Skip to content

Nauubusan na ng gimik

Officials with Arroyo include Executive Secretary Eduardo Ermita (to Arroyo's right),Labor Secretary Marianito Roque behind Ermita), Foreign Undersecretaty Esteban Conejos (in barong,third guy first row)
Officials with Arroyo include Executive Secretary Eduardo Ermita (to Arroyo's right),Labor Secretary Marianito Roque behind Ermita), Foreign Undersecretaty Esteban Conejos (in barong . first row)

Nakita nyo ba ang litrato ni Gloria Arroyo kasama ang mga Overseas Filipino Workers na nag-eskapo sa kanilang mga malulupit na among Arabo nang siya ay dumating mula Saudi Arabia noong Huwebes?

Hindi ko alam kung ako ay maawa o maiinis.

Binigyan, siguro ng mga Labor officials, ang mga OFW ng miniature flag at kanila yun winawagayway na para bang Olympic team na na nanalo sa kompetisyun sa ibang bansa. Ano namang medalya ang kanilang dala? Luha sa kanilang malupit na karanasan?

Hilaw ang tawa ni Arroyo. Paano nang ininterbyu ng mga reporter ang mga OFW, panay pasakit ang kuwento.

Gusto ng Malacañang na palakpakan si Arroyo sa pagsagip ng mga kawawang OFW sa trahedya na kanilang napasukan.

Pwede ba, naibenta na ang ganyang gimik. Ginawa na yan ni Sen. Manny Villar at dating Pangulong Estrada.

Hindi pwedeng uubra kay Arroyo ang ganyang gimik dahil siya ang naka-upong pangulo (kahit ninakaw lang niya ang pwestong yun). Di ba programa niya ang magpadala ng mga Pilipino na sa ibang bansa bilang katulong? Mismo ang pamahalaan, ang TESDA, ang nagbibigay ng training para magiging supermaids. Kaya, ayan ang inabot ng marami nating kababaihan na OFW.

Hilong-hilo na siguro ang mga nakapaligid kay Arroyo sa kanilang gagawin para bumango si Arroyo sa taumbayan lalo pa ngayon na isa-isa nang naglulundagan ang kanilang mga kasamahan sa kanilang lumulubog na barko. Katulad ng ginawa ni Foreign Secretary Alberto Romulo na nagsabi na si Sen. Noynoy Aquino ang kanyang bobotohin. Ibig sabihin noon, hindi siya sususportahan ang kandidato ng administrasyon na si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Sa House of Representatives, kung saan binusog na binusog ni Arroyo ng pork barrel ang mga buwaya doon kaya hindi siya na-impeach, sabi ng isa niyang tuta, si Rep. Antonio Cuenco ng Cebu na nag-survey raw siya sa kanyang mga kasamahan at ang resulta daw ay mga 100 raw sa kanila ang susuporta kay Noynoy Aquino para presidente. Ibig sabihin nun, ang bilang ng Malacañang na 145 na kongresista na susuporta kay Teodoro ay 45 na lang ang natira.

Sabi pa ni Cuenco, ayaw lang daw lumabas muna ang mga 100 na yan dahil inaala-ala pa nila ang kanilang pork barrel. Aba, milyun-milyun din yun at kailanganin nila yun sa eleksyun.

Siyempre sinabi ni House Speaker Propero Nograles na hindi raw totoo ang sinabi ni Cuenco. Ngunit ito ang nakakatawa sa sinabi ni Nograles: “A great majority of our members are highly principled and I don’t think their choice of Gibo was plainly based on what Congressman Cuenco describes as pork barrel considerations.”

Sige na kung yan ilusyon mo.

Ito namang isang paboritong cabinet member ni Arroyo, si Public Works Secretary Hermogenes Ebdane ay gusto raw tumakbong presidente.

Naku, kanya-kanyang labada na yan ha.

Published in2010 electionsAbanteLabor

41 Comments

  1. Phil Cruz Phil Cruz

    How true are those reports that the OFW’s were long ready to leave for home but that they were told to wait for Gloria to arrive so that Gloria could “rescue” them and bring them home?

    As for Ebdane running for President, why not? He has billions stashed somewhere from the Road User’s Tax, doesn’t he?

    Sinong pakawala tong si Ebdane?

