Skip to content

Nabulilyaso ang sabotahe ni Arroyo sa murang gamot

Ang ugat ng kontrobersya sa executive order na magpapatupad ng Maximum Retail Price (MRP) na nakasaad sa 2008 Cheaper Medicines Act ay inggit. Inggit ni Gloria Arroyo na makalamang si Senador Mar Roxas sa isyung ito.

Sabi ng isang source namin sa Malacañang inis raw si Arroyo na ang pipirmahan niyang executive order ay magagamit ni Roxas sa kanyang kampanya para presidente sa 2010. Kaya pinulong niya ang mga hepe ng pharmaceuticals nuong Hulyo 8 at sinabing ibaba nila ang presyon ng 50 na gamot para siya ang sikat at masasabi niya na mas magaling siya kasi 22 lang ang gamot na nasa listahan ng MRP.

Ang kapalit siyempre ng kooperasyon ng mga pharmaceutical firms ay hindi pipirmahan ang MRP.

Lumabas ang pagka-insecure ni Arroyo.

Natunugan siguro ito ni Roxas kaya siya nag-ingay at binulgar niya ang miting ni Arroyo sa mga pharmaceutical companies. Nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado at lumabas nga na itong Pfizer ay nag-alok na magbibigay daw ng limang milyong Sulit o discount cards.

Sinabi nina Senate President Juan Ponce-Enrile at Roxas na suhol o bribe itong alok ng Pfizer. Lalong napasama si Arroyo at ang kayang mga kakuntsaba sa media at sa madla. Ngayon, sinasabi pipirmahan na raw ni Arroyo ang MRP na executive order sa susunod na linggo.

(Update: GMA backtracks from signing EO next week)

Tingnan natin.

Sa miting noong Hulyo 8, sinabi ng mga pharmaceutical companies na ayaw nila ang MRP dahil iyun ay nag-uutos sa kanila na magbaba ng presyo halos 50 porsiyento ng kanilang mga gamot. Gusto raw nila boluntaryo nilang gawin yun.

Sabi pa nila, ayaw daw nila ang batas na nagdidikta sa kanila kung paano nila patakbuhin ang kanilang negosyo. Nagbabala sila na kung ganoon ang mangyari, baka daw mag-aalisan ang mga drug companies dito sa Pilipinas at lalo daw dadami ang walang trabaho.

Ang tanong ko, kung totoo hindi gahaman itong mga drug companies at kaya pala nila pagbiyan si Arroyo sa 50 na gamot, ano ang kinatatakot nila sa MRP. Mas kukunti nga lang nga ang nasa listahan e.

Siyempre, alam natin na propaganda lang ang gagawin ni Arroyo at ng drug companies. Ang gusto lang naman ni Arroyo ay maisahan si Mar. Baka pagkatapos ng ilang buwan tataasan ulit ang presyo ng gamot.

Dahil nabuking na ang kanilang collusion ng Malacañang at drug companies, sinabi sa akin ng aking source na unti-unti na lang daw ang pagbaba ng presyo ng 50 na gamot na yun dahil kapag sabay-sabay daw, buking ang kanilang kartel.
Inaakusahan ng mga alagad ni Arroyo mula kay Health Secretary Francisco Duque hanggang kay Gary Olivar, presidential spokesman on economic matters, na pinupulitika daw ni Roxas ang isyu ng murang gamot.Nagsalita ang hindi nagpupulitika ng isyu!

Kung gamitin man ni Roxas ang murang gamot sa kanyang kampanya, walang masama doon dahil totoo naman na yan talaga ang kanyang pinaglalaban mula pa ng siya at trade and industry secretary. Siya ang may-akda ng cheaper 2008 Cheaper Medicines Law. At sinisigurado niya na mapatupad ito sa pamamagitan ng MRP.

Published inAbanteHealth

66 Comments

  1. Yan ang bagay kay Dayang Suholera…

  2. Lagi kasing pinipilit na talunin ang sariling record. Kaya hayun, dahil marahil narating na ang sukdulan, sarili na niya mismo ang tinalo at wari’y nagtagumpay naman nang hindi sinasadya. Sa sabong, ang tawag dito’y nagsarili. Bagay nga ‘yan kay Dayang Dayangdayangda… Ang haba pala ng pangalan niya. Puedeng e-xtend niya hanggang wakas. O hanggang wakas niya?

  3. mag-aasin mag-aasin

    Talagang sakim itong naputukan ng suso, gusto lagi siyang bida. Kaya pala hindi tumalab ang kulam sa kanya dahil peke ang suso. Madadali ka din ng matinding karma susong gala.

  4. Balweg Balweg

    Paano titino ang buhay ng Pinoy, kasi nga pati yaong gamot na dapat e can afford ng mahihirap…heto pagkakakitaan pa ng mga kurap at sinungalin.

    Hay naku…buntong hininga muna,alam mo Mag-aasin…di lang sakim ang ipokrita kundi adik at sugapa sa katampalasan against the Filipino people.

    Sukdulan na talaga ang kanilang kasamaan…pati ba naman gamot na dapat e pang duktong sa buhay ng Pinoy e pinagkakakitaan pa.

    Sobra na ang rehimeng kurap at sinungalin…unti-unting pinapatay ang mahihirap na Pinoy? Yan ba ang moralidad ng mga hambog at stupido na kesyo mga edukado sa kagaguhan at kawalanghiyaan.

  5. taga-ilog taga-ilog

    Wala ng pagasa ang bayan sa inahing baboy. Isang pirma na lang sana at maraming matutulungan na mamamayan upang makabili ng murang gamot pero ayaw pa dahil di siya ang sikat.

