Skip to content

Si Obama para sa Amerika; para kanino si Arroyo?

Ang daming haka-haka kung bakit inimbita si Gloria Arroyo sa White House sa Hulyo 30.

Sa akin, kung ano man yun, dapat palagi natin isipin na ang ating kapakanan ay ating responsibilidad. Hindi natin dapat i-asa kay Pangulong Barack Obama ng Amerika.

Kahit na mas desente naman tao si Obama kaysa kay George W. Bush, ang obligasyon pa rin niya ay sa mga Amerikano. Kung magkasalungat ang interest ng Pilipino at Amerikano, obligasyon ni Obama na ipaglaban ang interest ng Amerikano.

Huwag tayo mag-ilusyon na mahal tayo ni Obama.

May mga nagsasabi na kaya raw inimbita si Arroyo para bigyan daw ng lecture ni Obama si Arroyo na huwag magkamaling mag-deklara ng martial law.

Kungsabagay, kung magdeklara si Arroyo ng martial law o emergency rule, talagang magkakagulo ang Pilipinas at ang mga interes ng Amerikano dito ay malalagay sa alanganin.

Kung hindi malalagay sa alanganin ang interest ng Amerikano, wala silang paki-alam kung martial law, emergency rule, Con-Ass at kung labag sa Constitution.

Nangyari na ito noong 2001 nang linabag ni Arroyo ang Constitution at inagaw ang pagka-presidente kay Joseph Estrada. Nang una, nagwarning pa ang kanilang acting ambassador dito na kailangan ayon sa Constitution. Nang inagaw na ni Arroyo ang pagka-presidente na wala namang bakante, pumalakpak na rin ang Amerika. Lalo pa ng inanyayahan ni Arroyo ang mga Amerikanong sundalo mag-operasyon dito sa Pilipinas dahil may mga terorista daw dito.

Kasabwat pa nga ni Arroyo ang mga Amerikano na ihiwalay ang ilang bahagi ng Mindanao sa Pilipinas sa naunsyaming MOA-AD (Memorandum of Agreement on Ancestral Domain), di ba? Mabuti lang umalma ang marami.

Sabi ng isang foreign affairs official, pinagbigyan na rin daw si Arroyo sa White House sa sobrang panikluhod ng ating embassy sa White House at sa State Department.

Pupunta kasi si Obama sa Singapore sa Nobiembre para sa miting ng mga lider ng Asia Pacific Economic Cooperation. Malamang dadaan siya sa China o Japan at isa pang Southeast Asian country. Dahil sa natanggap na niya si Arroyo sa White House, malamang hindi na siya pupunta sa Pilipinas.

Ang isipin natin, ano ba ang kailangan ng Amerika sa Pilipinas na siyang dahilan na pinagbibigyan ni Obama si Arroyo? Ang pangunahin na kailangan ng Amerika ang lugar sa Southeast Asia na kung saan libre sila mag-operate, magman-man laban sa international na terorista. Siyempre, ibigay ni Arroyo yan.

Kailangan din nila ang Pilipinas kung saan sila magman-man sa China. Siyempre bigay din ni Gloria yan.

Basta lang ba maka-pag palitrato, kasama ang kanyang pamilya at sobra isang daan ng mga tutang kongresista, ibibigay ni Arroyo ang buong Pilipinas.

Published inAbanteForeign Affairs

84 Comments

  1. iwatcher2010 iwatcher2010

    nice article ms. ellen…anupaman ang layunin ng nasabing miting ni US Obama kay Queen gloria siguradong interes ng amerika ang una at laging una sa listahan ni US Obama.

    Mas mulat na ang masang pilipino sa mga panlilinlang ni queen gloria at ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration at ang 2010 election ang simula ng pagsipa sa mga trapos.

    mapanganib ang emergency rule o martial law dahil pihadong giyera sibil ang pinas na ngayon pa lamang ay nakikiramdam at nagbabantay ang mas maraming tapat at marangal na mga sundalo at junior officers upang dinggin ang tunay na kagustuhan ng masang pilipino.

    offtopic lang bigla kasing umeksena ang phil. ambassador natin sa indonesia pagkatapos ng terror bombings na naman,na nagkataon si vidal querol pala na dating PNP NCRPO head, tingnan mo nga naman ang grasya ng pagiging loyalista kay queen gloria…sarap ng posisyon at sarap yatang tawaging ambassador!

  2. chi chi

    Huwag tayo mag-ilusyon na mahal tayo ni Obama. – Ellen

    Iyan ang pinakamaganda at tumpak sa sinabi mo Ellen. Para sa akin ay nasa ating mga pinoy ang responsibilidad na tanggalan ng power si Gloria Arroyo at hindi dapat umasa sa anumang foreign back up. Kanya-kanyang interes, kanya-kanyang responsibilidad.

    Hindi tayo gagawing utus-utusan ng Kano kung ayaw natin!

  3. chi chi

    Kasabwat pa nga ni Arroyo ang mga Amerikano na ihiwalay ang ilang bahagi ng Mindanao sa Pilipinas sa naunsyaming MOA-AD (Memorandum of Agreement on Ancestral Domain), di ba? Mabuti lang umalma ang marami. – Ellen

    Kristie Kenny can deliver, though the MOA-AD was derailed. She’ll stay!

    Buti na lang umalma ang majority, meaning kaya natin si Gloria kahit anung oras kaya lang ay mas pinili ng nakararami na hintayin ang resulta ng 2010 para walang dumanak na dugo. Bilib din ako sa pasiensya ni Juan!

  4. iwatcher2010 iwatcher2010

    sa tanong na si US Obama sa amerika, si gloria para kanino????

    para sa pera, para sa pagkagahaman sa kapangyarihan, para sa mga kauring buwayang politicos/trapos/alipores, para sa lahat ng kabuktutan at kahibangan.

    at kailanman ay hindi para sa pilipino…manila hanggang probinsiya ay mura at insulto ang maririnig mo pag tinanong mo anong legacy ni gloria pag natapos na ang kaniyang ninakaw na posisyon.

    NO TO TRAPOS 2010!

