Skip to content

Hindi solusyon ang pagshortcut ng batas

Gusto ko talaga na magiging automated o computerized na ang eleksyon sa 2010 para mabawasan ang dayaan.

Sa bilangan kasi ang malakihang dayaan. Kaya kapag hindi manual (yung tao ang magbibilang), naniniwala ako na mababawasan ang dayaan.

Dapat masaya tayo na naayos kontrata ng Smartmatic-TIM at Comelec at tuloy-tuloy na ang computerized election. Kaya lang, mukhang maraming nakatagong mga hindi kanais-nais itong kontrata na ngayon lang lumalabas.Kapag kwestyunable ang kumpanya, medyo nakakatakot sa laki at napaka-importante ng kontratang ito.

Sabi ni Atty. Harry Roque ng Concerned Citizens Movement na ang pumirma sa kontrata sa Comelec at ang Smartmatic International Corporation na nakarehistro sa Pilipinas. Ang kumpanya na magpapatupd ng kontrata, katulad ng pagsupply ng mga computer at mga software ay ang Smartmatic na nakabase sa Netherlands. Meron din nakalagay Barbados.

Kapag meron aberya, sino ang ating hahabulin at saan tayo hahabol?

May inilabas ang VERA Files na report kahapon na ayun sa kontrata ng Smartmatic-TIM at Comelec, bago pa makapag-deliber ang kumpanya ng isang computer na gagamitin sa 2010 na eleksyun, bayad na sila ng 40 porsyento (P3 bilyon) ng P7.2 bilyon na kontrata.

Bago matapos itong buwan ng Hulyo, magbubukas na ng irrevocable letter of credit sa Land Bank ang Comelec para sa buong P7.2 bilyon at doon na magw-withdraw ang Smartmatic-TIM.

Ayun sa kontrata, sabi ng Vera Files, babayaran na ng Comelec and Smartmatic TIM Corp. ng P2.5 bilyon para sa counting machines na tinatawag nilang Precinct Count Optical Scan (PCOS) na idi-deliber pa lang sa Nobiembre 2009 ng 12,000 na units; sa Disyembre 2009, 30,000; sa Enero 2010 panibagong 30,000 at sa Pebrero 2010, ang pinkahuling delivery ng 12,200 units.

Kahapon nag-file sa Supreme Court ng motion sina Roque na ihinto muna ang pagbayad sa Smartmatic-TIM habang nire-resolba pa ang legalidad ng kanilang kontrata. Sabi ni Roque baka maparehas na naman yan sa nabulilyaso na P1.3 bilyon kontrata sa Mega Pacific.

Walang nangyari doon sa mga makinang nakuha ng Comelec sa Mega Pacific at nabubulok na lang sa mga bodega. Nalugi ng P1.3 bilyon ang taumbayan at walang nakakulong. Kampante pa rin si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at ang kanyang mga galamay.

Dahil sa gahol sa oras, marami ang sadyang hindi na nag-usisa ng detalya ng kontrata ng Smartmatic-TIM at Comelec. Medyo nakakabahala ito kasi kung may mga na-shortcut na batas, kapag may problema balang araw, hindi malalaman kung sino ang mananagot.

Dapat matuto na tayo na ang pag-shortcut sa batas ay hindi solusyon. Ang pinak-klarong ehemplo ay itong pekeng pagka-presidente ni Gloria Arroyo.

Published inAbanteelections2010

59 Comments

  1. Balweg Balweg

    Alibi lang ng rehime ang computerization ng 2010 eleksyon sapagka’t bilyones ang usapan dito…at talagang garapalan, ito ang only way nila na maka-tongpats bago sipain sa Malacanang next year?

    Imagine, 7.2 bilyon Pesos x 20-40% commission (SOP), aba e milyones din ang tongpats ng mga kurap. Let say na hanggang 40% ang kumisyon ng mga ganid pero 100% naman ang patong sa presyo ng mga machine na yan.

    Okey, simple lang muna natin tuusin kung magkano yong presyo ng machine per unit + optional accessories + technical support/maintenance contract nito kung mayroon man.

    But, if the comelecta offered this tender for 1 lot package…ang laki ng discount nito from the manufacturer. Kaya i’m sure na ang laki ng tongpats ng rehime sapagka’t bilyones ang total contract price nito.

    Lokohin nila yong lelong nilang panot, bakit po.. kasi nga e isa yan sa aking expertise sa Tender bidding at sophicated and advance high tech medical equipment ang aming nirereview during the selection of different bidders.

    Yang machine na binili nila per unit e mayroon kayang 100 pesos yan compare naman sa pagbili namin ng X-Ray Machine na ang halaga e morethan 15 milyon pesos per unit.

    Mga ganid talaga yang mga pulitiko natin at taong gubyerno de bobo ng rehime. Ginagago talaga ang mga Pinoy at yong walang paki at alam sa buhay.

  2. Balweg Balweg

    Opppsss pasintabi folks, kinulang tuloy ng 000 ang aking 100 na na mentioned sa estimated price ng machine per unit. Thanks!

  3. kabkab kabkab

    Magbabayaran na para makuha na nila ang kani-kanilang tong-patz bago i-deklara nitong unanong Glorya ang Martial Law. Para kung magtago man sila sa ibang Bansa may mga baon na. Yong share nitong mga mag-aswang Arroyo ay telegraphic transfer na lang from Barbados(Smartmatic) to Panama or Columbia or Brazil. Wa-es talaga tong mga Arroyo pag-dating sa kuwalta.

