Utak-pulbura talaga itong si Jovito Palparan, ang paboritong heneral ni Gloria Arroyo.
Sinabi ni Palparan, dating commander ng 7th Infantry Division sa Central Luzon kung saan maraming na-salvage na milyembro ng mga militanteng grupo at ngayon isa ay isa ng partylist representative sa Kongreso, na si Melissa Roxas ang Filipino-American na aktibista ay miyembro daw ng New People’s Army.
Si Roxas ay miyembro ng progresibong grupong Bayan sa Estados-Unidos. Ilang beses na siya pumupunta dito sa Pilipinas para sa malaman ang kanyang pinanggalingan at malaman kung ano talaga ang tunay ng kalagayan ng bayan ng kanyang mga magulang.
Noong Mayo 19, sabi ni Roxas siya at ang kanyang dalawang kasama, sina Juanito Carabeo at John Edward Handoc, ay kinuha ng mga armadong lalaki habang sila ay nasa isang bahay sa La Paz, Tarlac. Dinala siya sa isang bahay na nakatakip ang kanyang mata at nakatali ang kanyang mga kamay.
Sabi niya, hiniwalay siya sa ibang kasama niya. Tinorture daw siya at pinilit na pina-paamin na NPA siya. Pagkatapos ng anim na araw, iniwan siya malapit sa bahay ng kanyang tiyo sa Quezon City.
Ibinalik marahil siya dahil, nag-ingay ang grupong Bayan sa media. Itinuturo ng Bayan ang military na may kagagawan sa pagkidnap kay Roxas.
Bumalik sa Amerika si Roxas nang siya ay pinakawalang ng kanyang mga kidnappers ngunit nandito siya ngayon para humarap sa imbestigasyon isinasagawa ng Commission on Human Rights.
Sabi ni Palparan may mga pruweba siya na NPA raw si Roxas. Nang-intriga pa. Kapwa komunista raw ang nagkidnap at nag-torture kay Melissa para daw siraan ang military.
Mabuti lang matino itong si Leila de Lima, chairperson ng CHR. Sabi niya ang kanilang ini-imbistigahan ay ang pagkidnap at pag\torture, hindi yung membership ng kung sino man sa anong organisasyon.
Sabi ni De lima, dapat alalahanin na ang karapatan ng isang tao laban sa torture ay hindi nababawasan kahit ano ang iyong pulitika o idolohiya. Walang sitwasyon na maaring papayagan ang torture. “We must remember that freedom from torture is a non-derogable human right. Under no circumstance, not even a state of war or conflict, can torture or anyone be justified.”
Sabi ni Renato Reyes, Bayan secretary general, na baka raw napagkamalan si Melissa na si Maita Santiago, isa ring aktibista.
Sa akin naman, hindi isyu kung siya ay NPA o hindi. Ano naman kung NPA siya? Kung totoong NPA siya at may pruweba sila, di hulihin at kasuhan.
Walang karapatan ang sino man na magkidnap at mag-torture.
Tama po kayo,”Walang karapatan ang sino man na magkidnap at mag-torture” kahit NPA pa siya o sabihin na nating pinakamasama ng kriminal sa bansa. No one is above the law, di ba may due process tayo na sinusunod? Kung lumabag man siya sa batas ay di kasuhan, kung mapatunayan ay ikulong ayon sa kanyang sentensiya.
si palparan kaya mainit ang ulo niya at galit sa npa, dahilan sa ito ang mag sinisisi niya sa pag aksidente
at mabaril niya ang sarili niya, natamaan ang dapat ay
ang kaligayahan niya..he hit his own ball`s accidentaly and
not even viagra or any chinese herb can bring it back..siya po ay isang inutil na.. kaya ganyan na lang ang pag ka utak pulbura niya..sa ibang ulo kasi pumutok ang pulbura.. sana mata uhan na siya..!!!
I’ve seen the video and stills and I am convinced it was really Melissa Roxas training with the NPA. But that is not the issue, torture is banned even by conventions on war. If that kind of reasoning (being NPA) is used by her detractors to justify their inhuman acts, it only validates that torture is still an accepted, ongoing, customary, and official act of the country’s armed forces.
