Talaga namang kahanga-hanga si Cory Aquino sa pagmamahal sa bayan.
Sabi ng isang pari na nag-alay ng misa para sa kanya, tinanong siya kung humihingi siya ng milagro para gumaling siya, sabi ng 76-taong gulang na dating presidente, “Hindi. Hinhingi ko ang milagro para sa bayan.”
Sabi ni Kris noong linggo sa “The Buzz” na hirap na hirap ang nanay niya sa sakit na colon cancer. Stage 4 na ang kanyang cancer sa colon ng ito ay nadiskubre. Kapag stage 4, malala na yan ngunit walang makapagsabi na ikay ay mamatay na. Diyos lamang ang makapag-sabi niyan.
Lahat-lahat tayo ay mamatay. Dumadaan lang tayo dito sa mundo. Magkakaiba lang tayo ng skedyul at ng paraan ng biyahe sa ating hantungan.
Ang mahalaga ay kung paano mo ginamit ang hirap na buhay na binigay ng Panginoon. Ginamit mo ba yun sa pansariki mong kapakanan at nagperwisyo sa ibang tao? O ginamit mo ba yun para naman makatulong sa mas mahirap sa ‘yo? Kahit anong linya ng iyong trabaho, ginamit mo ba yun para naman gumanda kahit kukunti itong mundo?
Sinasabi ko palagi na ang aking dinadalangin sa Panginoon ay huwag lang sana ako pahirapan bago ako kunin. Yung madali lang. Maliban kasi sa sakit, problema sa akin ang pera at wala akong panggastos.
Ngunit hindi naman tayo makapili. Sa Panginoon yan kung ano ang nakalaan sa atin. Kung katulad ng nangyayari kay Cory, may rason ang Panginoon bakit ganun.Hindi naman ibig sabihin porke naghihirap ka ay parusa ng Panginoon sa iyo.
May maganda akong natutunan kay Deedee Siytangco, ang taga-pagsalita ni Cory Aquino. Ang asaw ni Deedee at namatay rin sa sakit na kanser. Nakalimutan ko kung anong klaseng kanser ngunit naghirap talaga. May mga araw na hindi raw talaga kaya ng kanser. Yun ang sitwasyun na kapag pumanaw na siya, parang magpapasalamat ka dahil tapos na ang kanyang paghihirap.
Sabi ni Deedee, pinayuhan sila ng isang madre na mag-isip sila ng isang kawsa o tao na ialay ni Sonny ang kanyang sakripisyo at napili nila ang isang seminarista. Pwede din kasi ang ibang kamang-anak na may problema.
Sa ganitong paraan, kahit naghihirap ka, parang may kabuluhan ang iyong pagpasakit.
Sabi ng isang pari sabi raw ni Cory, “Ina-alay niya pa rin sa bayan.”
Talaga naman ang bigat ng problema ng ating bayan kaya siguro ang tindi ng pasakit ni Cory. Sana naman magiging makabuluhan.
Sayang, kung malakas lakas pa si Cory, tiyak na kasama nating siya sa paglaban sa tiwaling pamamahala ni Gloria!
Ano ba ang mayroon si bansot na karamihan ng kalaban niya ay nagkakasakit o namamatay?
May sa-demonyo ata talaga si Gloria Arroyo.
Corazon C Aquino brought back freedom in the Philippines after a dictator robbed the country of its democracy. The Filipinos must thank her for this by never allowing the country to loose democracy.
Tayong mga Pilipino ay walang pagkaka-isa. Kanya’t tama lang ang hiling ni ex-Pres. Aquino … milagro.
Pero hindi madali kung ang milagrong hangad ay yong bigay ng Diyos. Sa aking palagay mas madali nating makuha ang milagrong hinahangad kung tayo ay magka-isa at tulong tulong tayong palayasin ang mga iskwater na ngayon umu-ukopa sa Bahay ng mga Pilipino.
Dalangin ko lang na sana bago tayo iwanan ni dating Pangulong Cory ….. tamaan na sana ng kidlat ang mag-asawang Arroyo sampu na ang kanilang mga Aso.
A miracle is what we need indeed..sana mag dilang anghel si Pres. Cory Aquino na magkaroon ng milagro..and may God grant the prayer request of Pres. Cory Aquino…at mawala na sa position si Gloria.. anong saya ng bayan! Miracles do happen..and a miracle will happen..babagsak na si putot!
thank you Lord for the miracle! thank you Lord for saving the Phil…
Tumawag ka sa akin, at akoý sasagot sa iyo, at akoý magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. (Jer.33:3)
Narito, ang kamay ng Panginoon ay hind umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang Kaniyang pakinig, na di makarinig.
Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng Kaniyang mukha sa inyo, upang siyaý huwag makinig. (Isa. 59:1)
At sinabi ng Panginoon, yamang ang bayang ito ay lumapit sa Akin, at pinapupurihan Ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni’t inilayo ang kanilang puso sa Akin, at ang kanilang takot sa Akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila. (Isa.29:13)
May daan na tila matuwid sa tao, Nguni’t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. (Prov.16:25)
Ang katuparan po ng milagro na samo’t dalangin ng Pangulong Cory Aquino para sa ating bansa, at sa lahat at bawat isa ay dakilang hangarin sa buhay.
“At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.”(James 5:15)
CORY governed with integrity and the devout intention to do always what was best for the country and its people.
And, when her term was over, she stepped down in favor of an elected successor.
No Asian leader of our time can claim as much.
“CORY governed with integrity and the devout intention to do always what was best for the country and its people.” — EQ
Dito ako naguguluhan kung bakit may coup noon na kasama sila Gen. Lim, Querubin, Sabban at iba pa. Bakit ano ang gusto nila noon. Kaya wala akong tiwala sa mga yan.
whatever happens, even the sitting Resident must be thankful to Tita Cory. And for all the slights and jabs and what Cory did not do as far as her critics are concerned, what SHE DID was by far the best that was done for the country, and for that we OWE her a lot of gratitude, forever.
Cory is so big in life that she can move a nation. No comparison to any pretenders out there.
Hindi milagro ang ibibigay ng Lumikha ng lahat.
Chastisement ito sigurado di lang dito sa Pinas, kundi sa buong mundo.
Masyado ng mabigat ang kasalanan ng tao.
Sa ginagawa ni Cory sa ngayon, medyo humahaba pa ang pasensiya NIYA.
Rekindle the flame of democracy that Ninoy and Cory began.
Believe that the Filipino is worth dying for.
Tie a YELLOW RIBBON today.
CORY,Hindi Ka Nagiisa!
Well,she does not deserve what is happening to her,pero si Gloria she deserves everything that happens to her…
NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA!
Ang hiling ni Cory na milagro ay para sa mga mamamayan na gawin ang tama…..at KUMILOS! hindi maghintay ng hulog ng langit na bigla tayong magising na iba na ang pangulo at isa nang paraiso ang Pilipinas.
Sana ay makayanan ni Cory ang kanyang krus at pagpalain siya ng Diyos.
NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA!
Ang hiling ni Cory na milagro ay para sa mga mamamayan na gawin ang tama…..at KUMILOS! hindi maghintay ng hulog ng langit na bigla tayong magising na iba na ang pangulo at isa nang paraiso ang Pilipinas.
Sana ay makayanan ni Cory ang kanyang krus at pagpalain siya ng Diyos.
Did Tita Cory really brought back freedom? I don’t think so. Bakit hanggang ngayon ay wala pa tayong kalayaan? Hawak pa tayo ni Gloria at mga dayuhan?
Dodong,
Naputol ang kawil ng pangaabuso ni Marcos sa pangunguna ni Cory.Malaking bagay ito sa ating bansa. Subalit dala ng kasakiman ng mga taong nakapaligid sa kanya na nagkunwaring may mabuting layunin, KABILANG ANG PANDAK SA MALAKANYANG, nabulid na naman tayo sa kahirapan.
Marahil ay niloob ng Diyos ang ganitong pangyayari upang makilala natin ang tunay at hindi tunay na mga taong dapat pagkatiwalaan sa pamumuno ng bansa.
Panahon na upang tayo ay matuto sa pagpili. Kung hindi pa ito mangyayari ay baka mas malubhang parusa ang ating daranasin sa hinaharap. Ang mga taong ayaw magbigay daan para kabutihan ng ating bansa ay lutang na lutang na. Bulag lang at gago ang hindi makakakita dito.
Sa aking palagay, ang isang tao na nagkusang-loob na magparaya ang dapat nating sikapin na iluklok sa kapangyarihan dahil sa kanyang mabuting layon…si Ping!
Nasa kanya ang lakas at tibay ng loob na maaaring sumupil sa nagkalat na mga nagkukunwaring tupa subalit may maiitim na puso!
sana naman ay mangyari ang milagro para sa bayan na hinihiling ni cory bago siya kunin ng maykapal at ng maging malualhati at maligaya siya sa kanyang pagpanaw.
sana naman ay mangyari ang milagro para sa bayan na hinihiling ni cory bago siya kunin ng maykapal at ng maging malualhati at maligaya siya sa kanyang pagpanaw.
dumating nawa ang araw na ang pinapangarap ni cory sa kanyang inang bayan ay magkaroon ng kaganapan. Di tulad ng ibang mga bayani… ang pinangarap nilang kalayaan para sa inang bayan ay nakamit lamang nuong sila’y naandodoon na sa Maykapal. Siguro kinulit nila si Lord kaya naibigay din ang nais nila sa bayan natin. Sana makita niya ang aliwalas ng bukas sa kanyang bayan bago man lang siya kunin ng Maykapal…
Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao Ang Gawa!