  4. kabkab kabkab

    Itong transaction ba na ito ay pabaon na lang ng mga Pinoy sa mga taong buwaya?
    Biruin niyo sa termino ng taong ito dalawang beses na bibili ng Computer para sa Comelec. Ano ang nangyari sa una … kalimutan na lang ba? Papano kung itong pangalawang try nila ay papalpak na naman. Patatawarin pa din????
    Masyado naman yata tayong duwag ….. hinahayaan na lang natin tong mga taong ito …… harap harapan na kung sila ay kumana …. tanggap pa din natin.

  5. Balweg Balweg

    Sabi ni Roque baka maparehas na naman yan sa nabulilyaso na P1.3 bilyon kontrata sa Mega Pacific?

    Susmayosep po talaga, wala talagang utak ang mga taga-comelecta…naglustay ng 1.3 bilyon pesos at ngayon nga e mga obsolete na yang machine na binili ni Abalostay.

    Sayang ang bilyones, sa halip na ipangbili ng mga books para sa mga estudiyante at ipagpatayo ng paaralan plus may hire sila ng additional teachers e heto na walang pakinabang ang 1.3B na yan.

    Mga tonto talaga ang mga taga-comelecta, ang alam lang e lustayin ang pera ng bayan ng walang pakinabang. Kayo na ang humusta sa mga stupido nating mga taong-gubyero, nakakapundi talaga…ang daming dapat paggamitan ng PISO, upang isalba ang marami nating naghihikahos na kababayan at heto nagwawaldas.

    Sa sobra kasing kagaguhan ng maraming Pinoy, sige tuloy nakakita ng butas ang mga kurap upang lustayin ang pera ng bayan na dapat ginagamit ito for the welfare of our Kababayan.

    Kung di kasi ipinagbibili ng maraming Pinoy ang kanilang boto e matitigil ang kahayupan ng mga kurap nating pulitiko, sige tayo tuloy ang apektado sa kanilang pagkagahaman sa kapangyarihan.

    Matuto na po sana tayong mga Pinoy at bantayan natin ang ating mga boto at NEVER na ipagbibili ito sa mga kurap/sinungaling/peste lalo na ngayon 2010.

    Maging lesson nawa ng bawat isa ang 10-years na pahirap at pangloloko sa atin ng rehime.

  6. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Safeguarding the 2010 elections

    “………The safeguards are of two kinds. The first ensures that the certified election returns (CERs) that emerge reflect the actual votes of the precincts. The second kind of safeguards ensures that the consolidation of election returns is accurate, i.e., no more dagdag-bawas…..”

    http://tribune.net.ph/20090720/commentary/20090720com5.html

  7. Balweg Balweg

    Masyado naman yata tayong duwag ….. hinahayaan na lang natin tong mga taong ito …… harap harapan na kung sila ay kumana …. tanggap pa din natin?

    Igan Kabkab, please kindly address your concern sa mga taga-AFP/PMP, Supreme Court, Tongress and other concerned institutions na walang pakinabang, kundi pahirap sa bayan?

    At least, ang Masang Pilipino + some elitists + civil society and other concerned Pinoys e haghihimaksik na ang mga butse sa rehime, but ang kaso yaong above mentioned sectors e masyadong sipsip o karamihan tuta ng rehime.

    Para silang di Pinoy, at sa halip na protektahan ang majority na Pinoy e yong mga kurap at sinungaling ang pinuprotektahan.

    Akala nila e walang silang pamilya o kapamilya na apektado sa ka ek-ekan ng rehime. Hoy magsigising kayo sa inyong bulag na pananaw sa buhay.

    Pare-pareho tayong apektado sa kawalang direksyon ng nakaw na pamumuno ng rehime, masyado kayong manhid at ang inyong paninindigan e wala sa lugar.

  8. Balweg Balweg

    no more dagdag-bawas…..”

    Igan LG, mangyayari po lamang ang ating iniisip o nabasa…kung ang Pinoy o mga kababayang botante e magpapakatotoo sa kanilang mga sarili.

    Walang magagawa ang sinuman kahit na si poncio pilato kung ang mga Pinoy e maninindigan sa kanilang mga sarili, alam mo masakit mang pag-usapan e ang bottom line ng mga paghihirap nating ito e gawa din mga stupido nating kababayang botante.

    Kung di sila papayag na gaguhin o utuin ng mga kurap at trapong pulitiko e sana walang peste ngayon na nagpapahirap sa ating lahat.

    Ibalik natin ang sisi sa mga botante na di marunong magpahalaga sa kanilang mga boto, ngayon sige nga…matapos na maluklok sa poder ng kapangyarihan ng mga pasaway e ano ngayon sila…di ba wala?

    Kaya mayroon pa tayong oras na baterhayin natin ang ating mga kababayang botante sapagka’t sila ang cause ng ating mga paghihirap at pagaaway-away.

    Kundi nila inuluklok si gloria sa malacanang e wala sana tayong problema ngayon.

  9. taga-ilog taga-ilog

    LG at Balweg…..
    Tama ang sinasabi niyo na lahat ng mga nangyayari sa ating bansa ay kagagawan o kagustuhan ng mga HANGAL AT TIMAWANG botante ng ating bansa….lalo na ang nasa nakararaming sektor.
    Sa isang platitong mani ay ipinagbibili ang kanilang mga boto.
    Ang masakit ay sila sana ang ipinaglalaban natin pero tila walang mangyayari dahil ang kanilang mga kaluluwa ay bayad na.
    Dito sa Davao City lang, ang mga mahihirap ay pinagkakalooban ng mga scholarship,health care,pautang na pera,at mga wheelchair, puwera pa ang dagsang paggawa ng mga kalsada. Maganda sa unang tingin, pero ang tanong ay bakit ngayon lang na malapit na ang eleksiyon?
    Alin ang dapat piliin ng mamamayan, ang salapi bang bigay o ang katahimikan ng lugar?
    Sa laki ng gastos ng kandidatong ito, siguradong sampung tiklop ang babawiin nito sa kaban ng bayan. Pero ang problema nga ay mga GAGO at di ginagamit ang utak ng mga botanteng ito.

