In the latest tragedy in Basilan where more than 40 lost their lives, 22 of them members of the Armed Forces of the Philippines and one from the Philippine National Police, the public’s heart goes out for the soldiers and the police.
But they are angry at Gloria Arroyo, the fake commander-in-chief.
Read and feel the rage of the people:
Bukang Liwayway, a retired soldier (after reading Inquirer’s account of the mutilated slain soldies): “Tumulo ang luha ko matapos matunghayan ang kaganapang ito, gayundin nang Makita ko ang mga kabaong na napakaaba upang paglagakan ng mga labi ng mga kawal na buong ga kabaong na napakaaba upang paglagakan ng mga kawal na buong giting na nakipagtunggali sa kaaway ng katahimikan na naging sanhi ng kanilang kamatayang tila balewala lang sa kasalukuyang pamunuan.
“Nagpapakabusog sila, nagagawang magsawa sa kabila ng pagdurusa ng iba subalit hindi man lamang sumagi sa isipan na bigyang kalinga at pagpapahalaga sa maliliit na kawani at karaniwang kawal na ginagawang kasangkapan kapag tumatanggap sila ng batikos bunga ng pagbubuhay marangya.
“Saan tayo patutungo, ano ang ating hinaharap kung hindi pa tayo kikilos ngayon? Yayao tayo, iiwan ang ating mga supling at mga apo, ano’ng kinabukasan ang naghihintay sa kanila sa ganitong uri ng pamahalaan?”
Phil Cruz shares said Bukang Liwayway’s outrage: “ I feel the same as you and the many many more monitoring this sad and tragic event.
“So many of the foot soldiers joined the service because they had nowhere else to go. It was a way to earn a living and provide for their loved ones. Now many are gone. Mutilated, beheaded. In defense of our country, led by incompetents! A tragedy of immense proportions.
“Grizzy says,” Kawawa talaga iyong mga sudalong ipinapain ng mga walang utak sa mga kalokohang pinaggagagawa nila.”
Tongue-Twisted squarely puts the blame on Lt. Gen.Ben Dolorfino, commander of the Western Mindanao command. He racalls one of the incidents when Dolorfino was ‘hostaged’ by an MILF commander.’
Tongue says: “I don’t understand why Dolorfino is still there.
“Do we really have golfish-short memories to forget that this moron, together with a presidential adviser and some soldiers, were captured by Ustadz Malik when he went to the MILF camp to negotiate the surrender of 48 inmates that escaped the Kidapawan jail which includes suspected terrorists?
“His excuse was that he was asked by Malik to spend the night there and come to agree on the schedule when the tripartite dialogue between MNLF, OIC and GRP would push through. As if we didn’t know that MILF was formed out of disgruntled MNLF commanders who didn’t agree with Misuari’s autonomy agreement with Imelda/Khaddafy and instead were pushing for secession.
“Why would Malik pursue a tripartite meeting that would uphold mere autonomy, that is very un-MILF! Further, MI does not speak for MNLF. Oh again, he expected us to believe the contrary, and this bozo is a general and was even promoted to Westmincom commander after his stint from NCRCom.
“Second, was it his busines to negotiate for the return of the jail escapees when it was the job of the police to enforce the law on common crimes?
“Finally, his official excuse that they were asked to spend the night is totally unbecoming. He should have been sacked immediately after this fiasco. He was literally and figuratively admitting they were sleeping with the enemy for crying out loud!
Edd Fajardo, another retired soldier, shares Tongue’s opinion of Dolorfino: “Sa totoo lang, si Dolorfino ang dapat managot sa recent military failure sa Basilan. Being the Chief ng Westmincom, responsibilidad niya ang lugar na ito at alam dapat niya na ito ang pugad ng lawlessness katulad ng Sulu.
Problema nga lang, typical sa mga malalakas na heneral ni Arroyo, karamihan sa kanila ay talaga namang hindi qualified mag lead at kaya nga lang nasa posisyon sila dahil sa palakasan system. Too bad, our AFP is becoming weaker and weaker under this fake government of Gloria Arroyo.
I –Watcher has a suggestion: “Sana yung mga anak ni Queen gloria ang isalang din sa labanan sa Sulu at Basilan para maramdaman naman nila ang panaghoy ng isang asawa’t mga anak, mga magulang at mahal sa buhay
“Maramdaman sana nila ang sakit na mawalan ng isang padre de pamilya sa isang di malinaw na giyera ni Arroyo.