Photos and video here: http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.gmanews.tv%2Fstory%2F168244%2FActivist-Roxas-a-rebel-claims-group-linked-to-Garci-tapes&h=d6eb216b244802004f0982e8f308a2aa
Yan ang problema sa mga militar/kapulisan…ang alam lang nilang pagdiskitahan at likidahin e yong mga Pinoy na walang makuhang hustisya lalo na sa gobyerno de bobo ng rehime?
Ang hanay ng mga No Permanent Address ang alam lang nilang itumba o hulihin kaya…e bakit yong mga tulisan sa tongreso, LGUsipsip, sickretaries ng gobyerno de bobo, kurap generals et. al. di nila kayang kantiin? Sila dapat ang unahin nila at wag itong mga pobre na kaya lamang nagrerebelde sapagka’t walang makitang pagbabago sa ating bansa.
Nasaan ang pusot’kaluluwa ng mga nagmamagaling na general problems ng AFP/PNP…bakit di nila upakan ang mga kurap at sinungaling na mga pulitiko?
Sila ang puno’t dulo ng ating mga paghihirap…?
kaibigan dami ng paglabag sa karapatang pantao ang militar at kapulisan natin,wala na kasing takot alam nila di sila makakanti ng mga inutil din nilang mga opisyal…yun nga lang ang hirap kung ikaw ang mabiktima ng kanilang pang-aabuso
sa hanay nag mga berdugong kapulisan,di na mabilang summary execution na laging sinasabing encounter o lumaban ang suspects…kahit di nagpaputok ang mga nasabing suspects hayun binigyan na agad ng death certificate tapos aayusin lang ang “encounter scene kuno” para magmukhang lumaban ang mga suspects, daming palpak na operations ang kapulisan dahil sa palpak na intel pero meron na bang nakulong o naparusahan sa nasabing kapalpakan at kapabayaan ng mga pulis berdugo????
sa hanay ng afp, di na maitatago ang malaking partisipasyon ng militar sa paglipol sa mga makakaliwa at mga tinaguriang kalaban ng estado…suspects pa lamang kidnap, torture at worst summary execution at forced disappearance.
malinaw naman ang report ni UN inspector Alston na may kinalaman ang gobyerno sa mga nasabing paglabag sa karapatang-pantao at malaki ang kinalaman ng special ops ng afp…tanong na lang natin kay congressman palparan
ke npa, o criminal yan…dapat sundin ang proseso ng batas kaya nga may rule of law hindi rule of butchery.
ano kaya isang anak ni tongressman, o ni yes mam/yes sir general, o ni judge, o ni cabinet secretary ay dukutin tapos i-torture tapos itago ang bangkay…siguro titino na ang mga damuho at magkakaroon na ng takot.
NO TO TRAPOS 2010!
NPA, kaya tortured. Tingnan mo nga naman ang tortured logic.
Now you know they will host the Guantanamo prisoners and sign the Visiting Prisoners Agreement. If they can torture their own, they can certainly torture international terrorists.
Problem is, sa Nas-Pi, everything is possible,if the price is right. Obama better be careful. Baka makawala lahat ng preso.
Our land’s situation right now manifests how our land is unbalanced and unpeaceful.:)
Dito sa kaso na ito nagpapatunay na ang mga military talaga ang may kagagawan sa mga nawawalang mga aktibista o napagkakamalang NPA kagaya ni Burgos. Walang ibang sisishin dito kundi ang Pekeng si Glorya. Siya ang utak ng lahat na ito. Imbes na pa-imbestigahan, ipino-promote pa yang si Palpakran.
Matindi itong reklamo ni Melissa. It’s her word against the AFP or General Palparan. Mabuti na lang nangyari ito sa katulad ni Melissa, who is an American citizen, na determinadong alamin ang katotohanan otherwise isa lamang ito sa mga unsolved abductions na typical sa gobyerno ni Gloria Arroyo.
“We must remember that freedom from torture is a non-derogable human right. Under no circumstance, not even a state of war or conflict, can torture or anyone be justified.”
De Lima is right! Geneva Convention Against Torture.