  5. iwatcher2010 iwatcher2010

    kaibigang chi…tama ka sa iyong tinuran, kaya natin si glori at napatunayan na yan noong 2007 elections kung saan bilyong-piso ang ginastos nila pero talo pa rin ang mga senatoriables ni gloria…

    mas gusto ng pinoy na ipakita sa isang malinis na election ang galit at muhi nila sa mga trapos at kauring buwaya.
    cyempre sa election gagastos ang mga trapos(kahit nakaw din nila yung pera) pero ang asar-talo dun ay yung pag-asam nila at paniniguradong panalo sila dahil sa pera at kung anu-ano pang gimik at pandaraya…pero bandang huli talo rin, eh di sama ng loob nila naubos na yung ninakaw napahiya pa sila.

    isang magandang halimbawa si mightymouse mike bingot…na ginamit ang posisyon para sa political campaign,ginamit pera ng HUDCC, ang pera ng DENR pero anong nangyari di ba natalo din,makapal lang talaga ang mukha at sumiksik na naman sa PNR as chairman…siguro me tongpats dun kasi foreign-funded yung projects at pandagdag din kasi pihadong sasalang na naman sa senado o mayor ng qc.

    mahaba ang pasenciya ni juan sapagkat di na makakilos sa sobrang kahirapan, di na makasigaw dahil sa kagutuman at wala ng lakas upang isulong ang pagbabago dahil puno ng takot at panggigipit ng pnp at afp ni queen gloria…kaya yung pagboto na lamang ang natitirang lakas ni juan para baguhin ang kaniyang kinabukasan.

    dagdag ko lang…si obama sa amerika si gloria – sa bilibid kasama ng mga buwaya at magnanakaw.

    NO TO TRAPOS 2010!

  6. chi chi

    i-watcher,

    Kaya ako ay walang ilusyon na mababago ang pagtingin ng Amerika sa Pinas. Ang tinuran ko noon bago mag-eleksyon sa USof A, “kahit manalo si Obama ay hindi mababago ang policy ng US towards Pinas”. At kahit si MacCain pa ang nanalo ay ganun din. Kaya ng bomoto ako ay hindi ko binigyan ng pansin ang international policy ng naglalabang kandidato. What for, wala namang mababago. Ang interes ng US ay mapanatili ang image na sila ang the only world’s superpower.

  7. Gloria is a traitor which is the bad reputation of her family,as long as we have traitors as our leaders we will never prosper.;)

  8. chi chi

    saxnviolins – July 19, 2009 1:42 am

    The Glue is being touted as the first SE leader to be invited to the White House. She is, in fact, the first Head of State to be “invited” at all.

    It is Obama who has been visiting other Heads of State. Siya (Obama) ang pumi-PR sa ibang Head of State. Pero si Glue, tinawag. May date pa, ng pagtawag, right after the SONA. So after the SONA, takbo agad, sakay sa eroplano.
    Tigil ang cha-cha, tigil ang martial law – for the meantime.

    Kung may date, parang summons yan sa husgado. Kailangan kang mag-comply. Diyan nakikita ang pagtingin (o pagmata) ni Barack kay Glue.

    ___

    Wala kay Goyang yan, atty. Walanghiya ang bruha, wala sa kanya kung anuman ang tingin sa kanya ni Barack basta magkakaharap sila at magkakarun ng pictures na ididikit niya sa dinding. Bahala na ang spin quack doctors ng EK.

    Lalamunin lahat ni Gloria Arroyo ang hiya at pride basta makaharap si BO. After their forced encounter, at least
    Barack will be free of the stalker bitch on his back.

  9. Balweg Balweg

    Si Obama para sa Amerika; para kanino si Arroyo?

    Nice topic Maám Ellen, tapatan na tayong lahat…at walang plastikan, kung gusto tayong tulungan ng US e dapat noon pa?

    Sa totoo po lamang, ang foreign policy ng USA e maka-sarili, bakit nga ba…kasi ganito yon, gusto nilang maghari-harian sa buong mundo.

    Kung di ka nila makukuha sa santong dasalan, e sa santong paspasan ka nila dadaanin? Ganyan sila kagulang, okey granted na kahit papaano e mayroon silang tulong kuno particular sa ating bansa, pero barya lang ito sa kabila nang kanilang nahuhuthot at pakinaban sa Pinas.

    Kung lalaliman natin ang paghalukay sa impluwensiya ng Kano sa Pinas e hawak nila tayo sa leeg, okey napalayas natin ang base militar nila…but still economically e sila ang biggest trading partners ng Pinas at dumidipende sa mga tulong pinansyal.

    Saan naman kukuha ng budget ng Pinas, kundi mangutang ng mangutang…..upang sustinihan yong mga bogus project ng mga kurap.

    Kaya nga nagkakandakuba na ang Pinoy sa pag-ako ng mga taxes na kailangan ng gobyerno de bobo ng rehime plus yong mauutang sa ibayong dagat na ang Pinoy din ang magbabayad.

  10. Balweg Balweg

    Bilib din ako sa pasiensya ni Juan!

    Yan ang wala sila Igan Chi, ang Pinoy e pagkaminsan nagiging maginoong-bastos…in layman’s word, taglay pa din ng Pinoy ang pagiging matiisin, pasensyoso, mapagbigay etc. etc.

    Sa kabila man ng mga bagay na ka ek-ekan na pinaggagawa ng rehime, still ang Pinoy e taas-noo na hinaharap ang anumang problema o unos na dumarating sa buhay.

    Ang pangit lamang na pag-uugali e yaong pagiging hunyango, balimbing, makapili, tirador, crab mentality, suso, nagmamarunong na wala sa lugar at fried chicken na kailangan e lunukin at magsipagbago ng ugali-asal.

    Yon lang, tapos ang problema!

  11. chi chi

    Diyan nakikita ang pagtingin (o pagmata) ni Barack kay Glue.- atty sax

    Ang LIIT ng tingin ni Barak kay Glue!

  12. Tita Ellen,

    mahal ang kodak. ilang piraso yan, marami. eh kung sandaang tukmol ang kasama nya, eh di mas lalong very very expensive. duda ko, mga natural resources sa Mindanao? hahaha!

    malakas ang duda ko na hindi naman le-lecturan si arroyo. whisper lang ang gagawin ni obama, na wag kang magkamaling di ituloy ang eleksyon dahil pagod na kami seyo. pero tama ka. hindi para sa kapakanan naten.

    kaya mga ka-barrio! don’t make tulog! let’s make baka!

  13. saxnviolins saxnviolins

    Nabanggit ni Ellen yung pag-cover niya ng speech.

