Dapat ipaliwanag ni Sen. Chiz Escudero itong akusasyon ni Rep. Mikey Arroyo, anak ni Gloria Arroyo, na humihingi siya ng tulong sa kanyang ina at ang mga patutsada niya (Chiz) ay pang-media lang.
Hindi natin malalaman kung nagsasabi ng buong katotohan itong anak ni Arroyo ngunit kailangan maliwanag sa taumbayan kung saan nakatayo si Chiz sa isyu ni Gloria Arroyo.
Sabi ni Chiz sa Inquirer na hindi totoo ang kinakalat ni Mikey at hindi siya hihingi ng endorsment ni Arroyo. “It is obviously not true. I am not asking and will not ask for her endorsement. If I run, I will always run as opposition.”
Si Arroyo ay ninang ni Chiz sa kasal. Ngunit kung para talaga sa bayan si Chiz, hindi ito sagabal para kalabanin si Arroyo kung naniniwala talaga siyang malaki ang kasalanan ni Arroyo sa taumbayan.
Ito ang problema ni Chiz: kabilang siya sa Nationalist People’s Coalition na namamangka sa dalawang ilog. Sa kongreso, kasama sila sa koalisyun na sumusuporta kay Arroyo ngunit hinahayaan nila ang kanilang mga miyembro na gustong maki-linya sa oposisyun katulad ni Chiz na isa sa mga sumuporta sa impeachment laban kay Arroyo.
Sa 2004 at 2007 na eleksyon, hindi rin gumawa ng panindigan ang NPC. May mga miyembro na oposisyun, meron din ang dikit pa rin kay Arroyo.
Itong panindigan ay hindi base sa prinsipyo. Gawain ito ng mga oportunista. Hindi nakakapagtaka dahil ang lider ng NPC ay si Eduardo “Danding” Cojuangco na isang negosyante. Maraming negosyo si Cojuangco na kailangan ang basbas ng Malacañang.
Naka-usap ko ang isang malapit kay Chiz at sinabi niya na maaring may mga miyembro ng NPC na malapit kay Arroyo na siyang kumakausap kay Arroyo na suportahan si Chiz. Sa mga pulitiko na sanay gumamit ng pera ng taumbayan para sa kanilang personal na interes, malaking bagay kung magagamit ng isang kandidato para presidente ang makinarya ng Malacañang. Nandyan ang pera ng taumbayan na maaring gamitin para sa kandidato katulad ng ginawa ni Arroyo sa kanyang kampanya noong 2004.
Mali ito. Ngunit garapalan itong ginagawa ni Arroyo at ng kanyang mga alagad.
Si Chiz, na napili ni Fernando Poe Jr. bilang spokesman, ay sumikat nang siya ay kongresman dahil nanindigan siya laban sa administrasyon ni Arroyo. Kaya sinuportahan siya ng taumbayan magiging senador kasama si Alan Peter Cayetano.
Kung gusto ni Chiz patunayan na kaya niya maging presidente kahit sa batang edad (magiging 40 pa lang siya sa Oktubre) sabihan niya ang kanyang mga kapwa-NPC na tumigil sa paghingi ng endorsement ni Arroyo para sa kanya. Hindi pwedeng sabihin na hindi niya ma-kontrol ang kanyang mga kasamahan. Paano na lang kung presidente siya, ganun din ang sasabihin niya kapag may mga kasama siyang sangkot sa anomalya?
Sa isyu ni Arroyo, hindi maari magiging malabo. Dapat klaro.
Tama ka diyan, Ellen. Mahirap siyang manalo kung dala niya ang nakakadiring mantsa at nakakalukasok na amoy ng pakikipag-alyansa kay Putot, hayagan man o patago. Kung hindi totoo ang bintang ni Mikey, isa itong masakit na biro at dito masusubukan ang kanyang galing kung karapatdapat nga siyang maging pinuno ng 80 milyong Pilipino.
Ang kinatatakot ko ay isa-isang wawasakin ng mga kampon ang bawat isang kandidato ng oposisyon, saka ipapasok si De Castro na kunyari ay alanganing tatakbo dahil walang pera. Kuntodo iwas silang agad na iendorso si Noli habang kinakapa pa kung palihim o hayagan ang gagawing pagsuporta sa kanya. Pang-ligaw lang si Gibo, nuisance lang.
