Skip to content

Panawagan ng taga Gemsville

Gemsville3

Magta-tatlong linggo na mula ng hinagupit ni Ondoy ang Metro Manila ngunit marami pa rin ang mga lugar na lubog sa baha.

May natanggap kaming sulat galing kay Cornelio G. Padua, presidente ng Gemsville Homeowners Association sa Barangay Bucal Calamba, Laguna.

Sabi ni Ginoong Padua, “Karamihan sa amin ay mahigit sampung taon ng naninirahan dito sa Gemsville. Sa mahigit sampung taon na iyon ay hindi namin naranasan ang matinding pagbaha sa aming subdivision Subalit itong taon na ito kami po ay nakaranas ng matinding pagbaha na ang tubig ay putik na me kasamang mga bato.

“Ang dahilan ng pagbaha sa amin ay ang konstruksyon ng DPWH sa ginagawang kalsada at ang ginagawang subdivision ng Thru Homes Development Corporation (dating South Luzon Lending Corporation) sa gawing itaas ng Gemsville.

“Hindi po kami tutol sa ginagawang pagsasaayos ng DPWH sa kalsada at ang paggawa ng subdivision, dahil ito ay pagpapaunlad at pagsasaayos ng pangaraw-araw na buhay ng mamamayan. Ngunit kabaligtaran po ang nangyayari. Hindi lang po ang pagbaha ang kinatatakot ng homeowners, pati na po ang bundok na hinuhukay ng DPWH na higit kumulang 10 metros ang layo mula sa kabahayan ng Gemsville.

“Ayaw po naming maulit dito sa aming lugar ang pag guho ng lupa katulad ng nangyari sa Brgy. Real Calamba Laguna. Ang Thru Homes Development Corporation naman po ay walang inilagay na drainage system sa ginagawang nilang subdivision, kaya po ang tubig na nanggagaling sa ginagawa nilang konstruksyon ay sa Gemsville po ang punta.

“Natakpan na din ng konstruksyon nila ang mga natural na daluyan ng tubig katulad ng ilat at ilog, kaya ang agos ng tubig ay sa amin pong subdivision pumupunta. Hindi lang ang Gemsville Subdivision ang direktang naapektuhan ng pagbaha, ang mga subdivision ng Spring Homes, Vanessa Homes, Lakeview Subdivision at Remedios Subdivision ay direktang apektado sa baha. Ang mga ito ay matatagpuan sa Brgy. Bucal Calamba Laguna.

“Itong problema namin ay amin na pong ipinaabot sa pamunuan ng DPWH (Region 4A), DENR (PENRO Laguna), Mayor’s Office, Governor’s Office at Baranggay Bucal noong August 3, 2009 .

Ang DENR at DPWH ay nakipag-usap po sa amin noong September 11, 2009 sa aming pong lugar. Napag-alaman namin na walang pondo ang gobyerno para malagyan ng karampatang rip raping ang gilid ng bundok upang hindi ito gumuho at lagyan ng kanal ang ang ginagawang kalsada upang doon dumaloy ang tubig. Ang pondo lang daw ay para sa kalsada na ginagawa. Nag iwan naman po sila ng pangako na gagawan nila ng aksyon/solusyon ang problema ng pagbaha sa Gemsville. Noong September 25, 2009 ay muling nagpatawag ng miting ang DENR(PENRO Laguna) sa kanilang opisina sa Los Banos Laguna at kanila muling pinangako na gagawan ng solusyon ang pagbaha at ihihinto pansamantala ang proyekto ng DPWH at ng South Luzon Lending Corporation (letter3).

Muling naulit ang miting noong October 6, 2009 sa DENR (PENRO Laguna) subalit hindi na po dumalo ang DPWH sa naturang pagpupulong (letter4). Noon po namin napag-alaman na walang kaukulang ECC at LGU permit ang DPWH sa paghuhukay ng bundok at pag gawa ng kalsada gayun din ang Thru Homes Development Corporation wala rin silang ECC at LGU permit para itayo ang kanilang subdivision..

“Hanggang ngayon ang pagbaha sa aming lugar ay wala pa ring solusyon. Ang bundok na hinuhukay ay patuloy pa rin nilang hinuhukay. “

Published inGovernance

23 Comments

  1. chi chi

    Walang drainage ang ginagawang subdivision ng Thru Homes Dev Corp? What the f*&^%k!

    Dapat idemanda ang housing corp na yan dahil ang drainage system ang kailangan ay nauunang i-construct sa pag-develop ng isang community/bahayan.

    DPWH, isa pang inutil. Gagawa sabay bulsa naman sa mas malaking pondo. Hindi pa sumusunod sa batas, “Noon po namin napag-alaman na walang kaukulang ECC at LGU permit ang DPWH sa paghuhukay ng bundok at pag gawa ng kalsada gayun din ang Thru Homes Development Corporation wala rin silang ECC at LGU permit para itayo ang kanilang subdivision..”.

