad ni asspweron at ng kanyang mga kauri na yung kanikanilang bulsa muna ang inuuna. Bahala na ang mga ibang sundalo na gumawa rin ng kanikanilang gimmick. Ang mga produkto eh mga corrupt na opisyal and there are a lot of these vultures in the AFP now. Ibrado has started putting profesionalism back to the AFP. Sana naman ganun din ang mga susunod na AFP chief. The likes of Gino will definitely be worth noting as an excellent trait of a future Chief of staff. Marunong magalaga ng mga sundalo niya. May the Ginos in the AFP multiply!
Ang ugat ng lahat ay mga political generals ng AFP. Sobrang sip-sip boto sa kanilang pekeng commander-in-chief. AMEN.
I remember when those 40 men were dumped in Tanay. Ni wala silang tubig. Some of them gathered water from the rain. Pinapapak sila ng gahiganteng mga lamok. But asspweron never cared as long as he could “papogi” points sa evil mama niya.
Ruben, you have a noble heart for your act not to leave any one behind with your working for the reinstatement of the 40 soldiers. We Filipinos should support this.
Justice for the discharged 40 soldiers, remaining prisoners of war as well as the escaped Nicanor among us Filipinos is our fight. It is when all of us Filipinos have been liberated from the bondage of the Americans and Chinese and their collaborators like GMA and other corrupted Filipinos, can we finally come to our own home!
I really think the reason why our land is colonized by the spanish and americans is because they turn our land into a slave colony,like they did in africa and sell some of our people to work as slaves,this slavery still continues because of the labor export policy of the puppet government.
I hope these men will end the misery of our people.
Truly a sign of a great leader Capt. Guinolbay not just a manager or a mediocre economist.
These EM were dumped like garbage by no less than the CSAFP, Gen Yano for not cooperating in pinning BGen LIM and other officers his predecessor wanted to rot in jail just to satisfy his demonic whims.
Lintek na Yano!
Bulok ka pa sa dilang bulok at dapat sa iyo ay buhay na tabunan ng lupa dahil sa pagkakait mo ng hustisya hindi lamang sa mga kawal na tinanggal mo sa serbisyo kundi na rin sa kanikanilang pamilya at sa taong bayang alam na sila ay walang kasalanan.
Tuta ka ng supot na si Esperon at anay na si gloria.
MPR, gaya mo ay hindi ako nagoyo ni Yano.