  2. Mike Mike

    Oh my, ang cheap naman ng dating. May mga flags pang hawak ang mga ofw’s. Parang yung parada sa Olympic games ang dating. So fake, so scripted. Buti pa yung kay Erap, kitang kita ang tuwa sa mga mukha ng mga ofw na sinalubong nya. Malamang si Lupita na naman ang director niyan. Hahaha!!!

  3. Bong Bong

    Tama ka mike, mas natural yung naganap na pagsalubong ni erap sa mga ofw, makikita ang tuwa sa mga mukha nila. kahit na ano pa siguro ang gawing gimik ng kampo ni gma ay di na kayang gamutin ang pagka muhi ng taong bayan sa kanya. ang gobyernong ito mismo ang nagtulak sa mga kababayan natin na mangibang bayan dahil sa kawalan na ng pag asa.

  4. chi chi

    Naiinis ako sa gasgas na gimik ni Panduck! Nakakasuka!

    I hope there’s an equivalent money to the pagwawagayway of Pinas flag, magkarun man lang ng pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga OFWs na yan na ginamit na naman ni Gloria.

    Hindi ko masisi ang OFWs dahil sa kainipan nilang mauwi na. Mga biktima ng kawalan ng trabaho sa sariling bansa. Mag-ingat naman kayo sa susunod, palagi na lang kayong sinasamantala ni Gloria.

  5. chi chi

    Ang kakapal ng apog ng Gloria’s presidentiables, decimal point lang sa survey si Gibo at Bayani, si Ebdane ay zero malamang pero kung mga makaasta akala mo may ilalabas. Meron nga pala, si Garci-Bedol….

  6. chi chi

    Malakas ang loob ni Ebdane na lumaban sa presidency kasi experto na siya sa kalakaran ng Hello Garci!

  7. chi chi

    Si Gloria, Reyna Banderada! Ha!ha!ha!

  8. balweg balweg

    Oh my, ang cheap naman ng dating. May mga flags pang hawak ang mga ofw’s.

    Pinasimple mo naman ako ng tawa Ka Mike, hungkag na ganda point? Bakit ka mo, kasi ganito yon…ang mga OFWs stranded na yan e ilang buwan nang nagkalat sa lansangan sa Jeddah at kundi pa kuno na naligaw si gloria sa Kaharian e di yan papansinin?

    Obvious di ba, laging nababalita at ipinakikita sa TV Patrol ang kaawa-awang kalagayan ng mga stranded na Pinoy doon sa Jeddah.

    Hay naku pakitang-tao pero pinagkakakitaan pa nila ang mga OFWs…?

  9. masyadong cheap ang palabas especially these banderitas that these OFW’s were holding. i wonder what’s actually in their minds? am sure that was not voluntary, obvious na obvious masyado!

  10. balweg balweg

    Malakas ang loob ni Ebdane na lumaban sa presidency kasi experto na siya sa kalakaran ng Hello Garci?

    Yaks, si Ebdane e ka mo Igan Chin…tatakbo ng ANO KA MO? Pangulo ng bansa…pasensiyahan tayo, pag sina Eddie Gil, Ugbok o kaya ang Dios Ama ang tatakbo ng Panggulo e sure isa sa kanila ang iboboto ko…bahala na?

    Trojan doggie yan ng remimeng arroyo!

  11. balweg balweg

    masyadong cheap ang palabas especially these banderitas that these OFW’s were holding?

    Well, Hon. Queen Elene, we need to give her the benefits of doubt kasi photo op yan para ganda point pero useless coz’ginagamit nila ang OFWs para pagkakitaan.

    Hay salamat…naka-uwi din ang mga kaawaawang OFWs? At di dapat tayong magpasalamat sa gobyerno sapagka’t trabaho nila ito at nasaan ng bilyones ng OFWs na kinokulekta ng OWWA?

  12. chi chi

    “di dapat tayong magpasalamat sa gobyerno sapagka’t trabaho nila ito at nasaan ng bilyones ng OFWs na kinokulekta ng OWWA?”- balweg

    Talaga, ginogoyo pa niya sila!

  13. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    May bagong papel si Gloria Arroyo. Rescuer ng mga aping OFW. Walang sinabi sina Manny Villar at Erap. Hangang photo-ops lang ito.

  14. She really doesn’t know what her job is all about.

    But why should we wonder? She’s not even supposed to be there.

    The way i see it, North Korea is a lot better than us. At least, their dignity as a people is still intact.

