Skip to content

Ang mga bakwet

Click here (VERA Files) for an article and podcast of Siti.

Siti
Siti
Nakilala namin si Babu Siti Sanday, 57 taong gulang na Maguindanaon, na ngayon isa sa mga ‘bakwet’ sa Datu Piang, sa 5th Mindanao Media Summit sa Cagayan de Oro noong Linggo.

Ang ibig sabihin ng ‘bakwet’ at naglilipat ng tirahan. Kadalasan ito ay dahil sa may tinatakbuhan katulad ng giyera.

Patapos na ang 5th Mindanao Media Summit na ginanap sa Marco Hotel nang dumating siya dahil mahaba rin ang kanyang binyahe mula sa evacuation center kung saan magda-dalawang taon na sila doon nakatira kasama ang mga 300,000 na kapwa bakwet.

Humingi si Siti ng tulong ng media dahil sabi niya gusto na rin nilang umuwi lalo pa ngayon na magsisimula na ang Ramadan sa Biyernes.

Mahalaga ang Ramadan sa mga Muslim. Ito ang oras na binigay ng propetang si Mohamed ang Koran, ang banal na aklat sa mga Muslim.

Parang semana santa o Holy Week sa mga Kristiyano ang Ramadan ng mga Muslim. Sa kanilang pag-obserba ng Ramandan pangatlong linggo ng Agosto , sila ay nagpu- puasa o ‘fasting’. Hindi sila kumakain ng pagkaing buo. Tubig lang.

Tinanong namin si Siti kung anong tulong ang kailangan nila. Sagot niya, “Maka-uwi kami sa aming bahay. Ang matahimik kami.”

Nakakabagbag damdamin dahil napakasimple ng kanyang kailangan. Hidi siya humihingi ng yaman. Kapayapaan ang kanilang inaasam-asam.

Sabi ni Siti, magdadalawang taon na siya at ng kanyang mga pamilya bilang “bakwet”. Noong isang taon, na “puasa” sila sa evacuation center at ayaw na nila mangyari ulit yan ngayong taon.

Si Siti ang ang daang-daang mga kababayan niya at naiipit sa away ng pamahalaan at ng mga rebeldeng Muslim. Sa aming pag-uusap, halata na kampi si Siti sa kanyang kapwa Muslim.

Hinihingi nila na umalis na ang mga sundalo sa kanilang lugar. Kaya raw hindi sila maka-uwi dahil delikado raw sila matamaan ng mga mortar kapag may operasyon ang military laban sa mga rebeldeng Muslim. “Takot kami,” sabi niya.

Nang sinabi ng isang reporter na kaya nag-ooperasyon ang mga military sa kanilang lugar dahil nandoon ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Movement o MILF , sabi ni Siti, “Siyempre, lugar nila yun.”

Apat ang anak ni Siti at apat rin ang kanyang mga apo na kasama niya sa evacuation center. Nang tanungin ko siya kung ialng taong gulang na ang kanyang pinakabaang apo, ang sagot niya, “tapos na siya sa Bona. Nagbi-Bear brand na ngayon.”
Hindi katulad ng ating buhay na sumusunod sa oras at sa kalendaryo, iba ang mahalaga para kina Siti.

Sabi niya naibenta na nola ang kanilang kalabaw. “Sana makabalik na kami para mabuhay ulit,” sabi niya.

Published inAbanteMilitaryMindanao

43 Comments

  1. batong-buhay batong-buhay

    Sa pagkaka-alam ko ang fasting during Ramadan ay from sunrise to sunset. Ibig sabihin hindi puwedeng kumain, uminom, mag-sigarilyo at kahit makipag-sex. Pero pag lubog ng araw puwede na ulit. Kung ang Kristiyano ay may “Ten Commandments’ ang mga Muslim ay may ‘5 Pillars of Islam’ at ang pag-obserba sa Ramadan ay isa rito.

  2. ron ron

    ang tanong kasi bakit hanggang ngayon me gyera pa rin sa mindanao? yung ay dahil hinde talaga seryoso ang gobyerno na wakasan ito, puro dada kulang sa gawa kaya maraming sundalo at sibilyan ang nadadamay..

  3. Ang pagkaalam ko ang “bakwet” ay lenguahe ng mga bading. Tulad ng “Bakwet mo ako dinedma?”.

  4. as far as i know.. bakwet is to transfer from one place to another

  5. Puwede din salitang bata ang bakwet na ibig sabihin nila’y “basket”. Small kids sometimes have difficulty pronouncing…

  6. sandinista sandinista

    Ang problema ng Mindanao eh nag-uugat sa ethnic and religious discrimination nating mga Kristiyano sa mga Pilipinong Muslim. Since mga Kritiyano rin ang nasa gobyerno, karga nila ang diskriminasyon na ito kaya di makatotohanang resolusyon ang naipatutupad sa Muslim-dominated areas ng Mindanao.