    Onli ni da Pilipins na sariling gobyerno ang lumalapastangan sa sariling batas.

  2. Tedanz Tedanz

    Simpleng development lang na gaya nitong subdivision na ginagawa ka niyo ng Thru Homes Development Corporation walang drainage … oks na oks lang yan … kita niyo nga gumawa ng Gobyerno ng Dam yon lang at walang ginawang daluyan palabas … pag nagbawas ng tubig ayon … lubog ang buong sambayanan.
    Ganyan kagagaling ng ating mga inihahalal na mga opisyales sa ngayon. Ang alam lang gumawa ng daluyan ng salapi papunta sa kanilang bulsa.
    Walang dapat sisihin talaga kundi tayo pa rin sa huli … kasi hinahayaan lang natin itong mga tangnang tao ng Gobyerno.

  3. parasabayan parasabayan

    Kung talagagang serious tayo sa paglilinis ng corruption, lahat ng mga signatories sa mga permit na nagbigay ng “GO” sa partatayo ng mga subdivisions na wala sa ayos ay dapat maparusahan. Tanggalin sa pwesto, tanggalin ang mga license to operate at pati na yung mga professional licences nila.

    Ano nga ba naman ang maaasahan nating tamang pamamalakad kung yung mismong mga namumuno sa bayan eh super corrupt. It just follows that the underlings can do the same.

  4. Napag-alaman namin na walang pondo ang gobyerno para malagyan ng karampatang rip raping ang gilid ng bundok upang hindi ito gumuho at lagyan ng kanal ang ang ginagawang kalsada upang doon dumaloy ang tubig.

    And DENR and DPWH was able to give them permit to construct kahit na walang planong drainage system? Ano yon? Basta na lang maglalaho ang tubig pag umulan?

    Guess what! If they all review lahat nang subdivision na pinayagan nila nang construction, I bet you – wala sa plano ang drainage system.

    Urban planning goes jurassic and very bubonic!

  5. patria adorada patria adorada

    kailan pa tayo matututo?ano bang klaseng may utak sila?parang patibong ang ginagawa nila.

  6. Walang ECC at LGU Permit, paanong nakapaggawa? Nangangamoy lagayan na naman ito. Siguradong merong politikong nakasabit dito.

    Ang bayan ng Bucal ay merong mga natural hot springs sa ilalim, kaya nga “bukal”. Hindi ko alam kung bumaha diyan e kung mainit na tubig ang dadaloy. Sayang at meron pa palang ganitong mga development na walang drainage. Kunsabagay, yung Cataquiz Village sa San Pedro na pagmamay-ari at pangalan pa mandin ng Meyor ay walang drainage.

    Isa sa pinakamaayos na probinsiya ang Laguna, tignan ninyo ang Santa Rosa, Canlubang, Cabuyao, maayos ang development dahil converted na mga bukid na naging residential at industrial subdivisions. Madaling gumawa ng kalsada at drainage system dahil walang hard structures. Pero itong sa Bucal, DPWH pa mandin ang gumagawa, palpak.

    Sibakin ang Regional Director ng DPWH diyan!

  7. parasabayan parasabayan

    Tongue, mahirap masibak ang mga tauhan ni Ebdame. Baka kumanta yang Garci general na yan!

  8. teka lang! i think read recently na si Ebdane is under Senate investigation sa mga naglahong road taxes? korak ba ako???

  9. parasabayan parasabayan

    Your highness, untoucheable yang si Ebdame just like the asspweron, et al!

  10. I just hope na humupa na ang baha sa mga sinalantang may baha pa.

    My username used to be mumbaki,i just decided to change my username.

  11. Kaya nagkakabaha ay dahil sa walang habas na pagputol ng puno at ang mga kurakot na prumoprotekta sa kanila.

  12. MPRivera MPRivera

    Dati kaming nakatira sa tabi ng lawa, ang namayapa kong ina bilang taal na taga Sta. Rosa.

    Noong aking kamusmusan ay sumusulong din at tumataas ang tubig mula sa lawa lalo’t bumubuhos ang napakalakas na ulan subalit umuurong din pagkatapos ng isa o dalawang araw at karaniwang hanggang binti lamang ang taas ng tubig. Tubig lang, hindi katulad ngayon na ragasang bahang nagpatindi ng pagkawasak ng mga ari arian.

    Ang nangyaring kalamidad ay bunga na rin ng katigasan ng ulo ng ating mga kababayang walang habas sa pagkakalat ng basura habang ilegal na nakatirik ang mga bahay sa mga daluyan ng tubig, kasibaan ng mga subdivision developers na tinatambakan ang mga ilog na wala namang ginagawang drainage at lalo’t higit ‘yung mga nagtotrosong kumakalbo sa mga kagubatan at nagmiminang magkamal lamang ng salapi ay hindi iniisip ang kapakanan ng mga nakatira sa mababang lugar gayundin ang mga nasa paligid ng kanilang mga pinagpuputulan at bundok na tinitibag.

