Skip to content

Babuyan na talaga

Wala na talagang natirang delikadesa itong si Gloria Arroyo at ang kanyang mga kampon.

Sa kanilang mga kilos, para silang nagpa-panic na malapit na ang kanilang katapusan at kailangan mahakot nila ang kaya nilang mahakot. Astang magnanakaw at mapagsamantala.

Itong paglagay kay Lani Mercado sa San Miguel Corporation kung saan ang isang direktor para pangangalagaan ang kapakanan ng taumbayan ay tumataggnap na hindi bababa sa P1 milyon bawat miting.

Siyempre para yun sa pagpakatuta ni Bong Revilla. Hindi natin alam kung ano pa ang hilingin ni Arroyo kay Revilla kaya binigyan na kaagad ng premyo.

Ngunit ang pinakagarapal talaga ay ang paghirang bilang National Artist ng mga taong hindi naman karapat-dapat para sa marangal na titulo na yan.

Galit na galit ang maraming national artists kasama na si Bien Lumbera at Virgilio Almario, parehong national artist for literature. Nagpalabas rin ang Concerned Artists of the Philippines ng statement. Ito ang bahagi ng kanilang sinabi:

“Kaisa ang Concerned Artists of the Philippines (CAP) sa kalakhan ng nasa larangan ng sining at kulturang Pilipino sa paghayag ng indignasyon sa walang-kasing- garapal na paggamit ng rehimeng Arroyo sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining para sa bulok at dekadenteng pulitika.

“Sumasambulat ang galit namin sa pagtransporma ni Arroyo sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining bilang sariling kaban ng pampulitikang pagpapabuya. Lagpas sa kalahati sa pinangalanang Pambansang Alagad ng Sining ngayong taon ay mismong nirekomenda ni Arroyo na wala sa listahang binuo ng kapwa Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (National Commission on Culture and the Arts o NCCA) at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines o CCP), tanging mga ahensyang inatasan ng batas na magrekomenda ng mga gagawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining.

“Sa partikular ay kasuklam-suklam ang paghirang kay Cecille Guidote-Alvarez, Presidential Adviser on Culture, bilang Pambansang Alagad ng Sining bilang pinakamasamang klase ng pulitika de padrino na kaytagal na dapat ibinasura sa kapakinabangan ng bayang Pilipino. Ang paggawad kay Alvarez ang pinakamalala nang conflict of interest sa sitwasyong ito, sa dahilang sya ang kasalukuyang executive director ng NCCA at laluna ng kalihiman o secretariat para sa Gawad Pambansang Alagad ng Sining! Paanong may matutunghayang mabuti sa paggawad na ito, at paano naman ito matatanggap ng ginawaran nang may katapatan at kabutihang-loob?

“Ang paghirang kay Alvarez bilang Pambansang Alagad ng Sining ay walang iba kundi pangtapat ni Arroyo na pabor sa pulitika matapos ang konsistent na pagtatakip ni Alvarez sa katiwalian at paniniil ng rehimen. Tinitingnan din namin ito bilang matunog na pagkunsinti sa mga nabalitang anomalya sa NCCA na sala ni Alvarez nitong nakaraang mga taon.

“Ang higit na malala pa, pilit pagtakpan ng Malacañang ang tahasang pang-aabusong ito ng presidente nang magpaliwanag pa na “purely ministerial” lang daw ang ginawa nito sa pagpangalan sa mga bagong Pambansang Alagad ng Sining ngayong taon. Pawang kasinungalingan ito na kaydaling mapakita sa simpleng pag-imbestiga sa buong proseso, at ng mga mula sa NCCA at CCP na, matapos dumaan sa matinding proseso ng seleksyon, ay binastos ng siryosong kamaliang ito ng presidente!”t

Published inArts and CultureGovernance

71 Comments

  1. nakaaa! gustong gusto ko rin talaga syang i-blog if not for Cory Aquino’s mourning period… pero di ko matiis. Si Lani Mercado?! Director?! No offense! Pero Pinoys don’t need one abacus to figure this out! ~isep~ isep~ sino kaya?! grrr!

