Skip to content

Hindi pinu-proteksyunan ng batas ang krimen

The Arroyos just before a lunch meeting with ZTE officials in Shenzhen on Nov. 2, 2006.
The Arroyos just before a lunch meeting with ZTE officials in Shenzhen on Nov. 2, 2006.

Kailan ba naman na ang pangungurakot sa kaban ng bayan ay “acts of the state” o gawain para sa bayan?

Tama ang punto ng Concerned Citizens Movement sa pag-kwestyun sa desisyon ng Ombudsman na hindi kasama si Gloria Arroyo sa kakasuhan sa ma-anomalya na $329 milyon na NBN-ZTE deal.

Ang pinuprotektahan ng Saligang Batas ay ang mga gawain ng isang pangulo para sa taumbayan. Hindi ang katiwalian na dapat nga ang pangulo mismo ang magsusulong ng pagparusa dahil yan ay obligasyon niya sa taumbayan.

Ang desisyon kasi ng Ombudsman ay sina Benjamin Abalos, dating chairman ng Commission on Elections, at si Romulo Neri, dating director-general ng National Economic and Development Authority na ngayon ay chairman ng Social Security System, lamang ang kakasuhan.

Sabi ng Ombudsman, protektado daw ng Constitution si Arroyo. Bilang pangulo raw, immune siya sa mga kaso siya. Si Mike Arroyo naman, wala raw silang nakitang solido na ebidensya laban sa kanya.

Hindi naman nakakapagtaka and desisyon ng Ombudsman. Alam naman natin na pagdating sa mag-asawang Arroyo, bulag at bingi ang Ombudsman.

Dapat siguro alalahanin natin itong $329 milyon (P14.8 bilyon) na kontrata para maglagay ng telecommunication system sa buong bansa na pinirmahan noong Abril 21,2007 sa Boao, China. Kahit na nasa ospital noon si Mike Arroyo dahil sa kanyang sakit sa puso, pumunta si Arroyo sa China, balikan, para maging testigo pirmahan ng gayong kontrata.

Nabulgar na ang promotor pala ng deal na ito ay si Abalos na chairman ng Comelec. Ano ang paki-alam ng isang opisyal ng Comelec sa isang tele-communication project? Ang paniwala ng marami, bayad yun ni Arroyo kay Abalos sa kanyang pagtulong kay Arroyo na mandaya noong 2004 na election na alam ng lahat na hindi naman talaga nanalo si Arroyo.

Ibinulgar ni Neri na inalok siya ni Abalos ng “P200 milyon” para irekomenda ang pag-apbrub ng kontrata. Sinabi ni Neri na sinabi niya kay Arroyo ang alok ni Abalos. Wala lang sinabi ni Arroyo.

Ikinuwento ni Joey de Venecia na sinabihan siya ni Mike Arroyo na “back-off” sa isang miting sa Wack-Wack Golf Clubhouse nang nagmatigas siya sa kanyang alok ng mas mababa sa ganung proyekto.

Sa tangkang pagpatahimik kay Rodolfo “Jun” Lozada, dating hepe ng Philippine Forest Corporation at kaibigang matalik ni Neri, makikita naman klaro ang papel ng Malacañang. Hindi naman gagalaw ang mga opisyal ng Malacañang at ang mga pulis kung hindi galing sa pinakamataas ng opisyal ang utos.

Sabi ni Atty. Harry Roque, sa pag-kukwestyunin nila sa Supreme Court, gagamitin nila ang desisyon din mismo ng mataas na hukuman sa kasong Estrada vs Desierto na nagsasabi na “. The rule is that unlawful acts of public officials are not acts of the state and the officer who acts illegally is not acting as such but stands on the same footing as any other trespasser.”

Itong mga taga-Ombudsman, kapag hindi pa ito tumino, kapag wala na si Arroyo, pati sila delikado na rin sa taumbayan.


Related articles in the Inquirer:


Palace to suspend Neri

Abalos: I was just being nice to ZTE officials

Published inAbanteNBN/ZTE

33 Comments

  1. Mike Mike

    Dapat ma impeach si Mercy Gutierez nagsagayon ay umandar sa tamang direksyon ang hustisya laban sa katiwalian sa gobyerno.

  2. chi chi

    Hangga’t si Gloria ang nasa poder (kahit nakaw) ang batas ay mananatiling butas.

    Susubaybayan ko ang kaso na isasampa nina Atty. Roque at nang makita kung isasampal ng Supreme court kay Gloria ang “The rule is that unlawful acts of public officials are not acts of the state and the officer who acts illegally is not acting as such but stands on the same footing as any other trespasser.”

