Skip to content

34 Comments

  1. chi chi

    To the Vera Files women and men, thank you all very much for the photos, stories and CoveritLive blow-by-blow of the “Cory Day”. Salamat.

  2. Well,bilib ako kay Cory dahil hindi siya napabagsak ni Tabako.

    As we know,Ramos is a great schemer,he ousted and manipulated Erap and Marcos,He failed to manipulate and oust Cory, while he made Gloria his puppet that plunders alongside with him,sabi nga nang iba malinis siyang magtrabaho, ang pangit! nakakasuka!

    Pag namatay ba si Ramos ay may iiyak ba para sa kanya?

  3. habib habib

    LABAN NAIPAMANA NA!

    GMA sumilip din

    Ilang oras bago ang tuluyang paghahatid sa huling hantungan kay dating Pangulong Aquino, humigit-kumulang na sampung minuto na sumilip sa burol nito si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon ng madaling-araw, ilang sandali matapos ang pagbalik nito sa bansa mula sa isang linggong US trip…….

    ……..Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, balak pa sana ni Pangulong Arroyo na manatili kahit 30-minuto sa burol ngunit nagbago ang plano nang makita ang mahabang pila ng mga tao sa simbahan kung kaya nagdesisyon na itong umalis agad upang hindi umano makaabala……

    http://www.abante.com.ph/issue/aug0609/default.htm

    Ayun naman pala, eh!

    Pagod sa biyahe mula sa pang-uuto sa mga Pinoy sa Amerika at pagpapauto kay Barak bilang sugo ng White House sa bahaging yaon ng Timog Asya. Kukuwentahin pa kung meron pang natirang pera para sa susunod niyang paglalamyerda.

    Tangnamuka remonde!

    Utang na loob pa pala ‘yung pakunwari ninyong pakikiramay?

    Kapal ng talaga ng mga mukha ninyo! Kailan ka ba magsasalita ng tama at hindi ‘yung panay na lamang walang katuturang pabor sa inyong kabulukan?

  4. parasabayan parasabayan

    I was able to watch all the services for Cory from beginning to end. Kahit na yung 9 na oras na paglakbay niya galing sa Cathedral hanggang sa puntod ni Ninoy ay sinubaybayan ko. This was my only way of honoring her legacy. I believe that this woman gave her truest and best public service. Mahirap lang talagang pagsilbihan ang Pilipinas. Baon tayo sa utang sa mga dayuhan. Kahit na anong hocus pocus, mahirap pa rin ang karamihan sa atin. Yung kakapiranggot na pera na dapat para sa mga tao pagkatapos nating magbayad ng mga utang ay kinukurakot pa ng kakaunting mga buwaya na ibinoto ng mga tao. There are just a few real public servants. We need to install more of them. Until we put these corrupt officials behind bars (not in detention in their own villas), take back all they have looted from us and forever ban them from ever being in public service, corruption will go on and on. We have to have leaders who will not compromise so we can cure our ills.

  5. linda linda

    BRAVO lea salonga,. her version is to die for. grabe lea, mas magandang exposure yung kahapon dahil lahat ng pinoy nakatutok. ok lang na hindi ka napili sa the last pacquiao fight.
    Umantig sa laman ang version mo. Lahat kami dito sa bahay ay nagiyakan!!!
    Isa kang national treasure katulad ni tita cory. Kayong 2 ang mga dahilan kaya proud ako maging pinoy!!!

    Kay Kris: Sana maging pangulo ka. Alam ko na hindi mo pagtataksilan ang pangalan ng 2 bayani mong mga magulang.
    Bilib ako sa pagiging totoo mo at sa pagmamahal mo sa nanay at mga kapatid mo. Maraming salamat at hindi mo ipinagdamot ang pamilya mo sa taong bayan. Lahat kami ay nagmamahal at gagabay sa pamilya mo. Kayo ang Kennedy family ng pinas. Mahal na mahal namin kayo!

