Nagpaplano ang mga tao at mga kumpanya na nasalanta ng bagyong “Ondoy” at “Pepeng” nitong mga nakaraang linggo na magsampa ng kaso sa mga opisyal ng pamahalaan at mga operator ng dam sa kanilang kapabayaan na nagdulot ng malaking hirap sa libo-libong mga mamamayan.
Sobra kasi ang dami ng tubig na ipinalabas ng Pantabangan at San Roque dam noong isang araw na siyang dahilan ng matinding baha sa Pangasinan, Nueva Ecija at karatig lalawigan.
Napakinggan ko ang interview ni Anthony Taberna kay Sen. Chiz Escudero sa DZMM. Taga Nueva Ecija si Anthony at si Chiz naman ay nasa Pangasinan noong linggo kasama si Grace Poe at tumulong sila sa mga nasalanta ng bagyong “Pepeng”. (Si Fernando Poe Jr ay taga-Pangasinan).
Sabi ni Chiz, sa sampung oras noong raw ng Linggo, umabot sa 190 bilyon liters ng tubig ang ipinalabas mula sa dam dahil kung hindi babagsak ang dam.
Tama naman na mgpapalabas ng tubig mula sa dam ngunit bakit noong araw lang na yun? Dapat bago pa dumating ang “Pepeng” nagpapalabas na para hindi na sana umabot sa “critical level” ang tubig sa dam.
Naabutan ko rin ang interview ni Arnold Clavio sa isang opisyal ng San Roque dam at sinabi niya na hindi nila inasahan ang ganito kadami na buhos ng ulan. Ganito rin doon ang sinabi ng mga taga-PAGASA, ang ating weather bureau tungkol sa “Ondoy.”
Ang tanong: bakit hindi natin nalaman ang lakas na dala ni Ondoy at Pepeng. Meron na ngayong mga teknolohiya para malaman yan.
Ang karanmiwang sagot ng mga opisyal: “Hindi natin kaya yan.” Bakit hindi natin kakayanin? Alam naman natin na sa isang taon mga sapu hanggang 20 na bagyong dumadaan sa atin.
Ngayon masasabi mo ba sa mamamayan na hindi natin kakayanin ang hirap na idinulot ni Ondoy at Pepeng?
Hindi naman nila maaring sabihin na hindi nila alam dahil nagyabang pa si Gloria Arroyo tungkol dyan sa kanyang state-of-the-nation address noong nakaraang Hulyo. Ito ang sinabi ni Arroyo:
“As a country in the path of typhoon and in the Pacific Ring of Fire, we must be prepared as the latest technology permit, to anticipate natural calamities when that is possible; to extend immediate and effective relief when it is not; the mapping of flood-and-landslide prone areas is almost complete.
“Early warning forecasting and monitoring systems have been improved and weather tracking facilities are in Subic, Tagaytay, Mactan, Mindanao and Pampanga.”
Kaya dapat unahin si Arroyo sa mga kasuhan. Kasuhan rin dapat ang mga developers na nagpatayo ng mga subdivision at mga gusali sa ilog (tinakpan nila). Kasama na rin ang mga opisyal na nagbigay ng permit.
Malaking krimen ang kanilang ginawa sa bayan.
Ansabi:
Kumpleto naman nang organisasyon ang mga baryo para ma-i-bandillo na magpapalabas sila nang tubig. Merong Kapitan, merong Mayor, merong Governor. Kung ayaw nilang sabihin kahit isa man sa kanila, tawagin nyo lang si Inday, sure yan, chizmis yan sa Barrio. Pero, ano ba talaga ang nangyari?!
AHA!
Protocol!
Mga alituntunin na dapat gawin para maiwasan ang sakuna.
Translated in local vernacular, it reads: BAHALA NA KAYO SA BUHAY NYO at sana me mga salbabida kayo.
Opo. Eto po ang mga equipments.