“Maramdaman nila ang hinagpis at sakit sa di-makataong pagkamatay sa kamay ng mga bandido.
“O kaya si Kingpin Pidal kaya ang pumalit kay Dolorfino at gawing batallion commander sina Mikey d Horsie at Dato d Pato at ang mga Tongresman at mga trapos natin bigyan ng armas at isabak sa giyera para naman may pakinabang sa ating bansa.
“Siguro mas gaganahan ang mga Abu Sayyaf at MILF na pumatay at mamugot ng ulo pag nalaman nila ang kalaban nila ay ang mga politicong polpol.23 lang naman na Tongresman lang ang pugutan ng ulo ay okay na sa akin.”
Walang ibang dapat sisihin sa Basilan tragedy (naman) kundi ang pekeng presidente! Command responsiblity, kahit peke ang Commander!
Sa totoo lang, si Dolorfino ang dapat managot sa recent military failure sa Basilan. Being the Chief ng Westmincom, responsibilidad niya ang lugar na ito at alam dapat niya na ito ang pugad ng lawlessness katulad ng Sulu.
Ang tagal naman, e bakit di sibakin yang si Dolorpino…walang guts yan to lead the Westmincom? Common sense, palpak ang military strategy…dapat kasi secret ang misyon kung sasalakay sila, aba e akalain n’yo ba naman na magasked pa ng permission sa MILF? Hayon, natural na makapaghanda ang mga rebelde at yari sila, kita nýo ang daming nadedo.
Palitan yang si Dolorpino?
Hoy Balweg, obviously wala kang alam…. hindi mo pa alam na may Peace process na between military and MILF. Kung hindi ka mag papasintabi sa mga kausap mo pwede silang madamay at mag kakaron uli ng gulo between MILF and Military… yung mga MILF na rumesbak at tumulong sa abu sayaf ay mga inampon na ng abu sayaf yun… mind you, tagumpay ang pag kubkub sa training ground ng mga abusayaff oldo may mga namatay but it happens! kaya manahimik ka balweg yang bunganga mo pang palengke lang yan, kung dadalhin ka sa basilan walang panama yang bunganga mo MAUUNA KA PANG MAMATAY IM SURE!
Puro ka reklamo balweg! ikaw ba may magagawa sa gulo sa basilan??? gaya nga ng sabi ko, if dadalhin ka sa basilan with your BIG MOUTH…mauuna ka pang mamatay! sisi ka ng sisi pero wala ka namang alam! o sya mamalengke ka na! bye!
Ano kaya nuong medieval times mangyari uli when the king/queens would lead the armies themselves off to war. Kaya mas maingat sila sa pananalita o mga treatises. Of course, marami ring war-freaks pero ano kaya ilagay itong mga liderato from top to bottom in the battlefield?
To digress a bit but also to follow my thread—my husband accompanied some DENR men to look at some illegal logging sites up the mountain. DENR na ito,ha? They were ill-prepared for the leeches and hiking. Aside from that may mga baon pang Jollibee hamburger at nang matapos kumain ay itinapon na lang ang mga wrapper sa kung saan-saan.
What I am saying actually is…pag sanay ka sa aircon rooms ay salaula ka at ignorante kapag nasa “field” ka na.
Braguda,
Reklamo ba ‘yung sabihin ni Kasamang Balweg ang katotohanan at pagkukulang na may kasamang katangahan ni Dolorfino?
Kaibigan, matagal na ang pagtugis sa Abu Sayyaf, wala pa ring nangyayari. ‘Yung isang bala ni gloria, ngayon ay sako sako na, ganu’n pa rin.
MILF naman, kaibigan kapag kaharap, pagtalikod mo ay Abu Sayyaf.
Kapag gustong magpabango ni gloria, all out war, annihilate ’em, pulverize ’em. Subalit kapag medyo humuhupa na ang clamor ng taong bayan, ceasefire. Ano bang commander-in-shit ‘yan? Katuwang pa ang bagong WestMinCom chief na si Dolorfino na isang pulpol na bobo’t gago, ang labas ng mga kawal ay parang mga kakaning-itik na parang inialay sa hapag ng mga demonyo.
Ako, kahit dating sarhento lamang, alam ko kung paano tutusukin ang pinakamahinang parte ng MILF at Abu Sayyaf na magreresulta ng kanilang pagkalansag. Pero hindi ito ang tamang lugar upang pag-usapan natin ‘yan.
