Got this from Facebook. The original post had the following caption:
“Was buying food for keeps… then we saw Mikey Arroyo in Rustans Liquor Section asking the salesman for a brand of hard alcoholic drink. Effin Crazy! Just a few kilometers away from Katipunan, people are needing help for search and rescue, and there he was buying bottles of alcohol. See for yourself and tell me what you think.””
Ellen,
Baka natakot yung nag post at baka ma-trace siya kaya tinanggal niya. Can’t blame her. Btw, how true is it that Willard Cheng of ABS-CBN was harassed when he supposedly was the first to report about the Le Cirque dinner of Gloria?
If that is really Mikey on the pic buying hard liquor during the onslaught of typhoon Ondoy. Then he is really sick in the brain (if he has one).
Mike, Willard said it’s not true.
Thanks for the info Ellen, glad it’s not true.
Ellen,
Was this information verified? I doubt that this is Mikey. First, ang isang taong maski ang anino nya eh kinatatakutan nya ay hindi lalakad or gagawa na walang bodyguard in arms-length. Kung sya nga ito, siguradong may bodyguardsssss sa paligid nya.. Malabong may makakuha ng litrato ni Mikey (ang anak na nagmana ng ngiting-aso ng kanyang ina) na hindi nakikita ng bodyguardssssss nya.
Secondly, maski mamahaling alak pa ang binibenta ng convenient store na ito, hindi ako naniniwalang bumibili ng alak ang napakabait at napaka-inosenteng si Mikey. Hindi na kailangang bumili ng alak ang mga ganitong klase ng tao dahil sa dami ng gusto sumipsip-5u70 sa kanila, lahat ng klaseng alak ay may mgreregalo sa kanya… so bakit pa sya bibili?..
i think malabo na sya nga ito.. Si Mikey pa!.. bait kaya nang tao na un.. kita naman sa ngiti pa lang!..
Jim Ayson sent me the caption in the original post:
“Was buying food for keeps… then we saw Mikey Arroyo in Rustans Liquor Section asking the salesman for a brand of hard alcoholic drink. Effin Crazy! Just a few kilometers away from Katipunan, people are needing help for search and rescue, and there he was buying bottles of alcohol. See for yourself and tell me what you think.”
Got the name of the original poster. I requested to be her friend. She has not responded to me yet.
Habang binabasa ko ang article, umuugong sa ulo ko ang himig na “Kagatan” ni Mike Hanopol, at ang mga katagang sumusunod:
Laklakin mo hanggang gusto mo
Wala naming pumipigil sa yo
Dikdikin mo sige tapakan mo
Ubusin mo hanggang sa ika’y maging bato
Ano bang physical address bato(gang) yan para mapadalhan ko ng Tequila con arsenic.
Huli ka ule, Mikey!
Pinalakihan ko ang photo, mukhang-mukha niya! Hintayin natin na magkaila ang son of the bitch.
Wala nang pag-asa ang “bato(gang” yan!
Dapat ay patiwarik na ibitin s’ya ng kanyang constituents.
Very unusual, Mikey himself out there in the middle of a storm looking for something hard. Maybe he doesn’t trust his aides to do the shopping, baka mag-conspire sa cashier, mag-over-price or mag-kick-back at hindi na ibigay ang loose change, sayang din yon.
I always thought that the very rich and corrupt maintains a bar inside their houses with a complete line of expensive french wines and from other parts of the world to showcase their high-flying status. Is he not there yet?
Tita Ellen:
Paki-kalabit mo nga yang si ki Mikey Arroyo, instead of buying syoktong na to help donate to our cause na lang hehehe (sorry sa marketing):
http://barriosiete.com/donate-for-ondoy-victims/
We have collected an estimated Php30,916 already.
Kaya yong mga overseas pinoys here. You can donate directly to the Philippine National Red Cross or go kayo sa Barrio Siete.
Many thanks!
Nasaan na nga ba ang mga pulitiko,liban kay Mickey na nagpakalunod sa sioktong.
Some Filipinos are having second thoughts about making donations or contributing to a cause. Can’t blame them because experience tells us that donations were often mishandled by people who don’t care about the sad flight of the victims of calamities who are supposed to be the recipients but often ended up in pockets of these soulless people.
Sa International Red Cross ang suki namin, we just let them know the beneficiary (country).
I’m a bit turned off by photos of politicians undertaking assistance to Ondoy’s victims. Although I understand they have to publicize to get more donations and also volunteers.
Okay na rin lang siguro basta makatulong.
@Ellen: “I’m a bit turned off by photos of politicians undertaking assistance to….”
Same here, feeling ko ang babait nila kapag kakandidato sila. 🙁
Kaya pala tumataba siya.
Tumabi muna ang mga politicos, tumulong muna kayo ng walang kodakan!
Isa pang gago itong si Health Sec Duque. Nanaginip maging senador pero akalain mong ireject yung donasyon ng Wyeth, thru Trixie Suaco-Manuel (Wyeth-Suaco Labs) ng Formula Milk para sa flood victims. Conflicting daw yun sa breast-feeeding program ng gobyerno. Letseng program yan, mamamatay ng yung mga bata sa gutom, anong ipapasuso nung mga nanay na ilang araw nang hindi kumakain at hindi natutulog? Ipasisipsip yung maruming tubig-baha sa mga sanggol?