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/07/09/p1-b-flood-warning-system-wasted-due-neglect
Mukhang korek ang feel ko kay Grace Poe. Basta ba itutuloy ni Chiz ang nauntol na project ni Da King re modernization and upgrade of PAG-ASA ay ayos na sa akin.
Buhay muna at susunod ang ekonomiya. Sino ba ang magpapatakbo ng economy kundi mga tao? Kung palaging ganyan na delubyo ang nangyayari sa Pinas dala ng bagyo ay balik at balik tayo sa square one.
Look, pinayagan natin na patakbuhin ng isang animal na PhD ang Pinas, anong nangyari? Early warning device lang ay hindi pa bumili, instead ay ikinain sa New York at D.C. ang pera. Napakasiba na animal yan.
Gloria the pathological liar must be the first one to be jailed for this criminal act, siya ang kaporal e.
Sino ba ang magpapatakbo ng economy kundi mga tao?
Absolutely spot on! This government wouldn’t have a penny in its coffers to steal without the citizens of this country working their asses out to fill those coffers.
It really is time this government feel and show a bit of respect for the people of this nation. If they cannot do that, erring members of govt should be kicked in the head!
Anna, I like what you said in FB…that after Ondong and Pepeng, “pinoys should start engaging their brains”. Dapat!!!
Chi, thanks — nainis kasi ako. Imagine, Baguio under water? How on earth did that happen?
I wonder why, Anna. Paano nangyari yun? Upon seeing the photos, I thought my eyes were playing a trick on me.
My brother who owns fishponds in Tarlac said that naglayasan daw iyong mga isda niya…
P1-B flood warning system wasted due to neglect
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/07/09/p1-b-flood-warning-system-wasted-due-neglect
Kung gayon, lumalabas na talagang gusto nitong mga hinayupaks na alipores ni dambuhalang panduck lalo na itong si Baya(g)ni Fernando na mamalimos ng awa sa kanila ang mga tao at lalabas silang mga bida dahil sa amot na tulong na galing din sa mamamayan ang pinambiling tinipid pa sapagkat mas mahalaga sa mga hudas na mapuno ang napakalalalim nilang bulsa!
Mga ganid!
My brother who owns fishponds in Tarlac said that naglayasan daw iyong mga isda niya – Anna.
Anna, may nakapagsabi sa akin na ‘yung mga isdang nagsialisan sa fishpond ng kapatid mo ay humanap muna ng masisilungan dahil mababasa daw sila ng ulan at baha. Baka daw sila sipunin. Babalik naman daw sila uli doon…….kung hindi sila mayayari ng mga tomador upang gawing pulutan.
I think nasobrahan ang pagputol ng puno.
Sino ba ang sisisihin natin?
Ang gobyerno? Eh, hindi naman sila nauubusan ng palusot, ah?
‘Yung mga iskwater naman, marami ding dahilan. Lalo na ‘yung mga ganid na kumakalbo ng ating mga kagubatan at mga may ari ng malalaking minahang kayang tapalan at busalan ng salapi ang mga nasa gobyernong walang pakialalm kahit mawasak ang ating kapaligiran.
Basta’t meron silang salapi, nabibili ang lahat ng alwan sa buhay ay isasakripisyo nila ang kinabukasan ng ating susunod na salinlahi.
Mas masakit ang hagupit ng galit ni Inang Kalikasan.
Naranasan na natin ng magkasunod na halos walang patlang!
Hahaha! “naglayasan daw iyong mga isda niya”.
That’s a great Tagalog line, Anna.
Buti pa yung mga isda alam kung kailan sila lalayas, they have better judgment than Gloria.
Eto pa ang isa:
Gibo delayed purchase of rubber boats
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/12/09/teodoro-delayed-purchase-rubber-boats
Nakuuuuuuuh!
May Solusyon diyan :
Bakit hindi natin itali sa gilid ng mga Dam ang mga pabayang opisyales nayan, Nang sa gayon kapag ang lebel ng tubig ng Dam ay lagpas na sa Kritikal , walang gagawin iyang mga ugok na yan kung hindi sumigaw-ng-sumigaw, babala sa lahat na mataas na ang lebel…dahil kung hindi sila sisigaw ay malulunod sila…iyan dapat ang gawin, para pag nalunog sila palit ng tauhan kaagad…!