  6. paul paul

    hindi kaya karma ang ngyayari sa pilipinas, mulat sapul pa
    ay alipin na tayo ng ating pag kakamali.. sa totoo lang
    wala yata tayong matawag na forefathers who gave this country a legacy..from our jose rizal to modern times, like manuel quezon said the former president of the commonwealth “i would rather see the philippines run like hell by filipinos, than run like heaven by the american`s” hindi ba yung salitang iyon ay masyadong maka sarili.. every filipino`s have their dreams to have a better life, manuel quezon is a politician who thinks only for his own interest.. also those politician`s who are pretending to be serving our country and the people..i don`t have to be hypocryte, for me we would rather under usa as one of his state.. if we ask every filipinos before and now, they will surely vote the later to be part as usa..i bet every thing i have, our country will just be in deep shit run by filipinos, i left manila in late 70`s and migrated in usa, but i see to it that i have a chance to visit manila.. believe me.. our country has gone worst..i don`t have anything against our people, but all i want is them to have a good life as every filipinos living here in usa and the rest of the world.. cory the president live simplicity,but her cabals make the philippine worst, and so are GMA`s people.. the only things this must be stop, is let the people decide what they want of their country, not the politicians who are pretending that they can save our country..if only all the filipinos can leave their country and migrate to any country that would adopt them.. believe me.. lahat po ng filipino ay aalis sa ating bayan..
    GOD save our country and our people..!!

  7. parasabayan parasabayan

    Paul, we have over 10 million Filipinos living all over the world and they are the ones carrying our country right now. Hindi yung voodoo economics ni boobuwit. Pretending like a leader lang siya. In reality she is one of the biggest looters of our country. We need a miracle. Hindi lang isang leader na mahusay. We need a village to help. Ambag ambag ng tulong. It can start in May 2010. Huwag ibenta ang boto. That would be a good start. Tanggalin ang “ang lagay” system. It is very difficult to change the way people live but it can SLOWLY be done. Nagtitiis na rin lang ang karamihan ng Pilipino sa kahirapan, bakit hindi tuluyang mag-sakripisyo para sa pagbabago.

  8. @Paul

    Maraming pilipino ang ayaw umalis sa bayan natin and we should stop our inferiority complex and we should stop those people who abuse on our weaknesses,tigilan na natin ang pagbababa natin sa sarili natin,pwede ba.

  9. iwatcher2010 iwatcher2010

    may punto ka kaibigang paul…pero paano na ang ating bansa kung lahat ay mag-iisip mangibang-bayan,kawawa naman ang kapos at walang paraan para iangat ang kanilang buhay…pamumunuan na lang ba sila ng mga trapos at makasariling politicos kaya nga dapat mas masigasig tayong kumilos ngayon para kahit konti ay magkaroon ng pagbabago,mahirap at matagal na proseso pero yun lamang ang daan para maisalba ang mahal nating bayan

    kaya nga dapat patuloy tayong umasa na may pag-asa pa at patuloy tayong makibahagi ng ating oras, panahon, lakas at talino para sa pagsulong ng ating bansa

    tama si kaibigang parasabayan, nagsimula na ang laban…gising na ang kamalayan ng pilipino na naghahanap ng pagbabago, at ang unang sukatan tungo sa hinahangad na pagbabago ay ang matalinong pagpili ng mga lider politiko sa 2010..may pag-aasa pa at patuloy kang umasa na may pagbabago kung lahat tayo ay magkakaisa sa iisang mithiin at adhikain.

    malaki pa rin ang malasakit ng pilipino sa kaniyang bansa, na naipamalas sa pagkamatay ng isang matuwid na lider…sana ang nagkakaisang damdamin ay magpatuloy at magsilbing gabay sa paghahanap natin ng tunay na pagbabago at kalayaan sa mga ganid at tiwaling lider.