  3. chi chi

    “Sabi ng Ombudsman, protektado daw ng Constitution si Arroyo. Bilang pangulo raw, immune siya sa mga kaso siya. Si Mike Arroyo naman, wala raw silang nakitang solido na ebidensya laban sa kanya.”

    Useless ang Ombudsman sa anumang kaso na may kinalaman kay Gloria at Mike.

    Mahirap idilat ang mata ng nagbubulag-bulagan; mahirap makarinig ang nagbibingi-bingihan; at mahirap mapagsalita ang nagpipipi-pipihan!

  4. mbw mbw

    ano ba naman itong Ombudsman—pati Constitution ay binabaligtad. Sabagay, legalities can be inverted inside-out, nasa abogago ang depensa at interpretasyon. Talagang down the drain ang morality quotient ng ating gobierno.

  5. Ano, di puedeng kasuhan si Gloria Dorobo?

    Que barbaridad! Sobra naman ang bobo ng Ombudsman na iyan.
    Kahit na pangulo pa si Gloria Dorobo, may batas para parusahan ang katulad niyang kriminal.

    Wala siyang immunity from prosecution lalo na kung may ebidensiya na gumawa siya ng isa o ilan pang krimen. Si Erap nga napatalsik dahil nalagyan ni Sabit Singson, ‘di ba? E bakit magkakaroon ng exemption to the rule si Gloria Dorobo? Mas mabigat pa nga ang mga krimeng ginagawa niya at ng asawa niyang unggoy!

    Puede ba, tigilan na ang panggagago sa mga pilipino?

  6. Each decent and honest Filipino should send those folks at te Office of Ombudsman a bag of vomit in protest!

    Saan ba ang office ng Ombudsman — I will send a parcel by DHL… (I hope I can from here, they might inspect the contents kasi.)

  7. Tedanz Tedanz

    Kung mali ang desisyon ng Ombudsman, Bakit wala man lang matapang na magsampa ng reklamo sa SC. Puro hinagpis ang mga nababasa at naririnig mo. Kaya nawiwili itong pekeng Pangulo dahil sa ilang milyong Pilipino ni wala man lang ni isa man lang na lumaban sa kanya at sa magagaling na mga Aso niya. Lahat na ba na magagaling na Abogado ay mga “ASO” na niya?????? Puro bugok na lang ba yong mga naiwanan o mga walang yagbols?????

  8. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    No one is above the law. Ombudsman prosecutors should be disbarred for ignorance of law. Usurper Gloria Arroyo is the number one criminal in the country. She obstructed justice many times since 2001 power grab. Peke na, abusado pa. Only in the Philippines.

    1987 Constitution does not provide for presidential immunity from suit. http://abogadomo.com/lawprof_immunity.html

  9. Mike Mike

    “The doctrine of immunity finds no application and cannot be invoked in cases where the public official is being sued in his private capacity or as an ordinary citizen. The mantle of protection afforded public officers is removed the moment they are sued in their individual capacity. ”

    Gloria can always invoke that the crimes she committed are part of “official functions” as president. Alam niyo naman, ang lola niyo, magaling magpalusot.

  10. Daming kasalanan ni Gloria like corruption and power stealing,her ancestor’s crime is keeping the spanish regime in our land,Gloria might receive the karma of her ancestor not just her’s kaya kung makakarma siya matindi ang tatama sa kanya….

  11. balweg balweg

    Paano makakasuhan ang mga kurap/sinungaling/traydor sa ating lipunan…e sila ang BATAS sa Pinas? Ano ang nangyari sa mga wistle blowers…sila pa ang sasampahan ng isang damukal na fabricated na kaso o kaya totodasin ka ng mga triggerman nila.

    Wala na sa katinuan ang hustisya sa ating bansa, kaya maraming Pinoy sa ngayon e row four na ang takbo ng mga kukote.

    Walang magandang ehemplo na makita sa mga lingkod-bulsa, idinadaan sa padamihan ng PISO…? Pag ang mahirap ang kumontra…sure, may pagkakalagyan ang pobre. Pero yan mga peste na yan…ang kakapal ng apog, walanghiya sa sarili?

  12. balweg balweg

    Diego K. Guerrero – August 29, 2009 10:30 pm

    No one is above the law?

    Ang sarap pakinggan Kgg. DKG, but the problem…ang rehime ang BATAS sa Pinas?

    Since 2001 pa walang batas na umiiral sa ating bayan, except…kung ang nagkasala e mga kotra rehime, hayon mayroon silang alam na batas at ipapataw ito ASAP.