Braguda, alam kong sundalo ka rin, maaaring isang opisyal, at kung alam mo ang special operations tactics at intelligence operations, alam mo ang pinupunto ko. Indicators lang ‘yan.
Medal of Valor urged for lieutenant
Army chief Lt. Gen. Delfin Bangit said Evangelista’s death is a big loss to the Army.
“It is not only bravery that he displayed, it is heroism,” Bangit said.
http://www.malaya.com.ph/aug19/news7.htm
Marunong din palang kumilala ng kagitingan at kabayanihan ang tutang ito ni gloria.
Ano’ng silbi ng parangal kung ang gagawaran ay patay na?
Matinong pamamahala. Walang luhong pamumuhay. Katapatan sa salita at gawa. Paggalang at pagsasaalang alang sa damdamin ng nakararaming aba. ‘Yan ang ilan lamang sa mga susing magbubukas ng baul ng pagtitiwala sa sino mang mamumuno sa bansa.
mbw,
Paano pa ako hindi sasang-ayon sa iyo?
Tinumbok mo na nang todo todo?
Ano bang pakialam sa mga maliliit at abang mamamayan ng mga matapobreng nagpapasarap lamang sa poder?
May araw din sila. Pagkatapos ng pamamayagpag ng kanilang pekeng pangulo, tapos na rin ang kanilang maliligayang araw. Samasama silang magpapakasaya sa loob ng kulungan upang panagutan ang lahat nilang kawalanghiyaan.
Kasamang Bukang Liwayway Sino ba yang Evangelista na iyan na kailangan bigyan ng medal of valor. Kung PMA iyan hindi na dapat bigyan ng ganoong kataas na parangal. Sobra sobra na ang perang inubos ng pamahalaan para makatapos and mga kadete. Dapat lang na mas malaking responsibilidand ang ibigay sa kanila. Parte ng tunkulin nila ang magbuwis ng buhay bilang pagtanaw nu utang na loob sa maga mamamayan na nagbabayad ng buwis. Kung ang PMA ay bibigyan ng parangal siguro dapat naman bigyan ng mas malaking parangal and mga sundalo na nagunguna sa pagtugis ng mga rebelde.
Ka Lucing,
Itong si Lt Evangelista ay team leader ng Scout Rangers na na-pinned down ng mga kaaway. Sa kabila ng grabe niyang tama ay pinangunahan niya ang pagtatanggol at hindi inalintana ang kanyang kalagayan.
He held his ground, rallied his men and did not just give up to pressure. Not minding his wounds, Lt Evangelista fought valiantly until his last breath.
It is a kind of courage rarely found in any soldier/officer.
Kung sa iba lamang, katulad nina Mikey, Dato, tatay nilang patabain at mga kotonggressmen gayundin ang mga heneral na hawak ni Lola Dapangdede sa kanilang mga bayag, baka naglulupasay na’t magwagayway ng karsonsilyong puti sabay sigaw ng surrender na’y suko pa.
Bihira ang ganitong kagitingan. Sayang na buhay. Sayang ang sana’y isang pinunong marangal.
Braguda,
Matindi naman banat mo sa kasama nating si Balweg. Wala naman ako nababasa na reklamo na dapat mong sagutin ng ganong katindi. He is just supporting and expressing his independent view na si Dolorfino ay dapat na sibakin. Ako, I’m talking as a former Marine officer na dating na assigned sa Sulu, Tawi-Tawi at Basilan at may nalalaman sa persona ni Juancho Sabban, my junior, Nelson Aliaga, my senior at Ben Dolorfino, na hindi ko masyadong nakasama.
May Dolorfino brigade ba?
Bakit naman kasi ‘yung pagkakamali ay kailangan pang pagtakpan at tuwirin gayong nangyari na at ang dapat lamang ay aminin, akuin ang responsibilidad sapagkat naghuhumiyaw ang katotohanang HINDI karapatdapat na pamunuan ang hukbong lipon ng mga kawal at opisyal na handang itaya at ibuwis ang buhay mapangalagaan lamang ang katahimikan at maipagsanggalang ang mamamayan mula sa kamay ng mga mapanligalig na tulisan.
Malakas kasing pagkakitaan ang giyera para sa mga heneral na ito na hindi na yata kinikilabutan kapag ganyang nangagkalat at naghambalang ang bangkay ng mga kawal na animo’y hayop na kinatay.
Tsk. tsk. tsk.
