Skip to content

Sabotahe ng kasakiman

Hindi pa malinaw ang lahat ngunit mukhang sinasabotahe ng kasakiman ng mga nasa kapangyarihan ang computerization of 2010 na eleksyon.

Nabahala ang marami noong Lunes ng sinabi ni Comelec Chair Jose Melo na umatras ang Total Information Management, ang Filipino na partner ng Smartmatic Corp, ang nanalo na kumpanya na taga Barbados sa $7.2 bilyon na kontrata para magiging computerized ang bilangan sa eleksyon simula sa 2010.

Iba-iba ang lumalabas na dahilan. Isa dyan ang pagpipilit ng TIM na sila ang may kontrol ng operasyon dahil sila ang mas may malaking share ayun sa ating Constitution na 60 per cent ang sa Pilipino at 40 ang sa mga banyaga.

Gusto raw kasi ng Smartmatic sila ang may kontrol dahil sa kanila ang technology. Sabi ng TIM, labag yan sa Constitution. Ang lalabas nun para lang silang dummy katulad ng maraming malakihan na joint ventures.

Sabi kasi ng TIM, gusto nila sila ang may kontrol dahil kung ano ang mangyari na bulilyaso, sila ang mapapahamak. Pilipino sila kaya kulungan ang bagsak nila.

Itong isyu ng TIM ay lumabas daw ng malaman nila na merong isang negosyante na malapit sa malacañang na pumasok sa eksena bilang “carried” partner.

Ang “carried” partner ay isang kumpanya o negosyante na gustong maki-ambon sa kita kahit na wala namang binigay na capital. Siyempre ang may lakas na loob lang na gagawa niyan ay ang malapit sa may kapangyarihan.

Itong negosyante daw ay taga-Cebu kung saan lumamang kuno si Arroyo kay Fernando Poe, Jr. noong 2004 ng sobra isang milyong boto. Maraming isyu na lumabas kalaunan sa mga boto sa maraming presinto sa Cebu na hindi kapani-paniwala. Sobrang taas ng voters’ turn out na para bang walang namatay o nag-abroad sa mga botante sa listahan.

Sinabi ng presidente ng TIM na si Jose Mari Antunez na nakita raw ng isang kasama niya sa kumpanya itong negosyante na taga Cebu at ang isang opisyal ng Smartmatic na nag-uusap sa isang hotel.

Pagtapos daw ng ilang araw tinawagan siya ng negosyanteng ito na kailgnan siyang makikipag-cooperate. Kung hindi magagalit sa kanya ang mga “may kapangyarihan.”

Siyempre maraming hakang-haka kung sino itong negosyante na taga Cebu na malapit sa kapangyarihan. Ewan, hindi ko rin alam.

Bago ko makalimutan, may isa pa palang kasama ang Smartmatic at TIM: ang 2GO, isang freight forwarding na kumpanya na pag-aari ng mga Aboitiz ng Cebu na kilalang malapit kay Arroyo.

Nang humarap ang mga taga- Comelec sa Senado, sinabi na ang 2Go daw ang magdadala ng mga computer sa lahat na 80,000 na presinto sa buong bansa.

Ayos na.

Published inelections2010

68 Comments

  1. I’m sorry. I don’t know what happened that the comments section was closed. Anyhow, it’s open now.

  2. just felt bad about this.

    we’ve been through this rigorous of debates, bidding, discussions; then after na ma-award, biglang back to zero.

    i wonder when will we ever move forward.

  3. I am not surprised kung ang mga maraming politicians sa cebu ay pro-gloria.

    Diba ang bisaya ang mga unang nakipagsanduguan sa mga kastila,that is the reason why meron ako’ng grudges against bisaya tulad ng mga illonggo,Sebwano at mga Waray,Kahit na meron ako’ng friends na bisaya ang ganitong ugali na ayaw ko sa bisaya ay namana ni Esperon at Gonzales.

  4. I forgot to say that the dialects or languages in the philippines with the exception of the bajau languages in sulu,capulenyo,sangil of saranggani and the chabakano languages are related to each other in the same way han chinese languages like Wu,Cantonese,Hokien and Mandarin are related…….

    Gusto talaga kasi ng mga crooks na manalo ang pabor sa kanila kaya ayaw nila ng automations.

  5. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Ellen, pagbukas ko nga kanina ay “Comments Closed” ang nakalagay.

    Pinaglalaruan ‘ata ng mga bata ni Mr. X-tra Large, eh.

  6. vic vic

    The way things are done, Greed and the tendency to make money out of Nothing at All, the Philippines maybe the Last country on earth to get its elections automated…and that will set back the Pledge of the country’s First Class dreamer GMA to catch up the First World by 2010 for at at least another Century. Now, if somebody can just somehow moderate their personal greed and think forward in the immediate Future and visualize their Children and the country they’ll inherit, then maybe, chances are the First World will just by itself comes and pays the country a visit and stay.

  7. vic vic

    or was that 2020, 20l0 is the year she’ll start fading away and will just remembered for what truly she is !!

  8. totingmulto totingmulto

    With or without automation, sigurado ang panalo ng mga animal sa malakanyang!

  9. Bobong Bobong

    Gahaman talaga!!! kahit ano ay gagawin, magkakaroon lang nang pagkakataon na makalamang sa kalaban.

