Tuwing tanghali, may misa sa Greenbelt para kay dating Pangulong Cory Aquino. Ito ay siyam na araw na novena na nagsimula noong Miyerkules.
Alam ko na maliban sa mga dumadalo sa misa, marami ang nagdadarasal kay Cory na ngayon ay maselan ang kalagayan dahil sa kanyang sakit na cancer of the colon.
Sinabi ni Deedee Siytangco, ang spokesperson ni Cory, na pinagpasiya na niya pagkatapos ng konsultasyon sa kanyang mga doctor at pamilya na hindi na ipagpatuloy ang chemotherapy. Inalis na siya sa Intensive Care Unit at nasa private room na siya. Ito ay para makakapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Sa edad na 76 ni Cory Aquino, marami siyang nagawa. Ang pinakamahalaga doon ay naging instrumento siya sa pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Kahit ano pa ang sabihin ng iba na depekto niya bilang lider (wala naming taong perpekto), mapagpasensyahan yun dahil sa ginawa niyang pangunahan ang pagpatalsik sa diktaturya ni Marcos at pagbigay ng tapang sa ating mga Pilipino na ipaglaban ang ating demokrasya.
Sa panahon ni Cory, naayos ang Commission on Elections ay napanumbalik ang tiwala ng sambayanan sa Comelec. Mahalaga ang eleksyon para sa tunay na demokrasya. Lahat yun ay sinira naman ni Gloria Arroyo noong 2004.
Kung hindi man natin napangalagaan ang ating mga institutusyon ng demokrasya, sa atin mga mamamayan na ang diperensya.
Pwede naman na mag-enjoy na lang si Cory sa kanyang retirement dahil bilang dating presidente, nire-respeto naman siya sa buong mundo. Kahit saan siya pumupunta at binibigyan siya respeto. At comportable naman siya sa buhay.
Ngunit tuwing may banta ang demokrasya, hindi nag-aatubili si Cory na pumunta sa lansangan. Itong panahon ni Arroyo, ilang beses nag-martsa si Arroyo kahit na tumulong rin siya sa paglukluk sa kanya sa kapangyarihan. Hindi siya nag-atubiling humingi ng tawad kay Estrada sa kanyang pagkakamali.
Noong 2006, nang mabulgar ang “Hello Garci” tapes, sinuportahan niya ang panawagan na mag-resign na si Arroyo. Magkasama sila ni Susan Roces na magmartsa kahit na sabi nila mismo ay medyo nakakahingal na.
Huling sumama si Cory sa rally noong Pebrero 2008 nang mainit ang isyu ng NBN/ZTE. Dalawa sila ni Estrada sa stage kalaban ni Arroyo.
Tayo lahat ay darating sa oras na magpapa-alam sa mundo. Magkaka-iba lang ang petsa at oras. Ang mahalaga ay kung paano mo ginamit ang regalong buhay ng Panginoon.
Masasabi natin na kahit paano, bumuti naman itong mundo dahil kay Cory Aquino.
Kahit paano, alam nating meron ding guilty feeling si dating Pangulong Cory dahil sa noo’y pagsuporta niya sa pagpapatalsik kay Erap, ang halal na pangulong pinalitan ng hayok sa kapangyarihang si gloria arrovo.
Sa kanyang walang sawang pagtuligsa ngayon sa numero unong kawatan sa buong mundo, ang pinakawalanghiyang babaeng nabuhay sa balat ng lupa sa panahong ito, natubos na ang mga kamaliang nagawa niya noon. Ipagdasal na lamang nating malampasan niya ang krisis niya ngayon sapagkat kailangan pa rin natin siya bilang simbolo ng pagkakaisa sa paglaban sa katiwaliang palasak na sa gahamang pamunuan.
Bago umuwi si Evelio Javier in 1985, dumaan sa bahay at nagkausap kami..and I won’t forget what he told me..kasi ang sabi ko sa kanya..bakit ka ba uuwi, puede ka naman magtrabaho dito..kung papatayin ka doon..ano may statue ka sa plaza? ang sagot niya sa akin..”Manang pangadii lang bala ako..(Manang, just pray for me). In life it is not the number of years that you lived that counts..it is how you lived those years that matters.” Kaya tuwing uwi ko, dumadaan ako sa plaza I would stop in front of his statue..
at napapaluha na lang ako.
I just watched Kris Aquino spoke and thanked everyone for the prayers..and get well wishes…nakakaiyak!