  2. Hindi lang sa malaking suweldo ang tatanggpin ni Lani Mercado,
    pati na ang allowance and other perks. What’s her qualification to become a Board of Director in a large corporation like San Miguel? Her acting experience? Her being married to a Senator allied with Gloria? Malalim ang dahilan. Buti pa itanong kay Bong Revilla.

  3. Mike Mike

    Bakit si Lani kanyo? Eh di para sumayaw ng chaha si Papa Bong, ano pa nga ba? Gets nyo??? Eto pa, bakit sinama si Lito Lapid sa Tate? Eh para din sumayaw ng chahcha imbes na makipagsuntukan, di ba???

  4. chi chi

    Matutuyuan ako ng dugo sa mga kababuyan ni Gloria. Si Lani Mercado ay board of director ng San Miguel, WHY?! Tapusin na ang tangnang Panduck na yan!

  5. vic vic

    That is what we call “in your face” patronage political payback…once you lost it, there is no stopping!!

  6. So, the Evil Bitch has succeeded in getting two more senators, Lapid and Revilla for the Cha-Cha. With Miriam added, there are now at least three pro-Cha Cha. Actually, the House only needs one Senator to appear at the hearing and once this Senator gives his vote, that’s it.

  7. Point is why do Filipinos still tolerate this “babuyan”? Kasalanan nila!

    My condolence and sympathy to the people of the Philippines! Pag di pa sila umalma, kasalanan nila pag nakatagal pa si Gloria Burikak beyong 2010.

  8. Ito naman si Guidote-Alvarez kapal din ng mukha. Bakit siya bibigyan ng award? Kasi siya ang presidente noong organisasyon na nagbibigay ng award? Aba, iyan ang malinaw na abuso!

  9. Uroknon Uroknon

    Wala na tayong magagawa! Hinayahaan kasi nating gawin nila ang lahat na gusto nilang gawin. Kung sino man ang kanilang ilagay sa kung ano mang pwesto na may interes ang gobyerno, magagawa nila yon. Sila ang nasa poder. Sila ang nagmamando. Sila ang manginginabang.

    Narining ko si Lani nung na-interview sa isang radio program, tinanong sya kung ano ang magagawa nya as Board of Director, sagot nya…di daw lingid sa kaalaman ng lahat, may alam daw sya sa marketing, product design at kung ano-ano pa…dati na daw syang nag-trabaho sa tatlo pang mga subsidiaries ng SMC… hehehe di pala nya alam kung ano ang trabaho ng isang Board of Director… hehehe… ang BOD ay hindi sa marketing, o sa product design o kaya sa management… bagkos ang BOD ay Policy Making Board. A decision of a board could cost hundreds of millions of peso or even billions of peso… Lani is just an accommodation for Bong’s support of GMA. Kawawa na talaga ang bansa. Lalo na’t iniwan na tayo ni Tita Cory. Kawawang Bangsang Pilipinas.

  10. Baka ang akala ni Lani ginawa siyang Bold of Director. Pareho naman bobo iyan tulad ng asawang si Bong. Walang alam sila kundi gumawa ng baby.

    The government has two seats in the Board so GMA picked Lani. Why she and not another is a million dollar question. Kung hindi pulitika, ano pa?

  11. cha-cha cha-cha

    Anger expressed on the internet won’t force Gloria to step down in 2010, or stop her from any of her crass acts. You all need to show up in the next rally to stun her.

  12. jocjoc jocjoc

    so now, Gloria and Revilla mean the same thing, kapalmuks, to the bone.