    Tandaan nating lahat ang mga kababoyang ginagawa at gagawin pa ng mga gahamang ito.

    Mag-ingat tayo para hindi masayang ang ating tutuong mga boto. tandaan nating lahat ang mga pangalan ng mga politoko na malapit o me koneksyon kay pandak.

  10. Ka Enchong Ka Enchong

    Diba ang bisaya ang mga unang nakipagsanduguan sa mga kastila…

    Bisaya rin ang unang lumaban sa mga Kastila- si Lapulapu.

  11. Bobong, welcome.

    Please do not capitalize your comments. Small letters lang para mas magada basahin.

    Thanks.

  12. presing presing

    diyos ko, grabe na yan si villar. si chavit ay kay villar pati na si villafuerte. parang gloria all over again pag villar ang presidente.

  13. iwatcher2010 iwatcher2010

    mga kaibigan,

    sinabi ko na noon at paulit-ulit na mas garapalang kilos ang gagawin ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration at samut-saring divertionary tactics para guluhin ang opinion ng sambayanan ngunit iisa lang ang pakay ang manatili sa puwesto beyond 2010…sa isyu ng smartmatic at TIM ay kaduda-duda at tiyak kong nalagay lang sa alanganin ang TIM dahil sa mga galamay ng mafia ni gloria, ang nakakabahala ay ang pagpapalutang ng revolutionary govt scenatio ni norberto gonzales at bakasyon ni ronnie puno, isama mo pa ang susunod na kaganapan sa PNP at AFP na kung saan ang nasabing rigodon ay lalong magpapatatag sa mga lapdogs ni gloria. isang mataas na PNP officials ang kumikita ng malaki dahil sa tongpats sa security systems installation…dati Manila police hq lang pinalagyan ng CCTV ngayon DPWH at ongoing installation sa PNP HQ sa crame.

    Ngayon ako naniniwala na pera-pera lang ang laro ng nasabing opisyal, nakatikim na ng milyones kaya naghahanap pa ng mas maraming milyones…isa pang loyal govt official ni gloria ay kabibili lang ng isang malaking resort sa batangas…daming pera ng mga buwaya.

    kaya di ka na magtataka kung bakit di sila aalis sa puwesto sapagkat sobra-sobrang pakinabang at gahaman sa pera at kapangyarihan.

    Maraming paglabag ang rehimen ni gloria pero nakatanga pa rin ang masang pilipino, sana kumilos na tayo bago pa tayo mabulaga ng mga buwaya at isang malaking trahedya ang muling yayakapin ng ating bansa.

    at kahit manual voting and counting next year, ipaglaban natin ang tunay na boses ng masa at maging mapagmatyag sapagkat nakalatag na lahat ang kanilang maitim na balakin ang patuloy na linlangin at pagsamantalahan ang pagiging manhid ng masang pilipino.

    NO TO TRAPOS!
    NO TO GLORIA AND FAMILY!
    NO TO MALACANANG MAFIA AT ARROYO CORRUPT-PORATION

    Gising bayan bago mahuli ang lahat.

  14. Balweg Balweg

    Sa dinami-dami ng scams ng rehime ay walang isa man umamin sa kanilang katusuhan…nagtatakipan pa nga ng kanilang kabahuan eh.

    Itaga nýo sa bato walang aamin diyan…buti pa mag create uli yan ng ibang issue upang madivert ito ng mawala sa limelight ang usapin.

    Or else magresign yong involve o kaya palitan ito ng panibagong kurap at sinungaling.

  15. Balweg Balweg

    Wag natin iboto Ka Presing…ka si nga po e marami ng Pinoy ang maysakit na nerbiyos, lalo na kung maupu yang si Villar sa Malacanang.

    Pero kung inaakala naman nating lahat na pwede niyang pamunuan ang bansa, e bakit di natin bigyan ng pagkakataon or else yon iboboto ng majority ang dapat nating suportahan.

  16. norpil norpil

    give up na ba tayo? sabi sa isang thread ay gasgas na daw ang people’s power. techno power naman kaya. mag teks sa bawat isa at sabay sabay na lumabas ng bahay at lusubin ang palasyo. nasa mga taga loob ng pinas ang pag asa.

  17. ron ron

    hindi norpil, kailangan pa rin natin lumaban at makibaka sa lansangan sa mga pangyayari ngayon mahirap ipasawalang bahala ang lahat at di kumibo, dapat mapagmatayag tayo.

  18. @Ka Enchong
    Totoo iyon bukod kay lapu-lapu ang mga sumunod ay si Tamblot at Papa Isio,si Papa Isio at Tamblot.
    —————-

    Si Villar ay halong Kapampangan at Bisaya,half dugong aso(bad cabalen), half pintado.

  19. norpil norpil

    mahirap din ang nasa labas ng bansa, nakikinig na lang pero wala ring magawa.

  20. Balweg Balweg

    Si Villar ay halong Kapampangan at Bisaya,half dugong aso(bad cabalen), half pintado?

    Hey Igan Mumbaki…kumusta na tayo diyan, para atang mabigat ang saloobin mo sa ating mga Kababayang Kabalen, naging biktima ka rin ba o napaglaruan ka din ng mahika?