  15. Abdollah Mouawad Abdollah Mouawad

    Viewed last night at Balitang Middle East the visits of the pimp gloria in Jeddah and Alkhobar to the delight of OFW’s who can stomach all her lies, cheating and overspending on nonsense trips abroad. Glad I was not there or I might have thrown her some bulok na kamatis or human manure.

    Sobrang plastik itong si reyna gilagid. I cannot feel any sincerity in all her words as I see nothing in her face but deceit.

    Letsugas silang mga taga consulate! Taon na halos ang binilang na nasa ilalim ng tulay ang ating mga kababayan subalit kumilos lamang sila nanag parating na ang kanilang reyna de puta upang masabing mayroon silang ginagawa para sa aming mga manggagawa?

    Kunsabagay ay may kasalanan din sa kanilang mga ipinagkaganoon ang ating mga kababayan subalit mayroon ding pananagutan ang pamahalaang walang maibigay kundi mga pangakong walang katuparan sa halip na hanapbuhay.

    Kaya, gloria, tama na ang mga arte mong nakakasuka, puwede ba?

    Tanginamuka!

  16. Abdollah Mouawad Abdollah Mouawad

    ……subalit kumilos lamang sila ng parating na……

  17. Abdollah Mouawad Abdollah Mouawad

    Umuwi ako April noong isang taon at ang mga kababayan natin ay ilang buwan nang nagsisiksikan sa ilalim ng tulay ng Gandara at ngayon ay mahigit isang taon na akong nakabalik at napalipat sa Riyadh, ngayon lamang nila dinaluhan?

    Tsk. tsk. tsk.

  18. Abdollah Mouawad Abdollah Mouawad

    Pambihira!

    Mahigit dalawang taon bago sila kumilos?!

    Ano’ng klaseng gobyerno meron tayo?

  19. patria adorada patria adorada

    patunay lamang ito na malapit na ang election.pati philhealth namimigay na rin.same old trick.

  20. Umuwi ako April noong isang taon at ang mga kababayan natin ay ilang buwan nang nagsisiksikan sa ilalim ng tulay ng Gandara at ngayon ay mahigit isang taon na akong nakabalik at napalipat sa Riyadh, ngayon lamang nila dinaluhan?

    Baka nga iba pang mga OFWs ‘yung bintbit niya pauwi para sa photo ops. Mukhang nasa ilalim pa rin ng tulay yung mga binanggit mo.

    Umuwi rin ako nitong Hulyo. Ayun, napalaban ako ng sigawan doon sa pulis na nag-aayos ng pila sa passport control.

    Pinabukod niya ng pila ang mga Bo-arabs, tapos kaming mga Pinoy, nagsisiksikan sa napakahahabang pila. Tinanong ko siya kung bakit uunahin pa yung mga Arabo, e kami ang mga Pinoy. E, kakaunti lang naman daw yung mga Arabo kaya ibinukod niya na.

    Kundi ba naman tanga, natural na mas maraming Pinoy, NAIA yun e.

    Sabi ko, second class citizen na nga kami sa bayan ng mga iyan, hanggang dito ba naman sa bayan ko, sila pa rin ang first class? Hihirit pa sana yung les-pu. Sinigawan ko na’t nangangatal na ako sa galit. Sinabi ko na lang “Tandaan ninyo ang mga pinaggagagawa ninyo sa amin. Manahimik ka na lang at baka kung ano pa ang magawa ko.”

    Sino kaya ang nagpadala ng mga maids na inaabuso sa Saudi? Hindi ba’t sila rin?

    Galing naman ng lola n’yo! Itutulak sa ilog ang mga kawawang OFWs, sasagipin pag nalunod… and, she expects the people to thank her for that?

  21. Gabriela Gabriela

    Ito namang isang paboritong cabinet member ni Arroyo, si Public Works Secretary Hermogenes Ebdane ay gusto raw tumakbong presidente.

    Naku, kanya-kanyang labada na yan ha.

    Yan talaga kapag maraming natagong kayamanan nakuha sa maduming paraan. Kailangan niyang labhan para magiging malinis kuno.

    Kakandidato tapos sasabihin campaign contributions nanggaling ang biglang yaman. Naku ginamit na yan ni Mikey Arroyo.