  13. The Revillas are as corrupt. The elder Revilla made a killing when he was Senator. Ayaw niyang bitawan ang pag-chairman sa Public Works. As you know, that department ranks among the most corrupt agencies. After he retired as Senator, he made sure that he continued to handle the department. Ginawa siyang Presidential Adviser on Public Works. Di niyo ba nahalata na tameme ang batang Revilla sa Senado when the C-5 Road scam was being investigated? Ano na ang nangyari ngayon? Villar sought Malacanang’s help who asked Senate President Enrile to take it easy on Villar. Pustahan…burado na naman iyang kasong iyan. And what’s Lacson and Jamby doing? Putak ng putak noon tapos biglang tameme na naman. Kung minsan tuloy, naiisip kong pare-pareho silang lahat !

  14. Kung nabasa nyo sa news, Lani defended herself that perhaps SMC needed a “consumer’s touch in the board, a consumer’s point of view”, and also her biggest credential is being a mother. Because “they needed someone who had a hand in terms of the buying public.

    Kung ang pagiging NANAY na rin lang ang natatanging credential ni Lani Mercado para ma-nominate sa board ng SMC ay mas qualified pa ang mga Nanay sa Barrio Siete noh! Mas qualified pa ang Nanay ko! Mas qualified pa ang Nanay ng boyfriend ko! Charing! At higit sa lahat, mas qualified si Claudine Barretto, Carmina Villaroel at Jodi Santamaria-Lacson. Also known as PANATAG MOMS!

    Ikaw, ka-PANATAG ka na ba?

  15. What I have in mind is Boots Anson Roa. Sino ba iyan si Lani compared to Boots? Pero alam natin hindi mangyayari iyan dahil maka-Erap si Boots. There are lots of more qualified women other than Lani. Kung ang sarili niyang anak di niya nabantayan at nakabuntis noon…iyon pang babantayan niya ang interest ng government bilang board member sa SMC?

  16. Lani Lani

    Another lucky b**ch! Alam ba nya gano kahirap ang exams bago ka ma-employ sa san miguel? At kahit makapasa na, ang mga interviews para kang nasuot sa butas ng karayom. Dapat ganuon din pagdaanan nya. Sarap ng buhay nya ah!

  17. Lani Lani

    Nakupo! Katukayo ko pala ang pinag uusapan..

  18. @Lani! hahaha! sinisira ang pangalan mo gurl! hahaha!

  19. presing presing

    kapal nang mukha ni lani pag tanggapin niya ang posisyon. mahiya ka naman.

  20. Rose Rose

    Bored member ng San Miguel? San Miguel marca demonyo?

  21. Bored member ng San Miguel? San Miguel marca demonyo?

    BWAHAHAHA!!! i guess that’s the right place! hahaha

  22. habib habib

    Kayo naman!

    Kahihina ninyo sa pagkilatis kung ano ang most qualified qualification ni Lani Mercado kaya siya itinalaga ni Lola Dapangdedeng Panduck.

    Magkahawig ang dalawa!

    Meron silang kambal na bangaw sa mukha. Naghiwalay nga lamang ng dapo dahil baka mabisto ang kanilang bloodline.

  23. I have to correct the figure of P300,000 a month as fee of an SMA board of director.

    Not less than P1 million pala, an adviser to a former member of the SMC board told me.

  24. Read my lips yang mga lakas members na iyan ay kinokondisyon ni Rabbit kaya ganyan sila in short Rabbit just want support from them.

    I don’t think makakaposisyon si Gloria to declare a NO-EL 2010,Ramos had put a deadline on her,and then mandaya sa halalan tapos install a puppet of Gloria and Ramos as president.

  25. Let’s start a boycott of LAKAS and KAMPI partylist in 2010 para tapos na ang problema natin sa mga hinayupak na iyan.

  26. Babuyan din lang eh itapon na natin si Lani at mga tuta ni GMA sa babuyan.

  27. Balweg Balweg

    Babuyan na talaga?

    Matagal naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa….!

    Praning na ang rehimeng arroyo…naghahanap lang yan ng damay, ang mabiktima e kasalanan na nila yaon?

    At least, ang Pinoy e aware sa ka ek-ekan ng rehime at may precaution…unlike ng mga walang breeding na Pinoy na napapagamit sa gobyerno de bobo ng rehime.

