by VERA Files
Exactly six years ago on Monday, July 27, Army Capt. Arlene Trillanes turned on her television set to see some 300 military officers and enlisted men taking over the Oakwood Premier Hotel in Makati.
Fear struck her heart when she saw her husband, Navy Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV, leading the band of rebels, accusing President Gloria Macapagal Arroyo of graft and corruption, and demanding that she step down.
Arlene’s life turned upside down that day. Then one month pregnant with their third child, she has since had to deal with her husband languishing in detention and raising their two children mostly on her own. In 2006, while she was pursuing graduate studies in Australia, her husband ran for public office. By the time she returned to Manila, he had been elected senator. And in 2007, she went through a repeat of the Oakwood ordeal when her husband led the siege at Manila Peninsula.
Click here (VERA FILES) for the complete article.
Magkakaroon naman ng normal na buhay ang kahit na sino.
Ang tanong, kelan nga ba mangyayari ito lalo na’t napakaraming anarchist dito sa Pinas at sa buong mundo?
Kahit sino yatang magaling sa Presidente ang iluklok sa bayang ito, may mga anarchist na nakaabang. May makita lang silang di nila gusto, gagawan ng kwento yung tao at sisirain ang pangalan sa publiko.
Ang Pilipinas ay parang sarangola na may tali.
Paliliparin kunwari at pag medyo mataas na, hihilahin ulit pababa.
makakamit lang ng familya ni mrs.trillanes sampo ng mga magdalos ang normal na buhay kung wala na sa malacanang si gloria. Dapat ang susunod na presidente lahat ng alipores ni gloria ay tanggalin. Palitan lahat dahil nana o daig pa nila ang sakit na kanser sa ating bayan.
Malaking sakripisyo din para kay Mrs. Trillanes ang pagkakakulong ng kanyang asawa dahilan lang sa kanyang prinsipyo at pagmamahal sa bayan na ipinaglalaban.
Pero sabi nga nila hindi naman lahat ng panahon ay may bagyo sa buhay ng isang tao. Darating din ang araw na makakamtan niya ang kalayaan at makapaglingkod ng husto sa ating bansa. Nabibilang na rin ang araw ng mga taong nangigipit sa Senador at mga tunay na sundalo ng bayan na ngayon ay nagtitiis sa piitan.
Hindi pa man pero ako’y nananalig na may posibilidad na umangat bilang bise-presidente o kaya’y presidente ng bansa itong si Senador Trillanes. At least hindi rin masasayang ng mga paghihirap at sakripisyo ngayon ni Arlene.
Ano Arlene, aabot ba tayo sa parteng iyon na kung saan ay tatawagin ka na namin ng First Lady?
Sana nga maging First Lady siya..and she would make a beautiful First Lady..maluma si Jackie Kennedy! darating din ang time na iyon..
They are a beautiful couple! Hindi masasayang ang mga sakripisyo ninyo sa bayan, Arlene and Sonny. Mandela was jailed for 27 years. He became a president and until now he is loved by his countrymen. Hindi na kayo aabutin ng taon pa at mawawala na ang salot ng bayan! Konting tiis na lang.
Tama si goldfish, este Goldberg. Subalit kapag natanggal na sa poder si gloria at naghihimas na siya ng matigas na kuwan, rehas na bakal kasama ang kanyang buong pamilya, kakutsabang mga heneral , kotongreasemen, gabinete at mga crony, kung hindi man mawala ay mababawasan na ang makakaisip gumawa ng katiwalian habang nasa kapangyarihan. Hindi na rin papapyagan ng taong bayan ang muling pagsulpot ng isa pang kawan ng salot sa lipunan.
Sususugan ko ang panawagan ni iwatchit, iwatcher pala, No to pampumas sa puwet sa 2010!
Sana swift justice ang mangyari kapag wala na sila sa poder. Firing squad ang dapat sa kanila.
Habib, noong maging Presidente si Garcia Moreno ng bansang Equador, buong tapang niyang hinarap ang mga anarchist. Pinatay siya ng mga anarchist matapos ang isang misa. Bago siya namatay minsan niyang sinabi “Pag wala na ako, babalik sa mga anarchist ang buong Equador.” Di nga siya nagkamali.
Kung maging Presidente man si Sen. Trillanes, maging mapagmatyag sana siya. Dahil ang mga anarchist, nasa paligid niya lang. Nasa paligid lang natin at nagkukubling mga kaibigan.
