Skip to content

Ibang klaseng laban ang nahaharap kina Lim at Querubin

Ang kalimitan na tanong kay Brig. Gen. Danny Lim ay kung paano siya makakasilbi sa taumbayan kung siya ay maswerteng manalo sa pagka-senador sa eleksyon sa 2010 samantalang nakakulong siya.

Baka raw matulad siya ay Sen. Antonio Trillanes IV na nanalo noong 2007 na eleksyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakadalo ni isang sesyon sa Senado dahil hindi siya pinapayagan ng korte na lumabas sa kulungan sa Camp Crame.

Nagparehistro siya bilang botante sa Solano, Nueva Vizcaya noong Martes.

Katulad ni Trillanes, nakaharap si Lim sa kasong rebelyon dahil sa nangyaring protesta na ginawa nila sa Manila Peninsula noong Nobyembre 2007.May kaso rin siyang mutiny sa military court tungkol sa isang bagay na hindi nangyari noong Pebrero 2006.

Ang sagot ni Lim, ang dahilan ng kanyang pagka-kulong ay pulitikal. Hindi siya nagnakaw o nandaya. Kaya nga siya nakulong dahil nilabanan niya ang lideratong mandaraya at magnanakaw.

Sabi ni Lim, kapag wala na si Arroyo, sigurado siyang makakalabas na siya kasama si Trillanes at si Col. Ariel Querubin na tatakbo din bilang senador.

Sabi ni Lim, na lahat na mga “presidentiable” na oposisyon ay nag-alok sa kanya ng puwesto para sa kanilang tiket . Mahirap rin para sa kanila ang mag-independent candidate dahil wala naman silang pera para mag-solo na kampanya sa buong bansa. Kaya sasali siya sa isang partido. Ang sigurado ay hindi siya sasali sa tiket ng administrasyon.

Sa kanilang pagpasok sa pulitika, gusto nina Lim at Querubin at ng mga Magdalo officers na tatakbo sa 2010 na eleksyon ( si James Layug bilang congressman sa Taguig, si Ashley Acedillo bilang congressman din sa Cebu, si Dante Langkit bilang congressman din sa Kalinga,at si Gary Alejano bilang mayor sa Sipalay, Negros Oriental) gusto nila makabuo ng reform-oriented na mga bloke sa Kongreso at sa pamahalaan para maisulong ang programang makabayan.

Kaya mahalaga na manalo muna sila.

Si Querubin ay sa tiket siguro ni Manny Villar sa Nacionalista Party. Mahirap kasi na magsama sina Lim at Querubin sa isang tiket dahil gusto naman ng isang kandidato na may representasyon ang bawat sector. Ang pinagpipili-an ni Lim ngayon ay tiket nina Mar Roxas ng Liberal Party at kay Chiz Escudero ng Nationalist People’s Coalition.

Malabo ang kandidatura ni Estrada dahil malamang hindi siya papayagan ng korte. Kahit pa anong pahayag ni Estrada na qualified siya tumakbo, sa akin hindi ako boto na babalik sa pagka-presidente si Estrada. Binigyan siya ng pagkakataon ng taumbayan at ipinalpak niya. Sa nakita ko kay Estrada, wala naman siyang ipinagbago.

Dapat naman mag-forward na tayo. Marami naman tayong mapagpili-an sa mga bagong lider.
Naintindihan ko na kailangan makisama sina Lim at Querubin sa ibang grupo para lumakas ang kanilang tsansa manalo. Sana lang hindi malulusaw ang kanilang panindigan at prinsipyo para sa katotohanan at hustisya para sa sambayanang Pilipino.

Published inAbanteelections2010

212 Comments

  1. Well ang dapat ikulong sa Tanay ay si Arroyo na malapit sa mga remontado aeta na ang dialect ay parang Kapampangan sinisira ni Gloria ang kanilang pamumuhay sa pagitan ng paglagay ng dam sa Kaliwa River…

  2. Buti naman sana manalo sila…

    Nakita ko sa Google Earth sa Baguio city, merong museum ni Emilio Aguinaldo kanina….

  3. chi chi

    I maintain my position that when korap Gloria Arroyo is gone, all the encarcerated AFP officers and gentlemen become free.

    Gaya ng sabi ni BGen. Lim ay pulitikal lang ang dahilan kung bakit siya/sila ay ipinakulong ni Gloriang magnanakaw.

    Mas ayos sana kung ang mapili ni General ay ang kampo ni Mar pero kahit kanino siya sumapi ay susurpotahan ko ang kanyang kandidatura (does not mean that I would also support the party’s presidentiable and VP).

    Same goes with Col. Ariel Querubin kahit nasa partido siya ni Villar who I realy dislike.

  4. kabkab kabkab

    Mukhang ang team Villar ay naaalarma na dahil naungusan siya ni Erap sa survey. Kaya ayan kaliwa’t kanan ang birada ng mga rah-rah boys na sina Tamano at Remulla. Pipilitin talaga ni Villar na siya ang manalo kasi malaki na ang puhunan niya at sa balita marami pa siyang babayaran na mga utang. Tignan niyo ang mukha …. hindi talaga mapagkakatiwalaan. Ni hindi nga siya marunong ipagtanggol ang sarili niya sa mga kapalpakan na kanyang mga nagawa. Kaya kahit dito sumanib si Querubin at Lim. Palagay ko pag talagang mag-isip ang mga tao at hindi padalos dalos ang pagpili … hindi rin mananalo ang mga ito. Si Querubin ay dikit Glorya dati at kita niyo hanggang ngayon may narinig ba kayo na tinira niya itong si Glorya. Espiya yan ng Gobyernong naka-upo. Kung si Lim naman ay madaling maguyo walang solidong paninindigan.

  5. kabkab kabkab

    Hindi pa nag-declare si Erap marami ka ng naririnig sa mga elitista laban sa kanya. Hindi ako pabor kay Erap pero sa ngayon siya lang ang nakikita kung pupuwede maliban kay Mar Roxas. Yong iba ay namamangka na sa dalawang ilog. Palagay ko naman pag si Erap ang manalo hindi naman na niya siguro gagawin yong mangurakot …. gusto lang niyang tuwirin yong mali. Pero itong si Villar mukhang mas masiba pa ito kaysa kay Arroyo. Papano mo iboboto ni hindi nga niya magawang makipagtitigan ng mata kila Ping at Jamby …. yan ba ang iboboto mo? PUWEEEEE? Gusto ko lang ipa-alala ang problema natin ngayon ay si Glorya.

  6. kabkaban kabkaban

    alam mo kabkab, Lim and Querubin cannot be government spies. ang tunay na espiya ng Gobyerno ang mga nakikipag voltes five sa mga tuta ni Arroyo. sino ba sila? alam na ng lahat yan. kaya pinandidirihan ang voltes five na ito ng iba nilang kasamahan.

    simula na nakipag volt in sila dun sa kaalyado ni Gloria, itong mga naninirang voltes five ay pilit na sinisira si Lim at Querubin. pero hindi ito manyayare kasi hindi sila ganun ka bobo.

    kaya sa susunod, pag ibenta nila ang kanilang kaluluwa, wala nang kodakan at baka makita ng madla. kaya wag mo nang siraan kabkab si lim at querubin, kasi malamang, voltes five ka rin!

  7. kabkaban kabkaban

    kabkab,

    kung kakampi ni Gloria si Querubin at Lim, matagal na silang nakalaya. yung kakampi ay ang mga nagbenta ng kanilang paninindigan para siraan ang kanilang kasamahan dahil sa kanilang kasakiman. un ang maka-gloria.

    si lim at querubin ay marami nang napatunayan, at walang sinuman, kahit voltes five pa man yan, ang maaaring sumira sa kanilang pinaglaban!

    Go Lim and Querubin!!! voltes five talo na alis na volt in na!!!!!

  8. kabkab kabkab

    Bahala ka … nasa sa iyo yan … kabkaban …. iboto mo sila. Kaya nga tayo boboto dahil iboboto mo yong gusto mo. Intiende!!!!!

  9. kabkab kabkab

    Basta’t ang aking paniwala … naiiba sila kay Trillanes. Tapos ….

  10. kabkab kabkab

    Dodong, papano maiiwasang hindi banggitin ang pangalang Erap .. siya lang ang nakikita mong dinudumog ng tao tuwing siya ay naglilibot. Ang mga taong sumasalubong sa kanya ay hindi mga bayaran na kung pahintulutan niyo ako ay puwede kung ikumpara kay Cory(konti lang). Dito pa lang nakikinita mo na na nanginginig na ng tumbong ng mga elitista. Kanya’t pilit siyang sinisiraan. Hindi man ako maka-Erap pero nararamdaman ko ang nararamdaman ng mga mahihirap. Damang dama ko ang kanilang pagsusumamo na para bang sumisigaw sila ng saklolo. Ganun pa man si Mar Roxas pa rin ang iboto ko. Pero puwede pang kumambiyo pag pinayagang tumakbo si Erap. Erap is still my Erap.

  11. kabkaban kabkaban

    bahala na kabkab. basta ang hindi ko iboboto yung kasama sa voltes five ni GMA. at yung sinasabi mong espiya ni GMA, ang tanga na siguro ng mga mag iisip niyan!

  12. kabkab kabkab

    Kabkaban, nandiyan ka pa ba? Tandaan mo lang ito … maraming klaseng Espiya. May Espiya 1..2..3 .. Ang problema natin ay si Glorya pupuwede ba kung hindi sila espiya sa paniwala mo, sa iyo na lang iyon.

  13. kabkab kabkab

    Dodong, hindi nga binanggit ni Ellen si Erap …. si Estrada lang. Hehehehehehehe

  14. kabkab kabkab

    Itong dalawang kampo lang naman talaga ang masasabi nating oppositionist … yon kay Erap at Mar(maka-Korina yata ako). Yong iba puro mga doble kara na o opportunista. Basta’t ang problema natin ngayon ay si Glorya.

  15. kabkaban kabkaban

    hindi pang gagaya to kasi kabkab is not equals to kabkaban. anyway, the allegation na espiya ung dalawa ay napaka walang basehan at kalokohan. ikaw kaya magpakulong ng ilang taon. kung gustu nila yumaman o sumikat, dapat nagpaka sipsip nalang sila at lahat. ngunit hinde. pasimple style mo kabkab, humahanap ka ng timing para gawan ng spin ang lahat ng bagay. di mo na kami magogoyo, ung dati mong style ay gamit na at bumenta na!

  16. kabkaban kabkaban

    ang teorya na espiya sila ay nanggaling sa voltes 5. at sino tong mga to?

  17. kabkab kabkab

    Aba ewan ko sa iyo kabkaban kung sino sino ang mga voltes 5 na yan …. sa iyo ko lang narinig at hindi ko dapat malaman pa. Wa ako interes … kaya sabi ko … sarilinin mo na lang .. puwede ba.
    Lagot pagagalitan tayo ng may ari nito … psssssttttttt.

  18. kabkab kabkab

    Kabkaban, hindi ako nanggogoyo … kabkab na akong matagal at ewan ko kung saan ka galing … at noon ko pa sinasabing hindi ako boto sa kanila …. kung iboto mo yong dalawa e di iboto mo … walang pumipigil sa iyo … tignan na lang natin kung papasa sila sa mga tao. Iisa lang naman akong hindi boboto sa kanila kaya wag kang mag-alala … mananalo ang mga aso mo. Hintayin mo muna silang manalo ha bago ka magngangakngak …. kaya easy ka lang.

  19. shear shear

    mainit na talaga ang usapang eleksyon…gaya din ng sabi ko sa previous thread…erap na erap pa din ako…kasama lahat ng angkan namin sa bikol…sana nga legal pa din ang pagtakbo nya sa pagka-pangulo…kun hindi man sya matuloy dahil sa teknikalidad…yung susuportahan nya…dun kami…promise yan!

  20. bananas bananas

    yan si villar ay takot na takot na harapin ang kaso sa c5. e di lalo na kapag naging presidente sya parang syang si tiyanak na hindi hinaharap ang mga charges sa kanya.

    ellen, di ko maintindihan ang ibig mong sabihin na, “Binigyan siya ng pagkakataon ng taumbayan at ipinalpak niya.” Maraming ang nagsasabi nyan pero di nila e ditalya kung ano ang ibig sabihin nila. kahit si pandak yan din ang sinabi nya sa nakaraan nyang sona pero di sinabi kung bakit palpak?

    ellen, ibig mo bang sabihin na ipinalpak nya ang pagkakataon nyang bilang presidente dahil sa katangahan nya ay na coup d’etat sya ni pandak, baboy, tabako, at cardinal sin?

  21. shear shear

    nakakatakot nga talaga si villar…estudyante yan ni dapang dede…natuto ng husto..sobrang kapalmuks na din…senador pa nga lang ayaw ng harapin ang mga charges sa kanya…ano pa kaya kung presidente na yan?…sana pagisipan yan ng husto ni col. ariel…at kng sakali man ni gen. danny…

    tsaleko lang ang opposition kay villar…pag hinubad yan…kulay glorya yan…

  22. buraot na masa buraot na masa

    sana magising na tayo a katotohanan at wag sana tayo magpagamit, sa iilan. maging mapanuri hindi mapanira. walang tumulong sa kapwa masang pilipino kundi si erap na pinatalsik ng iilan na mga ganid magnanakaw at ambisyosang mga evil society padre damaso at mga alipores ni damaso at iilang mga media kunong makabayan na kahit alam ang katotohanan ay nagbulagbulagan. sa isue na kung tatakbo sa partido ni erap si gen lim di malabong sa partido ni erap cya pupunta dahil kung palabra de honor para sa mga tao ni gen lim na pinugutan ng ulo at pinambala sa kanyon ni gma tanging si pangulong erap ang tumulong at sa mga bilangong magdalo ang mga tulad nyo bang mga media ay may naitulong naba. kung hindi mag iisip mabuti si gen. lim ay baka sa kangkungan siya bumagsak at kung batas ang pag usapan walang batas na matino sa kasalukuyan na umiiral ang batas ng salapi at posisyon ang umiiral. kaya panahon n magpakatoto tayo. kung batas ang pag usapan hindi umalis at inagaw ang kapangyarihan sa kanya at ikinulong siyang walang natunayang sala at 2 taon lang siyang pina upo at inagawan pa ng pwest sana kung makabayan ang mga media maging balanse at mapanuri sa katotohanan hindi mapanira at nagtutulungan ang pilipinas na ata amodelong bansa amen. magpakatotoo lang tayo mga bro at sis………….

  23. buraot na masa buraot na masa

    sana magising na tayo a katotohanan at wag sana tayo magpagamit, sa iilan. maging mapanuri hindi mapanira. walang tumulong sa kapwa masang pilipino kundi si erap na pinatalsik ng iilan na mga ganid magnanakaw at ambisyosang mga evil society padre damaso at mga alipores ni damaso at iilang mga media kunong makabayan na kahit alam ang katotohanan ay nagbulagbulagan. sa isue na kung tatakbo sa partido ni erap si gen lim di malabong sa partido ni erap cya pupunta dahil kung palabra de honor para sa mga tao ni gen lim na pinugutan ng ulo at pinambala sa kanyon ni gma tanging si pangulong erap ang tumulong at sa mga bilangong magdalo ang mga tulad nyo bang mga media ay may naitulong naba. kung hindi mag iisip mabuti si gen. lim ay baka sa kangkungan siya bumagsak at kung batas ang pag usapan walang batas na matino sa kasalukuyan na umiiral ang batas ng salapi at posisyon ang umiiral. kaya panahon n magpakatoto tayo. kung batas ang pag usapan hindi umalis at inagaw ang kapangyarihan sa kanya at ikinulong siyang walang natunayang sala at 2 taon lang siyang pina upo at inagawan pa ng pwest sana kung makabayan ang mga media maging balanse at mapanuri sa katotohanan hindi mapanira at nagtutulungan ang pilipinas na ata amodelong bansa amen. magpakatotoo lang tayo mga bro at sis amen………….

  24. buraot na masa buraot na masa

    kaya kung gusto mong makatulong sa 2 ingat sa pananalita lalo na pag tinamaan ang mga 11 milyong masang pilipino baka pati kayong mga mediang nagbulagbulagan ngaun pang kaming mga masa ay gutom na buti pa kayo maraming makain sa mga ibang kinokobra nyo kaya kung maka bayan ang media maging patas at balanse mapanuri kasi di namin maunawaan ang gusto mong sabihin sa mga masang nakahandang umalab at mag aklas siguro kung mabasa ni gen lim at querubin bk po mapagsabihan kayo amen mga ro at sis go masa gomasa go erap for president kalikasan na buraot na kay gloria at sa mediang tulad nyo……..

  25. kabkab kabkab

    Senator pa nga lang yang Villar na yan ….. pina-praktis na niya ang Executive Privilege. Di lalo na pag Presidente yan. Tignan niyo pag siya ay in-interview …. umi-ikot ang mata. Hindi siya komo-connect sa kausap niya. Palagay ko nagkamali si Tamano ang sinamahang grupo. Sayang siya.

  26. Tumakbo si Senator Trillanes dahil sa pagmamahal niya sa mga kababayan at bansa niya. Di niya inalintana ang sulsol ng marami na hindi siya mananalo dahil wala siyang pera. Niyaya siya ng opposition sa bandang huli, pero alam na alam naming mga supporter niya na iyong mga nagyaya sa kaniya ay nagdadalawang loob kung mananalo siya o hindi.

    Awa ng Diyos, nanalo siya! In short, mirakulo ang nangyari! Nadaig pa nga niya si Koko Pimentel. Natakot mismong mga kurakot sa COMELEC, etc. na ibagsak siya dahil alam nilang milyong-milyong botante ang makakalaban nila.

    If that is not a miracle, what is? I bet, God will see BGen Lim and Col. Querubin through. Kailangan lang nilang magkaroon ng kasingtibay ng pananampalataya ni then Lt. Trillanes sa Diyos at mga kababayan niya.

    Saludo ako sa kanila. Sabi nga, “Faith can move mountains.”
    or more specifically, “And Jesus answering saith unto them, Have faith in God. For verily I say unto you, That whosoever shall say unto this mountain, Be thou removed, and be thou cast into the sea; and shall not doubt in his heart, but shall believe that those things which he saith shall come to pass; he shall have whatsoever he saith.” (Mark 11:22-23)

  27. May record na ba ng kurakot si Roxas. Kung wala doon na lang sumali sina BGen. Lim at Col. Querubin. Huwag silang sumama doon sa mga nakita na nating kurakot pala, kasi baka makurakot din sila! Heaven forbid!