    Nakakaawang patayin….nakakahiyang buhayin!

  10. kabkab kabkab

    “Igan Kabkab, please kindly address your concern sa mga taga-AFP/PMP, Supreme Court, Tongress and other concerned institutions na walang pakinabang, kundi pahirap sa bayan?
    …… Balweg
    Yan sana ang sasabihin ko IGAN pero alam ko o tayo na itong mga dapat magbantay sana sa ating Constitution ay puro bayad na … natapalan na sila ng kuwalta. Pati mga Pari kita mo sila sila hindi nagkaka-sundo dahil nasilaw na din ng salapi ni Cleopatra.

  11. kabkab kabkab

    Sa aking palagay yang automation ng ating halalan sa 2010 ay inaprobahan ni Glorya para kuhain na niya doon yong pabaon natin para sa paglalayag nila ng kanyang buong pamilya after 2010 sa Latin America. Pati na rin yong maintenance ng kanyang nipol at pekpek at pati na din yong maintenance ng kanyang alagang Baboy.
    At tungkol naman sa mga aso niya ….. magcha-cha na lang sila ng magcha-cha. Kawawa sila dahil iiwanan na sila ng kanilang Reyna …. bwa%#ka*&ng@$ina nila hahaha!!!!!!

  12. Ka Enchong Ka Enchong

    Sa sobra kasing kagaguhan ng maraming Pinoy, sige tuloy nakakita ng butas ang mga kurap upang lustayin ang pera ng bayan na dapat ginagamit ito for the welfare of our Kababayan.

    Kung di kasi ipinagbibili ng maraming Pinoy ang kanilang boto e matitigil ang kahayupan ng mga kurap nating pulitiko, sige tayo tuloy ang apektado sa kanilang pagkagahaman sa kapangyarihan.

    Kaibigang Balweg, medyo sasalungat ako sa sinabi mo. Dito ko kasi nakikita ang pagkakawatak-watak ng sambayanan, e.

    Halos lahat tayo rito, iisa sa paniniwalang nakaw ang kapangyarihang inaangkin ng kasalukuyang pamahalaan. Halos lahat tayo rito, iisa sa paniniwalang tiwali ang kasalukuyang pamunuan. Bakit kung kanikanino natin ibinabato ang sisi?

    Dahil ba sa hindi pangalan ni Aling Gloria ang isinulat natin sa balota natin, may karapatan na tayong isisi sa ‘sobra kasing kagaguhan ng maraming Pinoy’ ang pamamayagpag ni Aling Gloria?

    Dahil ba sa ipinagbibili ng ilan sa ating mga kababayan ang kanilang balota, dapat na silang hatulan bilang mga dahilan kung bakit hindi ‘matitigil ang kahayupan ng mga kurap nating pulitiko’?

    Hindi man magkakapantay ang takbo ng ating mga pag-iisip, nakatitiyak akong ang mga ‘gago’ nating kababayan ay mga sariling dahilan kung bakit artista ang inihahalal nila, o kung bakit ipinagbibili nila ang kanilang balota, o kung bakit natitiis nila ang pasakit ng kasalukuyang pamunuan.

    Habang ipangangalandakan natin ang kanilang ‘kagaguhan’, hindi kaya ipinangangalandakan din natin ang ating ‘karunungan’? Naniniwala akong anumang tayog ng antas ng ating karunungan, hindi ito sasapat upang hatulan natin ang kababawan ng ating mga kababayan. Sa halip na kutyain at sisihin, hindi kaya dapat na unawain muna natin silang mga mangmang? Sadyang hindi mauunawaan ng mangmang ang mga pantas, kung hindi uunawain muna ng mga pantas ang mga mangmang.

    Paano tayo magiging iisa sa pakikihamok kung iismiran natin at lalaitin ang mga ‘gago’? Aminin na natin na gaano man sila ‘kagago’, kailangan natin sila sa labang ito.

  13. Ka Enchong Ka Enchong

    Masyado naman yata tayong duwag ….. hinahayaan na lang natin tong mga taong ito …… harap harapan na kung sila ay kumana …. tanggap pa din natin.

    Itong mga ganitong pangungusap, Kaibigang Kabkab, ang pinaniniwalaan kong makapagbubuklod sa ating lahat. Tinatanggap natin na kabahagi tayo ng suliranin. Tinatanggap natin na kabilang tayo sa mga dapat sisihin kung bakit hanggang ngayon, nariyan pa rin si Aling Gloria. Kabilang tayo, hindi lamang ang mga ‘gagong’ Pinoy na hindi marunong pumili ng ihahalal.

    Bahagi tayo ng suliranin. Bahagi rin tayo ng kalutasan kung magkakabuklod tayo tungo sa iisang hangarin.

  14. Hep, hep, hep. Teka lang. Yung ibabayad sa Smartmatic ay hindi pambili nang mga makina, INAARKILA LANG!

  15. teka nga. VERA Files has posted the agreement. Matingnan nga.

  16. taga-ilog taga-ilog

    Iisa lang aking nakikitang kalutasan ng mga problema natin sa pamahalaan ngayon.