  28. amanda amanda

    aba ang lani mercado nagkaroon ng career ang lola natin. corporate na ang dating. im sure si lolit solis ay tatambay na sa san miguel headquarters. haharbatan niya ang mga kaopismate ng lola lani natin. sosyal. payag kaya si papa danding? im sure babagsak ang stock nang san miguel sa lunes dahil dislosure sa stock exchange ang appointment, the fund managers will not look at this positively.

    sabagay lahat naman ng desisyon ni lani sa board ay galing sa department of finance secretary. she is merely a pupper or ceremonial board member.

    parang nakakainsulto naman sa mga ibang board members na graduate ng wharton school of business etc pero ang ka diskusyonan mo sa board ay graduate ng pagiging pendeho sa asawa. kapal ng mga pamilyang ito. mga LINTA… KUNG SINO ANG NASA POSISYON DOON SILA KUMAKAPIT. MGA OPORTUNISTA!!!

  29. May problemang nakita ang bayan…

    Example, ang presidente pueding mag appoint ng kung sinong gusto nya..

    Reason – SIYA SI MAAM or si sir depende nga kung sinong presidente.

    And of course kahit baliktad baliktarin mo man ang denial, may string attach talaga yan.

    Ayon sa kasabihan there is no such thing as free lunch. Ano kaya ang solusyon nito?

    Di ba marami namang lawyers, professors, intellectuals at mga magagaling sa Pilipinas?

    Ano ang dapat gawin, para at least maminimize ung sakit ng puso, sakit ng pantog at sakit ng ulo ng mga mamamayan?

  30. Gabriela Gabriela

    Paano ba ginagawa para magkaroon ng swerte na katulad ni Lani Mercado?

    Ang nanay ko, magaling na nanay kahit hindi senador ang asawa.Pwede rin kaya siyang mag-apply para board of director ng San Miguel?

  31. dessert fox dessert fox

    mga kaibigan, si Bong Revilla nga ibinoto ninyo bilang senador ng pilipinas pasado sa panlasa ninyo, so si LANI pwedeng member din ng board ng SMC. only in the philippines mayroon nyan. kawawang bansa, kailan kaya darating ang umaga na inaasam asam ni FPJ. sinamahan pa ng isang luka lukang jamby madrigal na tatakbong presidente, wala na tayong pag asa, lalu lamang magmamalaki si PGMA na walang pwedeng pumalit sa kanya. ay buhay pinoy

  32. Why did they do this to the NCCA? Why… Whhhhyyyy???

  33. amanda amanda

    si mama jamby, naloka na lang yan dahil ni isang kusing walang nakuha kay dona chito madrigal. kaya tatakbo na lang sa pagka pangulo. mali sya. sana she runs for senate again. shes a good fiscalizer. i like her in the senate. wag pangulo. wala kang k iha.

  34. amanda amanda

    ang ginawa lang ni lani ay bumukaka kay bong. yun lang., at after ilang anak ayun naging board member na. yan ang matinik. tahimik kung tumrabaho. bilib ako sa yo lani, sabi ni osang pendeho ka pero para sa akin, matalino ka. para kang si ivana trump: let my husband play while i get all the moolah… bwahahahaha. yan ang babaita. tuso.

  35. Carlo Caparas National Artist din? Siguro mas karapatdapat namang di hamak si Dophy na maging national artist kesa kay Calro Caparas. Siguro me ginagawang pelikula o komiks yung mag-asawa tungkol ke pandak kaya bilang bayad yung national artist award. Sana si Weng weng na lang ang ginawa niyang national artist para parho niyang pandak.

    Pusali talaga ang utak ni Pandak.

  36. edseb edseb

    ito talagang pandakekok na ito wala ng maisip, si carlo caparas national artist??? ngek!!!! sana si mars ravelo na lang kung sa komiks ang paguusapan. tuta nya yan eh kaya nakapasok sa listahan, bakit si dolphy wala sa listahan? porke ba na supporter ni erap at fpj?

    ano naman ang alam ni lani mercado sa pagiging director ng smc? wala na ba talagang mapiling tao itong si gloria? o baka naman wala na talaga cyang mapili kasi wala ng may gusto sa kanya?