Kung tutularan ni Trillanes at Lim si Duterte ng Davao, naniniwala ako na malalayo sila sa panganib at tatahimik ang Pilipinas. Magiging isang paraiso ang bayan natin na ang naghahari ay katahimikan at kaunlaran.
Kahit sino yatang magaling sa Presidente ang iluklok sa bayang ito, may mga anarchist na nakaabang?
Golberg, natumbok mo ang pinakaroot cause ng problema sa ating bansa…ito ay walang iba kundi ang mga “NAGHAHARING-URI sa ating lipunan?
Kung balik-tanaw…sila yaong mga asendero noong panahon ng mga Kastila, Amboy naman…kay uncle SAM, makapili…WWII pekwa era at finally sa ating henerasyon…mga TRAPO + kurap + sinungaling + KSP/SSP etc. etc.
Paano titino ang Pinas kung ang ugali-asal ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan e sila ang nagmamando sa kapalaran ng bansa at peste sa buhay ng mga Kapinuyan.
Ilagay man natin ang pinaka the best upang pamunuan ang Pinoy…itaga natin sa marmol, hahatakin yan sa kangkungan.
Moral revolution ang kanilangan natin at dapat ipatupad ang batas once and for all…walang padrino/kumpare at kung anu-ano pa, for sure yaon ating minimithi na pagbabago e matutupad at magkakaroon ng kaganapan.
wala sa topic:
itong tao na ito ay isang immigrant na galing sa vietnam. nagpapasalamat sya sa america dahil sa oportunidad na nakuha nya at nagpapasalamat din sya sa mga sundalo na itinaya ang buhay nila para sa america. paano ipinakita nya ang pasasalamat? ipa klik sa ibaba para malaman natin.
http://www.dallasnews.com/sharedcontent/dws/dn/latestnews/stories/072309dnmetlongwalk.4262511.html?nTar=OPUR&ocp=1#slcgm_comments_anchor
Kung tutularan ni Trillanes at Lim si Duterte ng Davao, naniniwala ako na malalayo sila sa panganib at tatahimik ang Pilipinas?
Igan Taga-Ilog…may puntos ka, but i’m seriously concern about doon sa diskarte ni Duterte…extermination ng mga pasaway sa lipunan ang alam niya? Malaking kasalanan yan sa Dios, ang kumitil ng buhay e mortal sin yan at dapat tupdin natin yaong batas ng Dios at batas ng tao.
May batas na dapat maging panuntunan ang Pinoy…ito ang dapat ipatupad at maging panuntunan, nawika na kung ano ang iyong inutang lalo na ang pagkitil ng buhay ay yaon din ang kabayaran.
Ang kailangan ng bansa natin ay moral revolution upang magbago ng pag-iisip yaong mga naliligaw ng landas, pasaway at ksp/ssp sa ating lipunan.
Re: “Kung tutularan ni Trillanes at Lim si Duterte ng Davao, naniniwala ako na malalayo sila sa panganib at tatahimik ang Pilipinas?”
Balweg! But Mayor Duterte of Davao is mentally deranged!
Colegialagirl,
Girl, kung si Sonny at Arlene Trillanes pala ang usapan ay nagpoposte ka dito no? Dalas-dalasan mo ha?! Welcome!
‘yaan mo gagawin nating presidente si Senator Sonny sa 2016.
Makiwelcome din ako igan Chi kay Colegialagirl para ika mo sa 2016 e pwede na natin isabak si Sonny sa derbeng pangpanguluhan.
Welcome to the family Girl…
Balweg! But Mayor Duterte of Davao is mentally deranged!
Korek AdeBrux…ito ang problema sa Pinas, extrajudicial killings and summary execution. Mayroon namang batas na dapat sundin at ipatupad, pero walang kwenta at silbi sa bayan.
Malaki na ang puhunan ni Sen. Trillanes sa atin. Dapat lang na suportahan natin siya. Hindi man siya Abogado o General o graduweyt sa ibang Bansa isa lang siyang hamak na Kapitan at bata pa nakikita mo na ang pagmamalasakit niya sa atin at sa ating Bansa. Hindi gaya ng mga nagpapatakbo ngayon sa ating Bansa na puro akala mo kung sino silang magaling pero sa totoo lang sila ang kanser ng ating lipunan na dapat alisin. Karamihan sa kanila ay puro magnanakaw at sinungaling.
sino kaya ang lalaban kay duterte sa davao. baka alipores lang ni nograles ay hwag na lang. wala kayang makuhang magdalo na kakandidato doon?