Judge Real, the judge in Hawaii in awarding JoMa Sison a million dollars for torture by the Marcos administration on his person pretty much said the same thing. (Btw, no one really knows whether Sison was physically tortured as the inmates of US Guantanamo Bay prisons)
http://europeandesk.blogspot.com/2006/06/interview-with-jose-ma-sison-utrecht.html#links
“The US judge declared that “Whoever talked in this court against the plaintiffs as being communists will be thrown out of this court because a whatever a person is, whether he is Communist or not should not be tortured.“
I’m against torture but I will make an exception on the person of Gloria.
Kilitiin hanggang himatayin iyang asuwang na yan!
Kung NPA ang tawag mo sa mga humihingi ng hustisya o mga humihingi lang ng konting ginhawa sa buhay o ano pa mang hinihingi para lang maibsan ang kahirapan …… ano naman ang tawag mo sa mga opisyales kuno na nagpapatakbo ng ating Gobyerno na walang alam kundi mangulimbat ng kaban ng Bayan …. E di yan ang mga TERORISTA!!!!!! Mas masahol pa sila sa HAYOOOOPPPPP!!!!!
At this point, I will not pass judgement sa mga sundalo natin. Magagaling yang mga yan na taga BAYAN. . .Psyops are being waged by both sides and the other side has many of the most brilliant filipino minds. . . Muntik na kaming mahuli ng mga yan ng pinasok namin ang headquarters nila with matching cover and cover story to withstand scrutiny . .Human rights? Yeah. .pero di one-sided dapat. . .kwento pa lang ni Melissa naririnig,nagwawala na ang BAYAN. . .e yung anim na ginulpi nila sa rally sa SONA? OK lang yun? Matanda na nga ang isa dun di na sila naawa. . .Yes. . .torture should not be tolerated. . .but try to ask those soldiers na nahuhuli din ng NPA kung ano ang ginagawa sa kanila. . . psychological torture is worse than the physical beatings. . yung di mo alam kung kelan ka nila papatayin. . .dyan magagaling ang mga yan. . .unfortunately, palaging defensive ang AFP natin. . .Laging talo sa public perception. . .I repeat. . .di ko kinakampihan ang mga sundalo natin dahil dati rin akong sundalo. . .kilatisin lang muna mga claims ni Melissa at baka nadadaan na naman tayo sa paiyak-iyak. . .the psy-ops operators of the other side are very good, mind you. . .she may be telling a true story, but it may have been stage-managed by the other side. . pls think about it. . .
Off topic…
Please read the Washington Times editorial on Arroyo’s US visit…
http://www.washingtontimes.com/news/2009/jul/26/obama-the-sanitizer/
If the Ex-Killer General suspected Roxas to be a member of the NPA then all the accusation of hers are TRUE…he maybe the one who had given the tips to the Torturers…
Maher Arar, a Canadian of Syrian descent who was rendered by the U.S. to the Syrians on suspicion of being a terrorist (with erroneous info from their Canadian counterparts) and later was found by Justice O’Connor Inquiry to have been Innocent of all suspicion been awarded by the Government of Canada $12 millions plus Legal expense for Torture suffered on the hands of his Syrians handlers and an official apology and later resignations of all head of agencies concerned.
Yan nga po ang masaklap kung minsan Tita Ellen, dinadaan sa torture walang due process puro paglabag sa karapatang pantao.
Ang taong dinadaan sa torture lalo na pag mahina ang loob, kahit ang pagpatay kay LApu-Lapu at Jose Rizal ay aaminin na nya ito.
Si Palparan kaya ng idaan sa torture, Dikdikin ang kanynag Itlog sa bugok,o tadyakan ang kanyang bayag ng combat shoes.. ewan ko lang kung makakayanan nya.
The innocent remain as innocent until proven guilty. ‘di po ba?.. Meron po tayong batas para dyan na hindi dapat idaan sa torture.
Palparan…tunog kapalpakan. tugma nga lang yung pangalan nya sa palpak nyang ginagawa.
Si Melissa nga ang nasa photos training with the een pee eey.
Legal na ang partisipasyon nila sa Congress, di ba? Pero kung nagtatago ay ‘outlaw’ pa rin sila at dinadakip.
