Pinayagan na ulit ng pamahalaan ang donasyon ng mga lumang damit galing sa ibang bansa. Ito ay para mapadali ang tulong para sa mga biktima ng bagyong “Ondoy”. Walang taripa ngunit kailangan naka-address sa Department of Social Welfare and Development ( DSWD).
Kailangan kasi ma-inspeksyun ng husto ng DSWD at mapausukan (fumigate) dahil hindi naman alam kung anong bakterya ang nandyan sa mga lumang damit.
At gustong siguraduhin ng pamahalaan na hindi maabuso ang pagpasok dito ng mga lumang damit, katulad ng nangyari dati. Baka kasi ang bagsak niyan ay sa ukay-ukay ulit. Sa halip na ang ang mga nasalanta ng bagyo ang makinabang, ang mga mapagsamantalang tao ang magsasaya.
Dahil siguro sa walang tiwala ang mga tao sa pamahalaang Arroyo, marami ang umalma sa order ni Arroyo na idaan ang lahat na donasyun galing sa abroad sa DSWD. Ito ang sabi ni Arroyo noong Sept. 29: . “Hindi sisingilan ng buwis o kukumpiskahan ng Bureau of Customs ang mga donasyon ng pagkain at kagamitan mula sa ibang bayan, basta’t ito ay naka-assign sa DSWD,”
Sabi Fr. Benjamin E. Alforque, presidente ng National Alliance for Filipino Concerns na nakabase sa Amerika na gustong kontrolin ni Arroyo ang mga tulong galing sa ibang bansa at isisingit na naman ang sarili para pumamel sa pag-distribute ng mga ayuda.
Sabi ni Customs Commissioner Napoleon Morales, kanyang ideya ang idaan lahat sa DSWD ang donasyun galing sa abroad para maiwasan ang smuggling. Marami raw kasing mga taong gustong magsamantala.
Ma-aari naman daw ilagay ang pangalan ng tao o grupo na papadalhan. Kailangan lang naka-address sa DSWD. Para daw mapadali ang paglabas ng mga tulong galing sa ibang bansa, sabi ni Morales, nag-buo siya ng one-stop-shop na processing center sa pier at sa airport. Kasama ang DSWD, National Disaster Coordinating Council, Presidential Management Staff, Department of Finance, Department of Health, Department of Environment and Natural Resources and the Bureau of Food and Drugs, at iba pa.
Sa mga ayaw nitong sistema, mas mabuti siguro mag door-to-door delivery na lang. Aabutin lang nga ng isang buwan. Mas maganda rin siguro na pera ang ipadala .
Mag-ingat rin sa pagbigay ng cash na donasyon dahil nadiskubre na may isang nanloko at isinama ang kanyang personal na bank account sa listahan na mga account ng isang TV station para sa biktima ng Ondoy. Kung gusto nyo magbigay donate ng pera sa ABS-CBN or GMA-7 (dahil talaga namang kahanga-hanga ang kanilang ginagawang operasyon para sa mga biktima ni “Ondoy”) doon nyo kukunin ang numero sa pinapalabas nila sa TV screen.
Ingat lang.
Ellen,
My children have decided that they will spend the proceeds from the sale of clothing (they’ve grown out of) and other personal items in a car boot sale tomorrow somewhere in Somerset on paracetamols and toothbrushes to be sent via Shiera. I think it’s a good idea because it’s really difficult to send clothing to Manila.
(Natawa ako sa anak kong bunso na lalaki dahil sabi niya sana daw ma-benta niya ng mahal iyong 5-nation rugby shirt niya — kasi alam niya medyo collectible item na ang 5-nation rugby shirts — para makabili siya maski 5 toothbrushes. I didn’t tell him that he will be very lucky if he sells his for 3 pounds.)
That’s cute, Anna. yes, toothbrushes are needed.
Pinayagan na ulit ng pamahalaan ang donasyon ng mga lumang damit galing sa ibang bansa.
Bakit kailan ba hindi pinayagan? Hindi naman huminto ang supply sa ukay-ukay a.
Gusto mahinto ang smuggling? Ikulong si Gloria Arroyo kasama si Mike at si Mikey.