    Salamat sa youtube, pinanood ko nang buo ang speech ni Cory sa US Congress. Noong nangyari ito, nagkasya ako sa text lang sa newspaper, at mga quotes.

    Two minutes and 29 seconds ang standing ovation sa pagpasok ni Cory. Hindi ko alam kung ilang beses nagpalakpakan habang binibigkas niya ang speech.

    Kahit sa alaala man lang, maramdaman uli ang pagmamalaki.

    Lumipas na ang erang yon. Bata pa noon si Bob Dole, Ted Kennedy, at tila si Olympia Snow yung magandang naka-pula.

  14. Balweg, you said, “Sa totoo po lamang, ang foreign policy ng USA e maka-sarili,…”

    Dapat ganun naman talaga. Dapat tayo ganun din. Our foreign policy should be for the good of Filipinos, first and foremost.

  15. So now we know that Americans are so backwards and stupid that they genuinely believed that Pareng Barak could wave a magic wand and the whole world would instantly be fixed.That is not an insult against all Americans, there is probably some people in all countries that are just as stupid. In this country there are many more of them and they keep voting the rhetoric stupid.

    What did you expect from Obama,he spent time in the Senate campaigning for his ambition to become the first black president. His first public act was to turn the terrorist loose. Closing Guantanamo, not helping the poor, or repairing the economy. I don’t think that’s the first thing he do as pres. He should look out for the people who put their faith in him. That he would make positive changes and help the people not feel like their country is going down the tubes.

    Pareng Barak want health care reform,He will bankrupt the USA,Wrong health reform will hurt economy. Why would anyone think that Obama would not ration healthcare? What else could he do? If anyone presently is insured, you can be guaranteed the government universal healthcare plan will offer less services.

    When you expand government health insurance, government spending goes up. Long-run costs for the government would be even higher because the bills move incentives in the wrong direction. Government subsidies and cross subsidies would be hidden, causing people to demand ever more generous health care.And of course! higher tax for Americans to finance these program.

    At a time of rising unemployment and extraordinary short-term economic weakness, these bills would hurt the U.S. economy. The economic damage they would cause outweighs the benefit of reducing the number of uninsured.

  16. Kodakan lang ang gagawin ni Nunalisa at ang kanyang isang daang tulongis na bitbit sa Whitehouse.

  17. danilo danilo

    Ang totoong dahilan kung bakit inimbita si Gloria ni Obama
    ay para tingnan yun vulcanized na suso ni GMA. Pwe…pwe..
    sandali lang po nasusuka lang ako.

  18. kabkab kabkab

    “Our foreign policy should be for the good of Filipinos, first and foremost.” —- galing mo talaga Ellen.
    Si Glorya iba …. “Our foreign policy should be for the good of my Family ang my Dogs, first and foremost.”

  19. Talagang makapal ang mukha ni Gloria..

  20. @Balweg
    I think we should do some action kaysa naman naghihintay lang tayo…

  21. habib habib

    mumbaki, hindi na mukha ang makapal kay gloria ngayon kundi ‘yung kanyang dedeng dati ay laylay na pinasakan ng silicon more than twenty years ago (dahil balak niya noong maging pantasya ng bayan). Sa kanyang walang patumangga at parang lasing ang direksiyong biyahe, ang implant sa dede niya ay nakalimutan at hindi napansing nabubulok ang loob kaya tumagas ang nana na siyang dahilan kaya isinugod sa Asian Hospital (self quarantine kunyari, eh kalapit na St. Luke’s Funeral, este Hospital).

    Tungkol, (naman sa) foreign policies, katulad din ‘yan ng pangangapit bahay o pakikisalamuha sa isang pamayanan. Bakit mo hahayaang galugarin ng ibang tao ang kasuluksulukan ng iyong pamamahay at hayaan siyang umastang mas may karapatan sa iyo na may ari at manduhan ka sa anumang gusto niyang mangyari? Gugustuhin mo bang ang iyong mga anak maging ikaw bilang ama o ina ng tahanan ay apak-apakan at tratuhing de susi ng iyong mas mayamang kapitbahay?

    Bilang magulang na siyang namamalakad at namumuno sa loob ng iyong tahanan, hindi rin tamang uunahin mo ang kapakanan ng iyong pakialamero at sipsip na mga kasambahay kaysa kapakanan ng iyong mga anak na umaasa sa iyong kalinga at pagpapala. Responsibilidad bilang magulang ang ipagtanggol at ipagsanggalang ang mga anak sukdulang ibuwis ang buhay para sa kanilang kaligtasan.

  22. Obama just like all past US Presidents shall only protect America’s interests. If he wants reelection, then he has to show he cares about America before other counties. Isa pa, hindi siya ang may control ng US Foreign Policy. May malaking grupo sa likod ang patuloy na may control sa foreign policy ng Amerika.

  23. Ka Enchong Ka Enchong

    Ms Tordesillas,

    With your indulgence, I am posting an off-topic link below about a Filipina maid who has been tortured by her Kuwaiti employer over the last two years. Nagdalang-awa lang po ako habang binabasa ko ang istorya niya.

    Though, her case is now being handled by Embassy officials here, I believe, we need to make it known to everybody back home that working abroad, as housemaids, pose incalculable risks.

    Aling Gloria has always been proud to advertise employment overseas, kahit maid, ginagawang super maid. Here is an example of what happens when someone takes her ads seriously:

    http://www.arabtimesonline.com/kuwaitnews/pagesdetails.asp?nid=34867&ccid=9

  24. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Ellen/Ka Enchong,

    Kinikilabutan ako habang binabasa ko ang artikulo. Sumusulak ang dugo ko sa galit hindi lamang sa lintek na employer ng kawawang kasambahay pati na rin sa mga sinungaling, ganid at walang kahihiyang tuta ng administrasyon ng mang-aagaw na madarayang gustong gustong tawagin ang sarili niyang presidente.

    Nawawala na naman ako sa aking pagiging isang kahit paano ay may pinag-aralan ding tao. Kunsabagay, libre naman.

    Hayup sa dilang kahayuphayupang ang ganitong uri ng nilalang. Katulad ni gloria at kanyang ganid na pamilya, hindi dapat hayaang mabuhay ang mga katulad nila.

    Ano na naman kayang palusot, kasinungalingan at pabalat bungang pagmamayabang ang sasabihin ng mga turuang aso, lalo na sina loreLIE fajardo at anthony gurlis?

