by Yvonne T. Chua
VERA Files
What could possibly go wrong in the automated national elections in May 2010?
Just because voting will be computerized does not mean it will be error- or problem-free, said Prof. Pablo Manalastas, a faculty member of the Ateneo de Manila University’s Computer Science Department and lecturer at the University of the Philippines.
Manaslatas laid out the possible scenarios: What if the two special felt-tip pens allotted per precinct dry up before voting ends and voters have nothing to write their choices with? What if the counting machine gets jammed when ballots are being fed to it? What if the local GPRS connection is bad and slows the transmission of the results from the precincts to the municipal or city canvassers? Or what if someone snatches the laptop computer at the canvassing center.
But these scenarios aren’t as worrisome as what else could happen: The whole system could be rigged, and all computers—from those at the precincts all the way to those at the Commission on Elections and Congress that will canvass the results for the senatorial and presidential elections—could be pre-programmed to make certain candidates win.
How could this happen?
Click here (VERA Files) for the rest of the article.
Ellen, the images of the VERA Files article are not displaying and are returning a 404 error message meaning the server was located but the files are not available. FYI.
I agree with Manalastas that the long form of the ballot could easily jam the PCOS machine. Imagine a cardboard-thick ballot almost one meter long misaligned by a few degrees on feeding, by the middle of the scan, it will be displaced inches away from original alignment and that extra material crowding on one corner of the roller will definitely jam up the machine, probably requiring a technician to reset the procedure, erase any vote already added to the canvass, straighten/flatten the crumpled ballot ad re-feed it into the machine. Unless there will be technicians posted in every precinct (a total of 82,500) and have this guy feed the ballots himself instead of allowing the voters to do it, I foresee a big problem of many voters being disenfranchised.
A total of 246,600 pairs of public and private keys need to be generated from now until May 2010. As Dean Jorge Bocobo computes, there will have to be more than a thousand keys prepared starting today to the day of delivery. Is that physically possible? The public keys will be in the form of USB flash memory, and even that is not stable.
All electronic gadgets are sensitive to heat, humidity, electromagnetism, or induced electricity (proximity to high-voltage power lines, for instance). Any public key in the hands of the Election Inspectors that will fail will make the particular machine inoperable. Again, whole precincts may be disenfranchised.
Yes, Tongue, VERA Files has been encountering problems in the loading of photos since it transferred to a new server (a solution to the problem of frequent breakdown of the site recently.)
We have to find a solution to this new problem.
Sa makabagong kaalaman ngayon, tila wala ng bagay ang di pueding sirain maski ang eleksiyon. Kung magkakagayon, wala ng nalalabing paraan sa atin kundi ang batas na MATIRA ANG MATIBAY.
Ang mga DUWAG na aayaw sumama sa mga rally ng pagbabago ay walang karapatan sa bayang ito na pinaghaharian ng kasamaan.AT LALONG WALANG KARAPATANG MAGSISIGAW!!!!!!!
Has anybody done any time and motion studies on this?
Based on 2004 stats, there are 49 Million registered voters in the Philippines. At the turnout rate of 71 percent, that would be 34.8 Million voters.
Divide 34.8 Million by 82,500 machines, and you get 421 voters per machine. If each voter takes 5 minutes to submit his ballot, have it fed into the machine and read, and later check if his vote got correctly registered by reading the print-out (remember in Venezuela a voter had a printout), that would amount to 2,108 minutes per machine. Divide 2,108 by 60 (minutes per hour), and you get 35. So you need thirty five hours to finish the vote.
If all voters take 2 minutes to feed the ballot, wait for the print-out and check the printout, that cuts it to 14 hours. So the voting booth has to open at 8 am, and close at 10 pm, and must feed ballots into the machine non-stop.
What is the probability that out of 82,500 machines, working 840 minutes (60 minutes x 14 hours), not a single one of them will break down?
Perhaps we should ask Leonard Mlodinov. Just finished his “The Drunkard’s Walk – How Randomness Rules Our Lives”. It is an engaging math/stat book for innumerates like me.
Dodong,
Ang usapan dito ay technical, tungkol sa posibleng automated cheating. Bakit pilit mong isinisingit ang love triangle nila Korina? Sadya mo bang inililigaw ang topic? Magandang pag-usapan dito sa thread na ito ang experience ng sino mang may alam sa computers hindi yung experienced tsismoso. Kung gusto mong magdikta ng takbo ng usapan, bakit di ka na lang gumawa ng sarili mong blog?
Nakakasawa na.
What if the two special felt-tip pens allotted per precinct dry up before voting ends and voters have nothing to write their choices with? What if the counting machine gets jammed when ballots are being fed to it? What if the local GPRS connection is bad and slows the transmission of the results from the precincts to the municipal or city canvassers? Or what if someone snatches the laptop computer at the canvassing center.
kahit anong bantay ang gawin mo rito wala kang magagawa tuloy ang hirap ng mga pinoy sa mga arroyong magnanakaw kasama ang mga kampon
maraming posibleng gawin, at posibleng mangyari kung babasehan ang expertise ng mga magician ni queen gloria…yung sinasabing “successful election automation” during armm ay hindi patunay na magiging maayos ang 2010 election…alam naman natin pag kumilos na ang galamay ni queen gloria ay organisado,sabi nga option 1 nila ay bumili ng boto, option 2 ay mandaya sa samut-saring paraan at option 3 ay sabotahe, pananakot at yun ngang nasabi ni kaibigang kalampag nakawin yung mga counting machines…isama mo pa rin ang masama at mabagal na local connections..kaya pupuede na naman ang garci part 2 o automated garci cheating
masyadong palalo at utak-sindikato ang rehimeng ‘to kaya ang 2010 election ay posibleng matuloy pero siguradong pabor sa kanila ang resulta kaya mas higit ang ating pagmamatyag at pagbabantay sa 2010.
