Ay naku, balik na nga tayo sa normal pagkatapos ng hagupit ng bagyong “Ondoy”. At balik intriga na naman tayo.
May kumakalat ngayon sa text at Facebook yung sinabi ni Kris Aquino noong Sabado na, “Aminin natin. Mas masarap tumanggap ng relief goods pag maganda ang nagbibigay sa iyo.”
Sabi nga ng isa sa Facebook, “Kaya mga panget exempted sa volunteer relief work.”
Sinabi kasi ito ni Kris bilang reaksyun sa mga kumalat na batikos sa kanila na minsan daw matagal naghihintay ang mga bao sa evacuation centers kahit na nadun na ang mga relief goods dahil hinihintay daw ang mga artista na siyang mamimigay habang kinukunan ng TV.
Nakakaloka. Tawanan na lang natin. Wala namang malisya siguro si Kris sa kanyang sinabi. Taklesa lang talaga. Malaking tulong naman talaga na aktibo siya sa fundraising ng ABS-CBN.
Nakakahanga ang operasyun ng dalawang nangungunang TV station: ang GMA7 at ABS-CBN. Mula sa paghingi ng donasyun hanggang sa pag-deliver ng mga pagkain, damit, gamot, at mga gamit na kailangan ng mga Ondoy victims.
Ngunit siyempre, walang perpekto na operasyon. Minsan naantala, minsan hindi nabibigay ang gusto ng mga biktima.
Ngunit dapat alala-hanin natin na pribadong sektor ito. Hindi ito pamahalaan.
Ngunit mapagpasenya pa rin si Tina Monson Palma, ang siyang namamahala sa “Sagip Kapamilya” ng ABS-CBN. Sinabi niya, naintidihan niya kung bakit nagtutulakan at nag-aaway ang mga pumipila para sa mga relief goods. Ikaw ba naman ang mawalan ng bahay(at ang iba nga ay miyembro ng pamilya ang nawala). Siyempre maiinit ang ulo mo. Hindi rin naman masarap ang sitwasyun nila sa evacuation center.
Yung iba naman na nandadaya at nakakakuha ng dobleng bag ng relief goods, sabi ni Tina, pabayaan na lang yan. Naintindihan naman natin nawalang-wala naman talaga sila.
Sa akin nga pabayaan na rin natin na linagyan ni Sen. Manny Villar ng kanyang pangalan ang pinamimigay niyang lunchbox. Ang mahalaga may laman yung lunchbox.
Di ba sinasabi ng mga matatanda, “Ang grasya, grasya.” Kung nagugutom ka, kainin yung pagkain. Hindi ka naman pinipilit bumoto sa kanya. Kung hindi mo siya gusto para presidente, di huwag mong botohin.
Ang hindi nakakatuwa ay ang mga opisyal ng pamahalaan na wala kasimpa-simpatiya sa mga naghihirap. Nang parating ang bagyong “Pepeng” order ng order itong si Gloria Arroyo na umalis na ang mga pamilyang malapit sa ilog. Wala namang pinapadala na mga truck para sa evacuation. At saan naman sila pupunta, sa sobrang sikip na evacuation center?
Ito rin si Education Secretary Jesli Lapus, sabi kailangan na alisin ang mga evacuees sa mga eskwelahan dahil may klase na ulit. Saan dadalhin ang mga evacuees?
Ang nakakainis ay ang pamahalaan na pahirap ang ginagawa sa taumbayan. Si Kris Aquino? Tumawa na lang tayo.
Ellen,
Sige na nga… for the sake of the victims, I will bite my tongue na lang. At least they are there, dirtying their well-manicured fingers to hand out goods. (While poor me can only watch.)
There was an incident the other day when the ABS-CBN relief truck arrived in a town in Laguna about 11 p.m. The town official said the refugees were asleep so he asked the volunteers to just leave the goods.
The volunteers consulted Tina Palma, the over-all in-charge of Sagip Kapamilya, and her instruction was not to leave the goods. The next day, the town official was on the radio criticizing Tina.
Nakakalimutan yata by this town official that it is a private sector project, not of Malacañang. At bakit mo naman ipaubaya sa kanya? Baka kani-kanino mapunta yung mga donations.
Hahaha!!! Kris is Kris, forever tactless, it’s what you see is what you get.
I don’t resent any of the politicians who made Ondoy their vehicle of campaign, basta nakatulong.
At sa lahat ng artista na pangit at maganda basta nakatulong ay salamat din.
Si Gloria lang talaga ang kinamumuhian ko!