    Don’t take me wrong mga ka-Ellenville, Kristiyano po ako, pero ‘di ko nakita o naramdaman sa mga pagbisita ko sa Mindanao ang tunay na multi-racial and multi-ethnic harmony na nakita ko sa Singapore or Malaysia. Kasi ang multi-racial harmony ang isa sa mga top agenda lagi ng mga gobyerno nila, kaya at times sa Singapore, kahit harsh, forced integration ang ginawa nila para mawala ang natural tendencies ng bawat ethnic race to re-consolidate among themselves only.

  7. My understanding of “Bakwet” derived from the words “Evacuate”

    The problem in Mindanao is a recycle issue.Whoever will become the president in our country they will face this kind of problems.There will always be an influx of “Bakwet”.

    It is common knowledge that the Muslim problem in the Philippines dates back to colonial times of the Spanish Conquistadors.

    Some of the most intense Christian-Muslim conflict cannot simply be reduced to religious infighting because they also involve issues of race, class, culture, economics and politics.

  8. Cocoy is correct. Some Filipinos cannot pronounce “evacuate” so they say “e-bakwet”.

  9. Ang mga nagsilikas mula sa Lanao nung umatake ang grupo nila Kumander Kato at Bravo ay hindi pa rin nakakauwi sa mga bahay nila, Agosto din noon. Nagpuasa sila sa evacuation centers. Wala na ngang makain, itinigil pa ng UN ang feeding program nung kidnaping ang Red Cross workers. Sa madaling-salita, halos isang taon na silang nagfa-fasting.

    Samantala, si Putot at mga kampon niya ay nagfa-fast eating sa New york at DC.

  10. karl marcus karl marcus

    I think the word bakwet was derived from the English word evacuate, it was just shortened to vacuate

  11. Bakwet niyo ba pinagtatalunan ang salitang “bakwet”?

    Fasting is for the holy ones while fast eating is for the evil ones.

  12. II have nothing against the Moslems in Mindanao. They are Filipinos, too, and need not to be butchered by the creeps who follow te orde of their fake president, a reason why the thinking and more loyal to their country are now in jail. Bakit iyan di makita ng mga sundalong dapat umaalsa nang lahat laban sa maldita. Pero sabi nga ng kaibigan ko sa loob, napalitan na raw ang karamihan sa kanila ng mga bagong recruit noong dugong aso, most probably karamihan sa kanila ay mga descendants noong mga taga-Macabebeng nire-recruit ng mga kastila para mag-guardia civil laban sa mga kapwa nila pilipino, thus, the name dugong aso.

    Pinapaubos na lang siguro ngayon doon sa mga kasabwat nilang moro na siya ring inuutusan na mandaya para kay Tapalani iyong mga suspetsa nilang mga potential rebels na maaaring gumaya doon sa mga nakakulong ngayon sa Tanay, etc.

    Kawawang Pilipinas! Nasadlak na talaga sa dusa. Pag nagtagal pa ang walanghiyang iyan, wala na talaga. Pati kulturang matino ng mga pilipino, pinatay na. Mas marami pang puta at busabos ngayon kesa noong panahon ng Martial Law sa totoo lang! Sirang-sira na ang reputation ng mga pilipino sa totoo kahit saan.

    Sa cyberspace nga, ang salitang pilipina ngayon ay synonymous na sa prostitution, sex, sex perversion at fornication na dahilan kung bakit winasak ng Diyos ang Sodom at Gomorrah. Remember?

  13. Mas maraming mahinhin pa ring Moslem na babae kesa naman doon sa mga hypocrite na pasimba-simba pa kuno. Asus iyong litrato ni Gloriang nagdarasal daw. Nakasimangot ang animal at halatang-halatang hawak ng demonyo. Di pa magdasal na lang doon sa closet sa palasyong katabi ng mabahong ilog kesa mag-pretend pang every holy siya. Pwe!

    Ang mga babaing Moslem na nanlalaki, pinupugutan ng ulo. Dapat ganyan din ang ginagawa doon sa mga lalakerong kristyano daw! Pwe ulit!