    Ang bigat ng loob mo sa mga Kabalen…ok lang kung si gloria but pag may blending na Kabalen o Bisaya e nagaalasa-balutan ka.

    Relax…try natin na mageneralize ang iba nating katribu kasi nga yong makakabasa ng comments na yan baka lalong masamain nila ito.

    Kung sino lang yong maysala e siya nating pagbuntunan ng galit o kaya sisi. Yon lang para magkaisa tayong lahat regardless of tribo or lengguawe.

    Mabuhay ka

  21. Balweg Balweg

    mahirap din ang nasa labas ng bansa, nakikinig na lang pero wala ring magawa?

    Korek Norpil…wala tayong tulak-kabigin but still mayroon pa rin tayong magagawa. Ganito yon Igan, sa larangan ng pakikibaka e mayroon dapat maging papel na gagampanan ang bawat isa.

    Kung saan tayo magiging effective at efficient upang makatulong sa pagtatagumpay ng isinusulong nating pagbabago sa ating bansa e dapat magkaroon tayo ng bargaining agreement kung papaano ito magiging matagumpay.

    Di pwede lahat e leader, at kailangan e kung ano yong ating makakayanang iambag sa hanay e yon ang ating gampanan.

    Ang daming sektor sa ating lipunan na may kanya-kanyang adhikain at plata-porma upang sundin at tupdin. Isa na dito ang sektor ng mga OFWs + Migrant Pinoys…sa ating hanay pa lamang e ang laki ng problema nating kinakaharap, una sa lahat e aminin na natin na divided tayong lahat. Walang isang boses upang maipahayag at maipaglaban.

    Kung tutuusin e kaya natin magpanalo ng isang Pangulo o sino pa man sapagka’t humigit kumulang tayo na 7 to 9M Pinoys sa abroad. Plus win win solusyon na ang bawat isa e may dolyares na pwedeng maging kapital upang maisulong ang isang uri ng pakikibaka para umunlad ang bayan.

    Ang kaso e walang common agenda ang OFWs+Migrant Pinoys, kaya wala tayong magawa kundi maghimutok ng butsi at mag-antay na lamang ng grasya, kung anong kapalaran ang mangyayari sa ating bansa.

    Collective agreement ang kailangan natin…Pagkakaisa at Pagtutulungan upang maging matagumpay yong ating mga iniisip na maganda para sa ating Bayan at kapwa-Pinoy.

    Kita mo naman, ang mga NGOs na patuloy na tumutulong sa ating mga Kapinuyan…di ba patuloy ang pagbabago at pag-unlad ng marami nating kababayang kapos-palad sa tulong at pag-aaruga ng mga NGOs either ito ay local or international groups.

    Ganoon din naman tayong mga OFWs and Migrant Pinoys na patuloy na tumutulong sa ating bansa at kababayang Pinoy, i know many of them working abroad at isa kami dito na di nakakalimot sa ating bansa.

    Silat lang tayo pag pangpulitika ang usapan at talagang zero tayong mga OFWs & Migrant Pinoys pag ito ang sentro ng usapan. Kasi nga, watak-watak tayong lahat, di ba!

  22. @Balweg
    Ang mga kapampangan naman dati sila ang mga kilala sa Luzon kasi sila ang mga namumuno sa luzon in fact kung hindi sinakop ang pilipinas magiging mas kilala ang Kapampangan kaysa sa Ilocano at Tagalog ,noong sinakop ang pilipinas ng mga espanyol ginamit ng mga espanyol ang mga ilang kapampangan upang magtraydor kaya sumadsad ang kanilang reputasyon ng mga kapampangan at maraming kapampangan ay nag iba ng wika.

    I hate Villar allot sabi ko pa sa papa ko na ka kilala ni Villar,nakakasuka.

  23. chi chi

    norpil,

    Paano yung mga “gusgusin at amoy basahan” (quoted ko lang yan ha) na walang gadgets? We can’t leave them. Baka from their line will come the tunay na magtatapos sa laban.

  24. Rose Rose

    Mukha atang pinag-laruan ng isang dwende (little woman) at isang kapre (malaking baboy) and blog ni Ellen…thus closed for comments..

  25. Rose Rose

    Back to Mano mano ang election? ang lungkot naman! noong maliit ba ako..at buntot ako ng tatay ko sa pagkampanya..mano mano ang election..hanggang ngayon ay ganoon pa? ano ba naman..
    ..kung sa bagay hanggang ngayon may mga lugar sa Antique..na hindi pa abot ng koryente..so I guess for us no big deal..kung mano mano..

  26. Ang kinaiinis ko ni hindi natin mabawi sa taiwan ang orchid island/lanyu kung saan marami tayong kababayang nakatira ang orchid island/lanyu naman ay nilalagyan ng mga taiwanese ng nuclear waste.

  27. Rose Rose

    Mumbaki: salamat na lang hindi kasama ang kinaray-a in your list of the “undesirable.. bisayans..kung una ang mga bisaya na nag pakisunduan sa mga kastila..could it be that they are “peace makers”? pero noong inapi sila lumaban si Lapu Lapu kay Magellan? I am from Antique..kag naga gurugumo pa ang hnaray-a ko..Antique is the poorest of the Visayans…but quite proud to be Filipino…ati pa!