    Putangnang mga hayup ‘yan! Tangnamuka, gloria! Dapat ikaw/kayo ang dumanas ng ganitong kalupitan para maramdaman mo/ninyo ang hapdi, hindi lamang ng sakit na dulot ng makahayup na trato kundi na rin ‘yung ginagawang mas masahol pa sa pinakamababang uri ng nilikha ang pagiging aba ng isang tao.

    Tandaan mo, gloria, dahil sa iyong mga kawalanghiyaan ay hidni ka patatahimikin ng iyong kunsensiya, kung meron ka. Susurutin ka ng iyong budhi dahil sa iyong kawalan ng damdamin sa kalagayan naming mga dukhang iyong inaagawa ng pagkakataon upang makapamuhay ng kahit hindi na masagana ay ‘yun man lamang masasabing nasa antas na hindi kasing baba ng pagtuturing ninyo sa aming parang hayop.

    Animal kang lintek ka!

  25. @ka enchong, thank you for the link dun sa maid torture

  26. Papalapit na ulit ang eleksyon. This time sana, magkaroon na tayo ng chance na itama ang pagpili ng presidente. US din naman nagkamali kay George Bush, di lang isang beses. Nakuha pang mare-elect. This time, marami tayong ok na candidates.

  27. eddfajardo eddfajardo

    Kahit na mas desente naman tao si Obama kaysa kay George W. Bush – Ellen

    I beg to disagree Ellen. Tunay ka nga na member of the media! We will have a long and possibly, never-ending argument kung sino sa dalawa ang desente. This word should be measured on how an individual acts, in private or in public. You know that Barack’s popularity has gone down by 9% lately and his approval rating is now in the 49% to 51% range compared to as high as 68% when he took office. Honeymoon is over. You may have been influenced mostly watching CNN where most of the anchors are Bush-haters. Dito sa Houston, hindi siya masyado popular sa mga tao. Americans today are very different from the Americans we used to know. Marunong na sila mamuhay ng mahirap. They don’t spend their dollars just for the heck of buying things. Nag-iisip na at nag-iipon na. Ang hirap ng buhay dito ngayon sa America, Ellen. I guess, alam mo ito. What I can tell you however, is, si George W. Bush, despite the unfriendly and biased media, was never involved in any corruption and misbehavior while in office. Hindi niya binastos ang White House! His only mistake was he was so aggressive in going after the terrorists which culminated in the invasion of Iraq.

    By the way, during the MLB All Star game in St. Louis the other day, Barack Obama was the guest of honor, pitching the ceremonial game. He was wearing a casual denim pants and americana. He definitely did not look presidential. What can you say, desente ba siya?

  28. Balweg Balweg

    See…Ka Enchong, gaano kadami ang mga kababayan nating Pinay ang mga sinalbahe ng kanilang amo…ng dahil sa kagaguhan ng mga peste nating pulitiko at taong-gubyerno yan ang resulta ng kawalang mapagkakitaan sa Pinas.

    Wala kasing ginawang matino lalo na yang rehime, winawaldas ang pera ng bayan sa kanilang ka ek-ekan…heto at marami sa ating mga kababayan e magpapaalila na lang upang makasalba sa kahirapan sa mga low breed na banyaga.

    Mga asal-hayop…walang kunsensiya!

  29. Mike Mike

    @ Ellen: “Ang daming haka-haka kung bakit inimbita si Gloria Arroyo sa White House sa Hulyo 30.”

    Para makita ni Pareng Barack ng malapitan yung silicon ni Ate Glo.. up close and personal. 😀

  30. Mike Mike

    Sabi ni Ramon Tulfo sa column niya na “FG should accompany his wife to the USA, to quell any rumors that he will be arrested once he set foot on US soil for money laundering.”

    Sana nga sumama na para magkaalaman na. 😀

  31. Ka Enchong Ka Enchong

    @ka enchong, thank you for the link dun sa maid torture

    I should thank you for reading. Kahit paano, nailalantad natin ang kanser na patuloy na sumisira sa ating pagkatao at pagkabansa. I still dream of the day when being an OFW will simply be an option. Hindi kagaya ngayon. Aling Gloria’s seeming priority is to export us- tapos, pababayaan lang mahalay, maapi at mabugbog.

    Ano na naman kayang palusot, kasinungalingan at pabalat bungang pagmamayabang ang sasabihin ng mga turuang aso, lalo na sina loreLIE fajardo at anthony gurlis?

    Hindi ko na pinakikinggan yang mga yan. Dalawa lang ang posibleng reaksyon ko sa kanila- mainis o matawa.

    Ka Enchong, gaano kadami ang mga kababayan nating Pinay ang mga sinalbahe ng kanilang amo

    Hay, Balweg… maraming marami. May mga naririnig pa nga akong hindi lang mga amo ang nananalbahe sa kanila. Kahit mga kababayang nasa ‘kapangyarihan’, sinasamantala rin sila.

  32. patria adorada patria adorada

    dapat ang english na salita ay ginagamit natin para sa kapakanan nating Filipinos.maging waes tayo pagkaharap ang mga banyaga.hindi para mag sipsip.ang palaging nasa utak ng isang presedente ng Filipinas ay ang interest ng bansang Filipinas.hindi tayo dapat magpapalamang sa mga dayuhan.tayo dapat ang mag lamang sa kanila kung kailanan.

  33. chi chi

    patria, ang problema ay pinoy sa pinoy ang naglalamangan.

  34. There she goes again. She practically has invited herself to the White House. As if pople do not know. The boba has been doing that since she grabbed power, you know.

    She tells her political appointees, actually bugs them, to make sure she is invited here and there, especially to countries she can brag about having established close relationship, and she being a favorite of the head of state of this and tha country.

    I bet Kenny-ng-buri-mo even made the recommendation for Obama to give in even just perhaps to stop the midget from waking him up in the wee hours of the morning as she stalks him to distraction. So, why give the short idiot the publicity for this another gimmick of hers when everybody knows it is probably just one of her private travelling sprees paid with taxpayers’ money?

    Hindi pa ba nagsawa iyong mga niloloko niya?

  35. The word in fact is not “kinumbida ni Obama.” It is more in fact, “nagpakumbida si Unano kay Obama.” Napilitan lang iyong isa!

  36. Balweg Balweg

    patria, ang problema ay pinoy sa pinoy ang naglalamangan?