nalason na ng husto ang kaisipan ng mga alipores ni queen gloria kaya lahat ng utos ng mag-asawang ganid ay maaring pikit-mata muling susundin kapalit ang limpak-limpak na salapi at iba pang pabor…
NO TO TRAPOS 2010!
yun ang isang malaking kababalaghan…ang aboitiz group na kilala at malaki ang pakinabang ni queen gloria or vise-versa
delicadeza naman sana pero wala sila ‘non eh
imagine the manufactured and tampered er’s na pinalit sa batasan para palabasin na malinis ang ginawang “pandaraya”?
sa dami ng pera ni queen gloria at kingpin pidal ay maari silang bumili ng 40,000 counting machines na maaring “naduktor na ang resulta’ at switching lamang ang gagawin ng aboitiz group…maari nilang gawin ang lahat kasi may history na sila kung paano mandaya at maglinis ng pandaraya…kaya nga kung iisipin ay masyado silang kampante at panatag sa kabila ng mababang popularidad at HINDI pagtanggap ng tao kung sino man ang kanilang mga kandidato ng admin kasi nga…inaasahan nila ang automated garci
NO TO TRAPOS 2010!
Sawang-sawa na ako sa mga palabas nitong si dodong a.k.a. bitchevil a.k.a. artsee a.k.a. maarte a.k.a. npongco a.k.a. kung anu-ano pa. Pag tignan mo nga yung archives merong thread na lima o anim na beses siyang nagpalit ng handle. Kahit anong tago mo, kilalang-kilala ka na.
Wala namang iba ditong mahilig manabotahe ng topic lalo na kung ang isisingit ay tungkol sa simbahang Katoliko, El Shaddai, Iglesia. O kaya’y si Erap. Hindi ka na nga pinapatulan, inaabuso mo naman.
Tapos tatawagin mo kaming sindikato, umayos ka nga.
Basahin mo ang mga malasado mong hirit sa itaas. Hindi ka na nagbago, tumatanda kang paurong.
Sorry, Ellen at mga ka-blog. Nakakapundi na kasing magsimula ng magandang entrada para may maenganyong magdebate na may saysay, tapos papasukan ng tsismis. Okey lang kung paminsan-minsan pero kung lagi na lang, merong agenda siguro itong taong ito.
O, Dodong pagkakataon mo na. Magdebate na kayo ng mga alias mo tungkol kay Erap, sa Iglesia, sa mga Intsik, yung mga topic na paborito mo.
Pakitanong mo na rin, Ellen, kung ano ang topic ni Dodong bukas para hindi mo masira sa bago mong ipo-post yung gusto niyang takbo ng BLOG NIYA.
isang napaka-simpleng hadlang dito sa probinsiya namin ay vote-buying. Alam ng mga taga-presinto kung sino ang binoto ninuman (ewan ko kung anong abrakadabra ang ginagawa nila kundi buksan yung balota at basahin :-))kaya paglabas ng botante ay either kukunin uli yung pera o palulusutin. Maraming mangmang dito kaya kung andyan ang computer ay hihingi sila ng tulong sa mga bayad na election assistants—ayun alam na uli kung sino ang binoto. 🙂 tapos, brownouts…sabi ng treasurer namin dito na pati sa Calapan ay mas gusto nila ang de-mano kasi madalas mag-hang ang computers nila o brown-out…mas tumatagal ang proseso.
Dapat tayong magmatiyag dito and stay alert.
yun nga ang hirap,marami pa ring pinoy ay di pa gamay ang computer or internet tapos computer election? wala namang info at actual training sa mga registered voters kaya paano natin masisiguro na magiging malinis ang 2010 election isama mo pa ang nagkakataon daw na laging brownout pag bilangan na at ang mga out-dated at obsolete pc’s sa mga mahihirap na bayan at lalawigan…kaya sa totoo lang medyo pabor kay queen gloria at alipores ang automated elections kaya dapat doble or triple ang pakikilahok natin para di na maulit ang isang organisado at malawakang dayaan sa 2010.
maganda po ang topic please umiwas na lang tayo sa patutsadahan at personal na atake, mas matutuwa ang mga demonyo at damuho sa malacanang mafia at arroyo corrupt-poration pag dito pa lang ellenville di na tayo nagkakaisa, matagal na laban at mahirap ang kalaban…dun natin ibuhos ang ating talino, lakas at resources para after 2010 ay di na si gloria at alipores ang topic natin.
matatanda na tayo para mag-asal bata, konting pagpuna medyo dedma na lang and ang pursigi natin ay to give other moral strength and support na iisa lang ang laban natin at iisa ang kalaban natin ang abusado, corrupt, sinungaling, at mapang-aping rehimen ni queen gloria at alipores.
huwag sayangin ang kaisipan sa pagpuna, paninira ng kapwa bloggers, at maling impormasyon…
NO TO TRAPOS 2010!
I asked a reliable source from Cotabato it their computerized election gave an honest result. His answer was a big smile and a loud NO!
saxnviolins:
not sure what the system will be…it could be either the ballot is marked (shaded, lines connected) for the choices of candidates and deposited in the boxes to be counted and tallied after all the polls closed or the ballot is feed to the counting machines immediately after being marked or mix of both..(some region could use one or the other).