    Pero makikita mo rin ang kawalanghiyaan ng mga biik niya na walang-sawang pinupuri siya tulad ni remonde, ermita at fajardo…..NAKAKAHIYA AT KASUMPA-SUMPA.

  6. Balweg Balweg

    Ang daming gamot na available sa ibang bansa na mas mura kaysa mga branded kuno, dito nga sa bansa na aking pinagtatrabahuhan e generic drugs na ang ginagamit at mas mahusay pa sa branded kuno at mas mura pa.

    Kagaguhan yong sapantaha ng mga drug dealers na mahusay ang gamot nila, ululin nila yong kasakiman nila at walang mga puso.

    Halos karamihan ng gamot na nilalaklak namin dito like Amlodipine Besylate, Atenolol etc. etc. e effective naman at mahusay pa nga doon sa mga branded kuno.

    Mas mura pa sa mga gamot nila pero the same naman ang epekto.

    Calling the attention of all Kapinuyan, try to use the generic drugs…masmura pa at epektibo. Ang kailangan e magbasa kayo upang maunawaan ang uses, dosage and administration, Contra-indications, warnings, overdosage, and pharmaceutical precautions upang maging malawak ang inyong pagkaunawa about your sicknesses.

    Ang mga duktor e kundi mo uuriratin, hay naku wala kang clear info na makukuha sa kanila at ang hirap pa e gagamitan ka ng mga medical rootwords na di natin maintindihan, but hay salamat nakapagtake ako ng basic and advance medical terminology kaya kahit papaano e di kayang gaguhin ng mga mang kepweng sa Pinas.

  7. Balweg Balweg

    …NAKAKAHIYA AT KASUMPA-SUMPA?

    Taga-Ilog, remember mo pa ba yong advertisement ni Flaver a few years ago na bawal daw na magkasakit ang Pinoy?

    Paano nga pati gamot na ito na lamang ang pag-asa ng mga sakiting Pinoy e susubain pa ng mga kurap at sinungaling, walang kunsensiya at pahirap sa bayan.

    Alam mo, kung mauunawaan ng Pinoy ang usefullness ng generic drugs e bangkarote ang mga branded na iniririseta ng mga duktor.

    Ang kaso may pursyento ang mga duktor na yan, kaya yong branded ang kanilang inirereseta sa mga pasyente. Hay naku uli…

    Naghihimutok ang aking butse about this news, bakit ka mo…kasi ganito yon, i’m working in a big hospital with research centre…at halos ang gamot na ibinibigay sa mga pasyente e generic at karamihan locally produce.

    Ang taas ng quality at epektibo, pero sa Pinas e nakakaawa ang mga kababayan natin kaya every time na babakasyon ako e talagang nag-uuwi ako ng iba’t ibang gamot para maipamigay at family use.

    Kasi nga, libre lang ito at mahihingi mo lang like yong antibiotic (different brands), Atenolol, at iba pa. Kung bibilhin naman sa pharmacy e kamura lang…ang for diabetes ang mura ng per box (30tablets) almost 100 pesos equivalent sa pera natin.

    Diyan e ginto ang presyo? Pahirap talaga ang rehime…

  8. chi chi

    Re: “Nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado at lumabas nga na itong Pfizer ay nag-alok na magbibigay daw ng limang milyong Sulit o discount cards.”

    Inalok ng Pfizer si Gloria Arroyo ng 5M discount cards. Gosh, kung iyan ay inialok ng giant pharma ng harapan kay Gloria, ibig sabihin ay walang respeto sa kanya ang Pfizer. Sino nga ba ang magrerespeto sa korap na ito na puro pansarili ang iniisip samantalang nagkakamatayan ang pinoy na hindi man lang nakakainom ng medisina dahil sa mahal.

    Insecure na tangnang Gloria, inggetera numero uno pa. E ano kung sinong hudas ang nagpanukala ng cheaper medicine bill, basta bumaba ang presyo ng medisina at nang mabawasan ang namamatay dahil hindi makabili ng gamot.

  9. Balweg Balweg

    Igan Chi, ang halos karamihan ng mga foreign drug dealers/manufacturers sa Pinas e from USofAmerica. Alam mo kotrolado tayo ng drug cartel sa Pinas at ang kanilang mga galamay e itong mga duktor na ang mamahal sumingil ng kanilang service fee + may kumisyon pa yan sa mga drug dealers.

    Imagine, Pfizer pa lang yan…how about yong iba pang major drug manufacturers, kaya pinagkakakitaan yan ng mga pulitiko, taong-gubyerno at mga duktor?

  10. Kaya pumiyok si boobuwit eh limang milyon lang and suhol sa kanya? Kung bilyon pa eh di tumahimik na siya and we would not have known about it like all the other big tongpats they have. The boobuwit got insulted with the so “little” bribe.

  11. Dapat lang pumiyok si Mar. Ala eh si Korina lang naman at ang low cost drugs niya ang magpapanalo sa kanya sa 2010. Pumayag ng magpakasal si Korina sa kanya, kaya ito na lang drug bill ang kailangan niya. Kaya galit siya kay boobuwit dahil inaagaw pa nito ang eksena!

  12. Baka ang labas nito eh made in China ang ipapalit sa Pfizer drugs para nga naman mura at malaking tongpats pa! Beware lang at baka may melamine ang lahat ng drugs nila.