Pinanindigan talaga ni Sen. Trillanes ang paniniwala niya, hindi siya sumuko sa gusto ng Malakanyang. Yong iba ay nanghina at tinanggap nila ang offer na maging Janitor ng Malakanyang at yan ay naiintindihan ni Trillanes.
Yan ang LIDER!!!!!!!
To: (Former) Captain Arlene Trillanes (wife of a great senator)
I salute you, ma’am. Bravo Zulu. Hang in there.
Umalis na ba si Mrs sa AFP? If she did, I can not blame her. She should be by her husband’s side at all times para naman makita ni Sonny ang mga anak niya palagi.
Sonny has the making of a great leader, ala Mandela. Ewan ko lang kung ang US eh gusto siyang iluklok sa pwesto. But if the Filipinos, like the Latin American countries will rebel and put their feet down and say “Tama na ang pakikialam ninyo”, Sonny will be our 2016 president. He will then just be 41 years old. With his performance now even behind bars, he is on his way to greatness!
Balweg at AB…
Tama ang sinabi niyo na may batas tayong dapat sundin. Pero ang alam kong makatarungang batas ay ang Golden Rule. Ang mga hardened criminals ay dapat ng mawala sa lipunan, wala silang batas na iginagalang…pumapatay, nagnanakaw, nangre rape at kung ano-anong kawalanghiyaan. Ang ating justice system ay bulok pa sa patay na daga, nabibili, puedeng takutin at double standard. Kung isa ka lang na mahirap ay kawawa ka.
Si Duterte ay bayani ng mga mahihirap..Robin Hood! Kalaban ng droga, mga magnanakaw, snatcher, kidnaper, holdaper at iba pa. Magandang pakinggan na dapat sundin ang batas, e paano kung ang batas na umiiral ay baluktot at walang buto o di kaya ay nabibili, PAANO NA ANG MGA MAHIHIRAP? Magtitiis na lang sa isang sulok? Iiyak? Tatangisan ang kanilang mga anak na matapos ma rape ay pinatay? Na naglalakad lang ay nakursunadahan at sinaksak?
TALK ABOUT JUSTICE MY FRIENDS!Pinahihintulutan ang pagpatay kung pagtatanggol sa sarili! At ito ang nangyayari sa Davao. Si Duterte ang taga pagtanggol ng mga mahihirap na walang pambili ng hustisya.
Welcome to Davao City….the home of peace and prosperity!
sir sana po makalaya na kayo.
Si Sen. Trillanes ay biktima ng maruming pulitika sa bansa. Magkakaroon lamang sila ng ganap na kalayaan kapag wala na si GMA sa malakanyang.
We have something in common with Sen. Trillianes, he is a Brave Soldier… and see my real Name “Bravedier”, a combination of Bravery and Soldier…lols!
Sa pangalan lang naman hindi sa anupaman.
Agree with you Taga-Ilog, with all my heart. I’d rather salvage one druggy/rapist who will perpetrate numerous crimes tomorrow, and to those against Duterte’s style, it might be your little girl who will be raped tomorrow. This is a failed country and lawlessness is in every corner. Mayor Duterte’s DDS (if proven) is about removing evil elements of criminality in his city. Arroyo’s regime of salvaging of FARMERS and other lowly activists whom I don’t even consider a THREAT to her throne, should be the focus of those against the Mayor.
I’ve always liked Duterte, NOT because my first cousin’s son (a PMA’er) is married to one of Duterte’s daughter’s. I’ve always longed to see Davao City even before he was the Mayor.
Chi – kala ko nga nasa Cocoy’s Delight ako nung makita ko yung anino ni College Chick dito. Now we know her treats!
@Balweg
Kaya tayo nasakop ng mga kastila at americano ay dahil sa mga traydor,ang mga traydor na nagpapasasa sa mga suhol at bigay ng mga foreigners at pagkamkam,itong mga ganitong uri rin ng tao ang nagpapahirap sa atin ngayon.
suportahan natin ang adhikain ng mga magdalo para sa ating mahal na Filipinas,suportahan natin sila at ating gabayan para hindi rin sila maliligaw ng landas.
ang mga politicong mga magnanacao,mga ganid,mga druglords ay dapat ay walang lugar sa ating lipunan.dapat sa kanila ay bagbabarilin.salot sila sa ating lipunan na dapat lang hindi kaawaan.