Developing countries have always criticized the practice where European and North American countries buy the products in their native countries (where the products are more expensive), incur the shipping cost, and then to donate. Canada, I believe, is one of the first G10 countries to donate in cash. [Buying the products in the target 3rd-world country also helps the economy of that nation — the local merchants and the factories.]
Toothbrushes, flipflops, sneakers, acetaminophen tablets are cheaper to buy in metro-Manila. Sardines and processed meat, grown-in-Thailand rice — cheaper, too. Clothes are cheaper, too (even NBA-logo Kobe Bryant shorts).
If you are giving to your relatives, your choice is your choice. If you are giving to a parish, a school or to an NGO, sending cash so those closer to the problem have ability to put money to area of greatest need makes sense.
Pepito,
If accurate, I think what you say makes absolute sense. Where I sit, the group has asked for donations in kind because I believe they have cross-referenced prices of goods and are getting a good deal from a carrier.
I personally don’t know what prices are like in Manila but perhaps, you could tell me, a tube of toothpaste where I sit costs as little as 75 cents or more or less a US dollar.
Besides tax on cash donations that’s been announced by this govt, I’ve also just learned from a Barrio Siete post that there’s a possibility that some people entrusted with receiving funds for the Ondoy victims may be hoarding the cash for later or “better” use? To me, if ture that’s quite a no, no.
Unfortunately, there will always a lingering or whiff of “suspicion”, if I may call it that, that funds or part of those funds may not be disbursed to the rightful victims. Of course, same is applicable to donations in kind.
But I think your post overall is judicious.
Anna: With Ondoy I went to the risk of sending cash via TxtPower because MLQ3 mentioned, they were ready to receive while at that point Phil National Red Cross was asking me to fax my credit card number. As soon as I discovered the standard vehicles — UNICEF, International Red Cross, others — I went that route. I fell back to using the names that allows me to mention the donations in my 2009 tax returns.
But when all is said and done, we all applaud those who participate in sending relief — cash or boxes of items — to the households in need in Pinas. [Also deserving of applause are those who show sons and daughters how to share with the less fortunate. Good job!!]
“Kailangan kasi ma-inspeksyun ng husto ng DSWD at mapausukan (fumigate) dahil hindi naman alam kung anong bakterya ang nandyan sa mga lumang damit.”
As if Gloria cares if pinoys die.
Why, hindi pa ba sapat ang “bakterya” ni Gloria para ‘malinis’ ang Pinas?!
Huwag na lang ang damit at sapatos ipadala namin sa Mindanao. Talagang malinis at bag-o pa ginamitan pa ng Bounce nung i-laundry. Yung cash naman sa simbahan para wala ng problema. Hindi naman kami nagbibigay ng binabasura dito sa North America. Pero kung ang gusto nila dadaan pa sa DSWD kalimutan na lang hindi naman makinabang ang aming kamaganak at kaibigan.
Tsk..tsk…nakaka-worry nga lalo yang directive nya na yan eh..hehehe..baka kasi mas maging ukay-ukay ang kahantungan.
Sad but true, mas madami pa ang nagtitiwala sa mga foundations na pag-aari ng mga pribadong institusyon.
Salamat sa mga walang sawang sumusuporta at tumutulong sa mga kababayan natin dito na nasalanta ng mga bagyo. Nawa’y maging maayos na ang lahat. Sa nakikita ko, sawa na talaga ang mga tao sa pangako ng gobyerno, patunay na lang yung mga sinasabi nila bago nangyari ang pagbaha. Kaya talagang gumagalaw ang bawat isa kasi wala masyadong maaasahan sa ating kasalukuyang administrasyon.
Kung damit at sapatos marami ang magbibigay dito. Kaso pipili-in mo at ibasura na ang sira at luma, i-washing machine at drying, balutin sa plastic, ipadala sa balik-bayan box. Trabaho, pagod at gastos din, pagdating diyan iba ang makinabang, para walang ng sakit sa ulo, pagod at gastos, huwag na lang. Sigi nga kung may magpapadala sa DSWD.