We have used both process, and since we only have maybe 15 millions or so voters with most 65% casting their votes spread in 355 ridings, there are not many to count in each district…everything is done in a matter of 2 to 4 hours after the closing of polls..in our Local Elections..(municipal) we used the immediate feeding system, where the machine will reject an improperly filled ballot and the voter can check if the lines were connected fully and re-do them again, just like the lottery system…
In a Federal elections, to make sure that every ballot handed out to voters are accounted for, each ballot there is an attached TWO numbers, one is initialized by the voter and retained by the Election officer, one remain with the ballot..after the ballot is completely filled, the voter will fold it to keep the privacy and go back to the Election officer to verify the number, compare with his copy, detached it, destroy both numbers, and the ballot is ready to be dropped in the Box…seems complicated, but it takes a minute or two to complete the whole process…very transparent, clean and so far in many, many elections, there were very, very rare complaints.
All is set, nandiyan na iyan, wala na tayong magagawa. Let us be vigilant and protect our votes come election time. Better yet, magisip na lang tayo kung paanong makakatulong ang mamamayan na mawala ang dayaan….Suggestions, anyone?
I told you so. I have been actually skeptical about this automated election that will turn out to be more like automated election cheating being promoted by the creep at the palace by the murky river. No bilib ako!
For all you know, elections in Japan, which has more advanced gadgets, for instance are conducted manually. But then, the procedure is much simpler and practical—according to the number of votes earned by the candidates so if there are two seats available, the top two get the seats, and we voters vote for only one.
They should adopt that in the Philippines especially with a lot many people there unlearned and unschooled. Dito nga lahat nakatapos ng 9th Grade, but are assumed to be simple minded and cannot be bothered especially with a lot many crooks to choose for national and local positions in the government.
O loko, balak talaga ng mga unggoy na mandaya na naman. Kunyari pa raw automated. Parang taxi sa Pilipinas na nireretoke ang metro!!!
Dito nga in 2003, ang yayabang pa ng mga kinuhang technician daw to run the computers, tapos kalabas-labas, di magamit iyong mga disks na pinalagyan daw ng mga data ng mga botante. Sira-sira tuloy ang lumabas na IDs. Puro yabang lang kasi!!!
Kung talagang gusto nila ng malinis ng eleksyon, kahit manual ang bilangan, magagawang honest. Kaso puro dishonest at sipsip pa iyong nagbibilang!!! Malagyan lang, hinocus-pocus na ang bilang! Hopeless case as long as the dorobo takes the lead to cheat!!!
Papano nga ba ginagawa ang pandaraya sa Election?
Ayun sa tip ng kaibigan ko na experto diyan ay ganito:
Walang dayaan sa loob ng presinto sapagkat napakarami ng mga watchers at taong nakabantay habang nagbibilangan ng boto. Ang dayaan ay nangyayari sa paglipat ng balota sa munisipyo o papuntang kapitolyo. Ngunit ang pandaraya ay di pwedeng gawin ng iisang tao kung wala syang kasapakat. Tandaan na ang election returns ay maraming kopya at kasamang binibigyan ang lahat ng rehistradong partido. Ang dapat gawin ay bilihin ng kandidato sa mga watchers na may kopya at palitan ito ng bago kasama ng pagpapalit ng resulta ng eleksyon. Kahit nanalo ka sa presinto, pagdating sa bayan talo kana. Ang binibilang lamang sa munisipyo o kapitolyo ay yaong suma ng binilang na sa presinto. Kung nagkaroon ng diprensya ang boto, court order lamang ang pwedeng mag utos na muling magbukas ng balota.
Yan ang karaniwang pangyayari sa dayaan, kaya siguro andaming pulitikong ayaw ng computerization sapagkat mawawala ang pagkakataong makapandaya..
Marami pang kasunod iyan kung papano nagaganap ang dayaan,kung interesado kayong malaman.Magaling itong kaibigan kong nagbibigay ng tip sa akin..
kaibigang cocoy..tumpak ang iyong tinuran, ang kababalaghan nga ay ‘yung mga manufactured er’s pamalit sa mga tunay na er’s-kasapakat din ang national printing office sa pagbibigay ng copy para magaya ng mga “operators’ at lantarang inaalok sa mga trapos if the price is right.
ang comolect naman ay nakasuporta lang para i-validate na magmistulang tunay ang pekeng er’s…isang malaking sindikato ang halalan dahil na rin sa mga promotor, di ba ronnie puno? benjamin abalos etal
at kung di makuha naman dahil malaki ang lamang at kahit anong daya ay di makalusot, disqualification naman ang susunod na strategy sasabayan pa ng formal poll protest sa vote recounts..at ang sindikato na naman sa comolect ay kikita uli para kakutsabahin uli ang npo para sa excess copy or manufactured copy ng er’s,at karaniwan sa poll protest ay nawawalang saysay depende kung sino ang kausap mo o padrino sa comolect…dito natin makikita kung gaano ka-organisado ang sindikato “if the price is right”
last 2004 election ang pinaka-garapal, pinakamadaya at pinaka-organisadong panlilinlang dahil sa pera na pinamudmod ni kingpin pidal at queen gloria at sa propaganda nila na walang pinagka-iba si fpj kay erap na kinagat naman ng mga yes mam/ yes sir generals, local politicos at mga tusong businessman.
ang sigurado lamang ay pag overwhelming majority ang boto pabor sa mga oposisyon, dahil kahit anong daya at special ops nila ay di makakalusot…nangyari yan noong 2007 elections na di nila inakala ang laki ng boto ni sen. trillanes,at pinilit na maipasok si mightymouse defensor at ralph recto sa “magic 12” pero sa bawat panduduktor nila ay kasunod ang dobleng pasok ng boto ni sen. trillanes lalo na sa visayas at mindanao,nagkataon lang na maliit lang ang lamang ni atty. koko pimentel kaya pinalusot si zubiri na isang halimbawa ng sindikato sa comolect at sindikato sa wholesale cheating and vote buying ng mga operators ng local p[oliticos.
kaya nga di lang dapat sa pagbabantay ng boto sa presinto,dapat nakatutok din tayo hanggang mailipat ang election results sa provincial board of canvass,at duda pa rin ako sa kakayahan ng comolect dahil nandun pa rin ang mga operators, na dapat ngayon pa lamang ay binabalasa na o kumukuha ng mga bagong empleyado,,sina garci at bedol ay ilan lamag sa key figure sa sindikato sa loob ng comolect pero higit na marami pa ring operators ang nakaupo at nakaabang na sa 2010 elections.