  13. totingmulto totingmulto

    Itong mga drug dealers sa pinas ay walang kaluluwa. According to a med rep, if they don’t achieve their sales quota in a given period, all they have to do is increase the prices at presto me quota na. This is because the quota is based on total peso sales and not the volume. Kawawang pinoy !

  14. As I read deeper into this drug “bribe”, cards pala lang na nagkakahalaga ng humigit kumulang 100 million daw. It was a bribe in kind na gagamitin mismo ng mga patiente. Ngayon, lalong maliwanag na kaya pumiyok ang boobuwit, mawawalan siya ng tongpats kasi deretso na sa mga pasyente yung discount. This is actually a CLEVER idea from the pharmaceutical companies, ang mga pasiente and makikinabang. Ang kaso nga, kahit na nagbibigay ng malaking discount ang Pfizer, mamahaling gamot pa rin ang mga gamot nila and the people can not afford it!

    Why don’t the Philippines explore the Indian drugs? I heard they are so much cheaper. I do not know about the quality though.

  15. This is so unfortunate to hear that more and more Filipinos are suffering and dying due to expensive medicines just becuase of “inggit.” If GMA is “inggit” with Mar Roxas’ authorship of the Cheaper Meds Law, then why involve the Filipino people. Mrs. Arroyo, we have been long waiting for this Cheaper Meds Law to take effect. You and your cohorts in the Congress were given more that enough time during the deliberations of then the proposel cheaper meds bill. It was even delayed for several sessions of Congress. But now that it has been passed, your now back on the attack? I thought all things have been settled already. Just because MRP (maximum retail price) is being used by Mar also means Mar Roxas for President. Fine, take the credit. After all, you direly need it. Make it GMA (Gamot na Mura’t Abot-Kaya) to make it your own, just sign the EO. Mar has long been pushing for this one, since his brother, the late Capiz Congressman Dinggoy Roxas, died at an early age and realized how expensive our medicines are. I can feel Mar’s frustrations on the delay on the implementation on the law. Unlike GMA who feels nothing even for the ordinary Filipino who are suffering for their illness and has not capacity to buy the most-needed medicines becuase it’s too expensive.

  16. Talagang Insecure si Operadang suholera,matagal na….

  17. Mumbaki, mas maganda ka sa isang picture mo!

  18. Tama ka Reyna. Gusto ni boobuwit na marami siyang maireport sa Sona kaya pinakawalan niya si Vagni. I still think that the so-called break away Abu and MILF group is the personal hatchet group of the boobuwit para may mag-hasik ng lagim sa MIndanao to justify the anti-terrorism aid na deretso naman sa mga bulsa ng “pet” niyang mga generals and local politicians. Itong mga ito ang mga nandaya at mandaraya para sa mga mamanukin niya sa 2010 elections.

    Ngayon naman yang drug bill na yan eh gusto niyang pumapel na siya ang magpapababa ng presyo at hindi si Mar. Super swapang kung baga. Ang tunay na lider eh hindi nagpapalapad ng papel. Ibang klase ang isang boobbuwit na ito talaga!

    Yung meeting nila ni Barack, ipagmamalaki na naman niya na achievement niya. Ang mga walang kamalay malay na Pilipino, hindi nila alam na gusto lang ni Barack na huminto na itong boobuwit na ito ng pag-papahirap sa mga kapatid nating Muslim at huminto na rin ng kaiiSTALK sa kanya!

  19. Lani Lani

    Kaya mahal ang mga gamot ng mga dambuhalang pharma companies na yan eh nagtataasan ang mga sweldo. Hundreds of thousands per month. At ang mga doktor, super spoiled sila sa mga kumpanyang yan. San ka pa? Pag nag promote sila ng mga gamot nila sa mga doktor, nationawide ang invited doctors nila, Free airfare, limousine service from airport and five star hotel accomodation. At ang mga free samples, binebenta naman ng mga doctor sa mga middle man na i-supply naman sa botikang maliliit na nasa malalayong probinsya. Regarding generics, nakakawalang tiwala kasi na gamitin. Alam nyo na, dahil sa corruption at kawalang tiwala sa gobyerno na sumasakop sa DOH af BFAD, ang general assupmtion, baka fake or sub standard or kulang ang substance na dapat main ingredient ng gamot. Kaya kahit mahal, pikit mata mo na lang bibilihin yung branded. Nkaka Grrrrr!!! Talaga!

  20. srcitizen2000 srcitizen2000

    Ang magagawa nga naman ng pera!!! Kilala natin na si Gary Olivar, nuung dekada 70 ay laman ng kalye kasama sina Barican, Hermon Lagman, Chito Sta. Romasanta, Ed Joson, at ilan pang aktibista na panay ang sigaw ng MARCOS DIKTATOR TUTA!!
    Pero nang mag-graduate na sa UP, kasama si Barican ay tinalikuran na ang prinsipyong pagbabago ng lipunan. Sa halip ay pumasok siya sa corporate world kung saan malaki ang kita, kung hindi man ang sahod (gaya ng mga pulitiko natin). Ngayon, kamulat mulat mo spokesman na pala siya ni Arroyo.

    Gary, pakisagot naman ano ang pinagkaiba ni Arroyo ke Marcos? di mo na ba kayang sumigaw ng ARROYO DIKTADOR TUTA GARAPAL?

  21. Batas na at pipirmahan na lang, hindi pa magawa ni Gloria. All she needs is to sign the EO. Why the delay? Samantalang noon kainitan ng Hyatt 10, mabilis pa sa kidlat ang pagpirma niya ng EO. Kailan ka nakakita na batas na eh naghihintay pa ng counter offer mula sa mga kompanya ng gamot?

