May Gaisano Mall na sa Antique. Wow, kahit paano, palatandaan ng asenso yan.
Natuwa naman ako ng makita ko ang Gaisano sa San Jose nang dumaan ako doon noong Miyerkoles galing Iloilo. Wala na kasing eroplano na nagse-service ng Antique kaya via Iloilo ako kung umuwi sa aming baryo sa Guisijan, sa bayan ng Lau-an.
Ang Guisijan ay banding gitna ng Antique, na napagitan sa Iloilo at Aklan sa isla ng Panay Mula Manila, 55 na minuto papuntang Iloilo sa eroplano at tatlong oras pa sa bus bago makarating sa aming lugar.
Pwede rin via Caticlan, Aklan. Tatlong oras rin ang biyahe sa bus mula Caticlan hanggang amin. Kaya lang mas sanay kasi ako sa Iloilo.
Karamihan sa aking mga kababayan ay sanay sa RoRo. Minsan sumakay din ako sa Roro. Maganda rin yun dahil mula Alabang, doon na ako bumababa malapit sabahay naming. Nakalimutan ko na kung gaano ka haba ang biyahe .Mga 12 oras yata. Mga isang libong piso ang pamasahe.
Nakakuha ako ng promo na tiket sa Philippine Airlines sa pag-uwi ko na ito at umabot lang ng P2.460, round trip na. Halos magkapareho na sila ng RoRo.
May kabutihan din pala ito krisis na pinansyal. Bumaba ang presyo ng pamasahe sa eroplano. At dahil din ito sa kompetisyon.
Ilang lingo pa lang ang Gaisano mall at excited pa ang Antiquenos. Marami sa aking mga ka-provinsya na ang ngayon lang nakakita ng escalator. Mayroon nga daw naghubad ng tsinelas ng sumakay sa escalator dahil sanay siya na kapag umakyat sa hagdanan sa ibang bhay, iniiwanan ang tsinelas o sapatos para hindi madala sa loob ng bahay ang dumi sa labas.
Syiempre, pagdating niya sa itaas hindi na niya alam kung paano makuha angtsinelas na naiwan sa ground floor. Tinulungan siya ng ibang customer na balikan ang kanyang tsinelas.
Ganyan lang talaga kapag bago. Parang kwento rin ng stewardess noong bago pa lamang ang PAL. Meron din isang pasahero na iniwan rin ang sapatos sa ground at umakyat sa eroplano. Pagdating ng Manila at bumaba. Akala niya makikita niya ang kanyang sapatos sa ground. Syiempre wala. Siguro naman sa sumunod na biyahe ng pasahero nayun, hindi na siguro hinubad ang sapatos.
Enjoy ako sa tanawin mula Iloilo hanggang amin. Maraming bayan na madaanan ay sa pagitan ng bundok at dagat. Berdeng-berde pa ang mga bundok. Sana manatili na ganun.
Maraming mga bahay na magaganda. Halos lahat may miembro ng pamilya na nasa abroad. Yun ang pawis at luha kung hindi man Saudi, siguro Dubai, Italy, Singapore, Hongkong o America.
Yun din ang pera na bumubuhay sa mga negosyo katulad ng Gaisano Mall.
Kahit paano asenso na rin. Nakakasakay na sa escalator ang aking ka-probinsya.
Wala na ring bumabiyahe sa Caticlan, Ellen. Puro Kalibo na kasi ang papuntang Boracay. Dahil sa bagong patakaran ng Aviation Board na one direction lang ang landing at take-off. Ayaw nang maglanding ng malalaking eroplano ng PAL, ZestAir, at Cebu-Pacific sa maigsing runway ng Caticlan. Sabi ng barkada kong piloto, pag maigsi ang runway, mas mabuting magkakontra ang direksiyon ng eroplano at ng hangin. Kung merong malakas na tailwind, madalas sa dagat dadamputin ang eroplano. Pag ipinilit ng CAB yang patakaran, mawawalan ng parokyano ang Boracay ng tuluyan hangga’t hindi nadudugtungan ang runway ng Caticlan.
Heh,heh,heh, nakakatuwa yung kuwento mo tungkol sa tsinelas!
