Napansin nyo ba mula Sabado, nang nananalasa ang bagyong Ondoy hanggang ngayon, wala pang order si Gloria Arroyo na magpalabas ng pera mula sa contingency fund?
Tiningnan ko ang website ng Office of the Press Secretary kung saan lahat na press release ng Malacañang lumalabas, wala ni isang order magpalabas ng pera.
Dati kapag may bagyo, pasikat kaagad si Arroyo. Magu-order siyang magpalabas ng pera. Sa budget mayroong mga P1 bilyon na calamity fund at P1 bilyon din para sa contigency fund. Kaya total na mga P2 bilyon sa isang taon. Sa opisina yan ng Presidente at kailangan ang kayang approval sa pagpalabas nun.
Ang calamity fund ay para talaga sa mga kalamidad katulad ng bagyo at iba pang sakuna. Ina-advance nga yan sa mga ahensya katulad ng Department of Social Welfare and Development at Department of Public Works and Highways para kapag may kalamidad katulad ng mga naiwan nng bagyong Ondoy, magagamit nila kaagad.
Ang contingency fund naman kadalasan ginagamit sa kalamidad rin. Ngunit pwede rin gagamitin sa ibang bagay na sa paniwala ng Presidente ay emergency. Noong Agosto, ibinulgar ni Bukidnon Rep. TG Guingona, Jr. ang report ng Commission on Audit na ang P800 milyon na para sa contingency fund ay ginamit para sa mga biyahe sa ibang bansa ni Gloria Arroyo.
Sabi ni Guingona, P1.1 bilyon daw ang budget para sa mga biyahe ni Arroyo sa ibang bansa. Ngunit sa dami ng kanyang mga biyahe at sa laki ng kanyang dalang mga bitbit, kinulang daw. Kinuha niya ang P800 milyon sa contingency fund. Legal naman daw yun sabi ni dating Budget Secretary Emy Boncodin.
Okay, legal. Ngunit tama ba? O moral ba?
Naiisip ko. Patapos na ang taon. Pwede kayang naubos na nga ang contingency fund kaya hindi na nagu-order si Arroyo dahil ano nga ang ire-release. Kaya tuloy humingi na lang siya ng tulong sa international community.
Hindi naman nag-atubili ang ibang bansa sa pagtulong sa atin. Unang-una ang United States of America. Nagbigay na rin ang Australia, Canada. Japan, China at European Union. Karamihan sa mga tulong ng ibang bansa ay dinadaan sa Philippine National Red Cross.
Ang private sector talaga ang kahanga-hanga. Lahat na klaseng tulong binibigay, mula helicopter hanggang damit, pagkain, tubig. Marami ang nagbu-boluntaryo tumulong sa pag-empake. Kahit ng ang mga presidential candidates,tumulong rin kahit na siyemre ang ilan sa kanila sinisingit ang mga pangalan. Hayaan na lang natin yan muna. Ang mahalaga ay nakakabawas ng paghihirap ng mga nasalanta nating kababayan.
Sinabi raw ni Arroyo sa kanyang mga gabinete na mag-donate ng dalawang buwan nilang sweldo para sa mga biktima ni Ondoy. Mabuti naman. Pero kulang yun. Ibalik na lang nila ang kanilang ninakaw at winaldas. Kasama na doon ang P800 milyon na contingency fund.
Wala na ang contingency fund para sa mga kalamidad na gaya nito kasi ay naubos na ni Gloria sa paglalandi sa overseas o kaya ay naibulsa na. Ang heartless at walanghiya na unana na yan!
Kung hindi sa private sector at sa individual na kabayanihan ng pinoy ay wala ni isa na maisasalba sa delubyo sa Metro Manila.
Tulala ang pekeng gobyerno ni Gloria dahil walang pera at completely unprepared pa sila. Paano e layas ng layas, balik naman ng balik. Bullshit!
Nada dinero na ilalabas si Gloria, nagmamakaawa na lang siya sa foreign governments para siya ayudahan.
Hindi na siya dapat magmakaawa sa kanila kasi ay handa silang tumulong palagi sa mga nasasalanta (kahit saang sulok ng mundo), at hindi dahil sa panawagan ng mga lider ng bansa (lalo na peke pa).
Dalawang buwan salary galing sa sweldo nila, maniwala ako!