    Una..Tigilan na natin ang pagbatikos sa mga gagong botante na nagbebenta ng boto.
    Ikalawa..Tigilan na natin ang pagbatikos sa mga ganid sa pamahalaan at hayaan na lang natin silang ubusin ang kaban ng bayan.

    Kapag lugmok na ang bayan sa hirap at wala nang makain ay saka lamang ito magigising at matatauhan. Kung magkagayon,muling babalik ang kasaysayan ng panahon ni Marcos….sama-sama…kapit-bisig babangon tayo at lalaban!
    Ganito rin ang nangyari nang panahon ng kastila. Naghintay tayong maging alipin at patay-gutom bago sumigaw ang isang Bonifacio.
    DUWAG ang Pilipino!!! Kaya lamang tayo lumalaban ay kung piga na ang bayag at nakahandusay na sa hirap!!!

  17. Ang gobyerno ay hindi bumibili ng may downpayment, laging COD. Yung Mega Pacific nga ay COD. Hindi rin pwede ang Letter of Credit o prepaid bank draft dahil ang gobyerno ay hindi nagfifinance ng produkto o serbisyo.

    Ang sinumang foreign supplier ay ipinipresenta ang mga dokumento ng delivery o ang mga dokumentong nagpapatunay ng akto ng pagsakay sa barko o eroplanong pagsasakyan ng mga produkto, sa kanilang bangko na tinatawag na correspondent bank sa bansang kung saan manggagaling ang mga produkto.

    Ipapakita ng supplier ang airway bill (kung air freight) o Bill of Lading (kung ocean/seafreight) sa kanyang bangko upang siya namang kumolekta sa Letter of Credit na binuksan ng isang Opening Bank sa Pilipinas.

    Sa kasong ito ay Landbank ang Opening Bank. Hindi pa natin alam ang Correspondent Bank dahil ni hindi masabi ng Smartmatic kung saang lupalop manggagaling ang mga produkto.

    Ginagamit ang Letter of Credit upang maproteksyunan ang isang kumpanyang nag-iimport ng mga kalakal na hindi siya magpapakawala ng pera hanggang hindi siguradong naglayag na ang sasakyang may dala ng kanyang binibili. Proteksyon din ito ng supplier upang hindi siya masuba ng kanyang kliyente.

    Dahil ang kliyente dito ay gobyerno, hinding-hindi masusuba ang Smartmatic. Anumang Purchase Order ang hawak nila ay sapat na upang ipatupad ng maayos ang bilihan. Kaya ang Letter of Credit ay hindi ipinapatupad ng gobyerno lalo sa ganito kalaking negosasyon.

    Malinaw lang na dito, sinisiguro na ang Smartmatic ay mababayaran KAHIT HINDI MATULOY ANG AUTOMATION dahil hindi lang produkto ang nasakop ng Letter of Credit kundi pati mga serbisyo gaya ng programming, demo, testing, education, etc.

    Kung dati ay boto akong matuloy ang automation, ngayon ay nadoble ang duda kong malaking scam na naman ang niluluto.

    Ang biyahe siguro sa South America nung isang buwan ay upang kolektahin ang downpayment ng tongpats. Umalma si TIM dahil hindi sila man lang naambunan. Inareglo na siguro kaya pumayag na rin. Kaya eto ang resulta – one-sided na kontrata laban sa pondong bayan.

    Tangna talaga, walang kabusugan.

  18. Ellen, nasa last paragraph ng VERA files report (before the table):

    The contract gives the Comelec the OPTION TO BUY Smartmatic TIM Corp.’s automated election system for an additional P2.13 billion

  19. In the Contract itself:

    ARTICLE 4
    CONTRACT FEE AND PAYMENT
    4.1 CONTRACT AMOUNT

    COMELEC shall pay the PROVIDER the aggregate contract
    amount of Seven Billion One Hundred Ninety One Million Four
    Hundred Eighty Four Thousand Seven Hundred Thirty Nine Pesos
    and Forty-Eight Centavos (Php7,191,484,739.48), exclusive of
    value-added tax, if any, for the lease of Goods and purchase of Services under this Contract.

    Malinaw na ang mga makina ay “leased” lamang habang ang mga serbisyo ay binibili natin.

  20. saxnviolins saxnviolins

    May “option to buy” daw ang COMELEC, for an additional 2 Billion.

    So ang tunay na presyo ay 9 Billion, not 7 Billion.

    If the machines stay in the RP after December 10, 2010, because of election protests, and the need for an audit, then they are considered to have been bought.

    Putang ama, eh puwede namang iwanan ang hard drive kung kailangan lang ng audit. Why buy the whole machine?

  21. Natawa at nainis ako sa balitang marami ang na-stranded sa Kalibo Airport dahil sa sirang runway. DOT Sec. Durano keeps bragging about Boracay being the world’s best beach yet for nine long years, the airport leading to it was never fixed. Nakakahiya !

  22. saxnviolins saxnviolins

    Yung forty percent, gawa na. Ang galing maghingi ng advance.

    Project Inifialization, Set up Project Management Team (PMT) and Project Systems including all SW licenses & firmware 10%

    Gawa na ito, from the Venezuelan referendum. It takes a few lines of programming code to change the choices from Si o No in the Venezuelan referendum to Erap, Chiz, etc.

    Delivery of Development Set (20 units) 5%

    Gawa na, courtesy of previous the Venezuelan referendum and other exercises. Besides, arkila lang, so ano ang binabayaran ng COMELEC?

    Report on Transmission and Logistics 5%

    Five percent of 7 Billion for a report? Anak ng kaputa-putahan.