  28. Ang masaklap lang kasi nito kahit na manalo sila sa election kung mananatili naman sa kulungan, papaano sila makakapag silbi sa bayan…like Sen. Trillanes.

    The only chance to have their freedom is if GMA will have to step down from Malacanang…wag lang mag prevail ang charter change, otherwise PGMA will have the chance to extent her tenure as the highest political position in the country.

    Lalong maging kawawa ang Inang bayan pag nagkataon… wag naman sanang pahintulutan ng Panginoon.

  29. dandaw dandaw

    Ang akala ko kayo lahat dito sa Ellenville ay para kay Tony Trillanes. Pero isa isa sa inyo ay may sariling kandidato. Si Quirubin at Lim ay dapat mag ugnay muna para magsuporta cay Trillanes kong gusto ninyo matudas si GMA. Tulad kami no-on sa sugar block walang maka lusot na Liberal Party dahil sa tulong ng sugar block. May ro-on kaming unity. Nong panahon namin maganda ang takbo nang Pinas. Lots of jobs, people are progressive. Walang kidnapping. Ang mga politician hindi masiadong kurakot. Ang panahon na iyon ay hindi na babalik if the people are going to vote for the dynasty system or old trapos.

  30. Sabi na nga ni BGen. Lim, pag wala na si Gloria Dorobo at nakakulong na sa Muntinlupa, makakalabas na sila and they can perform their duties to their country and people. Mahirap ba iyang intindihin?

  31. Balweg Balweg

    Palagay ko naman pag si Erap ang manalo hindi naman na niya siguro gagawin yong mangurakot …. gusto lang niyang tuwirin yong mali.

    Kgg. Kabkab, ang maling sinasabi ng mga eletista sa pangunguna ni Tabako, Cardinal Sin, Tita Cory, evil society and nagbigay daan sa pagpapabagsak sa gobyernong Estrada?

    Ginamit nila si gloria na may vested interest din upang mapasakanya ang poder ng kapangyarihan. Isa itong treason at rebellion sapagka’t pinagplanuhan nilang wasakin ang kredibilidad ni Pres. Erap sa tulong mga taong simbahan at militar.

    Sa totoo lamang, ang ginawa nilang pag-agaw ng kapangyarihan sa TUNAY na inihalal ng Masang Pilipino ay di na mabubura sa isipan ng around 11 milyong Pinoy plus yong kapamilya nila na di pa botante at yong di nakaboto.

    Hinudas nila sa totoo lamang, yong listahan ni hudas Savit Singson ang ginamit nilang alibi upang pabagsakin si Pres. Erap.

    Nag ngangalit ang aking damdamin sa ginawang panghuhudas ng mga elitistayng yan sa tulong ng mga negosyanteng ang iniisip lamang e kumita ng limpak na Piso.

    Puro sila hudas at nagmamapuri at ginagamit pa nilang kasangkapan ang simbahan at ang Dios pero sila ang tunay na peste at salot sa ating lipunan.

    Ang media sa tulong ng PCIJ, ABS-CBN at iba pang media practitioners ay nakisakay sa isyu na kesyo si Pres. Erap ay kurap?

    Sa ngayon, sino ang tunay na kurap/magnanakaw/sinungaling? Ang mga Pinoy na tonto ang pag-iisip at kukote e madaling malansi ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan.

    Inagaw nila ng Malacanang sa tunay na iboto ng Mamamayang Pinoy, pero ano ang kanilang ginawa…sinikil nila ang puri ng taong-bayan?

    Sila ang tunay na salot sa ating lipunan, kundi nila inagay ang Malacanang kay Pres. Erap posibleng isang sampal sa mga nagdudunong-dunungan sa ating lipunan na isang undergraduate e mapaganda ang Pinas?

    Yang si Tabako, Davide, Reyes, Mercado, Sin, ay mga traydor at lahatin na natin ang mga pesteng yan?

    Alam mo nag-iinit ang aking dugo kapag ang pinag-uusapan ang legalidad ng pamumuno? Si gloria e nang-agaw ng Malacang sa tulong ng mga akala mo kung sinong Pinoy? Ginagamit nila ang impluwensiya at pera…pero ang puso ng Masang Pilipino ay di nila pwedeng bilhin o bayaran?

    Ano sila sinuswerte…ok nakuha nila ang Malacanang pero ano ngayon ang naging resulta…puro sila ngayong sising-tuko.

    Ng dahil sa kanilang katangahan e ano ngayon ang naging buhay ng Pinas? Ang dami nilang ka ek-ekan pero sila ang bunga ng paghihirap ng Pinoy?

  32. You bet, Ellen, ibang klaseng laban ang mangyayari. This time, hopefully, hindi na laban ng “between two evils,” not even sa pula sa puti kundi between good and evil, darkness and light!!! Sana nga!

  33. Mumbaki: Nakita ko sa Google Earth sa Baguio city, merong museum ni Emilio Aguinaldo kanina….

    Siguro pinagawa ni Gloria Dugong Aso to glorify even her own ancestor, Lazaro Macapagal. Ngeeeeeeeeeek!

  34. Balweg Balweg

    Kung hindi mag iisip mabuti si gen. lim ay baka sa kangkungan siya bumagsak at kung batas ang pag usapan walang batas na matino sa kasalukuyan na umiiral ang batas ng salapi at posisyon ang umiiral?

    Kgg. Buraot na Masa,

    Korek ang iyong tunuran…kung di magpapakatotoo si Hon. Gen. Lim or Col. Querubin di sila papalarin na makatungtong ng Senado?

    Sariwa pa sa 11 milyong Masang Pilipino na accountable din sila sa pagbasak ng Estrada administration sapagka’t kasama sila sa organization ng Militar/PNP na nakipagkutyaba sa mga kurap/sinungaling/magnanakaw na ngayon e silang nagpapahirap sa ating lahat.

    Pinalad si Sen. Trillales sapagka’t mayroon basbas ang Pangulong Erap sa kanyang kandidatura at ito ay di ninumang pwedeng itanggi dahil sa kinumkop siya ng UNO/PMP.

    Mapagpatawad ang Pangulong Erap…siya tulad ng marami diyan na traydor at di pwedeng pagkatiwalaan…nilalahat ko na sila?

    Ngayon, kung nangangarap sina Gen. Lim/Col. Querubin…dapat mag-isip sila kung ano ang TOTOO? Ang puno’t dulo ng kaguluhan sa ating Bayan e simple lang… ang panghuhudas ng mga kurap sa ating 11 milyong Pinoy na nagluklok sa Pangulong Erap?

    Inagawan tayo ng lolipop sa isang iglap, kaya yaong mga talunan sa eleksyon at that time e sila ang mga nang-agaw ng Malacanang?

    Nakipagkutsaba sa mga akala mo ang titinong tao…karamihan e vested interest din ang takbo ng kukote?

    Ngayong 2010…kung muling manghuhudas ang mga naghaharing-uri sa ating lipunan, iba na itong usapan…kailangang magpasya na ang Masang Pilipuno at kalusin ang kanilang katusuhan.

  35. Balweg Balweg

    Malabo ang kandidatura ni Estrada dahil malamang hindi siya papayagan ng korte?

    Folks,

    Anong korte mayroon sa Pinas, walang kredibilidad at sino ang nagluklok sa kanila…pekeng Panggulo?

    Since na nagpagamit si Davide sa mga kurap/sinungaling/magnanakaw noong 2001 e gumuho na ang tiwala ng Masang Pilipino sa Korte Suprema.

    Kaya anong Korte mayroon tayo ngayon na dapat bang paniwalaan? Ok granted, ang naniniwala sa kanila e yaong mga traydor sa ating Saligang Batas at mga nakikinabang sa rehime.

    Magbabalik lamang ang tunay na tiwala ng Masang Pilipino e posible after 2010, kung sino ang papalarin maging bagong halal na Pangulo.

    Sa ngayon sori na lang sapagka’t sila mismo ang yumurak at dumungis sa institution na dapat e siyang sandigan ng Katotohanan at taga-pagtanggol ng mga naaapi.

    Ang daming legal luminaries na dismayado sa ating Korte…paano pa ang simpleng Pinoy?

    Kaya ang Masang Pilipino ang magpapasya kung si Pangulong Erap ba ay karapat-dapat muling tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2010?

    At kung papalarin muli siya…NAWA, ang mga kurap/sinungaling/magnanakaw na nang-agaw ng poder ng kapangyarihan e magpakatutuo na sa kanilang mga sarili. Enough is enough na ang kanilang kagaguhan sa buhay?

  36. Balweg,

    Di komo isinama si Trillanes sa UNO nanalo siya. Si Koko may basbas din ni Erap pero di nakapasok. It was more because of Trillanes’ own faith in God, his countrymen and himself kaya siya nanalo.

    Alam namin iyong urong-sulong support from the Opposition. Kaya sa totoo lang, ang pinagkakautangan ni Trillanes ng panalo niya ay iyong mga bumoto sa kaniya at di si Erap!

    Sobra naman ang papuri ninyo kay Erap. Kung sarili nga niya di niya naligtas sa mga kampon ni Satanas na ka-rubbing shoulders pa niya!!!

  37. Bakit ba parang dyino-diyos si Erap? Manahimik na lang siya. Make movies na may matututunan ang mga kababayan niya na lang dapat ang gawin niya. May maiiwan pa siyang legacy sa bansa niya kesa naman palaging nasa isip ng marami na talagang nangurakot din siya!

  38. Sure, korte sa Pilipinas bulok, but let’s face it, di pa matatanggal iyong mga appointee ni Pidal doon, at nakaiwan doon ang record of conviction ni Erap.

    Iyan ang magiging basehan ng pag-disqualify sa kaniya based on the Omnibus Electin Code ng Pilipinas. Maski kahit saan, lalo na sa mga progresibong bansa, walang nakakatakbong kandidato para sa mga national position sa gobyerno na may criminal record kahit na sabihin pa niyang inosente siya. Kailangan niyang i-prove iyan ng legal.

  39. Common sense lang, friend Balweg. mas mabuti pa talagang bunalik na lang si Erap fulltime sa film-making. Mas may matututunan ang mga kababayan niya na makapagpapatino sa kanila at sa bansa nila.

    Taragis, gagawa daw ng pelikula, kasama pa iyong mga nagpakulong sa kaniya yata. Susmaryosep naman!

  40. …Kailangan niyang i-prove iyan ng legal…

    Di puede iyong pardon-pardon kuno ng isa ring kriminal gaya ni Gloria Dorobo!

  41. taga-ilog taga-ilog

    BE,

    See you in jail, hahaha!
    I hope we are not getting out of bounds as bloggers.Mukhang PERSONAL NA USAPAN na ang maraming nangyayari which is not our objective. Baka puede balik tayo sa sensible comments and limit personal conversations. Pakiusap lang po.

  42. caesar caesar

    I just hope that they would be discerning enough in choosing their affiliations. In my opinion, pag dumikit sila sa mga TRAPO in pursuing their quest, it would destroy their credibility as proponents of change and new brand of politics.

  43. parasabayan parasabayan

    I do not like Villar too but he is the only one with a well organized campaign. If Gen Lim and Col Querubin would like to join Villar’s team, it may be best for them as both of them can not go out to campaign on their own. Their finances are also limited so they have to be practical. I would like to have both of them together in one ticket. But running in separate parties may have some advantages too. As long as the supporters of Gen Lim and Col Querubin will work hard for both of them, I see no reason why they will not make it, together or not under the same party.

  44. parasabayan parasabayan

    I feel the same way towards Erap. I know he is kind hearted and all but he openly flaunted his mansions etc for his mistresses. He picked Sabit and Ang as his friends. He should have known to be more careful. He took for granted what he had. If his enemies did not find a reason to oust him, he should have stayed on. But he gave the elite a reason to remove him from office. Had he dotted his Is and crossed his Ts, no one could have gotten him out of his rightful position. He dropped the ball. I hope he does not run for office again. Magiging vindictive na siya when he becomes the president again. I want him to just retire gracefully and give the chance to other presidentiables para maiba naman ang kalagayan natin. If Erap insists to run again, he is courting another cheating spree. The elite will never put him in the presidential position again!

  45. parasabayan parasabayan

    Before we judge Villar, why don’t we wait for the results of the Ethics hearing. Medyo politically motivated ang C5 na kaso ni Villar. The presidentiables are trying to eliminate one another. They are looking for one another’s faults. Nakangisi si boobuwit sa isang tabi beacause, those who will be spot free will be the admin bets. See, Lacson is already out. Now Villar is being eliminated. Erap will have an uphill battle with the boobuwit Supreme Court. Sinong maiiwan na tatakbo? Si Mar na lang ang maiiwan na mahusay husay sa opposition. Unless the boobuwit is grooming Loren and Chiz tandem to replace her. Although a few weeks ago, Chiz was already rumored to be seeking the help of the boobuwit for his candidacy. Hindi ba tayo nakakahalata? Boobuwit is eliminating all the opposition presidentiables. Pinagaaway away niya sila para sila sila ang magsisiraan. Yung nga namang mga presidentiables niya ang magmumukhang mabango. Simple mathematics lang!

  46. chi chi

    I’ll make it straight and easy to understand. Antonio Trillanes 1V won because he was a phenomena in 2004, NAIIBA!

    Basahin nga uli ninyo ang mga artikulo ni Ellen na nakaraan tungkol kay Trillanes.

    Di nga ba at siya ang sinuyo ng maraming senatoriables noon sa oposisyon para madala sila ng phenomena ni Trillanes na ilang beses nang naging usapan dito sa Ellenville. Ang dali ninyong makalimot. Kahit independent si Trillanes noon ay dadalhin siya na almost solid ng mga sundalo, etc. etc. etc. pa. at tiyak ang panalo.

    In fact, naniniwala ako base sa personal kong karanasan sa pagkampanya noon kay Trillanes na mas madali siyang ikuha ng boto kesa kina BGen. Lim at Col. Querubin dahil siya ang nauna sa kanilang mga ‘rebelde’ na lumahok sa eleksyon at iba talaga ang kanyang ‘dating’ sa electorate lalo na sa kabataan.

    Ganun pa man, mananalo sina Lim at Querubin dahil sawa na ang tao sa kababuyan ni Gloria at sila at ang iba pa na nasa kanilang grupo na lalahok sa eleksyon ay magri-represent para sa “reform-oriented na mga bloke sa Kongreso at sa pamahalaan para maisulong ang programang makabayan”.

    Kailangan natin silang manalo, isantabi muna ang mga emotions sa panahong ito kung nais nating mawala ng tuluyan si Gloria Arroyo sa ating landas.

  47. chi chi

    Iboboto ko at ikakampanya sina Lim at Querubin kahit kanino sila sumapi, wala akong pakialam sa political party na kanilang aaniban. Ang mahalaga ay manalo sila.

  48. parasabayan parasabayan

    Agree ako sa iyo Chi. It is not so much the party. I perfectly understand if both of these officers will align with parties who can help them with their campaigns. Walang pera ang mga ito ang they are relying on everyone’s help. Kung hindi natin sila matutulungan man lang kahit isang kusing o isang araw man lang ng “door to door” campaign man lang para sa kanila, we do not have the right to pre-judge them na magiging ala Erap sila o ala Villar dahil sumama sila sa kanila. We have to understand that these men are bravely facing the political world na parang pumupunta sa giyera na walang sandata. They have the courage to run and the heart to serve the people. Kahit kanino sila sumama, let us understand that they need an organization and a representation amongst the people coz they can not go out to campaign on their own. Better still, tulungang na lang natin sila in our own small way.

  49. parasabayan parasabayan

    One of the issues which may make it hard for Lim and Querubin to get votes is the fact that Trillianes has not really participated in the senate sessions as of yet. But there is a move now to have a video/audio conferencing capability from his cell so he can participate. It is also worth mentioning that inspite of incarceration, he has written more bills than most of the senators who are free.

  50. chi chi

    ‘siensya na kayo…’phenomenon’ dapat yan.

  51. Kalampag Kalampag

    “obey first before you complain” ito ang palaging pahayag ng military, gusto ba ng pinoy ang ganito.

  52. Kalampag Kalampag

    alam nating lahat na maraming retiradong military ang inilagay ni bansot sa kanyang administrasyon efficient ba sila di ba puro pagnanakaw din at ang kakapal pa ng mukha. as far as gen lim is concern wala akong comment jan kasi kita naman na mukhang sinsero naman siya pero yun iba mag isip tayo, mas mahirap kapag militar na ang namumuno di ba ayaw natin ng batas militar.

  53. parasabayan parasabayan

    Kalampag, kaya nga aalis na sila Lim at Querubin sa military dahil ayaw nila yung “obey first before you complain”. If they obeyed asspweron and the boobuwit, di sana sila nakakulong. Lim and Querubin are not in the same league of asspweron, reyes, ebdame, mayuga and the like. If they are, di sana nagpapatayo na rin sila ng 50 milyon na mansion ngayon at hindi na sila nakakulong. It is that simple.

  54. parasabayan parasabayan

    Sa totoo lang, these military officers are trained to organize and are better leaders. Huwag lang yung mga may maiitim na balak na mamamahala ng “iron” hand. Di oobra sa pinoy yan. Marcos tried it and failed in the end.

    Singapore had its share of military leaders and look where it is now. So was South Korea and Thailand. Lahat ng mga bansang ito eh di hamak na mas maunlad kesa sa bansa natin.

    Besides, Lim and Querubin are only running for the senate. They are not running for presidency or vice presidency.

    Sayang nga lang at ang mga nakapwesto na militar sa administrasyon ni boobwuwit ay ang mga buwayang mga generals. They are just a few of the rotten eggs in the military. Secretly, the upright officers hate these military opportunists.

  55. andres andres

    Grizzy,

    Tama ka, ang bumoto kay Trillanes ay ang taumbayan. Pero ang naglagay sa kanya as Senatorial Candidate ng Genuine Opposition ay si Erap. Hindi niya dapat kalimutan iyon. At lahat ng Magdalo natulungan ng foundation niya ang pamilya gaya din ng mga nasawing sundalo.

  56. dandaw,
    Hindi senator si Tony Trillanes (Antonio II). Engineer yun. Si Tiny (Antonio III) ay chef at si Sonny (Antonio IV) yung Senador.