I love travelling, Ellen. Yan lang ang pinakamabisang pangtanggal ng bagot ko! May ibang kaligayahan din ang umuuwi sa sarili mong pinagmulan. Pagbalik mo sa trabaho eh may panibago kang lakas at ganang magtrabaho ulit. Then you look forward to the next trip!
Kung hindi pa mangingibang bansa ang mga tao, hindi pa magkakabahay ng maganda ganda. I how this will change later when we have more jobs generated in our own country.
Naala-ala ko tuloy si Lola Grasyang na dating reyna ng barangay ng panahon ng mga Japanese.Sumakay ng Victory Liner sa Sta.Cruz at iniwan ang tsinelas niya bago sumakay ng bus,pagdating sa Olongapo galit na galit siya sa kunductok dahil hindi na niya makita pagbaba niya ng bus ang kanyang tsinelas.Ng pauwi na siya ng Sta.Cruz tinalian na niya at ginawang kuwintas para raw hindi na mawawala.
May kakilala ako sa Aklan,Si Vangie Uson sa bahay namin tumira ng nadistino ng Zambales.Nagtatrabaho sa Fisheries noong 1973-76 bata pa ako noon.Ate Vangie Uson kung nagbabasa ka,kinukumusta ka namin.
Hindi pala bata,i mean binata pa.Hehehe!
hehehe! nakaka-kiliti ang kwento mo hahaha! barrio sieteng bario siete hahaha i love it! and am sure, excited and very happy ang mga tao dun with the improvement they are experiencing.
yong sinasabi mo bang Antique na wala nang PAL service – does that refer to Kalibo? or iba yong lugar na sinabi mo?
Yung Batangenyong sumakay ng elevator, nagulat din nung bumaba siya kasi bago nagsara yung pinto ng elevator, nakita niya bata pa yung janitor. Nung bumukas ang pinto, matanda na.
Nagulat pa uli yung Batangenyo dahil sa mga building sa Makati, meron daw palang diskriminasyon. Kasi yung mga taga Lungsod o ibang probinsiya, pag yumuko sa drinking fountain, bumubuga ng tubig. Pero pag Batangenyo daw ay ayaw. Ilang beses daw siyang yumuko, walang tumulo!
Hindi ko pala naitanong kung inaapakan ba niya yung pambukas ng switch ng fountain.
Nakakainggit ka naman, Ellen! At least anytime nakakalipad ka (through eroplano, of course) kapag na-ho-homesick ka! Kami rito, papuntang Spain na naman! Mas malapit,eh! I still don’t know when to take a vacation there…Spain is not Philippines! Ayyyyy!
Totoo ‘yang story mo about Tsinelas, Ellen! Yung Auntie ko naman, iniwan ang tsinelas nang sumakay siya for the first time sa kotse! Ito ring Auntie kong ito ang hindi makasakay-sakay sa eslalator sa Gaisano Davao nung dalhin namin siyang mag-shopping doon! Kasi, roll daw ng roll ang hagdanan at hindi makapaghintay na makaapak muna siya!
Ang cute ng kwento ng tsinelas na hinubad pag-akyat sa eskalaytor.
Ganyan ang mga type kong kwento, hindi yung pagpapalaki ng suso at pag-aahit ng keps at kili-kili ni Gloria Arroyo.
Off topic lang po: Invited daw ni Barak si Glorya this month. Tignan natin kung totoo nga na wanted yong asawa niya sa Amerika …… kung kasama si Baboy … hehehe maling mali tayo … pero kung hindi siya kasama …. totong totoo talaga ang tsismis.
Kasama kaya???????
Nakakatawa naman yung taong nakaiwan ng sapatos sa airport.;)
Akala nyo Metro Manila lang ang may MOA. Sa San Jose de Buenavista, may MOA rin. Mall of Antique. Hahaha.
Re escalators, one time na-late si Erap sa isang function. Nawalan ng kuryente kasi. He got stuck in the escalator. Heheh.
Iyung nahulog sa escalator,sa second floor pinulot.