A Study In Contrasts:Cory And Gloria:
Cory:The Icon Of Democracy
Gloria:The Threat To Democracy
DoH seeks P19.8B more budget for A(H1N1) drive
http://www.tribune.net.ph/nation/20090707nat1.html
When will this stop?
They are always asking billions of budgets, may nangyayari ba?
Ang tumataba lamang ay ang kanikanilang mga bulsa!
Rose, bayani ang turing ng iba kay Evelio pero si Exequiel ay kakampi ng demonya.
I’m praying for her since the first day of the sad news.
I admire this woman, she publicly admitted her biggest mistake in life, that was supporting her once favorite Gloria Arroyo. Ang lahat ay nagkakamali pero ang matatapang lang at may dignidad ang may lakas-loob na umamin.
Hanggang sa kaya ng kanyang kalusugan ay itinatama niya ang pagkakamaling yaon, siguro naman ay hayaan natin siyang mamahinga ng masaya.
I wish for your recovery Mrs. Aquino, ang milagro ay nasa iba’t-ibang anyo.
ang sambayanang pilipino ay nagdarasal at patuloy na nananalig sa Dakilang Lumikha na malulunasan ang kaniyang karamdaman at mabigyan pa ng mahabang buhay.
Anumang maging kapalaran ni Pangulong Cory Aquino,ang masang pilipino ay karamay niya at kasama sa kaniyang laban, higit kailanpaman ay lalong lumalakas sa laban ang isang matuwid na pinuno dahil sa pagmamahal ng kaniyang mga kababayan.
Naway gabayan siya ng ating Dakilang Lumikha na naaayon sa Kaniyang Dakilang plano at makamit ni Pangulong Aquino na mapagtagumpayan ang nasabing karamdaman.
Para sa akin…isa sa pinakamagaling na pinuno ng ating bansa, sa kabila ng pagiging isang simpleng maybahay ng bayaning si Ninoy ay nakuha niya ang tiwala ng sambayan at naisulong ang tunay na demokrasya.
Hindi matatawaran ang kaniyang tapang, matuwid na pamumuno at bilang isang huwarang ina…ibang klaseng pilipina, simbolo ng pagkakaisa at paniniwala na may pag-asa pa ang ating bansa kung tayo ay magkakaisa at magsasama-sama para sa isang dakilang layunin para sa ating bayan.
kasama ng milyong pilipino na naghahangad ng iyong dagliang paggaling, ang aking pamilya ay nakikiisa na mapagtagumpayan mo ang panibagong laban…hindi ka nag-iisa
at mahal ka ng sambayanang pilipino
kahapon, ngayon at bukas.
To God Be the Glory…ang kalooban NAWA ng Panginoong Hesukristo ang pumatnubay sa ating Kgg. Pres. Cory Aquino!
Ang karamdan e bahagi yan ng pagsubok sa ating buhay at kumakatawan ng paglilinis ng ating mga shortcomings na nagawa sa ating kapwa-tao at sa Panginoon.
At bahagi ito ng paglilinis ng ating body and soul para bago dumating yaong pagtanggap ng diploma e handa na ang kaluluwa going to heaven.
Ang kamatayan e bahagi yan ng pagsulong ng kaluluwa’t espiritu ng isang tao…kaya kung ano ang kalooban ng Panginoon sa buhay ng ating Pangulong Cory e nawa ang matupad.
But our prayers ay taimtim na naninikluhod sa Poong Maykapal upang pagkalooban pa ng karagdagang buhay ang Pangulo.
“At kayoý magsisitawag sa akin, at kayoý magsisiyaon at magsisidalangin sa Akin, at Aking didinggin kayo.”
At inyong hahanapin Ako, at masusumpungan Ako, pagka inyong sisiyasatin Ako ng inyong buong puso.(Jer.29:12-13)
Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon. Ayusin mo ang iyong sangbahayan: sapagka’t ikaw ay mamamatay, at hind mabubuhay.
Nang magkagayo’y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang muka sa panig, at nanalangin sa Panginoon, At nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo; Oh Panginoon na iyong alalahanin, kung paanong akoý lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiya ng di kawasa.
Nang magkagayo’y duamting ang salita ng Panginoon kay Isaias, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at sabihin mo kay Ezechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong magulang, Aking dininig ang iyong panalangin, Aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang (15) taon.(Isaias 38:1-22)
Our dedication to Pres. Cory Aquino! Amen…
Buong puso po akong mananalangin na sana humaba pa ang buhay ninyo Ex-Pres. Cory Aquino. Para makita niyo pa kung papano bababa sa trono ang minsan niyo ng tinulungang maging Pekeng Pangulo.