BEG OR BORROW; NO MONEY FOR CAPITAL OUTLAY
Gloria allies seek P46B more next year for relief
http://tribune.net.ph/headlines/20091012hed1.html
Talagang makakapal nga ang mukha ng mga alipores ni goyang.
Gusto pa nilang pagtiwalaan sila’t isaisantabi ang hinala gayung maliwanag pa sa sikat ng araw na wala silang kakayahang tugunan ang ating mga pangangailangan sa sandaling ganito ng kalamidad.
Bakit kailangang magkaroon pa ng karagdagang pondo samantalang puwede naman nilang ilabas ‘yung kanilang mga NINAKAW para hindi na uli mangutang sa labas ng bansa?
Nakatahi na sa lamang ng mga ito ang kasibaan at tagos hanggang buto ang kawalanghiyaan!
Nakatahi na sa LAMAN ng mga ito….
Bobitz,
OK ang suggestion mo. Ang mga tiwaling opisyales naman ang ating pasigawin ng saklolo, palagi na lang ang ordinaryong pinoy ang sumisigaw e.
Kaya nga lumago ng lumago ang yaman ng mga Arroyo … isama niyo na rin diyan ang yaman ng mga asong ulol niya. Inuna ang mga bulsa bago ang kapakanan ng taong bayan.
Kita niyo naman wala yatang nasalanta sa mga aso ni Glorya … mukhang may sarili silang warning device.
nag-issue si Bayani nang statement: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20091011-229573/MMDA-Flood-control-system-working
which to me:
1st: “operational but obsolete” but he did not discuss why especially with the COA findings. The report said Fernando let the equipment deteriorate because the cost of maintaining it outweighed its usefulness.
Eto nga yung point namen – hindi ba nila nakita ang issue na to when they were planning to buy the equipments? Marami syang dadaana before the actual loan, grant and the buying. Me requisition, me RFP, me memorandum of agreement at kung ano anong talakayan.
Question is – ano ang tinalakay nila? Sabi nya BUDGET PROBLEMS daw. Eh ba’t sila bibili pag walang sustaining budget sa mga susunod na years of operation? Ba’t hindi sila naghanap nang funding? Dahil di nila ma-account ang mga pondo???
2nd: sino ang mag-i-issue nang warning nang 1 a.m.??? as in haller!!! Dapat ang warning na yon was not just a bulletin as kelangan kalabugin mo ang mga bahay bahay! “As early as 1 a.m., there was a warning for Marikina residents to evacuate. The city was not yet flooded at the time,” he told listeners of “MMDA sa GMA,” the agency’s weekly program on radio station dzBB. Pero ang sabi sa news, interestingly, eto na mismo yong araw that Metro-Manila was already submerged in deep floodwaters.
3rd, he said “another warning was issued at 3 a.m. on the same day.” Anong klaseng warning nga? Baka yung warning na tumatakbo sa TV nang pahalang? Sino naman kaya ang nanonood nang mga oras na yon?
4th finally – the alibi. “Rather than discussing these technical things, what’s important is to help the residents live normally again,” Fernando said.
WHATEVER!
Whatever na lang talaga.
Pagkatapos makuha ang mga tongpats sa pagbili ng bilyong halaga ng equipment, pinabayaan na. Paano nga kasi, hindi na kasi pagkaka kwartahan, o maliit lang ang matongpats sa maintenance. Utak kwarta lang yang mga nasa gobyerno, mga sakim.
Ganyan din ang mangyayari sa Matik-matik ng COMELEC. Pagkatapos makuha yong tongpats …. tapos na.
landslides, mudslides, floods…sorry guys but I stick to the probable culprit—denuded rainforests and lack of watersheds…no roots to hold the soil. my simple arithmetic.