Mas guapo ka siguro pareng mumbaki kung mag-ahit ka,kamukha mo iyung terroristang iranian na mahilig maglaro ng kwitis.Hehehe!
this is not my pic cocoy this is just my avatar because I like the president of Iran so the president of Iran is my Gravatar….
Ay, ganuun baga,akala ko ay kodak mo yaan! Hehehehe!
Mas guapo naman iyang ginamit mong kodak kesa iyung partner niyang sikwa na hindi mapantay ng barbero ang kanyang buhok,hindi tuloy maintindihan kung salay ang nakapatong sa ulo niya.
Kahit paano asenso na rin. Nakakasakay na sa escalator ang aking ka-probinsya.—Ellen
Lalo na kapag makasakay na sa elevator ang mga ka-probinsya mo.hindi lang sila asenso baka makaabot pa sa langit.Hehehe!
Tongue,
Maraming promdi ang nagkamot ng ulo diyan sa water fountain na sinasabi mo,hindi nila alam na pinipidalan iyun tulad ng assistant ng dentist na tiga pidal ng drill na pang iskuba ng ipin.Uso pa ba ngayon ang ganyan?
Leche! nahulog ata ako sa eskaleytor sa news mo MUKAT!
mahanap nga!
Tang,
Ala’y hindi naman totoo ‘yang kuwento mo tungkol sa amin, ey. Alam naman naming ‘yang fountain na ‘yan ay merong silinyador na tinatapakan muna para makainom, ey. Masyado mo naman pinapababa ang aming dignidad niya, ah?
Ang hindi ko alam noong una ay kung bakin baga ‘yung maraming platong butas ang gitna ay mer’ong parang kamay na sumispit at kapag umikot ay tumutugtog. Maghuhulog ka la’ang ng bente singko ay kumakanta na, ey.
Ay ako nga minsan ay naghulog ng piso pa nga at binulungan ko’y ayaw namang tumugtog. Ay kaganda pa naman ng aking rikwest na “Faithful Love”. Ay, bakin nga baga hindi tumugtog iyon? Ay hanggang ngay’on ay kin pang binabantayan, ey.
reynz,
Ano gagawin mo? Bubuhusan mo ng ihi si Lola Dodolittle-na-laylay-pa? O, tutusukin mo ng karayom ‘yung bagong pinalobong dodo?
Dang, that escalator is now the local attraction of the province, dadayuhin yan palagi.
Off-topic
PSB: Was in Napa Valley a few days ago and darn place changed so much, population is now almost 80k as compared to only 45k 15 years ago during my last visit. Talked to few locals about the wedding but no one seemed to know or care. For my effort, I caught some FLU in the area.
TB, sayang! You should have had yourself invited. Sana ginagaya mo yung style ni boobuwit. Nang-agaw ka sana ng pansin. Kung may boobs ka, si sana nagparetoke ka rin sa San Francisco heh,heh,heh. Sana sasabihin ko na nagdala ka rin sana ng mga kwitis para pinansin ka. Tignan mo si boobuwit, panay ang pabomba niya ng Mindanao, nanginig tuloy si Barack, inimbitahan na tuloy! Sabi ng mga alalay niya, si boobuwit daw ang unang inimbitahan na head of state sa Southeast Asia. Paano, siya ang pinakanakakatakot na lider ngayon sa Southeast Asia!
naalala ko tuloy yong kwento ng kaopisina ko na taga dipolog city. ganun din sa dipolog city may gaisano rin at first time nagkaroon ng escalator. yon daw ang naunang nasira kasi walang ginawa ang mga tao kundi ang sumakay pataas at pababa.
LG, hamo pag napadpad sa Terminal 3 ng NAIA yung kababayan mo, hindi na siya mapapahiya kasi pag yumuko siya sa fountain doon, talagang lalabas na ang tubig, may proximity sensor na yung gripo! Kaya lang baka dyuminggel sa urinal na may sensor din, akala niya gumaganti rin ng dyinggel yung makina kasi pag umatras ka, kusang nagpa-flush! Patu yung gripo sa lababo walang pihitan, naloko na.
Buti nga kina Ellen, tsinelas lang ang iniiwan, doon sa kalapit na probinsiya nila, kalahati ng katawan ang iniiwan!