Si Erap, nakahanda na sina Dumlao at Mancao. Nag-pass na si Lacson, si Roxas, si Putot mismo ang bumibira. Kay Villar at Chiz, sagot na ni Mikey. Si Loren, aabangan pa natin.
Dapat talaga siyang manindigan kung hindi sira na ang career niya. Baka naman nandadamay lang itong anak ng surot at baboy.
Pero oks lang kahit ano pa itong Escudero doble-kara man o hindi … hindi naman siya ang aking iboboto. Ayaw ko lang yong pananalita niya para siyang naglilitanya … lol.
Right ka diyan Tongue. Wala na talagang kredibilidad itong mga Arroyong ito.
Ang gusto kong manalo sa 2010 ay yung kayang ipakulong ang mga Arroyo at ang mga kasamahan nila na nagnakaw sa kaban ng bayan. Pag si Erap, baka hindi nya ipakulong si Arroyo kasi may utang sya kay Arroyo(pinalabas sya ni arroyo sa kulongan)
Si Trillanes O si Gen Lim ang pueding maging Presidente na kayang ipakulong itong mga Arroyo at ang mga magnanakaw sa gobyerno, kasi natatandaan ko, ng kumandidatong senador si Trillanes kahit nakakulong, ang isa sa plataforma niya ay ang mapatalsik si Gloria, kaya nga siguro siya nanalo.
Si Chiz naman, sa tingin ko ay hindi rin magpapakandong kay Gloria kahit pa Ninang niya sa kasal, kaya nga siya nanalong senador dahil kay Erap siya dumikit na kaaway din ni Gloria. Sa election na darating huwag lang ma Garci, siguradong sa kangkungan lahat ang bagsak ng mga ieendorso ng mag-anak ni Gloria
“Itong panindigan ay hindi base sa prinsipyo. Gawain ito ng mga oportunista.”
Korek…di pa kaya ng tuhod ni Chiz ang pamahalaan ang Pinas, kailangan natin e buo ang dibdib upang pamunuan ang mga pasaway at peste sa ating lipunan.
Isang damakmak na pilosopo, ksp/ssp, walang paki party, hodlums in uniform, general problems, oportunista etc. etc. ang dapat disiplinahin at pagtiyagaang pangaralan kung kinakailangan e palimaw o kaya manianita upang magsipagbago ng ugali’t asal.
Si hilatsa ng diskarte ni Chiz e malayo pa siya sa hinagap upang pamunuan ang mga sakit ng ulo sa lipunan. Isa pa ang kanyang partido political e namamangka sa dalawang-ilog, mahirap yon parang sa puti o sa pula?
Kailangan natin ng paninindigan sa Katotohan at tapat sa sarili upang maging tapat sa bayan! Pwede pa si Mayor J.Binay, sapagka’t minsan man e di siya nasindak ni gloria and her ombudsama?
Subok na si Mayor Binay sapagka’t during Marcos regime e isa siya sa nakibaka laban sa rehime at patuloy na yumabong ang karanasan sa paglilingkod bayan till na gawing isa sa top guys ni Pres. Cory at ngayon naman e Mayor ng pinaka-maunlad ng ciudad sa Pinas.
At ang isa pa e di nila kayang utuin o lokohin si Mayor sapagka’t isa siyang abugado. Finally, ang hula ko kay Chiz e maggive way ito upang suportahan ang manok ni Pres. Erap o nang Oposisyon na siyang tatakbo sa 2010.
Hindi pwedeng sabihin na hindi niya ma-kontrol ang kanyang mga kasamahan. Paano na lang kung presidente siya, ganun din ang sasabihin niya kapag may mga kasama siyang sangkot sa anomalya? -Ellen
Kailangang marinig sa publiko ang klaro at matigas na commitment ni Chiz para sa atin. Hindi pwede ang rason/katwiran na hindi siya ang gumagawa ng ikot-ahas kay Gloria kundi ang kasamahan. Ang lambot niya, wala ng ugat ay kulang pa ang balls!
Challenge Mikey Arroyo to a face-to-face TV/radio interview so we will know the truth. Kung hindi niya kayang harapin ng eye to eye ang gagong anak ng bitch at pig, meaning na wala siyang karapatan na mangulo ng Pinas.