    Korek Igan Chi, ang nakakapundi ng kukote e mismong mga kababayan nating Pinoy ang nang-loloko at nang-aapi ng kapwa-Pinoy…ang sakit di ba?

    Sa simpleng salita, naggagamitan sa isa’t isa upang makapanglamang sa kapwa.

  37. Kim Kim

    It is not surprising that Barack Obama and his predecessors (had been and) will always work for the interest of the USA. What is so strange about that ? That is no big deal ! In fact, he is expected to do just that and I do not fault him with it. Hindi lang siya. Any leader of any nation should work towards that end. Politics is a practical profession. If somebody has the goods one wants, one deals with him with the best interests of both parties foremost in mind. What makes it seemingly look “offending” to some of us is that America is muscle-bound both economically and militarily. Privelege of being strong ? Perhaps. But it can’t be helped. America talks the talk and walks the walk. It is just plain and simple business is business. Would anybody fault me, for example, for putting my family’s interest first in sticky situations ?

    America chooses its friends very carefully at the same token that it supports tyrants like the imbecile termite called, Gloria Macapalpak Ang-dodo for as long as it serves America’s interests. As to why Obama wants to play “fetch” with her pet named gloria is beyond me. Your guesses and speculations are as good as mine.

    If you ever noticed it, America respects more those countries who openly defy them than those who literally kiss their asses regardless of the financial aid and/or trade surplus/imbalance America has with them. Fidel Castro, for one, will spit on America until he dies, but America notices anyway even when Castro goes to the toilet or changes his underwear (if he wears one).

    Gloria, on the other hand, will never bite the hand of that who feeds her. As beholden as she is to America, she will never think twice to sell Philippine sovereignty for as long as it serves HER PERSONAL interests. Hell, she will even show her fake BOOBS to Barack if he would ask her to. But he won’t do that. That’s too much of a TALL order for him on such SHORT notice.

    ——————————————————————————–
    A Good Credit Score is 700 or Above. See yours in just 2 easy steps!

  38. chi chi

    Hell, she will even show her fake BOOBS to Barack if he would ask her to. But he won’t do that. That’s too much of a TALL order for him on such SHORT notice. – Kim

    Ha!ha!ha! I like you, Kim!

  39. Rose Rose

    Chi: tama ka–Muchacha ng US si gloria..utusan…I don’t think she was invited…she was summoned..ipinatawag..at titilliated naman si putot..

  40. Rose Rose

    Hindi ba si Obama ay lumaki sa Indonesia? Anno ba talaga siya? Muslim? Christian? African? American? with a little bit of this and a little bit of that? At least si Bush is an American Texan Cowboy’! a true Texan winner! wiener pala! a hot dog..si putot ano? dugong aso? a whiner?
    ..my wish..kung may pagmamahal si Obama sa PI, he should keep her with the puppies of his children…laruan nila.. huwag na siyang pabalikin! and keep tabby too! ikulong siya at mayroon silang piggy bank..

  41. Obama’s religion is a mystery. His father was a Muslim so most probably Obama is or was. Having grown up in Indonesia, chances are he was converted into Muslim tradition. Pero sabi niya Christian daw siya at naga-attend pa ng Christian service. A true and good politician would not categorically say what and who he is to satisfy all sectors. May nagsasabi pa nga na isa siyang Mason o member ng Prince Hall Freemansory sa Illinois. Ewan ko ba…

  42. Kim Kim

    Sa akin lang, one’s religious orientation, color of skin, dugong bughaw, walang dugo, dinuguan, or whatever, is of no importance. For as long as one can DELIVER, it is all that matters. For as long as one is serving the interest of the people within the framework of its constituion, I couldn’t care less if he worshipped Marilyn Monroe.

    Barack Obama is no God nor did he ever avered he is one. And as mortal as any of us is, he is bound to commit un-popular decisions based on not-so-perfect informations. George W. Bush made a lot of booboos in his presidency but got re-elected anyway. Bakit ? Beats me !!!

    I am not really pro-Obama, but for as long as there is nobody in sight for now to do a better job than he is doing, then I will stick with this man. Otherwise, there is always an IMPEACHMENT if circumstances dictate that he has outlived his relevance and betrayed the peoples’ trust.

  43. Let’s not forget that Obama has inherited tons of problems from Bush. In like manner, ganyan din ang mamanahin ng susunod ng Pangulo sa Pilipinas at higit pa. Kung minsan tuloy, naiisip kong sira ulo lang ang tatakbo sa 2010.

  44. Rose Rose

    Obama is pro America..and that is what it should be..si Putot is pro America..bakit? she studied in America?..Obazma is pro abortion…as many if not the majority of Americans are..he represents I guess what the majority is..democracy..gov”t for the people and of the people..many Americans do not believe in God..thus the word has been stricken out…school children don’t have the word God in their pledge of allegiance…bero sa pera nila malaki ang In God we Trust…This is America and so be it..I am an american citizen,,,and there are things I don’t agree with because of my faith..but I respect what others think..but I have my vote and I vote…sa atin the question still remains will there be an election in 2010? ang sabi ni putot there will be..that remains to be seen in July 2010..

  45. Rose Rose

    Ang mukha ni putot it seems is made of cement,,kaya walang tumatalab..

  46. Just because one has studied in America doesn’t make him pro-America. Even our patriotic heroes studied in the US during their time. Not only the US has a very good education standard and system, it’s also some kind of a status symbol. Tulad na lang ng ilan sa mga pulitiko natin na ipinagyayabang na Harvard graduate sila. Wala tayong magagawa sa utak Pinoy.
    Sa mga doctor na lang, iba ang dating kapag alam ng tao na US trained sila.

  47. Melissa Roxas, the tortured Fil-Am civic worker and writer is arriving to appear in her Writ of Amparo hearing, her US lawyer is filing a case against the AFP in US courts and in the UNCHR. And the powerful United Methodist Church is backing her up with its own investigators. Obama is sensitive about torture especially those against its own citizens. There’s a lot in store for Gloria in that non-state, non-working visit, let’s just hope our speculations will be proven right.

  48. TruBlue TruBlue

    By the way, during the MLB All Star game in St. Louis the other day, Barack Obama was the guest of honor, pitching the ceremonial game. He was wearing a casual denim pants and americana. He definitely did not look presidential. What can you say, desente ba siya? – Eddfajardo

    What did you expect him to wear? Coat and Tie! This was a freaking game in the ballpark.