If she went against Pinas law, e di dakpin. Bakit pinagtripan na i-torture? Tsk, tsk, tsk…hindi talaga sibilisado si Palparan at galamay.
Dalawang tao lang sa Pinas ang dapat sampal-sampalin at i-dos por dos hanggang magsalita ng truth, ang mag-asawang Gloria at Mike Arroyo-Pidal.
Mga sundalo natin sa Basilan, totoo ba ang tsismis na hawak na ni Chavit si Albader Parad dahil sumuko na ito?
“Si Melissa nga ang nasa photos training with the een pee eey.”
Chi:
Precisely my point. . .bakit ayaw pa nyang aminin na siya nga yun? Kesyo may pa rediscovering her roots pa. . it’s not helping her allegation of torture any by not telling the whole story. . .suspetsa ko matagal ng alam ng mga taga dos na taga kabila yan. . .piniga lang para makakuha ng info bout camp location and other personalities. . .pasalamat sya at di si palparan ang nakakuha sa kanya kungdi di na sya nakitang muli. . . may mga susunod pang lalabas yan. . .hinihintay lang ng isafp kung ano pa sasabihin nya at may ilalabas na naman si palparan, et al. . .tit for tat
Does anyone know where Belison, Antique is?
Si Palparan, nasa Kongreso? Dapat lang. Kulang pa nga ‘yan bilang gantimpala sa kanyang pikit-matang katapatan. Isa pa, marami naman siyang mga ka-klase doon: mga salot sa bayan. At malay natin? Baka makidnap pa niya’t ma-torture ang mga NPA doon. Maghahanap pa ba tayo ng buhay na patunay na ang torture at disappearances ay official policy ng rehimeng Imp?
henry,
I’m following up her story since the first day it became news. I agree, her alibis are not helping her cause at all. Sa akin, parusahan at ikulong kung may evidence na labag sa batas Pinas pero walang torture. Dapat ay idaan sa process na sibilisado.
Chi,
I agree with you. Naaawa lang kasi ako sa mga sundalo natin. Nadadamay sa kawalanghiyaan ng gobyernong ito. Iniexploit kasi to the max ng mga legal fronts ng CPP yan. Strategy nilang sirain talaga ang AFP dahil galit ang mga tao kay unano at sa mga sipsip na heneral. See how fast they condemn alleged atrocities by our soldiers but they continue to be mum if the NPAs maim/kill soldiers by the use of landmines which are prohibited by the Geneva convention. Did they condemn the massacre of 6 innocent civilians in Toboso, Negros Occidental who were mistaken for Cafgus admitted no less by ex-priest Frank Fernandez, the island’s top honcho of the NPA 2 weeks ago? Yung isang biktima ay babae na may edad na. Nagmamakaawa na ngunit binaril pa rin ng malapitan sa ulo. Bilib ako kay Leila de Lima. She means well. Pero dapat tingnan din yung pagmamalabis ng kabila. Satur Ocampo, et al are also masters of deception like Palparan and his ilk. No wonder sagad sa buto ang pagkamuhi nila sa isa’t isa.
“Does anyone know where Belison, Antique is?”
BE,
Malapit kina Ms Ellen yan.
The mayor is a certain Piccio who might be related to former Air Force Gen. Piccio and the current community leader Piccio (son?).
BE: Belison is a town in Antique…and to go to Guisjan where Ellen is from we have to pass by Belison..Antique is so small a province that mostly in a town the residents are related…I think kamaganak ni Gen. Piccio si Mayor Piccio.. I met him when he came to New York and I was introduced as the daughter of…and he was introduced as the son of….itatanong ko..incidentally, did you see that news about that little boy who was promised by Gloria last year in her SONA..a reward but until now he has not received it..mabihira talaga..so so sinungaling…
henry,
Reason why we should support the BGen. Lim, Col. Querubin, James Layug, Dante Langkit, Asley Acedillo (meron bang nalimutan?) in their quest for elected positions. Sa ganito ay malaki ang pag-asa na maiwasan ang pang-aabuso sa mga ordinaryong sundalo ng kanilang mga hinayupak na opisyal. Meron magbabantay sa kanila.