Tama ang ginawa ni Tina Palma, huwag ipagkatiwala kahit kaninong tao ng gobyerno ang relief goods.
Sus naman, Kris!
Kahit hindi na kami makakita ng maganda kung wala na’t tinangay ng baha ang aming mga ariarian.
Please lang. Masakit sa mga nasalanta ang ganyan.
Kung ikaw naman kaya ang lumagay sa katayuan ng mga nawalan na nga ng kabuhayan ay kasabay pang nangakahilera ang kabaong ng mga namatay na mahal sa buhay?
Tanong ko lang :
Kailangan ba naka yellow T-shirt ang mga nagbibigay ng relief na mga taga abs-cbn? or uniform talaga nila yan . Wala daw pulitika ! hmmmhhmmmm!
Cynthia Martin posted this in my Facebook wall:
Ganda ng kalooban ba pinag-uuspan o gandang “salamat po doctor?” Kasi yun nasa evacuation center duling na ang mga yan sa gutom!
We will have plenty of that if Noynoy becomes president.
Dahil sa gutom ay hindi na nila mabasa kung kaninong pangalan ang nakalagay sa styrofoam. Kapag gutom ay walang nakikita o naririnig kundi kalam ng sikmura.
Baka nga sa gutom ay hindi na nila kilala ang kanilang presidente e, hehehe!
Si Kris Aquino?
Huwag ng pansinin. Papangit ka pa…
I never take Kris Aquino seriously, she’s the antithesis of her siblings…
Iba na talaga ang maganda,busog pa pati mata.
Kaya nga hindi nag-volunter ang mga anak ni Gloria Arroyo dahil alam nila na walang pipila sa kanila.
Pero iyung nakita kong mga evacuee sa Malacanang,mukhang mayayaman yata ang mga iyun dahil magaganda sila pati mga damit nila.
Iba rin pala kapag mayaman ka.
Iba na talaga ang maganda,busog pa pati mata.
Kaya nga hindi nag-volunter ang mga anak ni Gloria Arroyo dahil alam nila na walang pipila sa kanila. -cocoy
Bwahahahaha!!!
hahaha! Spot on ang observation ni Cocoy! Hihihih
Oo nga…sa matinding kaguluhan, kalungkutan at abala ang bawat isa sa pagtulong ay hindi natin napapansin na nawawala ang mga sundalo. Inipit ni Gloria dahil takot sa kukurukuku?!
“Nasaan ang mga sundalo?” – http://www.abante.com.ph
Sori, dapat ay hindi ako nagtanong…wala nga palang rubber boats na sasakyan nila para sa rescue efforts. Lintek na gobyerno ni Gloria Arroyo talaga!
Kris is Kris, yan ang signature nya. At least, in the middle of misery me nakakatawa. This time around though, getz ko ang humor nya, I know, minsan mahirap ma-getz but pramis, I am one magandang cinderella and I tell you chika nya lang yon.
Ang hindi CHIKA is this one:
Ang tipong pag-traydor nang tongreso natin na aprubahan nila in the middle of the night ang con-ass, inulit na naman ng mga damuho at walanghiyang tongressman ang pag-approve ng naturang budget sa pamumuno ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr.
Yan ang nakakairitang chika.
Takot ang pekeng commander-in-chief sa taumbayan. Siyempre makikita nila ang kapalpakan ng rehimeng Arroyo. May mga familia o kamag-anak silang nasalanta ni Ondoy. Baka magalit ang mga junior officers at enlisted men at lusubin ang Malacanang. Bakit hindi ginagawang relief centers o temporary shelters ang Fort Bonifacio at Camp Aguinaldo?
Maganda nga pero may VD naman … wag na lang …. joke lang.
ang katakutan nila, pag ang mga taong ito ay nagpunta sa kalsada.. tapus na sila.. paalam gloria, kasama ang mga demonyong alipores nila… ito na kaya ang trahedyang gumising sa mga pilipino at maparamdam ang kasamaan ng pamahalaan ni gloria, kasama ang asawa at pamilya niya, pati na ang lahat ng mga alipores niya.. masakit man ang trahedyang ito, sa ating mga kababayang pilipino,pero mas masakit ang ginagawa nila gloria, kasama ang mga tauhan niya na sila ay mag hari hari an habambuhay sa ating bayang pilipinas..it took the death of one filipino ninoy aquino, that ousted marcos.. and i hope and pray, this tragedy will unite us to oust this fake president gloria m arroyo, pretending to be a leader of millions of filipinos..GOD save the philippines…!!!! mabuhay ang mga pilipino…!!!!!