    Delivery of Functional System and Software Agreement 5%

    Computerese. Hindi ba’t dapat kasama sa “Development set” ang software? Ano computer na walang OS (operating system)? Double dipping ito.

    Delivery of EMS and CCS (HW, SW and Website) 5%

    Website? Five percent of 7 Billion? Paggawa mo sa Pana (Bombay) yan, TY yan, just to get your business. I know, yung kakilala ko, ginawan ng Indian company ng kanyang New York lawyer website. TY.

    Complete System Including Custornization and
    Voter Education MaterialsIWebsite 5%

    Paki-sub-contract sa akin please. I can easily translate your Venezuelan manual to English, Tagalog, Ilocano, and fractured Cebuano.

    Field Testing, Mock Election, TEC Systems Certification, Training of Trainors 5%

    You will certify your own equipment for another five percent? Triple dipping na. Mock elections? You are mocking our stupidity. We may be stupid, but not brain dead.

  23. florry florry

    Any which way one looks at it, conspiracy is at work between comelec and smartmatic-tim.

    Comelec finance the capital – 40%

    Smartmatic-TIM purchase their machines, funds from Comelec.

    Smartmatic rents out their machines to the financier, Comelec.

    Option for the Comelec, the financier-to buy machines for another 2.13 billion.

    Wow, What a deal!

  24. chi chi

    Tangna! Huwag ng ituloy ang computerized elections, hindi pa ay talo na ang bayan!

  25. Silly Silly

    May nagsabi na hindi daw kaswapangan ang motive. Kailangan daw ng pambayad sa nasunog sa Lehman et al.

    Paki-audit ang GSIS at RSBS. May pondo pa ba?

  26. Golberg Golberg

    Maayos man ang gusot na ito, may pwedeng bagong gusot ang mangyayari.
    Kumpleto na lahat ng balota, pero sigurado may extra iyan. Yung mga goons, nakapwesto na rin ang mga iyan. Kung gusto nila ng dayaan magagawa pa rin nila iyan kahit automated na. Yung mga goons kasi mayroon ng guns and golds.

  27. Ellen,

    There is no assurance that there will be no cheating in the election in the Philippines with those expensive machines bought undoubtedly with padded bills especially if the election is controlled by the piggies squatting at the palace by the murky river, and with honesty being more a rare virtue among Filipinos of today. This is the hard fact and reality that I wish majority of the Filipinos would think about seriously and change!!!

    But as a cousin of mine says, “Papaano nilang babaguhin ang hindi naman nila alam. Mahilig lang silang magpalusot at manulot!”

  28. Rose Rose

    Napakalungkot naman..marami na nga ang walang makakain at walang pambili ng gamot, ginagago pa at ginagawang tanga ang mga tao..mga walang budhi talaga…masusunog din ang kanilang kaluluwa…

  29. Marco, I don’t give a damn about people who make a business about being miserable. Please don’t use this blog to advertise them.

  30. Well,totoo nga na walang kasiguruhan na walang cheating sa election kasi ang mga nakaupo ay isang queen of fakes na dwarf na may asawang baboy we should do something para maging maayos ang society dapat suportahan natin ang mga taong gumagawa ng mabuti sa ating pamahalaan at pamayanan at mga whistle blowers at iba pang taong na gustong mapabuti ang kalagayan ng bansa at magkaroon ng order at balance ang society natin.

  31. norpil norpil

    ano kaya ang gagawin nating mga pinoy kung sa halip na huling paalam ito ng mga arroyo ay maging continuation ng kanilang hegemony o dili kaya ay see you next time lang nila.

  32. @Norpil
    Kaya kailangan natin maging mapagmatiyag at lumaban kung kinakailangan.:)

  33. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Ang problema, unang una ay ang taong bayan dahil sa pikit mata nilang pagpapatangay sa agos ng katiwalian. Parang hindi nila iniinda ang dagok ng mga panlilinlang. Kuntento na sila sa mga pangako. Ipinagkikibit lamang balikat ang kawing kawing na panloloko sa kanila nina gloria arroyo.

    Ang pangalawa ay ang mga hinalal na nagwiwikang sila daw ay oposisyon at ipinaglalaban ang kapakanan ng sambayanan subalit ang tanong, ilang daantaon pa ba ang ipagtitiis natin bago tuluyang mabago ang pamamalakad ng gobyerno? Sapat na ba ‘yung salita lamang upang mabigyang pag-asa ang lugmok na sa paghihikahos na maga tao? Ano ang kaluwagang nagagawa ng mabubulaklak nilang mga privilege speeches, silang nasa senado at konggreso?

    Demokrasya daw tayo, kaya malayang ipahayag ang ating saloobing pagkadismaya sa gobyerno. Nakikinig naman ba silang mga nakapuwesto? Hindi ba’t pinagmumukha lamang tayong mga gago habang sila ay nagkakasiyahan sa pagkukuwenta ng mga kinurakot nila?

    Kailan pa kaya sila magsasawa sa walang patumanggang paglustay ng laman ng kaban at ilalaan ang gastusin(kung may natitira pa) para sa kapakanan ng tunay na dapat makinabang? Sobrang lalim ‘ata ng kanilang mga lukbutan at hindi pa siguro nalalamanan kahit ‘yung pinakailalim at kailangang bago sila bumaba (kung may kahihiyan pa) sa puwesto ay huthot at tuyot ang pondo ng bayan.

  34. chi chi

    This VERA Files report answers the question “ano ang ginagawa ni Melo sa likuran ni Abalos”? Korek, ipinagpapatuloy ang nasimulang transaction sa computerized elections for the benefits of the evil couple Gloria and Mike Arroyo. Mga hinayupaks!