  57. Nung 2004, kasama ang NP ni Villar, LP ni Roxas, NPC ni Danding, at PDSP ni BertGon sa Lakas-Kampi coalition na K-4.

    Ang LP lang ang malinaw na nagdeklara ng panawagang bumaba si Gloria nung 2005 matapos ang Hello Garci. Yung iba, officially kakampi pa rin ni Putot hanggang ngayon.

  58. nasaan na kaya si sulbatz?

  59. Marami ding mga dating opisyal ng kapulisan at militar na kakampi ni Ginang Arroyo ang nais kumandidato sa ibat-ibang posisyon. Sigurado akong mapera ang lahat ng mga ito. Question lang kung gusto silang iboto ng mga tao.

    Iba talaga ang dating ni Trillanes. Matapat siya sa kanyang tungkulin at may prinsipyong ipinaglalaban.

    Sana manalo din sina Lim at Querubin. Sila ang mga tunay na sundalo ng bayan.

  60. PSB:

    Tama ka. Di na dapat pang tumakbo si Erap. As for Villar, huwag mo nang sayangin ang oras mong maghintay kung totoo o hindi ang bintang sa kaniya. Nakita na nating lahat kung anong klaseng oportunista siya.

    Ewan ko pero wala akong bilib sa taong iyan. No. 1 balimbing. Palipat-lipat parang paro-parong hilong talilong.

    Lahat sila pinaglalaruan noong reyna ng sindikato sa Malacanang. 😛

  61. Sinabi mo pa, Chi. In fact, kinampanya ng mga kaibigan ko sa Bayan Muna for instance si Senator Trillanes, pero wala silang kinalaman kay Erap.

    Naboto si Trillanes di dahil kay Erap kundi dahil oppositionist siya. At alam ng mga bumoto sa kaniya ang kalibre niya. Di naman sila mga tanga, ‘no?

    Please tigilan na ang publicity kay Erap sa mga blog! Nakakasawa na e.

  62. Sinong may sabing nagbigay ng pera ang mga unggoy kay Trillanes noong nangangampanya siya? Wala ngang halos pondo ang grupo niya sa totoo lang. Kung sino-sino na lang ang ang nag-abuloy na walang inaasahang paki sa kaniya basta pagbutihin lang niya ang trabaho niya. Kaniya-kaniya sila sa UNO in fact ng pagpopondo sa sarili nila. Iyan ang alam ko.

  63. bananas bananas

    pambihira din naman ang mga pag iisip ng mga tao sa blog nato.

    si erap ay constitutional president and duly elected by the people with a landslide victory. si erap pa ang sinisisi kung bakit sya na coup d’etat ni pandak, baboy, tabako, cardinal sin, cory, elite kuno, at iba pa.

    politically speaking and figuratively speaking, erap was raped by these people that i mentioned above. they did not only raped erap but also those 11 million people who voted for him. they also raped our constitution,military, judiciary and all of our institutions. tapos ngayon ay sinisisi nyo pa ang biktima ng rape at kinampihan nyo pa ang nang rape. siguro ang mga utak ninyo ay nakalagay sa loob ng puwet ninyo kaya hindi ninyo makita ang liwanag.

  64. bananas bananas

    ayaw ninyo kay erap dahil may mga mistresses sya. aba, di naman tumakbo si erap bilang papa sa roma ah?

    tingnan ninyo ang history ng pinas? si quezon ay maraming babae yan non at ganon di si marcos daming babae nyan. si clinton ay maraming ding babae kahit governor palang sya ng arkansas non.

  65. santino santino

    voltes five na siguro!

  66. gapoboy gapoboy

    President= Mar Roxas
    V.President= Ping Lacson
    Senators= General D. Lim
    Col. A. Querubin
    Eto ang mga sigurado kong iboboto, pati na pamilya at mga kamag-anak ko…

  67. andres andres

    grizzy,

    Hindi naman sinasabing dahil kay Erap ang pagkapanalo ni Trillanes, nguni’t malaking bagay ang pagkakasama sa kanya sa Genuine Opposition na si Erap mismo ang nagpilit na isama siya, in fact tinanggal si Gringo at mismong anak niyang si JV para lamang masiguro na malakas at mabuo ang Genuine Opposition noong 2007.

  68. Jules Jules

    unmask the Voltes 5!!!

  69. voltes 5 voltes 5

    sinong tinatakot niyo? di kami takot sa inyo! malakas backer namin, galawin niyo kami at baka isumsumbong namin kayo sa backer namin!!! -voltes 5!!! volt in na!!!

  70. voltes 5 voltes 5

    “ang backer namin ay kilala… kaya kami nagpapicture para matakot kayo sa kaya naming gawin… basta mag volt in kami, malakas kami!” -voltes five!!!

    nakakalungkot isipin na kung kelan malapit na matapos ang rehimeng arroyo, saka papapanig sa dwende ang iilang inakala nating mabuting sundalo. un pala, voltes five pala

  71. voltes 5 voltes 5

    may mga tunay na may pakialam sa bansa.si Lim, Querubin at ang Tanay boys, ang magdalo, at ang mga nsa brig ay tunay nalumalaban sa katiwalian, at hindi ibebenta ang kanilang prinsipyo. Para sa Bansa, at hindi Para sa Bayad…

  72. Huwag nating smallen ang pagbabalik Pelikula ni Erap. Dito siya nakilala ng masa at dito siya muling sisikatan ng araw. Bakit? May pag-aaral kaming ginawa tungkol sa popularidad ni Erap. Bata man o matanda na nakakapanood ng kanyang Pelikula ay nakikita nila ang kanilang mga sarili sa mga character na kanyang ginagampanan sa pelikula. At nakikita din sa kanya ang kanyang katatagan sa pagharap ng mga hamon sa buhay na gusto nilang mangyari din sa kanilang personal na buhay.

    Isa siyang bayani sa tingin ng mga tao, isang hero na kahit sa make believe lang iyan ay naaaninag pa rin sa kanya ang mga kalutasan ng kanilang problema.

    Sabihin mo mang hangal ang mga taong iyan dahil iniaasa nila ang kanilang kapalaran at kinabukasan kay Erap pero ang totoo nabubuhayan sila ng loob (sa sobrang kahirapang dinaranas)sa tuwing nakikita nila si Erap. Siya ang simbolo ng taong magpapalaya sa kanila sa kahirapan at kaapian. Malakas ang impact ng imaheng ito sa mga tao.

    Sa isang banda, talaga namang interest ng mga mahihirap ang ipinaglalaban ni Erap. Kaya nga bansag sa kanya, Erap para sa mahihirap. Hindi ba kuya Balweg?

  73. chi, psb, et al,
    Kung bumuboto ako ay ayon sa prinsipyo ang unang patakaran. Kung ang plataporma ng mga repormistang kawal gaya nila Lim, Querubin at mga Magdalong sasali sa Mayoral at Congressional derby, ay para sa pagbabago, paanong maging pagbabago iyon kung ang dahilan ng pagsali sa partido, halimbawa sa grupo ni Villar, ay upang may magamit na makinarya?

    Ang gamitan ay kasama sa lumang uri ng politika na sinusuka na natin. Ang pagsali sa isang partido ay dapat ayon sa prinsipyo hindi ayon sa makinarya na ang bottom line ay pera din naman.

    Si Sonny, nung tumakbo, ay may malinaw na bakurang sinaniban. Alam ng lahat na ang dala-dala niyang prinsipyo ay kontra sa anumang may kinalaman sa administrasyong ito. Ang suporta sa kanya ay umagos mula sa taumbayan. Meron ding kapartido na nagbigay ng pera pero iyon ay dahil alam nilang patok na si Sonny.

    Ngayon sa mga kawal na tatakbo ngayon, kung hindi kaya ng dibdib nila ang ganoon, hindi sila karapatdapat sa boto ko. Sa boto natin.

  74. Sa ngayon, bukod sa merong mga nagkakalat ng paninira sa mga kawal na kakandidato, ang pagsanib sa mga grupong di malinaw ang panindigan ay malaki ang balakid upang matanggap ng mga mamamayang sawa na sa mga namamangka sa dalawang ilog.

    May panahon pa si Col. Querubin at si Gen. Lim para pumili ng tamang partido, pumili sila sa mga matuwid at disenteng liderato ng sasaniban nila, hindi yung kung sino ang makakapagbigay sa kanila ng pondo at makinarya. Doon kay Gloria ay ganyan ang alok.

    Ano ngayon ang pinagkaiba niya/nila kung sa ganoon din sila papatol? Nasaan na ang pagbabago, nasaan ang prinsipyo? Ang reporma?

  75. presing presing

    post comment in new york times so that they may know how much hated is arroyo.

  76. Balweg Balweg

    Bakit ba parang dyino-diyos si Erap?

    Igan Grizzy, walang sinuman ang nangarap na gawing si Apo Erap…ang punto ng problemang pinagpipingkian ng katwiran ay ang pag-agaw ng poder ng kapangyarihan at pang walanghiya sa ating Saligang Batas?

    Kung nagpakatotoo ang mga Pinoy na naghaharing-uri sa ating lipunan…di sana aabot sa ganitong sitwasyon ang bansa?

    Tanggapin nating Pinoy na ang destiny ng isang tao e ayon sa guhit ng kanyang palad, Pres. Erap…”Ama ng Masang Pilipino” till now e marami ang nagmamahal sa kanya.

    Accepted ng mga nakakaunawang Pinoy who’s Pres. Erap, but still nagtitiwala pa din ang maraming Masang Pinoy sa kanyang destiny.

    Kita mo naman…inagawan ng Malacanang, ipinakulong for almost 6-years, dinusta, nilibak pero he still alive and kicking na humaharap sa kanyang enemies.

    Kaya inggit lang ang maraming kurap/sinungaling/magnanakaw na Pulitiko sa pobre, that’s fact!

    Ngayon, sa 2010…kung sino ang iboboto ng majority na Pinoy dapat igalang natin yan at NEVER na muling gagawin ang EDSA2 sapagka’t ito ang puno’t dulo ng ating paghihirap at pingkian ng diwa.

    Yon lang!

  77. Balweg Balweg

    Sa isang banda, talaga namang interest ng mga mahihirap ang ipinaglalaban ni Erap. Kaya nga bansag sa kanya, Erap para sa mahihirap. Hindi ba kuya Balweg?

    Korek Ms. Colegialagirl…si Pres. Erap ang tinaguriang, “AMA NG MASANG PILIPINO”!

    Alam mo ang mga Pinoy na puro paninira ang ginagawa sa Pangulong Erap, hayon lalo siyang minamahal ng Masang Pilipino (80% ng ating populasyon).

    Dapat kasi matuto silang magbasa ng mga TOTOO o NAGPAPAKATOTOONG newspapers or tabloid…dito nila matutunghayan ang tunay na DATOS, who’s Pres. ERAP sa mata ng Sambayanang Pinoy.

    Ang kaso pag di balance ang pananaw sa mga nangyayari sa ating lipunan at yong mga kotra-fellow ang lagi na lang pakikinggan e sa kangkungan ang bagsak natin.

    Di kaila ang Lakbay-Pasasalamat ng Pangulong Erap since nang maka-laya siya sa kamay ng berdugo…halos lahat ng probinsiya na pinuntahan niya either balwarte o kaya anti e grabe ang pagtanggap sa kanyang partido doon.

    Di yan matanggap ng mga pasaway sa ating lipunan kasi nga walang silang charisma tulad ni Pres. Erap?

    Halos yaong nagtiwala kay Pres. Erap na dati niyang cabinet members and friends e still di siya iniwan sa laban except doon sa mga opportunists na pulitiko at iba pa.

    Kita mo yong sundalo na ikinulong ng rehime ng dahil lang sa CD ni Pres. Erap…ang babaw ng kaligayan ng rehime. Ganyang ka labnay ang utak ng marami nating kababayan na gustong maghari-harian sa bansa.

    Pag di nakaya sa balota e idadaan sa pang-aagaw ng poder ng kapangyarihan. Yon sila!

  78. Balweg Balweg

    Pulitika Kgg. TonGuE-tWisTeD, sinuman na gustong pumalaot sa mundo ng Pulitika…expected yan ang issues?

    National level ang kanilang puntirya, so dapat handa ang mga Kawal natin na magpakatatag sapagka’t di gawang biro ang sumabak sa pagka-Senador.

    Mabibilang lang sa daliri ang pinapalad na makalusot sa senatorial bids kung tatakbong independent, ang partido political ang siyang magdadala sa kandidatura ng sinuman except kung ang candidate(s) ay mayroong bad records sa bayan.

    Remember…inilampaso ng Pangulong Erap ang halos lahat ng kanyang katunggali last 1998, for the first time in Phil. national election nangyari ito? But, ang nakakalungkot isipin…hinudas siya ng mga talunan sa eleksyon at heto sila ngayon ang nagmamaneobra ng ating paghihirap.

    Ngayon, kung talagang siguro na mananalo sina Gen.Lim/Col. Querubin at lagi na lang na sinasabi na may paninindigan sila so be it…at wag na silang sumanib sa anumang partido at mag independent na lang sila. Dito nila mapapatunayan ang pulso ng taong-bayan sa 2010, kung papalarin sila na manalo? Para wala silang utang na loob sa kaninuman, tapos ang issue!

  79. jay cynikho jay cynikho

    sabi ko lang bantayan ang COMEKLEC
    tignan ang listahan ng gustong
    tumakbo sa posisyon local at national
    tapos na seguro ang election, na
    source code na seguro ng computer
    programs. sino ang may hawak ng
    listahan. Bakit ang daming
    nag aambisyon tumakbo sa mga
    nakikibnabang ngayon? Tapos
    na nga ba ang eleksiyon? Kung ganon
    sayang lang ang panahon sa makabuluhang
    katatalakay ng mga isyo.

    BANTAYAN ANG COMELEC PLEASE LANG.

  80. jay cynikho jay cynikho

    kung gusto mong magpatuloy na may ari
    ng bansa. tatlong sanga lang ang dapat
    controlado mo. gumagawa ng batas, nagpapasunod
    ng batas, at yung bumabalikat ng batas.
    sa eleksyon mga senador, mga deputado,
    mga gobernador at meyor ng mga malalaking siyudad.
    hawak mo na ang mga hukuman, yari na ang listahan
    ng mga mananalong (majority sa kongreso), kunti
    na lang pangalan para sa senado. Pangalan na
    lang presidente ang kulang.

    kung ayos na listahan, importante pa ba ang con ass
    at martial law. panalo sa distrito tagal ng
    plantsado, sa COMELEC. mga hijo. acceptable
    very acceptable pa ito kay uncle joe.

  81. Si Sonny, nung tumakbo, ay may malinaw na bakurang sinaniban. Alam ng lahat na ang dala-dala niyang prinsipyo ay kontra sa anumang may kinalaman sa administrasyong ito. Ang suporta sa kanya ay umagos mula sa taumbayan. Meron ding kapartido na nagbigay ng pera pero iyon ay dahil alam nilang patok na si Sonny.

    Tama ka, Tongue. Siya ang hinabol ng UNO, hindi siya ang humabol sa UNO! Sino ba itong mga gusto pa tayong gaguhin e alam na nga nating naging senador si Sonny dahil binoto siya ng more than how many millions na pilipino dahil karapatdapat siyang umupo di tulad noong isang bakla na pinalit kay Koko!

    Halatang nang-i-stir lang itong mga ito na sumusulat sa iba’t ibang pangalan pero iisa ang katawan! Halata ang style ng pagsusulat sa totoo lang.

    Parang gusto ko nang gayahin iyong isang exorcist na nagsabi doon sa demonyo nakapasok sa isang katawan, “Reveal yourself.”

  82. Let’s face it. Erap is history. Kung iyong kaibigan niyang matalik di niya nakayang ipagtanggol ang boto, namatay tuloy.

    Kung gusto ni Erap na maging dakila talaga, gumawa na lang siya ng mga documentary films at ibulgar niya lahat ang alam niya sa politikang ginalawan niya dahil maraming nagsasabing di naman siya talagang santo although sa ikling ng panahong iniupo niya bilang presidente, talagang wala siyang nasimot sa kaban dahil nasimot na noong mga nauna sa kaniya, pero nagkapera siya sa jueteng!

    Sarili nga niya di niya napagtanggol sa totoo lang. Maski noong pinaalis siya sa Malacanang. Sakay pa ng bangka sa likod ng Malacanang habang iyong mga faithful at loyal na mga tangahanga niya ay binubugbog noong mga tauhan ni Gloria. Kita ko iyan doon sa mga video clips na tina-translate ko sa TV noon. Nawalan tuloy ako ng gana sa kaniya.

  83. Tama ka din, Tongue, doon sa attempt buwagin ang mga galit kay Gloria Maldita sa pamamagitan ng pagsisingit kay Erap sa mga usapan di naman siya dapat isingit. Worse, iyong sasabihin pang utang na loob ni Sonny Trillanes kay Erap ang pagkapanalo niya. Bakit ganoon ba ka-beholden ang mga pilipino kay Erap? E bakit nakalusot si Gloria Magnanakaw sa Malacanang?

    Di ko maintindihan ang mga utak.

  84. kabkab kabkab

    “Kaya inggit lang ang maraming kurap/sinungaling/magnanakaw na Pulitiko sa pobre, that’s fact!” —Balweg
    Nakana mo igang Balweg. At ang mga taong yan ay walang iba kundi ang mga elitista na nagtanggal din kay Erap noon. Ayaw nilang tanggapin na ang isang tao na itinuring nilang bobo at hindi nagtapos ng kolehiyo ay siya ang kanilang Pangulo. Nagkaroon na tayo ng Pangulong Abogado at Bar Topnotcher pa, General at Ekonomista na graduweyt pa sa Amerika ano ang pinaggagawa nila …. sinala-ula nila ang ating Bansa. Si Erap noong naging Pangulo ay kinawawa nila na kung ano ano ang mga ibinabato sa kanya inagaw nila ang trono at hanggang sa huli hindi niya tinakbuhan. Hinarap niya lahat ang mga ibinintang sa kanya. Hindi ko sinasabi na malinis si Erap walang taong perpekto. Kaya kung bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon bakit hindi. Tandaan natin na ang problema natin ngayon ay si Glorya.