BASIC, COBOL, FORTRAN, PASCAL and WINDOWS VISTA – Will Garci and Bedol learn in time for 2010? By Ferrum Mann
My FB buddy Les Bocobo published this on his wall:
To which, famed journalist/reporter Arlyn Dela Cruz replied:
I gave it a deep thought and I came up with this reply:
If they do, it’s time the people do a power re-boot!
Tongue: you are right..kampi si Boy Ex kay Gloria..and my explanation for that is…si Boy Ex at si Tabba Boy ay magkakalase mula pang HS..and si Boy Ex ang priority niya ay ang Antique..as he sees what is good for it…Noong lumabas ang listahan ng mga Tongrease men sa 1109..I looked for his name and hindi siya pumirma.. and si Sally Zaldivar Perez, Antique’s governor is also for Gloria and that was why she won in Antique..ang tatay ni Sally before he became a Justice of the Supreme Court was Diosdado Macapagal’s executive secretary..may utang na loob!
Binuhay ni Cory ang Democracy sa atin, na ngayon ay pinapatay naman ni Gloria…ang panalangin ko para sa health ni Cory..ay kung sakaling kunin na siya ni Lord..huwag muna ngayon..Dear Lord do keep her strong and well to see Gloria’s political death! There is a big difference between the two hindi lang sa height..ang smile ni Cory ay tunay ang kay Gloria naman ay plastic..sincere sa tingin ko si Cory..transparent naman sa akin si Gloria kaysi plastic at silly con ang nasa katawan niya…
Kung sakaling kunin ka na ni Lord at hindi na umepekto ang aming panalangin … isang request po lang sana Gng. Cory … pu-puwede ba pakihila na rin yong mga paa ng mag-asawang Arroyo.
I feel the pain and sruggle of the family of Cory. I just went through almost a year long sruggle with another member of my family with leukemia.
Let us pray that she does not have pain and may she have peace with the our Maker.
She was not a picture of perfection as a leader but let us face it, she was instrumental in re-writing our constitution after the Marcoses. For that, let us give her an A. Side by side with the boobuwit, no comparison. Boobuwit’s contribution to our country? Corruption, deceit, lies after lies. No contribution at all except to pull down our country to the level of Bangladesh!
Toungue, that was clever and funny!
Lahat nakikiramay kay Cory at nagbibigay ng personal na mensahe. What about the Arroyos? Gloria?
Tongue:
Don’t forget the new programming language JAVA – Just Add Votes of Administration
Dodong, ano ang aasahan mo sa mga Arroyo na pagdarasal eh di nga puedeng pumasok ang pamilya nila sa simbahan dahil me krus doon. Nasisilaw at nagiinit ang kanilang mga katawan.
Ellen, me nangyari dito sa Davao na gumaling ang isang cancer patient dahil pagkain ng guyabano (sour sop). IsA itong medical doctor (Dr. Hernandez, 74 years old}. Kalat na dito ang kasong ito at sa totoo lang, mahirap nang humanap ng guyabano dito at kung meron man ay mahal na. Ang sabi ay effective ito laban sa cancer sa colon, prostate, lungs at liver. Di kaya mabuting mapasabihan sila dating pangulong Cory baka makatulong???
Taga-ilog, this guyabano must be my mother’s secret for her longevity! She had hip replacement almost 10 years ago and always walk with a cane since then but somehow, now 88 yrs old, she is still going. She eats this fruit with bagoong! Inspite of her rather odd diet, she likes to eat salty foods, tutong( burnt rice)and fried fatty foods, she is still okay. Why not? Let President Aquino eat this and maybe a miracle will happen. But sometimes, cancer patients really do not have the appetite for any kind of food anymore. Sometimes, they can not even chew or take in anything as it hurts them the more.
Yang sour sop mo taga-ilog, there seems to be scientific backing to the claims, as seen here:
http://www.jamaica-gleaner.com/gleaner/20090625/cook/cook2.html
If you search for “sour sop, cancer” on http://www.froogle.com, you will get tablets, capsules, and powder.
I am sure pinagdadasal din nila Arroyo si cory..si Honasan kaya nag sorry sa mga coup na ginawa niya? I was home when he staged the coup at nasira tuloy ang vacation ko (my first time to go home after 20 years hindi ako nakauwi sa Antique dahil sa Hudasan na yon.