    our country has gone worst gaya ng iyong nasabi kasi pinababayan nating maghari ang mga trapos, political dyansty, at ang maruming sistema ng politika sa ating bansa…naniniwala ako na marami pa ring matuwid na pinuno na hindi lang nabibigyan ng pagkakataon at magsisilbing inspirasyon at gabay ni juan dela cruz tungo sa pagkakaisa at inaasam na pagbabago.

    magtiwala ka pa rin na kaya nating maging isang dakilang bansa, kaya nating tumayo bilang isang bansa…

    masyadong naantig ang aking damdamin sa pagpanaw ni Mrs. President Cory na mistulang nagsasabing ano ang kaya nating isakripisyo para matamo ang pagbabago? ano ang magagawa pa natin para iangat ang buhay ng mas mahirap na kababayan? at ano ang magagawa natin para wakasan ang politika ng trapo at ugaling makasarili? isang malaking hamon ‘yun para sa atin na magkaroon tayo ng pakialam sa kapwa natin at sa bayan natin….

    NO TO TRAPOS 2010!

  10. @Paul – ang kailangan ng ating bansa ay ang mamamayang marunong magpakasakit para sa ikauunlad ng nito. Hindi ang isang makasariling mamamayan na maligaya sa kaunlaran nakikita at nakukuha sa ibang bansa kahit na maliwanag na sya ay discrimainated sa bansang kanyang tinitingala. May pag-asa pa ang Pilipinas, magtiwala ka!

  11. rina rina

    tita ellen,

    BAT WALA SI JOKER ARROYO ? I DIDNT SEE HIM SA TV. DI BA EXECUTIVE SEC SIYA NI TITA CORY?

  12. Cory’s death means the resurrection again of Laban ng mga Pilipino sa mga mapangaping rehimen,gobyernong magnanakaw at sinungaling, at para sa mga sakim sa kapangyarihan.

    After Cory was laid to her final resting place, I still believe no bitch could forever cling on to power and continuously lie and fool the people of this land.

    Cory’s and Ninoy’s laban para sa Pilipinas shall live forever in the heart and spirit of the Filipinos.

  13. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    Nobility

    http://www.malaya.com.ph/aug06/news4.htm

    Why are there some who do not want to see their feet set on the ground especially those who are not supposed to be in place where they are?

    And why was there like this lady, during her life, born rich and had everything in her, lived a full one, yet chose to be attached with the less blessed even though she can just sit and relax and let others continue what she started?

    While reading this article, I just became obsessed with this lady. And, although late, I began to love her for the unequalled ways she dedicated herself to us.

    Goodbye, Tita Cory.

    You may physically be not around anymore but the legacy you left behind, the highest level of love for our country that you instilled in us, and the unselfish sharing of yourself to those the near loss of hope are more than earthly treasure we shall keep in our lifetime.

    Have a peaceful journey on your way the Lord.

  14. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    ..if only all the filipinos can leave their country and migrate to any country that would adopt them.. believe me.. lahat po ng filipino ay aalis sa ating bayan.. – paul.

    Iho, paano na kami? Kaming ngayon ay matatanda nang noong aming kabataan pinaglaanan kayo ng lakas at lahat na sa aming buhay?

    Hahayaan na lamang ba ninyong kaming mahihina na ang haharap at sasagupa sa mga asal halimaw na namumunong wala na yata kahit na katiting na kahihiyan? ‘Yung mga ibinoto ninyong akala ninyo ay siyang magiging mahusay na uugit sa pamahalaan?

    Ngayong hindi ninyo nakamit ang inyong inaasam, iiwan ninyo na lang at sukat ang inyong lupang sinilangan? Paano mong ipakikilala ang sarili mo sa taga ibang lupain? Masasabi’t maipagmamalaki mo pa bang Pilipino ka?

  15. Rose Rose

    Namatay na ba si Salvador Laurel, Cory’s VP? may pagsisi kaya si Hodasan sa ginawa niya? did he ever apologize?