Magdilang anghel ka sana ocayvalle.
Para minsanan na lang ang hirap … isabay na rin nating pagsisipain ang mga pekeng mga taong umuukopa sa Malakanyang at ang kanyang mga unggoy sa Tongresso at ilan sa Senado.
Si Kris:
I bet kaya ang sipag sipag ni Kristeta ay dahil sa kapatid niya na si Noynoy na tatakbong presidente.
Ganyan kaya rin si kris kasipag kung sakaling di tumakbong presidente si Noy, ?
Kasi mga nagdaang kalamidad natin di ko nakitang ganyan si Kristeta .. Nagtatanong lang po !
When everything else is ugly (weather, flood etc), it is always good to see someone who is pretty. This is typical of Kris, her mouth opens before she can think of what to say. Nothing against her. I actually like her being candid almost all the time.
Chi, re the question, “Nasaan ang mga sundalo?”
They are busy, quietly doing a great job in the rescue efforts. They go to devastated places where even local officials have not yet visited.
Remember a few of them died while rescuing others at the height of the “Ondoy”?
Of course, they are not always covered by TV cameras. But your soldiers are doing a great job in this time of crisis.
Please, let us not judge people only by what you see on TV. Those we see on TV doing chairty work are fine.
But it doesn’t mean that if you are not seen on TV, you are not doing anything. I know many people who have been doing their share quietly far from TV cameras.
Sino’ng town official yan sa Laguna? Yung private relief workers pilit na iniiwasan yang mga local politicians dahil naiistorbo ang mabilis na daloy ng rescue and relief. Mabuti na lang at yung nakasama namin sa Biñan at San Pedro, Barangay Captain man siya, hindi naman siya sa barangay niya tumutulong dahil hindi naman naapektuhan doon. Yung mga Mayor nga ng San Pedro at Biñan ni hindi namin nasilayan. (Di ba natalo dito sa Biñan yung manugang ni Borjer Abalos?) Si Mr. Norvic Solidum ay Chapter official ng San Pedro Rotary Club at barangay captain ng mga Mommy ko, maghapon silang nagha-house-to-house sa mga subdivision na hindi naman apektado at nanghihingi ng donasyon para dalhin sa mga nasalanta.
Di katulad ng mga politikong makapal ang mga mukha, hindi makakilos hanggang walang media coverage. Yung iba, hindi lang talaga kumikilos.
LIGHTS, CAMERA, RESCUE!
Tongue, I’ll ask for the details of that incident.
LIGHTS, CAMERA, RESCUE!
Parang si Richard Gutierrez yun a.
Thanks for the info, Ellen. Baka kailangan na ang ginagawa ng mga sundalo ang siyang naibabalita at nang nakikita ng mga mamamayan na nasa likod lang nila ang mga ito sa mga gitna ng krisis na ganito. Sa kagagamit sa kanila ni Gloria ay nagkarun ng stain ang kanilang image at kailangang maibalik ang lubusang tiwala ng mga tao sa kanila.
Kahit na anong klaseng pamumulitika, okey na rin basta nakakatulong sa mga tao.
Pagdating ng election campaign, doon na nila bibigyan ng katwiran ang naging action nila, dahil kung walang election na hinaharap, ganyan din kaya ang gagawin nila, tulad ni Villar, ngayon ko lang narinig na tumulong sa mga nabaha gayong marami ng baha ang nagdaan sa Pilipinas, gayon din si Kris, mamimigay ba yan ng tulong kung hindi kandidato si Noynoy? Sa mga nagdaang kalamidad at walang election na hinaharap nakita ba silang kumikilos at tumutulong tulad ngayon?
We know, it’s all about and because of politics and not truly for humanitarian cause but who cares as long as it’s for the benefit of the poor victims. At least during this crises we got the chance to know who are the genuine and fake.
hehehe natawa ako dun sa @29!
i reviewed the video ni richard and he said nga that the water was raging and that they could not control the speedboat kaya ang ginawa nya he jumped daw sa water! tumaas ang kila ko! hahaha!
based dun sa statement nya that they could not control the speedboat dahil nga sa lakas nang agos nang tubig – that means the water was dangerous and i don’t understand why he had to risk his life by jumping pa! ano yon? pinaghalong dobol 0 7 at sirena?!
Onga eh, naiisip ko din yung tanong nang nakakarami dito, kunggagawin ba talaga ni Kris ang puspusang pagtulong kung hindi kakandidato si Noynoy.