  85. Tama ka din, Tongue doon sa sinabi mong kung ang mga kandidatong nakakulong ay walang tiwala na mananalo sila dahil wala silang datong kaya sila kakapit sa mga buwitre, insulto iyan doon sa mga disidido nang ipanalo sila dahil may tiwala sa kanila. Nasubukan na iyan ni Sonny Trillanes, bakit di sila gumaya sa kaniya?

    Sa boto na lang ng mga Ilocano pihadong lamang na sila Querubin at Lim, dagdag pa iyong mga boto ng mga galit nang mga taga-Tagalogan, etc. Di kailangan ang suporta ng nagpasalamat pa kay Maldita sa paglaya niya!

  86. chi chi

    andres,

    Ang alam ko ay ang anak na si JV ang nagpilit na ilagay sa listahan ng UNO si Trillanes. Magkaibigan yata.

  87. chi chi

    Korek ka dyan, Tongue.

    Pero dismayado man ako sa desisyon ni Col. Ariel na sumapi kay Villar ay konsiensya ko ang nagdidikta na siya ay suportahan hoping that the party won’t affect his good judgment.

    As for Bgen. Lim, I can only pray for now that he chooses a good party to join. Gusto ko nga ay kay Mar siya sumapi lalo na at kung si Ping ang bise. Mar may not the best but he’s the most OK among them (sa akin lang ha, at pwede pa yang magbago as the campaign goes along).

    As for Trillanes, masaya ako dahil nadidistansya niya ang sarili sa mga kasama sa UNO na gaya ni Villar. I remember that Villar approached him right away after the 2004 election asking for a commitment to V’s presidency but the young senator said NO, in short. Tapos, dumistansya sa kanya si Jamby ng mag-Manila Pen siya pero hindi rin niya sinuyo si Jamby. Kasi nga ay kung nag-donate man sila ng pera kay Sonny ay boluntaryo ang kanilang ginawa at hindi solicited ni Trillaness. Gaya ng sabi ko sa itaas nito, mas kailangan nila si Trillanes noon.

  88. chi chi

    Balweg, andres, bananas…

    Bilib ako sa inyo na ipinaglalaban ang inyong prinsipyo. Kung manalo man uli si Erap at aayunan ng Supreme Court ay wala akong tutol, basta boses ng bayan ang masusunod.

    In fact, ang masasabi ko lang ay hindi ako mangangampanya pagdating sa president (maliban sa aking mga kamag-anakan at kaibigan) dahil babatuhin ako ng marami kong kababayan at baka pati si BGen. Lim at Col.Ariel ay hindi ko madala. You know what I mean 🙂 .

    Ang nanay daw ni Villar ay taga-Bataan but he’s not making a dent in my town because of Erap. Iginagalang ko lahat ang choices ng mga botante, dito lang nakakapantay ang mahihirap sa mayayaman. As to the bayaran, that’s another story….

  89. chi chi

    “Ngayon, kung talagang siguro na mananalo sina Gen.Lim/Col. Querubin at lagi na lang na sinasabi na may paninindigan sila so be it…at wag na silang sumanib sa anumang partido at mag independent na lang sila. Dito nila mapapatunayan ang pulso ng taong-bayan sa 2010, kung papalarin sila na manalo? Para wala silang utang na loob sa kaninuman, tapos ang issue!”

    Excellent point, Balweg. Sa Pinas politics ay milagro na ang manalo sa ganyan kaya umaasa lang ako sa good judgment and honesty to serve the public nina Lim at Querubin.

  90. Mike Mike

    Di malabong palayain ang mga nakapiit na mga sundalong tumutuligsa sa rehimeng Arroyo pagkatapos ng halalan sa 2010. Itoý sa kadahilanang iba na ang nakaupo sa Malacanyang sa panahong yon. Ang kaso ng mga itoý political in nature kaya kahit na sabihin nating ang manok ni Gloria ang mananalo sa halalan ay malamang sa hindi, ang mga sundalong itoý pakakawalan din dahil sa mga oras na iyon, ay wala na ring impluwensya si Gloria sa bagong presidente. Kaya yung sinasabi ni Ellen na di makakapaglingkod sina Gen. lim at Querubin kung silaý mananalong senador ay di mangyayari.
    As for Erap, at this point in time, he should just retire and live politics to his sons. I would even suggest that he should not even think of endorsing anyone for any position for that matter. Become a statesman and to just live a quiet life away from the limelight. It would serve him well.

  91. kabkab kabkab

    Dodong, ayoko naman sanang isama si Erap sa usapin pero nasabi ko na ang gusto kung sabihin doon sa dalawa na sina Lim at Querubin. Nagoyo lang sila sa naging takbo ng buhay ni Trillanes. Kagaya ng pagkagoyo nila kay Honasan.

  92. dandaw dandaw

    Ttwisted, Sorry, I mean Antonio Trillanes. I thought his other name is Tony. Kong Siya ay nanalo maski na sa kulongan at marami siyang ginawa na mahusay na bills, he came from humble beginings, he got his education thru hard work, iyan ang dapat isipin ng masa. Hindi itong mga dynasty, artista o trapos. Pera sa Bulsa ang laman ng utak ng mga iyon. Sana naman mag isip ng mahusay kong sino ang maging kandidato sa pagka Presidente. Kaso karamihan ay materealistic at dinero ang laman din ng utak. Dapat isa isa mag tanong sa kandidato kong anong magagawa niya kong nasa puesto, there should be an accounting of the candidates assets. Check and balance is very important. Good luck to you guys.

  93. parasabayan parasabayan

    Tongue and the other bloggers who are against Querubin and possibly Lim joining Villar, do you have alternatives for them? Being independent is DEFINITELY not a good option. Wala silang oraganization and money tapos nakakulong pa sila. If there will be civic minded organizations who can campaign for them nationwide and can watch over their votes come election time, then I can say go INDEPENDENT! It takes time to get to the grassroots to promote a candidate. Tayo walang problema, meron tayong TV, computer atbp. Yung mga botante sa payatas, walang mga gadgets yan. Yung mga nasa bundok sa Mindanao wala ding kapasidad na malaman kung sino si Lim at Querubin, maliban sa mga Abus at MILF na marahil kilalang kilala sila. It is a choice these candidates have to make. If they have deep pockets, then they can just do things on their own. But let us face it, they need a party to carry them until election day.

    I do not like Villar too as he seems to sway where the wind blows. But I can be forgiving. Nanggaling siya sa mahirap and he made it to where he is now. Kung kaya niya yun, he may be able to use that capability to stir the country to a more managed economy. He is not clean but who among all these candidates are clean? If they are not branded as plunderers (Erap), they are branded as murderers like Lacson.Yung mas malinis naman na si Mar, he is perceived to be soft. Chiz and Loren are more linked to the palace than any other candidates. Sino ang sasamahan nila? Si Gibo o si Bayani? Villar, though not perfect is actually the most organized among all of the presidentiables. If Chiz runs, we know that he will also be needing the money to run. Where will the money come from? If he wins, he will again be beholden to those who spent for his campaign. Loren had to ask the help of other people too for her candidacies in the past. No one is an island. Everyone needs help to run for a national position.

    Let us face it that almost all the good potential candidates do not have the resources. They have to affiliate.

    Si Among Ed at Padaca naman, they too are not that organized yet and also run on a shoe sting budget.Lim and Querubin can not please everyone. If they join Erap, the public will say that indeed the 2006 movement was truly Erap’s movement. If they join Villar, some people will say mukhang pera na rin sila. Lim and Querubin should decide what is best and the least controversial. The goal is to WIN! Once they are in the senate, they can do much more!

    It will be a numbers’ game. The more you reach, the more votes you get! It is that simple!

  94. susy susy

    It will not only a number’s game but money’s game. Kaya nga umatras si Lacson dahil walang pera. Loren also has no money and she’s scouting for one that could help her. Dito sa Japan, hindi kailangan may pera para manalo.

  95. susy susy

    Sen. Miriam Defensor Santiago said Thursday that she is getting sick of herself, and this is giving her second thoughts about running for reelection in 2010.

    “Kung nagsasawa na ako sa sarili ko, ang ibang tao magsasawa na rin sa akin [If I am getting sick of my own self, other people are also sick of me],” she explained

    @@@@ Ngayon lang ba niya alam iyan?

  96. susy susy

    The lawmaker-son of the late former Ferdinand Marcos told the United States on Thursday not to interfere in Philippine politics and government, saying the elections are entirely a Philippine affair.

    Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., who reportedly plans to run for senator next year, said the US has no right to intervene with the internal affairs of another sovereign nation and Filipinos must be allowed to choose their new leaders without outside intervention.

    The Marcos scion assailed reports that US President Barack Obama has confirmed an earlier statement by Ambassador Kristie Kenney that a postponement of the 2010 elections will be a cause for concern in Washington.

    “That’s blatant interference in Philippine affairs. We’re no longer an American colony. If indeed we are a true ally of the US, their officials are not supposed to come up with such irresponsible statements,” Marcos said in a statement.

    @@@ Iyan ang tunay na Pilipino. Kayang pagsabihan ang mga Kano.

  97. Iyan ang tunay na Pilipino. Kayang pagsabihan ang mga Kano.

    May backer kasi siya, mga kababayan niya—SOLID NORTH! :-p

  98. dandaw dandaw

    For heaven sakes grizzy/Susie, not another Marcos. Aren’t you tired of them? Like father like son. Their name alone makes me puke. It’s in their blood to steal and kill. Sinong kababayan? Ang mga Politicians sa North? Kong sa bagay iyon and mga hitmen ni Marcos no-ong buhay pa si Marcos. I’ll tell you a true story, the father of that politician from the north came to our house before and said to my cousin “Noy” maraming sumalta na insik sa Mindanao, walang pera sa hawak di ilinobog namin sa dagat” Those are human beings that they drawn in the ocean. Nong madinig ko, nag suka ako. Kumaka-in pa naman kami ng almusal. This is how dirty politics in the Philippines as I remember. I’m sure it’s practiced by the same trapos, dynasties and the administration. SOB, they will kill to stay in power. Sa mga klase nila Marcos walang halaga ang buhay ng ta-o. God must be sleeping because some of those politicians are still in power. Hindi pa nakuha ang tinago ng mga Marcos sa Lechtinstein/Off shore pag bigyan na naman sila? Bongbong, borongbongbong any one?

  99. parasabayan parasabayan

    Time is of the essence for Lim and Querubin. They have to start organizing early. Kung magaantay pa sila ng realignment ng mga siguristang kandidato, maiiwanan sila sa pansitan. What is the point of waiting? Kahit kanino sila tatakbong ticket, may masasabi ang mga tao. Be decisive and stick to your decision. Marami mang galit kay Villar, marami din namang may gusto sa kanya kahit papaano dahil sa mahabang pahahon ng paninilbihan niya sa gobierno. Si Erap, yung candidacy niya ay questionable. Only the Supreme Court can decide on that. Kung sa isang buwan pa siya magdedesisyon, uupuan ng SC yan hanggang sa bagong taon. That leaves the ticket only less than five months to campaign. Gahol sa oras. Our population may be small but we have 7100 islands to cover!

  100. Ngayon dapat ipakilala ng mga pilipino kung gaano na sila natoto. Pag naboto pa si Gloria Magnanakaw at mga alipores niya, maniniwala na ako sa nanay ko na wala nang matalinong natira sa Pilipinas, iilan na lang, kasi pinalayas na iyong mga matatalino sa Pilipinas para nga naman masabing matalino iyong mga bobong nakaupo sa Malacanang, etc. In short, natambakan na ng bobo ang Pilipinas!!!

    Kaya, BGen. Lim and Querubin, takbo kayo kahit you start from laway lang. Who knows, baka matauhan na rin iyong mga tuod at sila na ang magdala sa inyong dalawa. No need to sabit sa mga nanabit! Baka magaya kayo kay Erap na sinabit ni Sabit! Heaven forbid!

    O fundraising na for BGen. Lim and Querubin! Kahit piso-piso lang makakakolekta na rin ng milyon sa totoo lang.

  101. IYong nagsasabing patay na ang Solid North, pihado ko may dugong aso! Anong liquid na ang solid ang north? Kaya nga nananalo pa ang mga Marcos sa totoo lang kasi solid pa rin sila.

    Sa probinsiya lang ng nanay ko, sa Ilocos Norte, La Union at Nueva Vizcaya, sigurado na ang boto for BGen. Lim and Querubin, sa ibang lugar pa na maraming mga Ilokanong suyang-suya na doon sa dugong aso.

    Kaya BGen. Lim at Querubin, tuloy ang laban!

  102. O di pa man, nag-aaway na ang mga unggoy para sa dalawang matatapang na siguradong mananalo sa Senate race. Tapos pag nanalo sila sasabihin ng mga unggoy, utang na loob nila ang kanilang victory sa mga unggoy at di doon sa mga bumoto sa kanila. Asuuuuuuuus! Politika nga naman!

    Tangnang padrino system na iyan. Di pa pinapatay kasi!

  103. parasabayan parasabayan

    Grizzy, yung piso piso eh may lastiko pa. Gusto ng mga tao idikta kung kanino sasama si Lim at Querubin. kung talagang nais natin ang pagbabago, gagawa tayo ng paraan para matulungan natin ang ating mga kandidato. Our political system is still feudal. Yung mga mayayaman ang inaasahang gumastos para sa mga kandidato. Kaya kung manalo sila, nadidiktahan pa rin sila ng mga ito. If the people themselves are all helping, maiiba ang takbo ng politics sa Pilipinas.

    I can see in the Facebook na marami ng tumutulong kay Lim at Querubin. The Magdalos are out, going from one barrio to another to campaign for both of them. I am deeply touched by their efforts. Ang mga kabataan din ay nagkukumpol kumpol na to help them. Kailangan pa natin ng maraming kamay para matulungan natin ang mga ito. It takes a “village” ika nga. If the Panlilio and the Padaca phenomenon are duplicated nationwide, may panalo silang dalawa. But we can not rely on any phenomenon alone, we have to work very hard this time around. It will not be as easy as Sonny Trillianes’ success. Mas mahirap ngayon lalo na at dalawa pa ang papasanin natin, Lim at Querubin.

  104. alrick alrick

    Iboto ntin ay yong mga may paninindigan at hindi nadidiktahan ng mga negosyante kagaya ni angelo reyes hehehehe…comment lang sa sinabi ni mam ellen na hindi nagbago si erap sino po tayo para humusga ng kapwa tao, kung totoo man na nagkamali sya wala na ba syang karapatan na magbago cguro ang makakapagsabi lang nyan ay yung mga taong araw araw na kasama nya.Sa 2010 election iboto natin iyong cguradong mananalo para mapalitan na mga kampon ni gloria sa gobyerno sila ang nagpapahirap sa ating mga PILIPINO….

  105. iwatcher2010 iwatcher2010

    nice one kaibigang parasabayan…may budget na ang malacanang mafia para sa demolition job, hate campaign at character assasination para di makalusot ang dalawang “magiting na sundalo” sa pagka-senador,kaya di dapat magpahinga umpisahan na ang pagkilos at patuloy na pagkumbinse sa mamamayan na mas higit silang karapat-dapat…at importante ang ‘momentum” paakyat habang papalapit ang actual campaign,mahaba pa ang laban di pa nga nag-uumpisa kaya piso-piso para sa ‘magiting na sundalo” at all-out support 101% para di makapuwesto ang mga senatoriables ng malacanang.

    re political party affiliation ng “mga magiting na sundalo” ay higit na kailangan dahil sa sistemang political sa atin, kahit kilala at magaling pag hindi nadala ng isang malawak at matibay na organisasyon ay masasayang lang ang laban natin-maaari naman silang maging “guest or adopted candidate” independent pa rin, at sigurado naman akong may sapat silang dahilan kung bakit sila pumayag na sumapi at sumali sa kung anumang partido.

    hindi natin maikakaila na ang pagiging adopted candidate ni Sen. Trillanes sa partido ni Pres. Erap ay malaking puntos sa kaniyang pagkapanalo…and after the election ay nagpakita na ng galing ang batang senador na kung minsan ay masyado lang mapusok sa kaniyang mga kilos,pero kung performance naman ang pag-uusapan ay bow ako bilang isa sa magagaling at matitinong legislator.
    Mas dismayado pa nga ako sa dalawang bata ring senador na “opposition kuno” pero pagdating sa senado maingay lang pala sa media pero camote in terms of legislative achievements…balatkayo at manlilinlang.

    Kaya supportahan natin 101% sina Gen. Danny Lim at Col. Ariel Querubin..and for sure they are also 101% na maglilingkod sa bayan at tutuparin ang pangako..para sa pagbabago, para sa bansa.

    Goodluck and tuloy-tuloy ang suporta hanggang maupo sila sa senado.Mabuhay po kayo!

    NO TO TRAPOS 2010!

  106. iwatcher2010 iwatcher2010

    kaibigang alrick…angie reyes???oo nga naman di nadidiktahan ang taong ‘to ng mga negosyante, dami na ngang ipon for his mayoralty ambition sa mayamang siyudad ng taguig…bumubuhos na nga ang suporta,cash pa kahon-kahon nga ang dumarating kasi nga magaling na tagapagsalita at tagapagtanggol ng mga oil cartel.
    imagine daming yes mam/yes sir generals ang tatakbo sa local posts dahil nga daming pera ng naipon at nasanay na sa luho ng pagiging boss at daming bodyguards…pera nga naman, laking nagagawa para ang mga disiplinado at may paninindigang senior officers na ngayon ay mistulang sunod-sunuran sa kanilang queen gloria…Sit, bark, jump..very good general???? saang puwesto gusto mo?

    NO TO TRAPOS 2010!