Kulang yan, lumayas na lang siya at huwag ng bumalik. Yan ang pinakamaganda na maidu-donate niya sa mga biktima ni Ondoy.
mas malaking kalamidad kasi si gma kaya nagamit na niya.
Anong ginagawa ng mga butihing Senador at Congressman? Bakit hindi nila kalampagin ang Malakanyang kung bakit walang inilalabas na calamity/contingency fund? Dapat pati Mayors ang Governors ay sumigaw kung asan na ang pundo lalo na yong calamity fund.
Kumurakot na lang ba ang alam ng mga taong nakalukluk sa Malakanyang? Ayan marami na namang donasyon na galing sa ibang Bansa …. naglalaway na naman ang mga buwaya.Sana ang mga donasyon ay wag ng idaan pa sa Gobyerno …. paghahati-hatian lang ng mga buwaya kung nagkataon.
Bankrap ang gobyerno ni Gloria, hindi ang kanyang bulsa.
Chi,
Ang Arroyo family at yong mga Aso niya ay sobrang yayaman tapos ang ating Bansa … BANKRAP!!!!!!!! Waaaaaaaaaaa,,,,,
Maghunusdili kayo mga kaibigan, ang contingency fund ng pekeng presidente ay binigay sa isang foundation sa Amerika bilang kontribusyon ng Pilipinas para sa mga tulong ng bansang nabanggit. Itong kontriusyon din po ay sa pananatiling magkaibigan at kaalyado ng bansang Amerika at ng Pilipinas.
Ang tawag sa foundation kung saan nakalagak ang contingency funds ng pekeng pangulo ay Le Cirque Foundation Of New York. 😛
Ganun na nga, Tedanz. At mas masahol pa kasi ay bukod sa financially bankrupt, ang mga namamalakad ay corrupt and morally bankrupt. Add together equal delubyo ni Ondoy.
Pa-green green project pa kunwari si Gloria e wala naman ibinibigay na pondo para sa education/information aspect o implementation ng programa. Kasi ay pagpapaganda lang kay Barak ang iniintindi. Puro lip service. Huh!
Well,si Gloria ay gustong sumipsip kay barack obama,feeling akala niya kung sino siya!
Here’s a good read, I just hope those vultures and corrupt in government read this.
http://armimillare.wordpress.com/
Ang P2-billion calamity-contigency funds ay personal funds ni Gloria Arroyo. Masarap mag-waldas ng pera ng bayan. Buking sila dahil walang perang i-release. Bokya!
Update:
Congress is poised to pass a P10 billion supplemental budget to help victims of tropical storm “Ondoy,’ nationwide, Senate President Juan Ponce-Enrile said on Wednesday.
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090930-227727/Congress-poised-to-pass-P10-B-Ondoy-budget
Why not release a portion their pork barrels immediately for the victims instead of waiting till Wednesday next week. A congressman has proposed that each congressman donate at least a million from their pork. With 250 plus in the lower house, thats easily 250M pesos.
“Bakit wala yatang pinapalabas na pera si Arroyo para sa mag nasalanta ng bagyong Ondoy?” Bakit nga ba wala? matagal ko ng hinihintay yan eh…
di ba every calamity… 1 day lang, may press release agad ang malacanan na ilalagay sa state of calamity ang isang province or region at automatic, maglalabas sila ng calamity fund…
Baka nman wala talgang calamity fund na nire-released sa province… press release lang para maibulsa nila… since sa province at other regions ang affected… hindi natin pansin mga taga NCR…
and this time… taga NCR na affected… hindi sila makapag press release… kasi mahahalatang wala ng pondo!
papatayin tayo ng gobyernong ito!
Ngayon, maglalabas sila ng supplemental budget, padadaanin pa sa congress! ilang debate pa yan.. papogi ng mga tongressman! patay na kabayo, bago lumabas!
di bat may budget ang Executive Branch for calamity? hindi naman kailangan bilyon agad ang ilabas… kahit milyons lang muna… pwde na… basta mailabas at makatulong agad!!!
kalampaginang malacanan!!! civil disobedience na pag walang nailabas na pondo!!! namputsa, ang laki ng tax ko… ilang buwan lang kayang paswelduhin mga buwaya sa gobyerno… tapos ganito lang gagawin ng mga demonyo!!!
teka, specifically, san ba mapupunta dapat ang calamity or contingency fund from government? repair of infrastructure? kasama ba dito yung mga foods and clothings ng mga victims?