  37. Rose Rose

    Babuyan talaga! what can we expect…Hindi ba may piggery sa Malacanang?…Hindi ba may Babuyan Island?
    ..I was surprised to see Jamby jumped into the arena of presidential candidates…akala seguro beauty contest kasi kung si Pygmy ang kalaban niya…maganda siya ng di hamak! pero kung si Loren..far far away siya!

  38. dessert fox dessert fox

    wala bang corporate lawyer sa blog na ito, kasi po magtatanong lang ako at ito po ang tanong ko
    halimbawa isa akong board member ng isang napakaling corporasyon at mayroon isang bagong member na kahit saan angulo mong tingnan wala kang makitang kuwalipikasyon, pwede mo bang e-object sa kapwa mo member? may karapatan ba ko noon at kung makumbinsi ko ang ibang member na huwag paupuin at hilingin na palitan, magagawa ko ba yon?

    mam ellen kung walang makasagot, pwede bang your opinion mo na lang, kasi parang ang hirap talagang sikmurain na may makakasama kang kung saan lang pinulot, nakakababa ng dignidad, kasi ang alam ko being a board member talagang exceptional ang qualification mo

  39. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    He he he heeeh!

    Inggit ba kayo kay Lani Mercado?

    Asin ang gustong maging board member din ng alinmang government corporation?

    Gusto mong mapansin ni Panduck?

    Manghuli ka ng bangaw, idikit sa mukha at magpakodak. Ipadala sa screening committee sa ilalim ng falsified office of the president. Presto! Malamang sa hindi, nominado ka na ng kamukha mo!

    Pero sabi nga ni Rose, bilang BORED member.

    Binutasan.

    Ha ha ha ha ha haaaaahhh!!!

  40. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    ay! tan gi ey!

    Dapat ganito ang tanong na question: “SINO ang gustong maging board member din ng alinmang government corporation?…”

  41. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    Dessert Fox,

    Sarap ng handle mo. Minatamis ka ba?

    Kahit ako, hindi ako papayag na meron na lang basta susulpot na magiging board member. Nakakababa talaga ng dignidad ‘yun.

    Ikaw mangyan, este mang iyan ang basta na lamang susulutin, mag-aalburoto ka, diba?

  42. tagairaya tagairaya

    Let us boycott San Miguel beer if Lani Mercado-Revilla sits as a government representative in the SMC Board. Masakit man ngunit handa akong magsakripisyo laban sa kabastusan nina Gloria Arroyo at Bong Revilla.

  43. Dessert Fox, the SMC board has approved Lani’s nomination.

    They can’t do anything about it. She represents the government (Filipino people) shares. Lani is representing us.

    She is the choice of Gloria.

    If we don’t want that kind of governance, isa lang ang pwedeng gawin: Patalsikin si Gloria.

  44. chi chi

    P1M a month ang fee ni Lani Mercado sa SMC?!!!

    And to think that the job of djunyor agimat’s wifey is only to ‘sing’ at every meet of the Bored of Directors of the Marca Demonyo club.

    Gosh! P1M of the country’s money is only for this walang K na Lani Mercado while hungry pinoys who can’t talk nor complain because of empty stomachs are in an unimaginable level. Makakatiris ka talaga ng Panduck!

  45. chi chi

    She represents the government (Filipino people) shares. Lani is representing us.- Ellen

    Nakakahiya, nakakabanas, nakakaka-irita, nakakawala ng regla!

  46. chi chi

    Pwede bang tanggalin ng future Pinas prexy si Mrs. Agimat?!

    Si Lani Mercado ay isa na namang pinay na walang delicadesa at walanghiya, bipolar din gaya ni Gloria Arroyo na ang tingin sa sarili ay matalino at kayang-kaya na i-represent ang madlang pipol sa anumang field.

