Ngayong palapit na 2010 eleksyun, dumadami ang mga panggulong mga balita.
Kawawa nga itong si Senator Chiz Escudero. Itong mga nakaraang araw, siya ang pinagdidiskitahan ng ilang grupo na mag-withdraw sa 2010 presidential contest.
Noong Linggo, maaga kong kinalampag ang kanyang political consultant na si Malou Tiquia dahil sa text na nakuha ko tungkol sa SWS survey na run-away si Sen. Noynoy Aquino sa survey sa Luzon.
Malaki ang nakain ni Noynoy sa rating ng ibang mga kandidato katulad nina Sen.Manny Villar, Estrada at Escudero. Pati narin nga yung kay Noli de Castro.
Sinabi sa text na magwi-withdraw daw si Chiz at nakikipag-usap daw kay Noynoy para magiging bise presidente. Sabi ni Malou, “Hindi toto-o yun!”
Pinadala rin sa akin ng isa kung kaibigan ang text sa kanya ni Chiz, “Uso ang tsismis ngayon, he he.”
Alam ng mga kandidato sa oposisyun katulad ni Chiz na nag-iba ang laban sa pagpasok ni Noynoy. Ngunit hindi pa naman sigurado ang damdamin ng buong bansa.
Marami pang isyu ang lalabas at pagsubok na dadaanan ang lahat na kandidato kasama si Noynoy.
Ang mahalaga sa publiko ay ang totoo lang.
Kung may dapat mag-withdraw, siguro si dating Pangulong Estrada.
Pagkatapos ng privilege speech ni Sen. Ping Lacson kahapon, dapat siguro kay Erap, tumulong na lang siyang mailagay sa ayos ang bayan sa pamamagitan ng pagsuporta ng kandidato na may kakayahan gumawa nun.
Sa kanyang pinakahihintay na privilege speech sinabi ni Lacson kung paano ginamit ni Estrada ang kanyang kapangyarihan bilang presidente hindi para ipatupad ang batas kungdi para kumita sa jueteng at smuggling.
Hindi talaga pwedeng pangulo si Erap. Mabait siya ngunit wala siyang disiplina sa sarili. Malabo rin ang kanyang konsepto ng tama at ng mali.
Naniniwala ako sa mga ikinuwento ni Lacson.
Inikuwento ni Lacson kung paano pina-harass ni Estrada ang negosyanteng si Alfonso Yuchengco para pilitin ibenta ang kanyang shares sa Philippine Telecommunications and Investment Corporation kay Manuel Pangilinan ng Philippine Long Distance Company.
Ang punto sa pahayag ni Lacson na parang bitin ay, outside the kulambo siya kay Estrada noon. Maraming beses daw nalalaman na lang niya meron pa lang inutos si Estrada sa kanyang mga tauhan. Hindi niya alam.
Ang tumbok dito ni Lacson ay ang kasong pagpatay sa negosyanteng si Bubby Dacer at ang kanyang driver. Mukhang galit si Lacson na idinadawit siya ni Estrada sa sinasabing “Operation Delta”. Sabi ni Lacson hindi nga niya alam na meron pa lang “Operation Delta”.
Hindi pa nakuntento sa pardon na binigay ni Arroyo, gusto pang bumalik ulit sa pagka-presidente.
Baka akala niya kapag pangulo na siya ulit, paprotektahan niya ang kanyang sarili. Hindi tamang motibo yan sa pagtakbo bilang presidente.
Dapat, tatakbo ka dahil gusto mong makatulong sa taumbayan. Gusto mong tumulong mai-ayos ang lagay ng bansa.
Mas makatulong si Estrada sa bayan kung hindi na niyang ituloy ang balak na tumakbo sa pagka-presidente ulit at gamitin niya ang impluwensya niya sa masa para sa isang kandidato na sa akala niya tunay ang pagmamahal sa taumbayan.
Mas matindi yung tsismis na nasagap ko. Mapapaaga daw yung kasal ni Mar Roxas…kay Noynoy Aquino. Susmaryosep!
Hahaha! Magpakasal na nga sila, ang dami pang drama e!
Easy ka lang dyan, Chiz, at sinisipat-sipat din kita, hehehe!