Hindi naman nag-atubili ang ibang bansa sa pagtulong sa atin. Unang-una ang United States of America. Nagbigay na rin ang Australia, Canada. Japan, China at European Union. Karamihan sa mga tulong ng ibang bansa ay dinadaan sa Philippine National Red Cross.
Very good! Huwag na huwag kayong magkakamali na padaanin sa malacanan!
ang unang lilinya dyan mga anak nung tiga pasig at asawa nya right?
Kaya pala iyong litrato ng tatlo (Kabayad, Glueria at Gabo)na parang mga tulala. Wala pela lugi negosyo, sa Red Cross pala ibinigay ang mga donasyon. Na bokya ang center of receipt of donation.
THE calamity fund of the National Disaster Coordinating Council for this year is down to just P24 million from P2 billion but Congress is passing a measure for a P10 billion supplemental budget to address the effects of storm “Ondoy.”-Malaya
Ang bilis nawala ng calamity fund, saan napunta e ngayon lang nagkarun ng ganito katinding kalamidad sa loob ng isang taon.
Pwede ba na i-release ng Audit dept ang listahan kung ano-ano ang pinagkagastusan nina Gloria at P24M na lang ang natira?
P10B supplemetal budget. Wow, lamyerda at kain ule sa ibang bansa.
‘Dear God, why do you punish your people with useless leaders?’ -Lito Banayo, Malaya
Ang sakit tumawa.
“Congress poised to pass P10-B Ondoy budget” .. para que … para may paghati-hatian na naman ng mga buwayang hayok sa salapi? Mabuti kung mapunta sa mga sinalanta ni Ondoy yang 10B na yan ….
Nasan yong kasalukuyang calamity/contingency fund wala na ba? Bakit kailangan pang ipasa sa kongresso itong 10B na ito?
Ibig sabihin ba ay …. walang datung ngayon ang ating Gobyerno? Inubos na nila dahil darating na naman yong bagong budget? Kung saan saan kasi nagpupunta itong tangnang Glorya … hindi kasi malaman kung saan niya itatago yong mga yaman nilang puro nakaw.
As people have already suspected, the P2B calamity/ contingency funds of NDCC are all dried up.
Only shows that Gloria’s govt can’t be trusted. Binuwaya na naman ng mga baboy na sobrang masiba!
Showbiz news naman tayo …. ayos tong mga artistang tumulong sa kasagsagan ng bagyong Ondoy. May kasama pa silang cameraman ….. palakpakan natin sila!!!!!!!!
The question of the Samahang Operasyong Sagip, a disaster response initiative of various health organizations: Where is the P10 billion allocated as the government’s “Calamity Assistance and Rehabilitation Effort” fund under the General Appropriations Act? – http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/editorial/view/20091001-227756/Seize-the-moment
__
Meron pala nito? I guess this is different from the P10B supplemental budget being prepared by Congress.
Bilyunes ang pera para sa kalamidad, saan-saan napunta at 13 lang ang rubber boats?
Ang P800M na contingency fund ay ginastos ni Gloria sa paglalaglag all over the world. Where are the rest of the monies….where, where, where?!
No wonder Gloria, Noli and Gibo had the same facial expression… as if tinamaan sila ng stun gun!
THE calamity fund of the National Disaster Coordinating Council for this year is down to just P24 million from P2 billion but Congress is passing a measure for a P10 billion supplemental budget to address the effects of storm “Ondoy.”-Malaya
kapapasok pa lang ng rainy season… at bakit ang liit ng 2B for calamity fund? but anyway, san nga ba napunta ung 1.976Million?
Yang Contingency Fund at Calamity Fund ay ginagawang personal fund ni Gloria Demonyita. Dyan nanggagaling ang mga pang-bribe niya at syempre kaya ayaw niyang mag-release, yan ay kung may natitira pa, ay gagamitin niya sa pandaraya sa eleksyon sa 2010… Ang nalaman ko pa nga ay sa GSIS pa manggagaling yung ibang pang-calamity. Eh di ba hindi naman pera ng gobyerno yun kundi pera ng mga empleyado ng gobyerno na matuturing na pribado. May permiso ba ng mga GSIS members yun. Eh yung mga benefits nga ng mga members ay delayed pang ibigay.
Kaya pala wala ng maibigay sa mga victims kung di sweldo nila… malinaw na malinaw.. bankarote na!!!