  22. totingmulto totingmulto

    Surprising nga, biglang pinakawalan si Vagni at biglang huminto ang bombings. Tanga lang ang hindi nakaintindi !

  23. habib habib

    Tamang tama.

    Kapag napatalsik na sa poder itong si Lola Dodo-Little-flat-tire-kaya-laylay-na ay ating dadaingin at pabubudburan kay mag-aasin ng asin saka lulunurin ni taga-ilog at kung hindi pa matuluyan ay ipatakot natin kay totingmulto.

    Lahat na lamang ba kailangang may tongpats?

    Tangnangyan! Kaliit na babae subalit walang katapusan ang kasibaan!

    May budhi pa ba ‘yan?

  24. Maganda sana kung maipasa itong cheaper medicine bill,pero mahihirapan ipatupad,una maraming pulitiko ang supportado ng Pharma company sa kanilang campaign funds,nagbibigay ng malaking contibutions ang Pharma co. para protektahan ang negosyo nila.

    Pangalawa baka malugi sila.Pharma co. spent money for “expenditures for research” bago sila makatuklas ng gamot.I believe that controlling the cost of prescription drugs could limit Research and Development. It cost pharmaceutical companies billions of dollars to develop one drug. After the drug gets approved, the companies only have so many years before their patent expires to make up for those billions spent and expand their pipeline to new, improved, or even curing drugs for the future.

    Price control of prescription medication is not a solution for accessible drugs for people who need them. As a matter of fact it worsens the problem by killing future drugs making them inaccessible to everyone.

    To understand why, I use the following simplified model. Let’s use three sick people with tuberculosis
    Ambo: is 70 years old,
    Berto is 50 years old
    Carlos is 40 years ago
    Ambo paid high price for drug (x for TB) which allowed research of new drugs to continue. Now patent of (x for TB) ran out,

    Berto gets drug( x for TB)he only want to pay for less. Profit on drug (x for TB) allows drug (y new TB drugs) to develop which improves life. Berto now has a choice. He could pay the high price of drug (y new TB), that will allow for development of future drug (z for stronger TB).

    Then, in the future, Carlos can get x, and y cheaply, and at a cost, drug z. This perpetuates research, ensuring that future generations always have better medicine. Or Berto can lobby for price control, that can stifle research. Berto will get y cheaper, but Carlos will not even have the option of paying for z because it won’t be developed.

    Halimbawa,nagkasakit ka,pa kunsulta ka sa doctor,reresitahan ka ba ng generic? No! Which I assumed the doctor thought that they were not as good as the name brand. Hindi ka gagaling agad at masisira ang reputation ng doctor sa iyo,baka hindi ka na babalik.

    Well,opinion ko lang iyan,dahil kung hindi kami willing magbayad ng gamot ng pamilya ko,matagal na kaming namatay dahil walang perang gagastusin ang Pharma co.for new drug research.I rather pay high price of drugs that’s effective than cheap medicine na hindi ako gagaling.

  25. jocjoc jocjoc

    Nasa kanya na halos lahat – pride, envy, avarice, at siguro mayroon din siyang lust, anger, sloth at glutony. Kung talagang christian siya, dapat matakot siya.

  26. Response to comment #26:

    Jocjoc, sino po yung tinutukoy ninyo? Si Plunder Woman?

  27. Balweg Balweg

    Itong mga drug dealers sa pinas ay walang kaluluwa?

    Noon pa Totingmulto, but ngayon lang ito binigyan ng pansin ng mga pulitiko…

    Quote: Enacted in 1984, the U.S. Drug Price Competition and Patent Term Restoration Act, informally known as the “Hatch-Waxman Act”, standardized U.S. procedures for recognition of generic drugs. An applicant files an Abbreviated New Drug Application (or “ANDA”) with the Food and Drug Administration (FDA) and seeks to demonstrate therapeutic equivalence to a specified, previously approved “reference listed drug”.

    Kita mo Igan, kung sa US e 1984 pa ito naging batas e bakit naman sa Pinas ngayon lang at heto pinag-aawayan pa…puro sila peste at walang ibang iniisip kundi pagkaperahan ang Pinoy.

    Alam mo nabubuhay na lamang ang rehime ni gloria sa tongpats, VAT at kung anu-ano pang racket na taxes na hinuhuthot sa taong-bayan.

    Ang nakakainit ng ulo e sa halip na tulungan ang mahihirap, sila pa ang nagbabaon dito 10ft. below the ground. Di naman ang sicknesses ang problema ng Pinoy, kundi yaong pambili ng gamot at hospitalization.

    Advance ngayon ang teknolohiya at available ang lahat ng resources sa larangan ng medisina, ang kaso kaya ba itong ma afford ng Pinoy…gamot na lang e hinuhudas pa ng rehime at yang mga row four ang kukote ng mga tongressmen etc. etc.

    Wala kanyong konsensiya…magpapantay din ang inyong dalawang paa sooner or later at di nýo dadalhin sa inyong pagpanaw yang mga PISO na yan.

  28. Balweg Balweg

    Maganda sana kung maipasa itong cheaper medicine bill…?

    Ang tagal naman Igan Cocoy…inip na ang sakiting Pinoy at karamihan sa kanila e nag-aantay na lamang ng takip-silim.

    Hudas yang mga nakikipagkutsabaan sa mga drug manufacturers/dealers, pati ba naman yang bentahan ng gamot e lalantakan pa ni gloria at mga kampon ng ano _________? Sige, ikaw na ang magtuloy Igan baka mayroon kang saloobin na di ko malurok.