Wala na. Lipas na ang panahong ang pamantayan upang ma-promote at mapatalaga sa maselan at responsableng posisyon ay kagitingan, karangalan at katapatan. Kailangan lamang ngayon ang marunong sumagot ng YES, MA’AM, para nang iginuguhit sa papel ang walang tigil na promosyiong sumasagasa sa mga mas karapatdapat at mapagkakatiwalaan.
Ilang buhay pa ng sundalo ang mawawaldas ng Rehimeng parusa sa bayan?
braguda, tanong ko sa iyo:
tama ba ang ginawa ni dolorfino na pina-alam sa milf na may operasyong militar silang gagawin sa tipo-tipo? kaya sabi ng mga sugatang sundalo ay nagtataka sila kung bakit parang alam ng kalaban na parating sila.
sino ngayon ang may hawak sa training ground ng aby sayyaf?
alam mo ba na ang hangad ng milf ay mabuo ang isang bangsa moro republic na hiwalay sa ating bansa?
alam mo ba na paniwala ng karamihang muslim ay sa kanila ang mindanao?
Malinaw pa sa liwanag ng buwan na may sabwatan ang AFP/Malacanang at MILF. Who’s behind this? Itanong niyo kay Uncle Sam.
Baka anak. Kawawa naman si Balweg, nabiktima din ng mga pakalat! 😛
kung maayos ang gobyerno walang away kaya naman nagkakaroon ng conflict dahil ayaw ng mga muslim na magpagago sa gobyernong magnanakaw. maraming pang buhay ng mga magigiting na sundalo (rank and file) ang magbubuwis ng buhay dahil sa kabuktutan ng kanilang mga opisyal at namumuno sa ating gobyerno.
“President Gloria Macapagal Arroyo and her entourage gave away about P6 million in gratuities during the chief executive’s working visit to the United States from July 29 to August 5.
Based on an official breakdown of expenses provided to GMA News by Susanna Vargas, Malacañang’s deputy executive secretary for administration and finance, Mrs. Arroyo’s party spent $66,000 in Washington D.C. and $59,000 in New York for various service tips.”
Kung hindi pina-pocket ng mga tiwaling generals ang pera ng militar, merong laban ang ating mga sundalo sa mga terrorists na ito. Ang ating kawawang sundalo eh butas butas ang mga sapatos. Yung mga sandata nila ay yung tira tira lang. Yung mga magagandang klase eh ibinebenta sa kalaban para makakuha ng pera. Baka pati puro noodles na lang at sardinas ang kinakain ng mga ito dahil sa liit ng kanilang mga sweldo at allowances.
Samantalang ang boobuwit eh nagpapakasarap sa ibang bansa! What a tragedy!
sa ibang bansa ay nag-e-early retirement ang mga generals na nagkaroon ng kapalpakan/anomaly, disaster with loss of lives, job/duty negligence…kahit na hindi nila kasalanan kasi may integrity sila at tinatawag din etong command responsibility. pero si mr. dolorfina ang kapal pa ng mukha dalawang beses ng pumalpak e ayaw pang mag-early retirement. bumaba ka na sa puwesto mo BOBO AT TANGA!!! saan ka ba military academy nanggaling at napakaTANGA mo. siguro absent ka noong may klase kayo ng proper techniques of military operations at war planning. saan ka nakakita na ipapadala mo ang mga sundalo na walang armor/air/artillery support? kahit sana armor lang para proteksiyon sa mga bala pero wala ang mga sundalo mo ang ipinambala mo. TANGA!BOBO!
‘Andito ‘yung umuusok na follow up ni Braguda, sa thread na MILF – Abu Sayyaf alliance.
Grabe palang tao ‘yan! Mahirap pumatol sa ganyan. Parang asong ulol!
Basahin ninyong lahat. Para tayong winalis, ah?
Bata nina Dolorfino at Joanna Martir ‘yang si Braguda kaya ganyan na lamang ang galit niya sa mga tumutuligsa sa kapalpakan ng mga amo miya.
Public officers
As the AFP suffer and weep
http://tribune.net.ph/commentary/20090820com7.html
Agree ako sa iyo, kasamang Bukang Liwayway. Naiyak ako sa article na iyon na sinulat ni Monsignor Cruz. Parang kaso ko noong umalis ako sa AFP. Hindi ko lang maubos-maisip, after so many years, ganyan pa rin ang mga kasama natin sa military. Sa mga dating sundalo na may karanasan sa bakbakan sa Mindanao, masakit alalahanin na ang mga politician ay walang nagagawa para tumahimik ang sambayanan. Kawawa talaga mga sundalo. Kawawa mga kapwa kong opisyal. Kawawa ang AFP.