Nakapagtataka alam ko sa Amerika … malayo pa yong Bagyo alam na nila kung anong dala nito … kung malakas ang hangin o ilang inches ng tubig. Pag alam nilang nakakapinsala … ini-evacuate na nila yong lugar na tatamaan niya. Sa atin, ang PAGASA … sasabihin lang na may darating na Bagyo at kung susuwertehin sila tatama yong sinasabi nilang daraanan ng Bagyo. Yon lang …. bahala na ang kasunod.
Ano sa palagay niyo mga Igan … kumpleto ba sila ng kagamitan at talagang hindi nila alam ang mga pinaggagawa nila o madunong naman sila … yon nga lang wala sila yong modernong instrument para malaman lahat nito. Ang ibig sabihin nung huli wala silang budget na pambili nito dahil inu-una ng mga buwaya yong bulsa nila. Ang masasabi ko lang sa mga empleyado ng PAGASA …. mag-RESIGN na kayo!!!!!! Wala kayong kuwenta!!!!!
civil disobedience na!!!
Tedanz,
Remember the congressional hearings in the aftermath of Typhoon Frank which sank Princess of the Stars? Di ba sinabi na ng PAGASA sa komiteng pinamumunuan ni Edcel Lagman na kailangan nga nila yung Doppler radars? At pinagalitan pa nga ni Lagman si Prisco Nilo dahil meron na raw pondo at bakit di naman daw ginagamit ng PAGASA? Doon nabuking na padrino pala si Lagman ng isang kompanya na nagbibid doon sa kailangang mga radars. Ayaw pumayag ni Dr Nilo dahil nga di yun ang specs na kailangan nila. Hayun, pinatulog ng tinamaan ng magaling na Lagman yung budget ng PAGASA. Balita ko e sobrang daily na nga raw ng release ng pondo dahil hinaharang ni Lagman sa DBM at pinipilit na doon kumuha sa dealer na may tongpats sya. . .magagaling yung mga kasama natin sa PAGASA kaibigan. nakasama ko na mga yan. . .Buwaka lang ng ina kasi tong mga tongressmen natin. . .dapat sila yung nilulublob doon sa baha. . .
delay not daily. . .ay sus pati ako nabubulol sa mga hayup na tongressmen na to. . .
“RP urges rich nations to act on climate change” Manila Times
“Tropical storm Ketsana is clearly a manifestation of the consequences of global inaction in addressing the immediate impacts of creeping climate change,” —- Heherson Alvarez
Heheheheeheh nakahanap na ng masisi itong Gobyernong ito.
Henry,
Salamat sa info.
Mukha pa lang ng taong itong si Edcel Lagman hindi mo na mapagkakatiwalaan. Isa yan sa mga Unggoy ni Glorya.
Re: Henry90″ ..magagaling yung mga kasama natin sa PAGASA kaibigan. nakasama ko na mga yan…”
Salamat po sa pag-recognize nyo sa kakayahan ng mga staff ng DOST-PAG-ASA. Kahit po sila ay overworked and undestaffed, ginagawa naman po nila ang tungkulin nila, at hindi naman po sila corrupt. Kulang lang po ng mga tamang kagamitan.
(Dati din po akong taga-DOST).
(as per excerpt lifted from Environment Canada Web Archives, the Dopler Radar cost just a little over a $Million Dollar a Set, less than a Dozen can cover the whole country (Philippines) and it should be given utmost priority as this issue concern lives and property and the economy)
April 14, 2000:
The Southwestern Ontario Doppler is the second to be installed in Ontario. Environment Canada installed the first at King City north of Toronto in 1985. They are part of a network of 26 new Dopplers to be installed by Environment Canada under the six year, $34.9 million National Doppler Radar Plan.
Environment Canada currently has eight other Doppler weather radars. By 2003, there will be a Doppler weather radar network from Vancouver, B.C. to St. John’s, Newfoundland, providing radar coverage to 90 per cent of the country’s population and to those areas which are particularly prone to severe weather.
The Doppler network plan is based on a scientific assessment which factored in the risk of severe weather and the density of the population across the country. The plan also includes access to the U.S. National Weather Service radars. This partnership between Canada and the U.S. will provide enhanced coverage along the border to the benefit of both countries.