There oughta be a law to present to the media of apprehensions before any interrogation is made and a counsel is present. Or at least that must be enforced by our authorities religiously. The CHR knows that and thats common sense.
kaya may NPA dahil sa maling sistema ng gobyerno maraming biktima ng maling hustisya. wala naman tayong aasahan sa mga namumuno ng sundalo at pulis puro ito mga mapang-api yan ang natutunan nila ang mag torture kasi puro hazing din lang ang kanilang natutunana habang nasa training.
Kung ang NPA ay sinasabing “vanguards of the oppressed”, e bakit sila gumagamit ng “revolutionary tax” at pagnanakaw sa mga tahanan ng karaniwang mamamayan? Parang magiging karibal para sa kapangyarihan sa bansa…
BE I asked a friend who is “in” sa Antique politics and was told that si Gen. Piccio is the mayor and this community leader you are referring to is the son..it seems that paikotikot lang ang political power sa kanila,,a dynasty I guess..I don’t personally know the family who was supposed to get the help per Gloria’s SONA last year..but nadagdagan ang inis ko sa kanya..she is a liar at walang paki sa damdmin ng ibang tao..para sa kanya hamakin ang lahat masunod lang ang kapritso niya…malakas talaga ang dasal ng mga kaalyado niyang kaparian…but she will answer for all her sins…God’s Justice will triumph!
NPA feeds on the weak and helpless. AFP generals feed on the NPA. Parehong salot sa bayan.
Gen. Piccio was the Air Force General during Marcos time. Thanks Rose anyway.
Kaya hindi na dapat maging general si Trillanes. Presidente na lang ng Pilipinas.
The AFP and NPA are totally rivals! If the AFP is “apolitical”, then why did they disperse several citizen-led demonstrations and protests?
Naaawa lang kasi ako sa mga sundalo natin. Nadadamay sa kawalanghiyaan ng gobyernong ito.
Mawalang galang na po sir Henry, nakakalungkot isipin na yaong tulad mong dating sundalo at nasa active service pa na matitino e totoong nadadamay sa kawalanghiyaan ng mga kurap at misguided nating Kawal/Kapulisan?
Korek ka sapagaka’t ang nasusunod e yaong mga General problems at yaong mga rank & file na Kasundaluhan/Kapulisan e laging YES Sir…YES Maám, di maka-piyok kundi demoted o kaya itatapon sa dulo ng walang hanggan?
Pero sa totoo laman…aminin nýo man o hindi, ang kaso ng extrajudicial killings and other executions e gawa yan ng Militar/Kapulisan?
Bakit po…kasi ganito yon, pag ang Pinoy e kumontra sa gobyerno de bobo lalo na sa rehimeng ito…matutulad ka kay Burgos at marami pang iba?
Ang ibig bang sabihin kung kaming mga ordinaryong Pinoy e magpahayag ng pagtutol sa mga kurap/magnanakaw/sinungaling against gloria and her minions e kumunista o rebelde na ang ikakaso o ano pa?
Di ba ang tunay na rebelde/terorista e nasa Malacanang/Tongres/Senatong/LGUsipsip/Armed Forces of Pidalismo/Pidalismo Nangungurap Pulis-patola/Sickretaries ng gobyerno de bobo/attack-doggies ng rehime hay naku lahatin na natin ang dami nila na puro pahirap?
Di ba dapat ito ang peste at pahirap sa bayan…sila dapat ang bigyan ng leksyon ng mataun at wag nang pamarisan pa ng mga nagrerebeldeng kalooban ng Pinoy?
Kaming mga simpleng Pinoy ay masyado nang dinusta ang karapatan at sobra nang pahirap ang rehime sa ating buhay, kaya di nýo masisi kung bakit ang daming nagrerebelde ang kalooban sapagka’t sa kanilang kagaguhan at tontong pamumuno.
Pinagsisiksikan ang mga sarili sa anumang pwesto e di naman karapat-dapat na mamuno at walang guts to lead our people and our nation.
Di lang sila ng Pinoy sa Pinas more than 90milyones na tayo kaya wag silang mag-ilusyon sapagka’t marami pa ang matitino sa ating lipunan na dapat sila ang mamuno sa bayan at di yang mga sinungaling at peste na nagmamarunong e puro naman mga bobo?