  28. Rose Rose

    As I write this I could hear from TFC of Pres. Cory Aquino serious illness..I pray for her to get well..but if God has other plans “humihirit” ako Lord..to keep her alive and well to witness the stepping down of Gloria..Ang sabi nga kanina sa misa…”the Lord hears

  29. ron ron

    Rose,
    I don’t think antique is the poorest, mas malala ata sa amin waray ako from northern samar,grabe ang kahirapan sa amin hanggang ngayon pag umuuwi ako nothing changed ganun pa rin lubak na kalsada, kulang sa trabaho, malalang prob sa poverty and health.alang pagbabago nakakadismaya talaga!

  30. Balweg Balweg

    Igan Rose…tumpak ang tema ng titulo nang ating paksa, “Sabotahe ng Kasakiman.”

    100% agree ako sa iyong sapantaha…di ka nag-iisa. Noon e bilyon ang pondo ni John De Cross, but ngayon naman e trilyon na pero bakit, bakit, bakit hangga ngayon e yan ang problema? Nasaan ang pera ng bayan? Nasaan yong fork barel ng mga tongresman at ano ang ginagawa ng DPWH?

    Ang siste nga e may igan tayo na taga-Surigao, ok nga sa inyo di pa nararating yong lugar nýo ika mo ng kuryente…sa kanila e makikita mo yong naglalakihang foster na may nakadrawing na brigde at ito e sa gitna pa ng bukirin sa dulo ng walang hanggan.

    Alam mo natapos yong termino ng mga kurap na senador, tongresman, gobernador et. al. sa kanilang balwarte, e yong bridge na dapat e nakatayo till now e drawing lang. Inang natin, nasaan na yong pondo para dito? Kinangkong na ng mga tulisan?

    Ang daming istorya na kung iisa-isahin natin e for sure mapipika tayo sa inis at galit. Mayroon bang nakulong…di ba wala!

    Kaya yong pingkaw na saying, “Kung magnanakaw ka daw e lakihan muna, kasi kung mahuli o masakote ka e may pang bayad ka sa atorne de kampanilya.”

    Kita mo si Madam Butterfly et. al. nakulong ba, except si Pres. Erap kinuyog ng PNP/APF upang ikulong nang dahil sa anak ng huweteng.

    Pero yong legitimate na pangdarambong ng rehime e isa man walang nakasuhan, nasaan ang hustisya sa ating bansa? Kagaguhan yong sinasabi nila na magkaroon ng transparency sa ating gobyerno de bobo ni gloria, sila ang numero unong violators ng ka ek-ekan nila.

    Walang isa man ang naniniwala sa kanila kundi yon lang mga nakikinabang tulad nga mga tongressmen/LGUs/corrupt generals/hodlums in uniforms et. al.

  31. Ngayong natuturo na naman ang mga baboy sa Malakanyang sa Smartmatic-TIM scandal, meron nang nakahandang diversionary issues para matakpan yang involvement ng mga baboy.

    GMA medical checkup OK
    By JONATHAN M. HICAP, CHARISSA M. LUCI
    July 2, 2009, 6:03pm

    President Arroyo underwent removal and replacement of breast silicone implants at a hospital in Muntinlupa City, a source told the Manila Bulletin.

    Meanwhile, a Palace official announced that President Arroyo has ended her two-day self imposed quarantine “with a clean bill of health,” and is expected to resume public engagements “in a few days.”

    The informant, who requested anonymity since the source was not authorized to speak about the matter, said the President was scheduled to undergo augmentation mammoplasty at the Asian Hospital and Medical Center in Alabang, Muntinlupa.

    In addition, a cyst or lump in the groin area was also scheduled to be removed by surgery, said the hospital source.

    Manila Bulletin Online

    Bwahahaha. Totoo ba yan?

  32. Kim Kim

    Sa paningin ko lang, it is not so much about our transition from manual voting to full automation/computerization of next year’s elections that’s causing anxieties. Rather, it is the ever present “cheating syndrome” that sends the jitters up our spines. We already know how those people concerned got their “PhD’s in manual electoral cheating. But new technology is not necessarily spared either from the same viral infections. New technology breeds new (tech-savvy)cheaters. Proof ? Why do you think specialty high-tech companies come up with new and/or updates to already existing computer protection ? Because those who want to hack or cheat are getting smarter (if not smarter) than the people who create their “invulnerable” programs.
    Bottom line we, could still adopt the old or start using the new. It is the cheating machinery that everybody should look out for.
    Noong araw, pagkatapos ng isang eleksiyon, it was either nanalo or natalo ang kandidato. And it stops right there.
    Ngayon, after elections are over, the candidate(s) either CHEATED or were CHEATED. The cheated continue to question the results, while the cheaters fool the people and go on a jet-setting spree around the world in the guise of bringing home the bacon. Ewan ko, sa mga trip na gloria, the only bacon all pinoys see is her pig of a husband. Bacon ? Baka TAPA !

  33. Taga-Bulakan Taga-Bulakan

    Pandak is moving heaven and earth to disrupt the 2010 elections. Larawan siya ng isang natatakot na magnanakaw na malapit ng matiklo. Kaya sa kanyang mga natitirang araw sa kapangyarihan, gagawin niya lahat ng kabuktutan matakasan lang ang batas. At di siya nagiisa ha, kasama sa operasyon ang isang hukbo ng mga gahaman sa pera ng bayan na miyembro ng hudikatura, ehekutibo, kongreso at militar. Oppsss, pati siyempre ang partner in crime na asawang si Mike at angkan.