Referring to the present dispensation and his political plans, Escudero has said, “We have already suffered and sacrificed for seven years, what is two years?”
IISA lang ang gusto kong marinig sa lahat ng lalaban sa pag ka presidente at bise na ngayon pa lang ay ipangako nila sa taong bayan na pag babayaran ng mga arroyo at sampu ng mga galamay niya ang kanilang pag nanakaw ng pera ng bayan.
Ipapakulong nila at ililistis agad pag ka baba sa trono (kung ito ay bababa dahil itong pandak ay tuso). Sa ngayon ay wala pang nag sasabi ng kanilang gagawin sa mga arroyo’s.
Kaya kung ako kay CHIZ ay para di mag duda ang taong bayan ay sabihin niya na ipapakulong niya ang mga arroyo’s kapag siya ang presidente na. Sa ngayon ay puro lang sila papogi picture katulad ni MAR ROXAS. Tutal ay malaki naman ang ebedensiya laban sa mga arroyo na magagamit nila para usigin.
Chiz,
Linawin mo ang iyong stand. Bah, ipagkakanulo mo ang ninang mong Susan Roces niyan, peborit ka pa mandin ng yumaong FPJ.
Ala…e pati ako ay kakampanya against you kapag hindi malinaw ang iyong paninindigan.
The EQualizer – July 30, 2009 5:23 am
Referring to the present dispensation and his political plans, Escudero has said, “We have already suffered and sacrificed for seven years, what is two years?”
___
Yup, First time I lose respect for Chiz. No urgency because he was buying time for his ambition. Trapo!
Naku, Von…maghihintay tayo ng 2016 niyan kung mahahabol pa ni Trillanes na ipakulong si bitch Gloria.
ngayong nilinaw ni escudero ang stand niya, i dare mikey arroyo to name names.
pero sa tingin ko, itong hudas na anak ni gloria ay puro lang daldal. aber nga, ngayong pinag-dare na siya na pangalanan kung sino ang mga tinutukoy niya, tingnan nga natin kung hindi biglang mawala ang balls niyan. puro dakdak, wala naman.
i just hope hindi ipagkanulo ni escudero ang paninindigan niya bilang naging spokesman ni fpj. pag nagkataon, hah….kahit pareho kaming bicolano, itatakwil ko talaga siya.
Kapareho din siya ni Bilog alan Cayetano. Kunwari kung ano ano ang mga sinasabi against FG, pero iyon pala ay binilog lamang nila tayo. Alam nila na sure panalo sa senate ang sinumang against, lalu pat may accusation against the Arroyos, pero ang lumabas trojan horses sila. Mga pain ng mga Arroyos ang mga iyan. People should see through who they really are- am particularly referring to Chiz and Alan. There are more strong presidential bets, why single out Chiz, if Mikey is just making it up.
“Linawin mo ang iyong stand. Bah, ipagkakanulo mo ang ninang mong Susan Roces niyan, peborit ka pa mandin ng yumaong FPJ.” — Chi
Kung talagang totoo yong sinabi ng anak ng surot at baboy kay Escudero, baka noon pa ipinagkanulo na niya si FPJ. Hhhhhmmmmm … kawawang FPJ.
Ang masasabi ko lang kay Escudero ay … bumili na lang siya ng lubid at magbigti. Tapos na ang career niya. Sinira ng mga Arroyo at sa ambisyon niyang maging Pangulo..
Tungkol naman dito kay Villar …. mga kabayan ko isang buwaya ang taong ito. Huwag kayong mag-tiwala sa dito.
Does he (Chiz)know what the meaning of “word of honor”? mayroon ba siya? sa ngiti niya mukhang hindi sincere..kaya ng Ninang?
“Kung talagang totoo yong sinabi ng anak ng surot at baboy kay Escudero, baka noon pa ipinagkanulo na niya si FPJ. Hhhhhmmmmm … kawawang FPJ.” -kabkab
Oo nga, noh? Hhmmm…good point.
Pero hindi naman siguro kasi noong spokesman siya ni FPJ ay mukhang totoy pa! Ha!ha!ha! Seriously, sana naman ay hindi.
I’m posting a portion of a news report regarding AFP Chief Ibrado’s permission for the Magdalo soldiers to go to their hometowns to register. Ibrado is not as bad as GMA’s previous chiefs. Let’s make sure he stays until 2010…
The more the merrier and, according to the military’s Chief of Staff Victor Ibrado, adding that goes also for the fight for lower national posts in 2010.