  16. May mga taong itinakda ng tadhana na magpakasakit alang-alang sa kanyang bansa. Kaso hindi lahat at Cory Aquino. May mga iba diyang pinagkalooban ng yaman at dunong ngunit inuna nilang paglingkuran ang kanilang mga sariling interes hindi ang bayan.

    May mga taong tinakasan nila ang kahirapan sa kanilang bansa,at sa kaunting kaginhawaang tinatamasang ay tuwiran na nilang kinalimutan ang pinagmulan. Wala na rin silang pakialam kung ano na ang kalagayan ng kanilang bansa, bagkos naninisi pa sila at sinasabing wala nang pag-asa pa ang Pilipinas.

    Nakakawa ang mga ganitong uri ng tao.

  17. Rose, matagal ng Patay si Salvador Laurel.

    May pagsisisi ba si Honasan? Kung mayroon man ay tiyak na bibigyan niya ng justification ang kanyng ginawa. Hindi siya basta-bastang aamin lang.

  18. taga-ilog taga-ilog

    Kung mas kinampihan at nagpa tuta si hodasan ke punggok sa halip na humingi ng tawad ke Cory, anong uri ng tao si Honasan????

  19. Si Honasan? Isa siyang langaw na nagtatamasa sa pagkasalaula ng mga Pinoy. Lagi siyang inihahalal. Ano ang dapat niyang pagsisihan? Hehehe.

    Si Joker? Kung isang basong gatas ang panunungkulan ni Cory, siya ang langaw. Sa pamamagitan ni Cory, ibinigay niya ang MERALCO sa mga Lopez. Take note, ibinigay hindi isinauli.

    Si FVR? Isa siyang bangaw, nakakapanginain kahit saang mesa. At walang kabusugan.

    Si Kris? Tagapagmana ng maganda’t malins na pangalan. Kaya niyang dalhin ‘yan. Mula ngayon! Hehehe.

  20. chi chi

    Agree sa lahat mong sinabi, taxj.

    Si diaperman Joker na protektor ni Pidal ay nasa Manila Cathedral yata pero wala sa mismong libingan. Si Abalos na naging cory man na nagtaksil sa bayan (Hello Garci) ay dumalo rin pero mukhang nagtago sa guilt dahil isa siya na pressure na pumatay kay Tita Cory!

  21. Kapinoyan Kapinoyan

    Isama mo ito. From the front page of today’s issue of the Manila Bulletin. [IMG]http://i206.photobucket.com/albums/bb17/rstydlcrz/MB06Aug09.jpg[/IMG]

  22. Can anyone tell me if Danding attended the wake? I didn’t also see Sec. Puno. Si Lucio Tan nag-attend pero higit sino man ay dapat nandoon ang pinsan na si Danding.

  23. EXAMINERAUTHOR EXAMINERAUTHOR

    Ang galing ng rendition ni Lea Salonga sa kantang BAYAN KO. Tumayo balahibo ko!!! Di katulad ng version ni KSP Freddie Aguilar.

    Sayang di nakasali si Charice sa mga kumanta sa eulogy session ni Tita Cory. I miss her voice.

  24. EXAMINERAUTHOR EXAMINERAUTHOR

    To “Rose”: Matagal nang namayapa si Doy Laurel.
    May he rest in peace.

  25. EXAMINERAUTHOR EXAMINERAUTHOR

    Just a thought:
    Kung si GMA kaya ang mamatay [lahat naman tayo doon papunta, una-una lang] may mag-aabala rin kaya na maglakad ng pagkalayo-layo mula sa simbahan hanggang libingan? May sisigaw din kaya ng G – M – A !!! tulad ng Co – ree! Co – ree! Co – ree? May maglalagay din kaya sa tabi ng mga kalsada ng “WE LOVE YOU GMA!!!”; “MARAMING SALAMAT TITA GMA?”

    E W A N!!!!!!