  49. The issue of the Fil-Am victim might be raised by Obama when Gloria visits him. If Obama cannot torture her physically, I hope he tortures her verbally. Dapat murahin ng murahin ni Obama si Gloria !

  50. Eddfajardo, please don’t speak like Lorelie Fajardo. Di mo ba alam na uso din ang naka amerikana at jeans? In na in nga eh? Gurang ka na siguro.

  51. TruBlue TruBlue

    “You may have been influenced mostly watching CNN where most of the anchors are Bush-haters. Dito sa Houston, hindi siya masyado popular sa mga tao. Americans today are very different from the Americans we used to know. Marunong na sila mamuhay ng mahirap. They don’t spend their dollars just for the heck of buying things. Nag-iisip na at nag-iipon na. Ang hirap ng buhay dito ngayon sa America, Ellen. I guess, alam mo ito. What I can tell you however, is, si George W. Bush, despite the unfriendly and biased media, was never involved in any corruption and misbehavior while in office. Hindi niya binastos ang White House! His only mistake was he was so aggressive in going after the terrorists which culminated in the invasion of Iraq. – Eddfajardo”

    Fox News and All Consevative Radio Talk Show Hosts are Obama haters, that’s the way it is, that’s that way it will be. They all want him to fail.

    Obama never cared for Texas, South Carolina, Idaho, Wyoming and other GOP states who associate themselves with family values yet some of their leaders are involved in sex scandals.

    Bush is aware of Cheney’s tie with Haliburton, that’s corruption by association.

    There is an ongoing investigations on Bush/Cheney’s role of manipulating the CIA to lie to congress on certain clandestine issues.

    His mistake was going to war for the wrong reason. He doesn’t seem to admit it.

    Your reference about “Hindi binastos ni Bush ang WH”, did Obama made bastos of the White House??

    Kung naghihirap man ang marami, most of them were caused by their own actions, lifestyles, and social life. I have yet to see any of my friends, and relatives hurting or casual friend in cyberspace hurting. Chi is happy, Cocoy is very happy. Even my friend Ka Dandaw I assume is happy helping those in need in his community. I’m still jolly the last time I checked.

  52. TruBlue TruBlue

    “Barack Obama is no God nor did he ever avered he is one. And as mortal as any of us is, he is bound to commit un-popular decisions based on not-so-perfect informations. George W. Bush made a lot of booboos in his presidency but got re-elected anyway. Bakit ? Beats me !!! Kim”

    Spoken like a PRO! Obama is bound to be booted out of office if his policies, foreign and domestic are failures. I just don’t agree with some in here who are criticizing him this early. There is NO LOGIC in that premise.

    Kim, on your query as to why GWB was reelected? Georgie Boy timed it perfectly. He authorized the War in Iraq, with or without Congress’ approval (that’s POTUS real POWER as Commander-in-Chief) and invaded Iraq in March 2003. He was a Hero and many were smitten by his protagonistic antics
    while the presidential elections were just around the corner! And like Gluerilla, GWB’s victory in Florida was tainted.

  53. Patria_Adorada.
    dapat ang english na salita ay ginagamit natin para sa kapakanan nating Filipinos.maging waes tayo pagkaharap ang mga banyaga.hindi para mag sipsip.ang palaging nasa utak ng isang presedente ng Filipinas ay ang interest ng bansang Filipinas.hindi tayo dapat magpapalamang sa mga dayuhan.tayo dapat ang mag lamang sa kanila kung kailanan.
    ————————————————————–
    @Patria_Adorada
    I don’t care kung ang spanish ang nagpangalan sa bansa natin or ang nagsakop sa bansa natin,dahil before the spanish era meron apat na kingdoms ang pilipinas in short kung hindi sinakop ng mga spanish ang pilipinas there would be four countries in place of the philippines,Doon sa sinabi mo na dapat english ang ginagamit natin sa totoo lang dapat bawas-bawasan natin ang status nang english dahil nasasapawan ang ating national language..

  54. boyner boyner

    Maliwanag sa talumpati ni Pangulong Obama matapos ng kanyang panunumpa bilag pangulo na hindi niya aayunan iyong mga pinuno na “corrupt” at ” on the wrong side of history”. Ito ay sinundan pa ng magsalita siya sa Ghana tungkol sa isang malinis at demokratikong paglilipat ng kapangyarihan.
    Mawawalan ng tiwala ang mga mamamayan ng amerika kung hindi niya tutuparin ang mga binigkas niyang ito.
    Sa tingin ko, matapos ipaabot ni Leon Panetta na pinuno ng CIA ang nalalaman nila tungkol sa masamang balak ni evil bitch na may kasamamang babala. Pero dahil ayaw ipalabas ni Obama na nanghihimasok ang Amerika sa takbo ng isang bansa at panlubag loob ay pinaabot niya ang kanyang imbitasyon para dumalaw.
    Nakikita ko na ang mangyayari matapos magpangita si evil bitch at si Michelle Obama. Lalong babaho ang dating niya dahil makikita nilang mag asawa ang tunay na pagkatao nito sa kanyang magiging asal at pananalita.
    Ang inaantabayan ang pagsama o hindi ni fat guy.

  55. Rose Rose

    Obama went to Rome and met with the Pope..ano kaya ang sinabi ng isat isa?

  56. Golberg Golberg

    Para kanino si Gloria?
    Para iyan sa mga anarchist. Mga sadistang balahurang ihodeputang gago.

  57. bananas bananas

    sabi ni obama kay pope, si gloria daw ay pupunta uli sa vatican para mag kodakan. yon daw ang senyas ni pandak kay obama na tuloy ang martial law at kay angkel sam na ang mindanao at milf.

  58. andres andres

    Si Obama para sa Amerika, Si Arroyo para sa Manggogoyo!

    Wala ng mas masahol pa kay Gloria Arroyo bilang Pangulo sa daming beses na ginoyo ang mga Pilipino!!!

  59. patria adorada patria adorada

    mumbaki.i’m sorry to say but you’ve gotten me wrong.ang ibig kong sabihin,dahil marunong na tayong mag english,wag na tayong mag pa gago sa mga bansang english speakers.anoman ang sabihin nila,maiintindihan natin.we have to level with them or out clever them.kung iisipin natin maigi,mas magaling tayo sa kanila but our leaders choose otherwise.
    spanish was our national language not tagalog nor english.noong masakop tayo ng mga americanos sabi nila kay juan ,speak english.sabi naman ni juan,yes,sir.hanggang ngayon yes,sir pa rin tayo.ayon si gloria tatakbo na naman sa stets.
    wala tayong magagawa,mumbaki,natalo yong idol ko na si rahaj sulaiman.