“Dapat managot ang nagpabaya”
May nananagot ba sa gobyerno ni gloria? wala!
ah.. meron nga pala, mga whistle blower!
Masyadong mayabang si Bayani. Ipinangalandakan niya na tanging siya lang ang naka-solve ng perennial flooding ng Marikina. Maraming naniwala sa kanya kay di sila mapalitan sa Marikina. Ano na ngayon?
Ang flood control system na alam ni Bayani ay yung pumping water stations lang. Tanggalan ng dumi at bara, presto hindi na magbabaha!
Ang hindi niya kinunsidera ay yung agos ng tubig na nagbabago sakaling tumaas ng labis sa normal at naghanap ng ibang lagusan. Water seeks its own level. Very elementary yan.
Walang silbi ang pumping stations kung hindi na doon dumadaan ang tubig. Tanga!
Nung dalawang taong nakaraan, merong Science Contest kung saan nanalo ang invention Don Bosco Mandaluyong sa paggamit ng water level sensors na nakakabit sa ordinaryong cellphone circuitboard at nagpapadala ng data via GSM sa isang computer. Wala pa sigurong P20,000 kada terminal na pwedeng pamalit sa expensive telemetry na gumagamit ng UHF o microwave sa ang tina-transmit lang naman ay water level.
Hirap sa gobyerno ngayon, pakontest-kontest pa, kinokopo lang yata yung patent para maibenta sa China.
Hindi lang managot ang ng pindot ng button sa pagkawala ng tubig sa dam kundi bitayin. Crime to humanity ang nangyari.
natutulog kasi sa trabaho.Single plan lang kasi walang plan B or C.
Ganun pa man nasaan ang mga helicopter ng mga PAF para sagipin ang mga tao sa kanilang mga bubong?
Nasaan ang baloto ng mga Coast Guard at Phil.Navy?
Malaking problema ang nangyari.Mga tao sa evacuation center wala ng mga bahay na uuwian.Ano ang gagawin ng gobyerno sa kanila? Papano na kapag naubos na ang relief para sa kanila.
Dapat sana habang nasa evacuation center sila ay turuan na sila ng kabuhayan.Pag bigyan sila parati ng isda kakainin lang nila,dapat turuan din silang mangisda.
Balik na naman daw sa dating gawi ang mga squatter dahil walang relocation ang gobyerno sa kanila.Sabagay magandang negosyo ito sa nagmamay-ari ng lupa.Per squre meter ang upa.
Kaya kapag bumagyo na naman uli lubog na naman sila at evacuate na naman uli sa eskwelahan,Kaya kung minsan sa halip na kaawaan sila ay nakakainis, tuloy dahil apektado ang mga bahay na nagpundar sa katabing squatter.Una ang basura,pangalawa ang kalinisan,talamak na krimen ang nangyayari sa lugar ng mga squatters.Nagpapasikip pa sila ng traffic.Dapat gawan na sila ng government housing project at magbayad sila ng renta para maiayos ang kalinisan at basura.
Pareng Cocoy,
Wala ngang relokasyon, eh. Saan sila magtatayo ng bahay?
Tutal, gusto ng mga pulintiko na ‘yan na pakinabangan ang mga iskwater, bakit hindi doon sa kanilang mga lupain papagtirikin ng bahay? Hindi mababawasan ang boto sa kanila sa eleksiyon, di ba?
Kaya merong iskwater ay dahil sa kakulangan ng suporta ang national at local leaders sa ating mga kanayunan. Kuntodo mga mga plata de porma, mga programang pangkaunlaran kuno subalit ang tumataba ay ‘yung kanilang mga bank accounts lamang.
Muli, ang dulo nito ay ang pagpili ng mga maling mamumunong walang pagpapahalaga sa kanilang mga nasasakupan. Damay na pati ang pagkawasak ng ating kapaligiran at kalikasan na ang mga pobreng mamamayan ding napauuto ang nagbabayad ng mahal.