“Magdalò’s bid for [elective office] means that democracy is alive in this country” he said also on Wednesday of the group contesting next year’s polls. Taking part in the political system, Ibrado added, “is definitely much better than taking up arms against the government.”
Magdalò is the group of rebel soldiers who hogged headlines when 321 of them staged a mutiny in 2003 in protest over alleged corruption in the Arroyo administration.
One of their leaders, Navy officer Antonio Trillanes 4th, went on to become an elected senator in 2004 despite being confined in a military jail. The military has acknowledged his contribution of P1 million each to military hospitals in the country.
Ibrado said that he had approved requests from detained Magdalò soldiers to go back to their hometowns to register for the 2010 elections.
He added that since these soldiers have not been convicted yet, “they still retain their right to vote, and I am [not] going to curtail that freedom.”
Recently, the Magdalò group announced that they would be fielding Brig. Gen. Danilo Lim and Col. Ariel Querubin to run for the Senate and several others to run for Congress.
Capt. Gary Alejano had also announced his intention to run as mayor of Sipalay City in Negros Occidental, against the dominant Montilla clan.
BE, please provide link to the Ibrado article. Thanks.
Its the other way around. They are asking some opposition wannabes to support the administration hopefuls. As far as I know, Belmonte wont be beholden to anyone if he runs.I will reserve my vote for him. And Marcos for the veep. No one yet has thrown stones at the two.
Ellen, here’s the link. Please read the last part:
http://www.manilatimes.net/national/2009/july/30/yehey/top_stories/20090730top4.html
I strongly believed Chiz is an honorable person and WILL NOT seek an endorsement of gloria arroyo. He is an intelligent person and have lots of common sense.
Huwag tayong dali-daling naniniwala sa mga paninirang ganyan lalo na at galing sa bibig ng isang Arroyo na kung di lang naka puesto ang nanay nya (illegal pa nga eh )ay hindi yan mananalo kahit na KAGAWAD ng isang barangay.
Huwag tayong mag-pakababaw. Chiz is popular among the masa and the youth, as far as my personal observation (I refuse to use the word survey)believe me 9 out of 10 person I encountered, favored Chiz Escudero as their choice to be their next President. Mind you I did not suggest any name, those were spontaneous response.
Apparently they prefer a young leader, base on their explanation of their choice which is Chiz.
The present illegal palace occupant am sure conducts their own survey, which is logical. The choice for a young leader is obvious. That is why Gilbert Teodoro is being groomed as their possible administration presidential candidate (if election happened in 2010).
Let’s just hope that the opposition unite and come out with a single presidential candidate, either Mar Roxas, Chiz Escudero and Ping Lacson, this is my prayer!!!!!!!
Sa akin, naghihinayang ako na ako at sampu ng aking pamilya ay bumoto sa kanya. Sobra kasi ang bilib ko sa kanya kaya nangangampanaya ako para siya ay iboto. PERO SAYANG DAHIL UNTI-UNTI NAG LUMALABAS ANG TUNAY NA KULAY NI CHIZ ESCUDERO.
SIYA AY NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG!
SIYA AY BALIMBING!
HUWAG NA NATIN SIYANG IBOTO KUNG SAKALI MANG KAKANDIDATO SIYA SA PAGKAPANGULO. MAGIGING SAYANG LAMANG ANG MGA BOTO NATIN.
CHIZ MAGPAKATOTOO KA. SABIHIN MO NANG HARAPAN NA PAKAWALA KA NI GLORIA AT BAKA SAKALING BABALIK ANG RESPETO NAMIN SA IYO.
kaibigang bobong…yan ang gusto ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration to polarize public opinion and to destroy strong opposition candidate
sa tingin mo ba sino ang higit na kapani-paniwala si kabayo mikey o si sen. chiz????
hindi nasayang boto mo kaibigan, madami siyang naipasang batas of major importance at marami siya sponsor bills na papakinabangan natin at ng ating bansa..ilan lamang sila sa mga nagtratrabahong senador natin sa ngayon….