Baka naman papadedehin ni Gloria ng silicon!
Nagkalat ang mga speedboat sa Laguna Bay, ang laki ng mga pangalan ng politiko sa gilid. Si Villar, pati styropor ng pakain niya, may pangalan niya.
Meron pa bang gobyerno ang Pinas?
Anak ng tipaklong talaga, donasyon na gatas tinanggihan ni Duque tapos wala namang maitapon na pagkain sa mga nanay. Saan dedede ng gatas-nanay ang mga infants?!
Si Duque ang may conflict sa logic! Libre naman ang mangarap, sige mangarap ka gago!
Nakakasuka ang mga pulitiko na yan. Nagdelubyo na sa Metro Manila ay ipinagduldulan pa ang kanilang mga pangalan.
Nagkalat ang mga speedboat sa Laguna Bay? Nagamit ba naman sa rescue, tongue?
Where is Mikey in Ondoys aftermath?
Where are the tongressman in Ondoys aftermath?
Where are the politicians in Ondoys aftermath?
Where are the candidates in ondoys aftermath?
Takot sila humarap sa tao kasi pang t.v lang sila at billboards. Pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi mo sila maaasahan. Magparamdam naman daw kayo sabi ng mga tao.
Nagpapakita lang daw kasi kayo pag election na. Pero sa panahon ng kalamidad at kailangan ng tulong ng maraming tao kahit anino ninyo hindi makita.
Yung mga speedboat sa Laguna Bay at Manila bay? Hindi nagamit yun kasi mahal magpaayos kapag masira.
Hinahanap ni Mikey Arroyo ang isang maliit na butas para mambuso. Dressing room ng mga girls ang nasa likod ng alak.
chi, Tongue, baka si Duque ang magpapadede sa mga sanggol.
I know that a presidential candidate who is not featured by TV and newspapers distributing relief good has been busy helping Ondoy’s victims. Prefers not make any press release about it.
Nakakaasar nga po yang picture na yan. Nakita ko din yan kahapon, halatang panakaw na kuha nga lang yan kasi blurred baka may makakita nga naman na kinukuhanan nya ng picture mapagdiskitahan pa sya.
Hindi handa ang gobyerno sa mga ganitong kalamidad, baka hindi talaga nailaan ang mga pondo sa tamang proyekto. Mabuti na lang at likas sa mga pinoy ang magtulungan sa gitna ng kagipitan.
Kanino pa nga ba naman magmamana yang si Mikey kung sa nanay nya…
ito ang katibayan: As thousands lose homes in Metro Manila, GMA flies to Iligan to inaugurate guest house (http://www.mindanews.com/index.php?option=com_content&task=view&id=7039&Itemid=50)
Baka pwedeng ibulong sa akin Ellen kung sino ang dapat kong iboto na yan. Madali akong mag-switch lalo ngayon.
Mikey did not deny that it was him on Facebook but denied that he was buying liquor at Rustan’s. Imposible raw na siya ay nasa Rustan’s because the streets going there were impassable. Hehehehe! (source, tribune)
Bipolar din ang gago!
Chi, naguluhan ako sa statement nya.ahahahaha!mali-mali talaga yan si Mikey anu?, kung sasabihin naman nyang ibang araw yun, makikita naman sa EXIF ng picture yun mas madali yun nang magkaalaman na.Tapos umaapela syang higpitan ng Facebook ang mga regulations?.Eh kung sarili nya na lang ang higpitan nya at disiplinahin nya?
Turuan nya ng maayos na pag-iisip ang sarili nya nang hindi sya napupulaan!, wala namang maipopost ang mga tao kung wala syang ginawa eh.Bugok talaga yang lalaking yan!
chi:Nagkalat ang mga speedboat sa Laguna Bay? Nagamit ba naman sa rescue, tongue?
Oo naman chi. Nadelay lang dahil hindi umaaraw kaya hindi agad natuyo yung pangalan ng mga pulitikong ipininta sa gilid. Hehehe. Sinabayan nga namin yung speedboat ni Coun. Espeleta ng Muntinlupa. Mahirap lang kasi para kang nagtitinikling sa dagat sa dami ng nakalutang na bamboo poles na pambakod ng mga illegal fishpens sa Laguna Bay. Nagkamurahan nga ng bangus, P10 na lang ang kilo sa Taguig.
Isa yan sa mga problema kung bakit lubog pa rin ang maraming bayan ng Laguna at Rizal at Eastern Metro – nagbara ang mga spillways sa dami ng kawayang lumutang pati na ang makapal na water lilies! Kahit pa bawal ang fishpens 1 km from shore ng Laguna Bay, basta may tongpats si Meyor oks lang! Nung panahon ni Diktador Alquesa bilang LLDA administrator, nailayo sa pampang ang mga fishpens, ngayon ni hindi natin kilala ang administrator kaya nawalan na ng livelihood yung small fishermen gawa ng expansion ng fishpens.