  22. patria adorada patria adorada

    Ka Enchong,Abdollah M.,noong na punta ako diyan sa saudi,sometime in 1985,bawal ang ang babaing baka dapat bulls lang,bakit kaya?heheh
    ang stay-in maid sa saudi ay talagang mahirap.hindi katulad sa europe na por hora lang pagkatapos ng trabajo puede ka ng umuwi sa apartment mo o pumasok sa iba.

  23. Fr Allan Asuncion:

    Exaggerated masyado si Antonio Cuenco. Ewan ko kung meron siyang wastong pag iisip. Sa totoo lang mahirap gumawa ng survey (verbally) lalo na kung alam mong magkaiba kayo ng partido. Sa tingin ba ninyo magagawa niya na sabihan ng isang kongresista if where siya papabor sa pagkapangulo next year! Napakahirap gawin yun at kung mamalasin ka baka masuntok pa siya ng parehas niyang kongresista. Bakit kaya hindi niya subukan maglakad sa mga kalye lalo na sa mga universities or colleges at mag ask siya ng tulong para gamitin sa campaign ni Noynoy! Baka mapapahiya siya lalo sa mga students kung ano ang sasabihin nila o reactions.

    Mga kapamilya ni Noynoy ginagawang tanga ang mga tao na kunwari hindi sila mayaman at walang pera kuno. Ang ibig sabihin ba ng anak haciendero ay pulubi!? Dito palang makikita muna kung sino ang nagsasabi ng totoo. Hindi pa nakakaupo bilang presidente sinungaling na at litong-lito na. How much more kung siya ang papalarin na maging presidente!

  24. Do you know why nagkakaganito ang bayan natin ito ay dahil sa mga elitistang walang paki sa kapwa nila at gustong maging foreigner sarap sipain sa totoo lang lalo na si Gloria.

  25. MPRivera MPRivera

    Mga gago’t gagang utuuto din itong mga kababayan natin, eh. Napapakasangkapan sa pagbabalatkayo ng reynang aso.

    Kasalanan din nila ang kanilang ipinagkaganyan sapagkat pikit mata silang sumuong sa kalagayang hindi nila alam ang kahahantungan.

    Alam nilang malulupit ang mga among Arabo (para sa mga super maids ni gloria), napaloko sila sa pagtataas daw ng suweldo. Tapos, nang hindi nila makayanan ang 24 oras at non-stop na trabahong walang kainan at walang pasuweldo, tatakas sila’t sa ibang kapwa Pinoy mamemerwisyo at hindi iniisip na ‘yung karampot ding suweldo ay para sa pamilyang umaasa sa Pinas.

    Gayundin ang mga kalalakihang “bahala na” ang baon sa pangingibayong dagat kahit kulang sa kaalaman sa trabahong papasukan, kapag hindi umayon sa inaasahan ang magiging trato ng amo ay hahanap ng ibang mapapasukang hindi rin nila gamay dahil nga lakas lamang ng loob at kayabangan ang nagtulak upang mangibang bayan.

    Manggagawa at gobyerno, kapwa may pananagutan sa ganitong masamang kinasapitan.

  26. Galing kay Crispin Peralta na nasa Saudi:

    Kung maari lang po sana na tigilan ntin ang siraan pa ang pangulong gma….imbes na siraan natin ang kasalukuyang administrasyon, mas mainam kung haharapin natin ngaun at ang gawin ang maaring magdulot ng kabutihan sa kukas na hinaharap natin….

    Kung gimik man o kung anu ang gusto mong itawag sa pag-uwi ng mga stranded ofw na kasabay ni Pangulong GMA, ay magpasalamat tayo at nakauwi na sila. Hindi mo alam kung gaano ang hirap na dinanas nila dahil hindi mo naranasan ang maging OFW, ang magtrabaho at magpa-alipin sa ibang bansa.

    Kaming OFW ay higit pa ang pagpapasalamat at nakauwi na sila riyan, maging sa mga taong kasama ni Pangulong GMA na umuwi at maririnig mo ang pasasalamat kahit na hindi nila batid ang buhay nila pagdating sa pamilyang uuwian nila dahil malaking kaginhawahan na ang makarating sila jan sa sarili nating bansa at muling makapiling ang mahal sa buhay.

    Kung umuwi si Pangulong GMA na wala man lang napa-uwing OFW siguro mas masakit pa ang salitang manggagaling sa katulad mo na wala na ngang naitutulong kungdi ang magsulat ng mga naisulat na ng ibang mamamahayag sa iabng artikulo.