Salamat po sa pag-welcome.Isa pong malaking karangalan para sa akin ang makasama kayo sa pagtalakay ng mga isyung sosyal at politikal. Kahanga-hanga po ang dunong at galing ninyong mga bloggers dito lalo na kay ma’am Ellen.
Anyway may nais lang po akong idiin tungkol kay Senator Antonio Trillanes lV. Humahanga po ako at ang aking mga kaibigan sa tapang, talino, at paninindigan ng dating opisyal ng militar na ito. Ngunit ang lalo pang kahanga-hanga sa kanya ay hindi siya yong uri ng taong mayabang at bayolente. Hindi nananakit at nirerespeto niya ang kanyang kapwa.Hindi kagaya ng iba diyang mga opisyal ng kapolisan at militar na nakahawak lang ng baril ay nagaastang mga untouchable na. Karamihan kasi sa kanila ay may mga padrinong pulitiko na kumokunsinte sa mga kalokohan nila.
Isa ito sa mga gusto kong mabago sa ating lipunan na iniaasa ko na lang kung saka-sakaling maging president ng Pilipinas si Senator-behind-bars Antonio Trillanes lV.
Mabuhay ka sir!
True Blue,
Davao is a peacefull City and DISCIPLINED. Ang aayaw lang sa kaniya ay ang mga taong me pansariling adhikain. Nasubukan ito ng minsan ay di na kumandidato si Duterte. Nagsulputan muli ang mga holdaper ng taksi, snatcher, rapist, and corrupt officials…nagkagulo ang Davao. Dahil dito ay napilitang bumalik si Duterte SA KAHILINGAN NG TAONG BAYAN!
Kung araw ng Davao ay mayroong street dancing,parties everywhere. You can walk in the streets without fear of harm. Ang mga mahihirap ay dagsa, pati na ang mga taga bundok ay bumababa para makipagsaya.All because of our leader!
Sana ang mga Magdalo ay yakapin din ang ganitong prinsipiyo ng pamamahala, Sana kung lumipas na si Duterte ay magkaroon pa rin ng isang Magdalo na sasalo sa kanyang iiwang puesto.
God bless the real Magdalo!
Is one Rosita Trillanes related to the good Senator?
Hay naku Igan Mumbaki, ang dami niyang sinabi mo sa ating lipunan…pagnalingat ka e naibenta ka na! Sa totoo lang, 90% ng mga pulitiko sa ating bansa e double standard…kunyari pa sila na maka-Pilipino pero karamihan diyan e nasa America ang pamilya at Pilipinong hilaw na.
Ginagawa lang nilang gatasan ang bayan at nagsisipagpayaman sa pera ni Juan De La Cruz? Kaawaawang Pinoy…dugo’t pawis ang puhunan para mabuhay ng parehas at umunlad kahit konti, pero itong mga pulitiko…dinudugas ang pera ng bayan.
Kalokohan yong gagastusan mo ng milyones para manalo sa eleksyon at ang sweldo lamang e ayon sa itinadhana ng batas? Paano nila mababawi yong milyones na ginastos nila, sige nga…kaya hungkag yong bukang-bibig ng mga iyan na handa silang maglingkod sa bayan, pwede pa sa kanilang pagpapayaman sa pera ng iba.
Isa pong malaking karangalan para sa akin ang makasama kayo sa pagtalakay ng mga isyung sosyal at politikal.
You’re MOST welcome ms. colegialagirl, maligaya kami sa iyong paunlak at maging bagahi ka ng pagbabago sa ating lipunan.
Ang pagsusulong ng isang pangpulitikal or sosyal na lipunan ay malaking sakripisyo sapagka’t ang ating babanggain yaong mga trapo, liars, magnanakaw sa ating bayan.
Sila yong mga naghaharing-uri sa ating lipunan na nagpapahirap sa ating lahat. Magka-gayun man ang sitwasyon, still alive and kicking ang Pinoy upang harapin ang anumang balakid na ating kinakaharap.
Magtatagumpay tayong lahat basta magka-isa lamang tayo ng isipa’t damdamin.