Nice quote igan Taga-ilog…susugan ko ha, Believe is to See the Glory of our Almighty God!
Put on the whole armor of God, that you may be able to stand against the wiles of the devil. For we do not wrestle against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this age, against spiritual hosts of wickedness of the heavenly places.
Therefore take up the whole armor of God…., having girded your waist with truth, having put on the breastplate of righteousness,…having shod your feet with preparation of the gospel of peace; …taking the shield of faith, …take the helmet of salvation, and the sword of the spirit, …praying always with all prayers and supplication in th Spirit….(Eph.6:10-20)
Cory Aquino is the bravest and most compassionate woman of our generation. She deserves a lasting monument in hearts to extol her many virtues that once brought the ‘elusive’ pride to the Filipinos.
ang tao nga naman kapag malapit ng mamatay ay ginagawang santo.
hindi mangyayari ito kay arroyo. pag malapit na siyang mamatay lalong lalabas ang mga ginawa niyang kawalanghiyaan.
Ano ba ang mga katangian ng santo/santa, banana?
Kung ang ordinaryong kaalaman lang sa salitang santo/a ang ating pagbabasehan, hindi santo si Mrs. Aquino. Pero kumpara sa mga ordinaryong tao na tulad ko, ang achievement ni Cory ay isa sa hindi mapapantayang achievement even if she made some mistakes which she already publicly acknowledged.
Ang pagbabalik niya sa Pinoy ng demokrasya (kahit sinalahula ng iba) merits a monument in the hearts of those who believe in democracy. She is compassionate to dedicate her “comfortable” life for Pinoys to regain freedom from a dictator. Depende yan which side Juan is.
Kung si Gloria Arroyo ang mamatay, bibigyan din sya ng mga pahuling salita. Ang magmumula sa akin ay “buti nga” at namatay na ang bitch!
dagdag…
Hanggang sa kaya ng kanyang kalusugan ay nakita natin siya sa lansangan fighting her once beloved Gloria. Hindi ba yan compassion para sa pinoy?!
Sinabi mo pa, Reyna Elena. I remember reading somewhere that it was Cory Aquino who gave the midget her first job in public office. O di lumaki ang ulo! Tumakbo for Senator tapos VP, tapos nagnakaw ng puwesto not just once but twice.
Naging kawawa ang Pilipinas! I wonder if Cory Aquino could go and rest in peace for that! Probably not!
I won’t be a hypocrite praising Cory Aquino now, but I will pray that God will ease her pain for I know cancer of the colon can be really painful. A relative of my mother died of it, and he did suffer much at the last stage of his illness.
Anyway, physical death is just a transition. Una-unahan nga lang.
grizzy,
Pres. Cory did it with good intentions when she supported Gloria. She never thought and imagined that such a small lady would be so evil.
@ kabkab : “Dito ako naguguluhan kung bakit may coup noon na kasama sila Gen. Lim, Querubin, Sabban at iba pa. Bakit ano ang gusto nila noon. Kaya wala akong tiwala sa mga yan.”
Nagpauto sila kay Gringgo.
Even the best of intentions can go wrong. But as long as the person does her/his best to turn it around, the effort is commendable. For the result, hindi niya hawak ang tiyak na magandang resulta gaya rin hindi niya hawak ang kahihinatnan ng kanyang magandang intensyon.
Sigurado ako na mas nauunawaan ito ni Erap kesa sa ilan sa kanyang hardcore followers.
Nakiki-isa ako sa hangarin ng sambayanang pilipino para sa agarang paggaling ng dating Pangulong Cory mula sa banig ng karamdaman.
http://bravedier.blogspot.com/2009/07/touch-blogger-tie-yellow-ribbon-for.html
http://barriosiete.com/touch-a-blogger-tie-a-yellow-ribbon-for-cory-aquino/
Sana’y masilayan pa ni Cory ang kanyang minimithing kapayapaan sa ating bayan… at kung pano mapaalis ang demonyo sa malacanan…
“Nagpauto sila kay Gringgo.” —- Mike
Papano mo iboboto o pagkakatiwalaan ang mga taong ito kung ang isang gago na gaya ni Honasan ay nauto sila? Ibig bang sabihin ay noong huling magcoup sila ay may nang-uto na naman sa kanila?
Ang kay Sen. Trillanes (Magdalo) ay mayroon silang dahilan at kahit hanggang ngayon ito’y kanyang ipinaglalaban.
Huwag kayong maniwala sa kumakalat na text na patay na si Tita Cory. But let’s accept the fact that she could die any hour or day…