Tunay nga na magagaling ang mga tauhan natin dyan sa PAGASA. Kulang nga lang sa modernong kagamitan at budget. Pero pwede naman nilang gamitin yung mga weather forecast ng ibang organizations like CNN, na every hour ay may update sa international weather condition. Pwede silang maki-pag coordinate. I believe Filipina pa nga yung isang forecaster na si Mari Ramos. Ilang araw pa bago dumating sa Pinas yung bagyo ay napapanood ko na panay ang sabi ng mga forecaster kung ilang amount of rainfall ang dala ng isang weather disturbance. Kaya kasi nila ang 5-day forecast. Maski nga mga earthquake tsunami warning. Palagay ko ay na-advisan naman ang ating mga sangay ng gobyerno at lalo na ang NDCC na itinatag para sa mga ganitong sitwasyon. Talaga lang siguro kulang sa preparation at pag-aaral kung paano sosolusyunan.
Ano ang masasabi niyo rito:
“THE Local Water Utilities Administration, a government-controlled corporation, held a “lavish” feast for its 36th anniversary Wednesday night, a virtual slap on the face of half a million Filipinos victimized by storm “Ondoy” who are scrounging for relief goods.”
President Arroyo arrived at 9 p.m.
http://www.malaya.com.ph/oct01/news5.htm
KAPAAAAAAL talaga!!!!!
What man has joined together the Almighty puts asunder with ease. Ondoy took a mere six hours, and using water, a material crucial to life. If that has not convinced you, mull this: what little wealth taxpayers accumulate (under duress) is blithely squandered by almighty Glue. Wonder no more about empty calamity funds and drained out emergency funds. Whining about the gluttony of great leader peripatetic, peregrinating jet setter Glue is self- flagellation.
An amazing phenomenon about Ondoy’s aftermath is the absence of protests against the U.S. offer of assistance using military equipment and troops. Is this another instance of beggars cannot be chosers? How about a little dignity to our mendicancy?
Powerful Indonesia quake kills 75, traps thousands
“…Indonesia’s government announced $10 million in emergency response aid and medical teams and military planes were being dispatched to set up field hospitals and distribute tents, medicine and food rations.”
Source:By ANTHONY DEUTSCH, Associated Press Writer Anthony Deutsch, Associated Press Writer – 36 mins ago
http://news.yahoo.com/s/ap/20090930/ap_on_re_as/as_indonesia_earthquake
Mabuti pa ang Indonesian government, may pera; di tulad ng Pilipinas, inubos na nina Gloria!!!!
Another remarkable Ondoy phenomenon is the silence of certain hitherto voluble high profile personalities. Where, oh where are the Villar billions, CBCP opulence and Willie millions. (Or is it a case of WAWA We, not WOWOWEE).
Intensity 7.6 earthquake in Indonesia, dust storms turning the whole of Sydney into orange, a tsunami in American Samoa, typhoon Katsana (Ondoy) making Hurricane Katrina look like a picnic…
What’s next? Rain of fire, brimstone and sulphur?
With the influx millions of typhoon aid dollars presently moving the local forex markets and combanks, it is a very rare opportunity for the crooks to move around their hoarded dollars looted from the treasury without attracting much attention from the monitoring system of regulators.
Yung mga nananahimik ngayon, kaduda-duda baka may ginagawang milagro para makisabay sa mga transaksiyon ng mga bangko upang disimulado ang paggalaw ng maruming pera papunta sa washing machine.
neonate – October 1, 2009 8:24 am
Another remarkable Ondoy phenomenon is the silence of certain hitherto voluble high profile personalities. Where, oh where are the Villar billions, CBCP opulence and Willie millions. (Or is it a case of WAWA We, not WOWOWEE/)
Neonate, you are misinformed or refused to see. As early as Saturday late noon the trucks of Manny Villar are already mounting rescue operations. I have relatives who received food packs courtesy of Cynthia Villar. In San Mateo, the chopper hired by Manny Villar made food drops.
To imply that Villar and Willie are nowhere to be found is not true at all.
Further proof of this was a news segment in TV Patrol showing relief goods in blue plastic bag with ‘Cynthia Villar’ printed on it.
There were criticisms about this subtle politicking. However I would rather see the name of the donor in the plastic bags to ensure that nobody other than the true donor takes credits for the donations.
01 October 2009
Iyan na nga ba sinasabi ko e, ang hirap dyan lagay sila ng lagay ng pangalan ng mga pulitika sa mga supot e.
Uulitinko lang! kung gusto talaga nilang tumulong hindi naman nila kailangan na ilagay pa ang mga pangalan nila, tulad din ng mga t-shirts at mga vests na suot ng mga tauhan ng mga alkalde at mga gobernandor, may mga pangalan din nila, buset!