Arlene Orejana-Trillanes is from General Santos City. She is one of the seven that belong to the first batch of female PMA graduates in 1997.She was number 9 in her class.
She holds an AB degree in Psychology from the University of the Philippines.
Arlene is also a rated paratrooper, having finished the basic airborne course at the Special Forces training facility in Fort Magsaysay. Arlene also undertook training in signal operations, communications and electronics and computer-related programs at the Army Management Information Center.
Colegialagirl, welcome. I visited your site. Cute ha.
I will link it here.
Maiba lang, ang Baboy ay sasama daw kay Glorya sa USofA sabi ng biik. Ano ngayon, mali pala ang tsismis kung ganun. May ganuwwwwwwn!!!!!!
The issues raised by Trillanes and the other Magdalo soldiers six ago continue to be relevant today. Tumindi pa!
Six years ago.
Yes, they are a lovely couple.
Colegialagirl!!! hahaha! I KNOW YOU! hahaha! welcome sa Ellenville and there’s another one. JERI aka Bravedier! hehehe
tagailog, i disagree about the way Lim and Dutarte bring about the peace and order situation in their respective jurisdiction…it may work, but it is not lasting as some suggest that it is not within the Law. and what about they were gone…back to square one..what the country needs is someone to establish a Solid foundation that will not crumble long after the builder is Gone.
kabkab – July 25, 2009 8:48 pm
Maiba lang, ang Baboy ay sasama daw kay Glorya sa USofA sabi ng biik. Ano ngayon, mali pala ang tsismis kung ganun. May ganuwwwwwwn!!!!!!
*****Baka naayos na nila nang dumating dito ang CIA Director. Kung ano ang kapalit, iyan ang dapat natin alamin.
Dodong,
May isang linggo pa naman baka pagkatapos ng SONA bigla na lang lumabas ang balitang “Ang Baboy Nakapon”. Siyempre nahospital …. hindi nasama sa Reyna. Kung sumama nga … dapat talagang alamin kung anong nangyari sa mga nakaraang linggo. Puwedeng may kapalit o di ba?
Dodong, yung kapalit ng pagpunta ni fat pig sa US ang hindi natin alam. Baka yung paglalagay ng “Gitmo” prison sa atin. Ang Japan ginagawa tayong tapunan ng toxic waste nila, tapos ang US ibibigay sa atin yung mga kriminal nila. Diyos na mahabagin, daig pa natin ang basurahan ng mundo! Thanks to the evil duo!
Maiba ulit …
Good and Evil — Tribune
http://www.tribuneonline.org/commentary/20090726com1.html
Gitmo? Di ko git. I dun git it. Kidding aside, posibleng gawin Gitmo ang Pilipinas…somewhere in Mindanao. The recent release of hostages (paid by US?) and the ongoing negotiation might be related to Gitmo. Maraming kapalit. Siyempre maraming US bases or camps doon para bantayan ang mga prisoners nila. Then, forget na lang ang mga money laundering ni Mike. When you deal with top level in Washington, anything is possible.
Kabkab, good point. Before GMA’s departure for US, Mike’s doctors may issue an announcement that he cannot leave due to his deteriorating health. Sasabihin na naman ng Malacanang na gusto talagang sumama si Mike pero ayaw ng doctor. Sanay na tayo sa ganyang palusot at pagsisinungaling nila.
Publicity lang yan…igan Dodong, tayo pa ang uulilin ng mga iyan e nahakot na sa USofA ang PISO nila at may sariling lungga na doon yan.
Wait after 2010 e sisibat yan patungong USofA upang takasan ang mga atraso nila sa taong-bayan? Ang daming scams ng rehime na until now e unresolve issues pa ito, takot lang nila na sa oras ang oppositionist ang maupo sa Malacanang.
Vic,
We are looking for one but, meantime, we have to have Duterte to protect us.
Right now everything is going alright but the threat from the greedy and corrupt people abounds. We surely will find another Duterte before his time expires and will go on and on.
Truly, nothing is permanent in this world, so we have to be one step ahead of the evil doers.
Gaganda ang buhay di lang para sa mga Trillanes kundi para sa lahat ng mga matitinong pilipino kapag wala na si Gloria Dorobo at mga kapareho niyang mandarambong! 😛
When there was false alarm of Cory’s death, many people cried.
