Skip to content

Bagay sina Villar at De Castro

Ayun sa kolum ni Lito Banayo ngayon sa Malaya, pumayag na raw si Bise- Presidente Noli de Castro para magiging bise ni Sen. Manny Villar para sa 2010 eleksyun.

Maganda yun. Gumaganda na ang tambalan.

Sa administrasyon, Gilbert Teodoro-Ronnie Puno; sa mga hindi administrasyon (ayaw ko sabihing oposisyon dahil ang iba, hindi naman talaga laban kay Gloria Arroyo) nandiyan na ang Noynoy Aquino-Mar Roxas ng Liberal Party.

Si Chiz Escudero ng Nationalist People’s Coalition ay magiging 40 taong gulang na sa Sabado, Oct. 10. Ang plano, sa Lunes nya ipahayag ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente. Hindi pa yata sigurado kung sino ang kanyang magiging bise presidente.

Sabi dati si Loren Legarda na kabilang din sa NPC. Ngunit mukhang hindi pa naka-desisyun si Loren kung tatakbo siya sa 2010 na eleksyun.

Mas maganda nga yata, magpahinga muna si Loren sa eleksyun. Unang termino nya ito bilang senador. Tumakbo siyang bise presidente noong 2004 na eleksyun kung saan nangyari ang “Hello Garci” na operasyun ni Gloria Arroyo laban kay Fernando Poe, Jr. Nagprotesta si Loren ngunit kinatigan ng Supreme Court si De Castro.

Pinakita naman ng taumbayan ang kanilang paghanga at pagmamahal kay Loren dahil siya ang naging number one na senador noong 2007 na eleksyun.

Kung hindi matutuloy si Loren, ang magiging bise ni Chiz ay manggagaling sa ibang partido.

Kay Noli naman, hindi pala totoo ang pasinghal na sagot niya doon sa reporter na “Hindi nga, e.” nang tanungin siya kung tatakbo siyang bise presidente pagkatapos nahirang si Teodoro na kandidato para presidente ng Lakas-Kampi-CMD.

Hindi naman nakakapagtaka kung nakumbinsi ni Villar si De Castro dahil magkaibigan naman yung dalawa. Magkasama sila sa Wednesday Club sa Senado. Ang ibang kasama nila ay sina Joker Arroyo, Kiko Pangilinan (na ngayon ay balik Liberal Party) at si Ralph Recto na nagiging NEDA secretary general o economic planning secretary ni Arroyo. Tatakbo daw si Recto bilang senador sa ticket ni Villar.

Bagay na bagay sina Villar at De Castro.

Ngayong balik na sa pulitika, sana naman hindi pabayaan ang mga biktima ng bagyong Ondoy.marami pang lugar sa Marikina, Cainta, Taguig, at Laguna ay hanggang baywang pa rin ang tubig. Libo-libo pa rin ang mga nasa evacuation center dahil hindi na sila makabalik sa kanilang mga bahay at marami nga sa kanila ay walang ng bahay. Tinangay na ang mga bahay.Marami pa sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas ang sa nasa gitna ng kalamidad.

Kasama ito sa mga isyu sa eleskyun.

Published in2010 electionsAbante

13 Comments

  1. Mga Kababayan:

    “C5 Na,Legacy Pa!”

    EQ

  2. MPRivera MPRivera

    Ito talagang si kutis kabayag, oo. ‘Dami pang paeklay, doon din naman pala ang tungo.

    Hindi nga sumama sa PaLaKa, doon naman sa maC5ag at mat(uma)yaga.

    Akala pala niya nakakalimutan na ng mga taga Lumban ‘yung kanyang katarantaduhang pinaggagawa noon.

    If the price (or prize) is right, walang hindi ang hunghang na ‘yan.

    Hindi na dapat mahalal uli ‘yan dahil sa kanyang Legacy ng mga tagong lantad na katiwalian.

  3. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Eq,

    Natumbok mo! “C5 Na,Legacy Pa!”

  4. chi chi

    “C5 Na,Legacy P”

    Down the sewer we go if they won…tuloy ang Gloria!

  5. Mike Mike

    C5 at Lagay! 😛

  6. Mike Mike

    They both belong to each other, sana habang buhay silang magkasama.. sa hirap at ginhawa, sa C5, sila’y yayaman.

  7. Bong Bong

    piliin lang ang tunay na oposisyon sa 2010, mag ingat tayo sa lahat ng nagpapanggap na oposisyon. pati na rin sa mga litaw na elitista.

  8. romyman romyman

    I have second thoughts for Villar. I trust him more than I trust Noli, but now I have doubts.

  9. Mike Mike

    Sa totoo lang, wala akong nakikitang tunay na oposisyon. Malamang, kung sino man ang mahalal bilang presidente sa susunod na taon, andirito pa rin tayo sa Ellensville para mag matyag at bumabatikos sa papalit na presidente laban sa mga katiwalian na pwedeng mangyari.

  10. parasabayan parasabayan

    Wala ka talagang mapagpilian. One way or the other may maipipintas sa mga presidentiables.

    Sa dami ng kailangang lutasing problema sa Pilipinas, kailangan ng isang “superman”!

    Pihado ko nga Mike, sa isang taon, hindi na si boobuwit ang target natin. Iba naman. Unless we punish our erring leaders, we will go through the same cycle over and over again! Kahit na sino pa ang manalong presidente.

  11. parasabayan parasabayan

    Even Ebdame is thinking of running for the presidency. Baka repeat performance ang “Hello Garci”! Wala na bang mas matinong kandidato?

  12. Rudolfo Rudolfo

    Pag-di naboo ( nag-kaisa ang oposisyon ), 50%-60% ang mangyayari..5%-to-10% lamang ang paglalabanan para manalo.
    Pag ganito kaliit, walang majority votes, baka maulit ang
    Hello Garci, or magkakaroon ng Hello Auto-Smartic ( computer, kono )na eliksyon..baka pag-tawanan tayo ni Gibo ( dahil pabor sa kanya, iyan ).

    Balik problema iyan…at kung si Gibo man ay manalo, sana naman mag-pakaDiyos, maka-tao, maka-bayan na sya. Huwag na syang pasaw-saw sa admin ni GMA.

    At ganoon din sa iba, sakaling naka-guhit ang tadhana sa kanilang mga kamay, bilang Pangulo ( Noynoy-Mar, Escudero-?
    Erap-Binay, Villar-No ( nakaka)li ( to ), sya.c5-legacy,
    pabahay, pikon ).

    Good luck na lang sa kanila,and may the best team win, for the good of the next generation…Unahin lang nila, ang mga problema sa baha, at
    global warming.

    Ito ang pupuksa sa mga susunod na henerasyong Pilipino.Huwag ng magpayaman at greedy, di maganda.Enough is enough.Gumising na sa kalabit ni Omdoy at Pepeng, etc.at darating pang unos.

  13. Rudolfo, tingnan mo ang iyong comments. I edited it. Inayos ko. Pinalitan ko ang mga salitan all capitlaized ng small caps.

    At inalis ko ang maraming period.

    Iyun ay para maayos basahin.

    Uulitin ko ulit, hindi maganda basahin ang maraming naka-all caps. Parang ginagawan bobo ang nagbabasa. Kahit hindi yan naka-all caps, maintindihan yan ng mga readers dito. Matatalino ang mga nagbabasa rito.

    Sa bawat dulo ng sentence, isang period lang.

    Mas maganda basahin. Salamat.

Comments are closed.