  35. norpil norpil

    kung totoo ang istorya tungkol sa honduran experience ay talagang mabilis itong computer nila dahil nabibilang ang mga boto bago pa mag eleksyon.

  36. Balweg Balweg

    Dahil ba sa ipinagbibili ng ilan sa ating mga kababayan ang kanilang balota, dapat na silang hatulan bilang mga dahilan kung bakit hindi ‘matitigil ang kahayupan ng mga kurap nating pulitiko’?

    Igan Ka Enchong, may puntos ka sa iyong tinuran…but before we need to patch up the problems na ngayon e kinakaharap ng bayan, dapat ugatin natin yong ugat ng problema at di natin pwede itong isang tabi sapagka’t tulad ito ng isang multo na dumaratal ng wala sa tamang oras.

    Milyong Pinoy ang nagluklok kay gloria sa malacanang not once but twice…magkagayon man e marami sa bilang na ito e nanga-untog at nag i’m sorry na, but still kung sisipatin natin ang proportion ng mga nanantiling taga-suporta ng rehime aba e madami pa sila sa bilang.

    Well, pagsariwa lang yan sa nakaraan…pero itaga mo sa bato, hangga’t ang Pinoy e di maninindigan sa katotohan at magpapakatotoo sa kanilang sarili, wala tayong kapupuntahan nito.

    Ang bottom line ng problema natin e dapat matutong gumalang at igalang ng Pinoy kung sino ang iboboto ng majority sa bawat halalan.

    Nagkaletse-letse tayo ngayon sapagka’t yaong ganid at uhaw sa kapangyarihan e mahilig sa cutting trip at ang objectives nila e laging shortcut na makuha by hook or by crook ang poder ng kapangyarihan.

  37. naku! maganda tong topic na to! babalikan ko to later! so, re-programming lang pala nang Si Senor to Opo Madam ang dramang to? did anybody check eh baka pre-loaded ang Hello Garci automation na to? i mean, so many things can come up with the counting na baka me uurong at aabante na numero you know what i mean?

  38. Balweg Balweg

    Folks, tutal napag-uusapan po lamang natin ng pagiging mahilig sa shortcut ng ilan nating tiwali at misguided nating kababayang Pinoy, but still we do believe na marami pa din ang nagmamalasakit sa bayan at kapwa-Pinoy.

    Talos natin na nagbabago naman ang ihip ng panahon at kung dumating man yong pagkakataon na mga kahinaan sa buhay na kanilang nagawa at pinaggagagawa e umasa pa din tayo na isang araw e mahimasmasan sila na wrong pa yong kanilang mga pinaggagagawa sa buhay.

    Alam nýo tulad din tayo ng isang butterfly, bago naging luntian ang kanyang angking kagandahan e di ba nagsimula muna siyang pandirihan sapagka’t isa siyang uod na ang sagwang tingnan.

    Day by day ng kanyang buhay e naging refined beautiful butterfly na siya. Ganito tayong mga Pinoy, at pasasaan ba e tatamasahin din natin ang tunay na kasarinlan at pagbabago ng ating bayan, basta wag tayong mawawalan ng pag-asa sa buhay at tiwala doon sa itaas.

    Magtatagumpay tayo sa anumang balakin sa buhay, basta magkaisa tayo ng pag-iisip at igalang natin ang kapwa-Pinoy. Kaya yong shortcut mentality natin Pinoy e iwaksi natin at sumunod tayo sa tamang proseso.

  39. chi chi

    Ang bottom line ng problema natin e dapat matutong gumalang at igalang ng Pinoy kung sino ang iboboto ng majority sa bawat halalan. Balweg

    Dagdagan ko, Igan Balweg. “… kung sino ang kagalang-galang na iboboto…”.

    Ang deprensya ay naloko ang pinoy ng ‘kagalang-galang’ na ‘anyo’ ng pinagmulan at PhD kuno ni Gloria Arroyo. Mahirap na silip lang, kailangan ay titigan ng husto ang iboboto next time. Responsibilidad ng bawat isa na suriin ang kanilang iboboto ayon sa sariling standards.

    Alam mo kung ano ang ginagawa ng ate ko tuwing may eleksyon ? Iniisa-isa niya ang mga ‘gago at gutom’ na botante sa aming baryo. Sinasabihan na kunin ang pera dahil sa kanila yun na ninakaw lang ng kandidato, at konting psychology. Resulta: sa aming baryo ay palaging talo ang mga hinayupaks na meyor, gobernador at tongressman. Nasa radar ng mga gagong kandidato ang ate ko pero hindi nila magalaw dahil pati mga taga-bundok ay iginagalang ang aking kapatid na walang pera at pwesto sa gobyerno.

    Ang putos ko: ang ‘maliit’ na tulong ng mas nakakaalam ay pwedeng ibahagi sa mga ‘gagong’ pinoy sa pagpili ng kanilang iboboto para hindi sila manatiling aliping-saguiguilid.

    Sa akin, mas malaki ang responsibilidad ng may nalalaman kesa sa ‘gago, gusgusin at patay-gutom’ na manghahalal sa pagpili ng tamang lider. Hindi ko masisi ang mahihirap/patay-gutom kung magbenta man ng boto, pero hate ko ang mga may nalalaman na takot magbahagi ng kanilang kaalaman.

  40. norpil norpil

    chi: galing mo talaga, wala akong ma i komment sa komment mo. sabi rin ng isang kamag anak ko, papaano mo masisisi ang isang gago at tanga. kulang lang sa paliwanag ang mga iyan lalo na at gutom.