What if there’s a text message going around that Gloria has died? Would the people cry or rejoice? Ako tatalon ako sa saya at papalakpak.
If the the something tragic happens to boobuwit, ang mga tao ay sasayaw sa kalsada! Siksikan pihado!
Pal, can you start spreading text that GMA has died due to breast, ovary and brain cancers? Let’s see how the public would react. Promise…di ko sasabihin na ikaw ang nagpapakalat ng text.
I’d like to see Arlene as First Lady, matalino na maganda pa! At mabait ang dating….
Kaibigang taga-ilog,
While I understand your frustration on our justice system, I can not agree on your advocating the duterte way. I can not imagine going back to the wild wild west and go barbaric. Every person deserves a fair trial before he is condemned. Vic has a point when he stated that we need a solid foundation that will not crumble long after the builder is gone. We need a strong leadership with moral authority to put our institutions in order.
Kaya GLORIA, lumayas ka na!!!
Sometimes, you need an iron hand to instill discipline. Masyado na kasi matigas ang ulo ng atin mga kababayan.
tagailog,
two of my last trips home were all spent in Davao City and seen myself how Duterte transformed the city and wish it could be permanent..(my late brother family reside in Toril)and whoever succeeds him will carry the Legacy, but I still love to see the whole reforms not just in specific location but all over based on principles that recognize the Rule of Law and in consistency rather than in personalities..but of course maybe for the time being, the hands of iron maybe needed to dispense the needed disciplines…
For FG Arroyo accompanying GMA on her trip, not to embarrass Her without her husband, the U.S. may had have to issue him a Diplomatic Visa. In return the U.S. of A may be asking “something” substantial.
Can we post our discussions on Arroyo’s trip on the next post, “Sana huwag na bumalik si Arroyo.”?
The posted topic here is about the 6th anniversary of the Oakwood incident and how the Magdalo group, through the eyes of Arlene Trillanes, has not allowed themselves to be destroyed by Arroyo’s persecution.
Bakit kailangang mauna si Mrs. Danilo Lim? Wala pa ba sa hustong gulang si Arlene? Hindi bale makapaghihintay ako. Mas bata naman akong di hamak kay PROBLEMA MO SASAKYAN KO! Ellen, puede ba? Pasulyap naman sa aking 2010 bet for FL?
the trillanes couple will truly make a good first couple. simple. straight forward. walang arte. i will personally work hard to see it happens in 2016. we’ve got 7 more years to prepare for that. Trillanes for President in 2016. Mrs. Trillanes for First Lady.
The past few years have proven Sen Trillanes’ resilience, strenght, and consistency as a person. I cant wait to see this guy president. when that day comes, true hope for this country begins.
Mabuhay Sen & Mrs. Trillanes!
i will personally campaign for Trillanes for 2016 as I did in 2007, and will do in 2013. our country needs a no non-sense guy to lead it. and this guy has proven his unwavering stance against corruption. one thing great about him, is that he doesnt buy baloney. he sticks to his principles, and lives accordingly. he was willing to fight and die for it. that makes the man.
compared sa lahat, this guy will make one great President. its written all over, destiny will lead you to the Presidency AT4!!!!
2016? tapos na ang mundo non. too late.
Sometimes, you need an iron hand to instill discipline. Masyado na kasi matigas ang ulo ng atin mga kababayan?
Igan Dodong…paanong di titigas ang ulo ng marami nating kababayan e yaong dapat maging magandang ehemplo sa buhay e sila ang perwisyo at masamang halimbawa.
Ang Masang Pinoy e mababaw naman ang kaligayahan at madali namang pagsabihan…ang kaso yaong mga nagpupumilit kuno na maging lingkod-bayad ang peste sa ating lipunan.
Halos 90% nang mga pesteng pulitiko e may pinag-aralan ang kaso nasa ilalim ng kanilang talampakan? Heto sisigundahan pa ng mga taong simbahan na numero unong kunsintidor…alam naman nila ang tama at mali e heto sila pa yong kapural upang kunsitihin yang mga pasaway nating pulitiko.
Di ba yaong langgam…sa oras na masagi mo e kakagatin ka, buti nga yaong Masang Pilipino grabe na ang pasakit na dinaranas sa rehimeng arroyo heto at matiiisin pa din.