Yan lang naman talaga ang kailangan ng Pilipinas – ang mga investor na Pinoy mismo. Hindi yung inaasa lang sa dayuhang investor ang pag-gawa ng hanapbuhay. Bibigyan ng kung anu-anong benepisyo – mababang buwis, tax holiday, maluwag na repatriation ng tinubong pera. Kalabas-labasan, naaargabyado yung lokal na namumuhunan. Pag merong konting gulo o pag nakasilip ng mas magandang offer sa ibang bansa, isasara ang pabrika at lalayas. Yung Pinoy na investor kahit anong mangyari nandito pa rin, pero hindi naman nakakatikim ng parehas na turing mula sa gobyerno.
Mabuti at nagiging agresibo na rin ang mga taipan gaya nila Gaisano, Sy, Gokongwei at mga Ayala. Nagkalat ang mga mall sa buong Pilipinas na nagbibigay ng trabaho kahit paano, at nag-iinduce ng production ng mga goods na ibinebenta sa mga malls, trabaho pa rin yun.
Baka naman sa SONA ni Putot angkinin na naman niya yang pagdami ng malls. Parang yung credit grabbing niya nung nakaraang SONA na napababa daw niya yung singil sa text ng kalahati, promo lang pala! Bwahahaha!
Natatakot ako’ng pumunta sa visayas kasi I saw in a chatroom some visayans claim na yung mga taga-maynila daw ay masama at nagda-drain daw ng resources sa visayas at mindanao….
2 probinsyano ang dumating sa maynila, napasabay sila sa karamihan ng mga tao hanggang mapunta sila sa loob elevator. nagtanong yung isa kung magkano ang bayad sumagot naman ang kasamang siano at ang sabi “ignorante ka talaga hanggang dito sa maynila dala mo ang pagiging probinsyano mo, hintayin mo munang bigyan ka tiket bago ka magbayad”
Dito sa Canada, isang maunlad na bansa, naghuhubad din kami ng sapatos o tsinelas pag pumapasok sa aming bahay o kahit saang bahay. Kapag may mga taga-Estados Unidos na bumibisita sa amin, tuloy-tuloy sila sa bahay, di nag-aalis ng sapatos. Hindi yata ugali yon Estados Unidos, di gaya dito sa Canada. Kaya yong mga taga-roon sa yong lugar, magiging at home sila dito sa Canada. Kung titingnan mo, tila mas maunlad na pag-uugali ang mag-alis ng sapatos o tsinelas bago pumasok sa bahay–isang pag-respeto na huwag magdala ng dumi gaya ng sabi mo o maging pabigat sa paglilinis para sa may-bahay.Isang kaugaliang dapat ipagpatuloy, di ba?
Sweet ang kainosentehan ng pinoy towards progress. They’re unsophisticated that makes them lovable.
Sa oras na nadikit sa negatibong impluwensya ng progreso, ang mahihina ang personalidad ay bumibigay sa kasakiman at natuto ng mga katarantaduhan.
Sabi ni ArawAraw…”Dito sa Canada, isang maunlad na bansa, naghuhubad din kami ng sapatos o tsinelas pag pumapasok sa aming bahay o kahit saang bahay”.
Siguro ang dahilan dyan ay dito, lalo na sa provinsya liban sa south B.C. mahaba ang winter and palagi malalim ang snow at may kasamang ASIN of buhangin ang mango sapatos o kayang winter boots, kaya na sanayan maghubad pagpasok sa bahay at malinis naman ang sahig,,isipin lang natin kong anong anong dumi ang inaapakan nang sapatos ikalat sa loob na bahay na ang hangin ay pabalik, balik lang kong sarado dahil sa lamig.
arawaraw, hindi naman siguro araw-araw nagtatanggal ng sapatos ang mga Canadians. Eh paano ang mga disabled na putol ang mga paa? At hindi lang Canadians ang gumagawa niyan, pati mga Hapon.
Tama si Vic. It’s because of Winter why Canadians remove their shoes while entering their homes. And since a vehicle is an extension of one’s residence, may mga Canadians din na nagtatanggal ng sapatos kapag pumapasok sa kanilang mga kotse kahit winter di ba?