  14. taga-ilog taga-ilog

    ang salitang bakwet ay mula sa evacuate. ginamit ito ng mga taong di marunong mag english noong panahon ng hapon na ang ibig sabihin ay aalis sa isang lugar na may gulo.

  15. Kalampag Kalampag

    maraming kapampangan na ang sarili ang mahal nila tulad ni gloria. makasarili, manhid, matigas ang mukha, malibog, lastog, etc.

  16. ofw ofw

    kaming mga ilokano ang salitang (bakwet)ay lumikas sa tagalog pag may giyera sa lugar kaylangan mong lumikas.syempre pretending banal para magmukhang relehiyosa kahit nakaamoy ng tae ang pagmumukha hindi lahat ng rebelde ay halang ang kaluluwa.

  17. Valdemar Valdemar

    64.

    I asked a little boy at the jolo pier why they would not stop fighting. He replied that the army dont surrender yet. Its really senseless annihilating the military this way. The military acknowlege that the other side has superior forces, superior arms, courageous warriors and they dont even deserve pensions and monthly combat pays. The police cannot even enforce anything in the southern turf more importantly the gun ban.

  18. taga-ilog – August 18, 2009 6:39 am

    ang salitang bakwet ay mula sa evacuate. ginamit ito ng mga taong di marunong mag english noong panahon ng hapon na ang ibig sabihin ay aalis sa isang lugar na may gulo.

    ***Kung panahon ng Hapon iyon, ang ibig sabihin siguro “Bakwero”.

  19. taga-ilog taga-ilog

    dodong,

    di ko alam, kasi nabalitaan ko lang yun sa mga matatanda, e.

  20. @Yuko

    I agree nadegrade ang bansa natin,pwedeng umunlad anf pilipinas at maayos ang mga problema natin pero ngayon puro na lang sana,masyado nang distorted ang bansa natin sa totoo lang….

  21. Sa totoo lang naiinis ako sa mga nakakasukang nangyari sa bansa natin but I will remain to be proud of our country and be positive…..

  22. sandinista sandinista

    To all:

    Wala naman pong regional discrimination or bigotry — iwasan na muna natin ang pag stereo-type ng mga kapwa natin Pinoy kung di natin ka-probinsiya. Wag pong sasama loob ng mga kapwa ko taga-Ellenville… nagpapaalala lang po..

  23. @Sardinista
    I agree on that we should work together and stop fighting,we should not allow others to stop us from doing that…..

  24. sandinista sandinista

    Mumbaki:

    Thanks po!

    Off-topic: To all

    Pandagdag sa pagkulo ng dugo natin, hango sa PERC Risk Assessment Report about political and security risks and corruption level ng Pinas (sorry Ate Ellen, di pwede link kasi may subscription po ito, promise mas maikli kesa may previous nobela post):

    “Risks are moving higher as a result of continuing corruption controversies and the negative impact that rising rice and other food prices are likely to have on social stability. WE HAVE NOT RAISED OUR GRADE ASSESSING CORRUPTION (in the Arroyo administration). IT IS ALREADY VERY HIGH.”

    Susmaryosep! Kung may grade palang 100 sa subject na paano mangurakot, elevated na si GMA at mga alipores niya!! Here’s more:

    “Mrs. Arroyo should be able to see the storm through to the rest of her term, which is due to end in 2010, but the attacks are having a negative impact on the economy and investor confidence.” — AT ANO ANG DAHILAN BAKIT NEGATIVE ANG PERCEPTION NATIN AT NG MARAMING INVESTOR SA KANYA? Read below for the conclusion of PERC:

    “THEY (the Arroyo administration and her family) DID NOT MIND SADDLING THE COUNTRY WITH INFERIOR INFRASTRUCTURE AT AN INFLATED PRICE FOR THE SAKE OF THEIR PERSONAL PROFIT. It could also aggravate the government’s fiscal problems, which would, in turn, further hurt investor confidence and push up foreign borrowing costs.”

    No wonder bakit ang bilis humaripas palabas ng gobyerno ni Ralph Recto — I’m sure he came across this kinds of reports sa NEDA.. At si Cong. Mandanas ng Batangas (kasama po siya sa US junket trip lately) ang tigas ng mukhang magpa-interview kanina za DZMM na sulit naman daw ang ginastos nila sa US trip with GMA kasi humanga naman daw mga US Congressmen at Senators, at mga US investors sa galing ng economic and business presentation ni GMA.. HA HA HA!!! DREAM ON!!!!

  25. mumbaki – August 18, 2009 10:22 pm

    @Sardinista
    I agree on that we should work together and stop fighting,we should not allow others to stop us from doing that…..