  60. Dapat bang matuwa o magmalaki ang isang estudiyante kung siya pinapupunta sa opisina ng Prinsipal?

  61. bayong bayong

    Walangyaan na ang labanan sa bansa natin dahil sa pulos baluktot na batas natin. flexible ang mga batas natin kasi puro english kaya hindi maintindihan ng marami.

  62. Balweg Balweg

    Obama went to Rome and met with the Pope..ano kaya ang sinabi ng isat isa?

    Secret igan Chi…kasi nga baka maamoy ng mga attack crocodiles ng rehime e magsipsip uli sila sa Pope. Buti nga wag na nilang malaman pa kasi nga iba yong sinasabi ni gloria sa kanyang pinaggagagawang kabulastugan sa ating bansa.

  63. @Patria_Adorada
    Ang sinabi ko nasira ang balanse ng ating archipelago dahil sa mga espanyol,yon ang katotohanan puro kasi kayo colonial mentality,puro kasi english at spanish,noong time after na mawala ang spanish control sa pilipinas ay nagbalkanize ito at ang Luzon region lang ang na-control ni Aguinaldo at si Aguinaldo ay isang traydor sa totoo lang ang ibang lugar o pulo ay may sarili nilang gobyerno pati rin ang mindanao ang mga amerikano lang ang nagsakop sa mga ito dahil binenta ng espanya ang pilipinas sa america and the americans shaked the recovering archipelago,well sila ang nagsakop at nag-unite sa atin the second time around,Itong mga espanyol at americans ang tingin nila sa pilipinas ay basahan iyon ang katotohanan there was some point gusto tayong isuka ng espanya pero di nila ginawa dahil sa tingin nila magpatalo sa dutch at british,Iyang ninuno ni Gloria at mga iba pang elitistang iyan ay nagpapasasa noong panahon ng espanya at america,iyon ang katotohanang masakit tanggapin.

    Pwede ba tigilan na natin ang pagprioritize sa english tignan niyo ang china,thailand at japan they focus on their own languages dapat iyon din ang gawin natin para tayo umunlad,wag na nga tayo mag focus sa mga foreign languages,pwede ba at once iyon naman ang unahin natin.

  64. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Dapat bang matuwa o magmalaki ang isang estudiyante kung siya pinapupunta sa opisina ng Prinsipal? – taxj.

    Baliktad ‘ata, eh. Sino ang estudyante? Sino ang prinsipal?

    Wala na sigurong tatalo pa kay Lola Dodoflattire sa kasinungalingan, pagkukunwari, kawalanghiyaan at lahat na ng pinakamasamang ugaling maaaring maging kapulaan at isinusuka sa isang nilalang (ba ‘yang tangnangputang’yan?) na kung maaari lamang ay hindi na sana sumulpot dito sa mundong ibabaw.

    Kung ang gustong mangyari ni Obama ay makapulot ng ideya kung paano mandaya sa kanyang reeleksiyon, hindi siya nagkamali ng hayup na nilapitan. Gayundin, kung ang hangad niya ay tapalan ang tunay na datos tungkol sa kanyang mga accomplishments upang maging kapanipaniwala sa kanyang nasasakupan at magkaroon ng magandang imahe sa paningin ng mga natatapalan ng salapi at napapangakuan ng magandang pagtatalagahan pagkatapos ng panunungkulan, aba’y ang GANID na si Lola ang makapagtuturor sa kanya ng isanlibo’t isang kawalanghiyaan!

  65. kim kim

    Walangyaan na ang labanan sa bansa natin dahil sa pulos baluktot na batas natin. flexible ang mga batas natin kasi puro english kaya hindi maintindihan ng marami.—bayong

    ************************

    Except for the very un-popular 12% VAT sponsored by Ralph Rectum, este Recto pala, I see nothing wrong o ‘di kaya eh baluktot sa ating mga batas. Sa katunayan, kinopya lang ng Amerika ang mga batas natin (ang alin ???). Ang baluktot na sinasabi mo eh si gloria at ang kaniyang mga alipores na mga mambubutas, este, mambabatas pala. They shamelessly tweak the laws to suit their needs to steal

    As for the, ENGLISH part, this is my take on this.

    Pasintabi na po sa mga abugado sa ating baranggay (Atty. Sax, for one), but I, too, at times, find it hard to understand reading our laws even as I try hard to read between the lines. I know it is not meant to deceive anybody but frankly, lawyers’ legalese is pretty hard to grasp. Akala ko magaling na ako sa isang supot kong inglis. Pero kapag binasa ko ang mga batas natin (maliban doon sa mga simple lang) yoon bang kakaunti kong INGLIS eh lalong nawawala.

  66. @Kim
    Sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo doon about our laws being not understandable.

    😉

  67. chi chi

    Igan Balweg,

    OK lang na pasyalan ni Pareng Barak ang Pope sa Vatican dahil independent na estado naman ang Vatican at halos lahat ng US presidents kahit anuman ang paniniwala ay bumibisita dun. Whatever issues they tackle, I’m sure it has nothing to do with Gluerilla who is irrelevant to the world issues, the two know that.

    Sa akin kasi, kahit pa atheist ang lider basta ibinoto at sumusunod sa Constitution ay ayos lang.

  68. chi chi

    Ngayon lang ako nakapagbasa ng lahat ng comments at napansin ko na pati jeans ng aking Pareng Barak ay nadala sa usapan ni eddfajardo.

    edd, I’m sure that the “desente” of Ellen has nothing to do with BO’s wardrobe. Ikaw naman, malalim yung ibig sabihin ni Ellen which I interpreted as more of the regards to human life and more important issues than ‘pananamit’.

    Let’s be open and fair. Si Georgie Boy kung nagpaparasyut ay hindi naman naka-formal wear. Saka, we FilAms are better than discussing BO’s get-up. Si Gloria Arroyo lang ang ating sinisita at binabastos dahil magnanakaw, mandaraya, korap, sinungaling, etc. and most of all peke, hindi binoto ng bayan.