  26. freddie freddie

    i could not see the pictures….is there any other way to be able to view them….maraming salamat

  27. patria adorada patria adorada

    darn song!it made me cry again.

  28. paul paul

    good morning, greetings from me here in california. we don`t have to be hypocryte po, sa totoo lang ang mga sinabi ko, lahat po ng magulang ang gusto po ay sa kabutihan ng anak, saludo po ako kay presidente cory..ang mentality po ng karamihan ng pinoy ang sumisira sa atin, maski po dito sa america, parang ang ugali natin ay walang identity, noon pong umalis ako ng pilipinas, panahon ni marcos ay maayos ng kaunti ang pilipinas, ang kanyang pagiging dictador ang nakasira sa imahen ng mga pilipino, at noon ngang maluklok si ginang aquino, ang mga alipores ni marcos ay andun ulit at naka sipsip kay cory, hindi ko po minamanliit ang kakayahan nating mga ordinaryong mamamayan, ang sa tingin ko po ay mahirap ng gamutin ang corruption at pangmamalabis ng mga nasa pamahalaan, tayo na ring mga ordinaryong mamamayan ang me kasalanan at ang turo ng ating matatanda sa atin,our fore father`s never give us a legacy for us filipinos to cherish for a lifetime, kung meron man ay puro panan dalian lamang, isang ningas cogon,sa ngayon, ating nadarama ang ginawa ni madam cory, pero sa tingin ko lahat ito ay panandalian lamang, believe me, i was following all what`s happening in the philippines, even i`m a regular in this blogger since 2004, contributing my own messages, but sad to say, wala pong nangyayari..andiyan pa rin po ang conjugal evil na si GMA and FG and her cabals of evil minions, we have not done nothing,everytime i visit manila
    it`s the same dirty place and people all walks pf life seems not doing anything,one of my experience is being pulled over by mmda and police enforcers for a trump up charges, stepping on the line or what ever they can make you dip in your pocket so you wont have a ticket, our country has gone to more worst..pati watch your car boys knows how to make easy money, guard your car for a fee or either they will scratch it or you loss some parts in it, and it`s being done just infront of the nose`s of law enforcer`s..those people who went to the street, yes i believe in synpahty to cory but sad to say some are only kibitzer, mga taong walang magawa..i love my country and my people, but what we have are politicians who take advantage of the poor..napaka lungkot pero iyan po ang totoo..GOD bless our country..!!

  29. Kabayang Paul, hindi lahat ng Diktador ay masama. Kung minsan, kailangan ng isang kamay na bakal para iharap sa mga walang disiplinang mga tao. It’s only when one abuses his power that it becomes a danger. And as Dictator, that usually happens. Maganda naman ang takbo sa mga unang mga taon ng Martial Law. Natutong pumila at sumunod sa mga batas ang mga tao. Takot ang mga drug lords after Lim Seng was executed. Pero habang dumaan ang mga araw ay balik na naman ang masamang ugali ng mga tao. Nasilaw sa kapangyarihan si Macoy at lalong pinasama pa ng gastadorang asawa. Ang anak na si Imee ay maitutulad din kay Kris na malandi. Imee fell for Tommy Manotoc despite Imelda’s disapproval. Manotoc was kidnapped and almost killed. Ganyan din si Tita Cory na ayaw kay Philip Salvador pero mapilit si Kris. Nang nabuntisan at nagkaanak ay iniwan ni Ipe na may asawang tao at higit na mas matanda. Gaya ni Imee, matigas din ang ulo ni Kris. But Cory was different from Imelda. Cory did not resort to an action that would put the lives of her daughter’s lover in danger while Imelda was ready to eliminate Manotoc.

  30. If GMA dies, Freddie Aguilar shall sing “Ang Bayag Ko”.

  31. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Akala ko “Ang Boobs Ko”.

  32. Kim Kim

    When gloria dies (and I hope she does after I type this short message), I will pray earnestly for her………….
    I will pray for her eternal damnation !!

Comments are closed.