Nag-aantay ng milagro kung mayroon man? Mahirap kasi ang maging isang kahig, isang tuka upang mabuhay at makaraos sa tatlong beses. Itong mga peste nating Kababayan na maraming PISO, kahit na di yan magtrabaho e mangabubuhay yan.
true_blue – July 26, 2009 4:35 pm
the trillanes couple will truly make a good first couple. simple. straight forward. walang arte. i will personally work hard to see it happens in 2016. we’ve got 7 more years to prepare for that. Trillanes for President in 2016. Mrs. Trillanes for First Lady.
___
tru,
hindi lang tayo casual cyber friend n’yan, magigigng bespren tayo. 🙂
banana, baka ang ibig mong sabihin ay matagal nang tapos ang mundo ni Gloria sa taon na yun.
They both have youth, good looks, honor and principle.
A not-so-common combination in Philippine politics.All that is needed is the people’s support.
Chi, Ellen and all bloggers/commenters:
Ellen knows full well “I’m not this true_blue” commenting above. My avatar has always been “TruBlue” and it matches my location, ET knows that.
That said, I have to agree with true_blue’s expression of the Senator and wife’s role if it ever happens, after all we both have the same nickname.
Gabriela, and the support of the US as well.
Ano ba yan, ang daming handle ay nangongopya pa. Nakakawala tuloy!
Meron ng Lawayway-Gawgaw, meron pang Bukang-Laway na panggulo kay Liwayway-Gawgaw na orig. Ngayon naman ay true_blue. Nakakawala e!
TruBlue, ikaw ang nagposte nito? “Chi – kala ko nga nasa Cocoy’s Delight ako nung makita ko yung anino ni College Chick dito. Now we know her treats!”
Thanks for clearing that up. I should be more careful in looking at the handles next time.
Before Trillanes aims for a higher office, it would be best for him to be able to attend the Senate Sessions. And that means after 2010. So, if ever he decides to run for Vice or even President, that would be the next election after 2010. After all, he’s still young.
That’s me Chi. As I’ve said only Ellen knows the true identities of our fellow commenters but no harm done. Responsible blogging is what counts….
I’m not computer savvy but one day I’ll learn how to post/attach my photo with my avatar, di naman siguro makukupya.
Si Mumbaki, it’s a piece of cake for him to post his alter ego, let me know how and I’ll try. Cheers and thanks!
Funny about this Mumbaki who thought of using a woman’s photo.
Tru, naw ay now! 🙂
Yup, uulitin ko ang sinabi mo “Responsible blogging is what counts….”
True_blue, to avoid confusion, will you please have another login name?
Now, trublue, to have your avatar, get a wordpress account. just go to http://www.wordpress.com
Ellen, I just did an hour ago. Was playing around and was able to put my pic in there, now I forgot my password.
Hello! Magandang araw po. six years na ng magdalo. Mabuhay ang mga Junior officers na patuloy na nakikibaka para sa paninindigan at pagmamalasakit sa bayan. Ituloy ang laban kakampi n’yo ang bayan. Malalampasan din nating lahat ang dagok ng bagyo sa ating buhay gaano man ito kalakas humagupit konting hintay na lang pasasaan ba at matatapos din. Para sa Magdalo Officers, Kahanga-hanga ang ipinakita ninyong katapangan para labanan ang popular na sinungaling, corruptors ng bayan na nasa Malacanang. Huwag tayong susuko, Hindi ko kayo kinalilimutan sa aking everyday prayers. At para sa yo Mrs. Arlene Trillanes saludo ako sa sakripisyo at suportang ipinakita mo sa Miyembro ng magdalo at sa lider ng magdalo na si Senator Antonio Trillanes, dapat lang na suportahan siya (Senator Trillanes) Kailangan ng bayan ang tulad niya, kitang kita sa kanya na talagang handang maglingkod at magmalasakit sa bayan kahit nakakulong talagang gumagawa siya ng paraan para magampanan niya ang pagiging senador, hindi nakakahinayang ang boto namin sa yo Senator Antonio Trillanes. Malayo pa ang mararating mo. Powerful ka kase, napakahusay mong Public Servant, Karapat dapat ka sa bayan.
THANK YOU AND GOD BLESS YOU ALL!
Tru, I’ve been playing around for sometime, dehins ko pa makuha. Will try again. May nangungulam na rin sa akin sa current loop, hehehe.
@BitchEvil
I am an Iya Villania fan that is why this is my avatar.