    Paulit-ulit lang ang nababasa namin sa inyo, iniiba iba nyo lang ang mga salita at estilo pero kung iintindihin ay ganoon din naman. Wala naman nagagawang kabutihan sa mambabasa at ung mga dyaryong pinagsusulatan nyo ay ipinambabalot lang ng tuyo sa palengke.

  27. Crispin, kung maayos ang palakad ng gobierno, maayos ang peace and order situation, maraming investors ang magpatayo ng negosyo dito sa Pilipinas at hindi na kailangan mangibang bayan ang mga Pilipina bilang katulong.

    Kung hindi kinukurakot at pera ng bayan ng mga nasa kapangyarihan, maging maayos ang ating educational system. makapag-aral ang lahat sa atin at maatos na trabaho ang makukuha.

    Mangibang bayan ka na maayos ang trabaho sa kumpanya at kung maari lang kasama mo ang iyong pamilya.

    Hindi kailangan iwanan ng mga nanay ang mga anak at magtrabaho bilang katulong sa bansa na ibang-iba ang kultura na ating kinagisnan.

    Binabatikos ko ang kapabayaan ng administrasyong Arroyo dahil naniniwala ako na karapatan ng bawat Pilipino ang maayos na pamamalakad ng gobierno. Hindi maayos ang pamamalakad ni Arroyo.

  28. Paulit-ulit lang ang nababasa namin sa inyo…

    Brod, kung gusto mo ng entertainment sa halip na punahin ang pangit na pamamalakad, you truly deserve why you are working abroad.

    Ang ginagawa namin dito ay upang ipaalam sa mga hudas na hindi kami kayang utuin, at alam namin ang kanilang mga panloloko.

    Alam din namin ang tamang alternatibo.

    Ang problema lang ay ikaw, na mukhang natutunan ng tanggapin ang bulok at baluktot na sistema. At dahil dyan, ikaw ay bahagi na rin ng aming problema.

  29. chi chi

    “…Sabi ko, second class citizen na nga kami sa bayan ng mga iyan, hanggang dito ba naman sa bayan ko, sila pa rin ang first class? Hihirit pa sana yung les-pu. Sinigawan ko na’t nangangatal na ako sa galit. Sinabi ko na lang “Tandaan ninyo ang mga pinaggagagawa ninyo sa amin. Manahimik ka na lang at baka kung ano pa ang magawa ko.”

    Ka Enchong,

    Ako ay tuluyang nagwala sa airport in 2004, just after the elections. Dalawang airport personnel ang may hatak-hatak ng isang katerbang baggage ng dalawa ring dalagang puti. Ni wala man lang pasintabi na deretso sa scale machines na “hindi pa” raw pwede dahil wala pa oras”, pero sa kanila ay pwede.

    Sa dami naming nauna sa pila ay isang lalaki ang nag-reklamo pero walang nagawa at tumameme after sabihan. Nabwisit ako at nagreklamo. Una ay impit na reklamo pero sininghalan ako. O e di nilakasan ko dinig ng marami.

    Aba, napiko ang mga bruho at sabi ay “puro kayo reklamo mga OFWs”. Nagpanting ang tenga ko. Inilabas ko ang aking passport at siya naman ang natameme dahil “‘kana” daw pala ako (dual in fact kaya nakakaboto at nakikialam pa). E di lalong nagpanting ang tenga ko at sa harap ng ka daming OFWs sa kabilang linya ay sinabi ko “hoy, ang ipinasusweldo sa inyo ay galing sa kanila, mga OFWs!”. High blood akong masyado, ipinatatawag ko na ang airport manager, hahaha!

    Sa huli ay humingi ng despensa yung dalawang babae at ipinila sila sa huli ng airport personnels bago lumisan after saying “Wi ar sori”.

    Pero sa totoo lang, pigil ko rin siguro ang galit kung ako ay nasa lugar ng OFW dahil mas kailangan ko ang makaalis ng Pinas at kumita kesa kaladkarin ako ng airport personnels at hindi pasakayin sa eroplano.

    Ang puntos ko sa kwento: Kung may ‘kakayanan’ kahit konti lang na manapik sa mga tarandatong kawani ng pamahalaan ay magsalita ng malakas at i-boses kahit hindi iyo and isyu.