Yung calamity funds naman sabi paubos na daw?pano mauubos yan?e kung yang bang mga TONGressmen at mga senaTONG ay bitawan muna ang kanilang mga prok barrel fund at ibigay sa mga nasalanta e kakapusin ba yan?bakit dalawang buwan na sahod lang nila?kala ko ba mayayaman ang mga yan?magkano lang ba ang dalawang buwan na sahod na mga yan?
Eto pa ang masakit, baka nag-ngingitngit ngayon yang si leprechaun gloria dahil nag karun din ng sakuna sa bansang indonesia at pacific island countires na samoa at tonga, kasi nga baka mahati ang mga donasyon ng mga ibang bansa at baka mahati na ang donasyon, mawawalan na naman sila ng Sprakak! nyan, hehehehehehe…..
prans
Who needs G. Arroyo or G. Teodoro?
Sad to say Nobody.
The Ondoy tragedy clearly shows the resilience of the Filipino people. Many lost their lives, soldiers and civilian alike, donating their lives
to save the lives of other people. People from all walks of like from all social classes. The A and B class providing goods, clothings and money.
The C, D and E classes providing the needed hands to do the dirty jobs. Many pitch in and many are in the queue.
Do they need to be commanded? Not at all. They came because they can’t stand merely watching the unfolding tragedy. The soldiers in obedience to their
superiors are there. But many of them displayed courage over and above the call of duty.
Now In the midst of this selfless display of heroism, do we still need s G. Arroyo and G. Teodoro? “Mene,Mene, Tekel, Upharsin” They were both measured and found lacking.
romyman: Ano ba namang bagay iyong nasa plastic bag ang pangalan nina Villar. Ang laking tulong iyong mga trucks nina Villar na nagagamit itong mga nakaraang araw.
Sa bandang pasko, lalabas ay maraming mga bag na kani-kaniyang pangalan —- Erap para sa mahirap! Noynoy! Laban! iba-iba pa.
I agree with you Pepito, sobrang laking tulong talaga. Hindi yan covered ng media. At kung meron man may malicious implication pa tulad ng lecheng TV Patrol na yan.
I only replied to ‘Neonate message no. 44’. He seems to be implying that Villar and Willie is nowhere to be found. Nagdonate ka na ba Neonate ako nagdonate d2 sa Riyadh?
http://www.gmanews.tv/story/172888/house-panel-approves-p2b-budget-for-con-con
Ang kakapal nang mukha!!!!
Mga p? nyo na mga congressman. Maraming namamatay gawa ng baha, Conconpa inuna nyo. Tamaan sana kayo ng kidlat.
Sorry Ellen for the language which I masked. Pero sobra na ang mga congressman sobra na talaga.
@pranning—> Ano gusto mo pranning may ginawa kang kabutihan at angkinin ng iba? I don’t care kung ano man nakasulat doon sa plastic bag. basta mahalaga may laman yong plastic bag.
Baka naman gusto mo paper bag na may 500 thou courtesy of ULAP?
Romyman, please take note of the editing I made in your comments. Refrain from capitalizing words. It’s distracting.
Even if you don’t capitalize words you want to emphasize, readers will get your message. Bloggers here are intelligent.
If you want to stress something very, very important. Make it bold na lang. But do so paminsan-minsan lang.
Same message to Pranning.
01 October 2009
Sorry Ms. Ellen, I’ll take note of that.
Romyman, You have taken my comments the other way, sorry to say, ang akin lang naman, pwede naman tumulong ng walang nakalagay na pangalan ng mga pulitiko, hindi ko sinasabi na hindi sila welcome. Ang akin lang wag naman lagyan ng pulitika ang pagtulong. malalaman at malalaman din ng mga tao kung sino ang tumutulong sa kanila ng walang halong pulitika e, sana maintindihan mo.
Futhermore, if you are questioning me, helping our kababayan, I just like to tell you, even though, i am not in our country withour mwtnioning our names and addtionally, we are not sending it the government but thru and NGO. I/we have our own way of sending relief goods to our country, rest assured, that my comments are constructive and that I hope you will understand for the best of our kababayans and our country.
prans
Thanks Ellen, your advise is well taken. I just couldn’t my disgust and contempt sa mga admin congressmen. Like a thief in the night taking advantage of a national tragedy they tried to put a fast one over us. How insensitive ..
neonate – October 1, 2009 8:24 am
Another remarkable Ondoy phenomenon is the silence of certain hitherto voluble high profile personalities.