Isa pa, hindi lang naman araw-araw nagtatanggal ng mga sapatos ang mga Canadians, gabi-gabi pa. I hope you don’t mind my correction, arawaraw. Inaccurate din na sabihin hindi nagtatanggal ng sapatos sa US. Of course they do. Pati medyas pa nga. What’s the difference between Winter in Canada and US?
In my case, I make sure that my visitors not only remove their shoes while entering my home but also their pants. Kasi baka marumi din ang kanilang mga pantalon di ba?
Iba ang promdi…simple lang buhay but with high tech gadgets na like laptops, wireless Wifi and many more. Ang development ngayon e nasa probinsiya na at over crowded na kasi ang mga ciudad at magandang maginvest sa bukid.
Nakakarelate ang Pinoy na Promdi na naka-abroad o kaya nagstay ng city, kasi nga iba ang buhay sa probinsiya at simple lang.
What’s Promdi? High School Junior and Senior Prom?
“Natatakot ako’ng pumunta sa visayas kasi I saw in a chatroom some visayans claim na yung mga taga-maynila daw ay masama at nagda-drain daw ng resources sa visayas at mindanao….” – mumbaki
Ang totoo niyan ay napakayaman na dapat ng Luzon kung hindi natin ginagastusan yang mga probinsiya ng mga alipores ni Reyna ng Plywood. Ingrato sila samantalang mas malaki ang ninanakaw na pondo ng kanilang mga opisyales na perang pinaghirapan dito sa Maynila.
Yan ang naging epekto ng paghahati-hati ni Putot sa mga bayan ng Pilipinas. Driving a wedge, ika nga. Hindi nila alam na ang gusto lang naman ni Putot e ma-excite ang mga probinsiyano sa Federalism para mapalitan ang Consti at magkaroon ng pagkakataong maging prime minister habang buhay.
Dito sa Maynila, wala silang pagtataguan at kuyog-magnanakaw ang aabutin nila sa 2010. Sa Negros ay malaya silang magtago sa Hacienda del Jueteng ng mga Arroyo. Sa Mindanao pwede siyang maging Prinsesa Augmentada at ligtas sa galamay ng batas ng Maynila.
@Tongue-Twisted
kaya pala may ganon na ugali ang mga taga visayas at mindanao,buti na lang dito sa Luzon di sila nagtagumpay at di ganoon ang ugali nila.
Meron din propaganda na mauubos daw ang kapampangan dahil daw tagalog ang national language at ang mga taga-bataan at bulacan ay nagsasalita ng tagalog obviously nagpalit ng salita ang mga taga bulacan at bataan noong panahon ng kastila dahil ayaw nilang maasocciate sa mga macabebe scouts na traydor at tinatawag na dugong aso.
Tongue: Buti nga kina Ellen, tsinelas lang ang iniiwan, doon sa kalapit na probinsiya nila, kalahati ng katawan ang iniiwan!
Tongue, magagalit sa ‘yo mga taga-Capiz. My sis-in-law, who is from Capiz, is so angry at Tito Sotto for cracking that joke in Eat Bulaga many years ago.
mumbaki,
Taga-Bataan ako at likas sa aming bayan ang salitang tagalog. Tagalog-Bulakenyo ang aming dialect. We never spoke Kapampangan. Yung mga bandang border lang ng Pampanga ang nagsasalita ng Kapampangan. Ang nakakaraming bayan ay ni hindi naiintindihan ang salita ni Gloria. Ang layo naman ng dialect na kapampangan sa tagalog.
Likas na tagalog speaking ang Bulakan. Sa kanila nga ang origin ng tagalog dialect. Paano nagpalit ng salita ang mga Bataaenos at Bulakenyos buhat sa kapampangan to tagalog? Very lame ang rason na dahil “ayaw maasocciate sa mga macabebe scouts na traydor at tinatawag na dugong aso”. Baka ang mga Kapampangan ang nagpalit ng salita, hindi kami. hehehe!
Sori, Ellen, out of topic pala ako. Napasunod e!