    Ang mura ng generic drugs sa ibang bansa, kumpara sa mg branded ng western nations…pwede tayong mag-angkat sa India, Pakistan, Middle East, Egypt anywhere in the world na kung saan makakamura ang Pinoy.

    Ang kaso e ang daming sugapa sa PISO…lalo na yong mga Pinoy at Chinoy na mga negosyante, ang iniisip nila e kumita ng limpak-limpak ng PISO.

    Akala nila dadalhin nila sa langit yang pera…at wala silang madadala kahit na isang singkong-duling. Napapanahun na itong generic drugs at dapat tangkilikin ng mga Pinoy, well…about my families backhome, i adviced them to use generic drugs at hayon nag shift na sila dito…kitam, heto laki ng kanilang namura sa presyo.

    Ang siste nga eh, nag-uwi ako ng gamot sa highblood at iba pa…nagconsult ang sister ko at dala yong generic na Atenol at Amlodipine…nagulat yong duktor niya, kasi nga iba yong brand name at made dito. So, binago ng duktor yong branded to generic… at heto ko mo libre lang itong gamot kong dala e 100% ang natipid ng mga sisters ko.

    Sample lang yan ng available generic drugs sa international markets, at mayroon na rin diyan sa Pinas…ang kaso walang technical-know-how ang Pinoy, sapagka’t ayaw ituro ng mga duktor yong bisa nito dahil protektado nila yong branded kasi nga may tongpats sila.

    Mga gahaman talaga!

  29. The best hospitals in the Pearl of the Orient have bigger hospital fees (shucks!), and what about those government-managed hospitals?

  30. Well….Sinabi nila na walang unity ang pinoy…pero ang nagkaroon ng unity ay ang mga taga-luzon at taga-mindanao dahil may mga sultanates na makapangyarihan ganun din sa visayas(pero madaming kingdoms doon)…ang problema noong dumating ang kastila pinagsusunog ang mga artefacts at mga tarsilyas at tapos dinivide and conquer,iyan ang ayaw mangyari ng mga taga-mindanao,especially the maguindanao sultanate kaso lang nawalan din ng lupa ang maguindanao sultanate na nagoccupy sa most of mindanao,pero di nawala history nila….

    Ang gusto ko sana maging matiwasay ang buhay sa bansa natin na walang nag-aaway-away kasi obviously wala namang dapat pag-awayan dapat gumawa tayo ng mga bagay na pwede natin gawin para maging maunlad.

    Naniniwala ako na pwede tayo magkagamot at paospital na mura kung wala to’ng mga bwisit sa buhay na mga pilipino na katulad ni Dayang Operada-Suholera(Gloring).

  31. jocjoc jocjoc

    OO, MKDL, siya nga, wala ng iba! May iba pa ba? Siya ang pinakamayabang, pinakaganid at sabi nga ni Ellen, envious, o mapaghili, kung tama ang tagalog ko. Sabi pa niya, plenty of sex daw siya, hindi ba lust iyan? Parati din siyang galit, aywan ko lang kung matakaw, iyong asawa alam kong matakaw. Hindi ba mga sanhi ng mga kasalanan iyan? Sabagay, fake din siguro iyong kunyari madasalin siya.

  32. Mahirap talaga ang buhay kung salat sa pera lalo na kapag magkasakit, papano ka malulunasan kung wala kang perang pambayad sa doctor.Bihira na ngayon ang nangagamot ng libre,kahit na nga si father Suarez na healing priest kuno hindi libre dahil nagtitinda siya ng rosario at estampita, kailangan bibili ka muna,marami ng salamanka at hindi kapani-panila na nakakapangamot siya ng cancer,iyung bulag nakakakita,iyung lumpo nakakalakad,anong palagay niya sa sarili niya si Jesus Christ? Kahit na nga si San Pedro na kanang kamay ni Jesus,hindi niya nagawa ang ginawa ni Jesus na mangamot.

    Una bago naging doctor ang isang tao,marami siyang ginastos sa kanyang pag-aaral at nagpakadalubhasa,marami siyang ginugol na panahon,tapos aasa kayo na libre ang gamutan sa kanya. Sa una lang iyun dahil kumukuha lang siya ng experience at gagawin ka munang guinea pig.

    Malibre ka lang kung kapamilya mo ang doctor at gamot na lang ang bibilhin.

    Ang pag pagpagamot is not a right, but a privilege. You are privy to a best doctor, if you can afford, kung di kaya pipila ka sa public clinic o kaya’y public hospital,masuwerte ka kung bibigyan ka ng aspirin kaagad doon kahit namimilipit ka na sa sakit at may bakanteng kuarto, kundi maghintay ka sa hallawy kung kailan magkaroon ng bakante.Di kagaya sa good private hospital kung kaya mong magbayad,kaagad may kuarto ka na at aircon pa,malinis ang higaan mo at asikaso ka ng nurse,hindi aspirin ang ibibigay sa iyung pain killer kundi Vicodine agad ang ipapainum sa iyo,tangal kaagad ang nararamdaman mong sakit.

    Kaya palagay ko,hindi pipirmahan ni Nunalisa iyang cheaper medicine bill ni Mar Roxas,dahil maraming doctor,pharma co. at may ari ng hospital ang magagalit sa kanya

    Ganyan ang buhay,it’not fair! Kaya iwasan ninyong magkasakit.