Ka eddfajardo, sa katulad nating nanggaling na sa larangan, hindi lamang isa o dalawang taon kundi halos doon na ginugol ang buong panahon sa paglilingkod sa hukbong sandatahan, ang makabasa nang ganitong mga uri ng kapalpakan ng mga nakatataas ay paghihinagpis na lamang ang ating magagawa.
Kung tutuusin din ay may pagkukulang ang mga team leaders sapagkat hindi rin nila inisip na sa bawat daraanan kahit sa friendly community, maaaring may nag-aabang na kalaban. Batay nga sa pinag-aralan natin at mga karanasan, enemy strikes when least or not at all expected. Ganyang ipinaalam sa kalaban, kahit pa may SOMO agreement, para nang inihain sa katayan ang tropa.
Kabobohang matagal bago mabura sa isipan ng mga nakaligtas na ipagdurusa habang buhay ng mga naulila ng mga yumao.
Nag-search ako sa blog kong isang taon na palang nananahimik. Nagulat ako dahil ang huli kong entry ay August 20, 2008. Isipin ninyo, nung isang taon, si Kato at Bravo “kuno” ang nanggulo pagkatapos ng sumablay yung MOA-AD. Ang title ng thraad ko ay “It’s a Moro-Moro, you morons!”.
Pareho din ngayon, pumapapel na naman si Putot, kaya lang noon ay hindi nakahanda yung teleprompter kaya nagwala siya (panoorin sa video).
Nung 2008, sabi niya “Defend every inch of the territory”. Yes, yung teritoryong gusto niyang ipamigay sa MILF na hindi naman nagre-represent ng mayoriya ng mga Muslim. Ito yung order niyang wala namang silbi kundi pampapogi lang dahil di pa niya inuutos, inunahan na siya ng CGAFP. Ngayon naman “Annihilate the terrorists”.
Anong drama na naman yan? Moro-moro na naman? Kung sina Kumander Kato at Bravo ilang taon nang nanununog ng mga barangay hindi nila tinatapos, naulit pa nung nakaraang taon, hanggang ngayon hindi nila hinuhuli.
Lokohin ninyo mga tuta ninyo!
Sinong Putot? Iyon bang laging umuutot? Here in Japan, makukulong ka kapag hindi ka nag-sorry sa pag-utot. It’s a sign of disrespect for the Japanese. Kapag isang grupo at nagtuturuan ayaw umamin kung sino ang umutot, the whole group would be brought to jail until one admits. That’s the law here in Japan. Kaya nakikita niyo kahit sa pag-utot ay may disiplina dito.
susy, I don’t allow foolish comments here. Next time, I will delete it.
Check this out:
http://www.youtube.com/watch?v=FZaVFghl2pc
Ellen,
Just now, CNN aired the connection of Blackwater in the covert operations of the CIA. I remember you wrote about this operation a year or two ago, right? Who knows, baka may Blackwater operation sa Basilan?!
Ellen:
The comment above is really uncalled for. I work for the police, court and bar association in Japan as an interpreter/translation and parttime paralegal, but never heard of anyone getting indicted or charged for farting.
Please, kung magbibigay naman ng information, iyong totoo lang, especially when talking of another country that a lot many Filipinos are not even well-informed of despite the availability of reliable information. Dami kasi puro comics lang ang binabasa.
Damdam na damdam ko ang hinaing ninyo, Eddfajardo. Pero papaano naman magkakaroon ng quality ngayon ang AFP na apektado pati iyong maliliit na sundalo na kapitpatalim na rin e iyong loyalty nila dinadaan sa lagay at hindi na loyalty sa bayan kundi loyalty doon sa nagnanakaw sa kaban para ipangsuhol sa kanila.
Kawawang bansa!
Grizzy, my dear, ganyan talaga buhay sa military natin. Ako kung hindi umalis sa atin palagay ko 6 feet under the ground na rin ako. Noong panahon ko masyado akong devoted sa aking trabaho. I was so proud of myself being in the military. Mayroon din naman akong mga medalya na tinamo sa pag serbisyo ng mahigit na 9 na taon sa ating bayan at binigyan din ng parangal ng aking unit sa Marines at AFP pero kung iisipin mo aanhin mo mga iyon? Sa isinulat ngayon ni Monsignor Cruz, it brings back memories. Sad memories! Kaya nga kahit ako’y malayo na sa ating bansa, damang dama ko ang hirap ng ating mga kapwa sundalo na tunay na nag sasakripisyo sa bayang Pilipinas.