    Isama na rin natin sa mga dahilang ito ang pagiging gahaman sa salapi ng mga namumuno sa mga ahensiyang nagpapayaman lamang sa puwesto sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol upang mabigyan ng kaukulang permit ang mga nabanggit kahit alam nilang malaking pinsala ang idudulot sa kapaligiran sakaling dumating ang mga katulad na kalamidad na kapag nangyari ay kung sino sino ang kanilang pagbibintangang may kasalanan.

    Oras na upang matuto na ang mga tao. Limiin nating ang mga nangyayaring ito ay nakasulat sa Banal na Aklat at TAYONG TAO na rin ang tumutupad na maganap.

    Tayong tao na rin ang naghahamon sa kalikasan at kalangitan upang mapadaling dumating ang nalalapit nating wakas!

  13. chi chi

    Ang ipinalit naming meyor dun sa isang barumbado ay babae ay pediatrician at environmentalist. Unang project niya ay recycling kahit hindi binabaha ang aming bayan dahi nasa pag-itan kami ng mataas na bundok at China Sea. Kahilera namin ang probinsya ni Cocoy at Ebdane na Zambales kung saan naglutangan ang mga kabaong dahil sa baha. Sa kanila ay may minahan at logging, sa amin ay wala. Ipinapatira namin sa eeen-pee-eey ang mga tarantado, hehehe.

    Pero isang rich (daw) from Pampanga ang bumili at nagpatayo ng mansion sa may wawa (linking the sea and river) at dahil kesyo ayaw makunan ng tubig ang property ay pinatambakan ang wawa. Idiot!

    Ayun, bumaha sa aming baryo. Sa tindi ng galit ng mga barriotics ay kinompronta sya ng mga dos-por-dos, tinakot lang naman. Resulta, napilitan siya na tanggalin ang tambak at lumayas na sa kandungan ule ng Pampanga, sa probinsya ni Gloria.

    Akala yata niya, porke ka-Kapampangan niya si Gloria ay di namin siya sisitahin. Bah, kundi niya ibinalik yung wawa ay ewan ko kung ano ang ginawa namin sa kanya, baka itinapon namin siya sa China Sea.

  14. chi chi

    Ang mga tao na hindi makuha sa usapan ay kailangan batukan! Kundi ay tuluyang maglalaho sa mapa ang Pinas.

  15. perl perl

    “Your highness, untoucheable yang si Ebdame just like the asspweron, et al!” That’s true. Kaya nga ng magparamdam sya na tatakbo pagkapresidente, hindi makapiyok malacanan. Mabuti ngang tumakbo sya sa pagka presidente, sigurado nman hindi mananalo tong peste na to… huwag nga lang magkadayaan.

  16. Si Ebdane walang intensiyong maging presidente. Kakandidato siya, oo, pero para lang may masabing kagaya nila Mikey ay Glorya ay nagkapera sila dahil sa donasyon sa kampanya niya.

    Ulol siya dahil walang maniniwalang merong mga gagong magdodonate sa kampanya niyang dadamputin lang sa estero ni hindi man lang sa kangkungan.

  17. Galing kay Ric49:

    Yong nangyari sa atin baha ni Ondoy and Pepeng parang ginigising na tayo ng Diyos na magbago at bumalik ulit sa kaniya. Maliban sa pag aalaga sa environment kailangan isa puso natin ang pag darasal at sumunod sa mga utos ng Diyos.

    Sobrang materialistic na mga tao, masyado narin mababa morality ng ibang mga pinoy. Yong kay Hayden Kho ala na di man naparusahan, sa bahay ni kuya puro kabastosan at kalokohan pinagagawa sa mga participants yan ang sabi nong kasama kun nanonood. yong mga nagnakaw sa kaban ng bayan ala rin napaparusahan.

    yung paggamit natin ng mga plastic styrofoam patuloy pa rin dapat pagbawal na yan ng gobyerno. yong mga kababayan natin na patuloy na nagtatapon ng plastic sa mag kanal estero ilog, yong quarrying illegal logging etc

    Kailan pa tayo matoto? Pag lubog na buong pinas?

  18. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit nasakop na ng jurisdiction ng MMDA ni Bayani Fernando ang 3 bayan at 2 City ng Laguna na labas na sa NCR o Metro Manila. Kasama na sa ilalim ng MMDA ang San Pedro, Biñan, Sta. Rosa City, Cabuyao at Calamba City.