@chi
regarding sa sinabi mo…
————–
Due to excessive abuses committed by some grantees of private estates, the King of Spain prohibited in 1574 the awarding of private estates (encomiendas). However, the royal decree was not fully enforced until the year 1620. In a report of Philippine encomiendas on June 20, 1591, Spanish Governor Gomez Perez Dasmarinas reported to the King of Spain that La Pampanga’s encomiendas were Bataan, Betis y Lubao, Macabebe, Candava, Apalit, Calumpit, Malolos, Binto, Guiguinto, Caluya, Bulacan and Mecabayan. The encomiendas of La Pampanga at that time had eighteen thousand six hundred and eighty whole tributes.
Ancient Pampanga’s territorial area used to include portions of the provinces of Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac and Zambales in the big Island of Luzon of the Philippine Archipelago.
http://en.wikipedia.org/wiki/Pampanga#History
————————-
@Ellen
The people in capiz have been trying to remove that reputation,it is very hard to convince people that what they think is not true..
Sorry kung may na-offend. Of course, it was meant to be a joke. Hindi ko na nga tinukoy yung Capiz, e. Anyway, that is only a myth and despite hundreds of years of stories about manananggals, no proof has ever been produced.
I’ve once debated the topic about these monstrosities with a group of teachers who hail from that province. They insist that it is true. My challenge to them exists to this day. I dared them that I will finance the construction of a covered tennis court in their school if they can provide me a picture of a manananggal in the act of “disassembly”. It’s easy to take a picture these days. Everyone carries a cellphone.
The only evil being that I believe exists is the devil itself.
Oh, I forgot, naniniwala rin pala ako sa Tiyanak. Meron niyan sa Malakanyang!
“Ancient Pampanga’s territorial area used to include PORTIONS of the provinces of Bataan, Bulacan,…”
I’m still correct that most of the towns, including mine, don’t speak Kapampangan. Hindi sinabing LAHAT.
Thanks for the link, mumbaki.
Ngayon ay naniniwala na ako sa pisikal na demonyo na naglalagi sa ibabaw ng mundo para maghasik ng lagim, si Gloria Arroyo!
Yung tiyanak kasi ay malevolent elemental lang pero itong si Gloria ay tunay na katawan at isip ng demonyo! Pero sa size ay tiyanak nga.
Malevolent pala ang tiyanak, thanks chi. In that case, I now only believe in the devil and a living proof of that resides in the stinking palace beside the stinking river.
@Chi
———————–
Spanish Governor Gomez Perez Dasmarinas reported to the King of Spain that La Pampanga’s encomiendas were Bataan, Betis y Lubao, Macabebe, Candava, Apalit, Calumpit, Malolos, Binto, Guiguinto, Caluya, Bulacan and Mecabayan.
http://en.wikipedia.org/wiki/Pampanga#History
After the Spaniards conquered the City in 1571 AD, Tondo was initially included in the creation of the Province of Pampanga, the first colonial province carved out of the former Sultanate. In census conducted by Miguel de Loarca in 1583 AD, Tondo was reported to have spoken the same language as the natives of the province of Pampanga[2]. Institute of National Language commissioner Jose Villa Panganiban once wrote that the dividing line between Kapampangan and Tagalog was the Pasig River, and that Tondo therefore originally spoke Kapampangan[3]. Tondo eventually became a separate province in the later half of the Spanish colonial era.
http://en.wikipedia.org/wiki/Tondo,_Manila
—————————————-
the term malakanyang even came from lakan,a kapampangan word.
Chi,you can compare batangas tagalog to bataan and bulacan tagalog then compare them with kapampangan,and compare the native surnames in bulacan and bataan with the ones in pampanga.
Kahit na hindi tunay na tagalog ang mga tagalog speakers sa metro manila,rizal,bulacan,bataan and zambales wala nang mas-fake at made up pa kay Gloria ang reyna ng mga peke
speaking of the languages tagalog and kapampangan, tagalog came from taga-ilog meaning language spoken by people along the river whereas kapampangan comes from pangpang meaning river bank. kapampangan is spoken by about 2 million while tagalog by about 22 million, am not sure when was this statistics taken. there are tagalog records as early as year 900 and has similarities with other malay language like visayan. it is not known where kapampangan started but it has some similarities with pangasinan and zambales languages.