  33. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Ano kaya’t sa walang patid na kawalanghiyaan nitong si Flat Tire Woman ay maisipan ng kanyang doktor na turukan muna ng pampatulog tapos ay formalin upang matapos na ang pamamayagpag niya sa tronong ninakaw noong at ipinandaya n itong pangalawang ayaw na niyang bitiwan dahil sa kasibaan?

    Please naman, ‘yung malalapit sa kanya, kung meron kayong pagmamahal sa bayan, kayo ang pag-asa upang matapos na ang kalbaryo ng kapwa Pinoy nating naghihikahos.

    Kami dito sa ibayong dagat ay pagod na rin hindi sa paghahanapbuhay kundi sa isiping halos wala ring kinapupuntahan ang aming pinagpapaguran. Napupunta lamang sa bulsa ng mga ganid na walang ginawa kundi huthutin ang laman ng kaban.

    Hindi ganito ang dapat nating danasin kung tayo’y nagkakaisa at may pagpapahalaga sa ating dignidad bilang tao at isang lahi. Ginagampanan namin ang aming bahagi upang ipamulat sa inyo ang inyong mga pagkakamali sa pagtitiwala at paniniwala sa nagmamalabis at nanlolokong anyo’t dilang anghel na alagad ng kasamaan.

    Huwag ninyong ipagkatiwala ang lahat sa mga bulaang kunwari ay lingkod bayan sapagkat sila ang hadlang sa ating inaasam na pagbabago, pagkakaisa, kapayapaan, pagkakapanatay pantay at kaunlaran. Pansinin ninyo ang kanilang ginagawang pagwasak sa ugat ng ating lipunan, ang pamilya.

    Tuwang tuwa sila sa inyong likuran kapag bawat kasinungalingan nila ay inyong pinaniniwalaan. Isipin ninyo hindi lamang ang kinabukasan ng inyong mga anak at inyong magiging apo kundi ang susunod salinlahing magpapasan ng pagdurusang bunga ng inyong kawalan ng pagkilos upang lagutin ang tanikala ng pagkabusabos sa sariling bansa.

    Gumising na kayo bago muling lumubog ang araw at lagumin muli ng karimlan ang natitirang pag-asa.

  34. Ang mga drug companies ay matagal nang protektado ng mga politiko. Nagising lang sila sa nung panahong Trade Secretary si Mar Roxas at nag-import ng mga gamot na gawa rin mismo ng Pfizer mula sa India. Ang Norvasc ay P44.75 para sa 5mg at P74.57 sa 10mg kada tableta, pag naabutan ka ng doktor mo o pinadalhan sa mail ng Pfizer ng discount card, 50% na lang ang presyo. Kaya talagang ibigay sa kalahating presyo.

    Pero panggagago lang iyan dahil sa India, P5.98 (5mg) at P8.96 (10mg)lang kada tableta! Ano ang pinagkaiba ng gawa ng Pfizer sa India at gawa sa Pilipinas? WALA, maliban sa ang brand name nito sa India ay AMLOGARD na gawa mismo ng factory ng Pfizer doon!

  35. Kiwi Kiwi

    Kung bibili po kayo ng Generic Medicine tingnan nyo rin yung drug company dahil yung iba substandard. Marami rin naman kayong mapagpipilian.

    Nang nasa Fiji pa ako naiinggit ako, kasi mahirap na bansa lang sila pero pag punta mo sa hospital libre lahat. Kahit na major surgical operation libre, gyne operation libre, chemotheraphy libre, physiotheraphy libre, laboratory test libre, x-ray libre, gamot libre, ambulance libre. Walang mga health insurance yan ha.

    Kung kayang gawin ng isang mahirap na bansa bakit hindi magawa ng Pilipinas

  36. Bago mag-expire ang Phil. patent ng Pfizer para sa NORVASC noong June 2007, inunahan sila ng Pfizer at kinasuhan ang Phil. Int’l Trading Corp. (PITC) na pinamumunuan ni Obet Pagdanganan isang taon bago ang expiration. Natigil ang plano na mag-import ng murang gamot sa pamamagitan ng mga suhulang korte at huwes.

    Hindi nagpa-awat si Roxas at ginawan niya ng bagong batas at ng hindi na magamit ang patent law na sinamantala ng mga GAHAMANG DRUG COMPANIES sa loob ng mahabang panahon. Tagumpay na sana kundi nakisawsaw na naman itong si Pandak. Kailangan niya ang discount card na may mukha nila ni Sec. Duque para sa kampanya nila sa 2010! Nanakawin na naman niya ang kredito sa magandang batas na ipinasa ng oposisyong si Roxas!

    Ang kalaban pala ay hindi ang mga suwapang na drug companies kundi ang SWAPANG na babaeng goma ang suso!

  37. Kiwi,
    Sa Pilipinas, pati pagrepair ng silicone sa suso ay libre rin! Sagot ng mamamayan pati pag-laser ng buhok sa kilikili at bulb*l.

  38. habib habib

    Ayaw pa kasing ideretso ni Tongue, eh.

    Libre pati ‘yung pagpapa-laser ng babaeng laylay ang dede sa kanyang bulbol sa gilagid.

    Bugtong: Hindi tao hindi hayop, mas maarte pa sa artistang laos.

    Sagot: goyang, the plunder flat tire woman.

  39. habib habib

    Gusto niya ‘yung discount cards na nakapaskel ang mga pangit nilang mukha ng bruhitang health seksitari?

    Putangnanggloria ‘yan! Katulad noong 2004 na nakamarka ang nakakasukang mukha niya sa Philhealth cards na ipinamudmod sa mga utuutong maysakit?