NO TO TRAPOS 2010
Instead of answering the technical issues point by point, the proponents are now resorting to propaganda. The intellectual challenge has been raised by oppositors like Manalastas and in one blog by Lex Muga. What we hear from proponents however are emotional retorts like were doing Garci a favor. Or we’re simply fear-mongering.
But look who’s bungling the whole affair, the two demos – first, the undersized cable that got toasted by the batteries, then the demo at Inquirer’s office – were failures in helping them gain confidence from the doubters. The demo machines are supposed to be the best prototypes coming out of the factory but their blunders further sank our confidence level on their ability to function satisfactorily in the real-precinct environment.
We’re not even accusing them of cheating…yet. We just want to be informed how they can ensure that cheating is not possible.
I wouldn’t trust my P7.2B to those incompetents. Would you?
BONGBONG WANTS TO ELIMINATE NAMFREL!!!
Aba naman, akala ko pa naman nagbago na ang anak ng matandang unggoy dahil dumalaw sa burol ni Cory bilang pagbabago. Yun pala ay pakitang-tao lang. At tulad ng ina, na nagtatanggol sa pandak na aswang sa malakanyang, mukhang kasabwat pa rin ng mga demonyo na sanay sa dayaan.
Isipin mo, tatanggalin ang bantay sa pagbilang ng mga boto?
Nasa lahi talaga {mother’s side} ang kawalanghiyaan.
TonGuE-tWisTeD thanks sa banat mo kay dodong magbabasa na ulit ako ng blog ni Ms. Ellen.
The election watchdog is now PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting). It’s church based. The head is former Ambassador to Vatican Tita de Villa.
The problem now with PPCRV is that it is not very questioning about the Comelec/Smartmatic-TIM contract.
Probably, in its desire to push through with automated elections, it is willing to overlook some problems. Which I believe is a worrisome attitude.
@taga-ilog
I like Imee to run as senator because I see reforms in education she promised that is why I want to support BongBong in his run as senator.
@Grizzy
I think Malacañang is insulting our intelligence,nakakasuka! Lintik na mga gago yan.
hi ellen, hi everyone at ellenville!
just got back from summer holiday — sunny and hot, hot, hot in most places in europe…
didn’t have internet, tv nor telephone were we were so had no access to ellenville; am now going through ellen’s posts and reading most of the comments — so many to digest in one sitting.
don’t believe will finish reading all in one sitting though — have got to throw in tons of bedlinen and dirty clothes into the washing machine first and put a bit of order in the house.
see you all later.
Saxnviolin’s comment is dead on!
“Divide 34.8 Million by 82,500 machines, and you get 421 voters per machine. If each voter takes 5 minutes to submit his ballot, have it fed into the machine and read, and later check if his vote got correctly registered by reading the print-out (remember in Venezuela a voter had a printout), that would amount to 2,108 minutes per machine. Divide 2,108 by 60 (minutes per hour), and you get 35. So you need thirty five hours to finish the vote.”
as i posted in one or two of the threads last month, France encountered similar problems in the last presidential elections — besides some technical problems, the length of time it took for votes to be cast pushed many voters precincts to close down ints automated voting system and to go back to good old manual voting system halfway during the election day (and to think that the election centered only on the selection of ONE CANDIDATE!); many voters were new to the system and were afraid to make mistakes so fiddled with the system longer than they should.
Pinas has more problems when it comes to election than France has (an understatement) so automated elections in Pinas pose a a number of risks to the overall integrity of the elections (not that elections in Pinas have always been above board)…
Ok, see you folks later!
Kiwi – August 24, 2009 6:40 pm
TonGuE-tWisTeD thanks sa banat mo kay dodong magbabasa na ulit ako ng blog ni Ms. Ellen.
Naks naman Kgg. Kiwi…ibig bang sabihin e magbabasa ka lang ng blog ni Maám Ellen kung papabor ito sa iyong standard, paano natin mapag-aalaman ang saloobin o damdamin ng iba nating Kababayang Pinoys.
Kailangan nga nating bigyan ng moral support ang sinumang Pinoy na pagkaminsan e nagiging pasaway o kaya sobra sa pansin.
E ka nga, give and take lang yan…at pare-pareho tayong matututo sa anumang usapin may kinalaman sa ating Bayan at lipunan.
Good luck at maging ka-isa ka namin sa bawat talakayan o kuro-kuro na binibigyan diin upang maliwanagan yaong problema na hanggang sa ngayon e wala pang linaw.
At yong clear sa iyo e maging kapupulutan naman ng aral at yong makikinig sa kwento mo o abot-sabi.
Yon lang!
Heavy ang usapan at super high tech na para sa akin pero pinipilit kong pag-aralan ang lesson.
‘nyway, paano babantayan ng PPRCV ang bilangan kung ganyan pala na parang kidlat ang pwedeng maging Hello Garci under TIM-Smartmatic-Comelec setup?