maging mapanuri at maging matalino sa paghimay sa bawat isyu…timing lamang kaibigan ang bato nila ng akusasyon kena villar at chiz, cyempre sasagot ang mga nasabing presidentiable upang ipagtanggol ang kanilang sarili…kung naging malamya man sila sa ibang usapin laban kay queen gloria dahil sa party stand and kailangan pa rin makipag-coalition sa admin for legislative cooperation only
di mo ba napansin kaibigang bobong…pilit nilang nililihis ang isyu sa US trip ni gloria kung saan dami na namang kawatan este kinatawan ang sumabit kasama pa ang kanilang pamilya….kaninong gastos kaya? at magkano na naman ang papasanin ni juan dela cruz???
at ang isyu ng bagsak na popularidad ni queen gloria na gusto nilang palabasin na may malaking maitutulong ang nasabing endorso o basbas ay pagpapakita lamang na may amor pa sa masang pilipino ang isinusuka nating pekeng pangulo.
at isa pa ang sona na kung saan tagpi-tagping kasinungalingan at maling staistics ng economic growth and poverty alleviation programs kuno ni gloria…malinaw na paglilihis lamang ng usapin para nga maligaw ang opinyong publiko…kaya huwag padalos-dalos sa akusasyon kaibigan…magsuri at maging matalino sa bawat isyu ng lipunan.
tuso at mapagkunwari ang malacanang mafia at arroyo corrupt-poration…siguro isang katanungan lamang
sino ba ang higit na paniniwalaan ng tao – si sen chiz at sen. villar o si kabayo mikey at supersepsep little president ermita???
dagdag ko lamang sabi ni ermita lima lamang kawatan o kinatawan ang sasama sa US trip pero sinungaling talaga, mahigit 28kinatawan na ang sumabit at meron pang susunod sa US kasama ang kanilang mga asawa at pamilya
at si kabayo mikey,ano ba talaga ang mga negosyo niya bukod sa restaurant kung bakit from less php10M assets ngayon ay php200M net worth na siya…yun ang dapat ipaliwanag niya
at ang smuggling di na yata masasawata di ba cong. kabayo?
NO TO TRAPOS 2010!
dapat manindigan si sen.chiz escudero kung pakawala siya ni gloria SAYANG.dapat linawin niya ito dahil nakaka dismaya.
dahil ang gusto naming maging susunod na pangulo ng ating bansa ay may paninindigan,may malasakit sa ating bayan huwag ibinta ang mga ofws na parang galonggong sa ibayong dagat.kung katulad karin nila na trapo wala na kaming pag-asa.
hindi pa huli ang lahat handa kaming makinig kong paninira saiyo para ka sirain,si gen.lim,sen.trillanes,ang mga magdalo kahit anong paninira sa kanila we beleived them dahil sa ngayon naghihirap sila dahil may paninindigan sila na ipagtanggol tayong lahat sa kuko ng mga trapos,sana ganon kadin sen chiz.
kaibigang ofw…
kaya mas kailangan nating maging mulat sa mga isyu at maging matalino sa mga usapin para makapili tayo ng isang tunay na matuwid na pinuno.
“dahil ang gusto naming maging susunod na pangulo ng ating bansa ay may paninindigan,may malasakit sa ating bayan huwag ibinta ang mga ofws na parang galonggong sa ibayong dagat”
tama ka kaibigan sa panahon ni queen gloria halos gawing “commodity” ang ofw sa halip na gumawa ng trabaho sa sarili nating bansa…ofw din ang tatay ko daming benefits sa OWWA di nakuha at nung nag-aaply ng claims sa employer sa KSa nasindikato pa mga tao sa embassy matapos magsubmit ng mga reqts ay walang nakuha ang masaklap sabi ng employer naibigay na raw ang claims, pera ng OFW lamang ang nagpapagalaw ng ekonomiya natin pero ayaw nilang aminin bagkus puro kasinungalingan na kesyo “sound economic fundamentals kuno” at economic policy ng mga economic managers kuno…
sana nga mabigyan na ng karampatang pagkilala at benepisyo ang mga ofws na tunay na mga bagong bayani.
mabuhay ka kaibigang ofw!
NO TO TRAPOS 2010!
For the moment, I would bet on Chiz to be telling the truth (I hope), not because I trust him more, but that I trust MIKE ARROYO none. While almost all politicain have a dark side (like most people also do), we give them the benefit of the doubt. But with the Arroyos and their cabal, in my book, they are guilty beyond reasonable doubt.