Pero naiisip ko din na lagi syang tumutulong in times of need, although hindi katulad nito ngayon. In which may sagot na sya, sabi nya puspusan sya sa pagtulong dahil alam nya daw ang paki-ramdam ng nawawalan. Kasi nga kamamatay lang ng Mum nya. Kaya daw ganun na lang ang kanyang pagtulong sa mga nasalanta, dahil she had already gone through how it was to lost love ones.
Wala akong ma-say, carry na lang din..hehe!..Ang mahalag they are extending their helping hand. Saka na ang pulitika, nakakatuwa lang na nabubuhay na ulit ang pagkakaisa at bayanihan..^_^
Medyo kakapalan lang talaga ng mukha ng mga taong nailoklok sa posisyon na mas nauungusan pa ng mga pribadong indibidwal sa pagtulong. Hays, buti na lang madaming tao na willing tumulong.
Tama si Ellen, huwag nating kalimutan na ang mga foundation ay hindi sangay ng gobyerno at hindi sila ang first and foremost na dapat nating batikusin at bagkus ay pasalamatan na lang.
Kung sawa na tayo sa mabagal na pagkilos at kakulangan ng kasalukuyang administrasyon, maging aral sana ito sa atin na makapili ng susunod na lider, na may totoong kalooban para sa ikaka-asenso ng ating bansa at ng bawat mamamayan.
Kung magkakaisa ang lahat ng Pilipino, walang hindi magagawa ang Bayang Pilipinas!…Mabuhay ang mga Pilipino!..^_^
Siguro ganyan ang reaction or looks ni Kris kapag tapos na siya…. parang nagsasabing “Tapos” kana rin! hehehe
ISA PA! Kaya mo pa!?
Kris Aquino here in Ellen’s blog, such a waste of space. Well Ellen it’s your blog anyway. I doubt if Kris Aquino is really sincere in helping the poor.
I would like to relate a story told by my Sister who is a public school teacher in Manila. In 1994 or 1995, my Sister needs medical treatment. Somebody advised her to go to Erap, who is already VP then, in San Juan for donation. After presenting the doctors prescription as well as the lab result she was told by Dr. Loi Estrada to wait. After 45 minutes she was handed an envelope containing 5 thousand pesos and was told to take care of her health. She was even asked whether she needs a referral letter for the Malacanang Clinic.
This is real charity at work not covered by big network cameras. I am relating this to show what is real charity. Nameless, faceless and most of all sincere.
“Kris Aquino here in Ellen’s blog, such a waste of space. Well Ellen it’s your blog anyway. I doubt if Kris Aquino is really sincere in helping the poor. – romyman”
I’m in your Amen Corner romyman!
However; I disagree with your assessment of Erap and his wife’s good deeds to your sister. Would any destitute seeking Erap’s help be accorded the same generous charity, given five grand in an envelope as your sister was amazingly treated?
Talaga Romyman??…madami rin nga akong naririnig na ganyang kwento, isa na lamang yung kinuwento sakin ng isang taxi driver tungkol sa kung panong madaling lapitan si Erap.
Kahit nga daw hindi sila talagang humingi ng tulong, tinawagan sila ng Malacañang para tumulong sa burial ng kapatid nya, parang due to a disaster yun. Ambilis daw, although tinanggihan daw nila at sinabing ibigay na lang sa ibang mas nangangailangan. At tinanong pa rin daw sya na magsabi lang kung kailangan ng tulong. Hanggang ngayon, hindi daw nya makakalimutan yung pagmamalasakit na ipinakita ni Erap.
Pero yung ngayon daw ang kunat tumulong sa mga nangangailangan, minsan humingi daw sya ng tulong para magka-trabaho, ipinasa-pasa sya sa kung saan-saan, tapos wala naman kinahantungan…tsk..tsk..
Help is a help,no matter where it came from heaven or hell, for the needy of the time like this.It’s heaven call judgement for the giver or even to the reciever,whether what are the real intention of both,for good or demonic purposes,Sometimes it is hard to find sincerities of a giver the real intention of giving.Although some are politically motivated still a help to relieved the pains and agonies of the needies,instead some of us watching doing nothing.
If my recollection of my Sister’s story is accurate, there were other people asking for assistance on that day. Was my sister amazingly treated, I say amen to that. She was a total stranger not even a resident of San Juan, nevertheless she was given assistance.
Sige, tanggapin ng tanggapin ang mga tulong galing sa mga pulitiko. Tutal naman, mas malaki ang naitatago nilang ninakaw mula sa buwis natin.