Hindi safe ang automated elections.
Panoorin ninyo ito.
http://www.youtube.com/watch?v=id_XzxITlL4
Wala na nga ang NAMFREL dahil nagsanib na sila sa PPCRV. Pareho kasing si De Villa ang chairman ng dalawang grupo. Yan din ang obserbasyon ko kay Tita De Villa, kasama na rin yung ibang atat na atat sa computerization. Tanggap na lang ng tanggap ng kung ano ang sabihin ng Comelec at Smartmatic. Ang daming Pinoy ang matitinik sa computers ngayon, maghanap ka ng kumpanya sa Silicon Valley na walang mga Pinoy, wala! Ang daming puwedeng i-involve ang pinakikinggan lang yung grupo ni Lagman na ang agenda naman ay i-promote yung sistema nilang manual counting + automated canvassing.
Nanalo na yang Smartmatic, meron nang downpayment, andyan na yan, bakit hindi na lang pitpitin ng detalye para magkaalaman na ng maaga kung uubra ba talaga o hindi. Kung puwedeng paubrahin, ilatag na nang lahat ng baraha mahaba pa naman ang panahon. Maging critical participant sila, hindi yung ipipilit lagi yung sistema nila. Kung ayaw naman magbukas yung kabila, aba teka, ano ang tinatago nila?
Critical itong eleksiyong ito, tayo ang makikinabang kung magagawa ng mabuti at walang bahid ng duda ang kahit na anong resulta. Kahit pa si Mikey Arroyo ang manalo basta parehas siyang nanalo batukan na lang natin yung mga bumoto.
Dapat marinig ang lahat ng pinagdududahan na bahagi ng automation, kung maipapaliwanag naman nila ng intelektuwal ang mga isyu, e di mabuti. Pero kung hindi nila maipagtatanggol, ibang usapan na iyan.
Sa Amerika dalawang Presidente lang ang pagpipilian nila. Minsan tatlo pag may independent na sasali. Ilang Senator din lang ang pagpipilian. Governor, Mayor, counsilor ay iba iba ang schedule. Hindi sabay sabay ang botohan. Ibig kung sabihin pagdating sa botohan … ilan lang ang pagpipilian nila … mabilis at sana’y na ang mga tao sa ganun. Ang botohan dito ay hindi holiday .. may trabaho pa sa araw na iyon.
Pagdating sa atin … sa dinami-dami ang iboboto at bawat kategorya ilan ang kandidato, ngayon lang sila boboto na computer ang gamit … palagay niyo kaya matatapos ang botohan sa isang araw lang? Mga ilang voting machine kaya ang ilalagay nila bawat precinto para mapa-bilis?
So what can we do, is the oft-repeated question.
Many admit that the problem lies not in counting, but in the transmission of the count. Okay, so let us do an internet-age NAMFREL con open source programming. Notice how there are many websites where you can vote for the best movie, the best book, the best so and so? Examples are, Britain’s Got Talent, American Idol, etc.
So how about putting up a website that will receive the total votes from the 82,500 precincts? Simple lang ang code diyan, Javascript lang ang kailangan. Who will be authorized to key in the totals per precinct? Some registered user with triple passwords, and security questions (as in, “What is the name of your paternal grandfather, etc.). The totals will be viewable by all, but only registered users may key in totals. This is where your poll watcher will come in. He/she will be the registered user for that precinct. And when the precinct announces the total, the poll watcher logs into the website, and keys it in.
With respect to equipment, hindi naman gaano kamahal. All you need is a few generic computers, clustered para maging supercomputer. There are freely downloadable Linux cluster distros, that make clustered computers work as one, to achieve supercomputer speed. Take your pick at http://www.distrowatch.com.
This concept can also be done per political party, dahil mura lang. Then you can really do some poll and transmission watching. You might even end up announcing the results ahead of Smartmatic.
May mga geeks ba diyan? O sadyang apolitical ang mga geek? By the way I use the term with utmost respect. I would be flattered to be called one, pero wala tayo sa liga nila.
This is the video of the demo conducted in Inquirer’s office (thanks to MLQ3):
http://www.youtube.com/watch?v=EMV3KoU3RTQ
I encourage you to watch it, seriously.
I’ve been saying that the demo machine should be the best prototype that could come out of the factory. If they cannot even secure the machine to the ballot receptacle with a few screws, how can we trust their competence to run a nationwide elections? Forget that they toasted the cable connecting it to the battery in an earlier demo. These people are incompetent and not worthy of our P7.2B taxpayer money.
The question now is: will they be able to straighten out all these nasty kinks before May 2010?
How about the vote itself? Can it be guarded without forcing Smartmatic to reveal the source code? I think there is a way.
There will be a printout right? Those printouts will be dropped by the voter in some box, parang manual vote. So why not demand an audit of the printouts right after elections? Then enter the totals of the printouts in another website aggregating the totals of the printouts. That way, the two websites can be compared, to see if some progammable Garci was embedded in the “Democracy Suite” of Smartmatic.
And don’t tell me matagal ang bilangan. I was a member of the Electoral Tribunal in law school for four years. I shouted out the votes of the law school positions (prez, VP, sec, treasurer, law school rep to the university student council) and the university council positions in the counting. Kasinghaba din yan ng prez, VP and twelve senators. Total number of voters in law school, a little below five hundred (my time). So that is as many as the 420 per precinct. We started at about 10 pm, 3 am tapos na kami.
So the count of the printouts can be finished by 3 am, and keyed in into the aggregating website. So now you can compare Smartmatic’s totals, with the audited totals.