  107. iwatcher2010 iwatcher2010

    to all ellenville bloggers na 101% support kay gen. danny lim at col. ariel querubin…hindi lang sana suporta na hanggang salita lang tayo,ngayon pa lang dapat mag-umpisa na tayo to organize chapter sa area nyo for info dissemenation kung bakit tayo sumusuporta sa “magiting na mga sundalo”.

    hindi lang “name recall” ang importante, madaming dapat asikasuhin at simulan na sa mga sandaling ‘to,marami pa ring pilipino negative ang dating kung iboboto nila ang mga nasabing magigiting na sundalo dahil sa bansag na “pagiging rebelde” at media attack branding them as mere power grabber at walang pagkakaiba kay sen. honassan…kaya kailangan muna nating basagin ang kaisipang ‘to at bigyan sila ng tamang impormasyon kung sino sila, ano ang ipinaglalaban nila, at ano ang magagawa nila.

    tama si kaibigang parasabayan, mas malaking bahagdan ng botante ay nasa liblib na lugar, hindi updated sa mga kaganapan at nilalason ang kaisipan ng mga local politicos/ trapos sa kani-kanilang distrito at lalawigan – kaya dapat ngayon pa lamang ay magkaisa na tayo kung PAANO TAYO makakatulong upang maisakatuparan ang kagustuhan nating mailuklok sila sa senado. magpalitan tayo ng kuro-kuro at pananaw, magbigayan ng suhestiyon upang maiaangat ang pangalan nila at mabasag ang masamang pagkakilala sa kanila, at makipag-coordinate sa kanilang respective volunteer group para ihanda natin ang ating sarili sa isang mahabang laban.

    mabigat ang hamon sa atin,dahil malaking pera ang itatapon ng ibang senatoriables at ng gobyerno ni queen gloria at ‘di maipagkakaila ang paggamit ng resources ng gobyerno mahadlangan lamang ang pag-upo ng mga bagong politico. hindi hangal ang malacanang mafia at arroyo corrupt-poration na di matuto sa kanilang pagkakamali after the 2007 defeat na kung saan ay iilan lamang ang nailusot sa senado.

    ang hamon sa atin ngayon ni gen. danny lim at col. ariel querubin ay kung ano ang kaya natin gawin, ano ang magagawa natin at ano ang maitutulong natin upang ang ating 101% na suporta ay maging isang ganap na boto at garantiya na maupo sila bilang senador.

    ngayon masusubok ang pagkakaisa natin at pagtutulungan upang mabigyan ng katuparan ang pagbabago…para sa bansa at para sa bayan.

    at kung sakaling manalo sila at maupo bilang senador, may yabang tayo sa ating sarili na kaya natin simulan ang pagbabago sa ating munting paraan…basta sama-sama at nagkakaisa.at sigurado naman tayo na di tayo bibiguin ng mga nasabing magigiting na sundalo dahil iisa rin ang hangarin nila para sa bayan at para sa pilipino,at di nila sasayangin ang tiwala at respetong ipagkakaloob sa kanila ng ordinaryong juan dela cruz.

    kaya ikaw kaibigang ellenville bloggers,sasabak ka ba sa hamon ng pagbabago? then, start and do your share now!

    NO TO TRAPOS 2010!

  108. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    BGen LIM,

    Sir, it is not only the Ilocano spirit that shall be united in the coming elections but the WHOLE FILIPINO SPIRIT.

    Odds may come but we, your former comrades-in-arms will always be behind you to support all your crusades as we believe in your integrity being witness to your cannot-be-bent priciple.

    Presently, am here in Saudi Arabia, years after I decided calling it quits from the military service but my hope that one day there will be somebody standing for our sake, our children’s future, as well as for the country’s much needed change did not deminish.

    You stood up (together with Col QUERUBIN) and I believe the time has come for us.

    From battlefields to senate, we FIRMLY hope, through you SIRS, that elusive change can be attained.

    Para sa bansa.

  109. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    Excellent one, kasamang iwatcher.

    We should not only hope for that dream to come true.

    Kailangang tayo’y magkapitbisig, magkaisa, magtulungan at ibigay at gawin ang lahat ng nararapat upang makamtan ang inaasam nating tunay na pagbabago.

    LIM at QUERUBIN. Paninindigang mas matigas pa sa bato subalit may layuning makatao.

    Tama na sa mga trapo!

  110. Valdemar Valdemar

    Our prisons breed great men and dancers.

  111. alrick alrick

    iwatcher pareho lang tayo na walang bilib kay angie sobra talaga sya di nadidiktahan kz sya n mismo kumikilos khit walang nagdidikta,4gt mo yata na meron kasunod na hehehe pang asar lang…kailangan ng bayan ngayon ang mga taong may paninindigan sina LIM atQUERUBIN at sa mga taong katulad nila

  112. Balweg Balweg

    Folks,

    Remember, magkakaroon lamang ng tunay na pagbabago sa ating lipunan…kung magpapakatotoo ang lahat ng Pinoy sa kanilang mga sarili.

    Ang pagbabago e nagsisimula yan sa ating mga sarili, PANININDIGAN sa KATOTOHANAN. Ang mga kinakaharap nating balakid sa pag-unlad ng bayan e bunga ng kawalang galang at respeto sa kapwa-tao.

    Lawakan natin ang ating pananaw sa buhay, look and listen…di ba ang halos lahat ng mga kinauukulan na silang nagbabangayan upang paglingkuran ang bansa e puro vested interest din ang lamang ng mga Kukote…in short mga LINGKOD BULSA?

    Kung pakasusuriin natin ang pinagdaanang buhay ng kanilang mga pamilya e karamihan diyan nagsimula from RUG to RICHES din naman, except some known families (only few lang!)

    About doon naman sa kalakaran ng pingkian ng katwiran e halos karamihan sa mga personalities ngayon na matunog ang pangalan na gustong sumabak sa 2010 e accountable yan sa problema na ating kinakaharap ngayon.

    Di natin pwedeng talikuran ang siyang naging ugat ng mga problema nating kinakaharap ngayon, kundi dapat harapin natin iyon sapagka’t tulad siya ng isang ghost na laging nagpapakita.

    Solve the root of this problem, so doon lang tayo maka-pag move on or else…sabi nga, KABISOTE ang ating dating…walang natutuhang-aral sa buhay.

    In my personal opinion e lutasin muna natin yong ugat ng ating pagkakawatak-watak at saka tayo magsimula, kahit na magsipanalo yong gusto ng bawat isa na maging lingkod-bayan ang magiging resulta nito e tulad din ng mga Tongresman na dating mga oppositionists during 2004 election, ngayon e naging gloria’s attack doggies?

    Balik-tanaw natin ang 2004, di ba ang MMla, Central Luzon, Southern Luzon e halos opposition ang nagsipanalo, but this point in time…saan sila ngayon naka-alligned di ba sa rehimeng arroyo. Ang sakit damhin di ba, niloko nila ang kanilang mga constituents di ba?

  113. Balweg Balweg

    kailangan ng bayan ngayon ang mga taong may paninindigan sina LIM atQUERUBIN at sa mga taong katulad nila?

    Korek ka Kgg. Alrick, but remember…gustuhin o pangarapin man natin na YON NA e kailangan nating magbalik-tanaw sa ugat ng mga problema nating kinakaharap sa ngayon?

    Ang rehimeng Arroyo ang focus ng ating atensyon, but ang mga personalidad na nagluklok dito e sila ngayong KONTRA sa rehime?

    Fresh pa sa diwa ng Masang Pilipino ang ginawa nila during EDSA 2 & 3, so ito ang bottom-line ng 2010 eleksyon? Pagpapasyahan ng Masang Pilipino, Elitists, Civil society, et. al. kung sinu-sino ang napupusuan nila o ang bawat isa sa atin.

    Ngayon, kung sino ang papalarin na maluklok sa anung pwesto sa National level e dapat igalang ng bawat isa ang boto ng kapwa-Pinoy.

    Di na dapat maulit pa ang ginawa nilang pagdusta sa ating Konstitusyon at sa 11 milyong Pinoy na malayang nagpahayag ng kanilang damdamin sa pamamagitang ng malinis na pagboto.

    Masaklap ang inabot natin sa kawalang galang ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan na sila ang ugat ng ating paghihirap at pag-aaway ngayon.

    Kung TALO ang napupusuang Kandidato e tanggapin ito ng maluwag sa sarili sapagka’t di pa siya napapanahon, marami namang paraan kung papaano makapaglingkod sa bayan.

    Kung PANALO naman e dapat suportahan natin maging sinoman siya, kahit na walang pinag-aralan o kaya isang convict na kriminal.

    Ang punto dito e ang diwa ng demokrasya na ngayon e nais nating yakapin at ipalaganap.

  114. norpil norpil

    i think it is great to have well qualified persons to run for political positions specially those that have been imprisoned not for criminal offence but by virtue of their conscience. our experience with sen trillanes is that he is more productive than all the other senators. why? because he has the time to think and concentrate on the real problems of the country-full time.the other senators are senators only part time, they have their businesses to manage and their growing families including their queridas. my solution here is to put all senators in prison so that they can really work and experience how hard life really is.

  115. jay cynikho jay cynikho

    hi ellen
    walang nakapansin sa sinabi ko.
    seguro suntok sa buwan yon. pero
    sa dmi ng kumakaripas na retiree
    lalo na yung mga consultants,para
    kumandidato, kahit kulang
    ang pangkampanya, nakakapagduda, may
    senyales na tapos na ang elction.

    ano ban ang magagwang ng kahit limang
    senador, pinalaya man puedeng ipakulong
    ulit. umiinit ang talakayan dito
    dahil malapit na ang election. Limang
    senador, tatlongpung tongressman
    puedeng ibalato yan. wan effect yan.

    best wishes ellen.

  116. silent.bomb silent.bomb

    Tapos na nga ang election dahil sa automated massive fraud.

    Parang Iran ang nangyayari sa Pinas. Ang may control ng computerized election ay yong mga hard liner clerics na ang gustong palabasin na panalo ay si Ahmadinejad. Ganoon din ang nangyari noong nanalo sa first term nya, massive automated fraud din.

    Sa Mexico naman, noong nakaraang election ay computerized din. Nadaya din ang opposition. Nag protesta yong opposition pero wala silang matibay na ebidensya na fraud dahil walang paper trail. Ang ebidensya nila ay statistical chart lang na improbable nga na manalo yong kasalukuyang presidente.

  117. chi chi

    Nice one, norpil

  118. iwatcher2010 iwatcher2010

    huwag naman sana kaibigang silent.bomb…sasabog na ang pilipino pag naulit muli ang isang malawakan at garapalang dayaan,matagal ng nagtitimpi ang masang pilipino at sa mapayapang proseso lamang ng halalan ang magiging sukatan ng totoong damdamin ni juan dela cruz laban sa mapang-api, abusado at kriminal na rehimen ni queen gloria.

    mas masigasig ngayon ang ibat-ibang grupo na siguraduhing magiging maayos ang election,at marahil ay umasa pa rin tayo na boses ni juan dela cruz ang mananaig sa 2010 election…kaya patuloy kang umasa at magtiwala na hindi lahat sa comelec at gobyerno ay kasing-demonyo ng mga tao sa malacanang, may pilit pa ring sisigaw at lalaban sa anumang kagaguhan na kanilang binalak at binabalak.

    pero isa lang ang masisiguro ko, di basta bababa sa puwesto si queen gloria kaya maging mapagmatyag at makialam dahil habang abala ang mga masang pilipino sa pagsusuri ng mga lider ay patuloy ang pagpasok ng mga presidentiables na magtataka ka kung bakit na mistulang hinahati ang boto ni juan dela cruz.

    matalino at tuso ang malacanang mafia at arroyo corrupt-poration, hindi lang makailang ulit silang nakalusot at nalinlang ang sambayanan at patuloy na kumikilos upang patuloy na paniwalain ang tao na sila lang ang “magagaling” at may karapatang mamuno sa ating bansa…adik sila sa pera at kapangyarihan kaya lahat ng paraan ay gagawin makontrol lang ang bansa at patuloy na pagnakawan at babuyin ang ating bayan.

    NO TO TRAPOS 2010!

  119. PSB,

    Hopefully, matoto na ang mga pilipino na magtayo ng mga tinatawag na grassroot movements na tunay, di iyong mga NGO kuno na para pagkakuwartahan lang.

    Over where I am based, I have joined a lot of grassroot movements and have helped put a lot many people to positions in the government like the present head of the Socialist Democratic Party of Japan. Miho Fukushima.

    For all you know, she was a young lawyer then leading a group of progressive Japanese women, who propelled her to the position where she is now. She actually helped my group during our rallies in the 80’s against the influx of Filipino Japayukis to Japan especially after Mrs. Aquino inked an agreement with Japan to allow 40,000 Filipino entertainers (fake and genuine) annually to work in Japan.

    I suppose she has a lot of thing to do with the passage of the law barring the Japayukis to Japan 3 or 4 years ago.

    Hopefully, madadagdagan ang talagang nagtatrabahong senador like Trillanes sa pagsali nila BGen. Lim at Col. Querubin sa election kasi mahal nila ang bansa nila!!!

  120. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ibang klase ang pulitika sa ating inang bayan. Pere-pera lang kaya ang mga political dynasty ay naka-kapit sa puesto hanagang ngayon. Hawak nila ang lokal Comelec sa kanilang teritoryo. Wala pang eleksyon tapos na ang botohan.

  121. “Gusto ng mga tao idikta kung kanino sasama si Lim at Querubin. kung talagang nais natin ang pagbabago, gagawa tayo ng paraan para matulungan natin ang ating mga kandidato.”

    — psb

    Hindi naman natin dinidiktahan kung kanino sasama si Lim at Querubin. Sino ba naman ako para magdikta? Ipinaaalam ko lang ang damdamin ng mga katulad kong “idealist” na naka-align sa pagiging idealist din gaya ng mga kawal na Magdalo. Nakakasira lang ng morale sa isang katulad kong nakikipagbanatan sa internet at dati, sa kalsada, para sa mga prinsipyong inukit ng pagiging makabayan, makatao, maka-katotohanan at maka-hustisya kung yung mga taong matagal mong ipinagtatanggol ay papasok sa politika gamit ang tradisyunal na pamamaraang isinusuka na at dapat nang burahin upang tuluyan nang maiahon ang malilit na kababayan sa maduming kalakaran tungo sa makabagong uri ng politika na nakatutok sa serbisyo sa bayan, hindi sa kung sino ang namuhunan.

    Para sa akin, sapat na ang tatak ng Magdalo ay nakaukit sa pangalang Querubin at Lim, at dapat yang ulit-ulitin upang matibay ang pagkakatatak sa isipan ng mga botante.

    5 milyong botante sa Metro Manila, 4 milyong botante sa Norte, 4 na Milyon sa Katagalugan, kung 60% man lang niyan ay boboto sa tunay na oposisyon kasama ang ilan sa Central Luzon, Visayas at Mindanao, matibay na ang sinasandalan nila.

    Pero kung isasama mo sila sa isang grupong alanganin (50-50) kung oposisyon o hindi, 30% lang ang puwede nilang sandalan. Kumuha sila ng mga mathematician upang kuwentahin kung saan sila mas tatabo ng boto.

    Kung hindi pa nila naaabot ang antas ng kamalayan ng mga botante gaya ng pagkakilala ng taumbayan kay Trillanes ay mahihirapan nga ang dalawa.

    Ang tanong, ipagpapalit ba nila ang prinsipyong ipinaglalaban nila/natin para lang pumasok sa kamalayan ng ordinaryong botante? O handa ba silang matalo basta manindigan lang sa mga prinsipyong nakatuon sa pagbabago?

  122. Sa pagpili ng Senador, hinuhusgahan ng taumbayan ang indibiduwal na kandidato, hindi sa dami ng pera o laki ng makinarya. Hindi naipanalo si Chavit o si Pichay ng bilyones nila. Sina Sotto at Oreta, itinaya ang kandidatura nila sa makinarya, sa kangkungan dinampot.

    Sa hinagap ko lang ay ang pagdidisisyunan dito sa eleksiyong ito ay kung sino ang kasanib sa tunay na oposisyon o yung nagpapanggap lang. Yan ang pagbabagong hinahanap ng taumbayan.

  123. parasabayan parasabayan

    Tongue, I respect your opinion. The Magdalo group is helping Lim and Querubin a lot but unfortunately, they do not have an organization to spear head a national campaign to bouy up the popularity of the two. They have offered themselves selflessly. You can see them visibly. The fact that they are spending their time and money for Lim and Querubin says it all. But these two need more help. Let us face it. Trillianes had an easier win. They will need more for advertizing. They need more for networking with the local politicians which can be achieved if they are affiliated with a party who knows the whos who. They need sorties of some sort. They need watchers over their votes. They need sattelite offices. All these can only be achieved if they have a well organized party to affiliate with.

    True, they may lose some voters by their affiliations but they may gain more as well. Huwag lang silang sasapi sa TEAM BOOBUWIT! Sabit and Pichay were affiliated with the Boobuwit and that spelled their defeat. Villar is not the boobuwit. Although I do not like him that much, I can compromise huwag lang kay boobuwit.

    Kung sasama naman sila kay Mar-Nonoy, meron ding masasabi ang mga tao na they are taking advantage of Cory’s death. Hindi tuloy malaman ng dalawa kung saan pupwesto. But the bottom line is, manalo sila para makapagsilbi sila sa bayan. The road to the sanate may not be the same for both but I am certain that once they reach their destination, they will serve the people well.

  124. parasabayan parasabayan

    When I saw Erap’s line up for his senators, the two top candidates he has are JPE and Miriam. The de Venicias are likewise on his list. Are these the real opposition? NO WAY! So, Toungue, tell me who is a PURE opposition now? Lahat sila are playing in the middle. Nasa tao na lang to pick the candidate they think can serve them well. The real opposition do not have their acts together nor the resources to pull the election through.

  125. PSB:

    Nope, I don’t think the Magdalo group is disorganized. In fact, they are organized and trying to get support from concerned civilians. At least, meron Internet for them to reach out.

    Sa totoo lang, diyan nanalo si Obama. Ginamit niya at ng mga campaigner niya ang cyberspace to convince US voters to vote for him.

    Maraming bloggers si Ellen na magaling sa computer. Puede silang tumulong na makilala ng mga botante sa Pilipinas and overseas dahil nakakaboto ng senador ang mga OFW sina BGen. Lim and Col. Querubin.

    What the Magdalo can do is coordinate with these experts dahil malaki ang maitutulong ng pagka-campaign via cyperspace. Puede ding bantayan ang mga boto sa pamamagitan ng Internet. Mag-ingat lang doon sa Internet Brigade ng mga Pidal.

    Remember ginamit din ng mga nagsulong ng EDSA 2 in fact ang cyberspace. Konti nga lang kaming ipinagtanggol ang legal na rehimen ni Erap, kurakot man o hindi siya.

  126. Kung sasama naman sila kay Mar-Nonoy, meron ding masasabi ang mga tao na they are taking advantage of Cory’s death.

    Kung hindi naman totoo, bakit sila magi-guilty? E di huwag na lang silang sumali kahit saan. Gayahin ang ginawa ni FPJ noon in fact. Truck ang sinakyan offered by volunteers as pangangampanya sa bayan-bayan.