Exempted ka dito Ka Henry…ang aking lamang na tinutukoy ay yaong mga pahirap at peste sa ating rehime at pasasaan ba e may hanggan din ang kanilang kabuktutan.
Ofcourse naman e masakit mang pakinggan ang aming mga pananalita e ito ang katotohan na magpapalaya sa ating pagka-api sa mga naghaharing-uri sa ating lipunan.
Welcome to the family of Inaaping Pinoy but naninindigan sa Katotohan at para sa Bayan!
@bitchevil : taga-Belison, Antique ako. At oo, mga Piccio ang namumuno sa aming bayan. Since elementary ako at ngayon, nakapagtapos na ako ng koleheyo at may trabaho na dito na Manila, Piccio parin ang mayor. dati 2 anak nya – ngayon ang tatay na nila (na dating Heneral) ang mayor. So far, hindi parin nila matapos-tapos na
dito naman po sa amin sa Romblon ang may hawak ng mga kapulisan ay ang District Engineer ng DPWH, kaya ang tawag sa sa DE na ito ay DE na PD pa. pag may mga pulis na kumukontra sa mga iligal nyang trabaho katulad ng paloteng at illegal fishing, ay kawawang pulis, tapon sa pinakamalayong isla dito. pano po kasi ang PD dito sa probinsiya ng Romblon ay may tinatangap na P50 thousand buwan buwan galing kay DE.
kuyating,
Kung magkaroon tayo ng bago at matinong lider-nasyunal, meaning tsupi na si korap Gloria, mas malaki ang pag-asa na tumino-tino rin kahit konti ang mga hinayupak na regional/provincial officials. (Paborito kung pasyalan noon ang Romblon, bilib ako sa inyong white beach at marbles na comparable sa Italian marbles).
tagwatit: taga Sibalom ako..I could not believe what I heard last night nga gina merry go round lang kang mga Piccio ang gobierno sa inyo..kung sabagay amo man ria sa Sibalom..kag sa San Jose..but if people don’t complain and they do not abuse power and wealth of the gov’t ok lang..kung sabagay daw wara nagmangaranon nga politician sa Antique..
Si Melissa Roxas ang hinuli pero ang hinahanap nila si Maita. Pinipilit na siya si Maita. Maita is a Canadian in Vancouver. Paano ngayon iyan US citizen pa pala si Melissa.
Melissa could be a Fil-Am-Canadian.
Actually, if you could read Robert Francis Garcia’s book, “To Suffer Thy Comrades”, Garcia (a former NPA cadre himself) confirmed instances wherein NPA members disguised as soldiers would abduct and torture other NPA’s and activists. Afterwards, the captured NPA would blame the military and put the military on a public trial. Kawawang Melissa. All these for propaganda. – bongkunana
That’s the point, on the narration of cummunist Roxas she also heard that these guys she referred to as saying sir were laughing but someone pointed that you can’t just laugh in front of your superiors.
My suspicion is when the word “sir” was uttered it was not that serious meaning the person who said that is pretending to call “sir” but in fact it was a ploy that this cummunist Roxas would remember that, “Hey it is the military who abducted me!”
There’s nothing wrong with being an activist or what not but there are undeniable connections between the leftists and these activists. Go to the universities, those from the LFS and other shady political groups often go to seminars outside the school to hear what these members of the left have to say. During that seminar they are actually being indoctrinated with propaganda and are now ripe for recruitment. Now that is the claim of Roxas who said that it was just an exposure trip to go up the mountains and play cummunist for a day or two.
The sad part is no one has proved that it was indeed the military who abducted her, no one has shown enough evidence to point to them being the perpetrators of the crime at this point. All she had was, “I saw them behind my blind-fold that they were wearing fatigue uniforms and I heard that there were planes, and there was construction going on in the place, and someone was calling “sir” while laughing.”
The gullibility of the media and the ignorance of other people exacerbated the situation.
@ Rose “kung sabagay daw wara nagmangaranon nga politician sa Antique..” – the point is, even in our small town very visible ang corruption, vote-buying, unfinished projects… At ang nangyayari, mas lumaki/lumago pa “daw” ang punung (fish-pond) ng namumuno (Piccio)…