Dapat ang ilagay ng oposisyon na watcher, yung mga me alam sa computer para makita agad nila ang attempt ng pandaraya. Dapat busisiin pati mga server, baka mamaya may secret server pala na kumpleto na ng kandidato ng administrasyon at ilang pitik lang ng password sa keyboard nadaya na tayo.
Sinong may sabing di makakadaya kahit na maraming poll watchers? Not in the Philippines. Sa probinsiya nga ang daming mga poll watchers affiliated with the opposition gaya ng Bayan Muna, including iyong mga representative nila na mga kabataan, pinagbababaril ng mga sundalong o pulis nadapat ay di pinapayagang nakatayo sa mga polling polls na hawak ang kanilang mga baril.
Come to think of it, pero ang dapat na magbantay ng mga boto nila ay iyong mga mismong bumuboto even with their lives.
Sa amin, wala kang makikitang pulis na nakatayo within 100 m radius ng mga polling places. Puede silang matanggal sa trabaho kapag nang-harrass sila ng mga boboto. Bawal ang may hawak ng baril, civilian and otherwise. Ganyan sana sa Pilipinas para maayos at maging malinis ang eleksyon doon.
Dapat unahing turuan kung papano boboto yong mga illiterate sa computer na mga mamayan. Kahit may perfect system sila (na wala naman talagang perpekto) sabihin na natin super computer pa ang gamit … hindi naman niya kayang pabilisin ang pag-boto sa mga mamamayang ngayon lang gagamit nito … ano ang mangyayari? Ang pagbilang talaga namang mabilis kahit hindi pa super ang gamit … plus-plus lang naman yan. kahit yong sistema ay dumaan pa sa integration testing, quality assurance testing o ano pa mang testing-testing .. yong pagboto ba may testing?
kabkab:
Base sa mga nalathala, hindi naman computerized talaga. Ang gagawin ng botante ay mag e-ekis or maglalagay ng bilog sa puwang ng pangalan (parang sa entrance exam sa colegio, o NCEE – mayroon pa ba?). Tapos, yung nasulatang balota, isusubo sa makina, scanned ng makina ang balota, at ang total ay ilalathala.
Ang sinasabi kong supercomputer, ay dahil kung ang server ng totalling website ay dagsain ng 82,500 na nagsa-submit ng total, baka mabilaukan ang server.
Ellen, this is James Jimenez’ (Comelec Spokesman) new blog, it answers many of Manalastas’ points, and Vera files, too :
http://jimenez.wordpress.com/2009/08/24/la-verdad/
Thanks Sax, may resibo bang makukuha bawat botante kung sino sino ang ibinoto niya at kasama doon kung anong ballot No., oras na siya ay bumoto, date at Sequence No. Para bang nag-withdraw ka sa ATM na kumpleto ang inpormasyon tungkol sa transaksiyon na ginawa mo at kung may aberya may ipapakita kang resibo?
So wala palang printout, tulad ng sabi sa blog na ni-refer ni Tongue. Samakatuwid, hindi maaaring malaman ng botante kung yung mga nakasulat sa isinubong balota ay nabasa at recorded ng software.
Hindi lang naman intentional omission ang problema. Paano kung may glitch, at hindi ma-record ang ilan. Sa 34.8 Million instances, ibig nilang ipamalas na walang posibilidad na may glitch? Ano ang statistical probability ng perfection in 34.8 Million instances?
One-tenth of one percent of 34.8 Million votes is 34,800 uncounted votes. Si Gore ay natalo ni Bush with 538 votes.
Bilib ka rin sa mga walanghiya. Maniwala kayong para mapabuti ang eleksyon kaya ginagawang automated kuno ang bilangan.
Para lalo lang silang makadaya nang di sila nabibisto. Sayang na lang iyong mga hackers na hina-hire nila, at well-trained sa mga blogs which they hack.
This reminds me of Capt. Panfilo Villaruel who was a proponent of this automated counting. I remember people in cyberspace promoting his invention in various egroups and blogs even. “Botong Pinoy” ba iyon?
Nang makita ng mga unggoy that he would not use his machine for the planned cheating of his kumadre, they killed him and his bodyguard. Hanggang ngayon di pinarusahan ang mga pumatay sa kanila.
You bet, that and other more extra-judicial killings Gloria Dorobo will be answerable for on Judgment Day.
Kung iyong pagre-rehistro ng mga botante, di maayos-ayos, lalo pa iyong pagbibilang na sa simula’t simula pa binabalak nang dayain with machines fixed to operate like those taxi meters in the Philippines. Dating gawi di naman binabago! Yuck!
Pinamabuti talaga na huwag palalampasin ang mga abuso ni Gloria Dorobo, asawa at alipores niya. Kailangang barahin iyong mga spokesmen nila na gusto pang manloko ng mga taumbayan dahil assumption nila majority ng mga pilipino walang alam, bobo at tanga na sadya naman nilang tinatanga na binobobo pa.
Dapat talagang gamutin ang sakit bago lumala. Kailangang alisin ang puno’t dulo ng dayaan—si Gloria, asawa niya at mga alipores nila, kasama na iyong mga balimbing!
Alam niyo na ang mangyayari kung magkaroon ng “failure of election”… di ba?
Kung iyong pagre-rehistro ng mga botante, di maayos-ayos, lalo pa iyong pagbibilang na sa simula’t simula pa binabalak nang dayain with machines fixed to operate like those taxi meters in the Philippines?
KOREK Igan Grizzy, simple issue “ang registration ng mga botante”…till now e palpak, ang rason ng mga taga-Comelec walang budget, kulang ng manpower, gahol sa oras etc. etc.