It’s becoming clear.
There is/are blogger/s here copying others’ handles just to steal attention and/or create animosity among us bloggers. Mabuti sana kung nakakatawa o kaya’y may kabuluhan ang komento. Just prickingly annoying.
And we know one here. He, who always talks for the blog owner as if he is authorized or allowed to.
Nakakaawa ang mga ganitong KSP na EKB pa. Bukod pa ‘yun sa pagiging OTM.
Nawawala tuloy ang usapan. Pasensiya na.
The post mortem of the campaign.
There was no airforce participation. wala na kaci mailipad.
There was no naval gunfire support. wala na kaci barko na umaandar.
There was no intelligence annex to the operation plan. wala na kaci marunong o walang pera.
Bakit umatake ang military? gusto lang ipakita na may mga matapang pa siguro.
Puro ka reklamo balweg! ikaw ba may magagawa sa gulo sa basilan??? gaya nga ng sabi ko, if dadalhin ka sa basilan with your BIG MOUTH…mauuna ka pang mamatay! sisi ka ng sisi pero wala ka namang alam! o sya mamalengke ka na! bye!
Kgg. Braguda, pasintabi po…sumaryosep Kabayan, ang problema nýo diyan e dikada na, kailan ba nagkaroon ng tunay na kapayapaan diyan sa Basilan?
Idinadaan kasi sa tapang eh…di yan malulutas kung di sila magbibigayan, gaano na ba ang nagbuwis ng buhay diyan? Ang daming taong nadadamay at naantala tuloy ang pag-unlad ng Basilan.
Sino ba ng reklamador kami na umuunawa sa mga nangyayari diyan o ang mga naghahari-harian diyan upang takutin ang mga ordinaryong mamamayan.
Tandaan nýo unless na walang tunay na kapayapaan diyan sa Basilan e marami pang buhay ang magbubuwis diyan either both side.
Kgg. Braguda, walang personalan…kung isa kang militar e nakikisimptaya kami sa mga naging biktima, but remember masakit sa amin lahat na mabalitaan na ang daming natodas sa mga Kawal.
Alam mo, my uncle also a General at iba pang kapamilya na militar at kapulisan e tulad mo kung isa kang militar na may puwang sa aming puso, kaya lang kung sino ang may pagkukulang e dapat akuin ito sapagka’t buhay ang pinag-uusapan dito.
Ang problema sa Basilan at iba pang lugar sa ating bansa e di matapos-tapos, kaya dapat ang militar/kapulisan e maging tulad ng USA or Turkey di kayang diktahan ng mga pulitiko.
Kaya dapat ang ating Militar/Kapulisan e maging non-partisan at ang isasaisip e ang bayan at mamamayan. Ang kaso ang daming issues na kesyo ginagamit ito ng mga vested interest na pulitiko, kaya ang daming nagrerebeldeng sundalo.
It seems like it is cheaper to bury soldiers than to give them the right gadgets so they can fight the enemies. Binubulsa na lang ng mga generals ang mga perang pambili ng mga gamit. This is our Philippine military. Kung hindi pa tatapunan ng US, o ibang bansa ng mga “hand me down” helicopters, baril at iba pa,talagang walang mga kagamitan. Yet our expectations of them are too high.
PSB:
Maliit pa ako problema na iyong mga armas ng AFP. Lahat galing sa Tate na tinatambak kahit ngayon yata ang mga nabulok nilang mga armas sa Pilipinas. Tapos iyong karamihan pa napupunta sa mga sindikato na iyong mga sirang baril for instance, pinapagawa doon sa mga gumagawa ng baril sa Cebu.
May ginawang documentary in fact ang isang TV network dito tungkol doon sa mga gumagawa for instance ng S&W na baril maliban pa doon sa native “Paltik” sa Cebu. Ako ang nag-translate ng mga interview sa mga tao doon sa totoo lang. Somehow naintindihan ko iyong Cebuano, pero kapampangan di ko ma-gets.
Pero tama ka. The real problem ay iyong pagnanakaw ng mga pambili ng armas gaya noong ginawa noong Garcia.
Another Afghanistan in Mindanao?
http://images.inquirer.net/media/networkindex/images/pic-08220349070108.jpg
Who is the commanding general? Dolforino? The same guy who was kept hostage and for whom the AFP was forced to pay “board and lodging” money a couple of years ago?