    ****I also agree…with you mumbaki and Satanista.

  26. sandinista sandinista

    Off-topic: Sa corruption index naman tayo, base on Transparency International GCR 2008. With an index of 1 to 10 (10 means almost zero case of corruption) and a passing mark of 5.0, below is our ranking compared to our neighbors (out 180 countries):

    Singapore 9.3 (4th)
    Hongkong 8.3 (14th)
    Taiwan 5.7 (35th)
    Malaysia 5.1 (43rd)
    Thailand 3.3 (93rd)
    Vietnam 2.6 (129th)
    Philippines 2.5 (136th)
    Indonesia 2.3 (144th)

    This year, with the re-election of SBY as Pres. of Indonesia, it is expected that their index will improve. In short, malamang this year Cambodia, Laos, and Myanmar na lang ang nalalamangan natin.

  27. sandinista sandinista

    Bos dodong — Sandinista po, hindi Satanista… baka ipa-exorcise ako ni Ate Ellen niyan, he he he

  28. Sorry po, Sardinasta.

  29. Balweg Balweg

    Ang pagkaalam ko ang “bakwet” ay lenguahe ng mga bading?

    Igan Dodong naman sounds like bading word but…they used the word “bakwet”, but actually this is a Tagalog word,derived from “bakwit’…ang ibig sabihin ay the same from the word they used as bakwet.

    Root word: bakwit meaning: likas, alis, larga, lisan
    Present Tense: nagsisibakwit
    Past Tense: nakabakwit
    Future Tense: magbabakwit

  30. chi chi

    Even MILF rejects Manny http://www.malaya.com.ph

    Hehehe!

    Wala si PacQ sa kalingikingan ni Nonito Donaire, WBA interim super flyweight champion, who dedicated his win…”This one’s for Cory for the honor and respect she gave the Filipinos”.

    That’s my man!

    OK, dapat ay magbakwet na si Manny kasama si Panduck dahil ayaw naman sa kanya kahit MILF bilang embalsamador of peace.

  31. chi chi

    “Apat ang anak ni Siti at apat rin ang kanyang mga apo na kasama niya sa evacuation center. Nang tanungin ko siya kung ilang taong gulang na ang kanyang pinakabatang apo, ang sagot niya, “tapos na siya sa Bona. Nagbi-Bear brand na ngayon.”

    Napangiti ako, sweet ang dating ni Siti.

    Dasal ko lang ay makamtan nilang lahat na bakwet ang makabalik sa kanilang sariling tahanan at mabuhay ng payapa. They most deserve a peaceful life.

  32. A wide disparity in income in the Philippines is an established fact. The seeming Gordian knot known as the Mindanao issue boils down to economics. Providing political and military solutions to an economic problem simply stoked the embers of a resurgent Moro nationalism.

    The anemic economy and the Moro issue have a score to settle with the 1987 Constitution in many fronts. Clearly, the 1987 Constitution needs to be revised to a more participatory democratic government while addressing historical wrongs – federalism, a blend of open markets and strategic protectionism. There was talk of change in 1986, in 2004, and now, 2010. But it was all talk and the fundamental economic relationships that make for a dyfunctional uncompetitive Philippine economy remain the same. For now, the Filipinos are still under the sway of the landed classes – a captive audience for the game of musical chairs played by the oligarchs.

    The Moro masses are no different as their feudal elites have also taken on the behaviors and mannerisms of their indio counterparts. The cries of the moro and indio masses are no different – economic prosperity, the rule of law, freedom of belief.

    A resolution of the Mindanao issue will not happen, unless a rewrite of the Philippine Constitution takes place. The Charter Change debate has become an emotional landmine as the left and the landlord classes have come into an alliance to keep the economy closed. While lip service is being given to how open the Philippine economy is – the fact of the matter is that the local elites have been very lazy in developing strategic industries which are vital to national development.

    Opening up the economy will allow new players to fill the gap not being met by the domestic players.

  33. 0311 0311

    To: Chi

    “Wala si PacQ sa kalingikingan ni Nonito Donaire, WBA interim super flyweight champion, who dedicated his win…”This one’s for Cory for the honor and respect she gave the Filipinos”.

    That’s my man!”

    I agree. Nonito Donaire is cool.