Bakit itong automated worth bilyon Pesos, may pondo ang comelect…imagine ilang months na lang 2010 na, hangga ngayon e nagbabangayan pa sa accuracy nito?
Wala sa hulog talaga ang comelec…ang duda ko e sasabutahihin nila ang 2010 para magdeclare sila ng failure of election?
Please read this thread @ http://www.informationweek.com/news/internet/showArticle.jhtml?articleID=202101781&pgno=1
Subject: Interview With A Convicted Hacker: Robert Moore Tells How He Broke Into Routers And Stole VoIP Services
On his way to federal prison, the 23-year-old hacker says breaking into computers at telecom companies and major corporations was “so easy a caveman could do it.”
Convicted hacker Robert Moore, who is set to go to federal prison this week, says breaking into 15 telecommunications companies and hundreds of businesses worldwide was incredibly easy because simple IT mistakes left gaping technical holes.
Take NOTE: He says, …simple IT mistakes left gaping technical holes?
Yan ang mangyayari sa smartmatic con automated counting machine.
Ang dami dami na nating sinasabi tungkol dito sa computerization ng 2010 eleksiyon. At karamihan ay puro negative ang kasagutan natin. So ang ibig sabihin ay ginawa itong pagbili ng Smartmatic hindi dahil sa kagustuhan nating maging mapabilis sana ang pagbibilang sa mga boto kundi dahil sa tongpatz ng mga Arroyo. Parang Goodwill money na lang nila … ganun ba? Balik na naman tayo sa tongpatz …. talagang wala na tayo talagang tiwala kay Glorya.
SNV,
In cases of election protest/contest, recounting of votes or a candidate questioning the integrity of the program used in the automated elections, how will the courts/comelec/electoral tribunal proceed to resolve the issue? This might be too technical. How can we be sure that the object/documentary evidences are preserved and not contaminated before the same are offered as evidences in court?
Please educate us on this matter.
Andres,
yung salitang LAGAYAN ay non-existent sa Ellenville. Huwag mong pagbintangan si Ellen ng di kanais-nais. Prinsipiyo ang pinaguusapan dito di LAGAY.
Di ko maubos maisip kong bakit naipasok mo ang salitang LAGAY sa mga pangyayari.
Bilang pagtutuwid, hindi si Tongue-Twisted ang nakatalo ni Dodong kundi ako, dahil sa isang maliit na puna na lumaki.
yong mga pinag sasabi ni dodong tungkol sa love triangle nila mar-korina-noynoy ay walang kinalaman sa topic na pinag uusapan tungkol sa garci high tech computerized cheating.
pero hayaan lang yong poster na mag post kahit wala sa topic dahil malay mo maaring mag bigay ng idea yon sa atin. kung hindi man ay ignore lang ang comment nya.
tingnan nyo ang sabi sa biblia. sabi ni cristo ay matoto kayo ng leksyon sa mga langgam. bakit? masipag magtrabaho ang mga langgam. ang point ko dito ay ang langgam ay napakaliit na insect pero mayroon tayo napupulutang leksyon. e tao pa paka na mayroong utak. kung wala kang makuhang idea sa sinabing nya na lumabas sa utak nya e di ignore mo na lang.
Sa amin, ang pagta-tally na lang ng mga final votes and ipinadadaan sa machine at kapag ina-archive na. Pero iyong bilangan ng mga balota, ginagawa sa kamay with everyone there ready to give their lives, and all for the good of all. Walang pulis o sundalong nakaumang ang mga baril doon sa mga nagbibilang, etc.
Tangnanay nila, maski dito sa Japan, sa bilangan sa embassy, kahit na designated observers with credentials and all, kung bantayan noong mga inutusan noong gustong mandaya, akala mo nagbabantay ng mga convicts. Kaya ang gawa namin dala namin ang copy ng mga batas governing the elections para sungangain iyong mga bobo when we poll watch to make sur di sila makakadaya. Nag-attempt talaga noong 2004. May lutong makaw operation. Bistado na ayaw pa rin pahalata kuno
According to my source, iyong mga tumulong sa pandaraya ni Dorobo, ngayon mayaman na at matataas ang rangko.
BEWARE!!: Dodong,Bitchevil (and other names he has used before) have been banned from this blog site.
He has resurrected under other names, using the login name of other legitimate visitors here (including my name). In the past 24 hours, he has resurrected here under these names:
Susy, Andres, Taga-dagat,dandaw,Habib. Dodong, bitchevil.
I’m taking the matter to authorities. Something is being done with him but let’s be warned.
In 2004, nabisto namin ang ginawang pandaraya na nilagay iyong butal ng boto ni FPJ at Roco doon sa boto ni Dorobo. Nabisto namin ang discrepancies, pero ang palusot napadala na raw sa Comelec ang mga resulta.
May designated Atenean noon na keningburimo din na appointee ng mga Pidal na namahala ng election sa Tokyo till the latest election. Pinauwi na kasi doon naman yata iko-concentrate ang pandaraya kundi ide-deklara ni Dorobo ang Martial Law dahil baka mabiktima siya ng covert operations ng mga kano.
Kaya stick ako sa contention ko na useless iyong automated machine para sa bilangan dahil lalo lang makakadaya unless tumino na palakad ng election sa bansang sinilangan. Unfortunately, iyong batas sa Pilipinas ginagawa hindi para sundin kundi papaano lulusutan!!! 🙁
Thanks, Ellen, for the warning. Madali namang mabisto sa totoo lang. Dating sakit na ng taong iyan. I wonder how much he gets for being a nuisance.