Sigurista si Chiz. Siya ay namamangka sa dalawang ilog. Ibig sabihin walang siyang sariling panindigan. Uto-uto siya. Big Boss Danding is behind backdoor negotiation with Jose Pidal Mafia.
Igan DKG, sa hilatsa ng bukadura ni Chiz e di pa pwede isabak sa 2010 aba naman e puro may tahid na ang pahirap at pesteng mga trapo.
Ang mga kasama niya sa NPC (kampi lahat kay Glorya at boto pa sila sa Cha-Cha) at ang Boss pa nila ay si Cojuangco … di ba kalokohan na i-deny pa ng Escuderong yan. Noon pa may duda na ako dito sa taong ito … ngayon ay confirmado na . Sayang ka bata …
Ang gagaling naman natin! Isang salita lang ng isang walang kuwentang tao, gumuho na ang mundo ni Chiz. Hindi ko akalaing ganyan kalaki ang krebilidad ni Mickey Mouse sa Edenville. Kay Danny Lim ako o kay Mayor Binay.
“Ang gagaling naman natin! Isang salita lang ng isang walang kuwentang tao” –taxj
Minsan igan kahit ang isang walang kuwentang tao ay minsan may totoo ding sinasabi. Nagkataon lang na noon pa wala na talaga akong bilib sa Escuderong ito. Nakilala lang siya dahil naging sidekick siya ni FPJ at anak siya ng ama niya na isa ring politician .. pero di ko alam kung saan siya kampi. Palagay ko naman hindi puhunan yan para maging Pangulo siya ng ating Bansa.
well, Igan Taxj…kinakapatid ang pumutak kaya either na may truth o ganti ito dapat magsuri tayo sapagka’t ang kapalaran ng bansa ang issue.
Si Chiz e kontra gloria but ang partido nila na NPC naman todo-suporta sa rehime?
Ano yon sa pula o sa puti ?
Ang pagiging ninong/ninang/inaanak sa panahon na ito ay hindi na isang “big deal” lalo na mga pulitico. Hindi tulad noon na ang godparent-godchild relationship ay isang sagradong relasyon, dahil ang mga ito ay magkakapit-bahay o magkakamag-anak.
Uso na ngayon ang 10 pares ninong-ninang at kadalasan ginagawa ito for convenience, kaya hindi na nakapagtataka kung magkaiba ang posisyon ni Chiz at mga Arroyo maski pa inaanak sa kasal si Chiz ni Gloria.
Ang tingnan natin ay ang kanyang distrito (Sorsogon)… ano ang ginawa nilang mag-ama para makatulong sa kanilang constituents? Ilang term silang mag-ama as representatives of this district? Isa syang huwad na pag-asa ng bayan. The term TRAPO is just apt for this person.
Pailalim nga ang deal kay ninang arroyo, paano aamin o maninindigan si Chiz? At saka sa tingin ko hindi bigay todo ang kanyang pagiging opposition. Tama kayo, namamangka sa 2 ilog. He wants best of both worlds for his own benefit, quintessential trapo.
Marlon (no.4), tamang tama ang sinabi mo. Ang dapat iboto ng mga tao ay iyong hayagang sasabihin na walang kawala ang mga Arroyos at ang mga kampon nila, walang patawad. Tamang tama din ang tinuran mo na kung si Erap, baka walang mangyari, una kasi ang belief niya ay weather, weather lang, at saka masyado siyang mapagpatawad kahit sa mga nagkasala sa kanya. Kung gawin niya iyon sa mga Arroyos, walang fairness hindi ba?
Tanong lang, may naniniwala pa ba kay Escudero? Me? Matagal nang walang tiwala sa taong iyan. He was a disappointment as a matter of fact. I thought he would be as great as his grandfather, whom I was told was a brave and courageous soldier, who led the guerrilla movement in Southern Luzon in WWII. Wala pala siyang sinabi. Pwe!
“Sa isyu ni Arroyo, hindi maari magiging malabo. Dapat klaro.”
Iyang sinabi mo Ellen na iyan ang una at dapat sagutin muna ng any presidential candidate sa bayan. Kung ang plano (para kay Arroyo) ay hindi klaro, huwag iboto.
Chiz has already been eaten by the citizen. Many who began as idealist and full of hope for the country ended up like Chiz.