    Sobrang kapal talaga ng mukha ng inggiterang ‘yan! Saan ka ba naman nakakita ng gustong mamuno sa bansa na ang gusto ay palaging siya ang naka-headline sa diyaryo kahit nangungulangot lang? Buti sana kung maganda ang hitsura ng dagang na ‘yan.

    ‘Tangna, puro gilagid ‘yung makikita mo kaysa sa mukha!

  40. norpil norpil

    hindi lang pala pera at boto ang ninanakaw mga ito. iba ang nag isip, iba ang nag hain, pero gusto nila sila lang ang kakain.

  41. mabini mabini

    Pero ang Angioplasty may bayad, binayaran ng mga Tsino.

  42. chi chi

    Kailangan niya ang discount card na may mukha nila ni Sec. Duque para sa kampanya nila sa 2010! – tongue

    Bulok na walang kapantay!

    Bah! Ang pagmumukha ng mga demonyas sa pharma discount cards, pamatay talaga!

  43. habib, chi,
    Kung gusto ni Putot na maalala ng tao, ipaimprenta niya ang mukha niya sa Kotex pads. Hindi ako kokontra. Kaya lang baka walang gumamit at baka sila maimpeksiyon.

    Marami pa siyang maga-grab na credits ng ibang politiko.

    Yung pagpahaba ng expiry ng cellphone load na pinangunahan ni Enrile at Roxas, pwede niyang sabihing accomplishment niya.

    Napatunayan na kahit paano na hindi nagkamali ng oposisyon sa senado sa pagsipa kay Villar kapalit ni Enrile. Mas produktibo ang senado ngayon. Meron pang Cheaper Med na kailangang-kailangan ng mga mahihirap.

  44. Rose Rose

    Mamatay din yang si putot..kaya lang kailan pa? she can afford to buy medicine kahit anong mahal..at libre sa kanya..but more than that…only the good die young…she will live more than a hundred years..

  45. chi chi

    Kung gusto ni Putot na maalala ng tao, ipaimprenta niya ang mukha niya sa Kotex pads. Hindi ako kokontra. Kaya lang baka walang gumamit at baka sila maimpeksiyon. -tongue

    Bwaha!ha!ha! Perfect sa mukha ni Nunalisa.

  46. Mon Mon

    Bakit nga ba tayo magtataka? Gahaman si GMArroyo at ang mga multinational na mga kumpaniya ng mga gamot.

    Isang halingtulad – ang Pfizer ay may pinamimigay ng “discount card” sa mga doktor. Ang malungkot nito, kung sino pa yung may pambayad kahit papaano, iyon pa ang naalok at nabibigyan ng card na ito. Kasi, kailangan, may kaibigan kang doktor, o kaya ay suki ka ng isang manggagamot.

    Katulad na lang ng “Norvasc” – gamot sa may mataas na presyon. Mahigit-kumulang sa P100 bawat tableta. Eh, pwede naman palang may diskwento.

    Sa makatuwid, talagang tumataga ang Pfizer. Mabuti na lang at may generic na katapat ito. Kahit na gamitin ang discount card, mas mura pa din ang generic.

    Ang kailangan lang talaga ay ang mas mahigpit na pagbabantay sa “quality” ng mga generic na mga gamot, nang sa ganoon, mabigyan ng wastong gamot ang mga Pilipino na hindi na kailangan pang pumili kung pagkain o gamot ang uunahin.

    Ang mas nakakabahala dito – kung walang planong manatili si GahaManArroyo sa dinayang pagka presidente, bakit siya ma-e-insecure sa panukalang batas ni Sen. Mar Roxas?

    Samantalang, kung pinuri niya ito, at dinagdagan pa niya ng mas malawig na bilang ng mga gamot na magmumura sanhi ng sinasabing panukala – eh di lumalabas na may malasakit talaga siya sa mga Pilipino.

    Sabagay, may maaasahan pa ba tayong kilos ni GahaMangArroyo na para sa ikabubuti ng sambayanan?

    **For all we know, she’s buttering up with the pharmaceutical companies for a discount on her need for “anti-rejection” drug for her silicon implants 🙂

  47. chi chi

    “Gloria backtracks on plan to sign MRP E.O next week.”

    Bukod sa inggit, kulang ang tongpats!

  48. chi chi

    Ang mas nakakabahala dito – kung walang planong manatili si GahaManArroyo sa dinayang pagka presidente, bakit siya ma-e-insecure sa panukalang batas ni Sen. Mar Roxas? – Mon

    Swak na swak mo, Mon! Yan ang tunay na sagot kung bakit nagbaktrak ang pResident Evil!

  49. Kung may reseta kayo ng Norvasc, at kahit pa meron kayong 50% discount card, ang bilihin ninyo ay yung gawa ng Unilab. AMVASC ang brand pero pareho ng generic name ng Norvasc – Amlodipine Besylate. P17.50 for 5mg and P27.50 for 10mg. Still cheaper than discounted Norvasc at P22.38 at P37.38 respectively.

    The patent for Norvasc was already invalidated by US courts because it is technically the same as amlodipine maleate which was granted a patent much earlier. Ang pandaraya ng Pfizer para maextend ang patent ng Norvasc ay hindi lumusot sa US Patent Office.

    Dito ay pwede ng gumawa ng Amlodipine Besylate kahit sinong kumpanya dahil expired na ang Phil. patent 2007 pa.