    Sa haba ng kwento ko, ang wakas ay: Kaya hangga’t nadyan ang Ellenville (thanks to tamang ‘pakikialam’ sa isyu), magba-blog ako. 🙂

  30. chi chi

    “Galing naman ng lola n’yo! Itutulak sa ilog ang mga kawawang OFWs, sasagipin pag nalunod… and, she expects the people to thank her for that?” Ka Enchong

    The only way she knows to appear relevant at the eyes of kapinuyan. Sabi nga ni Sumpit e, “She really doesn’t know what her job is all about. But why should we wonder? She’s not even supposed to be there.”

  31. chi chi

    Crispin Peralta,

    Napatagal pa nga ang uwi ng mga OFWs dahil nagpahintay pa ang pangulo mo. Nun pang isang buwan dapat nakauwi ang wayward OFWs na yan. O di ba isang harapang pagsasamantala na naman ng pangulo mo sa mga OFWs yan para sa kodakan?

    Kung hindi sa pangulong Gloria mo e di matagal nang kasama ng mga yan ang kani-kanilang pamilya at may tubo na ang kamote sakaling sila ay nagtanim nung isang buwan pa.

  32. chi chi

    “Paulit-ulit lang ang nababasa namin sa inyo” -CP

    Hanggang lumuwa ang mata mo sa kababasa ay kukulitin namin dito ang hindi tamang patakaran ng iyong presidente.

    Meanwhile, salamat naman at maganda ang tayo mo dyan di tulad ng mga walang swerteng OFWs na sinasamantala pa ni Gloria.

  33. chi chi

    At Crispin, buti naman at binabasa mo/ninyo muna ang diaryo bago “ipambalot lang ng tuyo sa palengke”. Yung iba kasi ay nababasa ang balita mismo dun sa diaryo na nakabalot sa tuyo o pagka-unwrap sa tuyo.

    Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka nagbabasa ng kolum o blog ni Ellen dahil nandito ka at nagkokomento.

    ciao muna at takbo ako sa bundok….

  34. Gabriela Gabriela

    Kung gimik man o kung anu ang gusto mong itawag sa pag-uwi ng mga stranded ofw na kasabay ni Pangulong GMA, ay magpasalamat tayo at nakauwi na sila. Hindi mo alam kung gaano ang hirap na dinanas nila dahil hindi mo naranasan ang maging OFW, ang magtrabaho at magpa-alipin sa ibang bansa.

    Dapat nga wala ang mga kawawang Pilipina na yun sa Saudi. Nandun sila dahil kapit sa patalim. Tapos bilib ka sa presidente na nagtulak sa sarili mong kababayan na kumapit sa patalim?

    Humanga ka pa kay Arroyo? Isip masochist yata yan.

  35. eddfajardo eddfajardo

    Si Ebdane may balak kumandidato for president of the Philippines? Nasa ayos kaya ang pag-iisip nitong hamak na sip-sip na ‘to? Dios mio perdon, what is happening to these people na akala mo dahil nasa pwesto puede na nilang gastusin mga pondo na hawak nila para sa kandidatura nila? Ano kaya ang nasa isip niya, may pag asa kaya siyang iboto ng ating mga kababayan? He has to understand na mas sikat pa si Ellen Tordesillas sa kanya kung kasikatan ang pag-uusapan.

  36. Sa Marikina sobrang taas ng baha kahapon…

    Kailan kaya tataas ang tubig sa Ilog-Pasig?

    … para anurin na ang dapat anurin!

  37. saxnviolins saxnviolins

    “Paulit-ulit lang ang nababasa namin sa inyo”

    Dahil paulit-ulit ang katiwalian.

  38. MPRivera MPRivera

    Ispen Peralta,

    Katulad mo ay OFW din ako. Dito na ako tumanda sa Saudi Arabia at mula rin dito ay nasubaybayan ko ang mga kadakilaan ng iyong minamahal na panggulo.

    Dito ako sa Riyadh ngayon, isang taon mula ng malipat mula sa Jeddah kung saan nakita ko’t nasaksihan ang abang kalagayan ng ating mga kababayan sa ilalim ng Gandara Bridge. Isipin mo, halos dalawang taon at kalahati sila sa pamamalimos, bakit kung kailan parating sa Saudi Arabia si Reyna Pantasya ay saka nila hinakot ang mga pobre upang ikanlong sa consulate?

    Hindi ka naman siguro bulag o tanga upang hindi mabigyan ng conclusion ang isang napakasimpleng hakbang ng pakitang tao, di ba?

Leave a Reply