  34. eddfajardo eddfajardo

    Chi,
    Hindi mo pa kilala si Nonito. Ako, medyo matagal ko na siya kilala sapul pa noong hindi pa siya sumisikat nang patulugin niya iyong mayabang ding si Vic Darchinyan. Si Nonito dati ang tatay niya ang trainer niya pero dahil sa kanyang tigas ulo at influencia ni bagong asawa at seksing si Rachel, he fired out his dad and left him griping. Pakinggan mo kung papaano niya tawagin si Tita Cory. Sa kanya, “Cory” lang ang tawag niya bagay na kapag anak ko itong si Nonito, babalbagin ko ito ng rattan para naman matotong gumalang. Medyo Americanized ang kilos niya na nakakainis. Tingnan at obserbahan ninyo na lang. OK ngarud?

  35. chi chi

    edd,

    Ayos ang kanyang pag-aalay ng victory kay “Cory”. Kung Fil-Am man s’ya ay walang problema dahil sa US naman ay puro pangalan lang ang tawag ng mga bata kahit sa mga hukluban na.

    At saka Cory naman talaga ang pangalan ni Tita Cory. E “Cory, Cory, Cory” nga ang mantra ‘namin’ nung araw. Naging Tita Cory ang tawag sa kanya for endearment.

    And also, I don’t care about his personal life, that’s his. I’m commenting on his current action upon winning.

    Si PacQ ay kamaong bakal nga wala namang nalamang sabihin kung hind para kay “Ninang Gloria ito”.

    Ooppss, off topic na ako…END.

  36. eddfajardo eddfajardo

    Chi,
    Alleluia, Alleluia!!!

  37. valdemar valdemar

    to avoid argument, shut uo.
    to keep peace, let’s join ’em, the other side.

  38. Ang mga muslim ay less tribal compared doon sa mga christian yun ang nakita ko.

  39. Balweg Balweg

    What do you mean, Igan Mumbaki…Na ang mga kapatid nating muslim ay less tribal compared doon sa mga christian yun ang nakita ko?

    Do you know na mapalad sila sapagka’t napakalaking oportunidad ang handang ipagkaloob sa kanila, but ang problema e within their ranks.

    Look the reality, sa mga lugar na majority ang mga kapatid natin di ba sila mismo ang nang-aalipin sa kanilang mga katribo.

    At doon naman sa mga majority na kahalo sila, di ba welcome naman silang lahat at wala namang nang-aapi sa kanila at they can live and survive na walang naghaharash sa kanila.

    Alam mo ang problema sa Mindanao e masyadong malalim…i mean, ang talagang pakay nila e ihiwalay ang ARMM sa mainland Pinas?

    At gusto nilang magtayo ng sariling bansa, sa palagay ko e malaking issue ito at di simpleng bagay na dapat pinag-uusapan.

    Ang ilang porsyiento lang sila ng populasyon sa mainland Mindanao, ok granted majority sila doon sa mga isla na hiwalay sa mainland Mindanao.

    Alam mo ang Turkey…sila ngayon ang people doon, pero kung magbabalik-tanaw tayo…tulad din sila na mga istranghero na siyang nanakop sa lupaing yaon sapagka’t ang kanilang mga ninuno e mga dayuhan din tulad ng marami sa Mindanao.

    Ang England, di ba ito ay lupain din ng mga Germanic tribes, “land of the Angles”.

    Kaya kailangan e tanggapin natin kung ano ang ngayon at magka-isa sila doon para maging productive at umunlad ang Mindanao once and for all. Tapos ang bangayan at patayan!

  40. Hindi ako agree that less tribal ang mga Muslim. Marami ngang grupo. Look at the Muslims in the Middle East. Sa kampo na lang ng mga rebelde…may MILF at may MNLF.

    But Christians also have many groups and sects. From true Church during the time of Christ and the Apostles, lumitaw ang Catholic Church na nagkaroon ng mga aral at tradition na iba sa mga tinuro ni Kristo at mga Apostol Niya. Tapos nanganak pa ng maraming sekta…there appeared the Protestants who protested against the Catholic Church. Today, there are thousands of Christian groups and denominations all claiming to be the true Church, of Christ and of God. Paano mangyayari ito kung lahat ay nag-aangkin na sila’y tunay?

  41. susy susy

    Dito sa Japan, ang ibig sabihin ng bakwet ay basa ang likod.
    Meaning back (is) wet.

  42. @dodong

    the bangsamorro are united as a group,they consider themselves as one people meron nga na mga morro na bisaya talaga ito ay ang mga Kalagan at Tausug but they consider themselves morro not bisaya….

  43. itim (canada) itim (canada)

    Hindi bangsamoro na ang tawag ngayon…basangmoro na. Ang mga Tausug ay laging na-uusug.

Comments are closed.