    Mga salot sa bayan.

  34. Taga-Bulakan Taga-Bulakan

    Nice info TonGuE-tWisTeD.

    Bakit wala na bang mahawakan si Mike?

  35. chi chi

    Ha!ha!ha! Totoo ba yan? Good one!

  36. ron ron

    tongue, sana di na sya gumising ng matuluyan na.

  37. Hindi pa rin ako matapos ng kakatawa. Di ko alam kung na-hack yung website o tinoyo na sila Jonathan Hicap. Aalamin ko yan sa kapitbahay ko. Supervisor siya sa Asian Hospital.

  38. Ang mga kapampangan naman dati sila ang mga kilala sa Luzon kasi sila ang mga namumuno sa luzon in fact kung hindi sinakop ang pilipinas magiging mas kilala ang Kapampangan kaysa sa Ilocano at Tagalog

    Saan namang history book napulot ito? Di iyan totoo. In fact, di naman kilala ang mga kapampangan noong unang panahon. Kaya lang naman sila nakilala dahil nabansagan slang mga dugong aso. That’s all. Malaking probinsiya ang katagalugan sa totoo lang. Kaya lang, siguro gaya ng mga pilipino ngayon kani-kaniya sila kaya di nakalaban doon sa mga kastila.

    Matapang iyong mga nasa bundok gaya noong mga nasa Mt. Province na hindi nasakop ng mga kastila. Kaya na-preserve nila ang kanilang kultura di tulad ng mga duwag na suko agad sa mga puti!

    Kaya sinong may sabiing namuno ang mga kapampangan sa Luzon? Si Gloria Dorobo para ipalabas na galing siya sa isang bughaw na lahi? Pwe! Dugong-aso!!!

    Please naman, huwag naman ninyong ipababoy ang kasaysayan ng Pilipinas.

  39. chi chi

    Oo nga noh. Bah, nakalusot nga! Nandun pa si link mo, Tongue.

    Ha!ha!ha! Paminsan-minsan ay nakakaisa!

  40. Tongue:

    Lumang tugtugin na iyong pagpapaopera ni Gloria Dorobo. Pati mukha niyan pihado silicone din! In fact, nang makita ko ulit ang mukha niyan after so many years, hindi ko nakilala kasi iba ang mukha niya noong bata pa siya. Walang pinagkahawig kay Dadong Macapagal sa totoo lang kaya pinaretoke ang mukha dahil nabalitaan yata na may magbubulgar ng isang sekreto sa pamilya nila.

    Pero sa kareretoke ng mukha at katawan ng ungas, baka maging katulad siya ni Michael Jackson! Harinawa sana nga!

  41. Na-quarantine daw? Baka na-swine flu sa Colombia!

  42. saxnviolins saxnviolins

    Silicone implant? So the doctor was pump-priming the economically sized mammaries?

    Gaano kalaki ang implant? Is it as big as the GDP growth of the Philippines?

  43. luzviminda luzviminda

    Ellen, di ba kamag-anak ng mga Aboitiz yung kasa-kasama sa Switzerland ni Pidal at may konek din dun sa deposito sa HypoVereinsBank? At ka.konek din sa mga Import activities?

  44. dandaw dandaw

    Rose,
    Ano ba ang producto nang Antique? Di ba maraming palay ang Antique. Kong ang isa sa mamamayan may tanuman ng gulay, alaga nang manok, pato, gansa, baboy, niyug at mga frutas, simula na iyon. Nong mali-it pa kami, sagana kami sa gulay, frutas, ang garden namin ay kaingitan. Akala ko mayaman kami dahil hindi kami nawawalan ng pagkain. Kong dito lang sa America nag kandang darapa tayo para maka bili ng sariwang gulay sa Seafood City. Diyan sa Pinas, hindi mahal ang tubig dahil sa sagana ang ulan. Ang mamamayan hindi gaano nag babayad ng taxes. There is no reason for a Filipino to stay poor forever. There are so many cottage industries that they can engage to do as a business.

  45. parasabayan parasabayan

    Maraming “carried” partner dyan sa Pilipinas. Ang pinakamabigat nga lang ay yung fat pig! Ang puhunan lang niya ay siya ang “first pig”! Mukha lang niya ang makikita ng mga buwaya, kandarapa na sila sa pagsunod sa kanya. At siyempre sumasama na rin sa “cut” para mas malaki ang tongpats. Kaya kahit na ano ang “trips” na ginagawa ni pandak para mangalap ng “investors” kuno, buking na buking na ang pagka-gahaman ng mga ito. Ang natitirang mga “investors” na gusto ng mag-invest sa Pilipinas ay ang mga kawatan ding katulad nila. Yung walang mga sikmura na ok lang magbigay ng tongpats at ito ay ipinapasa lang naman sa mga bumubili. Kaya sino ang nawalan? Eh di si Juan!