Parang ang lumalabas na isyu ngayon ay *Mafia-style* government noon at ngayon. Takutan, patayan at suholan.
Pabayaan natin silang lahat tumakbo. Basta wala lang dayaan. Manalo ang tunay na iboboto ng tao. Iyan ang demokrasya!
I guess, at this point in time, no matter how many would ask or persuade Erap to drop out of the presidential race.. he has already made up his mind. And now comes Lacson’s expos’e, the more he’ll be encourage to run thinking that if he wins, it’s like a big slap on the faces of those who had wronged him. It is good that any wrong doings of any presidential aspirants must be exposed as early as now. Unfortunately, in the case of Erap, he seemed immune from these expos’es as we have witnessed during the 1998 presidential elections. During the campaign period of the ’98 elections, almost every day we read in the news, there’s something negative about Erap. Even the video tape of him playing inside a casino with Atong Ang when he was VP didn’t had any effect on him as he won in that election, and landslide victory at that. They say he is like teflon, the mudslinging against him doesn’t seem to stick.
Earlier today, after the privilege speech of Lacson, I was listening to a radio program where they accept callers and text message opinions from listeners and was surprised that majority of the callers and text message are still for Erap and that Lacson got a lot of negative comments.
Tongue,
Pilyo ka talaga. Matutulog na sana ako, sumakit tuloy ang tiyan ko—Mar-Noynoy nuptial? Hahahahahahaha!!!
I still think tha Chiz should be a vice. He has plenty of time to prepare himself for a big role. Kung hilaw si Noynoy, pakiwari ko mas lalong hilaw ang isang ito. Chiz and Sonny Trillanes will make a good pair in 2016! Huwag ngayon. Ibigay na muna yung baton sa mga nakakatanda…heh,heh,heh.
Mas gusto ko naman si Mar kay Noynoy. Mar is more decisive, merong mga nagawa, matalino at may Korina pa!
For his presidential aspirations, I think he made a mistake by giving in so easily to Noynoy though.
Expect the “rumors” to get worse as the elections approach. Magsisiraan ang mga kandidato and the one who can hurl the most black propaganda that sticks to peoples’ minds wins the race! Di ba ganyan ang politika kahit saan?
The onion skinned candidates will vow out first. Matira ang matibay.
Kaya nga, walang matino! This should not be a mere contest of personalities. The country is in dire need of a real leader, one whose genuine concern is to make his country great. Ni walang mga plataporma ang mga unggoy kundi payabangan lang, and worse, kunyari pa raw kung sino ang meron perang panghambug tapos babawiin naman pag tapos ng eleksyon sa pagnanakay sa kaban. Ngeeeeeeek!
Walang tulak kabigin! Huwag nang mangarap ang mga dilat nga ang mga mata pero wala namang makita!
Isa pa ang mokong na ito. Akala ko kagaya siya ng lolo niya di pala! May pinagmanahan sigurong iba!
Like another member of this blog, I’ll wait for 2016 for the real Macoy. Meanwhile, tiis muna ang mga pilipino. Kasalanan kasi nilang binago pa ang length of term ng pangulo nila. Pagtiyagaan nila iyong mokong na iboboto nila para makanakaw rin.
Kunyari pa raw walang reelection, pero iyong magnanakaw siyam na taon na sa upuan at ayaw nang bumaba. Pinababayaan pa ng mga pilipinong matawag na “President of the Philippines” imbes na kriminal na dapat nakakulong!
NAKAKASUKA!
Ito, hindi tsismis:
First Gentleman Mike Arroyo endorses senatorial bets Juan Flavier, Francisco Duque III, and Adel Tamano. – Malaya
Huh! Si Adel Tamano?
Shocking! Why?! Naku Adel, tiyak na ang pagkatalo mo, bakit mo yan pinayagan?
Dito sa Pinas walang segundong dumaan na walang tsismis. Mula sa mga kapitbahay na makati ang mga dila hanggang sa mga pinapasukan ng mga mahal natin sa buhay pati sa mga paaralan hanggang sa simbahan. Mula sa isang gusali hanggang sa kabilang gusali may tsismis.