    Lani Mercado has no shame!

  47. chi chi

    Walang pakialam si Gloria Arroyo kung anuman ang mangyari sa pinoyn at Pinas basta bastante ang kanyang inner circle na magi-stretch ng kanyang power.

  48. chi chi

    “Pusali talaga ang utak ni Pandak.”

    sncitizen,

    Matagal na akong naghahanap ng eksaktong deskripsyon kay Panduck. Thanks. Pusali, hindi lang utak kundi pati katawan ni Gloria.

  49. Balweg Balweg

    Lani is representing us?

    Inang po natin…Maám Ellen, wala akong tulak-kabigin…paka-isipin ko man e wala talaga sa pagtino ang Pinas?

    Kung sinu-sino na lamang ang itinatalaga ng rehime…? Wala sa pagtino…

  50. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    She represents the government?

    Nasaang planeta ba tayo?

  51. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    tagiraya,

    Matagal ko nang binoykot ‘yang San Miguel beer. Hindi kasi masarap uminom kapag walang pulutan.

    He he he heeeh!

  52. Walang paki ang ibang board members sino man ang ilagay ng shareholder doon. Kung ogag ay walang problema sa board dahil ang may problema doon ay ang may-ari ng stocks na nire-represent ng ogag na board member. Samakatuwid ang may problema dito ay tayo, ang taumbayan na may-ari ng stocks sa SMC.

    Isa lang Board Member ng SMC ang alam kong sinipa at napilitang ibenta ang stocks niya. Ang dahilan ay conflict of interest – si John Gokongwei. Ang iba niyang negosyo ay direktang kompetitor ng SMC lalo na ang mga produkto ng Universal Robina Corp.

    Tama ka Ellen, P1M ang per diem kada monthly board meeting ng Board of Directors. Sa annual meeting ay mas malaki dahil maraming reports ang inihahanda bukod sa pagbobotohan ng bagong board.

    Ang pagpili ng isang stockholder ng kanyang rep sa BOD ng isang malaking kompanyang gaya ng San Miguel ay masusing ginagawa upang ang interes niya ay hindi malagay sa alanganin laban sa interes ng iba pang board members. Kung kaya’t kadalasan ay piling-pili lamang ang nakakaupo sa mga ganitong posisyon, kadalasa’y sinusuwelduhan siya ng stockholder para “bantayan” ang kanyang puhunan. Hindi tayo nagtataka kung bakit sa mga malalaking kumpanya ay madalas nating mabasa ang mga pangalang Washington Sycip, Cesar Virata, Alfredo Velayo, Joey Cuisia, Ramon Del Rosario, etc. na pawang professional managers, economists, o captains of industry.

    Pero sa pinakamalaking korporasyon sa Pilipinas, isang pipitsuging nanay at asawa ng isang gagong politiko lamang ay sapat na? Tangina, paera namin yan!

  53. Nabulol sa galit. “Pera” hindi paera, lol!

  54. Dapat ang board member ay marunong kumilatis ng mga pamamalakad ni Cojuangco. Marunong mag-analyse ng mga reports.

    ang pinagmamakali ni Lani ay ang kanyang mother’s touch at buyer’s instinct. Dapat sa management siya. Dapat binigyan siya ng posisyon sa marketing department. Kaya lang siyempre hindi P1 million per meeting yun.

  55. The reason why Lani was placed in the Board was to excite other male board members during the meeting. Good for Bong Revilla ’cause he now can continue with his womanizing while his wife is busy.

  56. Isa pang nakakaburyong na isyu ay yang sa National Artist. Ang National Artist ay isang title, hindi yan award lang. Para iyang National Hero, o isang Medal of Valor, o yung Order of Sikatuna, lahat yan merong stipends, monthly allowances, health and other benefits at kung anik-anik pa, habambuhay.