Ganun pa man nasaan ang mga helicopter ng mga PAF para sagipin ang mga tao sa kanilang mga bubong?
Nasaan ang baloto ng mga Coast Guard at Phil.Navy? – Cocoy
‘Yung ilang helipakter ng PAF ay nasa repair shop dahil inuubo na kapag pinapalipad. Tinitipid pa ‘yung pondo sa pagpapa-repair dahil kailangang matapos na ‘yung pinapagawang mansyon ni general para sa kanyang kalatsusi.
‘Yung mga baloto naman ng Coast Guard at Navy ay nakaantabay dahil baka kailanganin sakaling gustong lumikas ng mga nakatira sa palasyong Malakanya. ‘Yung iba ay pinanghahakot ng relief na ibebenta.
Dito pala mas angkop ito. Sori po.
Arroyo creates reconstruction body
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/13/09/arroyo-creates-reconstruction-body
Umandar na naman si reyna ningas kugon! Kapag sumasabit sa kanyang mga kapalpakan, kung ano anong kumisyon ang iniisip.
goyang, hindi ‘yan ang kailangan upang matulungan ang mga nasalanta, no?
Ilabas mo ‘yung P140 billion na hinarang mo. Suwapang!
At a time like this?! Irresponsible! Unconscionable! Infuriating!’
P400 million
for NAM meeting
http://www.malaya.com.ph/oct13/edrey.htm
Grabe talaga!
Kapal!
Mahirap bigyan ng pabahay ang mga squatters… sila ang mga “Professinal Squatters” na kung binigyan mo ng bahay ibebenta nila yan sa mura at babalik na babalik sila ulit sa dating squatters area. Pasensya na pero sakit sa ulo ang mga taong ito. Dapat bumalik sila sa kanilang mga probinsya at huwag magkalat sa maynila.
Saka huwag na tayong mag-expect sa helicopter dahil mas lalong mailalagay sa risk ang mga kababayan natin dahil ang engine nito converted lang galing sa engine ng traktora. Ganun din ang mga bangka ang propeler niyan sa mga sirang electric pan.
Sorry “Professional Squatters”….
Agree, binibenta rin ng mga squatters ang pabahay sa kanila e. Ang dapat talaga ay pwersahang ilipat sa mga probinsya, bigyan ng kabuhayan at i-monitor. Takutin at parusahan kung kailangan. Sino ba sa mga natitirang presidentiables ay may political will na magagawa ito?
Sa Project 8 where I grew up, ayon at ang kalye lang namin (pinakamataas) ang hindi binaha. Ang malaking creek sa pag-itan ng Project 8 at 7 ay umapaw sa unang pagkakataon at natangay ang mga bahay squatters.
Napakagandang creek yan dati, ang boulders ay kalalaki na flat, pinagtayuan pala ng bahay ng mga squatters…napuno ang kahabaan ng creek.
Kailangan pag-aralang mabuti kung ano ang tamang gawin sa squatters para sa kanilang sariling kapakanan at sa environment in general. Hindi yung pinababayaan sila kahit saan magtayo ng barung-barong dahil kailangan tuwina sa eleksyon.
Kalbong kabundukan dahil sa logging, non-recycling/disrespect of the environment, squatting, panahon pa ni Mahoma na PAG-ASA equipment, no early warning device, poor urban planning, and most of all mga baboy na politicians…a complete recipe for a mega disaster. Meron lahat nyan sa Pinas!
Kalbong kabundukan pero si Sen. Juan Ponce Enrile ay hindi pa nakakalbo. Matatag dahil marunong sumayaw ng tango. Kahit sino ang nakapuesto sa Malacanang ay may kapit. Mega disaster at malaking malas si Gloria Arroyo. Dapat siyang managot sa taumbayan.