Huwag kalilimutan sana sa darating eleksiyon (kung meron nga), maging matalino na dapat ang mga botante.
Huwag iboboto ang mga kilalang kawatang kapanalig ni gloria arrovo!
Tama na ang pagpapaloko sa mga magnanakaw na pulitiko dahil hindi lamang ‘yung nagbibili ng karapatan ang nagdurusa kapag ganitong merong delubyo kundi damay pati ‘yung hindi kinakalakal ang prinsipyo!
Naalala ko ito bigla……
http://www.youtube.com/watch?v=au-Wq3QFb2Q
@superkicker, it is a true story related to me by my sister after erap was ousted from malacanang. I never knew of this story.
It is not my intention to disparage donors who put labels or their names on the goods they donate, they have all the right to do it. In fact putting labels on the donated goods is an international practice. Just check the items donated by USAIDS, Red Cross and Medicens Sans Frontiers.
Lnangya tong Pepeng na to a. . .Parang si Glueria. . .Tinataboy na e, nangngunyapit pa rin. . .Gusto pang mag extend yung pamamalagi sa Pinas. . .Juice ko po. .
Kung magagawa ko ang kahit na katiting na effort na pamumudmod ni Kris ng food and goods para sa mga biktima, for a show or not, saka ko siya bubugbugin ng kritisismo. Kaso hindi e, may kanya-kanya tayong roles sa mundo…kaya ayos lang para sa akin ang malaking tulong na yan para sa kandidatura ni Nwoooyyy or not.
Ang bwisit akong pakulo ay yang ganyan kay Richard Guttierrez, idiot.
Also, may label or wala ang styrofoam, goods or other donations, it doesn’t matter if they are for the victims of calamities. Hindi nakakapili ang sikmura.
Ang hirap nga : Yung ibang artista sobrang plastic na kung kumilos lalo na pag natatapatan sila ng Camera ( on the air)
Bakit ba kailangan pa silang pumunta duon sa site eh kung magkasakit pa sila, puede namang ipadala lang duon at i-announce na sila ang nagbigay, ang hirap maski na ang mga Relief goods ay galing sa mga Sponsors sila parin ang puma-papel , well…ok na rin…maski paano nakakatulong…
Balita ko kay ERAP namigay rin ng mga relief goods pero kabilin-bilinan niya na huag lalagyan ng Pangalan niya ang mga relief goods na pinapamigay…
Hi Folks, back to our unfinished business! Praise God nakaraos muli ang lahat sa pagluha, but we still alive and kicking to move on at harapin ang mga pagsubok sa buhay?
Well, about Kristeta…masanay na kayo kasi nga produkto yan ng mundo ng showbiz? Doble-cara…i mean kailangang laging nakaharap sa salamin para mapanatili nila ang kanilang beauty kuno.
Lnangya tong Pepeng na to a. . .Parang si Glueria. .?
In layman’s word Ka Henry90, wake up call ito ng Lord sa ating lahat coz’ marami na ang nakakalimot at ang katwiran sa buhay…busy daw at walang panahon?
Di ba nasusulat, “Tulad Siya ng isang magnanakaw na daratal ng di namamalayan ng sinuman sa kanyang tahanan?” Yon ang simpleng sagot…bakit nangyari ang di natin inaasahan sa pagragasa ni Ondoy?
Wika nga, parang hilaw sa bigaw kung gumapas ang Panginoon…una-una lang yan, darating ang oras at takda sa bawat isang kinauukulan.
Hindi pa tapos ang pagluha ng mga biktima, igan balweg. Matagal pa silang magdurusa lalo at nawalan ng mga bahay at ari-arian, kailangan nila na magkarun ng matitirhan para sa mga bata.
Sana ay meron bilyunaryo o mayayaman na may mabuting kalooban na mag-produce ng mobile houses para sa kanila, pareho nung sa New Orleans ng manalanta si Katrina. Yung donasyon, hindi nila bibilhin dahil wala silang pambili. Buti pa ang New Orleans, meron Jolie-Pit para sa rehabilitasyon.
Gumagana ba ang Habitat for Humanity sa Pinas? Kasi ay isa yan sa aking paboritong organisasyon at wala akong balita.
Sensya na Ellen, di ko yata matatanggap si Villar. Nabaha lugar ng Mom ko. Bahay niya ang naging evacuation center. Walang tulong na dumating. Yung driver niya ang nag-rescue sa mga kapitbahay. Ganyan kagaling sila Villar, nakuha pang magpa-print ng plastic bag na may name nila ni Cynthia. Parang iba ang dating sakin nun. Anyway, at least may tulong kaysa wala. Marami naman siyang nakurakot sa’tin kaya dapat lang may maibigay siyang relief goods.