    Kung hindi pa tatanggalin si Gloria Dorobo, tiyak di rin makakakampaniya sina BGen. Lim at Col. Querubin gaya ng nangyari kay Sonny Trillanes. Puro volunteers, et al lang niya ang nagkampaniya dala ang mensahe niya. Pero look, nanalo siya! And no thanks to UNO dahil ang totoo, kaniya-kaniya silang mga kandidato ang takbo.

    I remember, may mga hindi pa nga sumasama sa mga kampaniya dahil ayaw mabawasan ang sariling nakalap na mga donations, etc. Sumama na lang noong Miting de Abanse sa totoo lang.

  127. Balweg Balweg

    Kgg. TonGuE-tWisTeD,

    Kahit saan magjoin sina Gen. Lim/Col.Querubin e sama-sama nating ikakampaya, our main goal e ipanalo nila ng 2010 di ba!

    Ang cyber magdalo brigade ang ating gagamiting lunching pad…parang pyramid style ito pero di scam ha! Kung mayroon na tayong 100 dito sa Ellenville community at makahatak tayo ng tig-10 voters from our families e magmultiply na ito hanggang maging milyon ang botante.

    Magsimula na tayo para makadami…IBOTO ang MAGDALO soldiers for SENATOR sa 2010!

  128. Balweg Balweg

    Igan Grizzy, simulan na natin sa ating mga balwarte ang pangangampanya sa mga Magdalo soldiers na gustong pumalaot sa 2010.

    Sure ang laki ng chance nila sapagka’t yaong mga magsisitakbo uling Senador o yaong sasabak muli o bagito for sure di hamak ang kredibilidad ng mga ito.

    Sama-sama tayong iboto at dalhin sa Senado ang Magdalo soldiers!

  129. parasabayan parasabayan

    Grizzy, the internet is for the OFWs, middle class and elite. Yung mga nasa liblib na lugar have to know them (Lim and Querubin) via other means, mostly through local officials. Having local officials on your side is a big boost. These local officials are usually communicating with those in the national level. Kaya nga si Erap, Villar, Mar and all those with political connections can easily be carried. This is one aspect of running for a national position that can not just be taken for granted.

    I am an idealist too but I am also a realist.

    Grizzy, unfortunately our political system has not matured yet. We can not adopt the Obama model. The Americans paid for his campaign. Almost everyone chipped in. Sa Pilipinas, de lastiko ang pera ng mga tao. Elections are perceived to be a money making event. Let us face it, that is just the way it had been and will be until we eradicate poverty. Come election time, the poor voters unfortunately have to have “something” to vote for someone. It is a reality. For the more responsible voters, we can reach them by the internet brigade, tv, radio, newspapers etc but for the poor which probably comprises 50% of our electorate, money is still the medium of getting votes. It is very sad but when running for a national office, all bases have to be covered.

  130. parasabayan parasabayan

    I understand Erap’s choice of JPE, Miriam and de Venicia. These candidates are monied. Erap can not just be carrying all his candidates. Even Villar and Mar can not possibly give money to all their candidates. Meron ding sariling contribution ang bawat isa sa kanila. A good presidentiable should pick a “rainbow” of candidates. Hindi lang lahat makakaliwa o makakanan. Dapat na may elitista, militar, businessmen, politician, mediamen, at ibat ibang sector. How many movie actors do we have in the senate now? Di ba marami din sila. So, when people say that masyado ng marami ang militar sa senado, they should look again. How about lawyers? Ilan sa kanila ang lawyers? Of course it is beneficial to have lawyers in the senate as senators are supposed to pass bills. Nakakalamang sila sa totoo lang. But senatoribles who have the heart for the people is what we need most irregardless of where they sre from.

  131. Diba, nag-apply na ang Magdalo as political party? Bakit gagamitin yung Magdalo sa propaganda tapos tatakbo sa Nacionalista?

    My question has not been answered, kakalimutan na ba ang principled politics? O balik sa politics of compromise.

    By the way, I don’t consider Erap’s ticket, if it is the final list (as listed above) the true opposition ticket. I won’t even vote for him.

  132. Again, yan ba ang ibinebentang “Para sa Pagbabago”?

    I’m not buying.

  133. parasabayan parasabayan

    The incarcerated Magdalos were not able to go out during Sonny’s campaign. Now they are out. These Magdalos are the BEST campaign managers for Lim and Querubin. They are out there doing the best they can to get them elected. More power to the Magdalos!

  134. parasabayan parasabayan

    Kaya nga Tongue, make the proposal on which is the best way to run without money and freedom. Mukhang napakahirap yata yan!

  135. parasabayan parasabayan

    Candidates are always adopted by parties. Personally, I do not see anything wrong with the Magdalos helping Lim and Querubin even if they have joined other parties. Ang importante, makarating sila sa destination, kahit na anong sasakyan pa man. Not all parties will be able to complete 12 senatoriables. All parties are free to help the other senatoriables kahit na saang partido sila nakasama.

  136. parasabayan parasabayan

    Tongue, I am more liberal than you, perhaps.

  137. parasabayan parasabayan

    The Magdalos as a party? I thought they wanted to be a partylist so they can have a seat in congress.

  138. bananas bananas

    si jose rizal ay di karapat dapat na maging national hero dahil marami din syang mistresses katulad ni erap.

    baka siguro naman nuong panahon ni rizal at yong mga naging girlfriends niya ay nagtitinginan lang at naghahawakan ng kamay noong unang panahon. hindi pa siguro noon uso ang sex, naghahawakan lang siguro sila ng kamay.

  139. One thing I do to help, PSB, is send my old computers to the needy in the Philippines. I also collect from other donors to send to those I am asked to give. A lot of them have even managed to change the computer to read only English even when the machines are made for Japan. Kaya alam kong maraming magaling.

    Sabi nga, walang imposible sa maaari namang gawing posible. Nasasa tao na nga lang. Kahit nga iyong akala mo wala nang pag-asa dahil ipinanganak na may deperensiya like those mentally handicapped over here who are helped to land some kind of jobs so they won’t feel useless. Nagkakaroon ng confidence sa sarili at boy, may nagagawa.

    Bakit di iyan magawa sa Pilipinas?

  140. Senator Trillanes has done it, BGen. Lim and Col. Querubin can also do it, with or without the unggoys!!!

  141. Tongue,

    Tama ka. As a strong supporter ni Trillanes noon, alam ko ang takbo ng kampanya niya.

    In fact, siya ang hinabol ng mga opposition, hindi siya ang humabol sa kanila.

    Tama ka, he was determined to fight his fight with or without the unggoys. Nakita nila ang determination nila, isinama siya sa UNO, pero ang palaging sabi sa kaniya at mga campaigners niya, kulang ang pondo nila. Iyong nakakolekta ng sariling pondo nila in fact, ayaw pang mag-share!!!

    That the fact that I gathered then. Kaya tama ka, kung talagang gusto nila BGen. Lim and Col. Querubin, tumakbo sila. Huwag na silang kumapit sa mga linta. Let their people campaign for them. Tignan lang natin ang ipinagmamalaki ng mga pilipino na talino nila at puwersa laban sa mga unggoy!

    Right now, ito ang nasa list ng grupo ko:

    1. Satur Ocampo
    2. Bgen. Danilo Lim
    3. Col. Ariel Querubin

    Otherwise, wala kami pang tulak-kabigin!

  142. Iyan ang hirap sa ipinaiiral na utak sa Pilipinas, patron system pa rin, parang utak sindikato. Di kailangan kumapit sa may datong. Tao ang dapat na ikalap para mangampanya sa dalawa. Siguro there are people out there in uniform na puede silang itakbo ng lihim at para di protektahan iyong mga uutusan ni Gloria Dorobo na takutin at patayin ang mga magboboluntaryong mangangampaniya para sa dalawang magiting na sundalo na gustong manilbihan sa bayan nila out of uniform.

    Gusto ng pagbabago, ito na ang pagkakataon! The realism is they can do it, if they want to!!!

  143. Tama ka, Tongue, Erap should be considered history. Tama na iyong mga propaganda even by the Pidal’s Internet Brigade para buwagin ang opposition. Gumawa na lang siya ng mga pelikula na makakatulong doon sa mga dapat na tumakbo laban sa demonyang ayaw nang umalis sa puwesto.

    Tangnang mga recommendee niya. Halos lahat buwitre rin!

  144. Grizzy, unfortunately our political system has not matured yet.

    Kaya nga sabi ko time to educate them. Diyan makakatulong si Erap kung talagang wala siyang personal agenda. Tulungan niyang mag-mature ang mga kababayan niya politically by making documentary movies to educate them gaya ng ginagawa ni Michael Moore. Hindi tama iyong ini-encourage pa niya iyong mga kababayan niyang diyosin siya.

    Iyan ang impression ko in fact doon sa mga propaganda na siya ang “Ama ng Masa” na walang pinag-iba doon sa claim ni Gloria Maldita na siya ang “Ina ng Bayan.” Iyan ang kabaliwan!

  145. Sorry mali yata ang tagalog nito: …at para di protektahan iyong mga uutusan ni Gloria Dorobo na takutin at patayin ang mga magboboluntaryong mangangampaniya para sa dalawang magiting na sundalo na gustong manilbihan sa bayan nila out of uniform.

    This should read, “….at para protektahan iyong mangangampanya at boboto sa kanila na di guluhin at patayin ng mga uutusan n Gloria Demonya na manggulo sa mga magboboluntaryo para manalo sina BGen. Lim at Col. Querubin.

    *****

    Marami namang alternative sa totoo lang. Ang dapat na ipasok sa utak ng mga pilipino ay, “Money is the root of evil.” Di sila dapat na ini-encourage na “Money is everything!” Mas malakas iyong, “Faith can move mountains.”

  146. parasabayan parasabayan

    It is really a combination of everything.

  147. Apparently, mali ang mga prinsipyo even now! 🙁

    Kawawang mga nilalang!

  148. Sabi nga, put God first aove all, and everything will be in order. This I believe more!

    Money is nothing really. One can make money given the right opportunity. Problema kasi sa Pilipinas, pinapairal ang kaswapangan kaya iyong mga mahihirap, hanggang doon na lang sila—kinakawawa kundi naman binibilog na lang. Tinuturuan pang kung makalusot!

    Tama si Tongue, kundi babaguhin, papaano magbabago? Yuck!

  149. … put God first above all…

    This I know to be true, and I have a testimony of it! No bilib ako doon sa mga dyino-diyos ang pera!!!

  150. iwatcher2010 iwatcher2010

    kakabilib ang palitan ng kuro-kuro at pananaw, siguro sabayan na natin ng aksiyon kung papaano mailulunsad ang isang malawakang kampanya upang maiupo ang magigiting na sundalo…

    mukhang si kaibigang grizzy ay malaki ang influence sa japan at sa mga organized sector kaya puede na sigurong simulang ang magdalo chapter sa japan, at ng danny lim at ariel querubin for senator movement…mas kinakailangan magsimula ng maaga dahil di biro at ibang klaseng laban ang haharapin ng ating magigiting na sundalo, at balita ko sabi ng isang bubuwit sa malacanang ay di papalusutin ang sinumang “rebeldeng sundalo” sa anumang posisyon kaya asahan ang mahabang laban at samut-saring isyu upang gibain ang pagkandidato ng mga magigiting na sundalo.

    si kaibigang bukang-liwayway puede na ring pakilusin ang kanyang sphere of influence sa saudi arabia at dubai at ibang panig ng middle east, marami tayong kaibigan at kamag-anak diyan na handang mag-organisa ng krusada sa pagbabago…

    yung mga ellenville bloggers naman sa provinces at metro manila, puede na ring kumilos at magsimula ng krusada at makipag-coordinate sa grupo ng magdalo at sa group nina danny lim at ariel querubin…maraming dapat gawin at maraming dapat umpisahan na upang maisakatuparan ang hangarin ng bawat isa sa atin na mabago ang mukha ng politica sa ating bansa, at bawat ordinaryong juan dela cruz ay may magagawa at may malaking bahagi sa pagbabago.

    ngayon ang tamang panahon na ipakita natin ang nagkakaisang lakas, ang sama-samang boses at iisang layunin ng pagbabago…marami pang gimik at palabas si queen gloria at ang malacanang mafia at arroyo corrupt-poration kaya dapat kumilos na habang maaga at yung “momentum” ay umabot hanggang election at pagtapos ng election.

    sa dami ng dinugas at ninakaw nila ay asahan ninyo ang pagbaha ng pera, ang pandaraya, at ang maruming kampanya upang di makalusot ang mga bagong politiko at mamayani ang admin alipores sa senado at mababang kapulungan, dahil ang isang bahagi ng plano nila ang majority control ng congress…masyadong tuso at palalo ang kampo ni queen gloria kaya ngayon pa lang dapat ay kumikilos na tayo…

    NO TO TRAPOS 2010!

  151. Iwatcher:

    Anytime basta sa kabutihan! Influence is not the right word dahil di naman ako nang-i-impluwensya ng mga tao. Tumutulong, more like kaya nakikilala at nakakakilala ng mga puedeng makatulong din sa mga adhikain namin.

    Isang advantage ng sumusunod sa batas at patakaran. Sabi nga, “When in Rome do as the Romans do.” At saka dito naman sa Japan, as I have mentioned in previous blogs, tunay ang demokrasya, at saka lahat pantay-pantay. Isa lang ang di puedeng pantayan, ang emperador sa totoo lang!

    Kaya sa totoo lang, nakakahiya iyong dugong aso trying hard to level herself with Our Imperial Majesties! Everytime pupunta dito iyan humihingi ng audience sa emperador namin. Di lang mapahindian kasi takot ang emperor sa bad publicity lalo na sa mga bansang sinakop ng Japan noong WWII. Pinagsasamantalahan naman noong kriminal, at gustong magpanggap na siya ay dugong bughaw din! Kundi pa natin alam!

  152. Balweg:

    Matagal na kaming nagsimula. At least, dahil sa grupo ko di mabenta-benta ni Unano iyong mga patrimonies sa Japan. Kahit iyong nasa Kobe, mukhang nagkabulolyaso.

    Pasalamat ang mga pilipino sa gobyerno mismo na rin ng Japan na nag-question ng shady deals for instance doon sa binalak na bentahan ng isang property ng Pilipinas sa Shibuya, Tokyo. Dapat malaman ng mga pilipino na di dapat bigyan ng authority si Gloria Mandurugas na ibenta ang mga patrimonies sa Japan dahil bayad iyon sa mga buhay ng mga pilipinong nabiktima ng giyera noong WWII.

    Oras na para ipaglaban ng mga pilipino ang kanilang mga karapatan laban doon sa mga abusadong dapat sana ay ituring ang mga sarili nilang mga PUBLIC SERVANT at hindi amo ng mga bumoto sa kanila.

  153. iwatcher2010 iwatcher2010

    halos lahat na binebenta na ni queen gloria…privatization kuno pero ang malalim na dahilan para sa tongpats, pantustos sa luho at karangyaan at pantakip sa lumolobong budget deficit

    ang nakakapagtaka dami raw investment generated due to foreign trips at ramdam daw ang paglago ng economy pero sa katotohanan puro utang ang pinapagana ni queen gloria at ng kaniyang economic technorats kuno…

    kaibigang grizzy, yang property sa japan 2003 pa lang ay target ng ibenta ni queen gloria…kakasuka ang rehimeng ‘to panay bida na gumaganda ang economy pero kabi-kabila ang privatization, ang pangungutang pati pondo ng gsis, philheath at ibang institution ay nagagamit at inuubos…ibig sabihin ay puro kasinungalingan at huwad ang yabang ni queen gloria!

    mabuhay ka kaibigang grizzy and continue your crusade for our country’s remaining patrimonies sa japan (na gigil na gigil ibenta dahil sa limpak na salapi at malaking value, pero kung iisipan ang mga nasabing ari-arian ay kapalit ng daang libong buhay ni juan dela cruz na biktima noong panahon ng world war II) at sa mga pilipinong biktima rin ng “ofw exploitation policy” ni queen gloria na gawing alipin ang mga pinoy makapagpasok lang ng bilyong dolyares.

    NO TO TRAPOS 2010!

  154. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    iwatcher,

    Salamat sa inaakala mong influence ko dito sa aking kinalalagyan. I can only speak for myself and my family but I will do all my best to gather as much support for the two gentlemen as I can.

    Siguro, hindi na masama kung bukod sa akin at sa pamilya ko ay may mahila pa akong isa o dalawang boto, di ba?

  155. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    Approved na ba sa Comolect ang Magdalo Partylist?

  156. The reality is that the youth are becoming more active in this election than they have been in all the past polls. Look at the kids lining up to be enlisted in Boto Mo, Patrol Mo. Ditto at the response of first time voters to Ako Mismo. Then there’s the new Youth partylist represented by blogger Mongski Palatino. Then there’s Akbayan Youth, Kabataan, and so on.

    All these kids are actively participating now although we have not been involving them in national discussions in the past, in advocacies, instead, we dismiss them as the Walang-Paki Playstation generation. We also blame them for apathy. But it is changing, and quickly.

    I see a snowball effect spilling over to the rural areas, many of these kids are presently studying in colleges in the cities but many, if not majority, are from the outlying communities. Why don’t we exploit this situation? Target these young people to volunteer their efforts in spreading the message of “Change we can believe in” borrowing from Obama’s campaign which I’m sure many of these kids are well aware of. Idealism is at its peak at present, why kill it dead in the water by selling out in exchange for funds and machinery?

    The kids are very upbeat about their participation in a democratic exercise such as elections, they now believe they can make a difference, they are excited to spread the message to their homes in the provinces. Let us not fail them by packaging the “agents of change” into containers molded out of trapo beginnings. That is one sure way to turn them off. We owe the future to them more than to ourselves.

    Setting a good example to the youth in principled politics is the only way to go. We must plant the seeds of change NOW, not six years hereafter. We may not reap the products of our toil in 2010, but definitely, young trees will sprout and soon enough, these will ensure that the new forest is certain to grow.

    Let’s put an end to the ways of traditional politics. We have been victims of this system for decades, we can’t afford to postpone this futher by allowing our “principled candidates” to submit to the old ugly tools, play within the dirty rules of money politics, just so they can win and begin the change.

    I’ve never heard of a more conflicting, more twisted logic than that. There is no wisdom, no honor, no principles behind it. Very Machiavellian. Very Gloria.