Balweg:
Nakita na namin ang flaws ng pinagmamalaking automated election ng mga dorobo in 2004. Ang daming na-disenfranchise na mga voters sa totoo lang. Golly, iyong mga ID na ginawa mali-mali. Dami pang tsetseburetse noon, labas, palpak kasi sa kareretoke, etc., lalong nasira!
Mahirap talaga kapag pinapasukan ng mga kagaguhan, kabulastugan, kawalanghiyaan, etc. ang mga ginagawa nila para lang sa mga personal nilang mga agenda.
Kawawang bansa!
Mumbaki,
Forget about Imee. Walang ibubuga iyan. Takot iyan sa nanay niya.
Remember iyong bulolyasong ginawa niya noon na dahil sa request ng nanay niya nag-AWOL doon sa unang pagsulong ng Chacha na kunyari against siya pero di naman niya pinaglaban. Di ba nagtago siya sa Singapore?
I don’t know with Bongbong. I hope he is not running for the Senate for selfish reason and vested personal interests. Magtrabaho siya para sa mga kababayan niya kung talagang gusto niyang malinis ang pangalan ng tatay at pamilya nila.
Re the nuisance Internet Brigader, lalabas ulit iyan in another name. Madali naman mabisto sa totoo lang. Just mention Manalo and his INC, litaw agad ang sungay!
“What could possibly go wrong in the automated national elections in May 2010?”
What could possibly go wrong in the automated national elections in May 2010 would go wrong! — Murphy’s Law (heh!)
“What could possibly go wrong in the automated national elections in May 2010?”
Everything that would make President Gibo Gloria’s heir. Ngek!
toting ghost:
I’m afraid I have no ideas to share regarding the preservation of the ballots. Masyadong marami. Ang daling sirain – buhusan ng fountain pen ink, or tubig lang, for the paper to crumble.
But since it is the certificates of canvass that form the basis for proclamation, and considering that it is admitted by all, that up to the precinct level, they are accurate, I believe I have a workable suggestion.
Considering the ubiquity of cellphone cameras, and even of cheap digital cameras, I recommend that poll watchers of the various parties take snapshots of the certificates of canvass, and upload it to a central (to the organization) server. It can even be twittered a la Iranian demonstrations.
jpeg file lang naman yang mga digital pictures, which are small files. The hard drive of any pedestrian home computer can accommodate all the 82,500 jpeg files.
How to sort, well, when uploaded or twittered, kailangan may ID, which will be the voting precinct number or ID. I’m sure some college kid can write a program in PERL to sort out the various pictures.
Pagdating sa canvassing in Congress, puwede agad na mag-exclude ng certificate of canvass for being spurious, by showing the photographic evidence.
The cheats will still try to find a way to get their fabrications legitimized, but we can narrow down the window of opportunity.
Regarding the “nuisance”, napapag-usapan lang, I respect Ellen’s decision.
But it takes more effort to guard against a reentry or re-registration. Pinalagpas na lang sana. He was, in fact, being conciliatory already, when he joined the tech discussion. That does not wash away the previous behavior, but…..
There’s no such thing as perfect machines or programs. These are all man-made and if they are used as intended when made, then the results will no doubt be as intended. They are all vulnerable and can be subjected to interfernce and outside forces to alter things into the desired results of the user.
These machines and programs are not stand-alone, so they are useless and worthless without the human “touch”. Their integrity and trustworthiness depends entirely upon the honesty of the users or operators because whatever the inputs will be the output and that’s all about it.
Kaya pala lutong makaw ang public bidding ng Comolek. May insider pala ang Smartmatic.
University of the Philippines professor Harry Roque, the lead petitioner in the Supreme Court (SC) suit seeking to nullify the P7 billion contract, said Mr. Edgar Zorilla, vice president for special operations of Smartmatic International Corp., sits as consultant to the National Computer Center (NCC).
http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/25/09/smartmatic-officers-ties-ncc-bared
I don’t believe that Smarmatic obtained the contract above board, i.e., no bribes of any kind whatsoever and/or without the help of influence peddlers, political patrons, etc., etc.
I will eat my slippers if those folks in Smarmatic can prove beyond the shadow of a doubt that they won the bidding fair and square, i.e., without paying bribe in any form whatsoever to anyone at COMELEC or to anyone who is closely, directly or indirectly, privately or publicly, in a personal or professional capacity, related to anyone officially under or with Comelec.
With that in mind, anything they say with regard to the integrity of their system will be suspect…
Anything to the contrary will be like watching pigs fly!
You bet there is nothing as fair bidding in this administration. All are lutong makaw and with lagay.
Worse are the apparent attempts to confuse and swindle even the bidders—di lang isa, dala-dalawa pa or more!
Same things have happened with the biddings of the patrimonies in Japan that the ambassador says he and his staff have nothing to do with nor informed about in detail.
So why the secrecy in these deals if everything is done with noble intent. Especially when taxpayers’ money are being used to buy these machines, the deals should not have been kept confidential but opened for public scrutiny.
Good thing meron Harry Roque and Company to serve as protectors of public interests. Salamat Harry Roque, et al!
Dapat ay may national trial, o iyong tinatawag na dry run, countrywide, iyang mga computers na gagamitin sa election, para makita lahat ng posibleng point of breakdown of any process within the whole system. Kung pademo demo lang, wala, siempre iyong idedemo nila iyong walang sabit.
Para talagang destined for doom itong computerized na election. Pati mga titsers, sa isang taon pa tuturuan tungkol dito, ano ‘yon, cramming.
mayroon ba namang kontrata sa pinas na walang lagay. culture na ng pinoy politicians iyan, kaya lahat ng ex presidents dapat nakakulong.