    Alam mo kaya malakas ang loob ng mga doggies ni gloria kasi alam nila ang immune ang Panggulo sa anumang kaso, except…impeachment lang ang solution to kick her out from Malacanang (Const. Art. XI, Sec. 2).

    Sabi dito sa Sec. 7, “Judgment in cases of impeachment shall not extend further than removal from office and disqualification to hold any office under the RP, but the party convicted shall nvertherless be liable and subject to prosecution, trial, and punishment according to law.”

    Ang linaw Igan…mangyayari lang yong hustisya na isinisigaw nating lahat IF ma impeach si Gloria? Ang kaso e bayad niya ang more than 3/4 ng mga Tongresman kaya bokya na tayo nito?

    Ang Ombudsman e rubber-stamp yan ng Malacanang sapagka’t ang Panggulo ang siyang may appointed kay Gutierez…
    Art. XI, Sec. 9, “The Ombudsman and his Deputies shall be appointed by the President from a list of at least six nominees prepared by the Judicial and Bar Council,…..Such appointment shal require NO CONFIRMATION….!

    Luto na ang Kaso ni Gloria at Jose Pidal! Kawawang Pinoy…ooopppsssss, may pag-asa pa after 2010, pagwala na siya sa Malacanang…dito ang taong-bayan BABAWI, SUNDAN ANG SUSUNOD NA KABANATA…itutuloy!

  13. balweg balweg

    Kung mali ang desisyon ng Ombudsman, Bakit wala man lang matapang na magsampa ng reklamo sa SC. Puro hinagpis ang mga nababasa at naririnig mo?

    Natumbok mo Kgg. Tedanz…ang hirap sa mga bopol nating mga abugago, ayaw magsalita ng TAMA at sabihin sa taong Bayan na di pwedeng kasuhan si gloria kasi nga ang may jurisdiction sa Panggulo e ang mga Tongresman at Senatong?

    IMPEACHMENT BRO…ang tanging batas na maaring umusig sapagka’t yan ang isinasaad sa Art. XI, Sec.2 and 7 at heto sinigundahan pa ng Sec. 9…tapos ang issue.

    Kaya pinagtatawanan lang tayo ng mga Tongresman na yan dahil sa sila ang tumatayong BATAS sa ating Bansa at di yong nakasulat sa papel lamang.

    Ang tangi nating pag-asa e sa 2010 na lamang, at kung ang mauupong bagong Pangulo e talagang magpapakatotoo eh yan ang pag-asa natin or else e drawing na lang natin sa tubig at wala na tayong mahihita pa.

    Isang kasaysayan na lamang ito ng hinagpis at dusa, pero si gloria at jose pidal e milyonaryo na!

  14. chi chi

    Kung mali ang desisyon ng Ombudsman, Bakit wala man lang matapang na magsampa ng reklamo sa SC. –

    Tedanz/Balweg,

    Mukhang hindi ninyo napansin na ang artikulong ito ay tungkol sa pagsasampa nina Atty.Harry Roque ng reklamo sa Supreme Court.

    “Sabi ni Atty. Harry Roque, sa pag-kukwestyunin nila sa Supreme Court, gagamitin nila ang desisyon din mismo ng mataas na hukuman sa kasong Estrada vs Desierto na nagsasabi na “. The rule is that unlawful acts of public officials are not acts of the state and the officer who acts illegally is not acting as such but stands on the same footing as any other trespasser.”

  15. bayong bayong

    The rule is that unlawful acts of public officials are not acts of the state and the officer who acts illegally is not acting as such but stands on the same footing as any other trespasser.”
    Exempted si bansot dito dahil sila ang batas at wala nang tataas pa sa kanila.
    Sa tangkang pagpatahimik kay Rodolfo “Jun” Lozada, dating hepe ng Philippine Forest Corporation at kaibigang matalik ni Neri, makikita naman klaro ang papel ng Malacañang. Hindi naman gagalaw ang mga opisyal ng Malacañang at ang mga pulis kung hindi galing sa pinakamataas ng opisyal ang utos.
    Eto yung sinasabi ko na kahit mali o illegal ang utos ay susunod ang pulis dahil kapag hindi ka sumunod ikaw naman ang kawawa. eh kung sa suweldo lang pulis umaasa ang pamilya mo paano ka hindi kaya ng ordinaryong pulis ang lumaban sa kaso, lahat ng paikot at baluktot na katwiran gagawin sa inasuntong pulis.
    Ano ang paki-alam ng isang opisyal ng Comelec sa isang tele-communication project?
    Meron, dahil nanalong presidente si bansot at malaking delihensya ito.