2010 holds the great promise that the nine-year curse of Glue is over and a decent man can initiate the reforms to restore decency in our society. I believe Noynoy holds the key (with Chiz a chancy substitute) to that promise that needs bolstering with a female influence, aka first lady. But pray it won’t be Kris.
Hindi ko nakikita ang strength of leadership that this country needs from Noynoy. His advisers are the same “holier than others” people who ran this country during his mother’s time and were with Gloria Arroyo.
Even if Chiz is young, I see leadership. Did you watch ANC’s Face-to-Face yesterday? Chiz’s grasp of the issues was evident compared with other aspirants.
Here’s the report on yesterday’s Face-to-Face event:
Senator still ‘studying’ how to deal with local government concerns
Senator Benigno “Noynoy” Aquino III, a presidential aspirant, on Tuesday admitted that he’s still in the process of “studying” how to deal with the concerns of local governments once he’s elected, but made clear that automatically giving them additional funds was not an option.
After giving either vague or indirect answers on how he would empower local government units….
http://newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=6910&Itemid=88889051
4 presidential bets grilled by local gov’t execs
October 07, 2009 03:11:00
Michael Lim Ubac
Philippine Daily Inquirer
MANILA, Philippines—Amid the government’s slow and inadequate response to the devastation wrought by Tropical Storm “Ondoy” (international codename: Ketsana), local officials Tuesday pushed for greater fiscal autonomy and more discretionary powers that could clip Malacañang’s powers.
In a forum dubbed “Face to Face: 100 Local Government Champions versus Four Presidential Contenders” at the Asian Institute of Management, local chief executives grilled four presidential contenders on local autonomy.
Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. and Senators Manny Villar and Benigno Aquino III refused to give additional authority to local government units (LGUs), while advocating more help to poor towns and provinces and pushing for a stronger and accountable national leadership.
Sen. Francis Escudero was well applauded for saying what the local chief executives wanted to hear—more Internal Revenue Allotment (IRA) funds and wider discretion to exploit and extract revenues from natural resources for LGUs.
http://politics.inquirer.net/view.php?db=1&article=20091007-228771
Halatang sobrang bait ng Newsbreak kay Noynoy. But despite the fact na halatang gustong nilang i-prop ang kanilang kandidato,hindi nila masabing their candidate knows the issues.
Why did they write about Noynoy only. Why didn’t they write how the others performed? In fact others performed better than their favorite Noynoy?
Teodoro and Escudero are glib tongued. They’re very good communicators, they should have been salesmen.
We have to look beyond what politicians are saying, and really find out what we want. Do we allow ourselves to be swayed by wit or we think for ourselves and decide on what we really want?
…most of the time, doers don’t talk too much…
…then again, I have some reservations with Noynoy also. Is there no one else?!
Here are more articles from Newsbreak. It looks like they are still doing the stories of yesterday’s event.
Chiz: LGUs not getting ‘just share’ in nat’l taxes
Senator Francis “Chiz” Escudero on Tuesday proposed to increase to 50% the share of local government units (LGUs) in the national government’s internal revenue collection, from the current 40%, if he is elected president.
He said that the Constitution (in Article XI , Section 6) mandates that, “Local government units shall have a just share, as determined by law, in the national taxes which shall be automatically released to them.”
However, the share that LGUs currently get is based only on taxes collected by the Bureau of Internal Revenue, when national taxes include customs duties. …
http://newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=6911&Itemid=88889051
Local execs not impressed with 4 ‘presidentiables’
The 4 presidential aspirants who faced outstanding mayors and governors on Tuesday failed to impress with their vague and noncommittal answers to questions on how they can further empower local government units (LGUs)…
Rafael Coscolluela, chair of the Galing Pook Foundation, one of the organizers of the forum, said that any candidate who asks for LGU vote should demonstrate an understanding of LGU concerns and the resolve to do something about them.
“If all that the candidate can tell us is that he will study it, we’ve been through that already. He has to say and do something good for us (the sector) and the country,” said Coscolluela, who was a former governor of Negros Occidental.
http://newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=6912&Itemid=88889051
Agree, jug. Wala ba talagang iba?
“Iba na ang maganda”
This is just a part of her being taklesa. Ganyan talaga buhay… masagwa man tignan na madaming naghihintay o nakipala… mahirap intindihan ng iba yung situation… pero sa kanya galing pondo ng relief goods eh… normal lang nman na hintayin sya.