  41. habib habib

    “….. did anybody check eh baka pre-loaded ang Hello Garci automation na to?…” reynz

    Kaya nga ‘yung mag-asawang hudas ay nag-side trip sa pinaglulunggaan ng kanilang dalawang masugid na taga-suporta ay upang ipauna na ang gagawing pagkokondisyon sa mga gagamitin sa uto-mated na halalan.

    Alalahanin nating ang automated machines na ito ay nilikha ng tao at natural lamang na kung ano ang “isinubo” ng umimbento nito ang siyang masusunod.

    Salapi ang pinag-uusapan dito na pinangingibabawan ng pagkahayok sa kapangyarihan ng mga ganid na hindi na gustong umalis sa tronong ninakaw sapagkat alam nilang sa sandali ng kanilang paglabas sa malakanyang ay patong patong na kaso ang naghihintay upang kanilang panagutan at pagdusahang kulang pa ang ilang ulit na habambuhay.

    Hindi sa automated na halalan nakasalalay ang pagbabago ng pamunuan kundi sa mismong malinis na kinalalabasan ng bilangan.

    Dapat ng maging matalino ang ating mga botante at gawing aral ang halos sampung taong ginawa sa kanilang panlilinlang ng pinakaganid na babaeng sumulpot sa mundong ibabaw. Ibasura na’t huwag nang ibotong muli ang mga kotonggresistang napakasangkapan at nagpayaman kapalit ng kapakanan ng kanilang bawat nasasakupan gayundin ang miyembro ng gabineteng nag-aambisyon upang mahalal at maging protektor ng sinungaling na kawatan.

  42. saxnviolins saxnviolins

    Baka naman pambayad ito sa na-advance ng NBN-ZTE, kaya minamadali ang 40 percent.

    Habib:

    Huwag mo nang problemahin ang Hello Garci programming code. Somewhere along the way, magkaka-problema, at hindi matutuloy ang elections, at magkakaroon ng transition gov. Itong automation, pera pera lang, para may panuhol sa mga generals.

  43. Hindi sa automated na halalan nakasalalay ang pagbabago ng pamunuan kundi sa mismong malinis na kinalalabasan ng bilangan.

    swak ang sinabi mo habib!

    garbage in! garbage out!

    what automation does is just to make it easier for people to vote and counting easier pero all of us must look into: WHAT CONTROLS BA ang imbedded and/or nakatalaga sa Hello Garci Automation na to to serve the real purpose of “fair” election and counting.

    i just hope na wala nang redefinition nang “FAIR”, meaning this has to be FAIR sa tiga-pasig, because what’s fair to them is nevah FAIR sa mga kabarrio naten.

    ~the genuine fairy godmother (reyna)~

  44. Balweg Balweg

    Igan Habib…saan ko man sipatin o kaya sure ball e di ako mapalagay, kasi nga sa dinami-dami ng sektor sa ating lipunan e walang common denominator…watak-watak ang prinsipyo at ipinaglalaban sa buhay.

    Tuloy… ang bilis nating dis-armahan ng rehime, nagpaplano palang ang Pinoy e may kotra pamalo na ang gubyerno de bobo ni gloria.

    Alam mo naman, mga trained yong attack doggies niya at iisa ang nota kung dumipensa sa kanilang Amoyung. Napapanahon na upang isulong natin ang malawakang diyalogo upang magkaraon ng solidong hakbangin upang pare-pareho tayong magtagumpay sa pakikibaka laban sa mga naghaharing-uri sa ating lipunan.

    Ang Ellenville community ay patunay lamang na napagdaop-palad tayong mga Pinoy sa apat na sulok ng buong mundo upang mapag-isa natin ang ating damdamin at maging bukas tayo sa bawat usapin na may kinalaman sa kapalaran ng ating Inang Bayan at kapwa-Pinoy.

    Ang lahat naman ng bagay kahit na kontra-pabor e napag-uusapan naman ito ng masinsinan upang ihanap ng ugmang nota para madaling maunawaan at sang-ayunan.

    High tech na ngayon kaya malaki ang maitutulong natin una sa ating pamilya, kamag-anak, kaibigan, kababaryo at kababayang Pinoy.

  45. Balweg Balweg

    Igan LG…talagang nakakadismaya, bakit ka mo…kasi ganito yon, ang presyo ng vote-buying sa Pinas worth 7.2 bilyong pesos equivalent ng utomated machine ng COMELECTA.

    Obvious talaga…at garapalan na kung dumiskarte ang mga damuhong, ginawa pang alibi yong 2010 eleksyon…common sense, almost a year na lang at saka nila ito isasaayos?

    Nasaan ba ang mga utak ng mga bagman ni gloria? Malapit na ang 2010 at ngayon lang ito minamadali…pwera usog, sa hinagap e di magmamaterialize yan 100% at ang hula ko selective lang ang lugar na mapaggagamitan niyan.

    Sayang yong 7.2 bilyones…mapupunta na naman ito sa wala tulad nitong utomated machine kuno na binili ni bro. Abalostay ng “Ang Dalawang Daan ZTE ministry”.

    Nasaan ang transparency gloria? Ang galing mong magsalita at magduklay-duklay ng broken promises e hungkag naman at walang kwenta…puro kayo pahirap sa bayan.

  46. Ka Enchong Ka Enchong

    Ang bottom line ng problema natin e dapat matutong gumalang at igalang ng Pinoy kung sino ang iboboto ng majority sa bawat halalan.

    Dito, Kaibigang Balweg, walang pasubali akong sumasang-ayon. Kaya lang naman tayo nagkakagulo, alam natin na ang nasa trono ngayon ay hindi tunay na halal ng nakararami.