    Isa ako sa unang mga sumabog ang galit sa Facebook ng mabasa kong si Alvarez at Caparas ay napiling mga National Artists. Apat ang pangalang isinumite sa Malakanyang ng selection committee na pinamumunuan mismo ni Alvarez bilang Exec. Dir. ng NCCA. Alam na ng ibang miyembro ng committee na malamang madagdag-bawas na naman pag dating sa Malakanyang kaya inunahan nila si Pandak at nag-publish sila ng pangalan ng mga nominees sa mga diyaryo. Pero kahit na nai-publish hindi napigilan ang makakapal na mukha ni Arroyo at Alvarez na siya mismong presidential adviser ni Arroyo on Culture. Sa apat na pangalan, isa ang nabawas, apat ang nadagdag. Mas marami pa ang ginawaran ni Arroyo kesa sa scholarly-selected nominees. Bakit pa nagtalaga ng selection process?

    Kalat ang balitang ini-lobby ni Manoling Morato sa kaibigang Alvarez na “maisingit” si Carlo Caparas na nag-iisang pumatol sa “massacre genre” na ipino-promote ng pamunuan ni Morato noon sa MTRCB kapalit ng “pene” films na pareho namang walang taste ang pagkakagawa at mediocre ang approach na sa bandang huli ay wala ring redeeming value dahil hindi niya pinangangalanan ang mga suspect sa takot na mabuweltahan. Lalo’t yung pelikulang rape story ng kapartner ni Manoling na si Maggie Dela Riva ay siya rin ang nag-direk.

    Nakakatawang naisingit si Caparas sa larangan ng visual arts samantalang siya ay isang writer, hindi cartoonist o dibuhista. Oo, sa komiks siya sumikat, pero hindi sa visual arts kundi sa storya at mga karakter na pinasikat niya. Siguradong hindi naman siya mananalo sa literature lalo na’t titignan natin kung sinu-sino ang mga nakapilang mga magagaling na manunulat. Bukod sa visual arts ay nagawaran din siya sa larangan ng Film. Teka, diba’t sa batch na ito’y meron nang nanalo sa Cinema na si Manuel Conde? Ano ang kaibahan niyan sa Film?

    Halatang ipinilit lamang yan para disimulado ang pinaka-kapalmus na singit – si Alvarez nga. Wala akong problema dun sa dalawang naisingit din, si Pitoy Moreno sa Fashion Design at si Bobby Mañoza sa Architecture. Parehong may “k” pero dapat ay idinaan sa proseso.

  57. I don’t know which is worse: Lani’s appointment at SMC board or the appointment by Estrada of a certain Meyer, the sidekick of Fernando Poe Jr. as member of the board of Pagcor.

    Meyer was the one who said, “Weather-weather lang.”

  58. Ika ng ani Pareng Barack, Gloria “acted stupidly”.

  59. Iisa lang naman ang ibig sabihin niyan, Ellen, ipinauubaya na ng gobyerno kay Danding ang lahat ng interes ng taumbayan sa SMC kaya’t kahit sinong Herodes, pwede nang i-appoint sa board.

  60. Ellen – August 2, 2009 11:25 pm

    I don’t know which is worse: Lani’s appointment at SMC board or the appointment by Estrada of a certain Meyer, the sidekick of Fernando Poe Jr. as member of the board of Pagcor.

    Meyer was the one who said, “Weather-weather lang.”

    —Appointing people is the prerogative of a President. The question is if the one appointing is a legitimate duly elected President or not.

    Ellen, for the nth time, we’re still waiting your article explaining why you don’t favor Erap. You’ve promised to write one.

  61. TonGuE-tWisTeD – August 2, 2009 11:34 pm

    Iisa lang naman ang ibig sabihin niyan, Ellen, ipinauubaya na ng gobyerno kay Danding ang lahat ng interes ng taumbayan sa SMC kaya’t kahit sinong Herodes, pwede nang i-appoint sa board.

    —Whatever happens to the rumor or report that it was Danding who masterminded Ninoy’s assassination. At least one convict revealed this. But Cory refused to believe or she pretended not to. Did Cory die knowing who did it to her husband? After her burial, it would be good to settle this matter once and for all and tell the people who really killed Ninoy.