Yung pamilayang Arroyo ang pinakamalaking tsismis na nangyari sa Pinas. Sa pamamagitan ng civil society naka-upo siya sa pwesto. At gumawa pa ng tsismis na siya raw ang nanalo. Sumakay din sa tsismis niya si Quiboloy na isa ring malaking tsismis at puro tsismis ang pinag-gagagawa.
Kahapon gumawa rin ng tsismis si Lacson. E bakit kahapon lang? Kung taong may prinsipyo iyan bakit di siya nag-ingay noon pang August, September, October, November o December 2000? Naunahan pa siya ng civil society.
Karamihan pa naman ng mga tao dito sa Pinas mahilig sa tsismis. Wala naman sa showbiz central o showbiz news ngayon. Pero mahilig sa tsismis.
Sigurado ang Pilipinas ay babagsag ng tuluyan ng dahil sa tsismis. Tsismis dito, tsismis doon at tsismis kahit saan.
Mag tsismisan na lang kaya silang lahat?
Entertaining sa mga Pilipino ang tsismis. Baka kumita rin ang Pilipinas dahil sa tsismis.
Chiz is my guy. His being a godson of Gloria doesn’t bother me a bit. Besides being the youngest in the line-up he is the only one who is not tainted with any scandal. He is clean, young, full of energy and a leader. The country has always been under the oldies and it’s about time the people entrust the helm to the younger generation. Chiz is the hope of the future and I hope he will not give up. And if Erap drops out, may he gives his support and endorses him. It will make a difference.
Hindi dapat pilitin magwithdraw ang kahit na sinong kandidato. Karapatan nilang tumakbo. Tayo naman may karapatan bumoto at ang pag gamit natin ng karapatan na yan ay ang magsasabi sa mga kandidato kung sino sa kanila ang nag aksaya lang ng panahon at kwarta.
florry,
pangit yata yun endorsement galing kay erap. Baka magtanong ang taong bayan kung bakit ang isang mandarambong ay nagbibigay ng suporta sa isang kandidatong akala nila matuwid.
Florry,
Ikaw ba talaga iyan kasi doon sa kabila sabi mo wala kang manok, tapos ngayon sasabihin mo si Chiz (I hope hindi Spanish pronunciation ang pangalan nito na iyong Z nagiging T) ang gusto mo. Sana hindi iyan sintoma ng tinatawag na split personality. 😛 Ano ka parang 3 faces of Eve?
Sabi noong kurakot na kilala ko dito sa Tokyo, kahit ano daw sabihin ni Lacson, basta Erap sila. Pihado malakas na naman daw sila sa Customs. Asuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuus!
Kung tutuusin ay mas masahol pa ang mga pumalit kay Marcos para mamuno sa pilipinas. Mas lalong nabaon tayo sa utang at lalong nakawawa ang taong bayan. Mapa kay Cory – Tabako – Erap at Lalong lalo na kay Gloria ay puro kawatan ang nangyayari sa gobyerno natin ngayon.
Mas gugustuhin ko pa ibalik ang dati na kesa ngayon na talamak ang nakawan. Dati ay matitino ang nga Henerals ngayon sila pa ang namumuno sa dayaan.
Si Ping ay talaga naman iyaking iyan at bakit ngayon lang niya nilalabas ang baho ni Erap. Dahil ba ma iipit siya at kailangan niya mag palusot na di niya alam ang pag patay kay dacer. Ikaw ang head ng department noon at di mo alam.
Katarandaduhan iyan Ping na di mo alam.
Pare[pareho lang kayo ng may baho.
Kaya bumabagsak tayo as a bansa is because maraming gusto nasa taas either gusto nilang maging presidente o yung city nila ang maging capital ng pilipinas,nakakasuka….
Nakakalimutan na ba agad ang mga ninakaw ng magkapatid na kabayo?
Ipupusta ko ng pitpitan ng itlog itong katabi ko. Ang tuwang tuwa ngayon ay ang mga kampon ni gloria arrovo dahil nalilihis ang atensiyon ng publiko. Tuloy sila sa hokus pokus na pagdodoktor sa SALN ng magkapatid na kotong sa konggreso.
All these discussions and debates about who is the best candidate are good. Makes us aware of the strenths and weaknesses of each candidate. But may I now ask this question?
Who among us really believe that this 2010 automated election will be clean, honest and orderly? That this election will not result in a “Failed Election”?