Just because you don’t read and hear them in the news, it doesn’t mean they are not doing anything. I know Chiz Escudero has been busy with his own relief efforts. But it’s not in the news. Okay lang yan.
But I don’t also take it against Villar if he stamps his donations with his name.
I don’t also take it against Noynoy Aquino with Frank Drilon sending out goods to Ondoy victims in Cory trademark yellow plastic bags.
What is important is the sufferings of our less fortunate brothers and sisters are lessened.
doon sa arayat nagbigay si gloria ng P15,000 sa mga pamilya ng namatayan. Kinuha niya yun pera mula sa budget ng dswd at dpwh embes na sa kanyang calamity o contingency fund.
Hindi akalain ni dwendng itim na magkakaroon ng ganitong sakuna lalo na at dulo na ng typhoon season. Ginastos ang pera sa mga biyahe ay ngayon humihingi ng supplemental budget na P10B. Kokotongan pa yan.
Ang masasabi ko lang ay hindi naman natin kailangan hintayin ang June 30 2010. Siguro naman pwede na natin ipagkatiwala ang bayan kay Noli ng mga siyam na buwan. Hindi naman siguro kayang gawin ni Noli sa loob ng panahong iyon ang pagsisirang ginawa ni Gloria nung nakaraang sampung buwan.
Sugod na sana ako sa Edsa kaya lang bumabaha at hindi ako makalabas ng bahay ko. Lecheng buhay ito, pati yun panahon pinoprotektahan nung dwendeng itim.
Sa aking pana-naw di kaya ng COA ang mag-accounting sa mga
salaping winaldas, at napunta lamang sa mga bulsa ng mga
galamay, at sa kanilang mga among ( amang ).Kaya nagpadala
ng sugo ng kalikasan, si typhoon “Ondoy”, para ipakita ang mga mali at tamang dapat gawin ng mga tao.At sa pinakamabigat na kargo at konsyensa, syempre ang pangulo.
Ma-swerte, pinagtyagaan kahit na maraming lamat,at mali. Hangga’t di sila tumitino, marami pang accounting
ang nature ( kalikasan ) na darating, na matindi at malalakas ( the Mayan Calendar says, more calamities before the end of 2009, 2010, 2011, hanggang 2012 )..Totoo
man ito o hindi, dapat paghandaan ng lahat, lalo na ang mga
na-ngo-ngolo ( leaders ) at susunod na presidente..Huwag ng masyado sa politika, at mga “kabalbalan” ( greed and corruptions ), dapat changing of the attitudes for the betterment, sa tao at sa Diyos.
Tandaan ninyo, ha…. mamili ng mabuti sa 2010-eleksiyon. Lahat ng kandidato, sasabihin, lalabanan nila ang graft and corruption. Dalawa ang tanong.
Una –ano nga ba ang gagawin nilang kaibahan sa
ginagawa ng gobyerno ngayon.
Pangalawa — sino ang mga tauhan na ilalagay nila sa
puwesto? Baka kamag-anak at kakontsaba, dating lokohan
iyan, iba lang ang apelyido.
Lahat ng perang ilalabas ng gobyerno sa panahong ito, kasama na yung perang hindi ginagastos, ang hinala ko gaya ng sa marami ay ipambibili ng boto sa eleksiyon sa 2010.
Ano naman ang fallback?
Kung sakaling mabale-wala ang ginastos at natalo ang mga kandidato ng administrasyon, nakahanda na silang tumakbo sa eleksiyon para sa ConCon delegates na pwedeng tanggalin ang lahat na nanalo sa eleksiyon sa pamamagitan ng pagpalit ng gobyerno. Kung makokontrol nila ang concon, para na rin silang nanalo sa eleksiyon ng May 2010.
Huwag tayong tutulog-tulog. Mga gahaman sa pera at pwesto ang mga nakaupo ngayon. Kailangang ubusin na ang lahat ng galamay nila.