  46. Ano ba ang TIM ? Tuta at Implementor ng Malacanang?

  47. parasabayan parasabayan

    Huwag nating maliitin ang kapangyarihan ng mga OFW’s. Sila ang nagbibigay ng pera sa Pilipinas. Lahat ng sasabihin nila kay nanay,tatay,ate,kuya atbp ay ginto. Kaya dapat, ang mga ito ay makisawsaw sa mga issues ng bayan. What is sad though is, Noli Kabayad had invested so much time building his image with the OFWs and for about two years now, Villar had been paying for the fares of the stranded OFWs. Kaya karamihan ng mga OFWs ay ang kilalang kilala lang nila ang dalawang pekeng ito. I can not imagine the Philippines under Noli or Villar, parehong gahaman sa pera. Di ba nga at yung nililitis na may ari ng bangko at pre-need companies ay isa sa mga big financial supporters ni Noli? At si Villar naman ay sumasayaw pa sa issue ng C5. Imagine kung isa sa dalawang ito ang manalo? Lalong ibibenta ang Pilipinas para sa kanilang kapakanan.

  48. parasabayan parasabayan

    I am not surprised that the Bitch has all these “fake” parts. Pati puso at utak siguro niya eh may transplant na! Pati yung nunal niya eh implant na. Di ba yung ilong niya eh so sculptured? May silicon na rin siguro yun. Kung meron nga lang surgery to extend her spine (I know that there are some successful experiments now), ginawa na rin niya yun!

  49. parasabayan parasabayan

    Let us not underestimate the strength of our OFWs. Isang tawag lang kay Nanay,tatay,ate,kuya atbp eh sunod ang “wish” nila. But Noli kabayad made himself over the years visible to these workers. Akala tuloy ng mga OFWs eh tunay niyang pera yung ginagamit niya para sa kanila. Sadly too, kilala nila si Villar kasi over the past years, Villar had been paying for the fares of the stranded OFWs. Kaya ang dalawang ito ay mabango sa mga OFWs because of their visibility.

    Imagine how the Philippines will be under one of these two presidentiables? Noli is known to pay off people to get off his back. Example are the kids of his wife (who supposedly married him while she was still married to another man). The wife’s kids filed charges against the wife for abandonment. That case was settled. How? Only God knows. He is also known to buy big mansions (over 50 million). With a meager salary of a vice president, how can one afford these?

    Villar on the other hand obviously used public funds to enhance his real estate business. The C5 case is still being heard in the senate. Whether this case will be resolved is another thing as the pandak (as it is shaping up is obviously a Villar supporter) is now pulling the strings on the Dacer-Corbito case to pin down Lacson to probably slow him down on the Villar C5 case.

    Having Noli or Villar as president will be worse than what we have now. I am still hoping that there will be a candidate with a capability to unite our country and has the passion to serve. One with no prior anomalies attached to him or her. I am praying for that someone to step forward soon!

  50. Balweg Balweg

    Saan namang history book napulot ito? Di iyan totoo?

    Misleading ba Igan Grizzy, pakaisipin ko man e di ko maalala na ang mga Kabalen e siyang kinikilala noong bata pa si Sabel.

    Nagsunog ako ng kilay sa ating Philippine history at yong ngang Jose Rizal life and works halos flat 1 ang grade ko eh yan pang Kabalen history…baka naman absent ako noon kaya di ako mapalagay.

    As you said, so be it!

  51. Rose Rose

    Compared to Iloilo, Roxas, Aklan, Antique is the poorest! Ron: ang tawag namin sa highway from Iloilo to Antique ay abortion hi-way..kasi kung buntis ang isang babae na pupunta sa Iloilo from Antique..sa lubak ng kalye makukunan siya..

  52. Rose Rose

    Dandaw: sa Antique walang nagugutom..may kaunting palayan sa likod ng bahay nila..puede kang mamitas ng kangkong at iba pang gulay sa paligid ligid ..fish is plentiful..one can have poultry or piggery…simple lang ang buhay..wala kaming taxis kaysa mamasahe ka maglakad ka na lang…I love going home to Antique..and look forward to it each time I go home to the Phil…

  53. Rose Rose

    Chi: ano ang tinatanong mo kung totoo..ang news or yong ano ni Gloria na ipinaretoke niya? natawa ako kasi everything about her seems to be fake..mukha tuloy na peke pekeng duckling! pero hindi makakain at lason…

  54. Rose Rose

    ..ang sabi sa itaas..”removal and replacement of silicone implants” di ang ibig sabihin ay dati nang implants at pinapalitan lang ngayon..ang paniwala ko kasi kung ubod ka ng yaman sa Phil..there is no reason for anyone rich to be ugly..bakit siya ay hindi pa rin maganda kahit anong retoke?..ang kapangitan niya it seems ay sa labas at loob ng katawan niya..kawawang nilalang…kaya pala her desire for more wealth ay ganoon na lamang..ganid at garapal!

  55. Taga-Bulakan Taga-Bulakan

    The first pig, is also the first croc. Gahamang katulad ng buwaya, makapal na tulad din ng buwaya. Bagay na bagay sa kanya yung isang brand ng shirt na me logo ng buwaya na lagi nyang suot — pang mayaman!

    Titingnan nating mataba at mabagal, pero ‘palos’ pagdating sa nakawan. Hindi siya gumagamit ng mga high tech gadget sa operasyon, isang maliit na agimat na may nakaukit na muka ni Gloria lang ang bertud.