    Like it or not, magandang manamit at guapo ang Pareng Barak ko. Let’s discuss issues next time, nakakaliit e para sa matatalinong pinoy na tulad natin.

  69. Baliktad ‘ata, eh. Sino ang estudyante? Sino ang prinsipal? – Liway

    – Wala akong objection sa perspective mo. Ang akin nama’y ang tungkol lang sa invitation kuno which is actually a summons. At ang kanya namang mga ka-klase, kung alam mo ang ibig kong sabihin, ay sasama dahil gustong makatanggap din ng direct orders. Never mind that sovereignty stuff. Ang mahalaga’y makapamasyal sila ng libre sa malayong bayan ni Lakan BO.

  70. saxnviolins saxnviolins

    Pasintabi na po sa mga abugado sa ating baranggay (Atty. Sax, for one), but I, too, at times, find it hard to understand reading our laws even as I try hard to read between the lines.

    What can you do? Ang Pinoy mas Kano pa sa Kano; including one guy here. Mas malutong ang twang ng bagong salta sa Tate kaysa sa US born Fil-Am.

    May isang tindero nga (sorry, supervisor pala) sa K-Mart na ayaw akong Tagalugin, kahit lawit ang kanyang accent. So nag_Ingles ako. “Where can I find the microvaves? Ang sagot, “Go to da pers ayls.” Anak ng kuwago, malupit pa kay Joe Quirino.

    Kung babasahin mo ang batas Kano, simple lang. Ihambing mo halimbawa ang US Constitution sa current Pinoy Const. Ganoon din, ihambing ang 1935 sa 1987. Ang current Consti, hindi mo alam kung batas o talumpati.

  71. chi chi

    Ha!ha!ha! “Where can I find the microvaves? Ang sagot, “Go to da pers ayls.” Anak ng kuwago, malupit pa kay Joe Quirino.

    Sumakit ang panga ko dun a!

    Totoo yan, atty. Nabasa ko ang US Constitution nung naghahanda ako na magpa-‘merkano at naintindihan ko naman. Pero hindi ko ma-gets ang karamihang entries sa Pinas Konsti no matter how I tried.

    Kaya ako ay nagdependende sa interpretrasyon ng Pinas batas sa resident lawyers dito sa Ellenville. Hindi na nga ako legal mind e kahirap pang intindihin ng Pinas batas na naililiko-liko ni Nunalisa.

  72. “Kung si Obama sa Amerika; para kanino si Arroyo?” Saan pa kundi sa Amerika din!

    Ito ay resulta lamang nang American Imperialism Defilipinization Syndrome na programa nang Americano pagkatapos nang ating weakened resistance nang namatay 500,000 hangang 1,000,000 sa atin mga Filipino nang linusob tayo nang mga Americano noong 1899. Ang detalle ay mababasa sa http://jmgpatria.blogspot.com/2009/06/developmental-basis.html

    Kaya itong acto ni GMA ay isang act of treason. At sya ay dapat inaresto noon pa nang mga sundalo sa atin kung wala sa polis sa atin ang nag aresto.

  73. kim kim

    Obama went to Rome and met with the Pope..ano kaya ang sinabi ng isat isa?———-Rose
    *****************************************

    Pope Benedict: I understand you have invited Gloria Arroyo
    to the White House. Remember not to leave
    your chair when you greet her. You might not
    be able to sit on it again.
    Barack Obama: Not to worry, my presidential chair is all
    wired up to 30,000 Volts to jolt her in case
    she does.
    Pope Benedict: Amen. Good luck and good hunting.

  74. Rose – July 20, 2009 12:16 pm

    Obama went to Rome and met with the Pope..ano kaya ang sinabi ng isat isa?

    —Nag-apologize si Obama kay Pope na hindi niya kinain ang communion na ibinigay sa kanya ng Pari. Tanong ni Pope: “Why?
    Is it because you’re not Catholic?” Sagot ni Obama: “No. I was not hungry. Besides, it’s only the priest who drinks the wine.”

  75. I hope Melissa Roxas would be in front of the White House when the midget gets there. Kudos to those joining the rally in front of the White House then. I understand the groups in the USA are busy now making anti-Gloria placards and banners to embarrass the burikak with the fake boobs!

  76. Yup, si Obama para sa Amerika dahil kano siya. Dapat lang! Pero iyong unano, para saan? Sa Tsina kaya ibinibigay na ang teritoryo ng Pilipinas sa mga intsik? Sarap murahin talaga!

  77. @Jose Miguel

    Sa totoo lang traydor si Aguinaldo sa totoo lang ang sarili lang niya ang iniisip niya katulad ni Juan at Lazaro Macapagal na traydor.

  78. norpil norpil

    kung si obama ay maka amerikano, ang mga arroyo ay maka sarili lang.

  79. jonas jonas

    Si Gloria Arroyo para kanino? Para sa demonyo. Lol!

  80. norpil – July 21, 2009 9:02 pm

    kung si obama ay maka amerikano, ang mga arroyo ay maka sarili lang.

    —-Kung si Obama ay maka Amerikano, ang mga Arroyo ay maka Arroyo.

  81. norpil norpil

    thanks dodong, that’s what i should have written.

  82. Nag agree ako sa iyo mumbaki. Although sa pag ka traidor sa Filipinas, si GMA ay world-class at classic, si Aguinaldo naman ay puede ko sabihin na over valued and declaration sa knyang pagka hero.

    Kung si GMA ay fully functional ang kanyang pagka genius sa collaboration with the American aggresor, si Aguinaldo naman ay medio weak ang kanyang mental faculties at character.

    Dahil dito siya ay na fall into the American manipulation of being able to make a strategic deployment of their forces sa Filipinas bago tayo naka react sa kanila aggresion. Dahil dito siya ay hindi maka convince o mapasunod ang kanyang miembro nang gabinete at military command na lumaban na walang compromiso sa Americanos. Hindi din niya ma disciplina ang mga oficiales nang knanyang gobierno na hindi proper ang mga actions at nakakasira sa atin objective of wining the war against the American invasion.

    Because of this, napatay ang atin Father of the Philippine revolution- Andres Bonifacio at ang atin greatest Filipino General of the Filipino-American War.

    Ang common accomplishment ni Aguinaldo at GMA ay, pag tulong sa interest nang mga Americanos.

  83. Yung Greatest Filipino General nang Filipino-American War ay si General Antonio Luna.

Comments are closed.