  16. bayong bayong

    kahit anong reklamo walang mangyayari sa ombudsman kapag hindi ka naghatag sa kanila kapag ang inere-reklamo mo naman ang naghatag o naglagay siguro ang baluktot ay magiging deretso yan ang ombudsman, protector of the people.

  17. bayong bayong

    sana dumami pa ang katulad ni Atty Harry Roque sa pinas baka sakaling magbago pa ang bansa natin.

  18. MPRivera MPRivera

    ‘Clear Gloria’ alagwa na

    http://www.abante.com.ph/issue/aug3009/news05.htm

    May posibilidad ito sapagkat hindi nagkakaiba ang kulay ng kanilang mga balahibo. They also belong to a same breed of vultures.

    Sana lang, isipin din (kung may kahihiyan pa) ang kapakanan ng mamamayang matagal nang nagdurusa bunga ng kasibaan ng mag-asawang kotong.

  19. MPRivera MPRivera

    Bulok na gobyerno, ano aasahan natin? Kabikabila ang tongpats. Bumabaha ang kuwarta kapag kailangan ng mag-asawang kotong ang tagapagtanggol at kakampi. Ang mga mambabatas sa mataas at mababang kapulungan ay pawang nagpipikit mata na lamang at ang paghahalungkat sa mga kaso ay hanggang peryodiko lang, wala ni isa mang nakasuhan.

    Wala na. Hawak na ni gloria ang bawat sangay ng kanyang gobyerno. Sa bawat kumpas ng kamay niya ay tila maaamong tupang nangangayupapa sa kanyang harapan lalo’t nakahain ang sobre sobre o bayong bayong na salapi upang maging pantapal sa matatabil ng bunganga ng katulad niya’y ubod din ng sisiba at naghihintay lamang ng suhol o pabuya.

  20. Lahat ng makausap kong pilipino, and even foreigners acquainted with the Philippines’ present pathetic condition, wala yatang di napa-p—-ina mo about this lutong makaw of Maldita Gutierrez. Lalong nag-iinit ang dugo nila ngayon.

    Sa isip ko lang, sige pa, baka parang Mt. Pinatubo, baka sumabog na rin ang galit nila. When that time comes, huwag na nilang bigyan pa ng chance na makag-“I’m sorry, lapse of judgment” na naman. Sabi nga ni Anna, isabit sa isang lamppost na patiwarik para makita iyong ipinagawang groin, etc. with public funds! 😛

  21. balweg balweg

    Mukhang hindi ninyo napansin na ang artikulong ito ay tungkol sa pagsasampa nina Atty.Harry Roque ng reklamo sa Supreme Court?

    Igan Chi, nakasuhan lang po si citizen Erap ng sipain nila ito sa Malacanang by force (thru EDSA DOS)…kung sa legality ng batas ang pag-uusapan, sila na nagtraydor sa Saligang Batas ang dapat ikulong sa Iwahig upang never pamarisan pa.

    Si Davide e bopol yan sa batas at si CJ Puno ang nagtibay upang si gloria e maging Panggulo? Tanging impeachment lamang ang siyang makakapag-alis sa pangulo or else death and resignation from office?

    Kaya itong si gloria e malakas ang loob sapagka’t immune siya sa kaso till the last day of her stay in Malacanang…dito palang tayo makapag-start upang habulin siya sa kanyang mga kasalanan.

    Ok sana kung ang Ombudsama e di partisan at sampahan ng kaso si gloria and her cronies, but ang kaso e si gloria ang nagluklok kay Gutierez sa pwesto.

    Kung nakasuhan ng Ombudsama si gloria…ayos sana at ito ang maging basihan sa susunod na pagsasampa ng kaso for impeachment…pero niluto na ni Gutierez. At ang problema natin ang mga Tongresman attack doggies ni gloria…bayad lahat yan!

    Sa ngayon ang dapat gawin ng Pinoy eh gather all evidence upang ihanda ito after 2010, para makasuhan si gloria and her cohorts.

    Pinagtatawanan lamang tayo ng mga kurap/sinungaling/kapal muks/magnanakaw na yan.

  22. From Arvin Hernandez:

    Ako po ay isang OFW dito sa Dammam, Saudi Arabia. Araw araw ako nag babasa ng pahayagangan Abante dito pero nakaka panghinayang ang mga kolumnista ninyo kasi one sided kayo sa mga ni report nyo puro na lang kayo galit sa Pangulo natin lagi na lang ninyong sinisisi si Pangulong Gloria ala ba kayo nakikitang maganda sa administrasyon na.