    Golfer ang lekat, pero habang naglalaro ng golf course, dun na rin niluluto ang mga oplan-nakaw nila. Kasama si Ben Apalos (din) at iba pa nilang kapuso’t kapamilya sa pandarambong.

    Deboto siya ni St. Luke. Kasi naman, sumakit lang ang tiyan sa katakawan, takbo agad sa St. Luke’s Medical Center. Doon, handa lagi ang mga sakristan ni St. Lukes sa political surgery ng kanilang suki.

    Mahilig din sa alak si kumag. Paborito niya ang Black Libel. Nung malasing nga, lahat ng peryodista, kinasuhan. Pero nang mawala ang tama, urong-demanda.

    Mas mahusay syang kriminal kesa abogado. Pinatunayan niya yan ng maraming beses. Pruweba? Walang ebidensyang nakuha laban sa kanya sa sandamakmak na kasong ibinato sa kanya. Inosente palagi ang damuho.

    Pero mas mahusay siyang negosyante kesa pagiging kriminal at abogado. Pruweba uli? Sa lahat ng negosyante, siya ang kumikita ng limpak kahit walang puhunan. Tabi ang mga Ayala, Sy, Gokongwei at iba pa … panis sila ke FG pagdating sa business.

    Soft spoken po siya. Kaya nga First Gentleman ang tawag sa kanya e. Dapat maginoo, kaso medyo(?) bastos sa bayan e.

    Bakit Unang Ginoo ang titulo ni Mike, e wala namang Ikalawang Ginoo si Gloria? Meron ba?

  56. Balweg Balweg

    Igan Grizzy…sa ating pagbabalik-tanaw ng ating kasaysayan, kasi nga…ito ang salaminan ng ating pangkasalukuyang buhay.

    At present, e pwedeng masabotahe at ilihis ang tunay na istorya ng ating kasaysayan.

    Source: Blair & Robertson, The Philippine Islands, volume 3, pp. 105-107.Translation from the Spanish by Alfonso de Salvio.

    The Spaniards’ first 50 years in the Philippines, 1565-1615: A sourcebook

    Act of taking Possession of Luzon, 1570:

    In the island called by the natives “Luzon the greater,” in a town and river of the same called Manila, on the sixth of June in the year one thousand five hundred and seventy, the honorable Martin de Goite, his Majesty’s master-of-camp in these Western Islands, declared before me, Hernando Riquel, chief government notary, and in the presence of the undersigned witnesses, that, inasmuch as—a thing well and generally known—his Excellency being in this river of Manila, with the men and ships accompanying him, and having made peace and drawn his blood with two chiefs, styling themselves kings of this said town (by name Soliman and Raxa respectively), and without giving them cause or treating them in a manner that would make the said natives change their attitude, the above said chiefs began war treacherously and unexpectedly, without advising him beforehand; and wounded and seized certain Indians accompanying us. After that they discharged the artillery in their fort, two balls from which struck the ship “San Miguel,” on board of which was the said master-of-camp. He, in order to guard himself from the injury which the said Moros were doing him in starting the war, and to prevent their artillery from harming his men, attacked the said fort of the Moros, and captured it by force of arms and is now in possession of it. And inasmuch as the said fort and town of Manila have been won in lawful and just war, and since, according to the said natives, Manila is the capital of all the towns of this said island: therefore in his Majesty’s name, he was occupying and did occupy, was taking and did take, royal ownership and possession, actual and quasi, of this said island of Luzon and of all the other ports, towns, and territories adjoining and belonging to this said island. Moreover, as a sign of real occupation, he ordered his ensign to raise the flag of his company on the fort built by the natives, had the artillery found in the said fort taken for his Majesty, and performed other acts and duties as a sign of real occupation. And when he had thus taken the said possession in his Majesty’s name, he asked me, the aforesaid notary, to certify and attest it, and to draw up a statement so that the proceeding might be clearly set forth. In fulfilment of that demand, I, the said Hernando Riquel, certify, as an actual witness, to whomsoever may see this present, that the said master-of-camp took and seized in his Majesty’s name the said possession in the manner above specified. And in affirmation of the above I draw up this statement, which the said master-of-camp signed; witnesses to all the abovesaid being the sergeant-major Juan de Morones, the high constable Graviel de Rrivera, the ensign-in-chief Gaspar Ramirez, and many other soldiers in the said fort.

    MARTIN DE GOITE

    Drawn in my presence:

    HERNANDO RIQUEL

    Collated with the original, which is in my possession.

    HERNANDO RIQUEL

    [Endorsed: “Possession taken of the island of Luçon in his Majesty’s name.” “Possession of Luzon.”]

    Nabanggit sa letter na ito, ang Manila is the capital of all the towns of this said island.

    Papaanong ang mga Kabalen ang siyang naghaharing-uri sa panahon ng mga Kastila?

    32 Bound up with the MS. of this document, in the archives at Sevilla, are similar official acts for “the islands of Luban, Similara, Baluyan, Helin, and Vindoro.”

  57. Noon pang madalas sa St. Luke’s si Bansot, puro retoke na ang ginawa. Ngayon lumabas na ang tutoo. Pero bakit hindi na lang kay Dra. Vicky Belo? Siguradong hindi naman magseselos si Belo sa kanya kay Haydeen Kho dahil di naman sira ulo si Haydeen na papatulan si Bansot.