  157. Guardians Guardians

    Ano tingin ninyo sa itatayo namin na Movement

    LQ / QL – Lim and Querubin – Quality Leaders

  158. Iwatcher,

    Correction please, kauupo pa lang ng walanghiya matapos patalsikin si Erap noong 2001, gusto nang ibenta ng animal ang mga patrimonies sa Japan despite a Supreme Court ruling against it. Kaya nga galit na galit ako sa mga tangang pinapayagan ang animal na nag-a-appoint ng mga alipores niya sa Supreme Court para masunod ang gusto niya.

    Si Marcos sinasabing magnanakaw pero never niyang pinag-interesan na ibenta ang mga patrimonies ng Pilipinas sa Japan. Nag-umpisa ang pagnanasa sa mga properties na iyan noong umupo si Mrs. Aquino sa totoo lang. Nasangkot nga ang pangalan ng anak ni Mrs. Aquino noon na si Balsy. Laki ng ginastos ko sa movement namin para lang labanan ang mga unggoy dahil ayokong mangyari ang ginawang pagbebenta ng property sa SFO na nasa Stockton St. na balita ko kasangkot pa iyong kapatid ni Ninoy.

    Kakukuha ko lang ng mana ko noon sa totoo lang kaya may panlaban ang grupo ko. Sabi pa ng mga animal, bakit daw nakikialam ang isang haponesa–ako!

    Tawa ng tawa iyong mga kaibigan ko sa Ministry of Foreign Affairs at Tokyo Metropolitan Police. Sagot daw nila noon kay ex-Ambassador Del Rosario, hapon nga ako pero pusong pilipino naman!!!

    Sino ngayo ang nakakahiya, di ba?

  159. iwatcher2010 iwatcher2010

    nice one kaibigang tounged-twisted…mas mulat na ang kabataang pinoy at handa ng iguhit ang kaniyang tadhana,kaya ingat ang mga damuhong mandaraya dahil lahat ng pilipino ay handa na sa proseso ng pagbabago…umpisahan natin ngayon para itapon sa basurahan ang mga trapo at ang mga matuwid na pinuno ang manaig sa isang malinis at maayos na halalan sa 2010.

    kaibigang grizzy…dito sa pinas,di lang kasi masyadong maingay ang isyu sa pagbenta ng mga properties sa japan,pero makailang beses ng pinakilos ni queen gloria ang kaniyang alipores para mabenta ang mga nasabing ari-arian at palabasing ang gobyerno pa ng bansang hapon ang may malaking interes,at dami ring traidor diyan sa embassy na pera-pera lang basta kumita kahit “lupang ibinayad kapalit ng mga biktima noong world war II” na nakikipagkutsabahan sa ilang malapit kay gloria lalo na yung little president na animoy astang sila ang may-ari ng pinas.

    magtulungan tayo at ipakita natin ang boses ni juan dela cruz ang mananaig sa pera at makinarya ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration.

    NO TO TRAPOS 2010!

  160. Sinungaling talaga ang mga hinayupak, Iwatcher. Sa totoo lang kaya nabitin ang bentahan noong property sa Nampeidai ay dahil na-question ng Japanese government na tumatayong custodian ng mga properties as provided by the peace treaty between the Philippines and Japan iyong nahirang ni Unana na buyer dahil tiyak malaki ang taga nilang mag-asawa. Nabisto ang mga raket ng mga ganid!

    Balita namin ngayon may demandahan pang nangyari ngayon. Talagang walang kalalabasang mabuti ang trabahong masama. Sabi nga, “Crime does not pay” lalo na kung matino ang bansa gaya ng Hapon na di uubra ang kahayupan ni Gloria kahit na tangkain pa niyang lumusot because of some international immunity. Raket ng mga unggoy kilalang-kilala dito sa totoo lang! 🙁

  161. iwatcher2010 iwatcher2010

    at sa pagtataguyod ng bagong mukha ng politika at maayos na pamamahala ay huwag din sanang makalimutan ng pilipino ang walang katapusang isyu ng pagnanakaw, pang-aabuso, at pangbabastos ng rehimeng gloria – mistulang namamatay na ang isyu ng marangyang dinner sa le cirque, ang mga eurogenerals na ni isa walang naparusahan, ang kaso ng legacy scams, ang pagkamatay ng mag-ama sa isang encounter sa paranaque,ang paglustay sa pondo ng gsis ni wingstong, ang daang milyong infomercial ng mga sepseptaries at iba pa…lahat ng mga isyung ‘to ay lalong nagpapahirap sa lugmok ng kalagayan ni juan dela cruz…isama mo pa ang mga anomalya simula impsa deal hanggang privatization deals at multi-billion govt projects na halos ibigay na lamang sa mga alipores ni queen gloria.

    sana may managot at maparusahan man lamang habang masigasig tayong sasalang at lalahok sa 2010 eleksiyon at pipili ng mga tunay na matuwid na lider ay patuloy din tayong kumilos at sumigaw ng hustisya sa kahibangan at kapalaluan ng rehimen ni queen gloria.

    NO TO TRAPOS 2010!

  162. saudiboy saudiboy

    aminin na natin na malakas pa rin si erap…

    ang CON-ASS at charter change patay na last thursday,, sumuko na ang mga alipores ni gloria.

    ang utang ni Gloria ngayon US$ 88.842 Billion dollars,,, ang sabi ni Gloria… utang namin bayaran mo!!! pwee!

  163. Dammam TIGERS Dammam TIGERS

    Walang kuwenta mga pinagsasabi ninyo lalo na si SAUDIBOY.. TTTSSSEEEE. Haller nananaginip ka ba? Hindi mo ba nakikita mga magagandang projects ni Pangulong Arroyo…

    Huwag mong pansinin mga sinasabi nila kasi INGGIT lang sila sa yo.

    Basta kami dito GMA is still GMA. She’s still the best president….
    Go GMA, sana mapahaba pa ang term mo sa pagkapangulo…
    We love you…

  164. saudiboy saudiboy

    dodong, akala ko kc yong si dammam tigers ang ibig sabihin si unanong pandak na gloria na utangera na nagbinta pa ng dollar BOND NATIN LAST JAN 09 US$1.5 bilyon dollars at last June 09 750 milyon dollars, hindi pa nakontento sa pangungutang… nagbenta pa para mapagtakpan niya nag kanyang mga over spending.

    GMA 7 pala ang ibig sabihin ni tigers??? Mabuhay ang channel 7!!!!

  165. Balweg Balweg

    Sinabi mo pa Igan Dodong…KaPuSo ata ako!

    K – walang Kwentang
    P – Panggulo
    B – ng Bansa not ONCE but TWICE!

  166. Damam Tigers Damam Tigers

    Ichallenge kita BALWEG..

    Sa huling 5 pangulo sino ang DA BEST at bakit????
    (In terms of performance & projects)….

  167. iwatcher2010 iwatcher2010

    best president gma? talaga lang ha?
    dammam tigers….sige patuloy mong ululin ang sarili mo,ganyan din sabi ni lorelie fajardo, ni remonde, ni anthony golez, ni macalintal, ni ermita…bale humigit kumulang mga 5000libo kayong naniniwala siyay magaling samantalang yung hindi naniniwala at palalo at hibang sa pera at kapangyarihan ang presidente mo mahigit kumulang 59,995,000.00 di ko na isinama ang mga bata at kabataan below 12 years old.

    majority ng pilipino ay sukang-suka na sa kapalaluan at kahibangan ng iyong presidente, makapal lang talaga ang mukha at walang pakialam sa boses ng nakakarami at pinakikinggan lamang ang boses ng humigit-kumulang na 5000 baliw, hunghang, at mga taong patuloy na nagtatanga-tangahan, nagbubulag-bulagan, at naniniwala sa mala-pantasyang mundo ni queen gloria…

    kasama ka pala sa mga ‘yun…kawawa ka naman,mahigit walong taon ng nalason ang isipan mo!

    NO TO TRAPOS 2010!
    NO TO GLORIA AND FAMILY!
    NO TO MALACANANG MAFIA AT ARROYO CORRUPT-PORATION!

  168. iwatcher2010 iwatcher2010

    gago pala ‘tong si dammam tigers may pa-challenge challenge pang nalalaman, ganito na lang para di humaba ang usapan ang matapos na ang pagpapa-cute mo…

    pinaka-corrupt
    1. f.marcos
    2. gm. arroyo
    3. erap
    4. fvr
    5. kamag-anak,inc. ni Pres. Cory

    pinaka-utak kriminal
    1. g.m. arroyo
    2. f. marcos
    3. fvr
    4. erap

    pinaka-nakakasukang presidente ng pinas
    1. g.m. arroyo
    2. f. marcos
    3. fvr
    4. erap

    pinakamaraming infra & development projects
    1. f.marcos
    2. fvr
    3. erap
    4. g.m. arroyo

    pinakamalakas mangutang at pinakamaluho
    1. f. marcos
    2. g.m. arroyo
    3. fvr
    4. erap

    pinakasinungaling
    1. g.m. arroyo
    2. f.marcos
    3. fvr
    4. erap

    pinakamahilig umagaw ng credit sa mga infra projects
    1. g.m.arroyo

    haba pa pala,walang katapusan…suma total da best pala si gma, da best sa kapalaluan at kahibangan, da best sa kasinungalingan at panlilinlang, at da best sa pamumudmod ng pera ng bayan pantapal sa mga tongresmen, senatong, dept sepsetaries, yes mam/ yes sir generals, at mga alipores.

    dammam tigers,your so cute parang si gloria cute na cute ako pagmumukha…tupperware, orocan o alatone plastics

    NO TO TRAPOS 2010!

  169. saudiboy saudiboy

    ay naku tama ka dyan iwatcher,,, ang kapal ng mukha ni pekeng Gloria…. taga UP graduate daw… UP- Utangera ng Palasyo!!!

  170. Balweg Balweg

    Hindi mo ba nakikita mga magagandang projects ni Pangulong Arroyo…?

    Folks…pakisilip naman yong mga magagandang projects kuno ni gloria, pls.?

    (1) Sa resulta ng World Food Day survey na isinagawa ng Gallup International-Voice of People 2008, lumalabas na apat sa sampung Pinoy ay konti lamang o di kaya nama’y walang sapat na pagkain sa kanilang hapag sa loob ng 12 buwan.

    Sa nasabing survey, tumatayong panlima ang Pilipinas habang nanguna naman ang bansang Cameroon sa Africa na 55% ang nagugutom, kasunod ng Pakistan (53%), Nigeria (48%) at Peru (42%), ayon sa pagkakasunud-sunod.

    The hunger average of 2008 is 16.8 percent, only slightly lower than the 2007 average of 17.9 percent.

    (2)the Pulse Asia survey results tagging Mrs. Arroyo as the “Most Corrupt President” in history are accurate.”

    (3) Corruption watchdog Transparency International (TI) ranked the Philippines in the top rung of countries most affected by bribery in the world based on its Global Corruption Barometer 2007 report released yesterday.

    (4) the latest of which are the China ZTE Corp. National Broadband Network project, along with the P500,000 cash bribes each given to some 190 congressmen and a big number of local executives, right in Malacañang.

    to be continued…mag walking muna ako sa Ellenville garden para sariwain yong sinasabi ng Kgg. Dammam Tigers na mga nagawa ni gloria for 9-years sa bansa.

  171. Dammam TIGERS Dammam TIGERS

    Ano balweg…

    Bakit di ninyo masagot tanong ko??

    Sabihin mo kung sino ang Da best na Pangulo???

    Hehehe..

  172. iwatcher2010 iwatcher2010

    papansin si dammam tigers…cute kasi dahil cute ang amo hehehe

    kaibigang balweg,huwag mo ng balikan ang baho at basura ni queen gloria,aabutin ka ng umaga at mapapagod lang ang daliri mo sa kaka-type at baka masira a keyboard mo…

    for sure ang isusunod na isyu ni dammam miyaw miyaw yung isyu kay erap, kay fvr, at susunod niyang banat…sino sa inyo ang malinis at walang bahid ng dumi,wala kayong karapatang manghusga dahil wala kayong ebidensiya…siyempre hihirit pa yan,kung meron kayong ebidensiya dalhin ninyo sa korte at sa proper forum…paulit-ulit,eh simple lang naman ang gusto ng pilipino na sagutin ang mga isyu at huwag magtago sa executive privilege at sa mga na-corrupt na afp/pnp yes mam/yes sir generals…

    style ninyo bulok! miyaw miyaw

  173. iwatcher2010 iwatcher2010

    ang yabang maghamon kaibigang balweg…hindi siguro nakakaintindi ng statistics, reports at studies ng mga foreign watch groups….

    miyaw miyaw miyaw oo na magaling si queen gloria (sabi mo eh)

  174. iwatchers201 iwatchers201

    Kung ako ang pagpipiliin…
    In terms of GOVERNMENT STABILITY & EFFICIENCY – siyempre si GMA…

    Naniniwala ako kay Damman Tigers………

    Period…..

  175. iwatcher2010 iwatcher2010

    heto na naman ang tropang gago! wala ka bang ibang alias???
    puedeng tango, o puedeng gaya-gaya, o puedeng dammam tigers sidekick, o di kaya ay wengweng, o di kaya ay remonde jr….

    oo nga naman government instability at inefficiency – siyempre si queen gloria!

    hindi ako naniniwala kay dammam miyaw miyaw..di na kayo napagod,wala naman kayong prinsipyo kung hindi ang baluktot na paniniwala na maayos ang ating bansa sa pamamahala ng pekeng si queen gloria…mga kaawa-awang nilalang
    tuldok…

  176. saudiboy saudiboy

    dammam tiger,,, GMA-7 daw yong gusto mo sabi ni dodong…. Mabuhay ang Channel – 7!!!

  177. Ulol! Projects pa noong panahon ni Marcos ang pinagsasabi ng isang walang alam dito, at nabigyan ng budget noon panahon ni Erap, pero dahil sa nasipa ang ungas, inako noong magnanakaw! Bakit sasabihin utang na loob kay Gloria Dorobo di naman niya pera ang ginasta sa mga kalye, etc. na matagal nang dapat ginawa maliit pa ako sa totoo lang.

    Sa amin iyan di kami magpapasalamat dahil pera ng mga taxpayers ang ginamit at di naman ng kung sinong nakaupo lalo na’t di naman siya ang nagsulong. Dapat nga kinakalampag ang mga demonyo para magtrabaho bilang mga PUBLIC SERVANTS hindi parang amo o diyos gaya ng ginagagawang panghihikayat doon sa mga brigada ni Luli at ni Erap.

    Mga tanga na bobo pa! Pwe!

  178. Yup, Gloria Dorobo is the best–BEST in stealing, lying, squandering of public funds, etc. etc. kaya tignan mo ang mga pilipino–hinihigpitan kahit saan pumunta dahil baka mag-TNT!

  179. Kaya iyong kakilala kong pilipina, lumapit sa akin at nagpapatulong na makakuaha siya ng Japanese citizenship. Sabi ko sa kaniya, kung di siya makakaboto, huwag na lang total may permanent residency na siya. Shock ako sa sagot, “Kasi daw baka mawala ang permanent residency niya dahil nagkakahulihan ng mga nagba-black market sa Japan. Trabaho pala kasi niya mag-door to door. Bawal sa Japan kasi iyan kundi naman bangko!

    Iyan kasi ang naging kultura ng mga pilipino—kung makalusot!

  180. Balik kina BGEn. Lim at Col Querubin, at least, pag naboto na sila, madadagdagan na ang tunay na may prinsipyo sa Senado. Pero bilib ako kay Sonny Trillanes kasi talagang matatag kahit na anong pagbubuyo pati na pang-i-insulto ng mga walang prinsipyo lalo na noong magkaroon ng gulo sa Manila Peninsula. Iyan ang tunay. Nakakahanga! Para siyang gold among the sands.

  181. …Bakit sasabihin utang na loob kay Gloria Dorobo di naman niya pera ang ginasta sa mga kalye, etc. na matagal nang dapat ginawa maliit pa ako sa totoo lang…

    May kupit pa nga ang mga walanghiya—iyong mag-asawang Pidal at mga alipores nila lalo na iyong mga kalyeng ginagawa sa Pampanga at Negros gawa nang kapit nila sa leeg ang mga nakaupo doon at kasabwat pihado sa kupitan.

    Ang bobo naman ng nagpapasalamat kay Gloria Magnanakaw. Palibhasa itong mga amuyong niya di yata nagbabayad ng tax kaya di damdam ang bigat ng manakawan ng taxes ng mga magnanakaw na pinupuri pa ng mga bobo at tanga!

  182. iwatcher2010 iwatcher2010

    easy lang kaibigang grizzy..tinakot mo na naman ang tropang gago na gma die-hard fanatics….dagdag ko lang top producer na din tayo ng shabu kaya daming adik,huwag ka ng magtaka kung bakit may mga taong katulad ni dammam tigers con iwatchers201 daw hehehe…

    easy lang,baka ma high blood ka matutuwa ang mga damuho

    NO TO TRAPOS 2010!

  183. saudiboy saudiboy

    wala na yata si dammam tigers,, nag sign-off na… dammamtigers nasaan kana? musta na ang gloria mong pekeng pangulo!!!

    Conversation between Gary (V. Garcillano) and identified female believed to be PGMA (Gloria Macapagal-Arroyo) on 02 22:29 hotel June 2004

    Garcillano: Hello, ma’am. Good evening!

    GMA: Hello. Dun sa Lanao del Sur tsaka sa Basilan, di raw nagmamatch ang SOV sa COC?

    Garcillano: Ang sinasabi nya, nawala na naman ho?

    GMA: Hindi nagmamatch.

    Garcillano: Hindi nagmamatch? May posibilidad na hindi magmatch kung hindi nila sinunod ‘yung
    individual SOV ng mga munisipyo. Pero aywan ko lang ho kung sa atin pabor o hindi. Kasi doon
    naman sa Basilan at Lanao Sur, itong ginawa nilang pagpataas sa inyo, hindi naman ho kwan, maayos
    naman ang paggawa eh.

    GMA: So nagmamatch?

    Garcillano: Oho. Sa Basilan, alam nyo naman ang mga military dun eh hindi masyadong marunong kasi
    silang gumawa eh. Katulad ho dun sa Sulu, sa General Habacon. Pero hindi naman ho, kinausap ko na
    ‘yung Chairman ng Board sa Sulu. Ang akin patataguin ko na muna yung EO ng Pangutaran na para
    hindi siya maka-testigo ho.