Sana maging matatag ang mga bayani nating Magdalo group. Kaunting tiis lang mga kapatid at makakalaya na kayo.
Sorry…”eaten by the system (not citizen)”
From Omar Tacsay:
Marami pa ang gagawin ng administrationg Arroyo masira lang ang magandang samahan ng mga taga oposisyon.
Kagaya na lang ng sinabi ni Mikey na may isang senador na humihingi ng pagendorso ni Gloria para maging presidential candidate ng administration. Ni hindi man lang sinabi ng direkta kung sino.Dapat hindi sila padala sa political strategy katulad ng ganito.
Desperado na talaga ang administration ni Gloria at gagawin ang lahat para magkagulo ang mga taga oposisyon ng sa gayon may tsansa silang maipwesto ang gusto nilang maging pangulo.
Not so sure, anything coming from the mouth of the Arroyo’s, I don’t trust one bit. Won’t judge Chiz based on the pronouncement of Mikey the horsie.
Sa akin lang .. papano mo pagkakatiwalaan si Escudero kung ang lahat ng mga kasamahan niya sa NPC ay pro-Arroyo tapos siya ngaw-ngaw ng ngaw-ngaw laban kay Arroyo. Tanggap ko, na yong sinabi ng anak ng mga dupang ay totoo. Huwag natin sayangin ng ating boto sa ganitong klaseng tao …. doble-kara.
Kung talagang opposition si Chiz at isama na rin natin si Legarda, dapat kumalas sila sa NPC at lumipat na lang sa UNO o partido ni Erap.
Tatlo daw na Presidentiable ang nanghaharana kay Glorya sabi ng isang Bishop Cruz. Pero hindi niya pinangalanan ng mga ito. Kung ako ang inyong tatanungin itong tatlo ay sina Escudero, Villar at Legarda. Doble kara talaga ang tatlong ito.
Kaya pala ganun na lang na pilit isangkot si Lacson sa kaso ng Dacer-Corbito para idawit ng isa si Erap. Kahit si Baboy ang hinahamon ay itong dalawa na sila naman daw ang dumalaw sa USA para sila ay damputin ng FBI dahil sa mga kasalanan nila. Gusto nilang isantabi na naman ang pobreng Erap.
Si Erap kasi ang mabigat na makakalaban ng mga bata nila. Ang labanan talaga ay si Erap na maka-mahirap at ang mga elitista kasama na diyan sila Escudero, Villar at Legarda.
Correct ka kabkab. Malacanang is hitting two birds with one stone. Because Lacson was then the PNP Chief, it would be easy for them to link Erap. Destroying and removing two genuine opposition would make it easier for Malacanang to beat the opposition. Eh kung Erap-Lacson kaya? Walang katalo-talo di ba?
Hindi pa nga tumatagal sa pagka-congressman medyo controversial na si Chiz. If I were him, I would wait few more years before aspiring for higher office.
“Si Erap!Tatakbo!” hahaha… lupet nung Ads noh… simple lang pero ang lakas ng dating… kaya nman hindi na talga makatulog ang mga demonyo… ewan ko lang kung may effect yang si Dumlao at Mancao kay Erap.. imbes na bumaba rating, lalo pang tumaas. At si kabayad na inaasahan pambato ng mga demonyo, ayun kulelat!
Lalo kang magugulat kung malaman mo na si Jamby Madrigal ay tatakbo din sa pagka-Presidente. She cannot even be sure of being re-elected as Senator; yet she wants to be President.
Hindi ba tayo nakakahalata? The bitch and her cronies are destroying all the opposition presidentiables. Nagumpisa siya kay Lacson, then Villar at ngayon si Chiz. I still think that the C5 project that Villar may be involved in was purposely fed to Lacson and Jamby so they can eliminate Villar. Ginamit lang si Lacson and Jamby to eliminate Villar. Erap is going to be blamed for the Dacer-Corbito case. Watch as the mafia gang demolish Erap as the elections come closer. Sana maagang mag-file ng candidacy si Erap if indeed he will be running so that the Supreme Court can immediately determine if he is fit for a re-election. For those who are counting on Erap to run again, it is like being on the edge of the cliff. It must be very difficult for Erap’s senatoriables and those running for the lower house to be patiently waiting on Erap’s next move. Erap may be popular but if the Supreme Court (predominantly filled with the appointees of the bitch) says he can not run, papaano na?