    Hindi ba labag iyan sa charter ng MMDA? O baka naman ginagamit lang ni Bayani ang mga tauhan at kagamitan ng MMDA para mangontrata sa mga bayang ito at ang bayad nila sa MMDA para sa traffic management, demolition ng illegal structures, paglilinis ng kalsada, at ibang aktibidad na ginagawa ng MMDA gaya sa Metro Manila ay hindi na idinideklara upang maibulsa ng mga pinuno nila diyan.

    Wala akong nababasang journalist na nagco-cover sa MMDA na sinisilip iyan.

    Aba e, sabihan na lang sina G. Cornelio Padua at mga taga-Gemsville na ireport na lang nila iyang illegal construction na iyan sa Bucal sa MMDA para ma-demolish ng mga atat na tauhan ni Bayani!

  19. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    Ang alam ko (noong ako’y nagbakasyon last year) ay hinabol at itinaboy daw ang mga tauhan ng MMDA noong sila ay nagpipintura ng baklang kulay sa mga bakod at poste mula San Pedro hanggang Calamba. Nandoon pa’t nakatiwangwang sa may tapat ng Pacita ang mga container vans ng MMDA. Bumalik na naman ba sila? Kapal nga!

    Ilan na ang namatay sa mmga kamag-anak ko sa Aplaya, Sta. Rosa City dahil sa leptospirosis. Hanggang ngayon kasi ay may tubig pa pati ‘yung eskuwelahan kung saan nag-ebakweyt ang mga tao at hindi makapagbukas ang klase.

    Nagkakamatay ang mga tao dahil sa sakit na leptospirosis, sina gloria ay tumataba ang mga bulsa dahil sa virus ng KLEPTOSPESOTIS!

  20. MPRivera MPRivera

    P agdurusa nami’y ginawa mong puhuna’t tuntungan
    U pang makamit ang mithing kapangyarihan at yaman
    T anging pansarili’t hindi ang kami ay paglingkuran
    A ng nagtutumining sa isip mo’t kalooban
    N a walangpagkasawang kakamin ang kaban
    G apang na kami sa hirap ayaw mo pang tigilan!

    I iwan mo ba kaming kahit saplot ay wala?
    N anaisin mo bang laging kami’y mukhang timawa?
    A alis kang kami’y tigmak ng mapait na luha?

    M ay pag-asa pa kayang ang puso mo ay salingin?
    O kaya’y mangyaring mamulat ang mga mata mo sa dilim?

    G aano mang hirap ay hindi kami susuko
    L ahat mong panggigipit hindi kami pagugupo
    O ras din ay darating pagbabayaran mo ng iyong dugo
    R agasa ng pagngangalit sa ‘yo’y aming ibububo
    I susulat sa kasaysayang hindi kailanman maglalaho
    A anihin mo yaong poot ng bayan iyong siniphayo!

  21. Ang galing mo Magno. Nakakainis!

    Yung mga tula mo ipa-publish natin iyan paglayas ni Putot.

  22. MPRivera MPRivera

    ‘Sasawa na nga ako sa kamumura sa salot na ‘yan, Tongue.

    Kaya dinadaan ko na lang sa tula.

    Mula ngayon, ganyan na lang ang gagawin ko upang mailabas ang ngitngit na kumukutkot sa kalooban ko. Aatakihin ako ng hika at tataas ang high blood ko kung aking pikit matang tatanggapin ang mga kabulastugan nitong si reyna ningas kugon.

    Bilib din ako talaga sa talas ng mata. Kuha mo kaagad ang mensahe.

    Tama ka nga. Pornographic ‘yang utak at mga mata mo bukod pa sa meron kang sex este sixth sense.

  23. MPRivera MPRivera

    P usakal sa kasinungalingan, sangasanga ang ‘yong dila
    U mid sa pagsasabi ng katotohanan ang ‘yong diwa
    T akot sa pagkagutom walang maaring sumawata
    A angkinin mo ang lahat, bundat ka na’y di magsawa
    N amimintog na ‘yong tiyan, hayok pa rin buong siba
    G utom na isang lintang may simura ng dambuhala.

    I iwan mong buto’t balat ang anumang makapitan
    N angingitim na animo’y nilapa ng libong kawan
    A song ulol ang katulad mong isipa’y walang katinuan.
    M aging langit ay natatakot kapag ikaw ay lumalapit
    O yayi ng paghehele mo’y tila punebre sa pandinig.

    U bos na ang pagtitimpi, mapapatid na ang tanikala
    L uha sa aming mata’y natigang na’t nagsawa
    I mpit na panangis ang sa ‘yo ay pagsumpa.

    G anid na sinungaling ang katulad mo’y limatik
    L intang hindi nabubusog saan man mapakapit
    O kailan kaya paglaya’y aming makakamit
    R ehas na sumusupil tanikalang gumigipit
    I mbi ka, walang budhing bangungot sa aming isip
    A raw din ay darating pagwawakas mo ay sasapit!

Comments are closed.