  184. saudiboy saudiboy

    January to July Fiscal Deficit at P188 Billion

    Manila, Philippines: The January to July fiscal
    deficit of the National Government reached P188.0 billion. The National Government registered a deficit in July amounting to P34.6 billion.

    Revenue Performance
    Revenue collections reached P644.1 billion for January to July. Actual collections were recorded at P433.2 billion for BIR and P129.0 billion for BOC. The Bureau of the Treasury income was recorded at P42.7 billion or a growth of 17% compared to the same period last year while collections from other offices was recorded at P39.2 billion.

    Expenditures

    For January to July 2009, total disbursements amounted to P832.1 billion, 18% higher than the comparable disbursements in 2008. Excluding interest payments, total disbursements increased by 22%. Actual disbursements in July amounted to P133.0 billion.

    Oh my God! Pandak na unano Glue… este Glo pala what hapen?? I thought ur an Economist bakit Deficit? dammamtiger bakit ganito ang ginagawa ng pekeng pangulo?

  185. Dammam DIN Dammam DIN

    Kaibigang Saudiboy!!!!!!

    Kailangang nating sagutin ang tanong ni Dammam Tigers kung sino ang Da Best sa huling 5 pangulo.

    Dahil kung ako tatanungin ninyo, lahat silang 5 ay walang kuwenta….

    Siguro likas na sa ating mga pinoy ang ganun. Kaya dapat maparusahan silang lahat except kay Tita CORY, para maging aral sa mga susunod na magiging pangulo ng Pilipinas.

    Kaya ako against sa mga past presidents.

    Sana mapili natin si MR. Right President sa 2010 Elections..

  186. saudiboy saudiboy

    National Government Debt Increased to
    US$88,842,105,263.16 Billion dollars as of End May 2009

    Manila, Philippines: As of May 2009, the National
    Government debt declined by 0.9 % or P39 billion from the end April 2009 level. Total outstanding debt stood at US$88,842,105,263.16 of which, P1.817 trillion or 43% is owed to foreign creditors and P2.403 trillion or 57% to domestic creditors. The decrease in NG’s foreign debt of P40 billion or 2.2% from the level as of end April 2009 was due to the P48 billion appreciation of the peso against the US dollar and P2 billion net repayments. This was partially
    offset by the P10 billion net appreciation of various currencies against the US dollar. The domestic debt increased by P1 billion or 0.1% from the recorded end April 2009 level arising from the net issuance of government securities made by NG.

    On the other hand, the contingent debt of the National Government, composed mainly of guarantees issued by the National Government, increased to P588 billion, higher by P36 billion from end April 2009 level of P552 billion. The increase was attributed to the foreign contingent obligations due to the combined effects of the P46 billion net availments and P2 billion and P12 billion appreciation of major currencies and the peso against the US dollar, respectively.

    This is not fabricated… this is the real data from Dept. Of Finance. To Dammam tigers please save this Data for ur reference at kung magkikita kami ni Glue este mali na naman Glo pala as in pandak na unano bibigyan ko sya ng limos sabay sampal ng data na ito.

  187. Dammam Tigers Dammam Tigers

    Alam mo Saudi Boy. Wala ka yatang magawa sa buhay.
    Kasi lahat ng sinasabi mo ay KASINUNGALINGAN.

    Saka Give repect to President GMA. Kasi siya pa rin ang ating Pangulo (nahalal ng bayan & legal in any respect).

    Hanggang ngayon. Siya pa rin ang best option……

  188. saudiboy saudiboy

    talaga lang ha? so musta na ang con-ass nyo? Gusto mo pa rin ba sya maging pangulo? hindi mo ba alam na may requirement na ngayon sa COMELEC bagong requirements… kailangan… 5’4 ang height mo!! so hindi na sya magiging pangulo kahit gustuhin mo. di ba dtigers??? kc pandak sya eh! har har har!!!

  189. iwatcher2010 iwatcher2010

    huwag ng patulan..adik nga talaga,yung surveys, studies at reports ng independent foreign watch group mali daw, yung mga datos ng coa,dept of finance etc. mali daw, yung resulta ng report ng local watch groups mali daw, yung mga corruption issues mali daw at tayo daw sinungaling….at humirit pa,best option pa rin…talaga lang ha???

    cute mo,at galing mong magpatawa miyaw miyaw miyaw

  190. Balweg Balweg

    Ano balweg… Bakit di ninyo masagot tanong ko?? Sabihin mo kung sino ang Da best na Pangulo???

    Opppssss…nalingat lang akong sandali at nagpapawis lang eh nag-enjoy na kayo sa Balagtasan!

    Kgg. Dammam TIGERS, tutal open discussion ito e NAWA walang personalan at maging educational ito sa ating lahat…ok!

    My recent research based on the real DATOS ok…pls. read it carefully para maunawaang mabuti and if you have some questions about my answer e mag research tayo para maging malalim ang pagkaunawa sa iyong question?

    Erap admin had highest net satisfaction rating — SWS Erap Admin had highest net satisfaction rating – SWS

    THE abbreviated Estrada presidency enjoyed the highest net satisfaction rating among Filipinos compared to the Aquino, Ramos and Arroyo administrations, according to a comparative table released by the Social Weather Stations last August 10, 2009.

    The table, which charted the Aquino, Ramos, Estrada and Arroyo presidencies from 1989 to June 2009, showed the Estrada administration setting the highest net satisfaction rating of +36 percent in December 1998.

    In comparison, the Aquino presidency had a high net satisfaction rating of +23 in February 1989, while the Ramos administration reached the apex of its acceptability to the people with +32 in September of 1992.

    The comparative table accompanied SWS’s media release for its 2009 second quarter survey, which polled 1,500 respondents using face-to-face interviews last June 19-22. In the survey, the Arroyo administration had a net performance rating of -11.

    Estrada’s nationwide +36 rating averaged ratings of +33 in the National Capital Region (NCR), +41 in Luzon, +20 in the Visayas and +42 in Mindanao.

    The respondents in the latest SWS survey were divided into random samples of 300 each in Metro Manila, Visayas and Mindanao and 600 in the balance of Luzon, with a sampling error margins of ±2.5% for national percentages, ±6% for Metro Manila, Visayas and Mindanao, and ±4% for Balance Luzon).

    The survey found 32% of adults satisfied and 42% dissatisfied with the overall performance of the national administration, for a poor net satisfaction rating of -11 (% satisfied minus % dissatisfied, correctly rounded).

  191. Balweg Balweg

    Beg you pardon Maám Ellen…kailangan kahit na pahapyaw e masagot ng malinaw ang mga unresolved questions ng iba nating Kababayang Pinoy like Mr. Dammam TIGERS.

    Although some of our threads are not exactly related to the topic(s) but still the real cause of our discussions e naka-focus sa mga nagaganap ngayon at nakaraan.

    See Mr. Dammam TIGERS…

    This event was written and published in almost newstands in our country and abroad.

    ‘Guilty’ Cory says sorry to Estrada for EDSA 2 revolt
    (12/22/2008 | 06:19 PM) source: NATION

    MANILA, Philippines – Former President Corazon Aquino on Monday apologized to former President Joseph “Erap” Estrada for helping oust him in January 2001.

    Aquino, who was one of the rally leaders at the height of the so-called EDSA 2 revolt, issued the apology to the ousted president during a book launching event.

    “Mr. Estrada ang galing mo talaga magtalumpati. Lahat tayo nagkakamali, patawarin mo na lang ako,” she told the crowd during the launching of the “Global Filipino” book of former Speaker Jose de Venecia, which was an authorized biography written by US journalist Brett Decker.

    Imagine, ang Icon ng Demokrasya na pinapangarap ni Gloria na buhayin ang alaala sa Luneta,…ay marunong magpakumbaba sa kanyang pagkakamali…ngayon sino tayo na huhusga sa pobre na tinaguriang, “AMA ng MASANG PILIPINO.”

  192. botanta sa 2010 botanta sa 2010

    Ay, nako, tama si Diego Guerrero:

    —–
    Ibang klase ang pulitika sa ating inang bayan. Pere-pera lang kaya ang mga political dynasty ay naka-kapit sa puesto hanagang ngayon. Hawak nila ang lokal Comelec sa kanilang teritoryo.

    Kailangan talaga ang automation para iyong mga titser na nasuhulan, maging wala-epek.

  193. Pasensiya na, Iwatcher, pero di ko talaga mapigilan ang galit ko sa mga bobo na tanga pa kasi niyu-human traffic na nga ang mga pilipino, pinupuri pa iyong bugaw or in other words, “white slaver.” Sabi nga ng nanay ko na nasa Tate, ano pa daw ang pakialam ko sa Pilipinas? Sagot ko sa kaniya, “Wala! Gusto ko lang balang-araw na maipagmalaking doon ako ipinanganak.”

    Sa ngayon ni di ko nga masabi sa mga kapitbahay kong may lahi akong pilipino. Pakilala ko sa kanila, American-Japanese ako para lang huwag akong ma-discriminate gawa nang ang tingin sa mga pilipino dito kung babae, parang lahat mga puta dahil halos lahat naman talaga nagtrabaho sa club, bar at mga Turko bath o tinatawag na “brothels.”

    Ayokong ma-discriminate at lalong ayokong matawag akong “Japayuki” dahil di naman ako nagtrabaho sa bar at club sa Japan. Sayang ang sinayang kong kilay sa UP at Oxford kung ganoon lang pala ang babagsakan ko. Besides, di naman akong masamang anak para ipahiya ang mga magulang sa mga ganoong uri ng trabaho lalo na’t malaki ang sinakripisyo nila para sa akin at sa aking mga kapatid.

    Ngayon naman makikilala ang mga pilipiino dito bilang taga-punas ng puwit ng mga matatandang hapon at kundi sila makatagal doon, tiyak papasok na ding mga hostess itong bagong binbubugaw ni Gloria Mandurugas. Sagwa di ba?

    Never kong narinig sa mga kapitbahay ko dito for instance na nagpasalamat sila sa Mayor namin for instance ang madaliin namin ang pagpapakabit ng ilaw sa kalye namin para maliwanag at di pasukin ng mga daring na magnanakaw na karamihan ay mga intsik! Trabaho kasi nila iyon kaya nga sila binoto.

    Tangnanay nila sa Pilipinas, may mga billboards pa ang mga ungas na akala mo naman inubos nila ang mga sahod at ninanakaw nila sa mga projects kuno nila. Taxpayers’ money naman ang inuubos nila dahil padded pa ang mga bills nila.

    Lumang tugtugin na sa totoo lang. Maliit pa ako tinatalakay na ang mga ganyan. Hanggang ngayon di pa rin nabago. Ang masama akala ng mga tanga at bobo, tradisyon na iyon. May nagsabi pa nga sa akin na kultura na raw iyon.

    So? Kung kultura na di na dapat pang baguhin kahit na lantaran na ang ginagawang pagnanakaw? Iyan ang bobo! Huwag na nilang sabihin na ang bansa nila ang “the only Catholic country in Asia”! Labag sa 10 Commandments ang pagnanakaw, di ba?

  194. OK iyong sinabi na nag-sorry si Cory sa ginawa niya kay Erap, pero iyong paulit-ulitin pang pangdiyo-diyos ke Erap e nakakapika na.

    Para sa akin, dapat tumahimik na si Erap at kung talagang gusto niyang tumulong para mailuklok ang mga matitino sa puwesto sa gobyerno, turuan niya ang mga kababayan niya lalo na iyong mga di nakapasok ng eskuwela dahil lahat naman ay biniyayaan ng Panginoon ng kahit kaunting dunong, sa pamamagitan ng paggawa niya ng mga pelikulang gaya noong mga pelikulang ginagawa ni Michael Moore.

    Kung quality product pa nga, puede niya ipa-distribute sa ibang bansa. Sa totoo lang diyan naging milyonaryo si Michael Moore.

  195. Taragis, gagawa daw ng pelikula si Erap kasama iyong komekerang si Ai-ai at may papel pa yata iyong mga nag-traydor sa kaniya. Nasaan naman ang sense niyan?

    OK, bibilib ako sa magandang layunin ni Erap kung ang profit at earnings ng nasabing pelikula ay i-donate niya sa kandidatura nina BGen. Lim at Col. Querubin regardless of whether or not they join his party. Kundi malinaw na namumulitika lang siya, and he deserves what he gets!

  196. baguneta baguneta

    Grizzy, gusto ko yung senatorial line-up mo nina Querubin, Lim at ka Satur. Hindi ba pwedeng isama si Teddy Casino ng Bayan Muna?

  197. dandaw dandaw

    Grizzy, Did you know that the Philippine Embassy in Kudan used to belong to Yuko Onos’ family? I know the story because the sale was negotiated by someone I know. So that house and land in Kudan was bought to house the Philippine Embassy. That land and building in Stockton Street in San Francisco belong to the Philippine Government. Any President or politician of the Philippines has no right whatsoever to sell any Philippine government properties. The Subic and Clark Field was leased to the American Military by the Philippine government but as I understand now is the private Airport of pandak and her cronies. Any profit realized in those bases should be shared with the Filipino people.

  198. Yes, we know. The name is not Yuko Ono, though. It is Yoko Ono, the wife of John Lennon, who was a granddaughter of a Marquis, and whose father I am told was a banker of the famed Mitsui clan.

    You bet, the patrimonies of the Philippines are not for the Dorobo turned president and vice-versa to sell, especially the properties in Japan that were given to the Philippines as war reparations payments.

    The property in SFO I am told was sold with the cooperation, etc. of the sister of Ninoy Aquino. Talk of the family corporation during Cory Aquino’s reign!

  199. Kasama ba si Teddy? Ang alam ko si Liza Masa ang kasama ni Ka Satur.

  200. MALYN MALYN

    Yes, handa kong suportahan and kandidatura kung saan mang partido ang sasamahan ni Gen. Lim and Col. Querubin, kase sila ang karapat dapat sa Senado hindi mga trapo, at lalong hindi corrupt, ang ipinaglalabanan nila ay puro sa kapakanan ng bayan handa silang dalawa na magsakripisyo para sa sambayanan

  201. iwatcher2010 iwatcher2010

    welcome malyn..salamat sa mulat mong kaisipan

    mabuhay ka!

  202. Welcome to the blog, MALYN.

  203. To tonguetwisted,

    Why do we have this present political set-up?

    This is what is meant by the replacing of the Americans of our organic institutions including our Malolos Constitution, defense and our political intitutions with another apparently Filipino institutions when they invaded us in 1899. But it was a corrupted version designed basically to perpetuate their control on us. This control was facilitated in the function of the corrupted version of the apparently Filipino institutions which injured our identifying ourselves with our nation. Ourselves was cut-off from our inherited nation thru the different institutions including political, education and culture. What evolved was individuals having a document to claim Filipino citizenship. Individuals living for self with the nation as a tool for individual or familial material desires. The cost of us receiving this synthesized psycho-social virus was the worship of and dependence to our American invaders up to today. The cost was limited to what the Americans want from us. The cost is every aspect of life of our nation is based on benefits for the Americans. We can have all the elections we want, we can vote for all the candidates we want, we can embrace all the lofty principles we want. We can, why not? For as long as it is within what best benefits our American invaders.

  204. This is now the result of that Heredity Injuring Virus the Americans transmitted to us in the 1900s. We are within that corrupted institution.

    If we are a computer, updating is not the solution. The files and function are still the substance. If we upgrade, the corrupted files and function will still be there. What we need is to reformat to recover what is still left of the original files- the remaining substance. Only when we have reformatted and recovered the remaining original files can we do with whatever we want with our computer.

    If we are an individual biological entity, we need to cut out that virus.

  205. BEWARE!!: Dodong,Bitchevil (and other names he has used before) have been banned from this blog site.

    He has resurrected under other names, using the login name of other legitimate visitors here (including my name). In the past 24 hours, he has resurrected here under these names:

    Susy, Andres, Taga-dagat,dandaw,Habib. Dodong, bitchevil.

    I’m taking the matter to authorities. Something is being done with him but let’s be warned.

  206. andres andres

    I don’t like Villar!!! Sayang ang mga batang kumampi sa kanya tulad nina Tamano at Remulla. Mga batang bilib na sana ako at akala ko ay pag-asa ng bayan nguni’t mga batang TRAPO pala!

    No to Adel Tamano and Gilbert Remulla as Senators!

  207. MPRivera MPRivera

    Ellen,

    I know Habib. He’s just a foot away from where I am. But if that’s your decision, I know he will and can understand.

    Anyway, it’s your blog and we are just visitors who should observe decency, civility and follow house rules.

  208. MR, the nuisance blogger used “Habib” this morning. I know he was not the legitimate”Habib just like “Andres” because of the other features.

    He even used my name the other day when he threatened to ban everybody.

  209. “alabo ang kandidatura ni Estrada dahil malamang hindi siya papayagan ng korte. Kahit pa anong pahayag ni Estrada na qualified siya tumakbo, sa akin hindi ako boto na babalik sa pagka-presidente si Estrada. Binigyan siya ng pagkakataon ng taumbayan at ipinalpak niya.”

    Agree ako diyan, Ellen.

  210. MPRivera MPRivera

    I understand, Ellen.

    Kaya lang, ‘andu’n si Habib. Naglulupasay. Bakit daw siya nadamay eh wala naman siyang kasalanan.

    He he heeh!

    Anna, ang pagkandidato muli ni Erap, para sa akin ay more on patunayan niya sa sarili niyang kaya pa niyang manalo sa eleksiyon which cannot be denied owing to his still being popular sa mga tao. Subalit, gaya na rin nang mga nauna kong puna sa kanyang muling kandidatura, ibigay na lamang niya sa iba. Buuin niya’t pagkaisahin ang nagkakawatakwatak na oposisyon at humirang ng isang common candidate upang huwag ng mahatihati ang boto ng kanilang mga tagasuporta.

    Mas mamahalin pa siya ng taong bayan kung isasakripisyo niya ang kanyang ambisyon. Napatunayan na niya ‘yun noong una, hindi nga lamang niya nagawang tuparin ang ipinagkatiwala sa kanya ng sambayanan – ang maayos na paglilingkod na walang kinikilingan.

    Para kay Erap, TAMA NA. Mamahinga na lamang siya o mas makakabubuting maging adviser na lamang ng magsisilbing pangulo mula sa hanay ng oposisyon.

Comments are closed.