Ang masasabi ko lang ay hindi naman natin kailangan hintayin ang June 30 2010. Siguro naman pwede na natin ipagkatiwala ang bayan kay Noli ng mga siyam na buwan. Hindi naman siguro kayang gawin ni Noli sa loob ng panahong iyon ang pagsisirang ginawa ni Gloria nung nakaraang sampung buwan. MB
No problemo sa akin yan.-chi
Sugod na sana ako sa Edsa kaya lang bumabaha at hindi ako makalabas ng bahay ko. Lecheng buhay ito, pati yun panahon pinoprotektahan nung dwendeng itim. -MB
Ha!ha!ha! Sinabi mo pa. – chi
Tongue, mas nahirapan akong pumili ng iboboto dahil sa komento mo. Kelangan masilip ko kung sinong atapang-a-kandidato sa pagkapangulo na uubos sa mga galamay ni Panduck.
Obvious naman yung motibo, chi. Bakit naman sila maglalaan ng P2B para sa isang bagay na officially, wala naman silang kinalaman na dahil ang termino nila ay tapos na sa June? Kung magpapalabas man sila ng pondo ngayon, dapat para sa kapakinabangan ng mga constituents nila NGAYON. Hindi naman sila 100% sure na sila pa rin ang uupo by 2010 so para que na magpondo? Dahil sila rin ang makikinabang sakaling matalo sila kung hindi nila i-provide ngayon baka hindi i-provide ng bagong administrastyon, maghihintay pa sila sa 2013 para tumakbo at sapalarang manalo.
Sa ConCon may pag-asa pa silang makanakaw ng pwesto muli!
Kaya dapat sa 2010 elections #1 requisite sa isang kandidato presidensiyal ay ipaalam ang programa niya kung paano hahabulin ang mga magnanakaw sa kasalukuyang administrasyon. Mabilis na hustisya at pagbawi ng nakaw na yaman upang makaluwag man lang ang taumbayan sa mga bagong pahirap ng taxes at mataas na singil sa serbisyo gobyerno.
Kung walang pahiwatig na ganito, kahit si Noynoy, ilalaglag ko!
Rodulfo, tingnan mo yung comments mo #60. Inidit ko, pinalitan ko ang mga words na capitalized ng small letters. mas maayos basahin.
Kapag nag-all caps kasi, ang dating ay sumisigaw. Pangit basahin.
Pauli-ulit ko sinasabi na kahit hindi mo gawing capital ang mga salita, maintindihan yan ng mga bloggers dito. Madali umintindi ang mga bloggers dito.
Pakisunod na lang para mas maganda basahin ang iyong mga comments.
Salamat.
kaya sa 2010 election kong gusto ninyo ng isa pang anim na taon na gaya ng palakag ni unelected president GMA iboto ninyo ang kanyang kasing-itim na anino niya na walang dilit iba …si GIBO.
maraming salamat sa bansa na nagbigay ng tulong para sa mga nasalanta ni “ondoy” gaya ng EU. sama huwag naman nakawin ni unano gna upang lalong lumobo pa ang kaban ng kanyang pamilya. sa totoo lang mapalad na ang mga biktima kong may 30% ang maibigay sa kanila ni unanong gma.
ellen, bakit tamimi yata ngayon ang mga spokesperson ni unanong GMA. wala pa akong nabasang release ng palasyo na galing sa kanyang calamity fund o kaya sa kanyang contingency fund.
sagot nila kong mababa and survey rating ni unanong GMA …trabaho lang siya. ngayon, nasaan ang trabahong makikita sa mga flood control project? resulta…BAHA.
NDCC or national disaster coordinating council, nasaan ang coordination? nasaan ng kailangan kayo? nasaan ka sec GIBO. maski sa command post ninyo …magulo. kanya-kanyang order ang mga tao doon. walang system tapos samihin ninyo trabaho lang? mga bwisit kayo gma, teodoro, fajardo, remonde (correction pondedo), etc
Yung mga nananahimik ngayon, kaduda-duda baka may ginagawang milagro para makisabay sa mga transaksiyon ng mga bangko upang disimulado ang paggalaw ng maruming pera papunta sa washing machine. — Tongue
I’m sure money lauderers will be taking advatae of the situation. Ayayayayayay!
“….The Disaster Management agency sent 200 large military tents, 1,000 portable tents, 5,000 blankets, 5,000 mats to Padang, and the Social Affairs Ministry sent three tons of food, including 9,000 kilograms of rice and 48,000 cans of sardines, the Disaster Management agency said on its Web site yesterday.”
Source: Indonesia Earthquake Survivors Lack Food, Clean Water
http://www.bloomberg.com/apps/news?pid=20601087&sid=a2a3wn6QqXLw
That’s in Indonesia…
Sa NDCC, puro pronouncements…