  50. saxnviolins saxnviolins

    Sa karamihan ng mga batas, there is a provision empowering the Secretary to promulgate the IRR (Implementing Rules and Regulations). Your sophomore law student will explain the IRR as part of administative law – rules to supply the details left out by legislation. Dahil portfolio nila yan, they have the better expertise, and the law chooses to let the department flesh out the details.

    Lahat ng IRR, ang Secretary lang ang pumipirma, tulad ng IRR of the Labor Code (Art. 5) at pati na rin ng Sec of Health, sa RA 9288 – see the IRR below

    http://www.nsrc-nih.org.ph/resources/Policies/IRR.pdf

    Mukhang na stealth ng mga pharmaceuticals ang batas, dahil recommendatory lang ang Sec of Health sa pagbaba ng presyo; kailangan ng approval ng Presidente.

    Ang ganda naman. Isa na namang paraan para mag-tongpats.

  51. Balweg Balweg

    Kung kayang gawin ng isang mahirap na bansa bakit hindi magawa ng Pilipinas?

    Libre naman ang mangarap Kiwi, suntok sa buwan igan…kung may isip ba naman yang mga nagmamagaling sa ating lipunan e disin sanaý matagal nang nangyari ito sa ating bansa.

    Sa kagaguhan at pagiging tuso e numero UNO ang mga peste na yan…ang iniisip po lamang e kanilang bulsa at yaong mabuhay sila ng marangya sa pawis ng Masang Pilipino.

    Kung patas ang paggawad ng batas sa ating bayan e for sure 90% ng mga ganid na yan e naghihimas na sila ng rehas na bakal.

    Kung sa USA pa yan e mababawasan ang mga kawatan sa Pinas!

  52. bayong bayong

    Ang ganda naman. Isa na namang paraan para mag-tongpats. saxnviolins.
    Lahat ng bagay dito sa pinas may tongpats na at garapalan pa pinauso ng may huwad na suso at dugong aso na nasa malacanang. kawawang pinoy

  53. bayong bayong

    lahat na lang halos ng mga nangyayari dito puro papogian na lang at sarsuela, puro palabas.

  54. Kiwi Kiwi

    Medyo off topic na pero hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin. Naka focus lahat tayo sa breast and groin surgery ni gloria, pareho kasi itong surgical case ang doctor na gagawa is surgeon pero bakit present sa operasion yung gyne doctor ibig sabihin may gyne case syang ginawa, sya ang dapat maglabas ng biopsy result or histopathology result, not unless nag assist lang sya sa surgeon.

    Saka di ba ang mga surgeon nila arroyo nasa st. lukes, at ang gyne doctor nya ay nasa asian hospital so kaya sya nagpunta sa asian hospital priority case nya ay gynecology problem at secondary lang ang surgical case. Pwede rin namang pagsabayin.

  55. Maingay na naman si Tabako. He said that anyone can aim for higher position but those in the highest must get down. Malinaw na si Gloria ang pinatatamaan.

  56. @balweg on number 6:

    Kagaguhan yong sapantaha ng mga drug dealers na mahusay ang gamot nila, ululin nila yong kasakiman nila at walang mga puso.

    swak ang sinabi mo balweg! ba’t dito samen sa Barrio Amerika? mga dalubhasang doktor, pinipili mga gamot na hindi branded, dahil alam nila na parehas or mas pa ang bisa.

    suma total, me bahid “confessions of an economic hit man” ang drama siguro nito dahil tipo bang “or else” ang naririnig kong mga ihip nang utot nang mga tiga manga-kanya-lang

  57. @number 13 – totingmulto

    According to a med rep, if they don’t achieve their sales quota in a given period, all they have to do is increase the prices at presto me quota na. This is because the quota is based on total peso sales and not the volume.

    toting, dapat eto ang mga ini-imbistiga sa lecheng tongreso na yan instead na con-ass! price manipulation at the expense nang mga ka-barrio naten! this is absolutely ridiculous!

  58. @number 14 – parasabayan,

    Why don’t the Philippines explore the Indian drugs? I heard they are so much cheaper. I do not know about the quality though.

    it always starts like that naman di ba. the intent is always good for da good of the barrio. para mas marami ang makikinabang.

    kaso, i heard na meron daw me ASAWA na lecheng PAKIALAMERO and who knows, mura nga ang bili, pagpasok sa pinas, me kaltas sa profit, so dagdag na naman sa presyo, u know what i mean?

  59. perl perl

    GMA – Gamot ay Mahal kay Arroyo!!!
    MRP – Mar Roxas for President!!!

  60. habib habib

    Magtayo kaya tayo ng pagawaan ng urinal at waste catch. Designed na naka-print ang mukha nina gloria, mike baboy, mga anak nila at mga kasanggang limatik.

    Bongga siguro’t parang hot cake na bibilhin ng mga tao.

    Ka-match ito nu’ng toilet rolls na merong naka-imprentang mukha nila.

  61. norpil norpil

    perl- ok yang mrp na iyan ah, dahil magiging mrp times 2 iyan kung mananalo siya.

  62. Kaya pala magbigay ng 50 hanggang 60% ang mga pharmaceutical companies eh bakit hindi nila ginawa noon? Remember voluntarily giving discount or lowering the prices is different from obeying the law that was passed and signed by GMA. What guarantee do we have that they would continue giving that discount and not raise it again when the heat disappears? Kung batas iyan na nilagdaan ni Bansot, di kailangan nilang sumunod kahit ayaw nila. Malinaw na naisahan na naman tayo.

  63. Nasaan ang pirma? Hanggang ngayon wala pang pirma !

Comments are closed.