This is really what I am more concerned about. There are events happening which point to an eventual declaration of “Failure of Elections”.
manuelbuencamino – September 15, 2009 12:36 pm
Hindi dapat pilitin magwithdraw ang kahit na sinong kandidato. Karapatan nilang tumakbo. Tayo naman may karapatan bumoto at ang pag gamit natin ng karapatan na yan ay ang magsasabi sa mga kandidato kung sino sa kanila ang nag aksaya lang ng panahon at kwarta.
__
Agree 100%.
Only one thing I’m thankful about Noynoy’s candidacy… that when KOMOLEK declares a failure of elections kuno and Cory’s son is the emerging winner, magwawala ang MBC at evil society. And if the survey is real and true, makakatay ng pinoy si Gloria Arroyo sa wakas.
Chi,
I keep reading this word, but I really can’t remember its meaning “mandarambong”… help! Thanks.
Anna, for the exact word, hintayin ko si Magno…
“mandarambong” is an ultimate magnanakaw.
con’t… or wholesale thievery.
Oh, ok! Thanks again, Chi.
Florry, pangit yata yun endorsement galing kay erap?
Kgg. Buencamino familiar sa aking ang apleyidong yan? Kilala mo ba si Hon. Felipe Buencamino?
Kaibigan…masyado mo namang minamalit si citizen Erap? Ano bang pruweba ang gusto mong mamalan sa JEEP ni Erap magic?
1)1998 – Pres. Erap landslide victory against all Presidential candidates?
2) Sen. Loi the first First Lady to win a seat in the Senate last 2004 election?
3) Sen. Jinggoy was elected to the Senate in 2004, where his term is set to expire in 2010.
3) How many Senators ang ipinanalo ng Kampo ng Pangulong Erap? Di ba nakasama diyan sina Yellow Fever, Ping La?son, Loren Legarda, at marami pang iba?
E bakit ngayon? Ang daming ka ek-ekan ng mga kritiko ng pobre ha? Kung gusto nilang tumakbo e huwag silang mang-aapak ng ibang tao?
Di pa nga nag declare ang pobre e nangangalog na ang kanilang tuhod? The more na libakin nila si Pres. Erap…e lalong mamahalin yan ng Masang Pilipino like ng ipakulong nila ito ng 6-years at kita nýo…pls. imulat nýo ang inyong mga mata NOT ears sa mga tsismis ni La?son at iba pa?
Inggit lang ang mga kritiko sapagka’t kundi nasa TOP 1 e nasa #2 siya sa survey? Naka-partida pa ang mga KSP na kandidato…papaano yan kung magdeklara ang pobre, sori na lang kayo sapagka’t babawi ang Masang Pilipino sa pagtatraydor ng mga maiingay ngayon sa kalye at sa massmedia?
Come to think of it, itong JEEP ni Erap, minana din ni Gloria Kulimbat iyan at ni-promote pa niya kasi talaga naman yatang napapagkuwartahan. In short, pare-pareho lang silang kurakot. Nagka-iba lang sa degree ng kurakot! 😛
Balweg,
Sobra naman ang papugay mo kay Erap. Sino ka ba talaga? Sa dinadami ng mga alam mo parang ikaw mismo si bigote o isa sa mga anak niya a.
Pero di komo nanalo dahil opposition utang na loob na kay Erap. No way! Definitely, iyong manok naming si Trillanes, nanalo di dahil kay Erap kundi dahil sa mga taong naniwalang tunay siya!
In fact, medyo dismayado nga ako noon doon sa mga kunyari opposition daw pero di naman talaga siya binuhat. Nagswapangan pa nga sa kampanya. Iyong may pera di naman siya binalatuhan sa totoo lang. Pahirapan pa nga ng pagkolekta ng mga abuloy para sa kampanya niya. Pero awa ng Diyos (di ni Erap), nanalo siya!
Ewan ko si Loren at Lacson. Kung totoong may utang na loob sila kay Erap, aba e talaga palang walanghiya si Ping sa ginawa niya kasi sa amin, nagpapakamatay pa sa pagtatanggol ng pinagkakautangan nila ng utang na loob. Di na lang kikibo kung may alam na kabalbalan maliban na lang kung may pinatay iyong benefactor nila! Kung makonsensiya naman, sabi ko nga nagpapakamatay na lang.