“Dalawa sila ni Estrada sa stage kalaban ni Arroyo.”
As Lito Banayo would say, “Only in da Pilipins!”
Hello, may nabasa ako, sabi ng anak ni “great nunal” di daw sila dynasty, dahil ibat-ibang lugar naman daw silang mga tongressmen…hindi ba porma iyon na Lahat ng ARROYO gustong pumapel sa Pilipinas…yuong Ina, 10-taon, ay yuong iba,..tig-aanim ( 6 ) na lang ang bawat isa di,4×6=24 years + 6-years sa INA, 30-years…yuong AMA yata ay may plano pa ???…ito namang mga PMA-militar ay mga bulag ( Zero )..ay ang gagaling nila sa MAThematics,..kaya nga sila nasa PMA…magagaling sa lahat-lahat !..dapat yata ay itawag na dyan, Pamantasan ng Masasamang Ambisyon…alisin na din yang ” honorary membership ” padre-madrina system “…anay sa pagkalalaki ng mga Sundalo na dapat sana ipagtangol nila ang TAONG bayan,..ay sa halip ang ipinag-tatangol nila ay,..kung sino ang ma “DATUNG” o Mapira…nabibili…yuong di mabili ay di nasa kulungan, katulad ng MAGDALO…. Kawa-wang Bansa,..saan na nga kaya ito patutungo…SINO kaya ang maka-sasagip nito,.sa mabilis na pag-bulosok ??..2010 ??..
ANg ARROYO ang ugat ng Cancer sa Bansa…kaya..lumala ang CANCER ni Tita CORY, ay dahil sa STRESS na inabot nya sa pagtangol ki JLO ( Lozada ) at ki JUAN de LA CRUZ..saka stress, sa pag-kakamali nya ng pag-sang-ayon Ki Card. Sin, at ki Davide na gawing Pangulo si GMA, iyon pala ( sabi sa Dyaryo ) may artificial na boobs…kaya sya ngayon puro ARTIFICIAL ang gina-gawa, pati mga byahe nya…kunwari benefited ang bansa…kita naman, ang mga nag-bebenefit ay mga alipores nya…saka mga bulsa nila…pati yata bumbahan dyan sa south ay ARTIFICIAL na din para mag-karoon ng MARTIAL LAW or JUNTA !…mata-uhan sila dahil sabi ng US ambasador, kailangan may eleksyon…sa 2010..
pahiwatig na mag-ingat sa tunay na CONSTITUTION ng Bansa, na dapat sundin…ang hindi artificial at totoo !..
She is very ill…
A rather forgetful and not-very-grateful Filipino nation is confronted with the looming mortality of one of the — if not THE — greatest living hero of our times. Derided during the Marcos Era as an insignificant figment of the political opposition, greatly admired during her administration, and reviled as an impractical democratic idealist during the succeeding political regimes, She stubbornly clung to her personal morals and political ideals rendered almost irrelevant by reemergent political corruption and depravity. She was the yellow-clad lady who once brought a new dawn of hope for the Filipino nation: Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino, the noble widow of National Hero Benigno “Ninoy” Aquino.
Despite everything negative that has been said about her, the Filipino People should, and must, always remember that Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino was the “raison d’etre” who led them during their Finest Hour exactly twenty-two years ago on 22 February 1986: when the Filipino was at his bravest, most principled, most enlightened, and most spiritual self; when All that was Best in the Filipino shone throughout an admiring, jubilant, and hopeful world!!!
For that one brief shining moment, The Filipino Everyman All over the World — “Juan de la Cruz” of the fields, the factories, the public markets and the “OFWs” of the factories, the ships, the foreign households stood proudly neck to neck and shoulder to shoulder alongside high officials, technocrats, industrialists, and the foreign employers — All were filled with Great Honor and Dignity at their Final Assertion of Democracy in our country, The Philippines.
Thank you so much for Everything, Cory. I cannot speak for anyone else but I want you to know that I will always remember what We All — The Filipino People — went through together and that I will always be grateful. For The Hope, if only for The Hope!!!
when marcos was forced out of the palace and cory went in, pinoys in oslo were vouching for cory to get the nobel peace prize. she did not get it and i lost my faith in the nobel committtee but not on her. i was not surprised either that she was against erap and supported gma. that she later admitted this mistake shows her consequent love for her country is much larger than her ego.hope she can recover.