  62. Mike Mike

    Ramon Revilla Sr., was once connected with the Bureau of Customs during the early years of Marcos. Not sure hat position though, but one thing definite, the BOC can make people very rich.

  63. parasabayan parasabayan

    Si Lito Lapid eh karay karay ni boobuwit sa US para makakuha ng photo op kay Obama. Si Bong Revilla eh inilagay sa SMC yung asawa niyang si Lani. Si Mirriam Defensor eh palaging karay karay ni boobuwit kahit saan magpunta. Sino pa kaya sa mga senators and bibigyan ni bitch ng “suhol” para bumuto sa cha-cha and mga senators?

  64. Mag-ingat kayo kay Dick at baka pati si Villar at Cayetano.

  65. parasabayan parasabayan

    Dodong, si Dick pa, OO but the Cayetanos and Villar, I doubt.

  66. baguneta baguneta

    Di ba si jaworski ipinalit sa puwesto nung matandang revilla, di ko lang matandaan yung puwesto. Kasi daw may sakit yung matanda. kakapal talaga

  67. Hindi nga makapagsalita ng husto ang matandang Revilla. Mula pa nasa BOC iyan ay nangurakot na iyan. Marami din mga babae ang kinurakot niya.

  68. baguneta, diba sa Public Estates Authority? Si Jawo na ba, juicekupo? Kung kay Revilla lang naman, mas magaling magbantay si Jawo, si Nardong Putik nagtimbang lang ng kwarta mali pa!

  69. iwatcher2010 iwatcher2010

    babuyan talaga…mas marami pang appointees sa customs, dpwh, miaa at iba pang ahensiya ng gobyerno na puro suyo lang ng mga loyalista at alipores ni queen gloria.

    kahit kulang sa kapasidad at kakayahan sa nasabing posisyon basta susunod sa mga utos ni queen gloria ay ayos na.

    si capt. val lopez nga naging consultant sa bureau of mines under denr eh hindi naman niya linya yun at isa lang naman ang dahilan…naging malaking pakinabang ni queen gloria at ermita kay capt. val lopez sa pagbabantay at pag-iingat kay garci sa balayan city,batangas noong nagtatago pa ang nasabing comelec magician.

    ano kaya ang kapalit ng appointment ni lani m. sa smc??? si senatong panday lang at queen gloria ang nakakaalam…babuyan talaga sa pugad ng mga baboy

    ang susunod na pangulo ay matindi ang paglilinis sa malacanang dahil daming kalat at basura ang iiwan ng mga baboy…sana nga umalis na sila sa 2010 para masimulan na ang halos sampung taong basura naipon sa malacanang kaya pala ang baho na ng ilog pasig kasi ang mas maraming dumi galing sa malacananag.

    NO TO TRAPOS 2010!

  70. Boyner Boyner

    Naglalagay ang presidente ng tao sa mga pribadong kumpanya na may shares ang gobyerno upang mapangalagaan ang interes ng gobyerno at dahil nga sa honorarium at ibang mga perks, ang nalalagay dito ay iyong gusto ng presidente. Ang kaibahan lang ngayon maliban sa pagiging illegitimate pres tulad ng sinabi ni Bitchevil sa paglagay kay Lani sa board ng SMC ay dahil sa kailangan ang suporta at boto ng asawa niyang senador. Dapat kausapin na ng lalake sa lalake ni Jinggoy itong best friend niyang Bong kung talagang do or die siya kay taray ng kasamaan.

  71. totingmulto totingmulto

    Realizing that the martial law,no-el and senateless con ass scenarios are futile exercises dahil gising na gising ang taongbayan, tiyanak and her kampon are gearing for a genuine con-ass – bilhin ang mga senadores. Siyempre this could amount to millions or billions of pesos dahil bawat senador me presyong katapat and lani’s appointment to the SMC is just the beginning.

Comments are closed.