Grizzy,
What I said: “I am not into ENDORSING anybody” ibig sabihin wala akong ine-endorse na kandidato. I did not say either na wala akong manok.
When I said Chiz is my guy, I am just stating a PERSONAL PREFERENCE and not necessarily endorsing him.
Preference and endorsing are two different things.
In short, Florry, kahit na preference mo si Chit, hindi mo siya ini-endorse? Pero pag preference ang isang tao, kahit na walang direct endorsement, ganoon din ang suma, sa pagkakaintindi ko.
Iyong 3 faces of Eve, joke lang ha. No pun intended!
Balweg, Sobra naman ang papugay mo kay Erap. Sino ka ba talaga? Sa dinadami ng mga alam mo parang ikaw mismo si bigote o isa sa mga anak niya a?
Pinatawa mo naman ako Igan Grizzy…tulad mo isang hamak lamang na Pinoy?
Alam mo…nananahimik ang aking kukote pero inistorbo uli ng mga kurap at magnanakaw sa ating lipunan? Kaya heto hirit uli kasi nga SOBRA NA, TAMA NA… ang dami kasing nagmamarunong sa ating bansa pero vested interest lang ang laman ng mga kukote.
Gustong magsisikat pero nang-aapak naman ng kapwa-Pinoy, walang delicadeza at etiketa sa kanilang pagka-tao.
About naman kay Sen. Sonny Trillanes…GUEST Candidate siya ng UNO, ibig sabihin kasama siya sa ibinoto ng Masang Pilipino.
Paano siyang mananalo e wala siyang makinarya at walang grassroots supporters? So, nakinabang siya sa tulong ng UNO at ofcourse si Pangulong Erap ang bosing dito.
Ang Masang Pilipino ang nagdala kay Sen. Sonny…at di ang EDSA DOS conspirators or even ng mga Obessepo lalo na from the South (sa Mindanao solid gloria sila) except some areas in the Visayas?
Ang Pangulong Erap ay di nman nag-aantay ng balik, kundi magpakatotoo sila sa kanilang sarili like Pimps La?son….
Hindi maganda yung nanunumbat sa mga itinulong sa kapwa. Ngunit ganyan ang ginawa ni Erap, ayun sa speech ni Jinggoy.
Diyan ka mali, Balweg. Maraming grassroots movement ang tumulong kay Sonny Trillanes di mo lang alam. Isa na ang grupo dito sa Japan at sa Pilipinas. Di kasama for instance iyong Bayan sa Oposisyon dahil isang grupo sila, pero isinulong nila si Trillanes sabi ng kaibigan ko with or without endorsement from Erap.
Gaya na nga ng sabi mo, guest si Sonny ng UNO, pero hindi siya ang nagkumbida sa sarili niya doon. Kinumbida siya pero di naman siya inamutan ng talagang tulong lalo na iyong mga may big-time financiers gaya nina Cayetano at Escudero. Maski si Ellen alam iyan. Kaya nga iyong mga nangampanya sa kaniya sa Manila, ganoon na lang ang pasasalamat doon sa mga mamamayan na nag-abuloy sa kampanya niya.
Kaya si Sonny walang utang na loob kay Erap dahil iyong mga bumoto naman kay Sonny hindi naman pagmamay-ari ni Erap. Ano siya, hari? Masa-ya siya!
Talaga, Ellen tama ka diyan. Kundi rin lang bukal sa kalooban, huwag na lang tumulong tapos isusumbat. Pero masama rin iyong di marunong tumanaw ng utang na loob.
Sa isang banda, nanumbat din si Lacson as when he said that malaki ang role niya sa pagkakapanalo ni Erap. Kundi sumbat iyan, ano?
Ang utang na loob ni Lacson o ni Trillanes ay sa taumbayan. Babayaran nila yun with good service and by upholding the law.
Whatever help a person does to you does not bind you to condone a crime.
Mabait si Estrada sa akin but that will not make me vote for him as president because he is incompetent. His sense of right and wrong is blurred.
Basta Chiz ako. He is prepared.
Yay, Ellen, I was able to log in! Did you fix this for me? Thanks, ha?