Chiz was always associated with the bitch anyway. Bukod sa ninang niya si bitch, he was seen a few times at weddings with the bitch and him as ninong and ninang. At the breakfast meeting in Washington where the bitch travelled half way around the world to just have a photo op with Obama, Chiz was rumored to have met with the boobuwit. Pwede bang i-ignore ni Chiz and Ninang niya? Besides, just like most of the candidates, Chiz needs financial help if he runs for the presidency. Chiz said so in his interviews that he needs help if indeed he runs for the highest post.
With Jamby’s pronouncement that she too will be running for the presidency, ilan na lahat sila? Erap, Villar, Noli, Chiz,Mar,Gibo,Binay,Fr Panlilio,Legarda and Bayani Fernando. Sampo! OMG! Meron pa ba akong nakakalimutan? Gee, yung mananalo eh hindi pa makakakuha ng 20 % ng boto. He or she will just be a minority president again. Just like the boobuwit, kung sino man ang mananalo sa 2010, 80% ng mga tao ay guguluhin na naman nila kung sino man ang mananalo. Sana naman yung iba eh maging vice na lang o mag-senator na muna. Sa susunod na lang tumakbo yung iba katulad ni Bayani Fernando, si Chiz (bata pa naman siya), Gibo, Mar,Fr Panlilio. If Fr Panlilio will run for the Senate, pihadong mananalo siya! Si Bayani, pwede ring tumakbo muna sa pagka-governor. I still think that Binay should stay in Makati. He is doing a great job there. Pabayaan na lang muna sila Villar, Erap at Noli na tumakbo. This will just be a three way race. Mas maganda di ba? This is just my suggestion.
The administration bets could either be Noli-Puno or Teodoro-Puno.
Jamby’s declaration to run could be just a ploy. Pustahan tayo, she will withdraw later. Kahit sino naman puwedeng mag-announce na kakandidato kasi hindi pa naman official na application. Kahit na nag-apply na puwede pang mag-withdraw few days before election day. I look at Jamby’s move as a political strategy and bluff. O baka naman nagtatampo dahil hindi siya sinama sa Senate ticket ni Erap.
Dodong,
Hindi mo ba napapansin itong dalawang witness sa Dacer-Corbito ay mga mistah din and so is Lacson. Huwag naman sana … baka biglang bumaliktad itong si Lacson at biglang ituro si Erap. hehehehehe …
BALUGANGGALA in July 30, 2009 10:35 am said:
“I strongly believed Chiz is an honorable person and WILL NOT seek an endorsement of gloria arroyo. He is an intelligent person and have lots of common sense.”
Tama ka, Kaibigang Balunganggala. Matalino at may common sense si Chiz. Kaya maingat siya sa pamamangka niya. Alam niyang kiss of death ma-associate kay Nunal.
Pero the fact na iba ang pakitungo niya in private kay Nunal sa sinasabi niya dito in public does not look like him being honorable to me.
I have talked to Chiz and observed him a number of times up close and I could say na nasa caliber siya nina Legarda and Villar. Mga hindi mapapagkatiwalaan.
I am sure safe si Nunal sa mga ito, whoever of these three (pwera sa admin candidates) ang manalo as president sa 2010.
Let’s stop bashing GMA — Chiz
http://www.tribune.net.ph/metro/20090802met5.html
Chiz dumipensa na kay Pangulong Arroyo: ‘Wag na nating upakan si GMA!’
MANILA, Philippines – Dumipensa kahapon si Senator Francis “Chiz” Escudero sa gobyerno at nagsabing hindi si Pangulong Arroyo ang isyu para sa darating na 2010 election.
“GMA is not running in 2010, and it would be unfair to the people if presidential candidates should still use her as an issue,” sabi ni Escudero sa blog ni Ladlad founder at Ateneo professor Danton Remato.
Kung tungkol sa presidentiables ang balita, I would take Tribune’s articles/news with a grain of salt. Dalawa lang ang magaling kay Ninez, si Villar at Erap. Highest bidder wins.
Matagal nang ibinasura ni Ninez si Ping Lacson dahil walang pera ang mama. But Ninez might be after Villar’s money not Erap. Kay Erap, it’s loyalty and relationship.