  58. boyner boyner

    Tulad ng nasabi ko na, itong demonya ay mulat mula laging nauuna ng isang hakbang at tuso na di dapat ipagwalang bahala. Matuloy man o hindi ang automation ng eleksyon, malinaw na ang kasamaan ang mangingibabaw. Tuloy ang maliligayang araw ng mga halimaw na pamilyang Arroyo at kanilang mga kasangga. Kawawang Pilipinas!

  59. @Grizzy
    Hindi tagalog ang central luzon noong pre hispanic era nagpalit lang sila ng wika.
    ——————————————-
    Tondo as the capital of the Luzon Empire

    Tondo achieved its greatest power during the reign of Rajah Lontok and his consort Dayang Kaylangitan believing that she bore her talents from her Tawalisi princess, Urduja which happened to be her ancestor through his father Rajah Gambang. Gat Lontok who was then of a malay descent from the house of Bolkiah inherited Tondo and made her the center of trade between China, Japan, Middle East and Malay kingdoms. Luzon Empire managed to protect her realms and possessions, including subjugated kingdoms of Dilaoan (Bicol), Diwata (Batanes), Kumintang (Batangas) and Tawalisi (Pangasinan). She also bears royal marriages through the Sultan of Sulu and Butuan as to complete the security of the entire archipelago for nearly a century before the spanish came.
    http://en.wikipedia.org/wiki/Kingdom_of_Tondo#Tondo_as_the_capital_of_the_Luzon_Empire
    ——————————————

  60. parasabayan parasabayan

    Look at where Tondo is now, under pile of garbage!

  61. dandaw dandaw

    Rose,
    Antique sounds good. Seguro sariwa ang huyup ng hangin diyan. I have a friend from Carit-an, maybe we will plan to visit one day. Kong sakali bumaliktad ang paya dapat sa politician na magnanakaw pa trabahoin sa calle para hindi na mabuluk ang carsada. Iyon ang dapat iparusa sa kanila. Hard Labor.

  62. Since gloria likes claiming that she is a descendant of lakandula(lakandula is a descendant of urduja/deboxah like R.Solaiman),she can also claim to be a descendant of urduja/deboxah,if her claims are true,if she claims that she is the successor of Luzon Empire/kingdom kahit na kapampangan ang mga hari at reyna nito hindi siya pwedeng mag-succeed nito dahil ang mga Soliman/Solaiman lang ang mga tunay heirs ng Luzon Empire centered in tondo and manila kaya di siya pwede maging heiress.

    Sino ba ang mga presidentiables natin ang mga nanggaling sa Tupas(Visayas),Soliman(Luzon),Kiram(Sulu) at sa iba pa’ng legitimate royal clans?

  63. #

    Since gloria likes claiming that she is a descendant of lakandula(lakandula is a descendant of urduja/deboxah like R.Solaiman),she can also claim to be a descendant of urduja/deboxah,if her claims are true,if she claims that she is the successor of Luzon Empire/kingdom kahit na kapampangan ang mga hari at reyna nito hindi siya pwedeng mag-succeed nito dahil ang mga Soliman/Solaiman lang ang mga tunay heirs ng Luzon Empire centered in tondo and manila kaya di siya pwede maging heiress.

    Sino ba ang mga presidentiables natin ang mga nanggaling sa Tupas(Visayas),Soliman(Luzon),Kiram(Sulu) at sa iba pa’ng legitimate royal clans?

  64. norpil norpil

    in a way we are lucky to be living in present thus being able to influence or some of us maybe make history, i.e.,to be able to kick out the biggest pinoy plunderer of all time.only question is can we or this generation up to this task.

  65. Paatras na ang usapan dito, mamaya si Moses na ang topic. Nasaaan ka na Jose Miguel, dagdagan mo pa, mga dalawang dangkal na comments tungkol sa panahon ng mga Kastila, hahaha!

    Buti na lang napatawa ako ni Taga-Bulakan sa kanyang Black Libel at political surgery sa St. Luke’s!

  66. xman xman

    Kitang kita na natin na 100% control ni pandak at baboy yong full automation. Lutong luto na yong 2010 election.

    http://www.tribune.net.ph/commentary/20090704com2.html

    Ang hindi ko matanto ay bakit ang publiko o ang Senate ay hindi gumagawa ng aksyon para ihinto ang fully automated election.

    IHINTO ANG FULL AUTOMATION, IBALIK SA MANUAL.

    Itong $7.2B contract ay isang malaking tongpats lang para kay “carried partner Mr. xbaboy”, Aboitiz, tongpats ni mr. xbaboy na makukuha nya sa Smartmatic, TIM, at iba pang ma totongpats nya sa fully automated election. Plus fully automatically manipulated ni pandak at mr. xbaboy kung sino ang mananalo sa 2010 election.

    CANCEL FULLY AUTOMATED ELECTION.

    Wala na ba itong pag asa para ma cancel at ibalik sa manual?

  67. The US through the US Embassy in Manila has announced her wish that RP pushes through the 2010 election. That’s a clear message to GMA. Pero hindi naman sinabi ng US na huwag mandaya.

Comments are closed.