    No matter how I may disagree with Aling Gloria’s policies, I would have been duty-bound to support her government- kung tunay na halal siya. Kaso, hindi e.

    Dito sa Kuwait, kapag hindi Halal, ni hindi pwedeng kainin. Diyan sa atin, kahit hindi halal, nakakaupo pa sa trono.

  47. Balweg Balweg

    Pinatawa mo naman ako Igan Ka Enchong…double meaning yong dinali mo ah, tumpak ang iyong tinuran…kaya ang Pinoy e samu’t sari ang kalikot ng kukote.

    Si gloria talaga ang puno’t dulo ng pag-aalburuto ng Pinoy…mababaw naman ang kaligayahan ng Kapinuyan basta never lang na aapakan ang karapatang pang-tao.

    Ang kaso itong rehime…ang para sa Pinoy e dinudugas nila at yong kanila naman e sinosolo.

    Napanood mo ba yong TV Patrol tonite…Santa Mariang Ina ng Awa, 4 trilyon pesos na ang utang ng Pinas…di ba ang ikinaso nila kay Apo Macoy e pangdarambong worth around 20bilyong dollars ng siya ay makicked out sa Malacanang pero 20-years in the making yan.

    Aba e masahol pa kay Macoy ang nilaspag ng mga pumalit na rehime agaist 20-years niya sa power. Halos 23 years na after Edsa 1 at bakit umabot ng 4 trilyon pesos ang utang ng Pinas?

    Ibig sabihin nito e si gloria ang pinamalaki ang nautang…may ibidensiya, kasi nga siya yong the most traveller Panggulo ng Pinas. Yan ang natutuhan niya kay Tabako, di ba isa rin yang naglaspag ng pera ng bayan sa kabibiyahe…ang reason official visit daw kuno.

  48. Sinong may sabing magiging honest ang eleksyon dahil sa mga pinagmamamayabang ni Melo na mga counting machine daw? Parang bago naman ng bago. Kapareho din iyan ng mga metro ng taxi sa Pilipinas na nareretoke para mahal ang bayad, meaning, puedeng kumpunihin para makadaya. Lalo na kung computer na kontrolado ng mga Internet Brigade ni Gloria Burikak alyas suso retokado! 😛

    Honest election with Melo’s machines? Forget it!!!

  49. patria adorada patria adorada

    papano kung ang boto ko sa kay BGen.Lim mapunta kay lito lapit?parang pasa load!if they dont want civil war,they better be good!

  50. bayong bayong

    Wala naman talaga tayong dapat asahan sa gobyernong ito kundi ang pagnakawan tayo at naniniwala ako na walang election. Ang plan A chacha plan B martial law. me magagawa ba tayo, kahit ilang ang mag rally sa mga kalye papukpok mo lang sa mga pulis yan uwian na pag minalas malas pa may kaso pa. buti sana kung sabay-sabay tayo lalabas lahat eh hindi naman ganon ang pinoy wait and see muna, pag tagumpay unahan pag bigo sisihan.

  51. bayong bayong

    Dito sa Pinas ang batas ay hindi pina-iigsi kundi pinahahaba at pinai-ikot pa para hindi maintindihan agad o lituhin ang makakabasa at puede mong ma-interpret sa kung paano mo gugustuhin na lumabas, kapag sa kakampi pabor kapag kalaban talo. marami din tayong batas na nagsasabong ang mga probisyon.

  52. bayong bayong

    sa palagay ko ang mga napapag-usapan dito sa ellenville kapag naibo-broadcast sa radyo ay magkakaroon ng katuparan ang hangarin ng bawat Pinoy, ang maayos na gobyerno at kuntentong mamamayan.

  53. @sax violins!

    hagalpak ako nang tawa sa mock elections that you pointed out! hahaha! i love it!!!

  54. Today is Malacanang Deputy Spokesperson Lorelie Fajardo’s birthday. Let’s all greet her “Happy Death Day”.

    Ito daw ang possible line up:

    Roxas-Lacson

    Villar-De Castro

    Erap-Legarda

    Panlilio-Padaca

  55. Tongue, I still believe you are right all along that this computerization is an offshoot of the NBN-ZTE deal. Intsik ba naman, hindi makakalusot yung nakuha na ni Abalaos. Kailangang makuha nila yung ibinigay na tongpats.

  56. Lani Lani

    May eleksyon ba talaga? Sa proclamation 1841 declaring 10 regular holidays, four special non-working holidays and a special holiday for 2010 (newsinfo.inquirer.net/breakingnews/…/Arroyo-declares-holidays-in-2010) bakit hindi kasali sa holidays ang May 2010 election? Nagtatanong lang po..

  57. Under this administration, dates of holidays have been changed. Baka sa susunod niyan bago mawala si Unano eh pati Christmas at New Year babaguhin niya. I don’t mind changing Christmas Day but not New Year. Hindi naman puwede January 2 or 3 ang New Year. Pero ang Christmas, wala tayong ebidensiya na sa Dec. 25 nga ang tunay na kapanganakan ni Kristo. Isa pa, malabong mangyari na sa December na tag-lamig ang Kanyang Kaarawan because according to the narration in the Bible, the Shepherds were out tending to the sheep. How could this be in a Winter?

  58. Marco Marco

    I was just curious Maam Ellen and didn’t mean to promote them on your blog. I was a former reader but got tired of reading their articles. Masyado silang magagaling doon at medyo out of touch sa reality. Good luck na lang and again, i apologoze if i came off as promoting that silly blog.

Comments are closed.