Back to normal na nga.. medyo dumadami na ulit post dito sa ellenville =D
“Local execs not impressed with 4 ‘presidentiables’”. It is easy to impress Local Execs just give them a paper bag full of money.
So shallow and corrupt these Local Execs.
hahaha, great! Lets celebrate Ate Ellen. I am in!
Well, talking about maganda, may magagandang mukha na maganda rin ang intensiyon, meron ring panget na maganda pa rin sa loob. Pero there are others na sikat sa labas, bulok sa loob.
isa lang napatunayan with this typhoon Ondoy, that we Filipinos, when called upon, can unite and stand and touch other lives for good. Sana araw-araw, kahit walang Ondoy, ganyan ang GMA7 at ABS-CBN pati artista.
@Rommyman: Nakaka-hanga nga naman talaga si Erap, kaya sya mahal na mahal ng karamihan dahil sa kanyang pagiging madaling lapitan. May puso para sa mga tao, marunong makinig sa daing ng mga Pilipino.
Madami rin kasi syang napagdaanan na hirap ng buhay at sa tingin ko yun ang dahilan kung bakit nya ginagawa ang mga ganyan. Ayaw nyang makakita ng taong naghihirap sa sariling bayan.
Korek ka dyan, Kenji.
I’m happy that finally, you were able to log in.
Good luck to Expat Blog Awards!
AL,
I Agree with u regarding Sen.Chiz,…kung sumagot siya ay para bang alam niya yung itatanong sa kanya…Unbelievable ! magaling siyang sumagot sa tanong, compare to Sen.Noy, wala akong narinig kungdi “ginawa ng tatay ko…tinuloy ng Nanay ko ” at ” Sabi ng Nanay ko…” “Ang Tatay at Nanay ko ” ….di ko na nabilang kung ilang beses niyang ginamit o pinasok sa sagot niya Ang Nanay niya at Tatay niya, inilipat ko na kasi ng channel sa inis ko….
At napansin niyo ba ang sinabi ni Sen.Noy..tungkol sa isang politician na nag claim ng calamity fund maski hindi naman naapektuhan ang lugar niya….Ayaw daw niyang banggitin ang pangalan at baka daw mapahiya pa….Well, Well , Noynoy.. kung sa umpisa pa lang ay ayaw mong ibisto ang pangalan ng mga alam mong nagnanakaw sa kaban ng bayan dahil ayaw mong mapahiya sila, Sigurado akong di mo malilinis ang mga corrupt na politiko , kung wala kang political will at wala kang.. B—G…!
Sinabi mo pa Bobitz. You know the first time Che Lazaro interviewed him and asked him about his accomplishments as a legislator, he again answered that there was a “big fish” who was in his way of passing critical bill. If he can not even handle the “big fish” and expose the politician who is exploiting the calamity fund, he will be a “toothless” president. We can not afford to sleep for another 6 years!
compare to Sen.Noy, wala akong narinig kungdi “ginawa ng tatay ko…tinuloy ng Nanay ko ” at ” Sabi ng Nanay ko…” “Ang Tatay at Nanay ko ” … — Bobitz
Really? Oh no!
Yes Anna, I am watching Noynoy, hoping that he will be show some kind of leadership but I am not seeing that. He is so vague with his answers and indecisive at times. Nakakadismaya nga eh.
PSB,
Oh dear! If he is undecisive, he might become his worst enemy at the polling booth.
So far, it seems there’s a lot of goodwill going around for him… he must rally and show a bit of ooomph!
Wala na ba talagang pagpipilian?
Villar — dishonest
de Castro — de Castro who?
Escudero — don’t know if he viable
Gordon — hubris and kowtows to Gloria
Teodoro — glib, smooth-talker, Gloria puppy
Estrada? — not again
Jinggoy Estrada — forget it
Loi Estrada? — not my cup of tea
JV Estrada — too fat, oops sorry, not qualified
In as much as we seem to have this policy of recycling former presidential families, what about the other children of Estrada? Maybe, they will qualify? I like Tess, one of the daughters of Estrada with another woman (she’s not Guia’s, not Loi’s, nor Laarni’s daughter… etc.)
Otherwise, maybe Lulit Macapagal? She looks like her mother. She will definitely win in Pampanga.
Sino pa? Wala na ba?
E si Ebdane kaya o si Esperon? (Parehong E ang family names nila as in Engot…)
Anna, Ebdame says he is running for the presidency too! He must still have a good connection with the great Garci. He was one of the operators of the election cheating!