@norpil
actually,Kapampangan has similar pronouns to the Cagayan Languages(Isneg,Ibanag and Gaddang) such as Tam which is similar to Tamu of Kapampangan,Tamu and Tam both means they,The Laguna Copperplate tells about the affairs of tagalogs in laguna with the Kapampangans of Tondo I was thinking about what would be the linguafranca of Luzon if the spanish did not colonize the philippines,based on my gathered data it was revealed that Kapampangan had the most edge on the other languages because they were the people of central luzon other than aetas and central luzon had the most farmland before the spanish came…..
According to a study Visayan,Butuanon-Tausug and Davaoenyo languages were revealed to be derived from the sister language of Bikolano…..
———————
Regarding the Gaisano mall being the one sought out in Antique,this thing also happened to SM Taytay when it was built because there was no mall built in taytay before even if it is near metro manila….
Central Luzon still is the palabigasan even now..
From Pol Gardose:
Pareho tayong taga Panay island at sa magkabila tayo ng isang pinakamalaki at pinakamataas na bundok sa panay, ang bundok ng Mount Baloy.
Kung alam mo ito ate, itoy mayroong malawak na lawa sa tuktok nito, kaya lamang ay wala daw sino mang makakapunta doon sa toktok maliban lamang kung itoy gumamit ng helicopter dahil napakatarik daw ito at halos hindi kayang akyatin. Dito ako sa kabila nitong bundok na ito at itong aming bayan ay malayong malayo pa sa paanan ng bundok na ito, pero nasakupan pa kami ng probinsiya ng Capiz. Ito ay bayan ng Tapaz at magka-boundery tayo.
Nabasa ko yong colom nyo na sa kwento mo ang bagong Gaisano city mall sa San Jose ay natutuwa din ako sapagkat kahit papaano ay hindi na kailangan pa ng mga taga roon sa inyong probinsiya na pumunta pa ng Iloilo upang maka pag mall.
Gaya din sa amin sa Capiz na medyo matagal-tagal na rin ang Gaisano sa Roxas city at dalawa na nga pwesto nila doon.Ibig lang sabihin na malaking asenso na rin ang lugar.
Pero ang worry ko lang na pagdating sa mga bayan na medyo malayo na sa capital city tulad ng sa amin ang Tapaz last town kami papunta dito sa kabundokan ng Capiz at Antique, ang problema yong mga kalsada kuno sa mga kanayonan dito sa amin e puros pede-road na lubak-lubak halos hindi naman madaanan ng mga sasakyan na apat ang gulong kundi mga motorsiklo lang, at kaisa-isang hi-way na mula Iloilo patungong Kalibo at katiclan e pagtapat sa aming inang bayan ay masyadong lubak-lubak na talaga dilikado na.
Pero aywan ko parang hindi nakikita ng mismong mayor sa amin ang kalagayan ng kalsada at mismo sa loob ng maliit na bayan ay hindi mo masabing bayan talaga dahil sa subrang liit ng bayan namin na ito ay napapabayaan na yata eh.
Ate ako’y napadal-dal na eh! hehe…ako nga pala si Leopoldo (pol) Gardose native of Tapaz, Capiz pero nandito ako sa Alkhobar Saudi arabia nagtatrabaho bilang clerk sa isang consulting firm company, tiyaga din sa maliit na sahod para lang sa pamilya.
comment on manananggal na hindi parin matatanggal na issue. some people think that this thing is just a joke for them but to people who was offended it was very traumatic, i quictly remember when my first day in college here manila my professor asked me where i came from and i said capiz he smiled and asked me again how do i come here by boat or … fly buti di mo naiwan ang kalahati mong katawan. dahil nga promdi hindi ko nakasagot i don’t know what to answer sabay tawanan ang mga classmates ko. the following day hindi na ako pumasok nagshift na ako ng ibang course.
i want to clear this, i don’t blame anybody about this joke or kung ano man yan but i suggest we must be responsible and sensitive to others.