    Ang dami nya mga proyekto para sa mga mamamayan siguro nasa payroll kayo ng mga pulitiko gusto pabagsakin ang Administrasyon ni Pangulong Gloria. Wala kayo pag galang sa nanulat nyo sa ating pangulo nakakahiya kayo nag papagamit kayo sa mga pulitiko galit at inggit sa Pangulong Gloria lalo na si Erap na bobo.

  23. chi chi

    Igan Balweg,

    Kapag wala na si Gloria sa kanyang ninakaw na trono na hindi na niya mapapalawig pa dahil nakatuon sa kanya ang mata ni Juan, Pareng Barak at Mundo ay tiyak ko na nasa unahan si Atty. Harry Roque sa pagsasampa ng isang katutak na kaso laban sa unana.

    Ang dasal ko lang kung may teyktu nga si Erap na ‘iginuhit ng tadhana’ ay hindi niya sabihing ‘matagal ko ng napatawad si Gloria’.

  24. Tedanz Tedanz

    Huwag naman sana chi, kahit sino pa ang magiging Pangulo sa 2010 dapat ipakulong o i-firing squad pa din ang mga buwaya sa ating lipunan. Hindi lang itong mag-papamilyang Arroyo pati na din mga “ASO” nila.

  25. Tedanz Tedanz

    Kung walang makakasuhan pag iba na ang Pangulo, ibig sabihin ipinagpapatuloy ang Pangulong ito ng pangungulimbat. Dapat lang na managot sa taong bayan ang mga walang-hiyang Arroyo na yan.
    Tignan niyo na nga lang ang picture nila, parang nakikinita na nila na sila’y uulanin na ng salapi. Kung ito’y aking mga magulang, matagal ko na silang itinakwil(kunwari lang — lol).

  26. Tedanz Tedanz

    “Kin haunted by dreams of missing loved ones ” — Inquirer
    http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090830-222743/Kin-haunted-by-dreams-of-missing-loved-ones
    Ilang pamilya ang nagluluksa at nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga minamahal sa buhay at sila’y nangawala sa termino ng tangnang Arroyo. May imbestigasyon ba na ginagawa kagaya ng pag-iimbestiga nila ngayon sa Dacer-Corbito case? Bakit hindi nila unahin itong mga kaso ng mga nawawalang aktibista? Nakaka-awang mga pamilya.

  27. Tedanz Tedanz

    Arvin Hernandez,
    Magbasa ka muna sa mga pahayagan bago ka magbasa dito sa blog ni Ms. Ellen. Ano ang mga nasa front page at pati na din sa mga pahayagan sa Amerila at nababalita din doon ang iyong Glorya. Pati WB pinagsuspetsahan na pati asawa niya ay tumutongpatz. ILAN LANG YAN iGAN. Ngayon masisisi mo ba ang mga tumutuligsa sa iyong Glorya.
    Kung kay Erap naman, wala namang nagsasabi na magaling siya, na singgaling ni Glorya. Pati pangungurakot ay mas bihasa si Glorya at ang asawa. Si Erap ay ibinoto ng ilang milyong mga kababayan natin .. si Glorya mo ba magiging Pangulo ba kung hindi nandaya. Sana maliwanagan ka Igan.

  28. Chi,

    Sana nga, walang forgive, forgive kung manalo si Erap — sigh —

    Ang dasal ko lang kung may teyktu nga si Erap na ‘iginuhit ng tadhana’ ay hindi niya sabihing ‘matagal ko ng napatawad si Gloria’.

  29. Tedanz Tedanz

    At ito pa, hindi sana ganito ang takbo ng Blog ni Ellen kung hindi walanghiya ang Glorya mo.

  30. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Two-legged Philippine crooks and pigs are above the law. Opss.. Animals have rights too. Money, influence and debt of gratitude could have dictated the Ombudsman’s investigation report on NBN-ZTE scam. Nag-inhibit daw si Malditas sa imbestigastion, eh bakit lutong makaw ang resulta? Ginagago nila ang taumbayan.

  31. Something’s wrong with that oink oink couple in the picture — they look like they’re so haughtily promenading… as if they couldn’t care less that they’re wallowing in filth.

    If that’s they way they naturally walk — they’ll step on crap.

  32. Parehong fatty yang oink oink na couple na yan. That’s because they steal everything they eat to the point that the male oink oink has diarrhea. How disgusting!

  33. norpil norpil

    2006 pa ang picture na iyan. mas grabe siguro ngayon, more than 2 years na panay pagpapataba ang ginagawa.

Comments are closed.