Magno, Cocoy,
Noong late 70s o early 80s na binaha ang buong Central Luzon ng Typhoon Dading (o Didang?) ay bidang-bida ang PAF. Lahat ng choppers ng PAF, kahit pa matindi ang giyera sa Mindanao, ipinadala sa Central Luzon. Kahit kaming mga KB officers nakasama sa relief ops noon sakay ng mga Sikorksy at Huey choppers na ito. Inilalaglag lang namin yung mga supot ng relief sa tubig dahil pag ibinaba ng malapit ang helicopter ay nililipad ang mga bubong ng mga bahay. Minsan, sa pagka-desparado ng ilan ay tinatalon yung mga supot habang ibinabagsak kaya merong mga pumuputok ang mga ulo pag nabagsakan ng mga lata ng gatas at sardinas. Yung mga nasa mga puno at ibabaw ng bubong lang ang ini-airlift papuntang Clark at Subic.
Nitong Ondoy at Pepeng, wala yata akong napansin na mga helicopter. Madali ko yang malaman dahil malapit lang kami sa Nichols. Pag nagpainit ng makina dun ay dinig na sa bahay ko. Kunsabagay, aanhin naman ng Air Force ang helicopter, kung C130 nga dapa nang lahat. Yung dalawang Blackhawk na natitirang matino, kay Putot pa naka-detail (205th Heli wing). Mas marami pa yatang na-invest ang PAF sa mga mansiyon ng mga heneral.
She’s at it again! She has no shame!
Yung in-announce na evacuation center sa Mansion House sa Baguio, peke rin pala! Yung mga “evacuees” ay mga HRM students sa Taguig na na-stranded sa landslides. Huling-huli sa litrato na pagkatapos niyang abutan ng “relief goods”, diretso sumakay ng PMA School Buses yung mga nakatanggap para umuwi.
Tangnang evacuation center yan, may hatid-sundo pa ng bus ang “victims” para sa pictorial kay Pandak.
**************
Kung meron kayong Facebook tignan ninyo dito angmga litrato:
http://www.facebook.com/album.php?aid=114401&id=528628313
Sana Ellen mahiram mo kay Frank Cimatu itong mga pictures sa Wall niya.
Hahaha! Grabe, e kahit si Marcos ay hindi naghakot ng evacuees para meron lang kodakan. Luka-luka!
Tongue,
Bagyong GLORING ‘yung nagpalubog sa Central Luzon. Parang sa bible, 40 days and 40 nights na walang patid na ulan, walang hangin.
‘Yun ang unang nagparang malawask na fish pond ang buong rehiyon.
Ang bagyong Dading, tanda ko’y mga mid 60’s ‘ata yun na may lakas na hanging mahigit 200 kmph at grabe din ang pag-ulan subalit walang ganitong mga flash flood. Tandang tanda ko pa ang bahay namin ay yari noon sa kawayan pati bubong. Hindi naigupo ng lakas ng hangin dahil maraming punong nagsisilbing wind break sa paligid.
Hindi katulad ngayon na konting ulan lamang ay parang katapusan na ng mundo.
Kung hindi magbabawas ng kasibaan ang may ari ng malalaking trosohan at minahan isama na rin ang mga , baka hindi na tayo abutin ng huling taon ng susunod na presidente. O, kung lumawig man ng konti ay baka sa 2020.
Tandaan n’yo ‘yan!
putol..
…isama na rin ang mga developers, baka hindi na tayo abutin……
MPR hindi mid-60s yun dahil nung mid-60s naka lampin pa ako at dumedede pa.
Ang unang malakas na bagyong naaalala ko ay yung bagyong Yoling. Kalakasan nung bagyong Yoling nung nagbabantay ako ng mga pinsan kong maliliit dahil nanganganak ang Tita ko nung araw na yun mismo. Kitang-kita ko kung paano tinuklap ng hangin yung isang buong pader ng kapitbahay naming si Mang Isko. Yung banyo nila ay nasa 2nd floor kaya kung may gagamit ay nakabalot ng kumot habang nasa trono. Pag nakatapos ay pinapalakpakan pa ng audience, hahaha.
Parang Pinoy Big Brother kita lahat ng ginagawa mo.