Ellen, nakilala ko na yung local official ng Laguna na gustong ipaiwan yung relief goods sa kanya dahil “tulog” na yung mga biktima.
Si Ariel Magcalas yan diba, Mayor ng Sta. Cruz? Sabi ng mga nakausap ko, talaga namang walang kapera-pera yang Sta. Cruz dahil di gaya ng Biñan, Sta. Rosa, San Pedro, at Calamba, iilan ang negosyo doon. Hindi siguro makakurakot dahil walang gaanong proyekto kay wala mai-abono para pambili ng relief goods.
Thinking about it, I can now see better why people need to be reminded who among their officials are actually SEEN doing what they should be doing in times like this. I heard those complaints wherein people curse their officials because they were not around to comfort their constituents in trouble.
People become restive with the despair, the pain and the hopelessness of their ordeal. All it takes is a person in authority to ensure order is observed. I noticed that even though we hate how these officials turn relief efforts into showbiz, the people will always find their presence a big assurance and get a lot of consolation just by being there. This helps the victims to, at the very least, keep hoping for the better in contrast with totally being left alone to fend for themselves, right?
So, now I don’t care and even encourage the politicians, yes the trapos too, to show themselves to the people in order to calm the nerves of these victims and bring them back on their feet again faster. Showbiz people, like Kris, should also tag along for it helps accelerate in restoring the normalcy in their minds and in their lives.
Let’s give them a break for as long as they are also sacrificing their comforts and facing the dangers still lurking in these ravaged areas, not to mention the anarchy that might result from several days of hunger and misery of people feeling neglected. Let’s welcome them all. But for those who lack the acceptable degree of decency, those who use the sufferings of others for their selfish motives, let’s give them hell.
You said it better, tongue. Kaya ako, welcome ko sila lahat, tradpols even, as long as they have something good for Ondoy’s victim.
Teka, di ba Laguna de Bay ate Sta. Cruz town?
Tama ka chi. Sta. Cruz ang kapitolyo. Pag nakakita sila ng outsider na mukhang may dalang tulong, masaya na sila. Yung pag-asa sana hindi natin ipagkait kahit kanino.
Pero yung governor ng Laguna parang inutil. May nakasampang kaso pa ng plunder at parang yung grupo ng mga abogado yata sa Sta. Cruz ang nagsampa. Ayun, walang relief goods, kaya umaarbor yung meyor.
Masipag sana yung Congressman ng distrito ng Mommy ko, si Dan Fernandez, dating artista at dentista, kaso nasa balita, sisipain na ng Kongreso bukas dahil sa election protest. Peste talaga itong mga kampon ni Putot, yung nagsisilbi ng matino, inaalis. Nagagawa pa nilang gumawa ng mga kontrobersiyal na aksyon kahit merong delubyo. Walang takot. Di pa sila inanod ng baha!
Teka. Di nga pala malulunod ang mga PaLaka!
Tongue, residence issue ba ang kaso ni Dan Fernandez? Sayang nga ano. That’s the reason why Ping Lacson backed out of his Manila mayoralty plan.
Thanks, tongue.
Kawawa naman sila sa Sta. Cruz, kaya pala yung meyor e ganun. Masipag nga raw si Fernandez sabi nung isang taga Laguna na kilala ko. Sayang…
My classmate in college is from Sta Cruz. Her parents were in the industry of making baby dresses and quite a successful venture for generations. I hope her family is ok.
Sabi sa diyaryo, kulang sa 1 year residency si Fernandez nang lumipat siya sa Sta. Rosa (District 1) mula sa District 2 kung saan na-elect siyang Vice-Gov in the past. Natalo ang kaso niya sa HRET at inapela niya, talo pa rin. Tuluyan na siyang sisipain sa Bastusang Pambansa.
Sino ang papalit, si Uliran Joaquin na naman? Yung kapatid nung drug pusher na si “Baby Tsina” na matapos makulong sa Munti ng pitong taon, kulong uli matapos lang ng isang buwan dahil muling mahuling nagtutulak na naman?
Criminal-friendly nga talaga itong gobyernong ito.
Child rapist Romy Jalosjos, priest-killer Manero, Teehankee Jr., Aquino-Galman suspects, Manalili (Cochise-Beebom murders), Rolito Go – mga kakosa nila Gloria at Mike na pinalaya na dahil mahal nila ang mga kriminal.
(O hindi ko na sinama si Erap. Maraming magagalit dito.)